Love Calculation

By Pilyosopher

36.7K 1.4K 421

Ahuh! Ako na ang pasimuno sa magandang lovelife ng ate ko. Pero What happened to mine? Love is like a math pr... More

BLURB
PROBLEM 1 : The Past, the Fake Fiance and the Hidden Admirer
PROBLEM 2 : When is my time to shine?
Problem 3 : The Damian Conspiracy?
Problem 4: How to start again?
Problem 5 : How to win the game?
Problem 6: How to end the nightmares?
Problem 7 : How to train a child?
Problem 8: How to sell more?
Problem 9 : How to keep it hidden?
Problem 10: How to protect your beloved?
Problem 11 : How to lose your past?
Problem 12 : Break down the walls
Problem 13 : How to make a grand plan?
Problem 14 : When things start to get complicated.
Problem 16: Can I just melt right now?
Problem 17 : When your past comes back at you
Problem 18 : How to conceal the truth?
Problem 19 : When the truth is revealed
Problem 20: Will they reconcile?

Problem 15 : What happened?

1.1K 43 14
By Pilyosopher

Nagising si Voice sa malakas na hagikgik ng kanyang Ina. Pagkamulat ng mata niya ay kaagad na nainis siya sa nangyari kagabi.

"My first date ruined!" naiinis na bulong ni Voice sa sarili at mas lalo pang naging iritable ulit si Voice nang marinig ulit at maharot na hagikgik ng Ina. Sa inis na nga ni Voice ay padabog siyang bumangon at lalabas na sana nang

marinig niya ang boses ng lalake na katawanan ng Ina.

Nanlaki ang mata ni Voice at kaagad hinagilap ang salamin. Pagkakita sa sarili na magulo ang buhok at pangit na ayos ng suot na pantulog ay kaagad na nag-panic siya.

"Malaking Siomai!" natutulirong kaagad naghanap ng ipagpapalit si Voice nang sunod sunod ang katok naman ng Ina.

"Anak! Gising na!" bakas sa boses ng Ina ang excitement sa pagtawag kay Voice samantalang siya ay hirap na hirap sa pag-aayos ng sarili nang biglang binuksan ng Ina ang pintuan at tumambad sa kanila si Voice na kasalukuyang isusuot

muna sana ang napiling jogging pants na pula.

"Ay!" tili ng Ina na kaagad tinakpan ang mata ni Gig na nagulat rin sa nakita. Halos mawalan ng lakas si Voice at gusto na lang umiyak sa kinatatayuan. Makita ba naman siya ni Gig na magsusuot pa lang sana ng jogging pants. Mabilis na

isinara na ng Ina niya ang pintuan tsaka sinabihan siya na huwag mag-alala at natakpan niya kaagad ang mata ni Gig.

Pagkasara ng pintuan ay kinakabahan na humarap ang Ina ni Voice kay Gig.

"Ma-may nakita ka?" tanong nito.

Hindi sumagot si Gig ngunit dahil namumula na siya ay napagtanto ng kausap ang sagot sa kanyang tanong.

"Lagot ako nito mamaya."

Sunod na nga na narinig nilang dalawa ang hagulgol ni Voice sa loob ng kuwarto kasabay ng pagdadabog nito.

"Wala kang nakita huh. Wala kang nakita." paalala ng Ina ni Voice kay Gig. Tumango na lang ang binata.

Dahil na nga sa nangyari ay natagalan bago lumabas si Voice. Tahimik lang ang dalawang naghihintay sa kanya sa may hapag-kainan. Pinagmasdan ng dalawa kung ano ang mood ni Voice at mukha namang hindi masyadong galit si Voice. Pagkaupo

ni Voice sa harap ng dalawa ay tinitigan lang nila Gig ang tahimik na si Voice.

"Wa-wala siyang nakita anak. Titinak-"

"Sssshhhh!" pagpipigil ni Voice sa Ina bago pinandilatan ang Ina. "Isipin niyo na lang na nakakita kayo ng isang Victoria's secret model for free."

"Anak malayo ang katawan mo dun sa mga model na-"

"Ssssshhhh!" pagpipigil ulit ni Voice. Sunod na inirapan ni Voice si Gig. "At bakit nandito ka ngayon?"

Lumingon muna si Gig sa ina ni Voice.

"Magsalita ka na Hijo at mahirap galitin yan ngayon." bulong ng Ina ni Voice.

"I'm here coz we are dating." mahinang sagot ni Gig.

"Ah, oo nga pala." tumango-tango si Voice. "So bakit ang aga mong pumunta dito? At naka-ayos ka na ng pangtrabaho?"

"Sabay na raw kayo pumasok anak." ang Ina ni Voice ang sumagot.

"Eh kung ayaw ko?" pagsusuplada ni Voice.

"No problem then I'll just eat here. Mag-isa akong papasok tapos mag-commute ka na lang. Whatever you like is fine with me." ngumiti si Gig.

"Nay! Yan ang totoong ugali niyan!" tinuro ni Voice si Gig. "Mantakin mo dating raw kami pero hahayaan niya akong mag-commute?"

"Huwag ka na kasing pakipot anak. Sinusunod lang naman niya ang gusto mo." depensa ng Ina ni Voice.

"Sino ba talaga ang anak mo Misis Kreiss?" iritableng buwelta ni Voice.

"Gusto ko kayong dalawa. Di ba pwede naman yun?" sabay hagikgik ng nakakatandang Kreiss.

"I cooked that for you." nginuso ni Gig ang linutong omelet. Maayos ang presentasyon at mukhang gawa ng isang marunong magluto.

"Omelet lang naman ata kaya mong lutuin eh."

"My brother lets me cook what he wants to eat." sagot ni Gig.

"Pumasa naman ba naman sa kanya?"

"My cooking is his favorite."

Hindi pa rin naniniwala si Voice pero nang sinubo niya ang linutong omelet ni Gig ay nagulat siya sa masarap na lasa nito.

"O ano? nasarapan ka noh? Tinikman ko rin yung luto niya kanina. Perfect! Gwapo na, marunong pang magluto anak!" sulsol ng Ina ni Voice.

"Oo na. Masarap na."

Ngumiti lang si Gig. Hindi maitago ni Gig ang ngiti habang pinagmamasdan si Voice na nasasarapan sa linuto niya. Pagkatapos nila ay nagprisenta ang Ina ni Voice na maghugas habang naligo na si Voice. Lingid sa kaalaman ni Gig ay

natutuliro ulit si Voice kung ano ba ang susuutin at kung ano ang gagawin niya kapag sila na lang dalawa ni Gig sa kotse nito. Kung hindi pa panay ang pagpapaalala ng Ina nito na mahuhuli na sila ay hindi sana natapos sa pag-aayos si

Voice.

"You look quite nice." halatang gustong asarin ni Gig si Voice.

"Nice lang?" maktol naman ng dalagang halos ubusin ang oras sa pag-aayos.

"You look pretty everyday naman."

"Tse! Lokohin mo lolo mo. Tara na nga." padabog na nagtungo sa pintuan si Voice at sinundan na lang ito ni Gig. Nang narating na nila kung nasaan naka-park ang kotse ni Gig ay nagmamadaling pinabukas ni Voice ang pintuan at sumakay

kaagad sa bandang likuran. Dahil dito ay tumayo lang si Gig sa tapat ng pintuan kung nasaan nakaupo si Voice. Pagkalipas ng ilang sandali ay ibinaba ni Voice ang bintana at tinitigan ang tahimik na si Gig.

"Tara!" utos ni Voice.

"We are not leaving until you sit in front with me." diin ni Gig.

"Eh di mag-cocommute na lang ako." lumabas ng kotse si Voice at maglalakad na sana nang binuhat siya ni Gig at sapilitang isinakay sa tabi ng driver's seat. Nagpupumiglas pa si Voice ngunit mabilis na nailagay ni Gig ang seatbelt nito

at patakbong nagtungo sa driver's seat pagkatapos. Mabilis ding nailock ni Gig ang pintuan bago sinimulang paandarin ang kotse.

"Bakit ba ang hirap mong pasakayin?" naiinis na tanong ni Gig.

"Hoy! Lalake lumalabas ang pagkasuplado mo." asik naman ni Voice.

"That's what you liked about me at first di ba?" buwelta ni Gig.

"Aba! Isa iyong malaking kamalian ko-"

Natigilan si Voice nang biglang inilapit ni Gig ang mukha niya sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ni Voice na gustong umatras ngunit pinipigilan siya ng seatbelt.

"Ba-bawal yan."

"I'm not going to kiss you. Ano ka sinusuwerte?" sarkastikong sagot ni Gig.

"Bakit ba nakakainis ka!" bulyaw ni Voice.

"You like me this way right?"

"Dati yun. Gusto ko may challenge dati pero-"

"Ano ba talaga gusto mo? Feeds na lumalapit sa iyo oh." ngumisi pa si Gig.

"Magdrive ka na lang. Izi-zip ko na ang bibig ko. Kita mo ito?" tsaka itinikom ni Voice ang bibig. "Mmmmm mmmm mmmm mmm"

"Okay." tsaka umalis na ang dalawa.

***

Pagdating nila Gig at Voice sa Queen Esther ay nagulat sila sa presensiya ni Don Hector na mukhang hindi natuwa na makita silang dalawa na magkasama.

"Don Hector?" nanlalaki ang mata ni Voice. Lumingon siya kay H at Chill ngunit seryoso ang mga ito at matalim na nakatitig sa kanya.

"Hello Hija. Nagkita ulit tayo." bati ng Don.

"Bakit po kayo napabisita?" tanong ni Voice.

Linapitan ni Don Hector si Voice at marahang hinawakan sa magkabilang braso. "Gusto kong humingi ng patawad sa iyo Hija."

"Po? pero-"

"Tsaka napag-isipisip ko rin na kami na lang ang pupunta rito para makilala ng husto ang pamilya mo kesa kayo pa ulit ang pumunta sa Hacienda."

"Ho?"

"Dito muna kami titira. May bahay rin kami rito kaya parati mo na akong makikita at mababantayan rin kita." nakangiti si Don Hector ngunit may halong pagbabanta ito na nakatingin sa katabi ni Voice na si Gig.

"We are dating." singit ni Gig. Sarkastikong tinignan lang siya ni Don Hector.

"Hijo, all is fair in love. Isa lang ang masasabi ko, ang mga Damian ay mahirap kalabanin." liningon naman ngayon ni Don Hector ang apo. "Hunter, ihatid mo muna ako sa labas."

Tahimik na sumunod lang si H.

"Mauna muna ako Hija at may trabaho pa kayo." pagkalabas ng maglolo ay mabilis na nilapitan ni Voice si Chill para magtanong sana ngunit mabilis na tumalikod ang binata at nag-ayos ng mga paninda.

"Naniniwala ka na sa akin?" bulong ni Gig kay Voice.

"Na ano? May gusto sa akin si Chill pati na rin si H?" bulong ni Voice.

"It's a guy's intuition. We get to know who we will have to compete with."

"Guy's intuition mo! Magtrabaho na nga tayo." asar na nagtungo si Voice sa may counter nang may makita siyang wedding invitation dito at nakasulat ang pangalan niya.

"Sinong nagbigay nito?" malakas na tanong ni Voice kay Chill ngunit umiling lang si Chill. "Eh paano ito napunta dito?" bulong ni Voice na binuksan ang sobre.

"We would love to have you at our wedding, Hunter and Voice." halos lumuwa ang mata ni Voice sa nabasa.

"A-anong kalokohan ito?! Na-nasaan si Don Hector?" tulirong nagmamadaling lumabas si Voice habang mabilis na pinulot ni Gig ang nahulog na invitation ni Voice. Pagkabasa ni Gig ay sumunod din siyang lumabas at ganun din ang nangyari

nang mabasa rin ito ni Chill.

"Don Hector!" sigaw na tinawag ni Voice ang matanda at nakangisi itong lumingon.

"Nakita mo na ba Hija?" tanong ni Don Hector.

"Hoy H alam mo ba yung tungkol sa invitation?" panay ang buntong-hininga ni Voice.

"Ïnvitation?" kunot-noong tanong ni H.

"Wedding invitation Hunter." pagklaklaro ni Don Hector.

"What did you do?" bulyaw ni H.

"I am trying to set things right! You like her don't you?"

"You're insane!" bulyaw ulit ni H.

"H, pigilan mo ito!"

Pagkarating nila Gig at Chill ay tinapik ni Don Hector ang apo. "Hijo, kung hindi ka kikilos as maaagaw ng ibang tandang ang inahin."

"I will do things my way." diin ni H.

"Hindi mo pwedeng ipilit ipakasal ang isang tao na labag sa kanyang kalooban." singit ni Gig at tumawa naman si Don Hector.

"Tama kayo. Sino ba ang pwedeng pumilit ng isang tao na ipakasal sila? Gusto ko lang ipakita sa inyo ang isang mangyayari sa hinaharap dahil para sa mga Damian, lahat ay posible." tumawa si Don Hector.

"You will not force us to marry?" tanong ni H.

"I can if I must pero I don't want to ruin what a beautiful love story you might have." kinindatan ng Don ang apo. "Siya siya, magpapaalam na ako. Biniro ko lang kayo. Walang kasalan ang mangayayari sa ngayon. Hahahahaha!"

Kumalma na rin si Voice at ganun rin sina Chill at Gig.

***

Kinahapunan ay nagkita si Don Hector at ang ina ni Voice sa isang mamahaling restaurant.

"Alam ko na kung saan nagmana ng kagandahan si Voice." pagbibiro ni Don Hector nang dumating ang nakakatandang Kreiss.

"Salamat po."

"Sit." nakangiting alok ng Don.

"Kayo po ang Lolo ni H?"

Tumango si Don Hector. "Anong masasabi mo sa apo ko?" tanong naman nito.

"Syempre guwapo at tahimik." nangingiwing sagot ng Ina ni Voice.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. I am here to set an arranged marriage."

"Ho?" nanlaki ang mata ng Ina ni Voice at halos mabitiwan ang baso ng tubig na iinumin pa lang niya sana. "Arranged marriage?"

"Nag-imbestiga na ako at nalaman ko na ang isang kahilingan mo ay ang makapag-asawa ang anak mo. Inaalok ko ang apo ko para sa anak mo."

Nanginginig na ibinaba ng Ina ni Voice ang baso ng tubig. "Nakakagulat naman po kayo pero sa totoo lang po ay ayaw ko naman po ng arranged marriage."

"Sinasabi mo ba yan dahil may iba ka ng napupusuan para iyong anak?" gustong banggitin ni Don Hector si Gig at mukhang naintindihan naman ng Ina ni Voice ang nais ipahiwatig ng matanda.

"Kung sino man ang mamahalin ng anak ko ay doon ang boto ko."

"Very well said then should I offer you something else that would change your mind?" naningkit ang mata ni Don Hector.

"Hindi ko po kailangan ng kahit ano."

"Paano kung mapa-ibig ng apo ko ang anak mo?" ngumisi si Don Hector.

"Ho?"

"Sa tingin mo ba ay walang tiyansa ang apo ko sa anak mo?"

"Pero nagdadate na ngayon si Voice at si Gig."

"Hindi pa tapos ang kuwento hanggat walang nakasulat na the end sa huli nito. Hindi ba?"

"At ano po ang gusto niyong mangyari?" tanong ng Ina ni Voice.

"My want my grandson will live next to your daughter."

"Po?"

"Huwag mong akalain na nagpapaalam pa ako sa iyo dahil nabili ko na ang katabing condo. He will soon live next door."

Wala nang nagawa ang Ina ni Voice kundi ang mapalunok sa bilis at diskarte ni Don Hector.

Continue Reading

You'll Also Like

11.9M 285K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
277K 14.5K 54
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
120K 2.6K 59
Para sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang a...
2.8M 110K 77
Highest Rank Achieved: #1 in HUMOR CATEGORY! • • • • • • Pauper turned into Princess. Ganyan ang naging buhay ng bading na si Fita nang mag-asawa mul...