Loving A Stranger

By xianrandal

1.1M 25.1K 919

"Where am I taking you?" Dylan asked Sandy who is drunk. "Shama ako sayo honey." He needs to be patient. "Add... More

I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
simple ending :)

30

29.6K 629 16
By xianrandal

30

Magang-maga ang mga mata niya nung magising, mabuti na lang at walang pasok, kung hindi malamang na aabsent siya. Tinaghali na rin siya ng gising.

Until now, she can’t believe what she had heard.

When she opened the door, she saw Howard, damn, Dylan. Nakaupo ito sa tabi ng lagayan niya ng mga tsinelas at sapatos, nakapikit, may bitbit na supot na alam niyang pagkain ang laman dahil sa amoy nito.

Kala mo makukuha mo ako sa ganyan ha. Biglang isinara niya ang pinto! Malakas, sinadyang magising ang kung sino man ang nasa labas.

“Shimmer.” Narinig niyang tawag nito, sabay katok sa pinto.

Manigas ka!

Di pa rin ito tumitigil. Bahala siya kung maririnig man siya ng mga kapitbahay o kung may makakakita man sa kanya. ANo bang pakiaalam niya?

“Sige, aalis na muna ako, babalik na lang ako mamaya, iiwan ko yung pagkain mo rito.” Narinig niyang sigaw nito.

Di siya sumagot. Anong akala niya, makukuha siya sa pagkain pagkain na yan?  Kanina nung nagising siya, nakita niyang ang daming missed calls sa kanyang cellphone, galing kay Alwin, kay Kaira, at kay Dylan aka Howard, may mga text messages rin, wala siyang nireplayan ni isa.

Masama pa rin ang loob niya sa bestfriend. Nalulungkot lang siya dahil nagawa nitong magsinungaling sa kanya.

Pero bakit sa isang sulok ng puso niya masaya siya at okay si Dylan, na naririto ito at nakikita niya? Na ngayon ay sumusubok itong mahalin niyang muli?

Di pwde! Di ka pa ba nadala Sandy!

Buong hapon lang siyang nagkulong sa loob ng bahay niya. Mag gagabi nan g biglang may pamilyar na boses siyang narinig.

“Best? Si Kaira to.”

Pinagbuksan niya ito ng pinto. Si Kaira nga! Anong ginagawa nito sa Nabunturan? Ang layo kaya ng lugar niya.

Niyakap siya nito. “Sorry BEstie.”

Naiyak siya, nagyon lang kassi ito nagsinungaling sa kanya. PEro siyempre, pinakamamahal niya ito, ito lang naman ang pamilya niya di ba?

“I understand.” Umiiyak silang pareho.

“Whose with you?”

“Si Alwin, pero takot sayo eh. Nasa labas lang, sa loob ng kotse. Saka na raw siya haharap kapag kinaya na niya ang mga batok mo. Kasama rin naming si Venice at yung panganay ko, nasa resort sila ng kaibigan nina Tita.”

“Ganun ba.”

“Best, sorry talaga. Hindi na muulit.”

“Namiss kita Bestie!” Niyakap niya ang kaibigan. Ibig sabihin, ok na sila.

“Nakapag-usap na ba kayo ulit”

“Ayaw ko siyang makita.”

“Sandy, kailangan ninyong mag-usap. Alam mo, at alam ko na mahal nyo pa rin ang isa’t –isa, ang daming nasayang na panahon.”

“Nasayang dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo. Nasayang dahil ganun kababaw ang tingin niya ay pagmamahal ko sa kanya.”

“Best, kung baligtarin kaya natin ang sitwasyon, kung ikaw yung nadisgrasya at si Dylan ang iniwan mo, di k aba mag-iisip na palayain siya kung alam mo na sunog ang halos kalahati ng katawan mo, kasama ng mukha? Na magiging imbalido ka? Na magiging pasanin ka niya?”

Di siya nakasagot.

“He was so excited when he left the country that time, ang sabi niya, nagbunga na raw ang ilang buwan niyang pagpapahanap sa Mommy mo. He was ready to propose to you, alam mob a yun? Lahat kami alam na pag balik niya mula States, yayayain ka na niyang pakasal. Everybody was so excited that time.”

Nagulat siya sa narinig. So totoo ang sinasabi ni Dylan.

“He met an accident when he was about to see your Mom. Hinabol niya ito ng kotse niya. Your mom didn’t want to talk to him. Alam ko yun dahil itinawag niya yun sa akin, asking for an advice, alam mo, somehow, sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari. Ang sabi ko kasi, sundan niya ang Mommy mo, baka sakaling magbago ang isip nito.”

“Then nabalitaan ko na lang yung nagyari.”

Napaupo si Sandy. Di naman niya hiniling na makita ang babaeng di siya pinahalagahan simula ng ipinanganak siya. Bakit pa nito hinanap ang ina niya?

“Best, I know that I don’t have the right to say this, but please listen to him, give him another chance. He loves you very much. Alam mo na  every time Tita told him na ok ka, na masaya ka, na wala ka pang asawa, he would worked very hard to walk again.”

“I dunno.”

“Araw-araw ako may email galing sa kanya, kung hindi si Tita ang nag –eemail eh yung private nurse niya. Ganun ka niya kamahal. Ikaw yung dahilan kaya naka survive siya, Sand. Kaya kinaya niya kung ano man ang naranasan niya.”

“Hindi ko alam ang sasabihin ko Kaira.”

“Sand, think about giving him another chance. Alam ko na mahal na mahal mo pa rin siya. Ganun din naman siya sayo.”

Di siya sumagot. Paano siya sasagot kung sari-saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon?

Nagpaalam na si Kaira, di raw kasi matutulog ang anak niya ng di siya katabi. Kaya gustuhin niya man na dun tumuloy sa bahay niya ay di rin pupwde.

Niyaya niya lang na mamasyal sila ni Sandy bukas before silang uuwi ng Davao City, pumayag naman siya.

Nung sinundo siya nina Alwin kinabukasan ay pinagbigyan naman niya ang mga ito na itour sila sa buong Nabunturan. Wala si Dylan, na ipinagpasalamat naman niya dahil hindi pa talaga siya handing makita ito.

“Ang ganda talaga dito Sandy! Balak mo bang dito na mag stay for good?” Tanong ni Venice na asawa na ngayon ni Alwin.

“Oo eh, sa ngayon, nandito na ang buhay ko.”

“I like your place, Bestie, ang dami mong halaman. Ang gaganda.”

“Best, maganda rin naman kasi ang lupa at ang weather rito, mainam sa mga halamang namumulaklak.”

“So, dito ka na talaga mag isstay for good, Sand?”

“Inulit mo lang naman ang tanong ng asawa mo, Alwin.” Asar ni Kaira.

“Eh sa gusto ko lang makatiyak.”

“Opo. Maganda naman rito, saka nag eenjoy na ako.”

“Ok.” Ang ikli ng sagot niya.

Umuwi ang mga kaibigan niya na wala na siyang tampo sa mga ito. Siguro naintindihan niya an gang sitwasyon nila nung mga panahong kakailanganin sila ni Dylan. And speaking of Dylan, wala ni isang anino nito. Ni hindi na nagpakita sa kanya simula nung mapagbuksan niya ito ng pinto.

Sumuko na ba siya?

****

Siyempre naman hindi, nagpapahinga lang, kumukuha ng tiyempo. Ngayon pa ba siya aatras? Ngayon pa ba siya susuko? Kung pwdeng mag-umpisa siya ulit, gagawin niya.

As usual, maglalakad na naman pauwi si Sandy, marami na namang estudyante na sasabay sa kanya pauwi.

Nagulat pa siya ng biglang may sumabay sa kanila.

“Hi Ma’am Sandy, pwde bang makisabay pauwi?”

Tinaasan niya ito ng kilay. Saan ito galing at halos isang Linggong di nagpakita sa kanya?

“Pwde po Sir!” Nag chorus pa ang mga bata.

Di pa rin sumagot si Sandy, anong akala nito sa kanya, easy to get?

“Ayaw yata ng teacher nyo eh.” Pagpapa cute nito sa mga high school students niya.

“Ma’am, pumayag ka na.”

Di sumagot ang teacher nila. Pinagmamasdan siya ni Dylan, positive.

“Sasabay pa rin ako kahit di umu oo si Ma’am Ganda.”

“Tigilan mo nga ako.” Naggagalit-galitan siya. Namiss niya kaya ang binata. Siguro nakabuti na rin na di ito nagpakita sa kanya kasi nakapag isip siya. Kung tutuusin mas mahirap ang napagdaanan nito, at kung tutuusin lahat dahil sa kanya, dahil sa pagmamahal nito sa kanya.

“Sir, ano po ang pangalan ninyo?” Tanong ng isang dalagita na halatang kinikilig.

“I’m Lucas Dylan, call me Kuya Lucas.”

“Di ba pwdeng Dylan?”

“Di eh, iisang babae lang kasi ang tumatawag sa akin niya, at mahal na mahal ko yun.”

“Uyyy! Siguro maganda rin po siya ano, ang guwapo nyo rin kasi.”

“Sobrang ganda, at alam mo, ikamamatay ko kapag nawala pa siyang muli sa akin.” Parinig nito.

Kinilig ang mga bata. Ang lalaking to, tuturuan pa ang mga bata.

Nasa tapat na sila ng bahay niya kaya nagpaalam na siya sa mga estudyante.

“Ingat sa pag-uwi ha.”

“Yes, Ma’am.”

“O ikaw? Ano pang tinutunganga mo jan?” Baling nit okay Dylan.

“Bibisitahin sana kita eh.” Kamot nito sa ulo.

“Wala akong sakit.” Pagsusuplada niya.

“Ako meron eh.”

“Ha? Ano?”

“Nagkakasakit ako kapag di kita nakikita, halos isang Linggo kitang di nakausap.”

Bwisit! Nadale siya dun ah. “Tigilan mo na nga ako!”

“Shimmer naman, usap naman tayo oh. Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Gagawin ko. Please naman.”

Di niya ito sinagot. Pumasok siya sa loob ng bahay at pinagsarhan ito ng pinto

Naiwan si Dylan na mag-isa. Pero masaya pa rin siya, okay na start na ang nangyari. Sana magtuluy-tuloy na. Bukas ulit.

KInabukasan nga, nakaabang na siya sa gate ng bahay ni Sandy.

“Good morning, Ma’am.”

“Morningin mong mukha mo.”

“Sungit mo naman, Ma’am. Akon a pong magdadala ng mga gamit mo.”

Tinignan niya ito. Dun siya nagkamali, ang gwapo lang naman ng hinayupak. Pero mas guwapo pa rin ang dating mukha ni Dylan. Napatingin siya sa malaking peklat nito. Bigla siyang nalungkot at binawi ang tingin. Naramdaman iyon ni Dylan.

“Tara na nga.” Hila nito sa kamay niya. “Akin ng gamit mo.”

Kinuha nito ang shoulder bag niya at agad na isinukbit sa balikat, walang pakialam kahit lalaki siya na me dalang shoulder  bag, hawak pa rin niya ang kanang kamay ng dalaga.

Sa simpleng gesture nay un, parang nawala lahat ng sakit na naramdaman ni Sandy. Bakit ganun? Bakit parang mas masaya siya dahil kasama niya si Dylan ngayon kahit iba na ang mukha nito, kesa noon na d niya ito nakikita?

 NAsa tapat na sila ng school, dun lang binitiwan ni Dylan ang kamay niya at ibinalik ang bag niya. Tumingin ito sa kanya.

“I’m really sorry, Shimmer. I love you.”

Di siya nakapagsalita.

“Pasok na. Susunduin kita mamaya” Ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis.

Bigla naitanong niya sa sarili.

Bakit kailangan niyang saktan ang sarili niya kung pupuwede naman siyang lumigaya? At ang kaligayahan niya ay yung taong nasa harap niya ngayon.

-----Xian---- (wala lang, suggest naman ng ending oh)

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 198K 65
Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. However, an incident happened that drove h...
LUNATICS By C.C.

General Fiction

3.8M 111K 8
Adventure of Lunatics
11.9M 290K 45
League of Billionaire series #1 Breadwinner Julian Tezan gets the biggest twist of her life when she unexpectedly crosses paths again with billionair...
4M 149K 46
Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note: Original Sound Tracks are available at...