You & I(Completed)

By top13Arida

6.5K 158 13

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang magsakripisyo para sa kanya? What if i... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three

Chapter Four

1.4K 49 6
By top13Arida

                                  -oOo-

Nakita kong nakabukas na ang simbahan at nandoon lahat ng kakilala ko, napaiyak ako. Hindi ko inaasahan 'to, here I am now walking in the isle. Nakita kong nakangiti si Lance sa dulo ng simbahan, inaalalayan ako ni mama at papa. "Alam namin na magiging masaya ka, mahal na mahal ka namin, Anak." Niyakap ko sila at umiyak, ibinigay na nila ang kamay ko kay Lance. Ngumiti siya pero namumula ang mga mata niya. Kinuha ni Lance ang kamay ko at hinalikan ito. "Ano 'to, Lance? Bakit may ganito?" Naiiyak at naguguluhan kong tanong sa kanya, ngumiti siya sa akin. "Dahil mahal kita at ayaw kitang pakawalam, itatali kita sa akin forever." Sabi niya. Marahan niyang pinisil ang kamay ko. "Alam mo naman na hindi na ako magtatagal, diba? B-bakit pa?" Bakit niya pa ako pakakasalan kung mamamatay lang din naman ako any moment? He doesn't deserve me, he deserve someone better, 'yung kaya siyang alagaan. "Wala akong pakialam, mahal kita. 'Yun ang mahalaga sa akin, aalagaan kita hangga't kaya ko, hangga't nabubuhay ka." Pinahid niya ang luhang dumadaloy sa pisnge ko.

Hindi na ako nakapagsalita pa, inalalayan niya ako papunta sa harap ng Pari, nag-umpisa na ang kasal. Nagsasalita na ang Pari at ako naman ay parang lutang lang sa ere, I can't believe this is happening. Hindi ko akalain na magaganap ang ganitong pangyayari sa buhay ko bago ako mawala. Umaabot na kami sa palitan ng vows. Ayaw kong magsalita, hindi ko yata kakayanin. "Nag-umpisa tayo sa pagiging stranger noon, pero hindi ako tumigil hangga't hindi kita makilala. Kinukulit kita palagi kase gustong-gusto kong nakikita kang namumula sa galit at sa inis. Hanggang sa naging tayo na, we don't care kung sino man ang mga taong nakapaligid sa atin, all we care is that we love each other so much na hindi na tayo mapaghiwalay. Nawala ako, nagpakasal kay Angel na best friend mo. Hindi ko 'yun ginusto, pareho naming hindi ginusto kase ayaw ka naming masaktan, iniisip ko palang na umiiyak ka ay parang mamamatay ako sa sakit.." He is holding my both hand while looking directly in my eyes with love and happiness.

"Bumalik ako, dala dala ang pagmamahal ko sayo. Akala ko hindi mo na ako ulit matatanggap, akala ko mayroon kanang ibang mahal sa pagbabalik ko kaya inihanda ko na ang sarili ko kung ano man ang maabutan ko, but I wasn't expecting you to be like this. Sa lahat ng mga oras na nakikipaglaban ka sa sakit mo ay wala ako. Hindi man lang kita natulungan, wala ako sa tabi mo, wala ako sa tabi mo para palakasin ang loob mo, pero iba na ngayon, nandito na ako. Hindi ko alam na sa lahat ng nagawa kong pag-iwan sayo ay mamahalin at tatanggapin mo ako ulit, I am lucky to have you in my life, baby. Ginawa ko ang surprise wedding natin not minding if you'll say yes or no, basta ang alam ko lang ay mahal kita at hindi kita kayang mawala. Lalaban ka pa para sa atin, mawalan kaman ng pag-asa, nandito naman ako para palakasin ang loob mo. Lumaban ka para sa amin nang pamilya mo, para sa akin.." Nanginginig ang magkabila kong tuhod, pinaupo niya ako at lumuhod siya.

"Hindi kita susukuan, hindi sa ngayon na kailangang-kailangan mo ako sa tabi mo. Ako ang magiging lakas mo sa mga araw na magiging mahina ka, hahawakan ko ang kamay mo at aalalayan kang tumayo hanggang sa makaya mo nang tumayong mag-isa. Sasalubungin natin pareho ang umaga na may bagong pag-asa, mahal na mahal kita, Ariella, kahit ano kapa, sino kapa at kahit ganito kana ngayon." Hinalikan niya ang dalawang kamay ko, sa lahat ng oras na nagsasalita siya ay umiiyak lang akong nakatingin at nakikinig sa kanya. Lumuluha rin ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. "Mahal na mahal din kita, Lance. Mahal na mahal."

'Yun lang ang nasabi ko kase hindi ko na talaga kaya, hindi ko pa yata kayang sabihin sa kanya na hindi ko na kaya pang mabuhay. Hindi ko na kayang makipaglaban, pagod na ako at gusto ko nang magpahinga, pero sa t'wing nakikita ko siya, sila nang pamilya ko ay nabubuhayan ako nang loob.

Gustong-gusto kong lumaban para makasama ko pa sila ng pamilya ko, pero anong magagawa ko kung hanggang dito nalang ako?

                                     ****

Lance's POV

Isang buwan matapos kaming ikasal ng asawa ko ay hindi ko siya iniwanan, palagi ko siyang sinasamahan sa mga check ups niya. Dapat sana ay hindi ganyan ang set up namin, diba? Dapat masaya kaming dalawang namumuhay pero iba kami, ang mga araw na dapat sana ay masaya kaming namumuhay bilang mag-asawa ay kabaligtaran. Nakabantay lang ako palagi sa kanya, lumabas na kami sa hospital kase parang mas nanghihina pa siya sa loob.

Gusto niya palagi kaming nasa Garden ng bahay namin, gusto niya kase ang mga bulaklak kaya habang nasa hospital pa kami ay mas pinaganda ko pa ito at pinalawak para sa pag-uwi namin ay masiyahan siya. "Lance, pwede ba tayong pumunta ng school natin? Sa college?" Pagtatanong niya, pareho kaming nakaupo sa duyan sa harap ng Garden. Buto't balat na lang ang mahal ko pero sa paningin ko ay siya parin ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Tumingala siya sa akin, hinalikan ko ang noo niya. "Oo naman, ikaw pa ba tatanggihan ko?" Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang mapuputla niyang labi. Nauna akong tumayo at tsaka inalalayan siyang tumayo.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na kami sa pag-aayos ng sarili namin, nagdala ako nang mga bagay na kailangan ng asawa ko. "Upo ka muna." Sabi ko sa kanya at inalalayan siyang maupo sa isang bench. Napangiti siya, lumapit ako sa kanya. "Why are you smiling like that?" Tanong ko sa kanya. "Ito kase ang bench na inuupuan ko noon ng una mo akong lapitan." Masayang sabi niya. Napaisip ako, tama nga siya. Ito nga 'yun. I smiled too, tumayo ako. "Hello miss, I'm lost. Can you take me to your heart?" Nakangisi kong sabi. Tumawa naman siya nang mahina, how I love to hear her laugh like this, na para bang okay ang lahat. "Ang corny mo parin." Sabi niya. "Mali naman ang sagot mo eh." Nakanguso kong sagot.

Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Umupo ako ulit sa bench, sumandal siya sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niya. "Natatandaan mo pa ba ang unang sinabi mo sa akin noon sa bench na ito?" Agad akong napangiti at tumango sa kanya. "Oo naman." Sagot ko. Tumikhim ako.

"Hi, Miss pretty. I'm Lance Montevista. Bakit naman nag-iisa ang magandang dilag na katulad mo? You shouldn't be alone." Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Nagbabasa siya noon ng isang libro, at ng makita niya ako ay kumunot ang noo niya. She was very cute that time and very pretty. Siya lang ang pinakamaganda sa mga mata ko noon paman.

"Wala akong pakialam, nagbabasa ako kaya umalis kana. Istorbo." Bigla akong napatawa. Hangang ngayon ay memoryado niya pa pala iyon.

Bigla siyang natahimik.

"Lance, pagod na ako. Pwede na ba akong magpahinga?" Nakangiti niyang sabi, kitang kita ko sa mga mata niya ang saya. Tumango ako sa kanya. Inayos ko ang pagkakasandal niya sa akin at hinalikan ko ang noo niya, nakatitig siya sa mata ko. "Masaya ako Lance, sobra. Alam mo na hindi na ako magtatagal, sana balang araw makah--" I cut her words, hindi ko pala kaya. Akala ko okay na sa akin but hearing this one from her really breaks my heart. Pilit ko mang sabihin sa lahat at sa sarili ko na handa na ako any moment kapag nawala siya ay hindi ko pala kaya. "Wala akong pakialam sa sakit mo, mahal na mahal kita. Ayaw kitang mawala sa akin, hindi ko k-kaya. H-hindi." Napailing ako, ngumiti siya sa akin. "Mahal na mahal din naman kita, alam kong makakaya mo. Kakayanin mo para sa akin." Nakapikit na siya, alam kong hindi ko kaya. Siguro mabubuhay ako pero hindi magiging madali ang lahat sa akin.  "Can you sing me a song?" Nagpapaalam ka na ba? Gusto kong itanong sa kanya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ipinikit ko ang mata ko at nag-umpisa ng kumanta, my song for her.

Born for you..

After that day, hindi ko na naka-usap pa si Ariella, my Ariella. Habang kinakantahan ko siya ay tahimik lang siyang nakayakap sa akin, I tried to wake her up after kong kumanta pero hindi ko na siya nagising.

"Babe? Tapos na akong kantahan ka. Pagod ka na ba? Uuwi na ba tayo?" Hinaplos ko ang mukha niya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, nagulat ako nang hindi ko maramdamang humihinga siya. Kahit alam ko na ang dahilan kung bakit ay ngumiti parin ako. "H-hey, baby. Uuwi na tayo, p-pahapon narin oh. Halika ka na. Anong gusto mong ulam mamaya? G-gusto mo ba ng pasta? S-sabihin mo lang." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinipilit kong huwag maiyak.

"Babe? Gusto mo kargahin na k-kita papasok ng kotse?... Baby?"  Napakaamo at payapa ng mukha niya, walang sakit na bumabalatay sa mukha niya. Mukhang masaya na nga siya nang iniwan niya ako. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. "H-hindi pa pala ako handa, b-bumalik ka, baby. Hindi ko yata kakayanin. Mahal na mahal kita." Ang mainit niyang katawan ay unti-unting nanlalamig. Wala na talaga ang babaeng pinakamamahal ko. Iniwan na niya ako.

At sa huling pagkakataon ay hinalikan ko siya sa labi niya. "Hintayin mo ako kung nasaan kaman ngayon. Magkikita tayong muli." Bulong ko sa kanya.





Masakit, sobra. Pero kinaya ko para sa kanya. Isang taon na pero hindi parin ako naka move on, pero ngayon alam kong unti-unti ko ng natatanggap. Wala na si Ariella, ang babaeng mahal na mahal ko.

"Isang taon kanang wala pero parang kahapon lang ay kasama pa kita." Hinaplos ko ang lapida niya. Sumindi ako ng kandila at inayos ang bouquet ng puting rosas, ang paborito niyang bulaklak. "Kamusta kana d'yan? Masaya kaba? Kase ako hindi eh, palagi parin kitang naiisip sa tuwing wala akong ginagawa. Hangang ngayon ay mahal na mahal parin kita." I wiped my tears. Alam kong hindi siya masisiyahan kapag nakikita niyang akong umiiyak. "Nakakasama nalang kita sa alaala ko, hindi na kita mayakap at mahalikan. Sana makasama na kita. Nakakalungkot lang isipin na sa mismong lugar na una tayong nagkausap ay doon din pala tayo, huling mag-uusap." Yumuko ako at tahimik na umiyak.

Biglang umihip ang malamig na hangin, nanindig ang balahibo ko nang maamoy ko ang pabango ng mahal ko. Ramdam ko ang malamig na hangin sa buong katawan ko. "Salamat. Salamat." Bulong ko. Alam kong si Ariella iyon. Niyakap niya ako.

                                -END-

Continue Reading

You'll Also Like

349K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
118K 3K 28
GXG
146K 222 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
28.2K 68 7
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞