Blinded

De intenshified

3.4K 503 451

(Completed 01312017) For the past years, she lived her life in the cold darkness keeping herself from the dan... Mais

Disclaimer and Copyright
Beginning
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Ending
Postscript

Chapter One

252 24 1
De intenshified

Demetria

"Demi! Dali na! Tumugtog ka na kasi! Ito naman oh, kill joy. Hmp." Himutok ni Angel ang bumungad sa'kin. Binitawan ako ni Yasmin at Elysa na umaalalay sa'kin sa paglalakad.

"Angel. Ayoko.." Sagot ko at napa-buntong hininga. Ang tigas talaga ng bungo ng babaeng 'to.

Narinig kong umismid siya. Naiimagine ko ng umiikot ang mata niyan. Natatawa tuloy ako.

"Angel, hayaan mo na nga si Demi. Para namang ikamamatay mo kung hindi siya tutugtog." Natatawang saway ni Yasmin. Si Yas ang pinakamatanda sa amin.

"Ewan ko sa inyo. Naku, Demetria Corpuz, pwede ba? Tigilan mo ko sa pagiging mahiyain mo ha! Bakit ka mahihiya!? Talent 'yan! Kung marunong lang ako tumugtog ng piano, tatanggapin ko talaga alok ni Miss Alexa na tumugtog sa assembly. Baka nga ako pa mag-volunteer eh!" Singhal ni Angel.

"Magkaiba tayo, Angel. Ikaw, sanay ka sa spotlight. Ako, hindi.." Paliwanag ko.

"Demi, may point naman kasi si Angel. Dapat masanay ka sa tao. Ang galing nga eh! Kaya mo tumugtog ng piano!" Rinig kong sabi ni Elysa.

"Oo nga. Kaya ko tumugtog ng piano. Ang galing! Bulag ako tapos tumutugtog ng piano! Ano nalang kung magkamali ako? Tatawanan ako? Kasi trying hard ako na feeling pianista eh bulag naman? Nakakatawa kayo.." Sarkastiko kong sabi sakanila.

"Eh ano kung tawanan ka? Edi tawanan mo din sila! Tapos sabihin mo "MGA BOBO. BULAG NGA KO, DIBA?" ganoon Demi." Proud pang pagkakasabi ni Angel. Sira ulo.

"Tantanan niyo na ko. Pinal na ang desisyon ko. Hindi ako tutugtog sa assembly." Sagot ko at tumayo. Naramdaman ko kaagad ang kamay na humawak sa braso ko. Base sa gaspang ng kamay alam kong kay Yas iyon.

"Aghhh! Ewan ko sa'yo!" Rinig kong maarteng sigaw ni Angel at narinig ko ang padabog na tunog ng mga takong niya sa sahig.

"Elysa, sundan mo nga." Bulong ni Yas at umismid. Napailing nalang ako.

Dinama ko ang hangin dito sa rooftop. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Yas sa braso ko.

"Hay nako, Demi. Hayaan mo nalang si Angel." Pabuntong-hiningang sabi ni Yas. Tumango ako ng marahan.

Si Yasmin, Angel at Elysa ang mga tanging kaibigan ko dito sa school. Si Yasmin na iskolar at matalinong estudyante, si Elysa na hinahabol-habol ng mga lalaki, si Angel na walang ibang ginawa kung hindi ang itaas ang sarili sa alta sosyedad at ako na.. Bulag. Whatever.

Naiinggit ako sakanila. Kasi sila, nakikita ang mundo. Ako, hindi.

Si Yasmin na humahabol ng Latin Honors. Si Elysa na habulin dahil sa bait at ganda. Si Angel na kilala ng lahat. Sana, ako din.

Ako? Walang espesyal sa'kin. Siguro, bulag na tumutugtog ng piano. Nakakatawa. Plain and boring.

"Demi, bakit ayaw mo?" Tanong ni Yas.

"Ang alin?" Tanong ko pabalik.

"Tumugtog sa assembly."

"Sinabi ko na ang rason ko." Sabi ko. Rinig ko ang buntong hininga ni Yas.

Nag-usap kami doon tungkol sa walang kwentang bagay. May narinig akong hagikgikan. Si Elysa at Angel, panigurado.

"Oh ano na? Tutugtog ka na?" Tanong ni Angel. Hindi ako sumagot. Umismid siya at narinig ko ang mumunti niyang bulong. Ewan ko sa'yo Angel.

Tumawa si Yas at Elysa.

"Tigas talaga ng bungo mo, Gel." Natatawang kantyaw ni Elysa.

"Gel, move on na." Dugtong pa ni Yas kaya natawa ako.

"Ay naku! Kaya lalong kumakapal ang wala sa lugar na hiya niyan dahil sa pangungunsinte niyo eh!" Asik ni Angel.

Natawa nalang sila kaya napailing ako.

"Nga pala, ang gwapo noong nakatabi ko kanina sa classroom namin. Oh my gosh!" Kinikilig na sabi ni Angel. I saw some spur of movements. Siguro binatukan ni Yas.

"Tse! Landi talaga neto. Angel! Gumaya ka nga kay Elysa. Hard to get." Bulyaw ni Yas na natatawa.

"Hala? Hard to get ka d'yan. 'Di naman oy! 'Di ko lang talaga sila type 'no! Atsaka, hello? May JC na ko!"

"Sinabi ko bang papatulan ko? Dumi mong mag-isip, Yasmin." Banat ni Angel.

"Woah! 'Di nga? Gwapo diba? At mukhang type mo, tapos 'di mo papatulan.. No! More like.. 'Di mo lalandiin?" Natatawang sabi ni Elysa.

"Ayoko. Di ganoon ang type ko eh. Gusto ko 'yung game sa lahat at hindi na inosente. Mukhang mabait eh. Pangalan pa lang."

"Dios mio, Angel! Virgin ka pa ba?" Histerikal na sabi ko. Narinig kong humagalpak sa tawa si Elysa at Yas.

"Gago! Oo naman 'no! Hanggang MOMOL lang naman eh." Masungit na bigkas ni Angel. MOMOL?

"MOMOL? Ano 'yun?" Tanong namin ni Yas. Sabay pa kami.

Narinig kong humagikgik si Elysa. Napailing nalang ako. Kalandian nga naman ni Angel.

"Girls! My god! Di niyo alam ang MOMOL? Anong era ba kayo pinanganak?" Hagalpak ni Angel.

"Make Out Make Out Lang. 'Yan! Happy?"

Nanlaki ang mata at... Humagalpak ako sa tawa. Of course. Angel and her flirty vocabulary.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap ng ng may tumunog. Heavy metal ringtone. Angel's.

"Hello?... Yes... Now na... Okay, bababa na... Bye!" Rinig kong sagot ni Angel sa kausap. Napansin ko ang tunog ng boses niya. 'Di ko lang alam pero parang may iba.

"Oy, guys! Bye na. Aalis pala ako ngayon. Pupunta kaming Italy ni ate Ezra! Excited na ko! Bye!" Naramdaman kong hinalikan ni Angel ang pisngi ko. Narinig kong mabilis na tumunog ang takong niya. Tumakbo siguro.

"Angel! Pasalubong, ha?" Dinig kong pahabol ni Yas.

"Guys! Aalis na din pala ako. May date pa kami ni JC. Bye!" Paalam ni Elysa.

"Yas." Tawag ko.

"Ano?"

"Hatid mo ko sa music room." Sabi ko at tumayo. Mag gagabi na. Wala ng tao niyan.

"Osige. Halika." Sabi ni Yas at inalalayan ako.

Ganito lagi ang set up namin. Magpapalipas ng oras sa roof top lalo na't walang assignment at projects tapos pag papalubog na ang araw, ihahatid ako sa music room. Doon ko hihintayin si Sir Elmer. Siya ang teacher ko at sabay kami umuuwi samin dahil dagdag sa bayad nina Mama sakaniya ang ihatid ako.

Kapatid din ni Papa si Sir.

Narinig ko ang pagpihit ni Yas sa door knob. Binitawan niya ko. Kinuha niya ang kamay ko at naramdaman ko doon ang isang malamig na bagay.

"Pepper spray." Aniya. Tumango ako at hinawakan ito. Lagi niyang iniiwan sa'kin ang pepper spray na ito.

"O'sya alis na ko. Ingat!"

"Bye, Yas. Ingat ka din!"

Umalis na si Yas kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

I am blind. Yes. But, I can still see some shadow spur of movements.

Lalo na pag madilim.

Dito sa music room, base sa pagkaka-describe nina Yas, may maliit na entablado sa gitna at mga upuan na parang pang-teatro sa harapan. Kapag gumabi na, tanging ang ilaw sa entablado nalang ang nakabukas. Nakatutok ito sa grand piano sa gitna.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naka-suporta ang kamay ko sa dingding.

Nakarating na ko sa entablado at umupo sa silya katapat nito.

(River Flows in You piano by Yiruma)

Ito ang pinaka-una kong natutunang piece kay kuya David.

Patay na si kuya David.

Pero tanggap ko na. Matagal na.

Tinugtog ko ito. 6th death anniversary ni kuya. Doon ko ito tinutugtog.

It was, still and will remain a masterpiece.

The memories of it is what makes it a masterpiece.

Pikit mata kong tinugtog ang piyesa.

"Kuya! Ang galing. Turuan mo ko niyan." Nakangiting sabi ko kay Kuya David. Tumawa siya.

"Halika."

Nang natapos akong tumugtog lumandas ang isang patak ng luha sa mata ko.

Ngumiti ako. Ganoon naman dapat 'di ba?

Nagulat ako ng marinig ko ang isang palakpak. Tatlong beses na palakpak.

"Sir Elmer?" Tawag ko. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mata ko.

"Bakit?" Sagot nito sa isang bilog na boses. Ngunit hindi nakatakas sa'kin ang hagikgik at tila pagpipigil na tawa nito.

Dahan dahan kong kinapa ang pepper spray sa suot kong pantalon.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Pfft. Secret walang clue. Hulaan mo." Sagot nito.

Napasimangot ako. Sino ba 'tong manloloko na 'to?

Humagalpak siya sa tawa.

Narinig ko ang impit na tunog ng upuan. Naka upo siguro siya sa mga silya.

Dahil kahoy ang sahig ng stage, narinig ko ang yapak niya. Humigpit ang hawak ko sa pepper spray.

"Sino ka?" Tanong ko ng mahinahon kahit takot ako. Ayaw kong ipakitang takot ako.

Naramdaman ko ang pag-uga ng upuan ko.

"Bulag." Bulong niya at tumawa.

Ginapangan ako ng inis sa sinabi niya. Gago.

"Sino ka ba!?" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang pagsigaw. Nakaka-insulto kasi eh.

"Easy. Ito naman biro lang. Ang galing mo ngang tumugtog eh. Ang ganda mo pa. Ano pangalan mo?" Tanong niya.

Napairap ako sa kawalan.

"Bakit ko naman sasabihin?"

"Tss. Pfft. Ayaw mo sabihin 'di 'wag. Arte," tila nangiinis pa niyang bulong.

"Demetria Corpuz. ID. Tsk." Litaniya niya. Naramdaman ko din ang paghila niya sa ID ko. "Ano ba!?" Sigaw ko.

"Okay, sige. Hi, Demetria! Hahaha baho ng pangalan mo. Pang-matanda." Pang-aasar niya. Hinila ko ang lace ng ID ko.

"Demi. 'Yan. Itawag mo sa'kin. Bwisit." Inis na sabi ko. Mabaho ang pangalan ko. Kaya nga Demi ang gusto ko itawag sa'kin.

"Okay, Demetria." Tumatawa niyang sabi. Punyemas.

***

Continue lendo

Você também vai gostar

27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
54.6K 844 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Chasing Hell (PUBLISHED) De KIB

Mistério / Suspense

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!