HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

236M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 228 : THE TRUTH 3

2M 52.1K 93.1K
By maxinejiji


CHAPTER 228 : THE TRUTH 3

NAIH'S POV

"MAXPEIN is not coming back anymore, Deib Lohr." Hindi magawang tingnan ni Heurt nang deretso si Sensui. Maging siya ay nasasaktan para dito. Makikita ang kagustuhan niyang magpaliwanag sa paraang hindi masasaktan si Sensui. Pero mukhang walang ganoong paraan.

"What do you mean, Heurt?" Hindi maintindihan ang tono ni Tito Lohrton. Para siyang nagpipigil ng galit. "She's not coming back anymore? What do you mean by that? Tell us what's going on, please."

Tumitig si Heurt kay tito at kunot-noong lumuha. Hindi niya magawang sagutin ang tanong ni tito, basta na lang siya lumuha nang lumuha. At napakahirap niyong panoorin na lang basta.

Naiintindihan kong nahihirapan si Heurt sa sandaling iyon. Alam kong may mga bagay siyang hindi pwedeng sabihin, lalo na at nandoon ang mga kaibigan namin. Nasa pagkatao na nila ang pagiging malihim. Pero ang ugali nilang iyon ay may malalim na dahilan para panindigan nila habang-buhay. Nakuha at tanggap ko na ang ganoong ugali ni Maxpein, kaya hindi na ako nahihirapang intindihin ang ganitong sitwasyon ngayon ni Heurt.

"Was it because of the punishment?" gumaralgal ang tonong tanong ni Sensui. Ang pagkibot ng mga labi niya ay hudyat nang matinding pagluha. Pero gano'n siya kahusay sa pagpipigil niyon, at iyon mismo ang masakit makita.

Hindi ko na mapangalanan pa ang hitsura ni Sensui. Nasasaktan siya at nagagalit nang sabay. Pero wala siyang ginagawa para ilabas ang mga iyon, at iyon ang dumaragdag sa bigat na idinudulot niya sa dibdib ng nakakakita.

Awtomatiko akong napatingin kay Sensui. Napanood ko kung paanong bumagsak ang mga balikat niya at napabuntong-hininga. Ang mga mata niya ang nagpakita ng tunay na ibig sabihin ng salitang malungkot.

Natulala siya kay Heurt pero hindi na ito deretsong tinitingnan sa mga mata. Para bang iniisip niya pa at iniintindi ang katotohanang sinabi ni Heurt. Na para bang pinagdedesisyunan niya pa kung paniniwalaan niya iyon o hindi. Na para bang kinukuwestyon niya ang sarili kung tulog ba siya o gising.

Ang lahat ng naro'n ay natahimik, walang nagawang kilos ang sinuman. Lahat ay nakatingin kay Deib Lohr at pinapanood siyang masaktan. Ni isa sa amin ay hindi malaman kung ano ang gagawin, o sasabihin.

You will never truly know how damaged a person is until you watch Deib Lohr Enrile break down. He obviously wanted to cry but there's no tears coming down. And maybe he's more broken than what we can see and think.

"I'm so sorry, Deib Lohr," gumaralgal ang tinig ni Heurt.

"God..." bulong ni ate. Naiyak siya bigla at tumalikod para wala nang makakita. Nasisiguro kong nasasaktan siya para kay Sensui, dahil maging ako ay gano'n ang nararamdaman.

Mabilis na nangilid ang mga luha ni Sensui ngunit makikita kung gaano niya iyong pinipigilan. Malungkot ang mukha niya pero naro'n ang pagtatanong at galit. Daan-daang emosyon ang mababasa sa kaniya, hindi ko makita kung alin ang nangingibabaw.

At naiintindihan ko siya. Dahil sa sitwasyong iyon, napakahirap talagang maging matino.

Nakakabaliw ang katahimikan. Maski anong ingay kasi ay walang maririnig. Halos magkarinigan na kami ng paghinga dahil sa sobrang payapa ng buong lugar.

Nanatiling tahimik si Sensui. Inaasahan kong magtatanong siya. Inaasahan kong hahanapin niya si Maxpein. Inaasahan kong tatanungin niya kung bakit hindi ito makararating. Inaasahan kong magwawala siya dahil hindi ito tumupad sa usapan nila. Pero hindi iyon nangyari. Hindi nagsalita si Sensui.

"Sa lalong madaling panahon ay kailangang pumunta ni Deib Lohr sa America." Si Heurt ang bumasag sa nakabibinging katahimikan, nagmamadali. Sinabi niya iyon sa parents ni Sensui. "Marami pa siyang evaluation na pagdaraanan ayon sa mga doktor. Nakausap ko na sila. Maghahanda sila sa pagdating ni Deib Lohr oras na malaman niya ang tungkol dito."

Lumapit si Tita Lacey kay Heurt at yumakap nang mahigpit. "Thank you so much, Heurt. I owe you everything."

"Maxpein asked for this," halos ibulong ni Heurt iyon. "It's the least I can do for her."

Lalong niyakap ni Tita Lacey si Heurt dahil sa isinagot nito. Hindi na napigilan ni tita ang pag-iyak, humagulgol siya. Si Heurt naman ay inaalo siya habang lumuluha.

Tumayo si Sensui at deretsong tinitigan ang dalawang ina. Mabagal ang pagkurap ng mga mata niya at hindi na talaga maipaliwanag ang lungkot. Posible palang bumuhos nang ganoon katindi ang lungkot.

Nagkani-kaniya kami ng puwesto para maitago ang nararamdaman. Lahat ay pinangiliran na ng luha.

Kung tutuusin ay wala pa kaming nalalaman nang lubusan. Wala pa kaming naririnig. Hindi pa namin alam kung ano ang tunay na nangyayari.

Pero ang pare-pareho naming reaksyon ay hudyat na iisa kaming lahat ng iniisip.

"My God, what is happening?" bulong ko. Hindi ko naramdamang tumutulo na pala ang luha ko.

Si Max ba ang donor niya?

Kinilabutan ako sa sarili kong naisip. Hindi ko magawang itanong ang laman ng isip ko. Ayaw kong dumagdag sa masakit na sitwasyong nangyayari sa harap naming lahat. Isa pa, pakiramdam ko ay wala akong karapatang manguna sa pagtatanong.

"I'm going out. Alone," halos pumiyok si Sensui nang magsalita. Tumikhim siya at nagbaba ng tingin. Naiiyak ako sa hitsura ni Sensui. Parang gustong-gusto niya nang umiyak.

"Where are you going, son?" habol ni Tito Lohrton. Halata sa tinig niyang wala siyang planong pigilan ang anak. Gusto niya lang malaman kung saan ito pupunta.

"I'll be back. I just want to be alone for a minute," tiningnan nang deretso ni Sensui ang ama. Saka inalis ang kamay nito sa braso niya.

Pinanood namin si Sensui na lumabas ng kwartong iyon. Sumubok sina Lee, Tob at Randall na sundan ang kaibigan pero pinigilan silang lahat ni Dean Enrile.

Matapos ang ilang saglit, nang masiguro naming malayo na sa kwartong iyon si Sensui ay saka kami nagsipag-iyakan. Humagulgol sa pag-iyak ang halos lahat. Napakasakit ng sandaling iyon, maging ang mga lalaki ay hindi napigilang maging emosyonal.

"What is going on?" umiiyak na tanong ni Dein.

Tiningnan siya ni Heurt pero matapos magpahid ng luha ay tinalikuran siya nito. Tahimik na umiyak si Heurt, paulit-ulit ang pagpapahid. Noon ko lang siya nakitang ganoon. Kahit gusto niya yatang itago ang kahinaan at pagiging emosyonal niya ay hindi niya magawa. Nag-uunahan ang mga luha niya sa pagtulo.

"I have to follow my son," emosyonal na sabi ni Tito Lohrton. Pinahiran niya ang mga mata saka nagmamadaling lumabas ng kwartong iyon.

Humabol si Tita Lacey pero nang makarating sa pinto ay humihikbi niyang tinanaw ang asawa. Itinuon niya ang lakas sa hamba ng pintuan, sa hitsura niya ay mukhang tutumba siya anumang oras.

Nagpatuloy ang lahat sa pag-iyak. Walang makapaglakas-loob na magtanong kung ano ba talaga ang nangyayari. Ang mga kaibigan kong inosente sa nangyayari, ay nakiiyak din na para bang alam na alam nila ang lahat. Marahil ay nasasaktan sila para kay Sensui, bagaman wala silang ideya kung ano ang nangyari kay Max.

Pero ang sandaling iyon ay agad na nabasag nang makarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok. "Mr. Enrile is on his way to the venue. Sinimulan na namin ang preparasyon ng mga kandila sa pathway," nakangiting sabi ng tauhang kinuha ni Sensui para tumulong sa plano. Nagkatinginan ang lahat at nag-unahan sa pagtakbo palabas sa terrace.

Hindi ko na lalo maipaliwanag pa ang pakiramdam. Naghahabol ako ng hininga, humihikbi at wala sa sariling lumuluha habang tinatanaw si Sensui. Tanaw na tanaw ko siyang patakbong naglalakad papunta sa crater!

Nag-unahan muli ang lahat palabas ng kwartong iyon, palabas ng hotel, papunta sa bibig ng bulkan. Nagtakbuhan kami hanggang sa makarating kami sa mismong venue. Pero lahat din kami ay natigilan nang pigilan kaming lumapit ni Tito Lohrton sa anak niya. Yumakap si Tita Lacey sa asawa at doon humagulgol nang humagulgol.

Luhaan naming pinanood si Sensui na sindihan ang mga kandilang sunod-sunod na idinesenyo sa pathway. Mahigit dalawandaang kandila iyon na nakahilera mula sa bungad ng pathway hanggang sa dulo kung saan naroon ang entrada ng gazebo.

Sa plano ay may mga taong nakatakdang sindihan ang mga kandilang iyon habang naglalakad si Max sa pathway. Isa-isang magliliwanag ang kandila habang papalapit siya sa gazebo kung saan naghihintay si Deib Lohr.

Ang gazebo na iyon ay walang katulad. Gusto kong maiyak sa inggit dahil napaka-sweet ni Deib Lohr para maisip ang gano'ng set up. Ipinasadya niya iyon para magmukhang nakalutang sa tubig, sa mismong bibig ng bulkan. Perpekto ang pagkakagawa dahil harapan nilang mapapanood ang paglubog ng araw.

Ang magkahalong dilim at nagsisimulang liwanag ay nakadagdag pa sa bigat ng pakiramdam. Lalo kaming pinagiging emosyonal ng sitwasyon.

Nang sa wakas ay makarating si Sensui sa gazebo ay sinindihan niya ring isa-isa ang mahigit isandaang malalaking kandila na naro'n. Nakapalibot ang mga iyon sa gazebo at iyon ang tanging magbibigay ng liwanag sa buong lugar. Kaming mga kaibigan nila ang nakaplanong magsindi ng bawat kandila sa gazebo. Iyon lang kasi ang liwanag na gagamitin sa buong eksena, bukod sa fireworks. Pero ang lahat ng iyon ay mag-isang ginagawa ngayon ni Deib Lohr.

Matagal at mabagal ang sandaling iyon pero hindi nakakabagot panoorin. Para kaming mga martir na ninanamnam at sinasaksihan ang sakit. Sakit na palalim nang palalim.

Isa-isa kaming nagsipaglapitan sa gazebo nang panoorin namin si Sensui na tanggalin ang tela na nakatabing sa swing. Ang hammock swing basket na iyon ay gawa sa rattan at ipinasadya ni Dein Leigh para sa dalawang tao. Sa plano ay nakatakdang maupo ang dalawa ro'n, saka nila sabay na panonoorin ang sunset. Habang nagpaplano ay halos maihi sa excitement si Sensui, alam niya kasing magugustuhan iyon ni Maxpein. Ang panoorin ang sunset habang pinaliligiran sila ng magandang kalikasan ay isang pangarap para kay Maxpein. Pangarap na hindi niya naiisip gawin nang mag-isa. Alam ni Sensui kung gaano kamahal ni Max ang panonood ng mga bagay na natural at araw-araw nangyayari sa mundo.

Lalo akong naiyak nang makita ko ang mga flower petals na ibinuhos sa hammock swing na iyon. Paniguradong isa iyon sa pakulo ni Randall. Siya lang naman ang nagpumilit hintuan ang bawat flower shop at stall na nadaanan papunta dito.

Nakikini-kinita ko nang ihihiga ni Sensui si Max sa mga petals na iyon kapag nagkataon. Iduduyan-duyan niya ang swing na iyon habang yakap si Maxpein at ninanamnam nilang pareho ang masarap na pakiramdam.

Sa gitna ng gazebo ay naro'n ang hugis puso na daan-daang rose petals. Sa plano ay isasayaw ni Deib Lohr si Maxpein sa ibabaw ng petals. Sa plano ay kaming dalawa ni Randall ang nakatoka sa pagkanta.

Dancing in the dark, middle of the night. Taking your hand, holding it tight. Sa isip ko na lang nakanta ang linya ni Randall, na siya ring simula ng kanta. Napabuntong-hininga ako.

Matapos ang sayaw nila ay nakatakdang lumuhod si Deib Lohr para ihayag ang proposal. Habang nagpaplano ay na-imagine ko nang iiyak kaming lahat. Pero ang luhang inaasahan ko nang sandaling iyon ay dahil sa saya at tuwa.

Ngunit hindi na mangyayari ang alinman sa plinano namin. Dahil walang dumating na Maxpein. Walang darating na Maxpein. Wala nang darating na Maxpein.

Mag-isang pinanood ni Sensui nang oras na iyon ang takipsilim. Habang nakaupo sa swing. Habang magkahawak ang pareho niyang kamay. Habang nakapatong ang pareho niyang siko sa tuhod. Habang nagpipigil ng emosyon at sariling damdamin. Habang tinitiis ang sakit ng katotohanan.

Nang tuluyan nang lamunin ng dilim ang liwanag ay muling tumayo si Sensui at isa-isang tinanaw ang mga fireworks. Kinuha niya ang isa at siyang pinakamalapit sa kaniya. Sinindihan niya ang maliit na fountain na hawak saka inilagay sa entrada at nagsisilbing pinto ng gazebo. Nagtuluan ang mga luha ko habang pinapanood ko ang fountain. Pakiramdam ko ay ganoon na ganoon ang emosyon ni Sensui ngayon. Ang bawat maliliit na apoy na iniuulan niyon ay luha niya. Ang init ng apoy ang bugso ng damdamin niya. Halos hindi ko maaninag si Sensui nang lingunin ko, punong-puno ng luha ang mga mata ko. Malungkot niyang pinanood ang fountain hanggang sa sumuko iyon sa pagpapasikat.

"Deib," pagtawag ni Lee. Hindi niya magawang tumapak papasok sa gazebo. "You need help?" malungkot niyang tanong saka inilabas ang torch na inihanda niya.

Matagal na tumitig si Deib kay Lee saka tumango. Kitang-kita pa rin ang pagpipigil niya ng luha. Pulang-pula na ang mga mata niya, maging ang ilong at maputing pisngi niya ay namumula na. Panay ang paghugot niya nang malalim na hininga at pagkurap. Pinanood niya sina Lee, Tito Lohrton at Randall na isa-isang sindihan ang malalaking fountain na nakapalibot sa buong gazebo. Habang si Tob naman ay tumakbo sa kung saan. Pagbalik niya ay kasama niya na sina Migz at BJ. Hirap na hirap man ay nagawa nilang itakbo kay Sensui ang hindi mabilang na puting lobo!

Walang emosyon si Sensui habang kinukuha ang mga lobo. Pasensyoso niyang inipit sa parehong palad ang napakaraming tali niyon. Nang mahawakan ang lahat ay tiningala niya ang mga iyon at sandaling tinitigan.

Namilog ang bibig ko habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha. Namangha ako nang pakawalan nang sabay-sabay ni Sensui ang mga lobo sa dumidilim nang langit. Dahil kasunod niyon ay ang nakabibinging putukan na nagbigay ng kakaibang ganda sa buong lugar!

Makikita ang kaniya-kaniyang paglutang ng mga lobo sa ere habang ang fireworks ay kani-kaniya rin ng palabas. Napakaganda!

Sinindihan na rin nina Tito Lohrton at Randall ang mga palm, pistill, serpentine at willow fireworks na siyang gumawa ng makapigil-hiningang palabas sa madilim na langit. Sa plano ay iyon na ang hudyat na tinanggap ni Maxpein ang proposal ni Deib Lohr.

Nakatingala at nakapamulsang pinanood ni Deib Lohr ang lahat sa langit. Nakakunot ang noo niya pero sa kaniyang mga mata mababasa ang sukdulang lungkot at sakit. Tinutukan niya ang mga fireworks. Hindi siya nagbababa ng tingin hangga't hindi nauubos ang mga iyon. Nang matapos ang mahigit kinse minutong palabas ay saka siya naglakad pabalik sa gazebo. Tumayo at tumitig siya sa hugis puso at daan-daang rose petals na nasa gitna niyon.

Parang dinurog ang puso ko nang dahan-dahang mapaluhod si Deib Lohr sa mismong rose petals at doon ay pasigaw na umiyak.

Nararamdaman ko sa puso ko ang iba't ibang uri ng sakit. Halos dambahin ko ang dibdib ko sa sobrang sakit! Hindi iyon mahinto hangga't nakatingin ako sa kaibigan kong nasasaktan. Ganoon pala ang pakiramdam.

Nag-iwas ng tingin ang karamihan, hindi siya magawang tingnan at panoorin na lang. Pero ako ay pinanood ko siya. Gusto kong sisihin si Maxpein pero hindi ko rin iyon magawa. Gusto kong magmahika sa sandaling iyon para matigil ang nararamdamang sakit ni Sensui, at ng lahat. Pero wala akong ganoong kakayahan.

Lalo akong naiyak nang marahang lumapit si Tito Lohrton sa anak. Lumuhod siya sa harapan ni Sensui at umiiyak na hinawakan ito sa balikat. Sandaling nanatili si Deib Lohr sa pagyuko at pagsuntok sa mga petals. Nang hindi niya na kinaya ay saka siya bumangon at yumakap sa ama.

My god... Natakpan ko ang sarili kong bibig. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa pagluha. Bilang kaibigan ay nasasaktan ako para kay Deib Lohr.

Sa sandaling iyon ay gusto kong magalit kay Maxpein. Gusto ko siyang tanungin kung anong karapatan ang meron siya para manakit nang ganito katindi. Mahal niya si Deib Lohr, at hindi halos masukat ang pagmamahal niyang iyon. Pero wala akong makitang dahilan para humantong ang lahat sa ganito.

Naiintindihan ko talagang may mga bagay na para lang sa kaniya at sa kanilang pamilya. May mga katotohanan na para lang sa kanila, hindi pwedeng malaman ng iba. Madali iyong intindihin. Pero nang mahalin niya si Deib Lohr ay binigyan niya na rin ito ng karapatang kilalanin siya. Kahit sinong matalinong tao ang malagay sa sitwasyong ito ay kailangan pa rin ng paliwanag.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa ganoong sitwasyon. Matagal pero parang napakabilis. Nang bahagyang kumalma sa paghagulgol si Deib Lohr ay halos buhatin si ng ama hanggang sa makatayo. Ilang saglit din bago humupa ang paghikbi ni Deib Lohr, ngunit hindi iyon nawala. Nang sumubok siyang humakbang ay muli siyang naluha. Pero nandoon ang kaniyang ama para umagapay. Para iparamdam na hindi siya nag-iisa. Hanga ako sa tatag ni Tito Lohrton, ni ayaw niyang ipakita ang pagiging emosyonal niya. Dahil sa sandaling iyon, anak niya ang mahina. At alam ng lahat nang naro'n na hindi lang basta-basta ang kahinaang nararamdaman ni Deib Lohr. Delikado ang sitwasyong iyon sa kalusugan niya, lalo na sa kaniyang puso. At batid naming isa iyon sa iniingatan ng pamilya niya.

Tahimik kaming nakabalik sa hotel. Naagaw namin ang atensyon ng mga taong nakasalubong at nakapansin sa amin. Lalo na ang mga empleyado ng hotel na alam kung ano ang aming plano. Ngunit masyado nang halata ang sitwasyon para maglakas-loob pa silang magtanong.

Nang makarating kami sa executive room na para sa lahat ay nagkagulatan pa ang ilan. Nandoon na kasi ang magkapatid ni Kimeniah at Keziah. Nandoon na rin ang pamilya ni Randall. Hindi nila nasaksihan ang pangyayari, marahil ay naging abala rin sila sa paghahanda. Ang bawat isa kasi sa amin ay may kani-kaniyang kontribusyon sa plano. Nagkataon na sila ang nakaatas sa reception sa resort na inarkila ng Enrile. Kami-kami lang kasi talaga ang imbitado. Close friends and family lang ang gusto ni Deib Lohr na makasaksi.

"What happened?" dinig kong bulong ni Keziah kay Dein Leigh. Agad niyang inalo ang kaibigan dahil hindi ito mahinto sa pag-iyak. "Hindi siya sumipot? Ano ang nangyayari, Dein." Parang problemado si Keziah. Nag-aalala siyang tumingin kay Sensui na noon ay pinaupo ng ama sa sofa.

Walang nagpaliwanag. Walang nagkwento. Pero ang mga gustong magtanong ay ganoon katatalino para makaramdam at mahulaan ang sitwasyon. Nabasa na nila ang kilos at reaksyon ng bawat isa kaya nanahimik na lang.

"Pwede bang bigyan natin ng sandaling katahimikan si Deib Lohr at ang kaniyang mga magulang?" Binasag ni Dean Enrile ang katahimikan. Lahat kasi ay naiwang nakatingin na lang kay Deib Lohr, mga nakatayo at pawang nakatitig.

Napapahiyang nagsipagtanguhan ang karamihan, kasali na ako ro'n. At saka isa-isang tahimik na lumabas.

"Parrot."

Halos mapatalon ako nang marinig ko ang pagtawag ni Sensui. "Yes, Deib?" nautal pa ako bago lumingon. "A-Ano 'yon?"

Huminga nang malalim si Sensui, nananatiling nakapako ang paningin sa kung saan, bago nag-angat ng tingin sa 'kin. At parang pinipiga ang puso ko nang makita ko siyang lumuha, nagmamakaawa.

"Thank you." Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

Naiwan akong nakamaang sa kaniya. Hindi ko kinayang magsalita agad dahil sa gulat. "You're welcome," napapalunok kong sabi. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat at pwede kong sabihin. Wala akong makapang salita sa isip ko. Naaawa ako masiyado sa kaniya.

Tumango ako sa lahat bago ako tuluyang lumabas ng kwartong iyon. Naiwan doon ang kapatid at magulang ni Sensui, kasama si Heurt. Para akong nakalutang habang naglalakad pabalik sa kwarto namin ni ate. Nasorpresa pa ako nang madatnan ko ro'n sina Randall, Lee at Tob.

"Ano ba ang nangyayari?" problemadong tanong ni Tob. Nakayuko siya sa parehong tuhod at panay ang paggulo sa buhok. "Hindi ko maintindihan!" Tumayo siya at pinagsusuntok ang pader. "Ano ba kasi ang nangyari kay Maxpein? Bakit hindi siya sumipot?"

"Tobi," saway ni Lee. "No one knows what's going on, okay? Calm down."

"Bakit hindi siya magsabi? Hindi ba niya pwedeng tawagan si Deib para magpaliwanag?"

"I don't know, okay? Wala tayong alam pare-pareho."

"Nakaka-bad trip!" naihilamos ni Tob ang parehong kamay sa mukha. "Awang-awa ako kay Deib, dre, eh." Hindi ako makapaniwalang nakita ko ang pagtulo ng luha ni Tob. "Awang-awa ako sa kaibigan natin, Lee. Sobra."

Pinahiran ko rin ang mga mata kong nasanay na yatang lumuluha. Ni hindi ko na maramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Nagkukusa na iyon dahil sa napakarami at hindi mapigilang emosyon.

"Hindi mo ba siya nakausap?" bumaling sa 'kin si Lee. Bahagya siyang naupo sa kanto ng mesa at hinila ako papalapit. Pinahiran niya ang mga luha ko nang paulit-ulit. "Hindi mo ba nakausap si Maxpein?"

Humihikbi akong umiling nang umiling. "Tungkol dito, hindi. Wala akong alam. Wala siyang sinabi. Sa ospital ay hindi ko rin siya halos nakausap, Lee."

"Maging si Maxwell ay walang sinabi sa 'kin," sabat ni Randall. Nilingon namin siya. Daig niya pa ang may napakatinding problema. "Nagpaalam siyang aalis. Hindi ko na tinanong kung kailan ang balik niya dahil alam ko namang babalik siya."

Bigla kaming natigilan sa matunog na pag-iyak ni ate. Gusto ko siyang singhalan dahil talagang napakalakas ng pag-iyak niya, walang sinabi iyong hagulgol ng dalawang nanay kanina. Pero dahil nanginginig na siya at namumula ay lumapit na lang ako para aluin siya.

"Hoy, ate," naiiyak na pagtawag ko. "May alam ka, 'no?"

"Ang sabi ni Maxrill ay walang ginamot sa mga sugat ni Maxpein," humihikbing aniya, hirap na hirap.

"Ano?" sabay-sabay at gulat na tanong naming lahat.

"Hindi ko alam!" Hindi halos makapagsalita si ate dahil sa sobrang paghikbi. "Basta ang sinabi niya ay walang ginamot kay Maxpein. Malungkot siya nang sabihin 'yon, as usual, parang bata." Nagpunas siya ng mga luha. "Feeling ko tuloy nakasama 'yon sa katawan ni Maxpein. Baka kung ano ang nangyari sa kaniya."

"I was also wondering why she's in the ICU," ani Randall. "Hindi man lang siya dinala sa Emergency Room, o kahit sa Operating Room. Malala ang sugat niya."

"Ano ba namang klaseng pamilya ang mga 'yon?" Litong-lito si Tob. "Bakit gano'n sila?"

Hindi ko nagawang magsalita. Naiyak na lang ako sa uri ng pamumuhay na meron ang kaibigan ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon sila...kawirdo. Matatalino, mayayaman at may kakayahan, iyon silang lahat. Pero ang prinsipyo nila ang hindi ko maintindihan minsan. Kakaiba.

Ang gabing iyon ay lumipas nang malungkot. Hindi ako nakatulog nang ayos dahil sa sobrang pag-iisip. Pilit kong ginagawan ng dahilan ang mga nangyayari pero sadyang kakaunti lang ang nalalaman ko.

Kinabukasan ay gusto kong mahiya nang tanghaliin ako ng gising. Mabuti na lang at walang nagmamadali. Nagpahanda ang mga Enrile sa reception at doon humingi ng paumanhin sa nangyari. Palibhasa'y malalapit kay Deib Lohr ang lahat nang naro'n ay sinabi nila ang totoo.

Kasalukuyang nagsasalita si Tito Lohrton sa harapan nang pumasok si Sensui. Halos lahat ay nanibago sa hitsura niya, o maaaring hindi inaasahan na gwapo pa rin siya sa kabila nang nangyari.

Nakasuot siya ng itim na polo. Ang parehong sleeves ay nakatupi hanggang siko. Nakabukas ang kwelyo hanggang sa ikatlong butones dahilan para makita ang ginto niyang kwintas at bungad ng dibdib. Ang kalahati ng laylayan niyon ay naka-tuck sa jeans habang ang kalahati ay nakalaylay na lang basta. Suot niya ang matulis niyang black leather shoes. Kumikinang ang itim niyang bracelet at gintong relos.

Nakakapanibago. Marahil ay nasanay akong pormal ang suot niya. Pakiramdam ko tuloy ay noon ko lang siya nakitang nakasuot ng rugged. Na kamangha-mangha namang bumagay sa edad niya.

Dere-deretso siyang lumapit sa mesa namin pero hindi agad naupo. Nilingon niya ang lahat, na noon ay nakatingin sa kaniya. Napabuntong-hininga siya saka naupo sa gitna nina Lee at Tob.

"Deib Lohr," aligagang lumapit si Tita Lacey sa anak. "What do you want to eat, anak?"

"Ako na ang kukuha, mommy," kaswal niyang sagot saka muling tumayo at lumapit sa buffet.

Nagkatinginan kaming mga nakaupo saka siya sinundan ng tingin. Kung titingnan ay parang wala lang nangyari kay Sensui. Pero kung pakikiramdaman naman, lahat ay giginawin sa sobrang lamig ng pakikitungo niya. Iyon pa lang ang eksena niya, lalamigin ka na.

Nang makabalik siya ay basta na lang siya nagsimulang kumain. Hindi niya inaalis ang paningin sa plato niya. Maingat siya sa pagnguya, mabagal at ninanamnam ang pagkain. Gano'n din siya sa inumin, mapa-wine o tubig man.

Parang wala siyang kasama sa mesa. Kung kumilos siya ay para bang walang ibang tao ro'n bukod sa kaniya. Magana siyang kumain bagaman may lungkot sa mga mata.

Walang nakapaglakas-loob na kausapin siya. Bagaman ang lahat hindi magawang iiwas ang paningin sa kaniya. Siya ang sentro ng atensyon ng lahat. Bawat pagkilos namin ay apektado ng presensya niya. Imbes na siya ay kaming lahat pa ang hindi magawang kumain nang ayos sa sandaling iyon.

"Salad, dre," ani Tob. Inilapag niya ang plato sa harap ni Sensui.

Pero hindi nagsalita si Sensui. Basta na lang siya tumuhod sa halo-halong prutas na nasa harap niya at nagpatuloy sa pagkain.

Napapapikit ako sa sandaling iyon. Napakahirap nang gano'n. Nagkakatinginan kaming lahat, makahulugang tinginan. Walang makahinga nang maluwang. Lahat ay nahihirapan. Maraming mesa, lima ang okupado. Pero ang buong lugar ay umiikot sa silyang kinauupuan ni Sensui mismo.

"I'm done, thanks for the food." Tumayo si Deib Lohr at kinuha ang pinagkainan. Saka siya naglakad patungo sa mesa kung nasaan ang mga tagapagsilbi.

Nabibiglang tumayo sina Tita Lacey at Tito Lohrton at aligagang bumuntot sa anak. Dali-dali ring nagsipagkilusan sina Lee at Tob, sumabay naman kami ni ate papasunod sa kanila.

"Anak, anak," pagtawag ni Tita Lacey. Halos mapatalon pa siya nang biglang huminto si Sensui para harapin siya, seryosong-seryoso. Napamaang si tita pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Hindi niya marahil malaman kung ano ang sasabihin sa anak.

"When are we going home?" tanong ni Sensui.

Nilingon ni tita ang asawa saka muling bumaling sa anak. "When...do you want to go home, anak?"

"Ngayon?" kaswal na sagot ni Sensui. "Oo, umuwi na tayo. Wala na rin naman tayong gagawin dito." Muli niyang tinalikuran ang ina saka nagpatuloy sa paglalakad.

Aligaga pa ring sumunod ang mag-asawa sa anak nila. Para rin kaming mga sira na nagsipagsunuran, hindi malaman kung ano ang tamang gawin. Sumunod kami nang sumunod hanggang sa makarating sa kwarto ni Sensui.

Laking gulat pa naming magkakaibigan nang makitang nakahanda na ang mga gamit ni Sensui. Ang buong kwarto ay nasa ayos na, kung anong hitsura no'ng datnan niya.

"Anak, iyong tungkol sa sinabi ni Tita Heurt mo--" Hindi na nagawang tapusin ni Tita Lacey ang sasabihin nang muli ay bigla siyang lingunin ni Sensui.

"Oo, mommy. Magpapaopera ako," kaswal na ani Sensui.

Hindi agad nakapag-react si Tita Lacey. Muli ay napamaang siya at napapailing na natulala sa anak. Kung tutuusin ay narinig niya na ang gustong sagot mula sa anak, pero naiintindihan ko ang pagkabigla niya. Masiyadong cold si Sensui ngayon, at naiintindihan ko rin naman iyon. Pero dahil sa nangyayari ay parang mali pa rin ang lahat.

"Are you okay, son?" nag-aalala man ay alanganing tanong ni Tito Lohrton.

"I'm okay, dad," ani Sensui na dumeretso sa center table at pinagpupulot ang ilang abubot niya. Lumapit siya sa sofa at isinilid ang mga iyon sa bag niya. Muli siyang lumapit sa side table at dinampot ang susi ng kotse niya. "Let's go?"

Nagulat ang lahat. "Son," nauutal na ani Tito Lohrton. Ngunit hindi niya nagawang sundan ng salita ang pagtawag sa anak.

"Deib Lohr," lumapit si Tita Lacey sa anak at hinawakan ito sa magkabilang braso. "I know you're not okay."

"I'm okay, mom," iritable na agad si Sensui.

"Deib Lohr, anak. Please, talk to me, baby, please?"

"I am, mom." Halatang hinahabaan na lang ni Sensui ang pasensya.

"I know you're not okay--"

"'Ayun naman pala, mommy," sumuko agad si Sensui. Inis niyang hinarap ang ina. "'Wag mo nang ipamukha sa 'king hindi ako okay."

"Anak," pinangiliran agad ng luha si tita. "'Wag naman tayong ganito, please?"

"What do you want me to do, mom?" kunot-noong tugon ni Sensui, saka bumuntong-hininga. "I want to rest. Let's go home."

"Let's stay a little longer," pakiusap ni tita. "May mga bisita ka pa."

Bumuntong-hininga na naman si Sensui, naiinis na. "What's the use of staying here, mom?"

"Talk to us naman nang maayos, Deib Lohr," parang maiiyak na agad si tita. "I know that you're not okay. Please."

"Of course I'm not okay!" Deretsong tinitigan ni Sensui ang ina sa mata, ipinakikita ang galit niya. "I am so broken than I can physically feel it inside me. My whole body is in pain. I can't breathe normally. I swear I can't even cry. All I want to do right now is stay in my bed and die." Sinabi iyon ni Sensui nang sobrang diin, mararamdaman mo ang sakit na sinasabi niya.

"Deib Lohr, don't say that! Talk to us!" galit na lumuha si tita.

"Talk to you?" Nilingon ni Sensui ang lahat nang naro'n. "And then what? Mawawala ba 'yong sakit?" kunot-noo niyang tanong, nagdadamdam nang matindi. "Wala namang magbabago, mommy. Masakit pa rin. Kahit ako ay hindi kayang ayusin ang sarili ko at ang sarili kong nararamdaman."

"Son, please," umuunawa ang tinig ni Tito Lohrton.

Sinubukang lumapit ni tito pero agad na umatras si Sensui. "This isn't the first time," nanunumbat ang tinig niya. "This already happened to me before, and believe me, I'm used to it. I waited for her, and yet I know she's not coming." Tinalikuran niya ang mga magulang at huminga nang sobrang lalim. Sa gano'ng paraan niya pinigilan ang maluha, at nagtagumpay siya. "I'm leaving now, I'll see you at home."

"We're coming with you," ani Lee, tinanguan si Tob. "Sumabay ka na lang sa ate mo, I love you," bulong niya sa 'kin.

Magkatulong na kinuha nina Tob at Lee ang mga gamit ni Sensui saka sabay-sabay na lumabas ng kwarto ang tatlo. Nasundan na lang namin sila ng tingin. Nakakalungkot ang mga salitang binitiwan ni Sensui. Hindi ko malaman kung anong sakit pa ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay sobra-sobra na ang bigat sa dibdib ko para sa mga kaibigan ko.

DEIB'S POV

TAHIMIK akong nagmaneho. Pilit kong hindi inaalis sa daan ang paningin ko. Maging ang isip ko ay gusto kong tutok lang. Pero sadyang napakahirap gawin no'n. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil sa tindi ng effort ko. Pero masyado akong nasasaktan, hindi ko kaya kahit ngumiti man lang.

"Hindi ko pinagsisisihan ang mga ginawa at inihanda ko. Effort? 'Sus. Wala 'yon," wala sa sariling sabi ko.

"Ha, 'dre?" tinig ni Tob.

Hindi siya ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Pero nananadya ang panahon. Bumuhos ang malakas na ulan, sinabayan niyon ang bugso ng damdamin ko.

"Para sa kaniya 'yon kaya hindi ko pinanghihinayangan alinman ang nasayang ngayon. Gusto kong masorpresa siya, eh. Gusto kong matuwa siya. Gusto kong kiligin siya. Gusto kong umoo siya! Pero t*ngina, hindi siya dumating!" Naihinto ko ang sasakyan at pinagsusuntok ang manibela.

"Deib," dali-daling pinatay ni Lee ang makina at hinawakan ako sa balikat. "Bumaba ka, ako ang magmamaneho."

Hindi ko siya pinakinggan. Yumuko ako sa manibela at isinubsob ang mukha ko sa mga braso. "I'm worth way more than this. I deserve better than this."

"'Dre," tawag ni Tob. Wala siyang masabi.

"I'm not going to cry anymore." Dumeretso ako at umayos ng upo. "I don't want to cry anymore."

Iritable akong bumaba at lumigid sa sasakyan. Nakipagpalit ako kay Lee at hinayaan siyang magmaneho. Tumitig lang ako sa daan at pinanood ang ulan. Gaya nang sinabi ko ay hindi ako umiyak. Hinayaan ko lang na maramdaman ko ang sakit.

Hindi ko na alam kung alin ang pinakamasakit sa pang-iiwan na ginawa mo, Taguro. Lahat 'yon nasaktan ako.

Mabilis ngunit malalim ang paghinga ko. Gano'n yata talaga kapag pinipigilan ang emosyon. Mabigat sa dibdib. Masakit sa ulo. Hindi ako mapakali. May gustong gawin ang katawan ko, para mailabas ang galit ko. Pero nakakapanghina ang katotohanan, hindi ako makakilos.

"Salamat," sabi ko kina Lee at Tob nang makarating kami sa bahay. "Alam kong gusto niyo rin akong kausapin pero gusto ko muna talagang mapag-isa."

"Nag-aalala kami sa 'yo, 'dre," kunot-noong sabi ni Tob.

"Kung iyong sinabi ko kanina ang inaalala mo, tigilan mo na. Wala akong gagawin sa sarili ko, Tob. Matino ako," inis na sabi ko.

"We can stay here, Deib, no worries," ani Lee.

Umiling ako. "'Wag na. Balikan niyo 'yong girlfriend niyo, baka walang maghatid sa mga 'yon. Paniguradong uuwi na rin 'yon sina mommy."

Napabuntong-hininga siya. "I'm really worried, Deib."

"It hurts, but it's okay. I'm gonna be okay, just not today," malungkot na sabi ko.

Magsasalita pa sana si Lee pero tinalikuran ko na sila. Basta ko na lang iniwan ang mga gamit ko sa sala, dumeretso na ako sa kwarto at nahiga sa kama. Naglakbay ang isip ko pero pilit ko iyong inilalayo sa nangyari sa nagdaang buong linggo. Wala akong ibang inisip kundi ang sarili ko.

Magpapaopera ako. Magpapagaling ako. Dahil kung hindi mo tinupad ang sinabi mo, gagawin ko kung ano ang salitang binitiwan ko sa 'yo. Pupuntahan kita, Taguro.

INASIKASO nina mommy't daddy ang operasyon ko. Mula sa preparasyon hanggang sa mga kailangang gawin ay inayos nila. Wala akong ginawa kundi ang magpahinga, ikundisyon ang katawan ko at sumunod sa mga sinasabi nila. Ilang araw matapos ang nangyari sa Batangas ay lumipad agad kami papuntang America.

Hindi ko na pinahirapan pa sa pag-aasikaso ang mga magulang ko. Nagulat pa nga sila dahil sumusunod lang ako kung ano ang sabihin nila. Walang pilitan at kumbinsihang nangyari. Dahil ang bagay na ito ay ginagawa ko na para sa sarili ko.

Isang araw kaming nanatili sa hotel, kinabukasan ay pumunta agad kami sa ospital. Napakarami kong pinagdaanang test at ininom na gamot bago nasimulan ang operasyon.

"Cardiac transplant is not considered to be a cure for his disease, Mrs. Enrile." Iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa doktor bago ako mawalan ng malay at makatulog. "This is mainly a life-prolonging treatment for organ failure."

Hindi ko makakalimutang hanggang sa pagtulog ko ay mukha ni Taguro ang nakikita ko. Pero nang sandaling iyon ay wala akong maramdamang sakit. Wala akong maramdamang lungkot. Lahat ay masaya.

Pero nang magising ako, alinman sa laman ng panaginip ko ay hindi ko na maalala.

Idiniretso ako sa recovery room pagkalabas ko ng operating room. At ilang oras pa ay dinala na ako sa ICU. Nanatili ako ro'n ng ilang araw, hindi ko nabilang. Hindi lahat ng nangyari ay nasusubaybayan ko. Madalas pa akong tulog kaysa gising. Magmulat man ako ay hindi ko magawang makapagsalita dahil sa tubong nasa bibig ko. Maging sa ilong ko ay may nakasalpak na kung ano.

Napakaraming nakakonekta sa 'kin. Hindi ko man iyon nakikita ay nararamdaman ko ang mga iyon sa buong katawan ko.

Nararamdaman ko rin madalas si mommy na hinahawakan ang kamay ko. Minsan ay umiiyak siya at madalas ay nagkukwento. Lahat ay naririnig ko, dilat o pikit man ang mga mata ko.

Wala akong alam kung gaano katagal na akong nakahiga at naro'n sa ospital na 'yon. Madalang magbago ang posisyon ng katawan ko, iilang kilos lang ang nagagawa ko. Hindi ako kumakain, hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain at uminom. Ilang mukha na ng nurse at doktor ang nakita ko, karamihan ay natatandaan ko naman. Masasabi ko lang na matagal na akong gano'n dahil sa mabilis na pamamanhid ng buong likuran ko dahil sa paghiga.

May isa't kalahating buwan na akong nananatili sa ospital nang malaman ko. Dumating sina Lolo Dei Min, Noona, Randall, RD at Manang para bumisita sa 'kin. Nang sumunod na linggo ay dumating din sina Lee at Tob, nanatili sila ro'n ng tatlong araw para bantayan ako.

Laking pasasalamat ko nang isa sa mga araw na 'yon ay dumating ang doktor para alisin ang tubo sa bibig ko. Naramdaman kong bumalik na sa dati ang maayos kong paghinga. Gustuhin ko man kasing magreklamo sa nagdaang araw, hindi ko nagawa dahil malaking tulong ang makina at tubong iyon sa paghinga ko. Pero matapos niyon ay binibisita ako ng nurse kada dalawang oras para paubuhin. Masakit iyon sa dibdib, hindi biro ang pinagdaanan ko. Tinuturuan pa niya ako kung paanong yayakapin nang tama ang unan para magawa ang tamang pag-ubo. Napakaraming proseso. Nahihirapan ako pero kailangan iyon ng katawan ko.

Napakaraming gamot, inumin man o nakakonekta sa ugat ko. Sa sobrang dalas kong inumin ay nasaulo ko ang oras at pangalan, at kung para saan ang mga iyon. Nasubaybayan kong mabawasan ang mga gamot na iyon isa-isa.

Sa ikalawang buwan ko ay mas maraming doktor na akong nakasalamuha. Tinuruan at tinulungan nila ako sa tamang pagkilos at ehersisyong para sa paghinga. Maging ang unti-unti at magandang pagbabago sa katawan ko ay nasubaybayan ko. Dahil wala naman akong ibang pagtutuunan ng atensyon kundi ang sarili kong katawan.

Masaya ako nang malaman ko sa mga doktor na mas maganda ang naging reaksyon ng bagong puso sa katawan ko. Kinailangan ko lang daw talagang manatili nang ganoon katagal sa ospital dahil malayo ang pinanggalingan ko. May mga scheduled follow-up check-up at hindi ko magagawa iyon kung uuwi agad ako ng Pilipinas. Kaya minabuti na ng mga magulang kong manatili kami nang matagal doon, hangga't kailangan akong matingnan ng doktor ay mananatili kami ro'n.

Wala pa rin akong balita kay Taguro. Hindi na rin naman ako nagtanong. Kung gaano katagal akong nananatili sa ospital na iyon, gano'n katagal ko ring hindi binanggit ang pangalan niya. Gano'n katagal din akong hindi nagtanong tungkol sa kaniya. Gano'n katagal ko rin siyang hindi hinanap.

Pero maski isang segundo sa dumaang ilang buwan na iyon ay hindi siya nawala sa isip ko. At kahit may bagong puso na sa katawan ko, hindi nabawasan at lalong hindi nagbago ang nararamdaman ko.

Ilang linggo at buwan pa ang dumaan bago ako kinausap ng doktor at payagan nang umuwi. Hindi ko maipaliwanag ang saya. Wala akong nasabi o nagawa kundi ang ngumiti na lang. Sa apat na buwan ko ro'n, wala akong pinagsisihan o kinainisan man lang sa pananatili. Bawat proseso ay pinahirapan ako, pero lahat ng taong naro'n ay walang ibang ginawa kundi ang tulungan ako. Para mabuhay nang mas matagal.

"Doctor," nakangiting pagtawag ko.

Natigilan ang doktor sa akmang pagpapaalam. Nakangiti siyang tumingin at tumango sa 'kin. Ngumiti rin ako at bahagyang umayos sa pagkakasandal ko sa kama. Handang-handa na kami sa pag-alis.

"Am I safely fit to fly?" tanong ko. "By plane, I mean."

"Of course." Ngumiti ang doktor. "Cabin environment poses very little threat. Besides, flying is not the problem, but the stability or instability underlying your condition that indicates the probability of a cardiac event occurring while you're in the air. Just stay hydrated and active as often as possible. Drink plenty of water, since planes increases the risk of dehydration due to its low humidity, Deib Lohr."

Nakangiti akong tumango. "And aside from that...I want to know who my donor is," kabadong sabi ko.

Kinakabahan lalo ako para sa kaba na narararamdaman ko dahil hindi na iyon normal para sa 'kin. Sa nagdaang mga linggo ay limitado ang emosyong nagagawa ko. Lahat ng trabahong ginagawa ng puso ko ay bantay-sarado.

Hindi nagawang sumagot ng doktor sa 'kin. Nilingon pa niya muna ang mga magulang ko bago muling tumingin sa 'kin. Pero hindi pa rin siya nakapagsalita.

"You told me that organ donors are always in short supply," patuloy ako.

"That is true," kaswal na sagot niya, nakangiti.

"I want to at least thank my donor's family."

Alam kong patay na kung sinuman ang nagmamay-ari ng bagong puso na ikinabit sa katawan ko. Sa puso't isip ko ay pinasalamatan ko na siya. Sa ngayon ay gusto kong malaman kung sino siya.

Nilingon ng doktor ang mga magulang ko, maging ang mga kasamahan nitong nurse at doktor. Halatang hindi niya malaman kung paanong ipaliliwanag ang laman ng kaniyang isip.

"I and my team cannot disclose any information, Deib Lohr, the donor requested it. We have to protect the donor's confidentiality. By U.S. law, we are required to keep the recipient and the donor information confidential."

Nangunot ang noo ko pero pinilit kong ngumiti saka ako tumango. "I understand." Tumayo ako para lumapit at makipagkamay. "Thank you for your hard work, everyone." Tiningnan kong isa-isa ang bawat doktor at nurse na nandoon. "Your extraordinary patience and team work is the secret to my recovery. Thank you from the bottom of my new heart." Nagtawanan sila. Isa-isa kong kinamayan at pinasalamatan ang lahat.

Mas matagal na nakipagpasalamatan ang mga magulang ko. Tumayo ako at nakangiting naglakad papalabas sa veranda. Nakapikit kong inilahad ang pareho kong braso para salubungin ang hangin at sinag ng araw. Napakasarap ng pakiramdam. Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling naramdaman iyon.

"Are you happy, son?" narinig ko ang tinig ni daddy mayamaya

Nanatili ako sa gano'ng posisyon saka ako tumayo. "I can't contain my happiness," humalakhak ako saka nagmulat at nasilaw.

"We are also happy," garalgal ang tinig ni daddy. Nilingon ko siya saka nginitian. Tinapik niya ang balikat ko. "Let's go home."

Tahimik ako sa byahe pabalik sa hotel. Habang si mommy ay hindi mahinto ang bibig sa kakukuwento. May mga sandaling natatawa ako, karamihan sa sinasabi niya ay hindi ko na maintindihan. Nagsisimula si mommy sa isang topic at sa dami ng side comments niya ay nauuwi iyon sa ibang topic na.

Alam kong masaya lang siya sa naging resulta ng operasyon ko. Kahit nakapikit ay dinig na dinig ko nang sabihin ng doktor na maganda ang reaksyon ng bagong puso sa 'kin. Narinig ko maging ang pag-iyak ni mommy nang sabihin ng isa pang doktor kung gaano kadalang na mangyari ang ganitong sitwasyon. Maging ang paulit-ulit na pasasalamat ni daddy ay hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Kaya hindi ko sila masisi kung bakit ganito na lang sila kasaya. Si daddy ang tanging nakikinig nang ayos kay mommy. Kahit na alam niya ang lahat ng nangyari sa 'kin ay pinakinggan niya si mommy na para bang wala siya ro'n. Hindi niya hinayaan na mag-isang tumawa si mommy. Masaya silang nagkwentuhan.

"Magpapahinga tayo ng ilang araw pa dito, Deib Lohr," ani daddy nang makarating kami sa hotel. Isa-isa niyang ibinaba ang mga maleta namin, pagod na pagod. "After two or three days we'll go back to the Philippines." Nginitian niya ako.

"So...what do you want to do tomorrow?" masayang ani mommy, excited.

Napabuntong-hininga ako saka naupo sa kama. Deretso ko silang tiningnan. "I want you to get me a flight to Korea."

Nabigla silang pareho sa sinabi ko, gulat na napatitig sa 'kin. "Anak," dali-daling napalapit sa 'kin si mommy. "Ano ang gagawin mo sa Korea?"

Nangunot ang noo ko. "Alam mo naman, mommy, 'wag mo nang itanong."

Napapalunok na tumingin si mommy sa 'kin bago nilingon si daddy. Nakita ko siyang bumuntong-hininga, nag-iwas ako ng tingin.

Buo na ang desisyon ko. Wala sa plano kong umuwi ng Pilipinas. Dahil nang oras na magdesisyon akong magpaopera, iyon na ang nakatanim sa utak ko. Kapag natapos ang operasyon, matagumpay man iyon o hindi, pupunta ako ng Korea para hanapin si Taguro.

"Yes," biglang nagsalita si daddy matapos ang sandaling katahimikan. Agad akong napalingon sa kaniya. "Of course, you're going to Korea."

Matagal akong napatitig sa kaniya bago ako ngumiti. "You're the best dad."

Alam kong hindi sang-ayon si mommy. Hindi kailanman nabawasan ang pag-aalala niya sa 'kin. Kahit anong lagay ko, nag-aalala siya at naiintindihan ko iyon. Pero sa sandaling ito, gusto kong masunod ako. Gusto kong puntahan si Taguro.

Nang araw rin na iyon ay tinulungan ako nina mommy't daddy na mag-ayos ng gamit ko. Syempre, hindi nahinto ang bibig ni mommy sa dami ng paalala. Sumubok pa siyang magpumilit na sumama, pero hindi ako pumayag. Maging si daddy ay pinigilan na siya at sinabing hayaan na lang muna ako. Nang magtampo si mommy ay nagbiro si daddy na kailangan nila ng oras para sa isa't isa. Gusto kong matawa dahil nagpadala naman si mommy, uto-uto talaga. Si daddy na rin ang umasikaso sa ticket ko. Bukas ng hapon ang flight ko. Kinabukasan ng tanghali ang dating ko sa Seoul, South Korea.

"Seryoso ka, 'dre?" reaksyon ni Tob nang sabihin ko ang plano ko. "Anak ng tokwa, hindi ka pa yata nakaka-recover sa operasyon mo, eh! Ayos ka lang? Psh!"

"Ayos na ayos na ako, Tob. Saka ito talaga ang plano ko. Pupuntahan ko siya. Kailangan ko ng paliwanag, Tob. Hindi ako matatahimik, 'dre."

"Paano ka pagkarating do'n?"

"Anong paano?"

"Alam mo ba kung saan pupuntahan si Taguro?"

"Hindi."

"Paano ka nga, kung gano'n?"

"Tatawagan ko ang pamilya niya. Madali na 'yon."

"Alam ba nilang darating ka?"

"Hindi, walang may ideya sa kanila. Ako lang ang may alam sa plano ko. Kahit sina mommy ay nagulat nang magsabi ako. Pero dahil pumayag agad si daddy ay wala nang nagawa si mommy."

"Tsk." Wala na siyang masabi, wala na rin kasi siyang magagawa. Masyado siyang malayo para pigilan ko. "Magpaalam ka kay Lee!"

Natawa ako. "Bakit pa?"

"Superman is always on the run, 'dre. Siya ang unang sasaklolo sa 'yo."

"Loko." Tumawa ako.

"Seryoso, 'dre, magpaalam ka pa rin kay Lee. Para hindi naman siya mabigla kung bigla ko siyang yayaing mag-Korea."

"Hindi niyo naman kailangang sumunod do'n, 'dre. I can take care of myself."

"Basta, mag-ingat ka. Balitaan mo kami, okay?"

"Makakaasa ka, Tobi Yanai, hehe."

"I love you, 'dre."

"Nakakadiri ka, loko!"

"And I miss you, 'dre, seriously. I miss every inch of you."

"Ulol!" Natawa ako nang matindi.

"When can I see you again, 'dre?"

"Tumahimik ka na nga, Hapon! Ibababa ko na, magpapahinga na ako."

"Sige, 'dre. Good luck!"

"Salamat. Bye." Napangiti ako nang ibaba ko ang linya. Iba pa rin talaga ang tawa ko kapag si Tob ang nagbiro. Napapailing kong inilapag ang cellphone saka ako nahiga.

Nag-text ako kay Lee at sinabi ang plano ko. Hindi na ako nag-abalang tumawag. Dahil sa bibig ni Tob, paniguradong mag-aagawan ang linya naming tatlo. Siguradong mauunahan niya ako sa pagtawag kay Lee para magbalita.

Nakangiti akong pumikit. Pero agad din iyong nawala nang maisip ko kung ano ang mangyayari sa 'kin pagkarating sa Korea. Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Pero malakas ang loob ko. At ang tanging pinanghahawakan ko ay ang katotohanang makikita ko na si Taguro. Hindi ako nakatulog agad, at hindi ko rin nagawang makatulog nang ayos. Para akong nakalutang.

"Anak, 'wag mong kalilimutan ang mga gamot, ha?" Mula sa paggising ko hanggang sa maihatid ako sa airport ay hindi nagbabago ang linya ni mommy. Ilang beses na akong umoo pero hindi siya nagsasawa sa kapapaalala. "Tatawagan kita maya't maya para ipaalala sa 'yo."

"Yes, mom," natatawa kong sabi. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi, inipit ko ang mukha niya at saka ko siya hinalikan sa labi. "I will never forget."

"Don't you ever dare make kalimot of my words, Deib Lohr!" nangangaral ang tinig niya.

"I will never ever make kalimot, mom," natawa lalo ako.

Nginusuhan niya ako nang may masamang tingin. "Call me once may maramdaman ka na something different and abnormal, okay?"

"I will, mommy."

Nakanguso siyang naglungkut-lungkutan. "And don't forget to take pictures, okay?"

"Sure," muli ko siyang hinalikan sa noo. "I love you, mom."

"I love you, too, baby. Take care, okay? And don't forget to enjoy."

Panay tango na lang ang sagot ko, natatawa ako sa dami nang sinasabi niya. Bumaling ako kay daddy at yumakap. "Thanks for everything, dad."

"I love you, son. Anything for you." Mahigpit ang yakap niya, hinalikan din ako sa sentido. "Be brave!"

"Braver!" mayabang kong sabi. "I'll go now." Kumaway ako at hinila na ang maleta ko.

Humugot ako nang malalim na hininga bago tuluyang pumasok.

Buong byahe ay gising ako. Nakatingin lang ako sa bintana. Ang musikang pinakikinggan ko ay hindi ko maintindihan, maging ang pinanonood ko ay hindi ko natagalang tutukan. Panay ang pag-iisip ko kay Taguro.

Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon namin kapag nakita ang isa't isa. May ilang buwan na mula nang huli kaming magkita. Iniisip ko kung ano ang mararamdaman ko kapag nagpaliwanag na siya. Iniisip ko kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang maayos na ang katawan ko. Iniisip ko kung sasama ba siya sa 'king bumalik sa Pilipinas. Iniisip ko kung ano ang mangyayari, at inubos no'n ang oras ko.

"Ladies and gentlemen, we're now preparing to land approaching Seoul, South Korea, where the local time is 11:00 in the morning. At this stage you should be in your seat with your seatbelt firmly, fastened." Natinag ako nang mag-anunsyo ang attendant.

Hindi ko man lang yata naramdaman ang byahe, bagaman gano'n na lang ang pamamanhid ng puwet ko sa pagkakaupo. Tinanaw ko agad ang labas ng bintana para lang mamangha.

Gusto kong matawa sa sarili ko. Nang sandaling tumapak ako sa lupa ay mukha agad ni Taguro ang hinanap ko. Na para bang makikita ko siyang palakad-lakad doon. Ganoon ako kadesperadong makita siya sa oras na 'to.

You broke me into a lot of pieces, Maxpein, and yet I am willing to give you every part of me.

Nilanghap ko ang malamig na samyo ng hangin ng Korea. Hindi ko pa siya kasama ay nararamdaman ko na siya. Sa sandaling iyon ay naisip kong iisa kami ng hanging sinisinghap ni Taguro. Iisa kami ng lupang tinatapakan. Iisa kami ng bansang kinaroroonan.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na five star hotel. Agad kong tinawagan sina mommy't daddy para ipaalam na nakarating na ako. Tuwang-tuwa sila, panay pa rin ang paalala. Pero hindi ko na pinahaba pa ang usapan.

Matapos magpahinga ay bumaba ako at dumeretso sa restaurant. Matagal bago ako nakapili ng kakainin, may mga ipinagbabawal pa kasing pagkain sa akin.

Habang kumakain ay doon ko tinawagan si Maximor.

Nakakapanghina ang kabog sa dibdib ko. Kinakain ako ng hindi maipaliwanag na kaba habang nagri-ring ang linya niya. Gusto ko nang ibaba ang tawag para lang mahinto ang kaba pero kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong sabihin na nandito ako sa Korea at gusto kong makita ang anak niya.

Pero hindi agad iyong sinagot ni More. Tatlong beses akong sumubok bago nakapasok sa linya niya.

"Yoboseyo?" may halong pagtataka sa tinig niya.

"More..." Iyon ang tanging nasabi ko. Dahil ang matinding kaba na nararamdaman ko kanina ay mas dumoble pa!

Napapikit ako at pinakalma ang sarili. Hindi makabubuti sa akin ang gano'ng pakiramdam. Wala pa man ay nakakalimutan ko na yata ang mga paalala ni mommy. Agad akong huminga nang malalim at dahan-dahan iyong pinakawalan. Kailangan kong kumalma.

"Yoboseyo?" pag-uulit niya nang hindi ako magsalita, may iritasyon na sa tono. "Nuguseyo?" pagtatanong niya kung sino ako.

"It's me," nautal ako. "Deib Lohr."

Hindi agad siya nakapagsalita. Ilang saglit natahimik ang linya niya. Naisip kong nagulat siya, natural iyon. At dahil isa siyang Moon ay posibleng alam niya nang nasa Korea ako ngayon. Dahil sa numero ko, at dahil sa angkin niyang talino.

"Deib Lohr?" mayamaya'y aniya. "Napatawag ka?"

"Nandito ako sa Korea," kabadong sabi ko.

"Yeah." Tumikhim siya.

Napabuntong-hininga ako. Iyon lang ang masasabi niya? Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko. "I'm in Seoul right now."

"What are you doing there?" kaswal niyang tanong.

Mul akong humugot nang malalim na hininga. Kinabahan ako sa tanong niya. Pakiramdam ko ay hindi magandang ideya para sa kaniya na nandito ako. Pakiramdam ko ay ayaw niyang pumunta ako dito.

"Because I want to see Maxpein, I want to talk to her, tito." Hindi ko na nagawang kainin ang pagkain sa harap ko. Nawalan na yata ako ng gana samantalang kanina ay matunog ang tiyan ko sa gutom. "I need to talk to her. May usapan kaming babalik siya, pero hindi siya dumating. Please, tito, I want to see your daughter. I need to see her."

"Wala kami sa Seoul, Deib Lohr. Hindi kami diyan nakatira."

Natigilan ako at nalito. Sandali kong inalala na wala nga palang nabanggit sa 'kin si Taguro kung saan sila mismo sa Korea nakatira.

Napalunok ako. "Where exactly in Korea do you live, then? I will go there."

"We live in north, Deib Lohr." Matagal bago siya nakasagot. Natigilan ako nang husto. "North Korea."

North Korea... Hindi ko nagawang makapagsalita. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon lang ang sinabi niya pero muli akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Iyong kaba na nararamdaman ko sa t'wing may malalaman akong kakaiba sa pagkatao nila.

~ To Be Continued. . . ~

Continue Reading

You'll Also Like

119M 4.2M 148
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
103K 1.8K 24
[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite some time, at idinadaan ng binata sa pa...