Taken by a DEMON (PUBLISHED U...

By AnneThatWrites

4.2M 90.8K 8.3K

Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll... More

A little insight of the Story
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
NOT AN UPDATE (owtor's nowt dis)
Chapter 18.0
Chapter 18.1
CHAPTER 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Author's Note
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Owtor's Nowt XD
Pa Help :)
TAKEN BY A DEMON UPDATE: Support Book 2 :)
TAKEN BY A DEMON BOOK 2!!!
Belzeebub Story TEASER

Chapter 21

92.7K 1.8K 57
By AnneThatWrites

ASTAROTH'S POV~

Why she's curious about it? To be honest I don't want to tell her why and how I become one. I don't want her to feel guilty or to blame herself.

"Come on. Tell me." Pamimilit na naman nya.

I sigh. I give up. Ang kulit.

"Fine." Tipid ko sabi and then I try to recall what happen.

*Flashback*

I woke up in the middle of nowhere. A place so foreign for me. The place is smokey but I don't smell anything that is on fire. I can't see except the thick smoke covering the place.

'What is this place?' I tried to look around. There is nothing except smoke.

'Why am I here?' I asked myself as I try to recall what happen and then fear and anger started to conquered my body as I remember what had just happen.

Tiningnan ko at kinapa ko ang katawan ko. I'm still intact. Hindi nagkalasog lasog ang katawan ko. Panaginip lamang ba yun lahat? Ang pinakain ako sa Lion? Was I was just dreaming?

'Oh wait. Am I dead?'

'Shit!'

''I AM DEAD!'' Di ko alam kong ano ang mararamdaman ko. Afraid. Anger. Shock. Confused.

I try to feel my heart. It is still beating. Does that mean I am still alive? Whatever it is, I need to find my way out of here! Kailangan kong mailigtas si Yva! Baka patayin sya!

I dunno where to go but I walk. I walk even if the whole place was covered by smoke. I walk to a never ending place covered by smoke. I don't know If I will be able to find somebody to ask for help. It's like a never ending place. What a vast place.

I feel like I was walking for a whole day. Wala pa rin akong nararating pero ganun pa man patuloy pa rin ako sa paglalakad. I need to keep moving. I need to find someone to help me. To help Yva.

Napakatagal ko nang naglalakad. Pakiramdam ko hindi ako gumagalaw sa kinakatayuan ko. Pareho lang ang aking mga nakikita. Mga makakapal na usok. Parang hindi rin gumagalaw ang oras dito. Hindi nagbabago ang panahon. Hindi uminit. Hindi dumilin. Makulimlim lang palagi.

Ilang oras pa ang itinagal nang may maaninag na ako na liwanag. Sinundan ko ito hanggang sa nakita ko ang mga taong nakapila sa isang mataas na hagdanan.

Lumapit ako doon at nagtanong. Parang walang nakakakita sa akin. Hindi nila ako pinapansin.

"Mawalang galang na ho, ano pong lugar ito?" tanong ko dun sa isang nkapila na isang matandang babae. Hindi ako pinansin. Bagaman nakikita ko sa mga mata nya ang maatinding lungkot.

Nagtanong muli ako sa iba pang mga nakapila. Pareho silang hindi ako pinapansin at parehas din na napakalungkot ng kani kanilang mga mata hanggang sa may nakita akong bata na nakapila. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sa akin.

"Naliligaw ka po ba kuya?"

Nagulat ako nang tanungin ako nung bata.

"Na..nakikita mo ako?"tanong ko. Naninigurado lang.

Tumango ang bata. "Lahat naman kami nakakakita sayo eh." Dagdag pa nito.

Lumapit ako sa bata. "Bakit di nila ako pinapansin?"

"Di ka talaga nila papansinin. Lahat yan sila sobrang lungkot."

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi namatay na sila. D pa siguro nila tanggap."

Nagulat ako sa sinabi nang bata saka natawa.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Sila, at tayo, patay na." sabi nung bata.

"Ano?!"

"Bakit? Di mo ba naalala na namatay ka na?" inosenteng tanong nang bata. Hindi nalang ako umimik dahil hindi pa ako makapaniwala.

Akala ko ba panagnip lang ito.

"Pero tumitibok pa ang puso ko!" sabi ko sa kanya.

"Sakin nga din eh. Magattanong nalang tayo mamaya pag nasa tuktok na." saad nya.

Nang makabawi na ako sa pagkagulat, sa wakas natanong ko rin sa bata kung bakit nakapila sila.

"Sa tuktok kasi nitong hagdanan nandoon ang magpapapili sa atin. Yun sabi kanina nung magising ako mula doon sa mausok na lugar." Ang tinutukoy nya siguro eh yung katulad ang lugar kung san din ako nagising.

"Sino ang may sabi sayo?" takang tanong ko. Kasi sa hinaba haba nang nilakad ko wala akong nakasalubong na sino man upang makapagsabi sa akin nang mga bagay bagay.

"Isang lalaki yun na may pakpak." Sagot nito.

"Ano bang ipapapili sa atin sa tuktok?"

"D ko alam. Ang sabi kasi pumila daw eh kaya pumila nalang ako. " sagot nung bata.

Sa mga narinig ko, makakakmit ko lang yata ang mga sagot na gusto kong marinig kapag narrating ko ang tuktok nitong hagdan. Kaya pumila na rin ako.

Kailangan ko nang mga sagot. Gusto kong makita muli si Yva. Gusto ko syang iligtas. Ano na ang nangyari sa kanya? Sana hindi ginawa sa kanya ang ginawa ng mga hayop na yun sa mga magulang ko.

I love her. Kailangan kong makabalik! Kailangan ko!

Ilang mga oras pa ang dumating hanggang sa nasa tuktok na ako. Nakita kong nakangiting nag ba bye sa akin ang bata. Kinawayan ko rin sya bilang ganti. Ngayon naman oras ko na na harapin ang isang matandang lalaking nakaputi, matangkad,nakasuot nang salamin sa mata at may pakpak.

"Pangalan?" tanong nang lalaking may pakpak.

"Eddan po." Sagot ko.

Nakita kong may makapal sya na aklat na hawak hawak at may tinitingnan. Habang ginagawa nya iyon naisipan ko nang magtanong.

"Pwede ho bang magtanong?"

"Sige. Magtanong ka." Sabi nya habang nakatingin pa din dun sa aklat na parang may hinahanap.

"Anong lugar to?"

"Main Gate." Sagot nya habang hindi nakatingin sa akin.

"Anong Main Gate?"

"Pagkanamatay ka, dito ka agad mapupunta." Dagdag nya.

Kinapa ko ang puso ko. Nararamdaman ko pa rin ang pagtibok.

"Kung totoong patay na ako, Ba't tumitibok ang puso ko?" tanong ko pa.

"Nakadepende sa pipiliin mo mamaya kung mananatili sayo ang puso mo o hindi."

Wala akong maintindihan sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Humarap na sya sa akin nang parang nakikita na nya sa aklat na haak nya ang salitang hinahanap nya.

"Ikaw si Eddan. Ang ikinamatay ay ipinakain nang buhay sa mga lion, tama ba?" tanong nya.

Tumango lang ako. "Pwede po ba akong makabalik sa pinanggaingan ko? Kahit saglit lang! May kailangan lang akong iligtas!"

"Pasensya na dahil ang oras mo sa mundo ay tapos na."

"Pakiusap! Kailangan kong iligtas si Yva! Mamamatay sya pag hindi ako nakabalik! Pakiusap po!"

"Ikinalulungkot ko sapagkat wala na akong magagawa jan."

Tears started to fall on my cheeks. I felt mix emotion. Pag-aalala, galit, suklam, at awa. Naawa ako sa sarili ko. Sa sitwasyon ko. Hindi to tama. Hinding hindi to tama.

Humarap muli ako sa matandang may pakpak.

"Isang saglit lang po. Pakiusap!"

Lumingo lingo ang matanda. "Tapos na ang yung oras."

Napaluhod ako sa aking kinatatayuan. "Pakiusap. Saglit lang! Kailangan ko syang iligtas. Hindi sya dapat mamatay ng ganun ka brutal. Pakiusap!" yumuko na ako habang umiiyak na nakikiusap.

"Anong pangalan nang gusto mong balikan sa mundo?"

May namuong pag-asa akong naramdaman dahil sa itinanong nya. Baka sakaling pumayg syang makabalik ako.

"Yva. Yva po ang pangalan nya." Tumayo ako at lumapit muli sa harap nya.

Ipinakli niya sa ibang pahina ang aklat na hawak nya.

"Yva? Ang ikinamatay, sinunog ng buhay."

Halos lumuwa ang mata ko sa narinig.

"Anong sinunog?! Hindi pa yun patay! Kaya nga kailangan kong balikan eh!! Ano ba!"

"Ikinalulungkot ko. Maaring naglalakad na rin papunta sa lugar na ito ang taong gusto mong iligtas."

"Hindi.." halos mawalan ako nang lakas. "Hindi..! Hindi totoo yan!"

"Totoo ito." Sagot nya.

Tears were flowing nonstop from my eyes. No. This can't be happening. My Yva. My poor Yva. Hindi nya dapat naramdaman lahat ng sakit na iyon. Wala syang kasalanan.

'God.' Naisip ko. 'Kakausapin ko sya. Pinunasan ko ang luha ko at hinarap muli ang matanda.

"Kakausapin ko ang May likha." Diretso ang tingin ko sa kanya habang sinasabi yun.

"Ikinalulungkot ko subalt hindi maari."

"Bakit!?" tumaas na ang boses ko. "Kailangan ko syang makausap!"

Lumingo lingo ito. "Hindi maari. Kailangan mo nang mamili ngayon at marami pang nakapila."

"Hindi! Kailangan ko syang makausap!"

"Pumili ka na."

"Ayoko! Gusto ko syang makausap!"

Itiniklop nang matanda ang aklat na hawak nya at humarap sa akin.

"Kailangan mo nang pumili, iho." Mariin nyang sabi.

Wala na akong magawa. Hindi daw talaga pwede. Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sa kanya.

"Ano ba ang pagpipilian?"

"Langit o impyerno?" tanong nya.

"Akala ko ba kayo ang maghahatol kong saan ako mapupunta. Bakit ako ang papipiliin?"

"There are rules."

"What rules?" ganting sagot ko.

Nang tinanong ko kong ano ang mga rules, sinabi nya ang mga dapat e give up kong sa langit ka tutuloy gayun din kong sa impyerno ka pupunta.

"What!? Then I prefer hell! Idon't want to forget my previous life!"

"Sigurado ka na ba?" paniniguradong tanong nya.

"If forgetting your previous life is the key to enter heaven, then, I'd rather stay in hell! My memories to keeps are gold!"

"But it will torture you emotionaly forever. If you will choose heaven, I'll make your heart stop beating to kill all the emotions."

"I don't mind." Matigas kong sabi.

Hindi ko maaaring basta nalang kalimutan ang mga nangyari. To forget Yva is the real torture! Hinding hindi ko sya kalilimutan. I love her. My feelings for her are real. Hindi ko magagawang piliin ang langit kung ang kapalit ay maalimutan sya. Di bali nang makalimutan ako nang mga taong nabubuhay pa na nakakakilala sa akin.

The sole reason I choose hell is to not give up my memories of Yva.

"You made your decisions. You may not regret it forever." Sabi nang matanda saka biglang bumukas ang kaliwang bahagi nang pinto. "Pumasok kana."

Pagkabukas niyon, nakita ko ang mga naglalagablab na apoy sa gilid nang isang hagdan na sa baba ang tungo. Kung saan man ang hangganan nang hagdan na ito ay hindi ko makta mula dito sa taas.

"Pumasok ka na at bumaba." Sabi nung matanda.

Inihakbang ko na ang mga paa ko pababa. Ramdam ko ang init sa bawat paghakbang ko pababa dahil sa mga naglalagablab na apoy sa bawat gilid nang hagdaan.

Maliban sa hagdanan na hinahakbangan ko, wala na akong makita kundi puro apoy. Habang pababa ako nang pababa sa hagdan, hindi ko mapigilang mapalingon sa aking likoran. Naaninag ko pa na may mga nakapila sa taas dahil hindi pa nasasara ang pinto.

Napansin ko rin na walang sumusunod sa akin. Siguro lahat nang nakasunod doon sa pila kanina, mas pinili nila ang langit.

'What a selfish people.' Sabi ko sa sarili ko.

Maya maya pa ay nagulat ako sa aking nakita mula dito sa baba.

I saw a familiar face talking to the old guy who's making us to decide where to enter.

It is Yva!

Pagkakita ko sa kanya agad akong bumalik sa pag akyat. Nalungkot rin akong isipin na namatay na talaga sya. She doesn't deserve this faith.

Nakakalimang hakbang pa lang ako nang bigla akong napatigil dahil sa nabasa ko sa mga labi nya na binigkas nya.

"Heaven."

Pagkabasa ko doon sa binigkas nang labi nya, nagsara na muli ang pinto nang impyerno.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa nya.

She choose to forget me? 

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 134 45
Love, unity and respect is the foundation of a family. But not to the Lopez family, love and unity is not in their vocabulary. And respect is given i...
22.2K 1.6K 62
Ang babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what...
258K 7.3K 60
FORMERLY "HIS SWEETEST DOWNFALL" - - - - - Date Started: December 20, 2014 Date Finished: June 20, 2015 Major Revision Start: September 19, 2019 Majo...
1.9M 68.1K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...