Once Mine, Always Mine

By Shettered

4.5M 40K 1.7K

[Editing...] You've hurt me once and I promised myself I won't let you do it again. -- Rebecca April Fuentes ... More

Once Mine, Always Mine
Once Mine, Always Mine -- Chapter 1
Once Mine, Always Mine -- Chapter 2
Once Mine, Always Mine -- Chapter 3
Once Mine, Always Mine -- Chapter 4
Once Mine, Always Mine -- Chapter 5
Once Mine, Always Mine -- Chapter 6
Once Mine, Always Mine -- Chapter 7
Once Mine, Always Mine -- Chapter 8
Once Mine, Always Mine -- Chapter 9
Once Mine, Always Mine -- Chapter 10
Once Mine, Always Mine -- Chapter 11
Once Mine, Always Mine -- Chapter 12
Once Mine, Always Mine -- Chapter 13
Once Mine, Always Mine -- Chapter 14
Once Mine, Always Mine -- Chapter 15
Once Mine, Always Mine -- Chapter 16
Once Mine, Always Mine -- Chapter 17
Once Mine, Always Mine -- Chapter 18
Once Mine, Always Mine -- Chapter 19
Once Mine, Always Mine -- Chapter 20
Once Mine, Always Mine -- Chapter 21
Once Mine, Always Mine -- Chapter 22
Once Mine, Always Mine -- Chapter 24
Once Mine, Always Mine -- Chapter 25
Once Mine, Always Mine -- Chapter 26
Once Mine, Always Mine -- Chapter 27
Once Mine, Always Mine -- Chapter 28
Once Mine, Always Mine -- Chapter 29
Once Mine, Always Mine -- Chapter 30
Once Mine, Always Mine -- Chapter 31
Once Mine, Always Mine -- Chapter 32
Once Mine, Always Mine -- Chapter 33
Once Mine, Always Mine -- Chapter 34
Once Mine, Always Mine -- Chapter 35
Once Mine, Always Mine -- Chapter 36
Once Mine, Always Mine -- Chapter 37
Once Mine, Always Mine -- Chapter 38
Once Mine, Always Mine -- Chapter 39
Once Mine, Always mine -- Finale
S H A N A .....
UNTITLED..

Once Mine, Always Mine -- Chapter 23

87.1K 793 39
By Shettered

Chapter 23

 "Thank you." Sabi ko pagbaba ng kotse niya.

"You're welcome." Lumabas na naman ang walang humpay na ngiti niya at kumaway sa pwesto ko.

Pinaandar niya na ang kotse niya at naiwan na akong mag-isa sa tapat ng Shop. Pangalawang beses na akong niyayaya ni Paul na mag-lunch sa labas tuwing vacant niya. Hindi naman mahirap pakisamahan si Paul. Hindi din ako naiilang kahit hindi ganoon katagal ang pagkaka-kilala namin sa isa't isa. Alam ko naman na mabuting kaibigan si Paul. Hindi mawawala sa kanya ang pagka-ngiti niya.

Naglakad na ako papunta sa Shop. Tanghali na kaya marami-rami ang customer sa loob. Karamihan sa crew ay nagmamadali. Hinanap ng paningin ko si Denzel, natataranta din siya tulad ng iba. Ang gwapo niyang tignan pag ang buhok niya ay gulo-gulo. Mas nagmumukha siyang hot. Urgh! Niyugyog ko ang ulo ko. Dapat hindi matuon ang isip ko sa kanya.

Naglakad na ako patungong office. Nararamdaman ko ang tingin niya sa akin kahit nakatalikod lang ako. Lagi siyang ganyan nang nakalipas na tatlong araw, laging nakatingin lang parang laging may gustong sabihin. Sige sabihin na natin na gusto ko na din siyang kausapin kaso naiinis pa din ako sa kanya.

Hindi naman ibig sabihin na galit ako sa kanya magbabago ang nararamdaman ko. Ano ako pa ba ang kakausap sa kanya pagkatapos ng hindi pag-sipot sa akin? Ako pa ba gagawa ng paraan para mapatawad ko siya agad-agad? Ganoon na lang ba kabilis 'yun? Wala man lang bang suyo?

Oo nga ayaw ko na ulit na masaktan kaso hindi man lang ba niya sasabihin kung sino ang kasama niya at kung bakit nakalimutan niya ang dapat na date namin?

Nasayang ang effort ko na magdamit ng maganda at laging naka-ayos. Wala man lang ba siyang pakialam kahit na ganoon ako manamit? Akala ko pa naman makikita ko na ang pagsisisi niya kung bakit niya ako hindi sinipot at pinagpalit sa babaeng kakarag-karag niya.

Alam ko naman na may anak na ako, pero anak niya din 'yun. Bakit kailangan niya pang mangbabae. Hindi pa ba ako sapat para mahalin niya ulit, na kailangang ipamukha sa aking, nagamit na kita kaya ibang babae naman.

Nandito na ako sa bahay. Nakauwi na din si Mila. Kami na lang tatlo ang nandito sa kwarto. Kakatapos lang naming magpunas. Ang dalawa hindi pa din natutulog. Kahit na nakahiga ay dilat pa din ang mga mata. Nakatingin lang sila sa isa't isa. Ang sarap nilang tignan. Nakasandal lang ako sa headboard, nagbabasa.

"Papatayin na ni Mommy ilaw, tulog na dali." Sabi ko sa kanila. Nilapag ko na ang librong binabasa ko sa nightstand. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw ng kwarto.

Hinahagod ko ang mga likod nila para makatulog na. Ganyan ang laging kong ginagawa kung hindi sila makatulog. Pinaghele ko na din para mapabilis. Naramdaman ko na lang ang paghina ng paghinga nila, ibig sabihin lang 'nun ay tulog na sila.

Inayos ko muna ang pagkakahiga nila at kinumutan. Sumunod na din akong humiga. Nakaharap lang ako sa kisame. Kahit pala ako ang may galit sa kanya hindi ko pa din kayang layuan siya. Bakit kasi ang tanga niya? Bakit kasi ang tanga ko? Bakit ang tanga namin parehas!!

Siguro naman may rason siya kung bakit hindi siya nakarating sa date namin. Dapat pinakinggan ko na lang siya kesa nahihirapan ako ngayon ng ganito dito. Hindi yung nanghuhula lang ako kung ano ba talaga ang nasa isip niya.

Naramdaman ko na lang na bumigat ang mga mata ko at nakatulog na.

"Rebecca!"

"Rebecca!"

Urgh. Kanina pa yan. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o totoong may sumisigaw talaga ng pangalan ko.

"Rebecca!"

Sigaw na naman. Bumalikwas na ako at inihagis ang kumot na bumabalot sa akin. Tinignan ko ang orasan sa nightstand. Alas dos na ng madaling araw. Sino bang baliw ang magtatangkang mangbulabog ng ganitong oras.

Tinignan ko muna ang dalawa, buti na lang tulog na tulog sila at hindi nagigising sa sigaw ng kung sino mang tao 'yun. Tumayo na ako at tinignan kung sino man 'yun sa bintana.

Nakita ko 'dun si Denzel na pagewang-gewang sa kalsada. Urgh. Anong ginagawa niya ng ganitong oras. Kinuha ko muna ang robe ko at sinuot. Bumaba na at binuksan ang pintuan, dumiretso sa gate. Naabutan ko dun si Denzel na nakaupo na sa tapat ng gate namin.

Lumait ako at iniyugyog.

"Denzel!" Tawag ko sa kanya. "Tumayo ka nga dyan." Inalalayan ko siyang tumayo. Pinatong ko sa balikat ko ang braso siya. Ang bigat. Amoy na amoy ko din ang alak. Kumakapit sa ilong.

"Hmmm." Sagot niya sa akin.

"Sira ka ba. Ano bang pumasok sa kokote mo at pumunta ka dito ng madaling araw. Nagsusumigaw ka pa dyan sa labas. Pasalamat ka walang nagroronda ngayon." Sigaw ko sa kanya.

"Hmmm." Sagot na naman niya. Urgh! Lasing nga pala siya.

Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa living room. Hiniga ko siya sa couch. Nag-inat muna ako ng katawan. Feeling ko dinaganan ako ng isang elepante. Ang OA ko. Sabagay lalaki siya kaya natural lang sa babae ang mabigatan sa mga malalaking bagay.

"Rebecca." Sabi niya. Tinignan ko naman siya habang inaalis ang sapatos niya sa kanang paa.

"Bakit?" Sagot ko. Binalik ko na ulit ang tingin sa paa niya.

"Rebecca." Tawag niya ulit.

"Bakit?" Tumayo na ako.

"Penge ng tubig." Pumunta naman ako sa kusina at ikinuha siya ng tubig. Ibang klaseng lasing 'to demanding.

Pagdating ko sa sala ay inabot ko na agad ang tubig sa kanya.

"Rebecca." Tawag na naman niya sa akin. Nakatayo lang ako sa harap niya at kinuha ang baso para ilagay sa coffee table.

"Ako ba ay pinag-t-tripan mo Denzel. Kanina mo pa tinatawag ang pangalan ko."

Umiling-iling lang siya at humiga na sa couch. "Wag ka nang lalapit kay Paul, Rebecca. Pagnakikita ko kayo nasasaktan ako." Tinignan ko lang siya, nakapikit lang ang mga mata niya.

"Pinaghandaan ko talaga ang date natin. Ilang araw ko ding pinagpuyatan 'yun para lang maging maganda. Nagkaroon lang ng problema sa kompanya kaya nakalimutan kitang tawagan o kaya itext. Masyado akong naging busy nung mga araw na 'yun. Ang sama ko.. Nakalimutan ko pa ang pinaka-importanteng araw para sa akin. 'Yun na yung araw para mapatunayan kong mahal kita. Mahal na mahal." Nakapikit pa din ang mga mata niya habang sinasabi niya 'yun. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman niya ngayon. Baka mamaya niyan pinag-t-tripan niya lang ako.

"Alam mo Denzel lasing ka lang kaya nasasabi mo lahat ng yan." 'Yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Tama lasing lang siya kaya kung anu-ano na lang ang mga sinasabi niya.

"Oo nga lasing ako pero nasa tamang katinuan pa din ang pag-iisip ko. Kung sana dumating lang ako hindi mo na sana nakilala 'yang Paul na yan. Eh di sana hindi ako nagseselos ng ganito. Hindi ko sana siya pinag-iisipan ng masama tuwing kasama mo siya. Gustong gusto kong putulin ang leeg niya wag mo lang makasama ang lalaking 'yun."

"Tama na yan Denzel. Naparami ata ang inum mo kaya kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig mo." Ano bang nangyayari sa kanya?

Tumayo siya at niyakap ako.

"Layuan mo ko. Umuwi ka na." tulak ko sa kanya pero masyado siyang malakas kaya kahit anong tulak ko sa kanya hindi pa din siya bumibitaw sa akin.

"Hindi Rebecca. Ngayon lang ako naglakas ng loob na lumapit sayo, bakit kasi inuna ko pa ang duwag ko kesa sa pagmamahal ko sayo. Selos na selos na ako, Rebecca."

"Magkaibigan lang kami ni Paul." 

"Kung para sayo kaibigan lang ang tingin mo pero sa kanya. nakikita ko sa kanya kung paano kita tignan. Gusto ka niya Rebecca. Gusto ka niya." Nararamdamn ko ang init ng hininga sa leeg ko.

"Ako ang nakakasama niya kaya alam ko na kaibigan lang ang turing niya sa akin." Sigaw ko sa kanya. Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanya kaso ayaw pa din magpatalo. Ako na lang ang unang bumigay kaya hinayaan ko na lang.

"Pero iba ang tingin niya sayo. Lalaki ako kaya alam ko ang kahulugan ng bawat titig niya sayo."

"Wag mong aakusahan ng ganyan si Paul, Denzel. Wala kang alam. Wala kang alam kung paano niya ako sinamahan, kung paano niya ako pinasaya noong araw na hindi mo ako sinipot. Hinintay kita ng ilang oras pero kahit anino mo walang nagpakita. Eto pa nakita nga kita pero ang nakakagulat may kasama kang ibang babae. Ang lapit niyo nga sa isa't isa kulang na lang magpalit na kayo ng mukha sa sobrang lapit." Hindi ko alam kung ano-ano ng lumalabas sa bibig ko. Masyado na akong nadadala sa mga sinasabi niya.

"Mali ang nakita mo Rebecca. Kaibigan ko lang si Jemme. Sinama lang ako ni Floyd sa bar na 'yun. Tsaka ko nakita si Jemme na lasing na lasing, tinulungan ko lang siya." Nilayo niya ako sa kanya at pinagtama ang mga mata namin.

Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsasabi ng totoo pero hindi pa rin mawawala sa akin ang masaktan. Bakit kasi may kaibigan pa siyang babaeng lasenggera!

"Wow! Kaibigan din. Parang ako kaibigan ko lang din si Paul. Pero kung makabintang ka kay Paul."

"Are you jealous? Kasi ganoon ka din kay Jemme. Kaibigan ko lang din siya." Nakita ko ang labi niya na ngumisi.

Nagseselos ba ako? Of course not! 

"Hindi ako nagseselos ang kapal ng mukha mo! Umalis ka na nga sa pamamahay ko." Sabay tulak ko sa kanya patungong pintuan. Ako pa ang aakusahan niyang ganoon. Hindi naman ako nagseselos 'nu. Kahit ilang babae pa ang alalayan niya pag lasing!

Bigla naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako, nagpabigat siya sa akin. Nararamdaman kong hindi naman talaga 'to lasing. Niyugyog ko na naman siya kaso hindi na nagalaw. Eto na naman ang bigat niya.

Inalalayan ko na lang siya pabalik sa couch para makahiga ulit. Nang masigurado kong ayos na ang pwesto niya kumuha ako ng unan at kumot sa kwaro para mas maging komportable siya. Kahit papaano naman may awa pa din ako sa kanya. Natural naman na maawa ang amo sa empleyado si ba?

Nagising na lang ako ng umaga ng wala na ang mga bata sa tabi ko. Hinanap ko sa paligid pero wala talaga. Hindi ko namalayan ang oras ng pagtulog ko kagabi. Panaginip lang ba ang lahat ng 'yun. Sana nga panaginip na lang kaso ang bigat talaga ng katawan ko. Nararamdaman ko pa din ang pagbuhat ko sa kanya. Ang kapal ng mukha.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Mamaya na lang ako mag-aayos ng sarili, hapon na lang ako papasok.

Nadatnan ko ang kambal at si Denzel na nasa kusina. Ghawd!

"Bakit nandito ko pa rin." Sigaw ko kay Denzel. Nakalimutan kong nandito nga pala siya sa bahay kaya ang laking posibilidad na magkita sila.

Lumapit na ako sa dalawa na nasa highchair nila.

"Nagugutom kami ng mga anak ko kaya nagluto kami. I hope you don't mind." Sabi niya at binalik na ang tingin sa niluluto niya.

Tama ba ang narinig ko? Sinabi niya ba talagang mga anak ko. Myghawd! Tinignan ko naman ang dalawa na naka-upo lang. Bakit parang sanay na sanay sila. Hindi ba sila nagtataka kung bakit may ibang tao sa bahay?

"Dada. Gutom na Nana." - Shana habang niyuyugyog ang paa niya sa highchair.

Continue Reading

You'll Also Like

937K 34.1K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
2.2M 35.7K 47
#41 in romance(03/19/17) "You can't scape. from now on you will going to live with me" Lumapit sya sakin and hold my chin "but-" nilagay nya ang hi...
270K 2.1K 6
Aria Austra Lindsei is a sophomore student in Easton University who always involved herself in many different fights. She's independent, smart, and g...
1.6M 17.1K 49
ALL RIGHTS RESERVED. Ashton Jimenez is a famous young bachelor with an almost perfect life; Having a loving girlfriend, cool parents, and a wealthy l...