She's Miss Perfect ( GirlxGir...

By QueenDarkrose

381K 6.6K 188

Anong gagawin mo kung nainlove ka sa isang babae na maganda, matalino, malinis, At higit sa lahat ay mayaman... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47 (A)
Chapter 47 (B)
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56 ( ending )
AUTHOR'S NOTE

Chapter 34

5.2K 102 0
By QueenDarkrose

Haii guyss sorry ngayon lang ang update na hospital kasi ako T_T. Sana basahin nio padin ang story ko. Salamat!! ^__^.

- - - - - - - - - - - - - -

Erin's POV

"Eto magbaon kayo ng maiinom." Inabot sakin ni mama ang tatlong bottled water at nilagay ko sa backpack ko.

Pupunta kasi kami sa palayan at pupuntahan namin sina lolo.

"Mag iingat kayo." Si ate kath.

"Opo." Sagot ko.

Lumabas na kami ng bahay.  Kaming tatlo lang ni Mara at Erika ang pupunta kina lolo.

"Anong sasakyan natin pamsy?" Si Mara. Naka cross arms siya.

Naka shorts lang siya ngayon at naka white na tshirt.

Parang model ang dating niya talaga kaya nga mas lalo akong natotomboy sa kanya >_<. Habang tumatagal na nakakasama ko siya mas lalo akong naiinlove sa babaeng to.

Sabi ko sa kanya mag pantalon siya kaso mainit daw. Bwhaha tignan natin kung makakatagal ito sa bukid mamaya.

"Mag jeep nalang tayo."

"Gamitin ko nalang ang car ko."

"Nako ate Mara. Maputik po doon." Si Erika na nakahawak sa kamay ko.

"Ikaw kasi eh. Sumama sama kapa." Inis kong sabi sa kanya.

Inirapan niya ko bigla! Ang arte talaga ng babaeng to!!

"Wag na po kayong mag away. Ayan na ung jeep oh." Tinuro ni Erika ang jeep na paparating at pinara kona ito. Tumigil na ang jeep.

"Ano? Tara na." Pag aya ko kay Mara.

"Uhm K!" Sasama din pala ang dami niyang arte.

Sumakay na kami sa jeep. Kasyang kasya lang kami. Pero para kaming sardinas sa sikip. Nakakandong nalang si Erika sakin at si Mara naman ay katabi ko. Nasa bandang gitna kami.

"Ang sikip!" Sigaw ni Mara. Napatingin ang mga pasahero sa kanya. Hala mapapa away kami sa ka artehan neto e. Halatang hindi sanay mag jeep.

"Ahm eh m-masikip ang damit n-niya." Pinanlakihan ko siya ng mata. At inirapan nanaman ako.

Kinuha ko na ang pitaka ko at kumuha ng pamasahe.

"Bayad ho." Inabot kona ang bayad namin.

"Puro ka reklamo." Pabulong na sabi ko kay Mara.

"Eh. Bakit ba. Totoo naman eh ang sikip tapos ang baho pa ng katabi ko." Inis na sabi ni Mara sakin..

"Hayaan mo nalang okay?" Ngumiti ako sa kanya. At hinawakan ko ang kanyang isang kamay. Magkaholding hands kami sa jeep. Syeteee kinikilig ako. Ramdam ko ang pag init ng aking pisngi.

At mukhang nag work naman ang paglalambing ko sa kanya kaya nawala na ang inis niya sa mukha.

"Nahihirapan kaba? Ako na muna kakandong kay Erika." Mahinang sabi ni Mara.

Medyo malayo kasi ang bahay nina Lolo kara medyo nangangalay nadin ang legs ko.

Pero nakakahiya naman kung ipapakandong ko si Erika.

"Hindi. Okay lang ako."

Kita ko sa mukha niya na parang hindi naniwala na okay ako.

Kaya binuhat niya si Erika at inilipat sa kanyang lap. At ibinalik ang kamay niya sa aking kamay.

"Nahihirapan kananga. Ayaw mo pang umamin." Mahinang sabi ni Mara.

"Sorryyy poo at thank you."

Kahit puno talaga siya ng kaartehan ay maalaga padin siya.

- - - -

Nang makarating na kami ay bumaba na kami sa jeep.

Tumabi muna kami.

"Andito na tayo yehey!" Si Erika.

"Hmm. Saan ang bahay?" Nag tatakang tanong ni Mara.

"Doon pa po." Tinuro ko ang palayan.

"What?! So kailangan natin lakarin yan?! But how?"

"Edi mag lalakad! Lets go! Dora." Nag lakad na ko.

Alam kong susunod din naman siya kaya nauna na kami ni Erika.

"Erin! Paano natin lalakarin to ang sikip ng daan tapos may mga palay at damo pa." Reklamo ni Mara.

"Sabi kona naman kasi sayo mag pants ka!"

"Ang tagal. Una na po ako tita Erin ha." Nag lakad na sa palayan si Erika.

"Daig kapa ng bata." Sabi ko.

Nilapitan ko si Mara.

"Oh ano? Diyan kana lang?"

"No. Buhatin moko pamsy."

"Anong buhatin! Gusto mong nahulog tayo diyan! Ganito nalang.  Mauna nako maglakad tapos hawak ka sa likod ko."

"Okay." Inis na sabi niya.

Nauna na akong lumakad at sumunod na siya.

Bawat hakbang niya ay puro ew aray! Yuck! Kadiri! Sht! Ang naririnig ko sa kanya.

Medyo malaki kasi ang palayan ni Lolo at lola.

"Malapit naba tayo?"

"Opo."

Nang makarating na kami ay sinalubong kami agad nina lola at lolo.

"Apo! Buti nakarating kayo dito! Halina kayo at kumain!" Si Lola.

"Lolo! Lola!" Nag mano ako sa kanila.

"Oh may kasama ka pala." Si Lolo.

"Ahh opo! Si Mara nga po pala girlfr-. A-h k-kaibigan ko po pala." Sht muntik nakong nadulas doon ah >_<.

Lumapit sa Mara at nag mano din siya kina lolo at lola ko.

"Hello po. Ang presko po dito sainyo dahil madaming puno." Si Mara.

"Oo! Mas madami panga yan dati kaso pinutol. Mag ikot ikot muna kayo diyan at mag hahanda ako ng makakain." Si Lola.

"Sige po lola." Sabi ko.

"Sama ako sayo lola." Si Erika.

Pumasok na silang tatlo sa loob ng kubo. Hayyy namiss ko dito. Dito kasi ako madalas maglaro nung bata ako.

Naiwan kaming dalawa ni Mara sa labas.

"Hey Pamsy."

Napatingin ako sa mga paa ni Mara. Hala ang daming putik.

"Hugasan natin yan." Tinuro ko ang paa niya.

"Oomaygosh! Ang dumi. Saan natin huhugasan?" Iritang sabi ni Mara.

"Doon sa may poso."

Hinila ko ang kanyang kamay. At naglakad papunta doon sa may poso.

"Itapat mo sa paa mo ang tubig ha. Akong mag bobomba." Utos ko sa kanya.

Lumapit naman siya sa poso at sinimulan konang bombahin ito at hinugasahan na niya ang kanyang paa.

Nang matapos siya ay ako naman ang naghugas ng paa.

Naglakad lakad lang kami ni Mara dito sa bukid at mabuti nalang presko at hindi masyadong mainit.

Magkaholding hands kami syempre ^_^.

Sana ganito nalang kami palagi no? Ung walang probelama. Ung konting away lang tapos okay na ulit. Si Mara ang mas nag papaganda sa buhay ko.

Mahal na mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako.

"Hey Iniisip mo nanaman ako no?" Si Mara. Patuloy padin kami sa pag lalakad.

"Assuming! Iba iniisip ko no."

"Anong iniisip mo?"

"Ung crush kong lalaki." Biglang napalitan ng galit ang mukha ni Mara. Mainitin talaga ang ulo neto!

"Ah ganun? Sige pag palit moko. Dun ka nalang sa lalaki mo." Binitawan niya ang aking kamay at mabilis siyang nag lakad ng palayo.

"Huy! Eto naman hindi mabiro eh!" At patuloy padin siya sa pag lalakad.

Hinabol ko siya ng mabilis at niyakap ko siya sa likod niya.

"Ikaw lang ang mahal ko." Pabulong na sabi ko sa kanya.

"Hmm. I know." Humarap siya sakin at nakahawak ako sa kanyang bewang at siya naman ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"You promise me Erin Flinte."

"Promise? Saan?"

"Wag mokong pagpapalit sa iba huh?"

"Promise." At hinalikan niya ko sa noo at sumunod sa ilong at hanggang mapunta na sa lips.

Naputol ang halikan namin ng may tumawag sa malayo.

"Tita! Asan po kayo! Kain na daw po."

Hala! Mabuti nalang hindi kami nakita ni Erika..

"P-punta na kami diyan!" Sigaw ko.

- - - - - - - - - - - - - -

Yesshh naka pag update din ^_^.

Sorry sa errors dahil wala napong edit.

Wag po sana kayong magsawa sa story ko T_T.  Thank you! :)

Vote?? Comment? Salamat!! :)

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
899K 36.2K 45
Ella Claire Fuentes is one of the most popular girls in their University. Nbsb since wala pa syang time for love. She just wants to enjoy her life. K...
1.5M 52.2K 45
Stacey Desire Zulueta is a well known playgirl in their school. Kilala sya sa labas at loob ng SU. Many are head over heels with her. She has a beaut...