A short update. =)
Prompt from @damianna1010 and @joshin77 on Twitter.
********
June 14, 9:00 am:
M sees the notification on her phone, R sent him a private message on SnapChat.
M: *sees that it's a reply to her recent post*
R: Good morning, Love. Is this my official invitation to move in?
M: What? No! Good morning pala, Love.
R: Maka-No naman. Nahihiya ka ba? Wag ka na mahiya, Love. Nage-empake na ako.
M: 😂😂😂 Natawa ako sa joke mo, Love.
R: Anong joke?
M: Na nag-eempake ka na?
R: Hindi yun joke noh.
M: Anong? Joke yun wag mo sabihing seryoso ka.
R: *sends video clip of him packing his clothes in a luggage* Seryoso. Hindi Joke.
M: Huy, Love. Anong ginagawa mo?
R: Nag-eempake nga di ba? Paulit-ulit, Love. Basta hintayin mo ako, Love. Mga 30 minutes tapos na ako dito.
M: Huy Love naman eh. Wag kang padalos-dalos dyan. Hindi nga yun ang ibig sabihin nung snap ko. I was saying "Pack Up" in gay lingo.
R: Kahit ano pa ibig sabihin nun sa'yo, ang pagkaintindi ko, invitation to live together na yun kaya eto na ako. Wala namang masama, ikakasal din naman tayo. Ganoon din yun, advance lang natin.
M: Ikaw ha? Ikaw nga yung conservative sa ating dalawa tapos ganyan ka.
R: Bakit? Pwede namang live together pero parang boarder nyo lang ako. Dun ako sa extra room.
M: As if naman mapapalagpas yun ng mga tao na ganoon lang atsaka nagpaalam ka na ba kay Tatay?
R: Hindi pa pero alam kong papayag sya kasi ikakasal naman na tayo at dun nga lang ako sa isang room.
M: Hala. Feeling nito. Si Daddy? Okay lang ba? Kakabahan na naman yun.
R: Sa tweet nya ngayon, sa palagay ko handang-handa na si Daddy. Di na yun kakabahan.
M: Hala siya. Desidido nga ata sya.
R: Oo. Kilala mo ako, Love.
M: Love?
R: Ano yun?
M: Alam ko na mahal mo ako at alam mo din na sobrang mahal din kita. Maraming bagay tayo na gustong gawin ng magkasama lalo na ang magsimula ng buhay bilang mag-asawa pero alam ko na alam mo na may tamang panahon para doon. If that time comes alam ko din na hindi yun mangyayari dahil sa isang social media post.
M: Love?
M: Love? Andyan ka pa?
R: *sends an image of their photo from Tamang Panahon* Ang dami nating napagdaanan to get to that point. Naghintay tayo and it was worth it.
M: Yes, Love. It was more than that. It was magical.
R: *sends an image of his wallet with their picture together in Venice after his proposal* Mas madami tayong tahimik na pinaglaban para makarating dito. Nasaktan tayo. Nahirapan. Pero patuloy na lumaban at hindi sumuko. If I have to, I will do it all again as long as I have you and you hold my hand.
M: *eyes fill up with tears as she reads the message* I we have to, I will do it all again with you and I will hold your hand tight and never let go, Love.
R: Alam mo ang pangarap ko. Ang pangarap kong makasama ka sa araw-araw. *sends a picture of them together*
M: *tears flow from her eyes*
R: Ang pangarap kong gumising sa tabi mo sa bawat umaga. *sends an image of him just waking up*
M: *reads the message but is too overwhelmed to respond*
R: Ang pangarap kong ikaw ang huli kong makita sa bawat pagpikit ng mata ko sa gabi. *sends an image of them sleeping*
M: *sobs, wipes her tears to read the message*
R: Ang pangarap kong ikasal sa'yo at mag-umpisa ng ating buhay bilang mag-asawa. Masaya, malungkot, mahirap o maginhawa... Kahit ano pa... Basta tayong dalawa ang magkasama. *sends a picture of them in wedding costumes*
M: *smiles with her tears*
R: Ang pangarap kong bumuo tayo ng pamilya at palakihin ng maayos ang ating mga anak. *sends a picture of them with Matti*
M: *giggles despite her tears*
R: At ang pangarap ko na tumanda tayo ng magkasama at magkahawak pa din ang mga kamay hanggang sa huli nating hininga. *sends a picture of an old married couple, sets his phone down, buries his face in his hands and starts crying*
M: *breaks down and cries her heart out, overwhelmed by the love R has just shown her, types a message* Pangarap ko din yun, Love. Lahat yun. Pangarap ko din yun na kasama ka. Naniniwala ako na matutupad natin yung lahat dahil Ikaw at Ako, magkasama tayo, walang iwanan, walang bitawan, walang baguhan at sa habang buhay magmamahalan. I love you. I love you very much, Love.
R: I love you more and more and more, Love. I will never grow tired of telling you and making you feel that this is true. Alam ko na matutupad natin lahat ng mga pangarap natin sa tamang panahon. We don't need to rush because God has planned all things for us in His own time and God's time is the perfect time. I have waited and I will keep waiting faithfully.
M: I will wait with you, Love. Isa lang ang di ko na mahintay.
R: Ano yun, Love?
M: Yung breakfast at good morning kiss ko. Anong petsa na? Bakit wala pa dito?
R: Halaaaaaah... Sorry, Love. Eto na. *jumps up, grabs his stuff and runs to the car* On the way na po.
M: *laugh emoji* Ingat, Love. See you. I love you.
R: See you later, Love. I love you more. *sends chat and drives off with a big joyful smile on his face*
❤🏡❤💑❤👫❤
********
Photo credits to original owners
Video uploaded from YouTube