Just Fall In Love Again (Publ...

By asherinakenza

12M 167K 10.6K

Published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P199.00 Kaya mo pa bang magmahal kung sobra sobra ka... More

Just Fall In Love Again
Prologue
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Finale
Epilogue
Pagbati at Mensahe mula kay Ate Ash :">
Special Chapter: Drake's payback time...
Special Chapter: Drake Tyler Christmas Gift

Kabanata 1

385K 4.7K 334
By asherinakenza




Kabanata 1


MARIE'S P.O.V


Tinawagan ko si Leo at sinabi kong mag usap kami ng maayos. Hindi pa rin alam ni Mama ang kalagayan ko ngayon, ayokong sabihin dahil gusto ko kapag nalaman niya kasama ko si Leo.


Pinapapunta niya ako ngayon sa apartment niya at doon daw kami mag usap. Pero laking gulat ko ng makita kong nandun ang ibang barkada niya, masaya silang nag iinuman don.



"Leo.." Tawag ko sakanya.

"H'wag kang mag alala! Tara.." Anyaya niya saakin at hinila ang kamay ko papunta sa kusina.


"Ikukuha lang kita ng juice.." Paalam niya bago siya tumalikod saakin.


Pagkabalik na pagkabalik niya kaagad niyang inabot saakin yung juice. Iinumin ko na sana pero parang amoy alak.


"Ininuman ko kanina yan ng alak, pasensya na nakalimutan kong hugasan." Walang ganang sabi niya, tumango nalang ako dahil napansin kong medyo may tama na siya ng alak at panay pa ang yosi niya.



"Yung..tungkol--"


"Ubusin mo muna yan, mag usap tayo pagkatapos niyan." Aniya! Kung yun lang ang paraan para magkausap kami ng maayos gagawin ko! Tinungga ko yung juice at dun ko lang nakumpirma na may halong alak yon, pero hindi ko na binigyang pansin iyon.


"Now, mag usap tayo."


Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya..


"Leo.."


Mariin niyang ipinikit ang mata niya bago ulit tignan ang mga mata ko.


"Alam mong hindi pwede Marie.. Hindi pa pwede, magiging okay lang tayo kapag ipinalaglag mo yang bata." Hindi ako makapaniwala na sakanya ko ngayon naririnig ang mga salita na yan, pakiramdam ko sinusunog ako sa mga sinasabi niya.



"How dare you! Leo dugo mo rin 'to!! Paano mo nagagawang sabihin ang mga yan?!!" Sigaw ko sakanya, halos magwala ang puso ko ng makita ko ang galit sa mga mata niya.



"Putangina kasi bakit hindi ka nag iingat?!!" Sigaw niya saakin!! Sinampal ko siya!!

"Ang kapal ng mukha mo!! Tayong dalawa ang gumawa nito!!"


Nag unahan nanamang tumulo ang luha ko at kasabay pa non ang pagsikip ng dibdib ko! Nginitian niya ako, isang ngiting nakakatakot.


"Wala ka ng magagawa Marie, dahil sa ayaw at sa gusto mo mawawala na yang bata na yan sa tiyan mo." Matigas na sabi niya at saka hinila niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang balat ng gamot! Halos manlaki ang mata ko dahil sa ibinigay niya.



"Masarap naman yung juice hindi ba?" Nakangiting sabi niya, kahit hindi ko itanong kung ano yung gamot na yon alam ko na kung ano yun dahil sa ngiti niya..

"Demonyo ka!!!" Sigaw ko sakanya at magkakasunod na sampal ang ibinigay ko sakanya!!



"Hayop ka Leo!!" Pilit niyang hinuhuli ang kamay ko pero magkakasunod na sampal pa rin ang ibinigay ko sakanya!! Pero halos mayanig ang mundo ko ng maramdaman ko ang kamao niya na malakas na dumapo sa tiyan ko! Halos mamilipit ako sa sakit! Hindi pa siya nakuntento, dalawang magkasunod na suntok pa ang natanggap ko mula sakanya! Pakiramdam ko mamamatay ako sa sobrang sakit... Kasabay non ang pag agos ng dugo sa binti ko..



"No...my baby.. Hayop ka Leo!!"



"Dude! What happened?!! Ang daming dugo!!"

"H'wag kang makialam ditong gago ka!! Buksan mo yung pintuan!!" Sigaw ni Leo!!

Hinila niya ang kamay ko at pilit niya akong ipinagtulakan palabas ng apartment niya.. Nanghihina ako, wala akong ibang magawa kundi ang hawakan ang dugo sa binti ko, nahihilam na rin ako sa luhang tumutulo sa mga mata ko.


Mabilis kong hinanap ang cellphone ko sa bag ko ng marinig kong magring iyon..


[B*tch!]


"Jas..Jasmin..help me.."

[Marie?!!]

"Jasmin tulungan mo ako! Nandito ako sa apartment ni Leo.."



Hanggang sa mandilim na ang paningin ko.

_____


Iminulat ko ang mabigat kong mata at kaagad bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari..


"Marie!!" Kaagad bumungad saakin ang mukha ni Jasmin at Rica.


Puting kwarto..nagsimula nanamang mag unahang tumulo ang luha ko ng maalala ko ang nangyari, pilit akong umupo at hinawakan ang tiyan ko..



"Wala na siya..wala na.." Pakiramdam ko mababaliw na ako ngayon. Bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko ng ipagtabuyan ako ni Leo, lalong lalo na ng hindi niya tanggapin ang anak namin..


Pilit hinawakan ni Jasmin ang kamay ko at pinunasan niya ang luha ko. Pinagtagpo niya ang mata naming dalawa at nakita kong punong puno ng katanungan ang mga mata niya.



"Self-induce miscarriage..paano mo nagawang isikreto saamin 'to Marie? Pinalaglag mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin, umiling ako.. Damn! Yung luha ko ayaw tumigil sa pagtulo! Yung katawan ko parang tinutusok ng milyong milyong karayom.


"Hindi..hindi Jas!"



"Then what?! Bakit may hawak kang pampalaglag?" Yung balat, yun yung gamot na inilagay ni Leo sa inumin ko. Malamang alam ni Jas ang gamot na yon, nursing yan. Umiyak lang ako ng umiyak.



Ikinuwento ko sakanya ang ginawa ng pinsan niya. Yeah, magpinsan sila ni Leo. Hindi nila tinawagan si Mama dahil alam nilang mag aalala saakin si Mama..


"Bullsht.. Kailangan kong makausap si Leo!" Sigaw ni Jas.


"H'wag na Jas.."

"Tanga ka ba?! Hanggang kailan ka ba magiging tanga sa pinsan ko?! Hindi ba sinabi ko na sayo noon pa na mag ingat ka sakanya?! Pinsan ko si Leo at kilala ko yung gago na yon!" Litanya niya! Oo alam ko ang tanga tanga ko dahil simula palang alam ko namang may mga babae siya, pero anong magagawa ko?! Mahal ko siya at saakin pa rin siya huling pumupunta kaya alam kong mahal niya rin ako.



Pero hindi na ngayon.. Dahil yung pagmamahal na nararamdaman ko para sakanya napalitan na ng poot.. Nagmakaawa ako sakanya pero baliwala sakanya ang lahat ng yon.. Ikinuyom ko ang kamao ko dahil naiinis ako sa sarili ko.. Nawala ang first baby ko dahil sakanya.. Kriminal si Leo..sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya.



____


"Two shots of tequilla please!" Hiyaw ko sa bartender. Mag isa lang akong nag iinom ngayon dito sa bar, asusual, umiiyak nanaman ako. Ang tanga ko eh, dalawang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin ako makamove on. Tanga Marie, paano ka makakamove on kung nawalan ka ng anak?! May kumukurot pa rin sa puso ko sa tuwing maiisip kong nawala ang bata sa sinapupunan ko, tatlong buwan na dapat siya ngayon.


Pinadulas nung bartender ang order kong tequilla at kaagad kong tinungga iyon! Medyo mainit na dito sa loob ng bar kaya naman naisipan kong lumabas muna para magpahangin, nagsindi ako ng yosi at matamang tinititigan ko ang dalawang batang natutulog sa kalye, yung isa mukhang dalawang taon palang. Nasaan ang mga magulang nila? Bakit nila pinababayaan na matulog sa kalsada ang mga anak nila?! Psh, anong klaseng magulang ang gagawa ng ganyan? Bigla akong natigilan, kung si Leo nga nagawang patayin ang anak namin, paano pa kaya ang ibang tao.


Magkakasunod na paghithit ng yosi ang ginawa ko ng may marinig akong nagbabasag ng bote sa gilid ng parking area.


"Ugh!!"


Naglakad ako palapit doon at halos mapapitlag ako ng magbato ng isang bote ng beer ang lalaking nakasandal sa gulong ng isang Ferrari 458 na kulay Blue. Natulala ako ng makita ko ang mukha niyang basang basa sa luha, tumungga ulit siya ng isang bote ng beer saka ibinato ulit iyon sa kawalan.


Hindi ko alam kung bakit ayokong umalis dito. Pero nanlaki ang mata ko ng tumingin siya sa pwesto ko, nakakunot ang noo niya.


"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong niya..pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay naka-uniform siya ng Infinite High School.


"Menor ka. Anong ginagawa mo dito diyes oras ng gabi?" Nakataas ang isang kilay ko ng sinabi ko sakanya yan, ngumisi siya saka tumayo.



Napaatras ako ng maglakad siya palapit saakin, gegewang gewang pa siya maglakad, kinorner niya ako sa gilid ng Ferrari 458.


"Ganyan ba talaga kayong mga babae? Mahilig manakit? Tangina kasi eh, sagad na sagad sa pagkatao ko yung sakit.." Imbis na magalit ako sa sinabi niya parang nakaramdam ako ng awa dahil sa boses niya, ramdam na ramdam ko kasi yung lungkot don at yung sakit..


Dahil nga menor pa siya kaya hindi pa siya ganun katangkad, dun ko lang napansin na may nakasabit na salamin sa uniform niya at nakabrace siya.


"Ilang taon ka na?" Tanong ko.


"Psh.. 17 *hik!! Never been touch.. Never been kiss.." Gusto kong matawa, lasing na yata ang isang 'to!



"Baka ang ibig sabihin mo ay sixteen?" Pagtatama ko sakanya. Umiling iling siya, namumungay ang mata niya.



"17 na ako ngayong araw na 'to."


"Bi-birthday mo?!" Gulat na gulat na tanong ko, nakakatawa lang bakit ko ba kinakausap ang lalaking ito eh ni hindi ko nga alam ang pangalan nito?!

Tumango siya..

"Tara sa loob.." Anyaya ko sakanya.

"Bawal ako jan.. Ayaw nga akong papasukin ng bouncer jan eh." Dismayadong sabi niya.

"Problema ba yon?!" Hinila ko ang polo niya na may tatak ng Infinte High! Naka white tshirt naman siya na panloob eh.


"Te-teka! Anong gagawin mo? Re-rapen mo ba ako?!" Nanlaki na ang mata niya at parang nawala ang pagkalasing niya! Nakakatawa talaga siya, nag eenjoy akong kausap ang isang 'to ha.



"Oo..re-rapen kita kung hindi ka sasama saakin sa loob!" Sigaw ko sakanya!


"Grabe ka. Uuwi nalang ako." Halatang takot siyang pumasok sa loob dahil nga menor siya.


"Pag hindi mo ako sinamahan sa loob sasabihin ko dun sa guard na may naligaw na high school student dito.." Pananakot ko sakanya, ewan ko pero gusto ko siyang isama sa loob, gusto kong maranasan niyang magsaya sa loob dahil nararamdaman ko yung sakit na tinatago niya sa loob ng didbid niya.



Hindi na siya umimik, nagpahila na siya saakin sa loob ng bar, nauna akong pumasok dahil kilala naman ako dito kaya naman hindi na siya napansin ng bantay. Umupo kami sa bar stool.



"First time?" Tanong ko sakanya, napansin kong isinuot niya ang salamin niya at inilibot niya ang paningin niya.



"Bat ang labo pa rin?" Inosenteng tanong niya.

"Haha! Baka gawa ng usok, may mga nagyoyosi kasi.. Isang margarita saka rhum!" Sigaw ko dun sa bartender na kaagad namang ibinigay ang order ko.



Sandali niya munang tinignan yung rhum at tinungga iyon. Napapikit pa siya dahil sa tapang.


"Happy Birthday!" Sigaw ko sakanya dahil sorang lakas ng tugtog dito sa bar, nginitian niya lang ako. Nakakatuwang makita yung inosenteng itsura niya para bang ngayon lang siya nakalabas ng bahay?


"Gusto mong sumayaw?!!" Sigaw ko sakanya!



"What?!!"

"Sabi ko sayaw tayo!" Anyaya ko sakanya pero umiling siya.


"Hindi ako marunong sumayaw!" Aniya, tumango nalang ako at uminom ng margarita ko.


Maya maya lang inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.

"Let's get out of here! Maingay!" Reklamo niya.

"Saan tayo pupunta?! Icecelebrate natin ang birthday mo!" Sigaw ko sakanya.


"Basta!!" Sagot niya at nagulat nalang ako ng hilahin niya ako palabas ng bar.



"Get in!!" Nanlaki ang mata ko ng buksan niya ang kulay asul na ferrari 458 kung saan ko siya nakita kanina.


"Sayo 'to?"

"Mukha bang hindi?" Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ako sumakay. Well hindi ko talaga ineexpect na kanya 'tong sasakyan noh! Malay ko ba kung nakikitambay lang siya! 




Sunod naman siyang sumakay at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya! Papatayin yata ako nitong bata na 'to!


"Hoy!! Dahan dahan naman!!" Sigaw ko sakanya! Pero tinawanan niya lang ako at mas binilisan pa ang pagpapaandar! For god's sake!! Nasa hi-way kami!!



Nagseat belt ako at mariin kong ipinikit ang mata ko!


"Dammit!! May sakit ako sa puso!!!" Sigaw ko! At halos habulin ko ang paghinga ko ng bigla siyang pumreno!


"Broken hearted ka din?" Tanong niya!


"Sira ulo! Pwede ba magdahan dahan ka! Ayoko pang mamatay!" Sigaw ko sakanya at nag iwas na ako ng tingin.. Oo broken hearted ako, hindi lang yon.. Dapat nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng anak ko, pero bawat alaala kasi ng first baby ko puro sakit ang nararamdaman ko.


Nagdrive na ulit siya, pero ngayon dahan dahan na.. Nakarating kami sa isang mataas na lugar kung saan kita yung city lights, bumaba kaming dalawa at umupo dun sa malapit sa bangin! Medyo nakakalula pero ang sarap sa pakiramdam, lalong lalo na yung hangin. Inabutan niya ako ng alak.



"Thanks."



Tahimik lang siyang uminom.

"Broken hearted ka noh?" Untag niya, napalingon ako sakanya, kahit sobrang kapal ng salamin niya alam kong saakin lang siya nakatingin. Tumawa ako, isang pilit na tawa.



"Ayos ah? Parang hindi ka broken hearted?" Pagbabalik ko sakanya ng usapan, ayoko na kasing pag usapan yung nangyari saamin ni Leo, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag iyak.



Tumungga siya ng alak at tumingin sa malayo.


"First time eh. First love." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, first love? Hindi ba first love ko din si Leo?



Narinig kong huminga siya ng malalim.


"Gusto ko na ngang mamatay eh." Napatawa ako sa sinabi niya, actually nasabi ko din yang nung nakaraang linggo, pero naisip ko masarap mabuhay. Hindi ako umimik pinabayaan ko lang siyang magkwento.



"Mahal na mahal ko siya..akala ko ganun din siya saakin, hindi pala. Takte, pinaniwala ko ang sarili ko na pwede pala..na pwede akong mahalin ng isang katulad niya.." Kumirot ang puso ko ng marinig ko ang pagpipigil niya ng iyak, sa ikinukwento niya.. Parang nakikita ko rin ang sarili ko. Ganun rin ako diba? Akala ko mahal ako ni Leo, hindi pala.


"Sakit. Parang mamamatay ako sa sakit." Pumiyok na ang boses niya, sandali kaming natahimik.



Uminom lang kami. Pansin ko sakanya kahit na parang ang dami na niyang nainom matino pa rin siya, I mean yes may tama siya ng kaunti pero hindi siya lasing.



"Sino nga namang magmamahal sa isang katulad kong nerd." Dagdag niya.


"Ano ka ba, wala naman sa panlabas na anyo yon." Naiinis na sabi ko, actually dati akong kagaya niya, nung high school ako nakabrace din ako dahil sa sungki sungki kong ngipin, tapos yung buhok ko sobrang buhaghag, pero iba na ngayon! May rebond na! Taray na nga ng panahon ngayon eh!


Hinarap ko ang mukha niya saakin at tinanggal ko ang salamin niya, napakunot ang noo niya.

"Alam mo kahit totoy ka palang gwapo ka naman eh, bata ka pa.. Marami pang iba jan.. Yun nga lang matuto ka ng mag ayos, alam mo naman ang mga kababaihan ngayon, mahilig sa gwapo.. Saka isa pa.." Kinurot ko ang tiyan niya na naging dahilan para magulat siya.


"Mag work out ka! Parang puro baby fats yang nasa katawan mo! Tapos yang brace mo patanggal mo na kapag maayos na ang ngipin mo." Natatawang sabi ko sakanya.. Totoo naman, totoy pa siya tignan pero kita naman na gwapo yan pag mas lalo pang nagbinata.



Itinuro ko sakanya ang bahay ko dahil nag offer siya na ihahatid na niya ako, medyo maliwanag na rin.



"Thank you!" Sabi ko saka bumaba na ako ng kotse niya, ngumiti lang siya.


Nagdo-door bell na ako pero bigla siyang bumusina at ibinaba ang bintana ng kotse niya.


"I forgot to ask your name!" Sigaw niya.



"Kei..Kei Marie!" Nakangiting sabi ko.

Tumango siya.


"Thank you Kei Marie.. Nice meeting you.. Best friend!" Nakangising sabi niya.

"Bestfriend??" Pagtataka ko, duh kakikilala palang namin noh!


"Yeah, best friend. First time na magkwento ako sa ibang tao, ikaw lang yata yung nakipag kaibigan saakin.. Bye Kei Marie.."



Pero bago pa siya makaalis itinanong ko na rin ang pangalan nia, hello? Magdamag ko siyang kasama, at gaya ng sinabi niya kinuwento na nga niya ang love life niya eh.


"I'm Drake.. Drake Cortezano."


****

A/n: So! hahaha, heto na po ang Chapter 1 sana nagustuhan niyo.. :) Maraming salamat po!

ATE ABO.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
3.4M 59.6K 33
Jerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, in...
80K 712 6
Abdiel tried to rule Ysalline De Villa with his saucy charm and honey trap of love. As Ysalline's trying to fix her blurred path away from gangsters...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

80.6K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]