SILVER's POV
Kanina niya pa ako tinitignan. Si Zylieng bilog. Pati mata niya namimilog. Kyot.
Pero, I just don't understand. Bakit pa kasi ayaw niya sabihin? Mamamatay ba yung kaibigan niya pag nalaman niyang girlfriend ko siya? Is this some kind of a thing with girls?
"Anong obvious?" tanong ni Yanny.
Well, that just means hindi obvious. Hindi na rin ako nagtaka. Tama naman si Zy. Nobody ever sees us together except our families. It's like we are secrely dating pero ang totoo nagkakatoon lang naman.
“W-wala…. Tara na kasi Yanny…” pagpupumilit niyasa kaibigan niya.
“Hindi may narinig talaga ako eh. Sinong sila na?"
Naghihilahan na sila palabas dito. Their other friend, Mikaela became really uneasy. Like she's torn between keeping what she saw, and telling the other about it.
"Ano ba kasi yun Zy? Sino ba yung mag-on? Bakit ba kayo nagtatago ng secret sa akin?" nagpumilit si Alyanna.
Kung nakakamatay lang ang titig, maybe I'm double dead, or worse. Kahina pa ako tinititigan ni Zylie, giving deadly stares with flying stabs telling me to keep quiet.
“WALA!!” para na siyang puputok na lobo.
“So ano na… B-baka naman ikaw S-silver…” nahihiyang humarap yung Yanny sa akin. “Baka ikaw yun? M-may girlfriend ka na?” I don't know how Alyanna can say that. We're not even close. I haven't even talked to her ever since I can remember. "At bakit mo kausap yung mga kaibigan ko?"
I almost nodded. Pero sumingit si Zylie.
"AKO! Ako nga yun! Tama ka. Yung S.T. na nakita mo. Sir Terrence nga ang ibig sabihin nun sa cellphone ko. Siya yung ka-text ko."
Mabilis naman umoo si Mikaela.
What is this? Magkatext ba sila talaga? Or is it all part of the act? Pati ako hindi na rin alam kung ano ang totoo?
“Sabi ko na eh!" P-pero.. bakit nandiyan si Silver?” tanong ni Yany habang hinihila siya.
“Wala lang yan… Hwag mo intindihin! TARA NA KASEE!” sagot ni Zylie habang pinipilit pa rin na hilahin si Yanny. “Halika na nga Mika!!” sigaw niya pa sa isa niya pang kaibigan.
Wala lang daw ako?
“Pancake sabihin mo na na---”
“KAMI NA NI TERRENCE!!!” sigaw niya. “KAMI NA ULIT? OKAY NA???”
It's like a bucket of cold water. Why does she have to say that? That she needs to deny our prefectly normal relationship at ipagsigawan na sila ng isang teacher? This is getting so fvcked up. I already said sorry. If she was hurt, sobra naman yung ganito. Right in my face.
"Napadaan lang si Silver…” sabi nung Mikaela habang itinutulak si Yanny pasunod sa pinuntahan ni Zylie.”
Tumingin din sa akin si Mikaela. Felt sorry for me? Why?
After a few minutes. Sumunod na lang ako sa canteen. I just can't sit like that.
“Zylie Zylie Hintayin mo naman kami!!! Explain explain!!!” habol nung dalawa kay Zylie. Napansin niya ba na sumunod ako? Tuloy-tuloy pa rin si Zylie sa paglakad. Pumila siya sa bilihan ng doughnut, kasunod yung dalawa niyang kaibigan.
I followed. Hindi pala nila alam na kasunod din ako. Because they're talking really loud. At hindi umiiwas si Zylie kahit na nasa dulo rin ako ng pila.
“WOI Zyla! Make kwento!!” masiglang sabi ni Yanny
“Shh… Hayaan mo muna si Zylie.”
“ISA NGANG DOUHGNUT MANANG!! ” narinig kong sigaw ni Zylie. Mainit yata ulo? Di niya pinapansin yung dalawa. Bakit? Galit ba siya? Siya pa nagalit?
“Anong donut??” nagulat yata yung manang na nagbabasa ng dyaryo. Napatayo at kinuha ang thong.
“ahhh….” Nagisip pa siya.
Habang nagiisip siya ng pipiliin niyang flavor ng doughnut, kahit feeling ko pareparehas lang naman yung lasa ng mga tinda doon. Marami pang pumila. Sobrang madami ng tao sa likod ko.
“Ikaw na.. Ikaw na…”
“Ikaw na kasi…”
“Sige ka pag nauna ako, wala ka na…”
“Sige ako na nga!!”
“Wala na sabi mo ako na eh..”
Napakamot na lang ako sa gulo ng mga nasa likod ko. Ano ba kasi ang pinapagunahan nila?
“Ahh… Silver!!”
“SILVER!!!!”
Lakas ng boses nila. Napalingon tuloy sina Zylie sa akin. Iba-iba tuloy yung reaksyon nila. Pati yung manang na nagtitinda ng doughtnut napatanga kasi ang ingay nga nung mga babae.
“Pwedeng…”
“WAH! AKO! Pwede bang maging—“
“SILVER PLEASE MAY PARTNER KA NA BA SA CHRISTMAS BALL???”
Christmas ball? Nga pala. May Christmas Ball kami. Dagdag gastusin pa. Kelan na nga ba ulit yun? Nawala na sa kalendaryo ko. Lahat ng juniors at seniors ay kasali sa Christmas ball. Bukod pa ito sa JS prom na mangyayari sa Valentines.
“Hala Zylie... Ibig sabihin, sa ball partner kayo ni Si—” tinakpan na ni Mikaela yung bibig ni Yanny bago pa nya maituloy ang sasabihin. Akala ni Mika napagusapan na namin ni Zy ang Christmas ball? Pero hindi pa talaga. Hindi ko pa nga yun naisip eh.
“Ano Silver… Kasi… Kung wala ka pang partner… Baka naman pwede kang maging escort ko….” Di makatinging sabi nung isang babae na sa totoo lang ay di ko kilala. Di ko nga matandaan kung ka-yearlevel ko sila eh. Baka nga 4th year na siya dahil hindi pamilyar.
“Ako Silver… Ako naman talaga naka-isip na imbitahan ka eh… May partner ka na ba?”
Partner? Di muna tinanong kung aattend ba ako o hindi. Katulad ngayong itinatanggi ako ng bilog na yun. Ayaw ko talaga umattend. Pero naisip kong kung aattend si Zylie. Gusto ko siya makitang all made up.
“Meron na…”
Bumagsak yung mga balikat nila. Tapos tumingin ako kay Zylie. Na hindi pa rin nakakabili ng doughnut hanggang ngayon. Nagulat pa siya na nakatingin ako.
“M-may partner na din ako! Kilala mo na Yanny kung sino yun.” sabi niya kay Yanny! Nag-iwas siya ng tingin. Anong pinapalabas niya? Partner sila ni Terrence? Pwede ba yun? Student tapos teacher ang escort? “KAHIT ANONG FLAVOR MANANG! NG MAKAALIS NA!” sigaw niya naman dun sa nagtitinda ng doughnut
“Ah Jeremy…” di ko napansin na may papalapit na pala. Si Bettina, ma hawak-hawak na mga papel. Masyado ko kasing tinitignan maigi si Zylie dahil di ko siya maintindihan. Nagulat na lang ako kasi Jeremy yung tawag niya. Kala ko tuloy kung sino.
"Mm?”
“Buti nakita kita! Yung tungkol kasi sa—”
“Uyy.. Silver… Pretty pretty please.. puchi puchi pooooo! Baka nagkukunwari ka lang na may partner ka na!” at tuloy-tuloy pa rin yung mga babaeng nagaaya sa ball. Nagulat yata si Bettina dahil ang weird nung mga babae.
“ETO PO ANG BAYAD!!!” sigaw naman ni Zylie. “TARA NA NGA!!”
I am seriously pissed off.
“OO! Buti nga dumating ka!” sabi ko kay Bettina tapos parang nagtaka siya.
"Are you expecting me?" di makapaniwalang bulong niya.
I pulled her close. If this is about acting. Let's see about this act.
“Sorry. I already asked her out.” I let Bettina face the girls. And my voice loud enough for Zylie can hear. Ang gulo na kasi. I told the girls na may partner na ako with the intention of telling them it is Zylie. Pero nung halos itanggi niya na ako, hindi ko pwedeng bawiin ko at sabihing wala naman talaga ako partner.
On my peripheral vision, I saw Zylie stopped.
Sorry. But I'm this mad.
*later*