His Bed Warmer Wife

By vampiremims

41.5M 86.2K 6.5K

Mula pagkabata pa lamang ay ramdam na ni Stephanie ang galit sa kanya ni Paul Jake, galit na hindi niya mauna... More

His Bed Warmer Wife
02
03
04
05
06

01

1.2M 14K 1K
By vampiremims

Stephanie


Nagising si Stephanie dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na nasa gilid ng lamesa niya. She remembered she set her alarm because she needs to wake up early today but now that it's making a noise, all she wanted to do is to regret putting her alarm on. Impit siyang napaungol at itinakip ang unan sa ulo upang ignorahin ang maingay na tunog ng orasan niya.

Hindi naman nawala ang nakakairitang ingay ng alarm niya na boses ng bestfriend niya na mismong naglagay ng tunog na iyon para tiyak na babangon siya. Her pillow wasn't able to stop her voice from going to her ears.

"Five minutes pa, please? Gusto ko pang matulog..." usal niya na para bang naiintindihan siya ng alarm clock niya. She wanted to sleep more because she wasn't able to have a decent sleep the past days, maybe weeks. Sobrang abala siya ngayon sa paggawa ng iba't ibang mga cakes, cupcakes, cookies at desserts para sa bakeshop nila ng bestfriend niyang si Cristine. Dalawang taon na rin ang negosyo nila at kahit na matatawag na start-up pa ang business nila, marami na ang nakakakilala sa negosyo nilang iyon. Marami na ang orders na natatanggap nila, at dumarami na rin ang mga repeat customers nila.

She was so ready to sleep more when she heard a knock from her door. Tuluyan na siyang napasimangot nang lingunin ang pinto ng kwarto niya.

"Stephanie, hija? Bumangon ka na at baka ma-late ka pa,," narinig niya ang tinig ni Nanay Melda mula sa labas ng pinto. Gusto pa talaga sana niyang manatili sa kama at ipahinga ang katawan ngunit wala na rin siyang nagawa kung hindi ang bumangon. Matalim ang tingin niya sa cellphone na nasa may itaas ng maliit na cabinet niya at pinatay na iyon para mawala ang nakakairitang tunog.

Mabilis niyang ipinusod ang buhok at pinagbuksan ang matanda na nasa labas ng kwarto niya. Agad naman niyang nakita na nakangiti ito sa kaniya. "Good morning po," bati ni Stephanie sa matandang halos naging ina na niya na simula ng maulila sa mga magulang.

"Magandang umaga rin naman, hija. Mukhang puyat ka at nanlalalim ang mga mata mo," kumunot ang noo nito habang pinagmamasdan ang mga mata niya. Ramdam niya ang pag-aalala sa boses nito dahil tuwing gabi ay ito rin naman ang sumasalubong sa kaniya kapag umuuwi siya.

"Napuyat lang po dahil may ginagawa kaming mga bagong cake ni Cristine," she smiled at her and walked back inside her room. Sumunod naman din ito sa kaniya at dumiretso sa kama niya upang ayusin ito.

"Ako na po ang mag-aayos niyan, Nanay Melda," awat niya sa matanda na mabilis niya ring nilapitan ngunit iniwas ang kamay upang hindi niya mahawakan. Napasimangot naman siya sa ginawa nito pero alam niya naman din na hindi niya mapipigilan ito sa gusto nitong gawin.

"Kuuu! Ako na rito, maligo ka na at Linggo ngayon, hinihintay ka na ng Lolo mo at sabay raw kayong magsisimba. Alam mo namang ayaw ng matandang iyon na nagsisimba na hindi ka kasama," ani Nanay Melda na nakangiti sa kaniya. Ipinagpatuloy nito ang pag-aayos ng hinigaan niya at hindi na siya pinansin kaya naman tumango na lang din siya rito.

Lihim niyang kinastigo ang sarili sa isipan. Linggo nga pala ng araw na iyon at nangako siya kay Lolo Rafael na sabay silang magsisimbang dalawa.

Kinuha niya ang gamit at nagtungo na rin kaagad sa banyo upang mag-ayos ng sarili.

Labing-anim na taon na rin siyang naninirahan sa mansion kasama sina Lolo Rafael, Nanay Melda at ang iba pang kasambahay roon. She was three years old when her biological father died and she was six years old when her mother drowned from saving her and eventually died, too. Naiwan siyang mag-isa at ulila sa magulang.

Aminado siyang maswerte siyang inampon siya ni Lolo Rafael. Ibinigay nito ang lahat sa kaniya, mga bagay na higit pa sa kailangan niya. He treated her like she's his granddaughter, actually. Pinag-aral siya nito sa mamahalin na eskwelahan, binihisan, pinakain. Malaki ang pasasalamat niya sa matanda sa lahat ng ginawa nito sa kaniya kaya naman lahat ng makakapagpasaya sa matanda ay ginagawa niya, kahit pa pagsama rito sa golfing club na hindi niya naman nakahiligan ay ginagawa niya dahil masaya siyang makita ang matanda na masaya.

She looked at the mirror inside her bathroom. She breathed heavily and showed her practiced smile. "Kaya mo 'yan, Stephanie. It is a brand new day. Kaya mo 'yan," pagpapalakas niya sa loob niya. It was one of her daily routine. Araw-araw ay kailangan niyang palakasin ang loob niya dahil araw-araw rin naman ay tila ba lagi siyang may kailangan na patunayan. Naiisip pa lang niya ang mga posibleng sumbat na marinig niya ay napapasimangot na siya.

Lumabas na rin siya kaagad ng banyo matapos magbihis at nagsuot na rin ng bestida na tinernuhan niya ng sneakers. Hindi siya madalas na nagsusuot ng may takong na sapatos, tuwing may okasyon lang dahil sinasabihan din siya ni Lolo Rafael na kailangan ay iaayon niya sa okasyon ang suot niya. Maliban doon ay hinahayaan na siya nito sa gusto niyang suotin.

Si Lolo Rafael ang nabungaran niya pagpasok niya sa dining room. Agad naman itong ngumiti nang makita siya roon. "Good morning, Lolo." Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi.

"Good morning hija, you woke up late? Masyado mo na yatang pinapagod ang sarili mo sa trabaho," komento nito ng makaupo na siya.

"Hindi naman po, Lolo. May mga sinusubukan lang kaming bago ni Cristine kaya late na po akong nakaka-uwi," nakangiti niyang sagot sa matanda. Kilala naman din nito si Cristine dahil naipakilala na niya ang bestfriend niya rito.

Lahat naman ng tao sa mansion ay kasundo niya. Lahat ay mababait din sa kaniya dahil na rin sa tagal niyang naroon sa mansion. Doon na siya lumaki, nagkaisip, nag-aral hanggang sa makapagtapos siya. Isang tao lang naman ang ayaw na nakikita siya roon, ang taong kahit na yata anong gawin niya ay mamasamain nito–ang apo ni Lolo Rafael na si Paul Jake.

Ipinagpapasalamat na lang din ni Stephanie na wala roon ang lalaki at nasa ibang bansa ito. Kahit papaano ay nakakahinga siya ng maluwag at hindi niya rin nakikita ang matatalim na titig nito sa kaniya na para bang anumang oras ay matutumba na lang siya dahil doon.

Hindi niya mapigilan na mapangiti ng maliit nang maisip ang salubong na kilay ng lalaki habang nakatingin sa kaniya.

"Nangingiti ka, hija? May naalala ka bang magandang bagay o pangyayari?" napalingon siya nang marinig ang tinig ng matandang kasalo sa pagkain. Agad siyang napatuwid ng likod dahil sa sinabi nito at tumikhim. Hindi niya alam na napapangiti siya habang iniisip ang lalaki.

Thinking about him gives her a bittersweet feeling.

She'll admit, she likes Paul Jake. Matagal na rin siyang may gusto sa lalaki pero alam naman din niya na sukdulan ang galit nito sa kaniya at kahit na ano pa ang gawin niya, alam niyang hindi naman mapapawi ang galit nito sa kaniya. Alam niya rin na ang nararamdaman niya ay walang magiging sukli mula sa lalaki. Mas posible pang pumuti ang uwak kaysa magkagusto rin sa kaniya ang lalaki.

Matapos silang mag-agahan ay dumiretso na rin silang dalawa sa simbahan. Dumaan na rin sila sa palengke para mamili na rin ng mga prutas at ibang rekado sa lulutuin niya para sa tanghalian nila. Nagsabi na rin naman siya kay Nanay Melda na siya na ang magluluto ng kakainin nila sa tanghali.

"Mabuti na lang at may mga naabutan po tayong mga fresh pang prutas," nakangiti niyang sabi nang bumaba na sila ng sasakyan.

"Kaninong sasakyan iyan?" kumunot ang noo na tanong ng isang kasambahay na kasama namin nang lumabas na rin ito ng sasakyan. Nilingon din agad ni Stephanie iyon at hindi niya maunawaan kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya dahil doon. Hindi siya sigurado pero may hinala siya kung kanino ang sasakyan na naroon.

Imposible naman? Wala naman siya rito, ah?

"May inaasahan po ba kayong bisita, Lolo?" tanong niya sa matanda habang nakatingin pa rin sa sasakyan na naroon.

Tumango ito sa kaniya. "Si PJ."

Natigilan siya at nilingon ang matanda na nakangiti. Bakas sa mukha nito na sabik na rin itong makita ang apo nito.

Kumuyom ang kamay niya habang nakatingin pa rin sa sasakyan. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan... kinakabahan siyang makita ang lalaki dahil alam naman niya kung ano ang gagawin nito sa kaniya, pero kahit ganoon, nakakaramdam din siya ng saya na makikita niya itong muli.

Pumasok na sila sa loob ng mansion habang nasa isipan niya pa rin ang lalaki. Naroon si Paul Jake... iniisip niya kung bakit tila ba hindi man lang niya nabalitaan na uuwi na ang lalaki.

Hidi niya alam kung paano papakiharapan ang lalaki ngayon. It has been a year already since she last saw him. Naiisip niya rin kung ano na ba ang itsura nito ngayon.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob at halos pigilan ni Stephanie ang paghinga nang makita ang lalaking nakaupo sa may sala... it's him.

He's really here now...





Paul Jake


He received a call from his Dad. He wasn't planning on going home but his dad needed him to help them with their business. He was establishing their ecommerce business in Singapore and was planning to stay longer since the business is starting to do well but he couldn't say no to his parents. As much as he wanted to just ignore them, he can't. Hindi niya maalis na hindi tulungan ang mga ito.

He knows his dad's capabilities. Modesty aside, I have more knowledge in running a business than him. Nang makapagtapos sila ng pag-aaral ng mga kaibigan niya, nagsimula rin silang magtayo ng mga negosyo nila. Silang dalawa ni Thunder ang magkasama sa Singapore habang si Cupid at Blue ang naiwan sa Pilipinas para pangasiwaan ang negosyo nila.

He went straight to his Lolo's mansion from the airport. Hindi niya gustong umuwi sa bahay nila dahil alam niyang hindi rin siya titigilan ng ama niya sa pangungulit na tulungan niya ito. Alam niya naman na kung ano ang dapat niyang gawin.

"Lolo?" He looked around and walked towards his grandfather's room. Kumatok din siya roon pero walang sumagot sa kaniya kaya binuksan niya ang pinto. Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto ngunit wala siyang nakitang tao roon kaya naman lumabas na siyang muli at hinanap ito sa mansion.

"Lolo?" tawag niyang muli habang naglalakad papunta sa likod-bahay.

"Paul Jake? Ikaw na ba 'yan?"

Kumunot ang noo niya nang may marinig mula sa kusina. Agad namang lumabas si Nanay Melda na sinalubong siya ng ngiti at yakap. "Ay, ikaw na nga!" masayang sabi nito bago muli siyang niyakap.

He smiled a little and looked at her. "I missed you, Nanny," he said while looking at her. Ilang taon din siyang nanirahan sa mansion at si Nanay Melda na rin ang tumayong ina niya sa mga panahon na iyon. Ang matanda ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan niya noon, pati na rin ang kailangan ng ampon ng lolo niya.

"Kumusta ka na ba? Ay napaka gwapong bata mo na talaga! Siguradong matutuwa ang Lolo mo kapag nakita ka," masiglang sabi ng matanda sa kaniya.

"Nanny, matagal na akong gwapo," pagbibiro niya sa matanda na siyang ikinatawa nito. Muli siyang lumingon sa mansion. Tahimik sa loob ng malaking bahay kaya iniisip niya rin kung nasaan na ba ang ang mga tao roon... nasaan ang ampon ng lolo niya na mas pinagtutuunan nito ng pansin kaysa sa kaniya.

"Ay naku, kung hinahanap mo ang Lolo mo, wala pa sila. Kasama niya si Stephanie, nagsimba sila." Mukhang nahulaan nito ang nasa isipan niya kaya naman tumango na lang siya ng maliit dito.

Nakakapasok na pala ang may sungay sa simbahan? He smirked at that thought.

"I see. I will just rest in my room, then. It might take them a while since he's with... her."

Nakita niya ang paglungkot sa mga mata ng matanda dahil sa sinabi niya pero hindi naman lingid sa kaalaman nilang lahat na ayaw niya sa babaeng ampon.

"Parating na rin siguro ang mga iyon, PJ. Kumain ka na ba? Ipaghahain na muna kita," aya nito sa kaniya bago siya inakay papunta sa komedor ngunit hindi pa man sila nakakarating doon ay narinig na nila ang dumating na sasakyan.

"Nariyan na yata sila, pupuntahan ko lang, sandali lang." Nauna itong lumabas sa kaniya para tignan kung sino ang mga dumating. Agad naman din siyang sumunod hanggang sa sala at napagdesisyunan na roon na lamang maghintay rito. Naupo na lang ito habang hinihintay na makapasok ang mga bagong dating.

He waited for them and saw Lolo Rafael get inside the house.

"Lolo," he greeted him and walked towards him and gave him a hug. Niyakap naman siya pabalik ng abuelo. "How are you? It's been a while since I last saw you," sabi nito sa kaniya at tinapik ang likod niya.

"I'm fine, Lolo. You? How are you?" he asked him.

"I am doing good, apo. Malakas pa naman ako," sinabayan nito ng pagak na tawa ang sinabi. He looked at the door and creased his forehead. He thought they're together, where is she?

"Are you looking for Stephanie?" Lolo Rafael asked him when he also looked at the door. He shook his head and looked at him. "Why would I look for her?" he asked him back and asked him to sit down. Sumunod naman ito sa kaniya kaya sabay na silang naupo na dalawa. He made sure to position himself wherein he will be able to see who gets in and out from the door.

"How's Singapore?" his Lolo Rafael asked him after asking for tea from the helper. He looked at him and he shrugged a little. "It's fine. Clean as ever."

He chuckled a little. "I'm glad your business is doing well, apo." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito dahil hindi naman niya ito binabalitaan ng tungkol doon. It seemed like he read his mind and smiled a little. "Cupid told me. I saw him the other day when he drove Stephanie home. Nasiraan ng sasakyan ang batang iyon at mabuti na lang at dumating ang kaibigan mo."

Nakakunot pa rin ang noo niya habang nakatingin sa abuelo.

So it's Cupid now. Tapos na ang affair niya kay Blue kaya si Cupid naman ang target niya?

"Tulungan na kita, Stephanie."

He looked back when he heard Nanay Melda. Nakita niya ang babae na may dalang bags na pumasok sa loob ng bahay.

"Ako na po, Nanay Melda. Magaan lang naman ang mga ito." She smiled at her and looked at them. He tightened his jaw when he saw her. She's beautiful, yes. But that beautiful face can be deceiving. She's a gold digger in a simple floral dress. Kahit pa bihisan ito ng maganda ng lolo niya, alam niya ang totoong pakay nito sa kanila.

It has been a year since he last saw her. Kung may nagbago man dito, sa palagay niya ay ang lalong pagganda nito. Bata pa lang sila ay marami na ang nagkakagusto kay Stephanie, alam niya ang bagat na iyon at natitiyak naman din niyang hanggang ngayon ay marami ang humahanga rito. 

"Stephanie, come join us, ibigay mo na kay Melda ang mga iyan," sabi ng Lolo niya sa babae. Nilingon naman nito ang lolo niya at tumango ng maliit.

"Sige po, ilalagay ko lang muna ito sa kusina at kukuha na rin ako ng merienda," ngumiti ito ng tipid bago bumaling sa kaniya. Mabilis din naman itong nag-iwas ng tingin at hindi nakaligtas sa paningin ni PJ ang pamumula ng pisngi nito dail doon.

Nang makaalis na ang mga ito at muling bumaling sa kaniya ang Lolo niya. Sumimsim ito sa tsaa na hawak bago nagsalita.

"You know me as a frank person, apo. So, I'll ask you this now. What do you need, PJ?" diretsong tanong ng Lolo niya sa kaniya. Halos malasahan ni PJ ang pait sa mga labi niya dahil doon.

Wala pa ring pinagbago.

He breathed heavily and nodded his head. "Can you help Dad's business? He needs your help," he told him. He looked at him and he smiled a little. He knows that he's the only one who can help his dad on the financial aspects. Hindi niya pa kayang pahiramin ng pera ang ama dahil nagsisimula pa lang naman din ang negosyo nilang magkakaibigan.

"I can't do that." Isinandal ni Lolo Rafael ang likod niya sa upuan at diretsong tumingin sa kaniya. "What? Why?" his brow furrows. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw nitong tumulong sa kanila. Ayaw nitong tulungan ang sariling anak nito. He couldn't understand why it's so damn hard for him to help his own blood and it's so easy for him to help his adopted granddaughter.

He shrugged and looked at him. "You will understand my reasons in time, PJ."

He smirked and looked at his grandfather. "Are you really that selfish, Lolo?" hindi niya mapigilang langkapan ng iritasyon ang tinig.

"I am sorry, PJ... but my decision is final. I'm not going to help your dad." Mababakasan ng awtoridad ang mga salitang binitiwan nito.

He shook his head and heaved a sigh. Naiisip niyang nasayang lang ang pagod niya sa pagpunta roon. Tumayo na siya para umalis nang pumasok naman na muli si Stephanie na may dalang tray.

He looked at her and he saw she felt uneasy. Gusto niyang matawa dahil sa reaksyon ng babae sa harap niya. Napakagaling talaga nitong umarte kaya paniwalang-paniwala ang lolo niya rito.

"I'm going. Babalik na lang ako sa susunod," he told them while looking at Stephanie. Hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng iritasyon sa babae. Sa kagustuhan nitong makuha lahat ng yaman ng lolo niya, ultimo mga kadugo ay pinagdadamutan na nito.

"Paul Jake, magmeryenda ka muna..." pigil na sabi nito sa kaniya.

She's the only person who calls him by his full name. Isang taon niyang hindi narinig ang boses nito and yet, it's still the same. Sweet and innocent. Ang sarap pakinggan pero ang nagmamay-ari ng tinig ay isang mapagkunwaring babae.

What a shame.

"Thanks, but no thanks, I better get going." Nakita niya na dumaan sa mata nito ang kalungkutan at may kung ano na nagsasabi sa kaniyang bawiin ang sinabi ngunit namayani sa kaniya ang inis... sa babaeng ito at sa lolo niya.

Hindi na lamang siya kumibo at dumiretso sa labas ng mansion patungo sa sasakyan niya. Hindi niya maalis ang inis na nararamdaman sa babae lalo pa at tinanggihan ng lolo niya ang tulong na hinihingi niya. He knows she's manipulating him... she's probably urging him to not help them.

Inis na pumasok sa sasakyan habang nasa isip pa rin ang babae.

Makakabawi rin ako sa'yo, Stephanie. Makakaganti rin ako sa lahat ng ginagawa mo. Maybe not now, but soon. I know, I will. Soon.

Bigong pinaandar na lang niya ang sasakyan pauwi sa kanilang bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

561K 20.8K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
36.8M 294K 21
Some battles are better fought in bed. Lia Carbonel's story.
9.1K 70 6
You can now be my Patron or join my VIP Group/Spaces to read the stories in advanced!