HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 229 : THE TRUTH 4

1.9M 49.3K 67.8K
By maxinejiji


CHAPTER 229 : THE TRUTH 4

DEIB LOHR'S POV

"NORTH KOREA..." Hindi ko malaman kung bakit gano'n na lang ang kaba ko.

Sa sandaling banggitin ko iyon ay para bang nakilala ko agad ang mga Moon. Na para bang hinimay ko ang pagkatao nila kahit hindi naman talaga. Nang dahil sa katotohanang iyon ay parang naintindihan ko na kung bakit gano'n ang pagkatao nila. Sa isang iglap ay sinagot nila ang mga tanong na ilang taon na nagpapaikot-ikot sa utak ko.

Mabilis na nanumbalik sa akin ang karamihan sa mga usapan namin ni Taguro. Maski isang beses, hindi ko naramdaman o naisip man lang na sa North Korea sila nakatira. Naguluhan ako bigla.

Ang pagpunta niya sa Jeju...para matulog... Sa Busan... Ang pagtatrabaho niya sa convenient store... Nahimas ko ang sarili kong noo hanggang sentido. Kaya nga dito ako dumeretso sa South Korea, dahil buong akala ko ay dito sila nakatira!

Hindi ko nagawang magsalita. Nanumbalik yata ang gutom ko nang kumulo bigla ang tiyan ko dulot ng kakaibang pakriamdam.

"Are you still there, Deib Lohr?" tinag ni More.

Napabuntong-hininga ako. "I'm speechless. I'm too surprised, tito," pabulong na sabi ko. "Hindi ko alam, hindi ko naisip na diyan pala kayo nakatira."

Tumikhim siya. "Dahil hindi naman iyon sasabihin ni Maxpein sa iyo unless itanong mo." Hindi ko maintindihan kung nagpapakasarkastiko ba siya o nagbibiro. Masyado siyang seryoso. Hindi ko rin magawang tumawa o mainis. Masyado akong nagugulat. Para iyong bomba ng pagkatao nila na ibinato sa akin at pinanood ko lang na sumabog.

Naisabunot ko ang kamay ko sa buhok at napayuko. "I want to go there, tito. I need to see your daughter." Matagal bago ko iyon nasabi sa kaniya, kinailangan ko pang lakasan ang loob ko.

"That is impossible, Deib Lohr." Mahihimigan ang lungkot sa tinig niya.

Awtomatikong umangat ang paningin ko, at nanlumo. Kunot-noo akong napatitig sa plato. "What do you mean, tito?" Itinanong ko iyon kahit na sa isip ko, bago pa ako magtanong, ay nararamdaman ko nang imposible nga iyon.

"Wala kang ideya sa bansang ito."

Umiling ako nang umiling. "Make me understand, tito." Nawawalan ako ng pag-asa.

Bakit gano'n? This is unfair!

Hindi sumagot si More. Nadinig ko sa linya kung ilang beses siyang bumuntong-hininga. Naipatong ko ang noo ko sa palad ko. Wala pa man ay parang gusto ko nang bumigay. Nakapanlulumo ang ganitong sitwasyon. Wala nang puwang ang puso ko para muling masaktan. Sobra na.

"But I can get you there and take you here," mayamaya ay nagsalita siya.

Sandali akong natigilan at unti-unting nag-angat ng tingin. Iyon ang sagot sa sandaling depresyon ko. Pero hindi ko pa rin iyon mapaniwalaan. Nababaliw na siguro ako. Ang emosyon at pag-iisip ko ay masyadong apektado.

"But for now ay manatili ka diyan sa Seoul. Bukas ay susunduin kita," dagdag niya.

Parang hinaplos ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pakiramdam ko ay gano'n ako kaimportante sa sandaling iyon, sa taong iyon, sa pamilya ng taong iyon.

Lalo na sa anak niya... Napalunok ako sa sarili kong naisip. "Hindi ba magiging abala 'yon sa inyo, tito?" nahihiyang sabi ko.

"Hindi." Bumuntong-hininga siya. "Meron kaming sariling eroplano."

Lumaylay ang mga balikat ko. Syempre, kailangang sabihin niya 'yon. Kailangan yatang malaman ng buong mundo na meron silang sariling eroplano. "Salamat, tito," iyon na lang ang nasabi ko.

Bumuntong-hininga siya ulit. "Pero chopper ang dadalhin ko. Pag-aari rin namin iyon," patuloy niya. Napamaang ako saka nasapo ang sariling noo saka napapikit. "I'll call you tomorrow. Bye." Ibinaba niya ang linya.

Hindi ko nagawang alisin agad sa tainga ko ang telepono. Para akong naestatwa sandali sa nangyaring pag-uusap namin. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam, gaya ng dati ay naghahalo-halo na naman 'yon. Hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung paano nilang napaghahalo ang katotohanan at kayabangan. Sila lang ang nakagagawa no'n. 

Hindi ko na nagawang kainin nang ayos ang pagkain, sapat lang ang kinain ko para magkaro'n ng laman ang tiyan ko.

Matapos ay dumeretso ako sa information desk para humiram ng laptop. Para akong nakalutang. Meron sa loob kong naghahanap pa ng sagot. Pakiramdam ko ay may kailangan akong malaman. Binuhay ni More ang buong sistema ko dahil sa dalawang salita.

North Korea.

Matagal akong tumitig sa screen ng laptop. Panay ang buntong-hininga ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Napakarami kong tanong pero maski isang salita ay hindi ko matipa.

At nang sa wakas ay mai-type ko ang pangunahing tanong ko ay mabilis na kumilos ang aking mga mata. Napapalunok ako sa bawat detalyeng aking nababasa. Gusto ko ngayong kuwestiyonin kung bakit ganoon ang bansa nila. Kakaiba! Sa iilang impormasyong nalaman ko ay para akong binuhusan nang malamig na tubig.

Kaya pala... Paulit-ulit iyon sa isip ko sa t'wing maikokonekta ko ang ugali at aksyon ng mga Moon sa mga nalaman ko.

Napakarami kong nabasa, nalaman at naintindihan. Pero nang matapos ay para pa rin akong nadagdagan ng mga tanong.

Nahiga ako nang manakit ang ulo ko. Nasorpresa ako nang makitang inabutan na ako ng liwanag. Hindi ko man lang napansin ang oras. Masyado akong nalunod sa pagbabasa, sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa bansa nila.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang gulo sa pagitan ng South at North Korea. Alam kong magkaibang bansa sila. Ilang beses din naming napag-aralan iyon noong high school. At pahapyaw na nababalikan sa history subject ngayong college ako. Pero hindi ko akalaing magiging ganito kabigat ang epekto nito sa pagkatao ko. Hindi ko kailanman naisip na posibleng makatungtong ako sa North Korea.

Nang dahil kay Taguro... "Kinakabahan ako sa pagkatao mo, Taguro," nakapikit kong bulong. Nagpatuloy sa paggana ang utak ko hanggang sa makatulugan ko ang pag-iisip.

NAGISING AKO kinabukasan sa sunod-sunod na door bell. Iritable pa akong bumangon at tinitigan ang pinto. Tanghali na. Gusto kong mainis dahil pakiramdam ko ay iyon palang ang pinakamatagal at pinakamaayos kong.

Pero nang maalala ko si More ay agad akong nagising. Dinampot ko ang cellphone at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ilang tawag ang hindi ko nasagot.

Dali-dali akong bumangon at nagroba. Dumeretso ako sa pinto at gano'n na lang ang gulat ko nang masilip kong si More ang nasa likod niyon.

Paano niya nalamang nandito ako? Kinilabutan ako nang maalala ko ang ilan sa mga nabasa ko kagabi. Gano'n ba talaga katinik ang pagkatao nila?

Muling tumunog ang bell kaya natinag ako. Pinagbuksan ko si More, at nahihiyang tinanguhan.

"Tito..."

"Mukhang nabulabog ko ang tulog mo." Ngumiti siya nang pormal. "Good morning."

"Good morning, tito. Please come in."

"Thank you."

Nakamot ko ang ulo ko habang pinagmamasdan siyang tumuloy. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng simpleng kwartong kinuha ko. Magulo pa ang ilan sa mga gamit ko. Wala si mommy para ayusin ang mga iyon, at nasanay akong gano'n. Napabuntong-hininga pa ako sa hitsura ko, wala maski anong ayos.

"I'm sorry, tito, I just woke up," napapakamot pa rin sa ulo na sabi ko.

"It's okay." Nakangiti niya akong hinarap. "Nagpahatid na ako ng makakain dito."

Namangha ako. "Nakakahiya naman, tito."

"Bisita ka namin." Muli siyang ngumiti. Napabuntong-hininga lang ako. "Maybe you can get yourself ready while we're waiting."

"Yes, tito." Dali-dali akong kumilos at pumasok sa banyo.

Kakaiba ang pakiramdam ngayong kaming dalawa lang ni Tito More ang magkasama. Pakiramdam ko ay masyadong pormal. Ngayon ko lang naramdaman ang kakaiba niyang awtoridad, at marahil ay dahil iyon sa mga nabasa ko sa internet kagabi. Parang gusto kong hanapin iyong palabirong Maximor Moon na nakilala ko noon. Iyong double meaning kung magbitiw ng salita, iyong nagsasabi ng literal pero parang nanunukso. Iyong tatay ni Taguro.

Hindi ko nagawang magtagal sa banyo. Nagmadali ako nang may marinig akong usapan mula sa labas ng pinto, dumating na ang pagkain. Ayaw kong paghintayin si tito. Ayaw ko lalong magtagal pa dito dahil gusto ko nang makita si Taguro.

"Please wear your best suit. Do not wear jeans." Sinabi iyon ni tito habang namimili ako ng isusuot.

Napalunok ako matapos siyang lingunin. Bawal 'yon sa kanila. "Yes, tito." Muli akong naghalungkat sa mga gamit ko.

Sa sandaling iyon, dahil na naman sa sinabi niya, ay kung ano-anong pumasok sa isip ko. Naisip ko ang paraan nila ng pananamit. Madalas ay itim iyon at pormal. Talagang hindi nawawala iyon sa kanila. Kahit sa bahay kasi ay madalas na gano'n sila, maliban na lang kay Taguro. Nakita ko na siya suot ang iba't ibang uri ng damit, pambahay man o pang-alis.

Sina Maxwell at Maxrill naman ay nakikita kong naka-uniform pero bukod doon ay naghahabulan ang talento at panlasa nila sa pananamit. Kahit anong init nga ng panahon ay hindi nawawala ang itim at mahabang coat ni Maxwell, kulay tsokolate naman ang mahabang coat ni Maxrill. Noon ay natatawa ako sa t'wing makikita ko kung gaano kakakapal ang mga coat nila. Ang leather jacket naman ni Taguro ay senyales ng kayabangan niya para sa 'kin. Pero ngayon ay hindi ko na alam kung pati iyon ay may kinalaman sa pagkatao niya.

Sa sandaling ito, mula nang may malaman at mabasa ako, parang binibigyan ko na ng kahulugan at dahilan ang lahat. Na ang bawat pag-uugali at kilos nila ay may kinalaman sa kultura at pagkatao nila. Na ang bawat galaw at prinsipyong pinaiiral nila ay may kinalaman sa batas. Maging ang pananalita nila ay kinapapraningan ko, lalo na ang paraan ng pagsasalita ni Taguro.

"Kailangan mong iwan ang ilang gamit mo dito, Deib Lohr." Muling nagsalita si tito matapos kong magbihis. Nakaharap siya sa bintana at nakatalikod sa 'kin, habang ang parehong kamay niya ay nasa likuran. "Bawal kang magpasok ng camera, cellphone at laptop sa bansa namin."

Tumango ako ngunit nanatili sa likuran niya ang paningin ko. Napapabuntong-hininga akong tumitig kay More. Gusto kong magtanong nang napakaraming tanong pero hindi ko iyon magawa ngayon.

Ang sinabi niya ay isa sa mga nabasa ko kaya hindi na ako nagulat, pero nanatili sa 'kin ang pagtataka. Bukod do'n ay hindi mawala sa isip kong bawal ang magsalita ng kahit anong negatibo at masama tungkol sa bansa, lalo na sa lider nila. Pwede ko iyong ikapahamak at damay ang buong pamilya ko.

Humarap siya mayamaya at naglakad papunta sa gawi ko. Gusto kong mapaatras dahil sa paraan nang pagkakatitig niya ay para niya akong sinisita. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko saka malalim na bumuntong-hininga, iyong talagang kasama ang mga balikat niya.

"Ipapaayos natin mamaya ang buhok mo," aniya saka muling tinalikuran ako. "You must be hungry? Let's eat." Dumeretso siya sa mesa. At gano'n na lang ang gulat ko nang may ginoo na sa harap niya, mukhang chef. Lumabas na lang ito basta mula sa kung saang parte ng kwartong iyon at pinagsilbihan siya.

Tuliro akong naupo sa harap ni More. Hindi ko malaman ang sasabihin. Namamangha ako, nagugulat at lutang. 'Ayun na naman iyong iba't iba, halo-halong emosyong idinudulot ng katauhan nila.

Pero kahit anong sarap sa paningin at pang-amoy ng nakahaing pagkain ay hindi ko magawang ganahan sa pagkain. Kailangan ko pang pilitin ang sarili kong kumain para lang hindi masayang ang inihanda ni More. Mukhang specialties pa naman iyon ng Korean.

Nakapanlulumo ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin ni More. Nahihiya tuloy akong gumawa ng kahit maliit na ingay. Marahan ang naging pagkilos ko, todo ang effort. Si More naman ay kumilos nang normal, walang kaingat-ingat at walang pakialam, pero wala ring nagawang anumang ingay.

Bakit ba naninibago at nagugulat pa ako? Gano'n nga sila. Gano'n ang pagkatao nila, Deib Lohr.

Nakakapraning. Ang bawat kilos niya ngayon ay binibigyan ko ng ibang kahulugan. Naiisip kong ang bawat galaw nila ay may mabigat na dahilan. Nakakatawa para sa normal na gaya ko, pero sa kanila ay seryoso iyon. Naiisip ko ngayon na ang bawat kilos nila ay idinidikta at dapat na akma sa batas.

"Stop watching me." Nagsalita si More mayamaya dahilan para maestatwa ako.

Syempre, naramdaman niya rin 'yon. "Sorry," kaswal kong sabi.

Humalakhak siya. "Are you okay?"

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ko nagawang makapagsalita. Am I okay? Gusto kong tanungin ang tanong na 'yon kung paano ko iyong sasagutin. Para akong tanga, para akong baliw. Wala na sa normal na daloy ang katawan ko, maging ang pag-iisip ko ay sabog na.

Pakiramdam ko rin ay nawalan ako ng lakas ng loob na magtanong at magsalita. Pinag-iisipan ko pang maigi ngayon kung dapat ba akong manguwestiyon. Napapraning ako sa kaiisip kung pwede ko ba iyong malaman o itanong man lang. Nakakabaliw.

"Mukhang malalim ang iniisip mo?" aniya na muling ibinalik sa kinakain ang paningin.

Sandali pa akong tumingin sa kaniya bago muling bumuntong-hininga. "Nagugulat lang ako, tito." Hindi siya nagsalita, ni hindi man lang nagbago ang reaksyon niya. "Hindi ko inaasahang sa North Korea kayo nakatira."

"Hindi ugali ng mga anak kong magsabi, gano'n din ako. Hindi namin nakasanayang magsabi ng impormasyon kung hindi naman kinakailangan."

"I understand that, tito." Gusto kong sabihing sanay na ako sa gano'ng dahilan. Na ilang beses ko na iyong narinig kay Taguro. Pero masyadong seryoso ang usapang ito. Hindi na ito pwedeng idaan sa biro gaya no'ng mga dating nagagawa ko.

Mayamaya ay humalakhak siya. Nangunot tuloy ang noo ko. Pinanood ko siyang ngingisi-ngising tumingin sa 'kin bago nagsalita.

"Honestly, I was also surprised. Hindi ko inaasahang magugulat ka dahil akala ko ay alam mo na." Ngumiti siya. "Anyway, we're North Korean citizens. Mokz and his daughter Maze, my wife, are South Korean citizens."

Nangunot ang noo ko pero hindi ko nagawang tumugon. Parang walang laman ang utak ko sa oras na 'yon. Wala akong pwedeng itanong dahil wala naman akong lubos na ideya sa mga batas nila.

"Posible ba 'yon?" nagtatakang tanong ko. "Tch. Hindi ko tuloy maintindihan kung tama ba 'yong mga nabasa ko."

Kumunot ang noo niya. "Anong nabasa mo?"

Bumuntong-hininga ako. "Nagbasa-basa ako tungkol sa bansa ninyo, tito," nahihiyang pag-amin ko. "Wala akong masyadong ideya tungkol sa North Korea. Nabasa kong ang mga citizen ninyo ay hindi pwedeng pumunta dito sa South. Ngayon ay nagtataka ako kung paano kayong nagkatuluyan ni Tita Maze, eh, magka...away 'yong bansa ninyo." Wala akong makuhang tamang salita para maipaliwanag nang ayos ang gusto kong sabihin.

Sandali siyang tumitig sa 'kin bago tumawa. "Bilang lang ang taong nakakapasok sa bansa namin, Deib Lohr. Bibihira lang din kaming magbigay ng impormasyon, may batas kami ukol do'n. Paano kang nakasisiguro na tama ang mga nabasa mo, lalo na at sa internet 'yon nanggaling?"

Natigilan ako, may punto siya at maganda 'yon. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Nabasa ko rin 'yon, bihira nga ang nakakapasok sa bansa nila. Hindi ko nga lang naisip na posibleng mali ang mga impormasyong binabasa ko.

Ngumiwi si More. "Paniwalaan mo ang impormasyong mababasa mo sa internet kung North Korean citizen mismo ang nagsulat." Bahagya siyang tumawa. "Ngunit imposibleng mangyari iyon. Pwedeng kasuhan ng aming gobyerno ang sinumang gumawa niyon."

"Yes, tito," napapahiyang sagot ko. Gusto kong bulyawan ang sarili ko kung bakit wala ako maski katiting na common sense.

"Komplikado ang batas namin at hindi mo iyon matututunan sa isang upuan lang, Deib Lohr," patuloy niya, seryoso na. "Legal kaming pumunta dito sa South dahil may legal na pahintulot kami ng gobyerno. Ang mga walang pahintulot ay hindi na makababalik pa sa North oras na tumapak sila dito sa South. Ang mga South nationals naman ay kinakailangang dumaan sa proseso bago makatungtong sa bansa namin. Masyadong komplikado dahil hindi magkasundo ang North at South. Magkaibang bansa ang mga ito."

"Komplikado nga," iyon lang ang nasabi ko.

"Ibang kaso naman ang sa amin ni Maze, pinakakomplikado." Mapait ang pagtawa niya. "At hindi mo na kailangang malaman pa ang tungkol do'n." Bumuntong-hininga siya. "Isa kami sa pinakamaimpluwensiyang tao sa North Korea, Deib Lohr. May sarili kaming batas at pamunuan. Ang mga ginang na nakita mo," tumitig siya sa akin. "Sila ang tinatawag na hukom."

"Hukom?" patanong na tugon ko kahit na minsan nang nabanggit ni Heurt sa 'kin ang tungkol sa kanila.

Tumango si More. "Parte sila ng aming gobyerno. Isa sa kanila ang pumalit sa lola ni Maxpein noon."

Nanlaki ang mga mata ko. Kung gano'n ay hukom noon ang lola ni Maxpein? Nakakagulat ang katotohang iyon bagaman limitado ang nalalaman ko. Ang totoo ay iyon palang. Wala akong ideya tungkol sa hukom. Wala iyon sa mga nabasa ko.

Ngumiti siya sa 'kin nang hindi na ako makapagsalita. "Are you ready?"

Kinabahan ako, hindi ko inaasahan ang tanong niya. Lutang akong napatango. "Yes, tito."

Seryoso nga si More sa sinabi. May dalawang Koryanong pumasok sa kwarto matapos kumain at agad na pinakialaman ang buhok ko. Napabuntong-hininga na lang ako matapos makita kung gaano kapantay ang gupit ng buhok ko matapos iyong gupitan.

Hindi ko rin inaasahang walang ipadadala sa 'kin si More na maski anong gamit. Kung ano ang suot ko ay siyang gamit na dala ko. Wala na bukod doon.

Hindi ko lalo inaasahang napakarami pa ring tauhan na sasalubong at makakasama namin sa byahe. Gano'n na lang ang pagkamangha ko nang makita ko ang private chopper na dala ni More. Makintab at kulay itim iyon, may apat na bintana at mas malaki kompara sa katamtamang sukat ng private choppers. Bukod sa private chopper ay may dalawang normal pang helicopters. Na marahil ay gagamitin ng mga tauhan.

At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang simbolo ng pamilyang Moon na siyang nakatatak doon. Hindi ko maintindihan kung pinangingilabutan ako habang pinagmamasdan ang simbolo ng pamilya nila.

Triple Moon, iyon ang itinawag ni More sa simbolo. Buo ang moon sa gitna at sa magkabilang gilid naman niyon ay magkabaliktad na crescent moon. Sa ibabaw ng simbolo ay nakasulat ang Moon Family sa Korean letters at sa ilalim naman ay English letters.

Unbelievable...

Hindi ko na naman nagawang magsalita sa sobrang pagkamangha. Walang tao maliban sa 'min ni More at mga tauhang kasama niya. Kahanga-hangang payapa niyang nagagawa anumang kailangang gawin. Nagagawang iparamdam sa 'kin ni More ang kapangyarihang meron sila sa mga simpleng kilos niya.

Napakaganda sa loob ng chopper. Higit na mas maganda kompara sa choppers na nakita ko na. Malamang! Pero namangha talaga ako.

May mahabang seat sa kabilang gilid ng chopper. May itim na center table sa harap niyon. Bukod doon ay may dalawang malalaking seats sa magkabilang gilid. May TV naman sa pagitan ng cabin at cockpit. Pakiramdam ko ay hindi matatakot o kakabahan man lang ang sinumang sumakay dito. Nakakabilib!

Hindi ako mahinto sa pagtingin sa kabuuan ng cabin habang ang isa sa mga tauhan ay inaasikaso ang pag-upo ko.

Ganito sila kayaman... "Gaano katagal ang byahe natin, tito?" wala sa sariling tanong ko nang maupo siya sa harap ko.

Nakakaloko ang halakhak ni More. "Minuto. Magaling ang piloto." Ngumiti siya. Napamaang ako saka pilit na tumawa.

Nilingon ko ang tauhan na biglang pumasok sa chopper. Tumango siya sa 'kin na siyang ipinagtaka ko. Napatingin ako kay More, seryoso siyang bumuntong-hininga saka pilit na ngumiti.

"Pasensya na pero kailangang piringan ang iyong mga mata," pormal niyang sabi.

Hindi ko na nagawang makapagsalita pa. Kusa nang kumilos ang tauhan para takpan ang mga mata ko. Ang sumunod na nangyari ay bumukas ang makina ng chopper. Naramdaman ko na lang umaandar na kami.

Hindi ako mapakali sa pag-upo. Panay ang paglingon ko kahit wala naman akong makita. Hindi na ako sumubok na magprotesta dahil paniguradong may dahilan ang bawat kilos nila. Nasisiguro kong ayaw o hindi pwede na ipakita sa 'kin ni More ang ilang parte ng lugar nila. At naiintindihan ko naman 'yon.

Hindi ko pa rin maipaliwanag ang pakiramdam. Si Maxpein ang ipinunta ko ro'n pero sa araw na 'yon ay hindi ko pa nababanggit ang pangalan niya. Wala pa akong naitatanong sa tatay niya. Hindi ko rin alam kung handa ba akong marinig ang tungkol sa kaniya. Gano'n na lang ang takot ko pagdating kay Taguro. May kung ano sa loob kong natatakot sa totoong sitwasyon na kinaroroonan niya.

Katahimikan ang namagitan sa 'min ni More. Nakikiramdam ako pero wala akong maramdaman. Gano'n kahirap ang sitwasyon ko habang bumibiyahe papunta sa bansa nila.

"Welcome to Pyongyang, Deib Lohr," mayamaya ay ani More.

Naipaling ko ang ulo ko sa gawi niya. Biglang kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Pero kahit na gano'n ay wala pa rin akong maisip. Nananatiling blanko ang utak ko.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang unti-unting paglapag ng chopper. Sandali pa kaming nanatili sa chopper hanggang sa maramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Maingay ang elesi. Naramdaman ko rin nang may tumabi sa 'kin kaya hindi na ako nagulat nang kalasin niyon ang piring sa mata ko. Ilang beses ko pang kinusot ang mga mata ko, pakiramdam ko ay nanlabo ang paningin ko.

"Nandito na tayo," nakangiting ani More.

Hindi ko nagawang magsalita. Nanatili sa kaniya ang paningin ko at sobra talaga ang kabang naramdaman ko. Lalo na nang maalala ko ang ilang larawan ng North Korea na nakita ko sa internet. Ang kaliwa't kanang kanyon at gamit panggera ay hindi ko makakalimutan. Maging ang mga tao sa bansang ito ay hindi ko maiwasang katakutan. Sa mga pictures na nakita ko sa internet ay halatang gano'n na lang ang disiplina nila sa katawan. At masasabi kong istrikto talaga ang bansa dahil sa lahat ng litratong nakita ko, bawat lugar ay gwardiyado.

Damn it. Tama ba 'tong ginagawa ko? Parang gusto ko nang umurong. Pero ang puso ko ay hindi sang-ayon sa naisip ko.

"Deib Lohr?" tawag ni More.

Napaawang ang bibig ko, hindi namalayang nakatulala na pala ako sa kaniya. "Yeah," tumango ako at saka humugot nang malalim na hininga.

Pagkababa ay doon ko lang nagawang tingnan ang paligid, ang lugar kung nasaan kami. At hindi ko napigilang mapanganga.

Wow...

Biglang nawala sa pandinig ko ang malakas na ugong ng makina at tunog ng elesi. Nawala ang lahat ng ingay sa pandinig ko dahil sa aking nakikita.

Malayong-malayo ang lugar na nasa harap ko sa mga pictures na nakita ko sa internet. Dahil ang paligid ko ngayon ay tadtad ng puno na may iba't ibang kulay ng dahon. May berde, tsokolate, pula, asul, dilaw, bughaw, puti at marami pa! Nakahilera ang hindi mabilang na puno sa kaliwa't kanan ko. Sa magkabilang gilid ng mga iyon ay mga halaman na may iba't ibang kulay rin ng dahon. Sa gitna na siyang pathway ay nagkalay ang tuyong dahon, na kahit gano'n ay nagbigay pa rin ng kakaibang ganda sa paligid. Ang tinutumbok ng pathway na iyon ay manmade bridge na kulay pula rin. Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang batis sa ilalim ng bridge.

"Welcome to Empery," ani More.

Tulala ko siyang nilingon, wala pa rin ako sa sarili. Nakangiti siyang nakatanaw sa mga puno na gaya ko. Kaya naman nilingon ko ulit ang paligid at nakangangang pinanood ang pagsabay ng mga dahon sa hangin. Kakaiba masyado. Hindi pa ako nakakita nang ganoon kagandang lugar sa buong buhay ko. At ang tanawing iyon ay nagdudulot ng kakaiba ngunit sobrang sarap na pakiramdam sa dibdib ko.

Empery...

Iginala ko ang paningin ko, halos ikutin ang kinatatayuan ko, para lubos na makita ang kabuuan ang lugar na 'yon. Doon ko lang nakita ang malawak at asul na dagat sa likuran ko. At mula ro'n ay natatanaw ko ang maliliit na buildings. Nasisiguro kong iyon ang kabisera ng lugar na iyon. Nakangiti akong napailing sa sobrang pagkamangha. Mula sa malamig at mamasa-masang hangin, ampas ng alon, sa huni ng mga ibon at sa amoy ng mga dahon, lahat iyon ay nagugustuhan ko.

"Are you alright?" nag-aalala ang tinig ni More.

Tuliro akong lumingon sa kaniya. "Yeah, tito," natawa ako sa sarili ko. "Hindi ko lang inaasahan na ganito kaganda ang lugar ninyo. Akala ko kasi..."

Tumawa siya. "Sisihin mo ang internet."

Napailing ako. "Gano'n na nga."

Bumuntong-hininga si More saka ngumiti. Pinanood niya ang paglipad muli ng chopper. Ako naman ay muling nilibang sa pagtingin sa sarili. Talagang napakaganda ang lugar. Nang-aakit masyado kaya imposibleng hindi ka mapatingin.

Kaya pala mahilig sa puno si Taguro, napakaraming puno dito.

Talagang napakagaganda ng mga puno. Hindi mahinto sa pagpuri ang isip ko.

"Let's go?" anyaya ni More.

Awtomatiko akong napalingon sa kaniya. Ang kaninang magandang pakiramdam ay biglang humupa. Nangibabaw bigla sa 'kin ang kaba. Ang hindi maipaliwanag na kaba.

Tinanguan ko siya, iyon lang ang kinaya ng sistema ko. Isa-isang nagsipuntahan sa harapan namin ang mga tauhan, na sandaling nawala sa isip ko dahil sa nakakaakit na lugar nila. Pumorma ang mga tauhan sa magkabilang gilid ng pathway, mga nakatungong humilera nang magsimulang maglakad si More.

Hindi pa rin ako mahinto sa paglingon, kaliwa't kanan hanggang sa likod ay hindi ko mapigilang tingnan. Tuloy ay halos mapaluhod ako nang mapatid, hindi ko namalayang papaakyat na pala sa bridge.

Nag-angat ako ng tingin kay More at nakahinga nang maluwang nang makitang hindi niya nakita. Napangisi ako saka inosenteng lumingon sa likod. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko nang makita kung gaano karaming tauhan ang nakakita sa lihim na pagkapahiya ko. Sumeryoso ako at nag-iwas na lang ng tingin.

Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang kabilang dulo ng bridge. Ang lugar na hindi ko na matanaw kanina. Ang bridge kasi ay matatanaw sa bungad pero ang dulo niyon ay hindi na. Kaya naman hindi ko inaasahan na nasa mataas na lugar pala kami. Dahil sa kinatatayuan ko ngayon ay natatanaw ko ang halos buong village.

Napatitig ako sa torii na may katamtamang laki. Sa gitna kasi niyon ay naro'n na naman ang simbolo ng mga Moon.

"This is where we live," ani More.

Hindi ko na nagawang lingunin o sagutin si More. Makapigil-hininga ang lugar sa aking harapan. Kahit na sinong nasa kinatatayuan ko ngayon ay matitigilan at panonoorin ang magandang paligid. Malayo talaga iyon sa mga nakita ko sa internet, sobrang layo. Gano'n na lang marahil ang reaksyon ko dahil bukod sa hindi ko ito inaasahan ay talagang kahanga-hanga ang ganda ng lugar nila.

Ang mga puno na sumalubong sa pagdating ko kanina ay hindi na mabilang. Ang mga puno sa harapan ko ngayon ay higit na mas marami pa. Nagkalat ang cherry blossoms, ang tanging nakikilala ko sa maraming klase ng puno, sa paligid. Gaya kanina ay nakakaakit ang iba't ibang kulay ng mga dahon. At gaya rin kanina ay nakakaaliw tingnan ang nagkalat na dahon sa mga daan. Maging ang halaman sa buong paligid ay parang handang sumalubong sa 'kin.

Kani-kaniyang lipad ang mga puti at itim na ibon. Ang hangin ay nahaluan na ng kaunting init pero masarap pa rin sa pakiramdam. Ang natural na amoy ng kalikasan ang lalong umaakit sa 'king panoorin ito.

Halos pare-pareho ang bahay na nakikita ko. Hindi kalakihan ang mga 'yon. Magkakalayo at malalaki ang agwat ng bawat bahay pero ang lahat ay napaliligiran ng halaman at mga puno.

Grabe...Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit sa t'wing hindi maganda ang lagay ng isip mo ay dito mo gustong pumunta, Taguro. Naiintindihan na kita, babe.

Pero ang higit na nakaagaw sa atensyon ko ay ang napakalaking shrine. Nasa gitna iyon at siyang pinakasentro ng buong bayan na nasa harap ko.

"This place is called Empery of the Moon," ani More. Doon ko na siya nilingon. "Yes, I am talking about the Moon family, our family." Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinilabutan. Nagawang iparamdam sa 'kin ni More nang harapan ang awtoridad at kapangyarihang meron ang apelyido nila.

Nakangiting tumingin sa 'kin si More saka humarap sa pinanggalingan namin. Gumaya ako sa kaniya at muling tinanaw ang dagat.

"Do you see those buildings?" tanong niya habang nakaturo sa kabilang dulo ng dagat. "Iyon ang tinatawag na Monarchy. Nandoon ang royal family, ang hari at reyna ng bansang ito."

Ngumiti siya sa 'kin nang bigyan ko siya nang namamanghang tingin. Bahagya siyang tumagilid at itinuro naman ang kanang bahagi ng dagat. Palibhasa'y hindi ko nilingon ang gawing iyon kanina, hindi ko napansing may mga nakatayong gusali rin do'n.

"Iyon naman ang Mogul Dynasty," patuloy niya. Namangha na naman ako. "Ang buong village na iyon ay puro magkakamag-anak lang ang nakatira. Sila ang business ruler sa buong bansa."

"Whew," napasipol ako. Wala akong masabi.

"Iyon naman ang tinatawag na Kaechon." Itinuro ni More ang kaliwang bahagi ng dagat. Halos wala akong matanaw ro'n bukod sa bundok na may katamtamang taas. At sa pinakatuktok ay naro'n ang isang mataas at mahaba na tower, at napalilibutan iyon ng berdeng mga puno.

"Eh, kayo?" wala sa sariling tanong matapos siyang lingunin.

Hindi niya inaasahan ang tanong ko kaya naman gulat siyang napalingon sa 'kin. Sandali siyang tumitig bago natawa.

"Emperyo," tugon niya.

Kumunot ang noo ko. "Emperyo? I don't get it," napapahiyang sabi ko saka muling nilingon ang tatlong lugar na sinabi niya. "Pakiramdam ko kasi lahat ng lugar na binanggit mo ay pare-pareho lang. Maliban do'n sa Kaechon." Nilingon ko pa ang tower bago nagpatuloy, "Pero kayo," tiningnan ko siya ng deretso. "Nasa inyo ang interes ko, tito."

"Nasa amin ang mga rango ng bansa," nakangiti pa ring sagot niya. "At si Maxpein ang pinakamataas sa mga iyon."

Napalunok ako. "Pinakamataas?"

Nakangiti siyang tumango. "She's the highest empery rank."

"Rank?"

"Sila ang mga rango."

"Rango? Ano 'yon?"

Natawa siya sa hindi ko maintindihang dahilan. "Hayaan mong ipakita ko sa 'yo," aniya na muling hinarap ang lugar nila at naunang maglakad.

Muling dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Dahil ang sumunod na hakbang ay napasok na namin ang emperyong tinutukoy ni More. Ang emperyo ng mga Moon.

Gusto kong tumiklop matapos makita kung gaano karaming tao ang bumungad sa 'kin. Isa-isa naming naagaw ang atensyon ng lahat. Isa-isa rin iyong nagsipagtunguhan matapos kaming tingnan. At nang mag-angat silang muli ng tingin sa 'min ay hindi na nila magawang alisin ang paningin sa 'kin.

Hindi ko na naman maipaliwanag ang pakiramdam. Halos lahat ng nakikita ko ay babae!

What is this place?

Kusang nagsipaghintuan ang lahat sa ginagawa para tingnan kami...ako! Ang tingin ng mga babaeng ito ay malayo ro'n sa paraan nang pagkakatitig ng mga babaeng may gusto o paghanga sa 'kin. Lahat ng mga ito ay kunot-noong tinanaw ako. Ang mga mata nila ay nagtatanong kung sino ako at anong karapatan ang meron ako para tumungtong sa lugar na 'to. Nakakapraning ang tingin ng mga tao.

At nasisiguro kong hindi basta-basta ang mga babaeng ito. Sa suot at mga gamit pa lang na nasa katawan nila ay parang nakikita ko na ang kakayahan nila. Halos pare-pareho ang mga suot nila bagaman may pinagkaiba-iba ang mga kulay. Nagkapare-pareho sila dahil sa leather pants, leather over-the-knee boots, makapal at may hood na coat bilang pantaas, at ang nakakapangilabot na bow and arrow na nakasabit sa kanilang mga likod.

Napalunok ako at mabilis na inalis ang paningin sa mga babaeng nakatingin sa 'kin.

Masamang tumingin si Taguro, pero hindi ganoon sa mga babaeng ito. Maangas 'yong dating ng tingin niya, nakakainis pero sa huli ay 'yon ang isa sa mga nagustuhan ko. Ang masamang tingin ng mga ito ay nakakatakot. Para bang may masamang gagawin sa 'kin.

Tch!

Itinuon ko sa bungad ng shrine ang paningin ko, may kalayuan iyon mula torii na pinanggalingan namin. Pero gano'n na lang ulit ang gulat ko nang sunod-sunod na magsipaglabasan ang tila mga lalaking bersyon ng mga babaeng nakasalubong namin! At mas nagulat ako nang magsipagbunutan ng bow at arrow ang mga iyon at itutok sa gawi namin ni More! Napahinto na ako sa paglalakad nang kumilos na rin ang mga babae at nagsipagbunutan ng bow at arrow. Naitaas ko ang pareho kong kamay nang itutok ng lahat iyon sa akin.

Fuck... "M-More..." bulong ko. Hindi ko magawang lingunin ang gawi niya dahil ang paningin ko ay iniisa-isa na ang mga pana na nakatutok sa akin.

Ngunit nang wala akong marinig na tinig mula sa kaniya ay saka ko siya nilingon. Gano'n kabilis ang naging pagkilos ng mga babae sa kaisa-isang galaw na ginawa ko. Mas lumapit sila at halos iduldol ang dulo ng pana sa leeg ko. Pero ang atensyon ko ay na kay More lang. Kung paano siyang tumitig lang sa akin.

Wala ba siyang gagawin?

"Geuman," tinig ni More. May iba pa siyang sinabi gamit ang sariling lenggwahe, hindi ko na iyon naintindihan.

Makapangyarihang talaga ang tinig niya. Gano'n kabilis na ibinaba ng mga iyon ang pana na nakatutok sa 'kin.

Nahugot ko ang hininga, at napapakurap kong nilingon si More. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin ngunit nanatili siyang kampanteng nakatingin sa 'kin. Walang mabasang emosyon sa mukha niya.

"Sila ang mga rango,  Deib Lohr," seryosong ani More. "Lahat ng nakikita mo ngayon ay mga rango." Iginala ko ang paningin sa lahat nang naro'n. 

Nanlumo ako at pinanghinaan ng tuhod. Sa ganitong paraan niya ipinakita sa 'kin kung ano ang rango? Tch. Gano'n na lang katindi ang sarkasmo sa isip ko. 

"Ito ang mundo namin, Deib Lohr," pormal na aniya. Nagsipaglingunan ang lahat sa kaniya saka muling tumingin sa 'kin. "Malalaman mo kung anong klase ng tao ang babaeng minahal mo."

Nagtindigan ang mga balahibo ko. Napatitig ako sa kaniya, at hindi ko maipaliwanag ang mabilis na pangingilid ng mga luha ko. Gusto kong itanong kung ano ang ibig niyang sabihin, pero hindi ko iyon nagawa.

Naglakad siya papalapit at iminuwestra sa 'kin ang daan papasok. Hindi ko nagawang alisin agad ang paningin sa kaniya. Naglakad ako nang nakatingin sa kaniya. Tingin na nangunguwestyon. Pero ang bibig ko ay ni hindi ko man lang maibuka.

Humugot ako nang pagkalalim-lalim na hininga. Nagawa ko lang alisin ang paningin sa kaniya nang tuluyan kaming makapasok sa bakuran ng malaking shrine. Gano'n pa rin karami ang nang-aakit na puno't mga halaman. Napakasarap sa pakiramdam ng hangin, ng paligid. Lahat ay masarap sa pakiramdam.

Pinagbuksan kami ng dalawang lalaking kakaiba ang suot, naaayon sa kultura at lahi nila. Pawang mga nakataas ang noo, hindi nagbababa ng tingin sa 'min pero iyon mismo ang respeto.

Isang malaking bulwagan ang tumambad sa 'kin. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang malaking portrait ni Chairman Moon. Sa tabi niyon ay portrait naman ng ginang, at hindi na ako magtataka kung iyon ang asawa ng Chairman. Sa ilalim niyon ay panibagong portrait, buong pamilya na nila ang naro'n. Sa ilang dipang layo ko sa litrato ay hindi ko na kailangang itanong kung nasaan do'n si Taguro. Kusa siyang kinilala ng mga mata ko.

"Come in," ani More.

Tumuloy ako, doon ko tuluyang nakita ang kabuuan ng sala. Doon ko lang din nakita si Maxwell na prenteng-prente sa pagkakaupo sa single sofa na napakalaki para sa kaniya. Pantay na pantay ang mga balikat niyang nakasandal. Nakapandekwatrong pambabae at may hawak na dyaryo. Nakasuot siya ng itim na slacks, kulay abo ang pormal niyang sapatos at polo, saka itim at pormal din na chaleco. Noon ko lang yata siya nakitang nakasuot ng reading glasses.

Nag-angat siya ng tingin at nagulat nang makita ako. Sandali siyang napatitig sa 'kin saka nagtatanong na sinulyapan ang ama. Kumunot ang noo niya, bahagya pang napailing gamit ang nangunguwestiyon na tingin. Lahat 'yon ay ginawa niya nang hindi nagbabago ang porma, nananatiling nakaupo at pantay ang mga balikat.

"Long time no see, Maxwell," binasag ko ang nakakakabang katahimikan. "Kumusta?" Tiningnan ako ni Maxwell nang hindi iginagalaw ang ulo. Napakawalan ko ang naipong hangin sa dibdib ko.

Humugot si Maxwell nang malalim na hininga saka nakatingala at nakapikit na pinakawalan 'yon. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin, gano'n niya itinupi ang dyaryong hawak. Saka siya tumayo. Sa magkakapatid siya talaga ang pinakapinong kumilos. Kakaiba.

Namulsa si Maxwell at humakbang papalapit sa 'min. Pinagkrus niya ang mga braso saka deretsong tumingin sa 'kin. "What are you doing here?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya.

Ang inaasahan ko ay kukumustahin niya ako. Kung gaano katagal kong hindi nakita si Taguro ay gano'n katagal din kaming hindi nagkausap. Bukod do'n ay naninibago ako sa kilos at pakikitungo niya. Hindi ko maiwasang maalala kung paano niya akong kausapin no'ng huling magkasama kami sa ospital.

Galit ba siya sa 'kin? Gusto kong itanong 'yon pero hindi ko rin nagawa. Pakiramdam ko kasi ay pipilosopohin niya lang ako ng sagot. May karapatan siyang magalit dahil sa nangyari.

Tumikhim ako at inalis ang laman ng isip ko. "Pinuntahan ko si Maxpein," halos mautal na sagot ko. "Kumusta siya?"

Matagal na tumitig si Maxwell sa 'kin saka ngumisi nang nakakaloko. "Bakit hindi mo kumustahin ang puso mo?"

"Maxwell," pagtawag ni More sa nananaway na tono.

Hindi ko maipaliwanag ang kilabot na tumulay sa lahat ng ugat ng katawan ko. Lahat 'yon ay dumeretso at pinakabog sa kaba ang dibdib ko. May kung anong katotohanan sa pinakasulok ng isip na ko na pilit kong itinatago. At pilit din iyong inilalabas sa 'kin ng reyalidad. Hindi ko matanggap.

~ To Be Continued. . . ~

3e_7~

Continue Reading

You'll Also Like

60.8M 2.3M 127
Ready to say goodbye?
623K 22.5K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.1K 97 12
Frozen is a 2013 American 3D computer-animated musical fantasy-comedy film produced by Walt Disney Animation Studios and released by Walt Disney Pict...
114K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.