I'd Rather

Bởi youngkyongji

152K 3.3K 165

Ayaw man ni Abraham ay pumunta siya sa bulubundukin ng Abra upang hanapin ang naglayas niyang kapatid. Sa pag... Xem Thêm

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 35

2.8K 67 5
Bởi youngkyongji

"Kuya, she's going to be okay. Kumalma ka nga."

"Paano ako kakalma, e, dalawang oras na siyang tulog!"

Nagising ako ng makarinig ng ingay sa paligid. Malabo ang paningin ko at hindi ko maintindihan ng maayos ang sinasabi noong nagsasalita. Sinubukan kong iangat ang ulo ngunit mabilis rin na dumaloy ang kirot sa balikat ko.

"Lena? Jesus!" humahangos na lumapit saakin si Abraham. Inalalayan niya akong humiga ng maayos.

"Nasaan ako?" napapikit ako at tinakpan ang ilong. Naduduwal ako at biglang nahilo sa amoy ng ospital.

"You're at the hospital. You want water?" tumango ako. Kinuhanan niya ako ng tubig. Uminom ako ngunit konti lang.

Nang ibigay ko sa kanya ang baso ay nahagip ng paningin ko si Hilary. Umiindayog ang silky niyang buhok papalapit sa akin.

"Hi," bati niya at ngumiti. Hindi kaagad ako nakasagot. Kumurap ako ng maraming beses.

"Hi," napadaing ako ng bigla niya akong yakapin. Parang linalagari ang balikat ko sa sakit ng magtama ang balikat namin.

"Naku! I'm sorry! I'm sorry!" hysterical siyang lumayo.

"Hilary…" pagbabanta ni Abraham. Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

"You okay, love?"

"Me-medyo." umiwas ako ng tingin.

Pansin ko sa gilid ng aking mata ang mapanuring paninitig saamin ni Hilary. Nakangiti siya at itataas ang dalawang kilay. Inayos ko ang buhok.

"Ano ba ng nangyari, Lena? Napaaway ka?" muling anas ni Hilary.

Nag palipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Nangilid nanaman ang luha sa mata ko ng maalala ang nangyari. Kung paano ako sinabutan, sinampal, tinadyakan at tinulak ni Alexis. Wala akong maisip na dahilan para gawin niya saakin ang bagay na 'yon.

"Bigla akong sinugod ni Alexis. Hindi ko alam kung bakit. Naglalaba lang ako."

"Sinong Alexis?" si Abraham.

"Ka boarder ko. Sabi niya nilalandi ko raw si Jake."

"Jake?"

"Ka boarder ko rin."

Pumikit ng mariin si Abraham. Pinagekis ang kamay sa dibdib at tumahimik. Yumuko ako at linaro ang daliri. Hindi ko alam ang gagawin kapag hindi dumating si Abraham. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyaring ito kila Mama.

"Nilalandi? In what way?" si Hilary.

"Tinulungan niya lang ako sa ginagawa."

"Girlfriend niya ba si Alexis?" nagkibit ako ng balikat.

"Hindi ko alam." pinisil ko ang ilong upang huwag mapaluha.

Ngayon lang ako napuruhan ng ganito. Sobrang sakit ng bewang at balikat ko na parang konting galaw lang ay mababali na ang mga buto ko. At ang anit ko. Para akong sinabunutan ng sandamakmak na buhok.

"Sabi ng doctor namaga daw ang balikat mo. Maybe tumama sa bakal o kahit na anong matigas na bagay. Malapit na daw na dali ang buto mo but thank God at hindi. Muscle pain lang daw 'yan kaya masakit. Madaming tinanong ang doctor pero wala naman kaming masabi dahil hindi namin alam ang nangyari." paliwanag ni Hilary.

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat sa diyos at hindi nabali ang buto ko. Kung nagkataon ay mamromroblema pa kami sa gastusin, sa pagpapagamot at higit sa lahat sila Mama. Ayokong mag alala sila saakin.

"What happened, love? Pagdating ko akay akay ka na nila." si Abraham. Hindi kaagad ako nakasagot. Na didistract ako sa pagtawag niya ng love.

"Sinabunutan ako ni Alexis. Pumaibabaw siya saakin at sinampal. Tinadyakan niya ang bewang ko at tinulak. Tumama ang balikat ko sa pader."

Tumahimik ang paligid sa paliwanag ko. Para bang inaabsorb parin ni Abraham ang sinabi ko sa utak niya. Kumuyom ang kamao niya at nagtatagis ang panga. Tiim ang bagang niya.

"Paano na 'yan? Sabi ng doktor ay kailangan mo raw ipahinga 'yan. Bawal pwersahin ang balikat mo at baka lumala." hindi ako nakasagot sa sinabi ni Hilary.

Pinigilan ko ang pagtulo ng aking luha. Paano na ang pag-aaral ko? Paano ako gagalaw ng maayos kung baldado ang kanang balikat ko? Paano ako mag iigib ng panligo ko? Ayoko namang umuwi sa Abra dahil ayokong problemahin pa ito ng mga magulang ko.

"Hindi ko alam." Napahikbi ako.

Puno ng simpatya ang mukha ni Hilary. Linapitan niya ako at hinawj ang buhok ko.

"Huwag ka ng mag-alala. Si Kuya bahala sa'yo."

Sasagot pa sana ako ngunit dumating ang doktor. Madami siyang tinanong saakin. Kung anong nangyari at ano ang nararamdaman ko. Sinabi kong masakit ang balikat ko at ang bewang ko. Nasa likuran ko lang si Hilary at inaalalayan ako.

Si Abraham ay nasa sofa. Nakaekis ang kamay sa dibdib at nakayuko. Pakiramdam ko ay nagpipigil siya ng galit sa pagsusumbong kanina. Gusto ko siyang lapitan at kausapin ngunit natatakot ako dahil baka pagbuntungan niya ako ng galit.

Pinauwi rin naman ako kaagad ng doktor. Binilinan niya ako ng dapat gagawin. Hinigpitan nila ang bandage sa balikat ko at rinesetahan ng gamot. Tahimik si Abraham habang nag mamaneho. Hindi na namin kasama si Hilary at nauna ng umalis kanina dahil umiiyak na raw ang anak niya.

Nang makarating sa tapat ng boarding house ay inalalayan niya akong bumaba. Tahimik parin siya at hindi ako matignan ng maayos. Ang kamao niya ay nakakuyom parin. Mas kibakabahan ako sa kanya kaysa sa nangyari saakin.

"Lena! Diyos ko… kamusta ka?" salubong ni Aling Rosas. Lalapitan na sana niya ako ngunit hinarang ni Abraham ang katawan.

"Be careful." napatigil si Aling Rosas at napaatras. Ako mismo ay gulat sa lamig at tapang ng boses niya.

"Abraham… a-ayos lang." tinignan niya ako. Kumunot ang noo niya ngunit sinunod naman ang sinabi ko.
"Lena…" yinakap ako ni Aling Rosas. Humigpit ang hawak ni Abraham sa kamay ko. "Kamusta ka? Pasensya na sa tinuran ni Alexis."

"Maayos na po. Medyo masakit pa ang balikat ko."

"You're the landlady?" napatingin ako kay Abraham.

"Opo Sir."

"Alam mo ba kung ano ang ginawa nila kay Lena? Gusto mo bang ipagiba ko ang gusali mo?" kinurot ko ang braso niya. Sinsabi ko na nga ba at tama ang hinala ko! Kaya pala ang tahitahimik niya dahil may binabalak siya.

"Abraham! Hindi mo 'yan gagawin!"

"What would you like me to do? Hayaan ko ang behavior nilang ganoon? Paano kung ulitin nila? Atsaka hindi ligtas ang gusali nila. Kulang kulang sa materyales at hindi matibay ang pagkakagawa!" nasapo ko ang noo. Imbes na mag pahinga ay pinapalala pa niya ang sitwasyon.

"Sir… tatlong taon na po ang gusaling ito at maayos po ang pagpapatayo at pamamalakad namin."

"I'm an engineer. Hindi ako magsasayang ng limang taon sa pag-aaral-"

"Abraham!" napahinto siya sa pagsasalita. Sa inis ay sinuntok ko ang dibdib niya gamit ang kaliwa kong kamay. Napasinghap sila sa ginawa ko ngunit hindi man lang dumaing si Abraham.

"Tama na! Pwede? Makakalis ka na."

"What? Lena… are you out of your mind? You think I'll let you stay here? Hell no!" ginulo niya ang buhok at nagmura. Tinalikuran ko siya at hinarap si Aling Rosas.

Ang kanyang mata ay namumula na at nangilid ang luha. Nag panic ako.

"Aling Rosas pasensya na po kayo sa kanya. Hindi niya po ito ipapagiba. Ako na pong bahala."

"Pasensya ka na talaga, iha. Naiintindihan ko naman na ikaw ang naaggrabyado. Pero sana naman ay huwag ng palakihin pa ang nangyari. Kinausap ko na si Alexis. Hindi na raw mauulit." tumango ako.

"Naiintidihan ko po. Pasensya narin sa tinuran ng kaibigan ko." tumingin ako kay Abraham. Umiwas siya at binulsa ang kamay.

"Abraham… anong sasabihin mo? hindi siya sumagot.

"Abraham-"

"Fine! I'm sorry. I got carried away. Kaligtasan mo na ang pinag-uusapan. Damn it!"

Nakahinga ako ng maluwag. Muli akong tumingin kay Aling Rosas. Nahagip ng paningin ko si Alexis sa likuran niya. Nanlaki ang mata niya at tumakbo paalis. Napailing na lang ako at nagpaalam kay Aling Rosas na magpapahinga na ako.

Sumunod saakin si Abraham. Ang mga nasa canteen ay tumitingin sa kanya. Paano kasi at salubong nanaman ang kilay niya at mukhang mananapak. Nang makarating sa kwarto ko ay pinanood ko lamang siya habang nagmumura.

Tumikhim ako upang makuha ag atensyon niya.

"Salamat nga pala." tumigil siya sa paglalakad at umupo sa tabi ko.

"Are you really okay, love?" kinagat ko ang ibabang labi. Ba't ba niya ako tinatawag na love?

"Oo ayos na ako." tumayo ako at kinuha ang telepono ko.

Sumasabog na ang inbox ko sa dami ng mensahe mula kay Jules at Justine. Hinilot ko ang sintido. Paano na ito? Hindi ako makakapasok sa klase.

Rineplyn ko ang text nila. Sinabi ko ang nangyari. Mabilis naman silang nagreply at sinabing papunta na sila dito. Bigla tuloy akong nataranta dahil nandito pa si Abraham.

"Abraham… uhm, salamat talaga ah? May gagawin ka pa ba? Uhm… baka busy ka. Makakaalis ka na. Ayos na ako." pinanliitan niya ako ng mata. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa tabi niya.

Napasinghap ako ng magtama ang tuhod namin. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay amoy na amoy ko na ang hininga niya.

"Papaalisin mo ako matapos ang pagmamagandang loob ko?"

"Uhm… hindi naman sa ganoon-"

"I'll stay here." nanlaki ang mata ko.

"Huh?"

"Walang mag-aalaga sa'yo. I'll be your nurse for the meantime." nalglag ang panga ko. Sasagot pa sana ako ngunit may biglang kumatok.

Tumikhim ako at tumayo. Binuksan ko ang pintuan. Sumalubong saakin si Jules at Justine.

"Lena! Oh my God! Pinag-uusapan ka sa baba. Anong nangyari?" si Jules.

"Oh my God!" si Justine. Nag panic ako ng mapansin nila si Abraham sa kama. Kunot ang noo niyang pinapanood kami. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Uh… si Abraham, old friend." tumayo si Abraham at pumwesto sa tabi ko. Nanlamig ako sa kinatatayuan ng akbayan niya ako.

"Abraham… please to meet you, girls."

"I'm Jules!"

"Ako naman si Justine."

Naibagsak ko ang balikat. Bilib din naman ako sa dalawang ito. Nakakita lang ng gwapo kinalimutan na ako. Tumikhim ako at hinila ang dalawa. Medyo kumirot ang balikat ko ngunit hindi ko pinahalata sa dalawa. Bumalik si Abraham sa kama ko.

"Boyfriend mo?!" anas ni Jules na makaupo sa monobloc.

"Hindi! Saka ko na ikwekwento. Kailangan niyo akong tulungan."

"Ano bang nangyari? Nag aalala sa'yo si Adam! Kanina pa kami tinatanong, gusto ngang sumama e kaso busy sa thesis." nanliit ang mata kong tumingin kay Justine.

Apat na buwan ko pa lang silang nakikilala ngunit kabisado ko na sila. Ang ngisi nila at tinginan. Sinasabi ko na nga ba at may binabalak ang dalawang ito. Sinadya nilang isali sa usapan si Adam. Ng tumingin ako kay Abraham ay mariin siyang nakikinig saamin.

Kwinento ko sa kanila ang nagyari. Ang pagtulong saakin ni Jake at ang pagsugod ni Alexis. Nag ngingitngit ang dalawa sa galit at mariing nakikinig saakin.

"Kaya ka sinugod ni Alexis dahil ex niya si Jake!"

"Wala naman kaming ibang ginagawa ni Jake. Tinulungan niya lang ako." pangangatwiran ko.

"Eh malakas ang sapi ng kademonyohan ni Alexis. At saka naiinggit iyon sa'yo." si Jules.

"Wala naman siyang dapat na ikainggit saakin."

"Anong wala? Tignan mo nga sarili mo sa salamin. Ang ganda ganda mo. Napakabait. Madaming kaibigan at nagmamahal sa'yo."

"Tama!" pag sang ayon ni Justine. "Isa na iyong lalaking iyon."

Sabay sabay kaming tumingin kay Abraham. Nakaharap siya sa bintana ay may kausap sa telepono. Bigla tuloy akong naawa sa kanya. I mean… naapreciate ko talaga ang ginawa nila ni Hilary kanina. Talagang sinamahan pa niya ako dito. Nasuntok ko pa siya at nasigawan.

Anong magagawa ko eh 'yon na lang ang tanging paraan para maawat ko siya kanina. Atsaka hindi por que't masama ang kalagayan ko ay sasamantalahin nanaman niya ang pagkakataong ito upang makalapit saakin.

Nangako ako sa sarili na hindi na ako gagawa ng bagay na ikakagalit ng mga magulang ko. Ayokong madisappoint nanaman sila saakin.

"Oh siya sige! Kami na ang bahala sa mga instructor mo, sasabihin namin sa kanila ang nangyari." anas ni Jules ng ihatid ko sila sa pintuan.

"Salamat ah? Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag wala kayo."

"Para saan pa ang pagkakaibigan natin? Atsaka, tetext mo kami kapag may problema ah? Busy kami ngayon dahil sa thesis. Pero hindi bale at puputahan ka namin kapag nakaluwag sa oras."

Tinanguan ko ang dalawa. Pinanood ko ang pag-alis nila. Bumalik ako sa loob. Nadatnan ko si Abraham na may kausap parin sa telepono.

"Okay. Tetext ko sa'yo ang address. I don't know when, Hilary. Bye." tinapos niya ang tawag. Linapitan niya ako at hinawi ang buhok.

"New found friends?" tumango ako at ngumiti ng pilit.

"Iyong sinabi mo nga pala kanina… uhm, talagang matutulog ka dito?"

"Yeah… something's wrong, love?" kinilabutan ako. Iyan nanaman ang love love love niya.

"Abraham kasi… hindi parin nagbabago ang isip ko. Thank you sa pagtulong at effort. Pero… please lang ayoko na ng ano mang ugnayan sa'yo. Ayos lang ako. Kaya ko ang sarili."

Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Nanatili kaming nakatayo kaharap ang isa't isa ngunit nanatili akong nakayuko. Ayokong makita ang reaksyon niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. At higit sa lahat ayokong kainin ako ng awa at konsensya.

"Ang gusto ko lang naman ay maging maayos ka."

"Abraham, ayos lang ako. Apat na buwan na ako dito."

"Then let me stay beside you." nag angat ko ng tingin. Halos mawasak ang puso ko ng makita ang lungkot at pagsisisi sa mata niya.

"Just let me stay until you're okay. Please… love? Just let me stay for awhile. After that… lalayo na ako. Hindi na kita guguluhin. Rerespetuhin ko ang desisyon mo. Just let me cherish this moment… please, love… please?"

Napapikit ako ng mariin. Tumagos sa puso ko ang pagsusumamo niya. Ang lambing at kalugkutan sa boses niya. Parang isa itong musika. Na bawat nota ay kuha niya at pati puso at utak ko ay sinama niya sa bawat bigkas ng labi niya.

Hinalikan niya ang noo ko at hinaplos ang buhok ko ng hindi ako sumagot.

"I miss you, I miss you so much… sweetlove." inangat niya ang baba ko upang matignan ang mukha ko.

"Ba't mo ako tinatawag na love at sweetlove?" nagpigil siya ng ngiti. Kinulong niya ako sa braso niya. Ingat na ingat siya sa pag yakap saakin at baka matamaan niya ang balikat ko.

"You don't like it?" umiling ako.

"Ang sagwa kaya." tumawa siya. Hindi ko rin naman mapigil ang mapangiti.

"Since when did you learn that word?"

"Kahapon lang. Simula noong makita ko ang tattoo mo at tawagin mo akong love."

"It should be sweet not sagwa because I'm making an effort." ngumuso ako.

"Kanya kanyang description." humagaplak siya ng tawa.

"Fuck… I really miss you, Lena. My sweetlove." hinampas ko ang balikat niya.

"Ang sagwa!"

"Get used to it, love. From now on… I'll call you love."

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
345K 5.5K 22
(Completed & Unedited) Miguel Tudao a hot damn professor! She fall inlove with him for the first time. How Kimberlyn Lyndon seduce this hot one? Find...
12.9K 1.1K 22
Two people bound by their unusual past. One wants to go back. The other has no idea. Until their love finds its own way to each other. (The setting i...
Chased (BS#4) Bởi June Arden

Tiểu Thuyết Chung

63.7K 1.8K 40
You only have to be mine. That's all you have to do. You only have to let me own you in the most proper way. BS#4