My Possessive Yakuza Husband

Autorstwa qCliodna

878K 14.9K 700

Morgiana Shin Alvares, She is the kind of girl na matapang, palaban at hindi papakabog. Kahit sino ka man hin... Więcej

Synopses
Possessiveness 1
Possessiveness 2
Possessiveness 3
Possessiveness 4
Possessiveness 5
Possessiveness 6
Possessiveness 7
Possessiveness 8
Possessiveness 9
Possessiveness 10
Possessiveness 11
Possessiveness 12
Possessiveness 13
Author's Note
Possessiveness 14
Possessiveness 15
Possessiveness 16
Possessiveness 17
Possessiveness 18
Possessiveness 19
Possessiveness 20
Possessiveness 21
Possessiveness 22
Possessiveness 24
Possessiveness 25
Possessiveness 26
Possessiveness 27
Possessiveness 28
Possessiveness 29
Epilogue
Teaser for Book Two
Teaser for Book 2
Author's Note

Possessiveness 23

18.3K 340 39
Autorstwa qCliodna

Luxus Lass Pov

"MAMA," kaharap ngayon ang ni Luxus ang ina ng asawa. He can't help but to be nervous in the presence of this woman. Matiim syang tinitigan ng ina ng asawa. Hindi nya mabasa ang iniisip nito dahil wala itong emosyon sa muka. In instant, he knows that this woman is very dangerous.

He calm himself para makapag-isip ng maayos. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakaharap nya ito. Pero kakaibang aura ang pinapakita ng ginang kaysa nong una nya itong makita. It feels like if he say something that she isn't approve of or he do something she doesn't like, he would not leave the room alive.

"Mama," ulit nya ulit at pilit na nilalakasan ang loob. "Pumunta ba dito si Morgiana?" And in that thought in mind, mas nilukob ng takot si Luxus hindi dahil sa presensya ng ina nito kong hindi dahil sa nawawala nyang asawa.

Nang dumating sya sa bahay para ibigay dito ang gamot na kinuha nya kay Avery Crossford, hindi na nya nakita ang asawa kahit anong halughog nya sa bahay nila.

Fuck! Para syang mababaliw sa kahahanap sa asawa na halos limang oras ng nawawala.

"You call me mama, what are to my daughter?" hindi mapigilan ni Luxus na panlamigan dahil sa tinig ng ginang.

Huminga ng malalim si Luxus para pakalmahin ang sarili, walang magagawa ang kaba nya ngayong nawawala ang asawa nya. His wife is on top priority right now.

"I am your daughter's Husband."

"What did you say?"

Hindi mabasa ni Luxus ang emosyon sa mga mata ni Morgana Alvarez... Fujinaga. Former agent of the agency he work for and also former Queen of Fujinaga Empire.

Kahit ganoon, walang pag-aalinlangan na inulit ni Luxus sa ginang ang sinabi, "asawa po ako ng anak mo."

Lumapit ito sa kanya, "Kailan kayo kinasal?" hindi nya inaasahan ang sumunod nitong ginagawa.

Pinisil pisil nito ang pisngi nya. "Bakit hindi ako invited?" Napahinto ito sa paglamutak sa pisngi nya na parang bata saka naiinis nitong bintitawan ang kanyang pisngi.

"Hindi po kayo galit?"

Luxus couldn't believe na hindi sya tinutukan ng baril o binugbog ni Morgana Fujinaga. He just fucking married the Fujinaga lost heir!

The woman frown. "Syempre hindi. Matagal na kitang gusto para sa anak ko. But things happened. And I'm impressed that you, found us. Hindi na masama son-in-law." tinapik nito ang kanyang pisngi ng mahina.

Umalis ito sa harap nya saka umupo sa upuan na nasa maliit na lamesa. Giving him a warm smile.

"Kagagaling lang dito ng anak ko. Siguro pauwi na rin yon." parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Luxus dahil sa nalaman.

"Thank you, mama."

Pero sumeryoso ang muka ni Morgana Fujinga.

"She is starting to regain her memory-" Luxus stiffed dahil sa narinig. "Kaunting panahon nalang at maalala na nya ang lahat. Kakailanganin na nyang bumalik sa naiwan nyang tungkulin Luxus. Hindi lingid sa kaalaman ko ang tungkol sa misyon mo," He went rigid. "but I trust you that you wouldn't hurt her. And you will protect her."

Luxus composed his self, tiningnan nya ng diretso sa mata ang ginang, "I will, mama. At all cost."

Ngumiti ang ginang sa kanya, "That's more like it." nakita nyang lumamlam ang mga mata nito. "My daughter, she's been through enough, Luxus. Make her happy."

"Makakaasa ka mama. I love your daughter so much that I will do anything to protect her and make her happy." Napangiti sya ng maalala ang muka ng asawa, kong paano ito mainis sa kanya, lalo na kapag nag-aalala ito sa kanya.

"I will leaving her to you. Kailangan ko na rin kumilos para hanapin ko ang aking asawa. She is on the move Luxus, howling power from the Higher Pillar. I need to cut off her tentacles."

Luxus leave the house knowing where is her wife is. Hindi lang yon, nakakuha rin sya ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang nakaupo ngayon sa trono ng Fujinaga empire. Tinawagan nya si Lux habang nagmamaneho. With one ring, sumagot ito.

"I know where she is."

"Okay."

Yon lang ang sinagot nito saka binaba nya ang tawag. He maneuver the car to the left and enter the gate of the subdivision. Mabilis syang bumaba sa sasakyan ng ihinto nya ito ng makarating sya sa tapat ng bahay.

Hinanap nya ang asawa sa buong bahay, napahinto sa pag akyat sa hagdan ng makakita sya ng inang bulto. He found his wife in the kitchen, eating some ice cream.

Dahan dahan nya itong pinuntahan. Naiwan sa ere ang kutsarang hawak nito na may laman pang ice cream. Nilapitan nya ito.

SHIN's feet brought her in front of refrigerator. Binuksan nya ito at tumambad sa kanya ang isang buong fruit cake at isang strawberry flavor ice cream. Luxus has this obsession to strawberry. Kinuha nya ang ice cream.

"Hindi naman siguro magagalit yon."

Pagkatapos masara ang pinto ng ref, dinala nya ang hawak na ice cream container sa island counter sa kusina. Kumuha sya ng kutsara para gamitin.

She uses the spoon to scoop small portion of ice cream and bring it in her mouth.

"Hmm.." she can't but to moan. "Ang sarap naman nitong ice cream." hindi sya mahilig sa strawberry pero ang sarap talaga nong ice cream.

Nakaka-apat na sya na scoop ng ice cream ng maramdaman nyang may tao. Naiwan sa ere ang kutsara nya na may ice cream. Nakita nyang nakatayo si Luxus na nakatayo sa may bukana ng kusina. Nakatingin lang sa kanya.

Na estatwa sya kinauupuan kaya lumapit sa kanya si Luxus. Hinawakan nito ang kamay nya na may kutsara saka dinala ito sa bibig nito.

"This taste good."

"Hmm.. G-gusto mo? Sorry kinuha ko yong last container ng ice cream mo."

Umupo ito sa island counter. Tinitigan sya nito ng matagal. Nailang naman sya sa pagkakatitig nito.

"It's okay. We could share."

Nakangiti nitong sabi. Namula naman sya sa inakto ni Luxus.

"S-sige, kumuha ka nalang ng spoon mo."

"No subuan mo ako, gamit yang kutsara na ginagamit mo."

"What?!" nanayo ang balahibo ni Shin sa batok.

"What? We do more than exchanging saliva last night--"

Mabilis nyang sinubuan ng ice cream si Luxus para tumigil na ito. "Oo na! Oo na." Hindi ba nito alam na para syang lalagnatin sa init ng muka nya ngayon.

She look at Luxus, there is an amusement in his eyes while looking at her.

Sinamaan nya ito ng tingin. "Stop teasing me." Nag scoop sya gamit ang kutsara na nag-iisa na ginagamit nila ni Luxus sa pagkain ng ice cream saka dinala sa kanyang bibig. The ice cream instantly melt in her mouth.

Tapos nag scoop nanaman sya para kay Luxus. Nilapit nya dito and he willingly open his mouth to accept the spoon of ice cream.

After they finish eating ice cream napagpasyahan nyang pumunta sa sala para manood.

Nakasunod sa kanya si Luxus. Humarap sya dito para tingnan ito. Luxus loosen his neck tie. "I will take shower, wanna come?" he said while smirking at her.

Halatang inaasar sya nito!

Mabilis na nadampot ni Shin ang maliit na pillow sa may sofa saka binato dito na nasalo naman nito.

"Maligo ka na doon sa taas Mister Stravinsky!"

Ninakawan sya pa muna sya nito ng halik sa labi. Mabilis lang ang pagdampi non kaya hindi sya nakareak.

"You brute!"

Natatawa itong pumunta sa taas para maligo. Sya naman ay naiiling na umupo sa sofa. Kinuha nya ang remote para buksan ang tv balak nyang manood dahil wala naman syang gagawin.

Mabilis ang paglipat nya sa bawat channel, hanggang huminto sya sa animal planet. Humiga sya sa sofa para panoorin ang palabas.

Maya maya lang may umakyat sa sofa si Molly, ang alagang pusa ni Katara na pinababantayan muna nito sa kanya. Pumunta ito sa kanya saka humiga banda sa may dibdib. She pat Molly habang nanonood.

Hanggang sa hindi nya namalayan na nakatulog na rin pala sya.

HE is drying his hair using the midnight blue towel na nakuha nya sa rack habang pababa sa hagdan. Nakita nyang nakahiga ang asawa sa sofa.

Bumaba sya para puntahan ito. Napatigil si Luxus sa pagtuyo ng buhok ng makita nyang natutulog ang asawa habang nakabukas ang tv. Kasama din nitong natutulog ang pusa na ampon nila sa bahay.

Kinuha nya ang remote saka pinatay ang tv bago naniningkit na mata na nilingon ang pusa. Aba't siniswerte naman 'tong sapid sa bahay na to at kay Morgiana pa talaga mismo natulog.

"Pssstt.. shu.. shu.. Wag ka nga dyan sa asawa ko." taboy nya sa pusa, nagising ito pero isang mata lang parang inaantok na tumingin si kanya.

"Alis dyan. Doon ka sa higaan mo. Asawa ko yan." parang nababaliw nyang kausap sa pusa. Imagine, pati pusa pinagseselosan nya.

Iningosan lang sya ng pusa. Gumalaw ito para tumalikod sa kanya.

"Aba't ang maldito mong pusa ka. Nandidilim paningin ko sayo baka ihawin kita."

Kinuha nya ang pusa para ilipat sa single couch. Hindi naman ito nagmaldito na kalmutin sya pero ang sama ng tingin nito.

"Maghanap ka kasi ng asawa mo. Kakabet ka pa sa asawa ko e."

Hinarap nya ang asawa ng matapos sya makipag-away sa pusa. Pumatong sya dito ng higa, sya ang pumalit sa pwesto ng pusa.

He even guide her hand to hug him. Hindi naman sya nabigo ng yumakap ang mga kamay ng asawa sa likod nya. Hugging his wife like this is heaven.

Sa ganoong pwesto ay nakatulog din si Luxus.

GABI na ng magising si Shin. She is comfortable sleeping because something hard but warm underneath her. Napaangat ng tingin si Shin ng maramdaman na nagtaas baba ang hinihigaan nyang sofa o kong sofa pa ba talaga ang hinihigaan nya.

She find out na si Luxus pala ang hinihigaan nya. Luxus is sleeping peacefully habang nasa taas sya nito. She yawn pero hindi sya umalis sa pagkakahiga nya sa dibdib ni Luxus dahil baka magising ito. Hindi rin kasi sya makaalis dahil mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Luxus, bitaw." tapik nya sa braso nito. But Luxus just groaned, pagkatapos ay mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ayon tuloy mas lalo na syang nadiin sa katawan nito.

"Luxus! Ano ba, bitaw na para makahanda na ako ng makakain natin." pilit syang kumawa sa malabak nitong kamay. Pero hindi manlang ito natinag.

Nakita nyang dahan-dahan nitong minulat ang mga mata. Sinamaan nya ito ng tingin. "Luxus, isa-- ay!"

Pinagpalit nito ang pwesto nila, sya na ngayon ang nakahiga sa sofa samantalang ito ang nasa taas nya, kaya sya ang sumalo sa kalahati ng bigat nito dahil ginamit nitong pagtukod ang kamay para hindi sya mapisa. Nakakaakit itong nakangiti habang nakatingin sa kanya.

Luxus lowered his body and claimed her lips. Mabilis nya din itong inalis tapos he gave her again a quick kiss.

Dadagdag pa sana ito ng pangatlo ng pinigilan na nya ito gamit ang isa nyang kamay at iniharang nya sa bibig nito. Kaya ramdam na ramdam nya kong gaano kainit ang mga labi ni Luxus.

"Ikaw abusado ka na." pinandilatan nya pa ito para magtigil. Luxus laugh, tumayo na ito saka tinulungan syang tumayo.

"Tulungan na kitang magluto." he offered.

"Sige." sagot nya.

Inakbayan sya ni nito papunta ng kusina para makapagluto na sila ng kanilang hapunan kong saan nakatayo lang ito sa tabi nya dahil wala itong alam sa pagluluto.

Kaya ito nalang ang ginawa nyang tagatikim ng niluluto nya.

"Ano masarap ba?"

Hinigop nito ang nasa kutsara na sabaw, nilagay nito ang kamay sa chin nito at hinimas pa ito na akala mo ay may bigote.

Akala mo ay isa itong judge sa isang cooking show at ang tagal sya nito sagutin. Tumigil na din ito sa paghimas sa baba nya at nginitian sya.

"Of course it's delicious!"

Naiiling na binalik nya ang atensyon sa kawali saka pinatay ang stove.

"Asus! Binola pa ako. Sige na, maghanda ka na ng plato para makakain na tayo."

"Yes, ma'am!" sunod nito sa utos nya.

Sya naman ay kinuha ang bowl na nasa tabi ng stove para doon ilagay ang bulalo na niluto nya.

Shin and Luxus is busy preparing their dinner when they a loud bang, napakapit pa si Shin sa gilid ng sink dahil yumanig ang buong bahay.

"Fuck! Get down wife!" kinabig sya ni Luxus kaya bumagsak sila sa sahig.

Nakarinig sila ng putok ng baril, halos manginig si Shin ng maramdaman ang mga bala na tumatagos sa salamin na sliding door na nasa kusina.

"L-Luxus, natatakot ako."

Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya ngayon. Luxus embrace her to make her feel secure, that everything will be alright habang nakasandal sila sa marble na gilid ng island counter..

"Hush now, You are safe with me. Don't be afraid."

Patuloy pa rin ang pagpapaputok ng baril sa kanila ng binitawan sya saglit ni Luxus. Agad naman nagpanic si Shin dahil doon.

"S-Saan ka pupunta?"

May kinuha ito sa kabinet na nasa baba ng sink. Nanlaki ang mata ni Shin ng makita kong ano 'yon.

"Luxus! A-Anong gagawin mo dyan?!" she hissed. Dread is consuming her but she try her hardest to look calm pero na nanginig pa rin ang boses nya.

"Close your eyes, wife." mahinahon nitong utos.

"Bakit? Ano bang gagawin mo?! Please.. sabihin mo naman sakin."

"Just do what I say." wala syang nagawa kong hindi ang sundin ang utos nito.

Then she heard a gun shot. Pero hindi ito galing sa labas, galing ito sa baril ni Luxus dahil sa lakas ng tunog nito. Tumigil ang pagpapaputok sa labas matapos nya marinig ang malakas na putok ng baril na nanggaling sa kanyang tabi.

Nadilat ng mata si Shin ng makaramdam sya ng tapik sa balikat. "Come on, we need to get out of here." hawak pa rin ni Luxus ang baril na kinuha nito kanina.

Ito ba ang pumatay sa taong nagpapaulan ng bala sa kanila kanina? Magulo ang kanyang isip sa mga nangyayari. Hindi. Hindi kaya gawin yon ng asawa nya. Hindi kayang gawin ni Luxus na-- na pumatay ng tao!

Hawak ni Luxus ang kamay nya, hinila sya nito papunta sa back door. Napatigil sila sa ng may humarang sa kanilang lalakit at nakatutok sa kanilang dalawa ang hawak nito baril sa magkabilang kamay. Napayakap sya sa likod ni Luxus.

"The Captain of Fujinaga's Empire at it's long lost Empress." Naglakad ito papalapit sa kanila kaya napaatras sila pabalik sa loob habang nakatalikod.

"Did you know that the bounties in your head is really high? I can make a fortune if I bring your heads to the table of high pillars." Shin went rigid ng marinig ang mga sinabi nito.

Ano ang pinagsasabi nito?! Anong ibig sabihin nito?

Dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ni Shin sa mga oras na yon, takot, pagkalito, pangamba. Nagumpisang sumakit ang ulo nya, sa bawat sigundo na dumadaan mas lalong patindi ang sakit.

Napabitaw si Shin sa pagkakapit kay Luxus para hawakan ang parang binibiyak sa sakit na ulo nya.

Shin passed out as she can't bare the pain anymore.

"Morgiana!" tinig ni Luxus ang huli nyang narinig ng tuloyan mawalan sya ng malay.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

303K 9.9K 113
[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung...
18.8K 134 8
5 years na pilit kinakalimutan ni Ylena ang lahat ng nangyari sa kanya pero sa isang iglap ay babalik ang taong ayaw na nyang makita. Ang taong sumir...
20.4M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...