I'm Courting Mr. Cold

By fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... More

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER IX - Meeting the Cassanova
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXVIII - Dinner
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVII - Bipolar
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIII - Birthday Present
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLV - Siguro
CHAPTER XLVI - New Mission
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple
CHAPTER LVII - Date Under The Moon
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!

4.4K 85 56
By fizz_chae07

CHAPTER 53

**YURI's POV**

"Mahal kita Jin Ren ko."

"Gayun din ako Yuri, mahal din kita."

Matapos naming magaminan ay dahan-dahang nagkalapit ang aming mga mukha hanggang sa magkalapat ang aming mga labi.

RIIIIIIING!!!!

Nagising ako nang dahil sa maingay na tunog ng alarm clock. Pinatay ko ito at saka tinignan kung anong oras na ba. Pagtingin ko'y alas sais palang naman.

Kyaaaaah!!! Di nga, nag-kiss kami ni Jin Ren ko!!! Kahit na panaginip lang iyon, kinikilig pa rin ako. Nyahaha

Pero teka nga, paano ako napunta rito sa kama ko? Sa pagkakatanda ko'y abala kami nina Jin Ren ko sa pag-aaral at...

at nakatulog ako? Ibig bang sabihin nito ay binuhat ako ni Jin Ren ko papunta rito sa kama ko? Kyaaah! Umaandar na naman tong pagkakilig ko!

 Matapos ang saglit na pagkakilig ay agad namang napalitan ng kalungkutan ang mukha ko. Naalala ko, exam day na pala namin ngayon at kasunod nun ay ang result day. Pagdating kasi ng result day, kailangan ko nang gawin yung kondisyong ibinigay sa akin ni Ren. At oo, yun nga ang kondisyong ibinigay niya, ang layuan ko siya ng tatlong buwan. Nakakalungkot. Iniisip ko palang yun, sumasakit na ang puso ko. Pero unfair din naman kasi kung hindi ko gagawin di ba? Nagkaroon kami ng deal kaya kailangan kong tumupad sa usapan namin. Isa pa, nagpakahirap siyang turuan ako.

Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

*Tok*Tok*Tok

"Iha, ako to. Gising ka na ba? Bumaba ka na nang sa gayon ay makapag-agahan na tayo."rinig kong sabi ni tita mula sa labas.

"Opo tita, susunod lang po ako."sagot ko naman. Pagkatapos ay narinig ko siyang sumagot ng,"Sige." at narinig ko na rin ang mga yapak niya na unti-unting humihina habang siya'y papalayo ng aking kwarto.

Tumayo na ako at saka nagsimulang ayusin ang aking kama. Pumasok na ako sa loob ng banyo para maligo at saka nag-toothbrush. Pagkatapos ay nagbihis na ako at nagsuklay ng buhok. Matapos ang pag-aayos ay bumaba na nga ako at nagtungo sa dining area.  

Pagdating ko'y nadatnan ko silang lahat na nakaupo na at tila ba'y ako na lang ang kanilang hinihintay para makapagsimula ng mag-agahan.

Nakakahiya naman. Ako na lang ang wala. pinaghintay ko pa talaga sila.

"Oh Yuri, andito ka na pala."bungad sa akin ni Tita.

"Halika na't mag-almusal na tayo!"salubong naman ni Granny.

Si Jin Ren ko naman, hayun at abala sa paghigop ng kape niya.

Napatingin siya sa akin. Ang buong akala ko'y babatiin niya ako ng good morning, pero yun pala, inirapan lang ako! Kakabadtrip! Ano na namn kaya ang problema ng lalakeng to! Bilang na nga lang ang araw ko na makakasama siya, tapos ganyan pa talaga siya sa akin. Hmp! Nalulungkot tuloy ako!

"Sige po!" magalang na sagot ko kina tita at Granny at pagkatapos ay naglakad na nga ako sa upuan ko. Syempre, sa tabi ni Jin Ren ko. Kahit na ganyan kasungit yan, di ko pa rin naman siya matitiis eh.

Pagkaupo ko palang, agad namang bumungad yung naiiritang tingin sa akin ni Maxine.

At ano rin naman ang problema ng batang to? Mas masama pa ang mga tingin niya ngayon sa akin kaysa dati. Tila ba'y gusto niya akong kainin. 

Grabe naman oh, umagang-umaga, eto agad ang nasapit ko?!

Matapos naming mag-agahan ay nagpaalam na kami kina Tita. Papasok na kasi kami sa eskwelahan.

"Oh Yuri, san ka pupunta?"tanong sa akin ni tita nang mapansin niyang naglalakad na ako palabas ng gate.

"Uhmm, sa labas po, maghihintay ng taxi."sagot ko naman.

Di rin naman kasi ako pwedeng sumabay kay Jin Ren ko papunta ng school eh. Mahirap na, baka pagkaguluhan pa kami kapagka nakita ng ibang mga estudyante na sabay kaming pumasok. Ayokong madawit pa siya sa isang iskandalo nang dahil sa akin.

"Ano bang pinagsasasabi mo. Sasabay ka kay Ren papuntang eskwelahan."balik-sabi naman ni tita. 

"Po?"gulat na sabi ko. Pagkatapos ay napatingin ako kay Jin Ren ko na kasalukuyang nakatayo malapit sa kotse niya. 

"Ang tanga-tanga talaga."mahinang sabi niya pero rinig ko naman. Pagkatapos ay tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kotse niya.

"Sige na, sumakay ka na at baka mahuli pa kayo."sabi naman ni Tita sa akin at pagkatapos ay lumapit siya dun kay Jin Ren ko.

"Ren, ikaw na lang din muna ang maghahatid kay Maxine ha. May sakit kasi si manong kaya di niya maihahatid si Maxine."bilin pa ng ina sa anak. Tapos, muli na namang tumingin sa akin si tita, at saka ako sinabihan ng,"Yuri, sakay na!"

"O-opo!"natatarantang sagot ko naman. Dali-dali akong tumakbo papunta dun sa sasakyan niya para sana dun ako sa passenger's seat umupo nang sa gayon ay matabihan ko si Jin Ren ko. Kaya lang, naunahan naman ako ni bubwit na Maxine sa pag-upo dun sa passenger's seat. At bago pa siya tuluyang sumakay sa sasakyan ay binelatan niya pa ako.

Di ko na lamang siya pinansin at umupo na ako dun sa backseat. Pero sa totoo lang eh, naaasar talaga ako sa batang yun. Masyado kasing kontrabida! >__<

 Mga ilang minuto pa'y narating na rin namin ang eskwelahan ni Maxine. Pero bago siya bumaba ng sasakyan ay nagpasalamat muna siya sa kuya niya.

"Salamat kuya!"nakangiting sabi niya. Sus! Tong batang to oh, pagdating talaga sa kuya niya ang sweet-sweet niya.

"Wala yun! Sige na, bumaba ka na at baka mahuli ka pa."sagot naman ni Jin Ren ko at saka hinimas-himas pa ang ulo ng makulit niyang kapatid.

Naku!!! Ang sweet nila. Nakakatuwa silang tignan. Napakabait na kuya naman netong si Jin Ren ko. gusto ko na lang tuloy siya maging kuya!

Pero joke lang! Kala niyo naman! Syempre mas gusto ko siyang maging boyfriend ko! Nyahaha

Nakita kong lumapit ng kaunti si Maxine sa kuya niya at saka may ibinulong dito.

"Mag-ingat ka kuya sa engot na yan at baka mahawa ka pa sa katangahan niyan."bulong pa niya  pero rinig ko naman. Bumulong pa siya?! >.<

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at nagkunwari na lamang ako na wala akong narinig.

Nginitian lang siya ni Jin Ren ko at saka sinabihan ng,"Ikaw talaga!" habang pinipisil pa niya ang pisngi nito. Nag-pout lang si maxine at pagkatapos ay tuluyan na nga siyang bumaba ng sasakyan.

"Bye Maxine!"pahabol ko pa, bagamat tinaasan niya lang ako ng kilay at tuluyan na nga akong inirapan.

Langyang bata! Napakamataray! Naku, sigurado akong mabilis na tatanda yun!

Matapos akong tarayin ni Maxine ay narinig ko naman na parang nagpipigil ng tawa etong si Jin Ren ko.

"Pfftsdjjsgstdas" --siya na nagpipigil ng tawa.

Magpipigil pa siya ng tawa eh dinig ko naman! Hmp!

"Ano naman ang nakakatawa?"bungad ko sa kanya.

"Pfft--w-wala!"sagot pa niya sa pagitan ng pagtawa. Pagkatapos ay muli na niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Ilang minuto pa ang nakalipas at malapit na nga kami sa eskwelahan. Siguro mga ilang blocks na lang!

"Wait! Ipara mo!"sabi ko pa kay Jin Ren ko. Sa gulat niya ay ipinara naman niya ang sasakyan.

"Bakit ba? Bigla-bigla ka na lamang jan nanggugulat!"medyo naiinis na tanong niya. masyado ko ata siyang nagulat eh.

"Bababa na ako."sagot ko pa sa kanya. Tila nagulat naman siya dun sa sinabi ko.

"At anong katangahan na naman ba yan? Malapit na tayo sa school oh, ilang blocks na lang. Ngayon ka pa bababa?"balik-sabi naman niya.

"Eh kasi naman..."sabi ko pa.

"Ano?"high blood na tanong niya. Napaka-bipolar talaga ng lalakeng to. Kani-kanina lang pinagtatawanan ako, ngayon naman pinagtataasan ako ng boses.

"Eh kasi baka may makakita sa atin na sabay pumasok sa school. Kung ano-ano na naman ang iisipin nila. Ayokong madamay ka sa kahit na anong gulo." mahinang sagot ko.

"Tch!"yun lang ang sabi niya at saka tinalikuran ako. Ngunit bago pa man siya tuluyang tumalikod ay nahagilap ko naman siyang nakangiti.

Pakipot talaga 'tong lalakeng to!

Wala na siyang sinabi sa akin at muli na niyang pinaharurot ang sasakyan.

Teka, wala ba siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba? Wala ba siyang pakialam kung masangkot man siya sa kahit na anong isyu?

Hanggang sa dumating na nga kami sa eskwelahan ay wala kaong nakuhang sagot mula sa kanya.

Bumaba na siya ng sasakyan at ganun din naman ako. Pagbaba ko'y may iilang mga mata na nga ang nakatingin sa amin.

Haist! Hayaan na nga! Wala rin naman atang pakialam si Jin Ren ko eh.

Hinabol ko na si Jin Ren ko nang sa gayon ay makasabay ko siya sa paglalakad. Iniwan niya kasi ako eh.

Sa di kalayuan naman, ay natanaw ko si Heina na kasalukuyang kinakawayan pa ako. At ilang saglit pa'y nakita kong tumatakbo na nga siya papalapit sa akin.

"Bestfrieeend, annyeong!"bati pa niya sa akin.

"Good morning Ren!"bati rin niya kay Jin Ren ko, pero tinanguan lang siya neto. Wag na kayong umasa pang babatiin din niyan kayo pabalik. Eh ang tipid-tipid kaya niyan magsalita lalo na sa mga di niya ka-close!

"Good morning!"bati ko naman kay Heina.

"May ipapakita ako sa'yo. Bilis!"nasasabik na sabi sa akin ni Heina at saka ako hinawakan sa braso.

"Pahiram muna kay Yuri, Ren."pagpapaalam pa niya at pagkatapos ay tuluyan na nga niya akong hinila papunta ng room, habang si Jin Ren ko naman ay naiwan dun ng mag-isa.

Pagdating naman namin sa room ay agad namang ipinagmayabang sa akin ni Heina ang bagpack niya na Vans na siyang nakita namin sa mall last time.

Nabili niya na pala ito.  Pero masyado itong panlalake. Itong mga taste niya talaga oh, pulos panlalake. Kaya nga minsan, pinagkakamalan siyang tomboy eh.

"Maganda ba bestfriend?"natutuwang tanong niya sa akin.

 "Ah, oo!"pagsasang-ayon ko na lang sabay umupo na dun sa upuan ko.

"I know right?"sabi pa niya sabay niyakap ang bagong bag na bili niya, tila ba'y in love na in love siya rito.

"Sige bestfriend, dun muna ako kina Darlene."pagpapaalam pa niya at saka nga tuluyan ng umalis datapwat dala-dala pa rin niya ang bag niya. Naku, 'tong si Heina oh!

Matapos umalis ni Heina ay saktong dumating na rin si Jin Ren ko at sa likod niya ay ang guro namin na dala-dala ang mga test papers.

"Okay class, get ready now."bungad nung teacher namin habang si Jin Ren ko naman ay naglalakad na papunta sa upuan niya. Nang madaanan niya ako ay sinabihan niya ako ng,"Good luck!" at saka ako nginitian.

Kyaaaaaaaah!!! Di ko napigilang kiligin dun sa sinabi niya. Alam kong isang simpleng "good luck" lang naman ang sinabi niya pero para sa akin, parang sinabihan na niya ako ng "i love u". Nyahaha! Ang OA ko, alam ko! Di niyo na kailangang sabihin!

Matapos ang senaryong yun ay nagsimula na nga ang exam namin.

Exam. Exam. Exam. Puro na lamang exam. Malamang, exam day nga di ba? Pero syempre, may breaks din naman sa pagitan ng exam namin.

-----------------

**Result Day **

"Yuriiiiiiiiii!!!"bungad ni Heina, na kasalukuyang nakatayo sa may pintuan ng aming classroom. Nang dahil sa ginawa niya ay napatingin kaming lahat sa kanya. Buti na lang at wala kaming guro ngayon, break time kasi namin.

"Sorry!"pagpapaumanhin niya sa iba naming mga kaklase. Pumasok na siya sa loob ng room at saka ako nilapitan.

"Naka-post na yung list of honor rolls."sabi pa niya sa akin.

"Talaga?"gulat na tanong ko sabay tayo pa. Noong huling mga araw ko pa kasing hinihintay yung pag-post ng list of honor rolls. Syempre, di naman sa gusto kong malaman kung kasali ba ako sa top, dahil alam ko namang napakaimposible yun. Kundi, gusto kong matiyak kung si Jin Ren ko pa rin ba ang nasa top.

"Oo nga!"sagot naman ni Heina. Agad akong tumakbo palabas ng room at saka nagtungo dun sa bulletin board kung saan nakapaskil yung mga pangalan ng mga honor students.

Pagdating dun ay agad kong tinignan yung pangalan na nasa pinakataas at...

Yes!!! Siya nga ang top 1! Buti na lang talaga!

Matapos kong tiyakin na siya nga ang top 1 ay tumalikod na ako at bahagyang maglalakad na sana pabalik ng classroom. Ibabalita ko kasi kay Jin Ren ko na siya yung top 1 sa buong curriculum.  Ngunit, pagtalikod ko naman ay agad na bumungad sa harap ko ang napakakisig na mukha ni Jin Ren ko.

"Congrats!"sabi pa niya.

"Salamat!"sagot ko na---- Teka nga, bakit siya nag-congrats? Ako dapat yung magco-congratulate sa kanya eh.

"Ay tanga! Bakit nga ba ako nagpapasalamat! Ikaw dapat yung kino-congratulate ko eh. Congrats, ikaw pa rin ang top 1."sabi ko naman sa kanya saka inalukan siya ng kamay. Tapos, tumawa lang siya ng konti tsaka ako sinabihan ng,"Engot ka talaga!"

Naman! Binabati ka na nga eh, iniinsulto mo pa!

"Congrats din sayo kasi nakapasok ka sa top!"sabi pa niya sa akin at saka ako hinarap sa bulletin board.

"Tignan mo oh, pang-49th ka!" dagdag pa niya sabay turo nung pangalan ko na nasa 49th place nga.

Hah? Di nga? Pangalan ko ba talaga yan? Talaga bang nakasali ako kahit na 2nd to the last?

"WAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!! Talaga ngang kasali ako sa top!"sigaw ko pa sa sobrang gulat at saya sabay hinawakan ang magkabilang kamay niya at tumalon-talon pa ako sa sobrang saya.

"Ehem."sabi pa niya at dun ko lang namalayan na hawak-hawak ko pala ang mga kamay niya tapos tumatalon-talon pa talaga ako na parang tanga! 

Yuri naman eh, nawala tuloy poise mo!

Agad ko naman itong binitawan at saka sinabihan siya ng,"Pasensya na."

"Tch! Ang hilig mo talagang mag-chancing!"balik-sabi naman niya.

"A-anong chancing ka jan?! Feeling mo naman!"depensa ko pa.

Hindi na siya sumagot pa at nagpakawala lang siya ng ngiti. 

Bigla naman akong nalungkot. Naalala ko kasi, etong araw ko na pala sisimulang gawin yung kondisyon na ibinigay niya. Pero bago yun, gusto ko munang magpasalamat sa kanya.

"Jin Ren ko, yung tungkol nga pala sa deal na------"

"Maya na lang natin pag-usapan yan! Sige, mauna na ako."sabi pa niya at pagkatapos ay naglakad na siya palayo.

 -------------

Uwian na nang matanggap ko ang text ni Jin Ren ko. Ang sabi niya'y magkita raw kami sa may swimming pool area ng school. Kaya naman, heto nga ako ngayon at naglalakad na papunta roon.

Pagdating ko'y nadatnan ko naman siyang nakahiga sa may bench. Nilapitan ko siya at tila'y natutulog yata siya. 

 Yumuko ako at saka hahaplusin sana ang mukha niya nang bigla naman siyang magsalita.

"May balak ka na naman bang chansingan ako?"bungad niya at saka binigyan ako ng isang nakakalokong ngiti.

Agad naman akong napatayo ng diretso nang sabihin niya iyon.

"Kanina mo pa ako inaakusahan niyan ah!"sagot ko naman.

Mula sa pagkakahiga ay tumayo na siya at saka ako sinabihan ng,"Kunwari ka pa."

Sus! Di kami matatapos dito kaya mas mabuti pa kung mapag-usapan na namin yung tungkol sa deal namin.

"Siya nga pala, yung tungkol sa kondis-----------"pero gaya nga kanina ay di na naman niya ako pinatapos. Naku, umaandar na naman ata ang pagkabastos nito eh.

"Siya nga pala..."pagsisimula niya sabay tinitigan ako ng diretso sa mata.

"Sinasagot na kita."dagdag pa niya na siyang ikinalito ko naman.

At ano na naman ba ang pinagsasabi nito?

"Anong sinasabi mo?"naguguluhang tanong ko.

"Balita ko kasi, nililigawan mo ako. Kaya, sinasagot na kita."nakangiting sagot niya.

Nahiya naman daw ako dun sa sinabi niya kasi totoo naman.  

Jin Ren ko naman eh... masyado mo namang pinapahalata. Pero di nga? Ano raw yung sinabi niya? Sinasagot na niya ako? Di nga?

"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita nililigawan noh. At saka, kung gusto mong maging tayo eh ligawan mo muna ako." pakipot na sabi ko sa kanya. Eh kasi, baka niloloko lang ako neto

"Ayoko nga! Tsaka kung ayaw mo, edi wag! Ayos lang din naman sa ak-----"

"No! Hindi! Gusto ko! Gusto kong sagutin mo na ako."di ko napigilang isagot sa kanya.

Alam ko naman na dapat ang mga babae ang nagsasabi ng "sinasagot na kita", kaya lang matagal ko na ring hinihintay na dumating ang araw na ito, ang maging kami, kaya di ko na dapat aksayahin pa ang pagkakataong ito.

"Okay, edi tayo na! Sige, see you tomorrow girlfriend!"pagpapaalam niya pa at saka ako binigyan ng isang nakakalokong ngiti na siyang sinabayan pa niya ng kindat. Pagkatapos ay tuluyan na nga siyang naglakad papalabas ng swimming pool area habang ako naman ay naiwang nakatayo dun at tulala.

Sinasagot?

Tayo?

Girlfriend?

Talaga bang kami na?

Baka naman binibiro niya lang ako. 

Pero hindi nga? Tinawag nga niya akong girlfriend eh!

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!

Kami na talaga?!

WAAAAAAAAAAAAAAH!!! Di ko ine-expect na sa ganitong paraan magiging kami, pero bahala na nga! 

Pero pano yung deal?

------------------------------------

At ayun... Nakamit din ni Yuri ang matamis na "oo" ni Jin Ren! Nyahaha

Note: Salamat kay RishLee28 para sa YUREN Couple picture. xDD

At saka, gumawa nga po pala ako ng page sa facebook. Nasa profile ko po yung link ng page, paki-like na lang. Bale dun po ako, sa page na yun, mag-a-announce kung kailan ako mag-a-update. Yun lang! God bless! :))

fizz_chae07

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.5M 47K 72
"Yasmine Zehra Marquez" She's lovely and sweet She's intelligent and very passionate She's beyond beautiful She's rich and elegant She's my neighbo...
631K 14K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...