BOYFRIEND: For Sale

By SecretGuardian

313K 1.7K 114

Isang hamon ang ibinigay ng ama ni Sydney sa kanilang magkakapatid. Ang laro? Makipagpatagalan ng relasyon s... More

BOYFRIEND: For Sale
Prologue
1st Sale
3rd Sale
4th Sale
5th Sale
Notice

2nd Sale

8.9K 283 14
By SecretGuardian

2nd Sale

Nakanganga kaming tatlo nina ate hanggang sa makalabas ng kwarto. Magpapatagalan kami sa paghawak ng isang relasyon? Eh pano kaya yun? Wala naman akong boyfriend ee. Tsk! UNFAIR.

“I can’t believe this. Kailangan ba talaga nating gawin yun? I mean, maayos naman ang grades natin tapos ganitong challenge yung ibibigay?”

Alam kong na-chachallenge tong si Ate Lorraine. Hindi yan madalas mag reklamo, para ngang ngayon ko lang narinig. Sanay kasi yan sa mga bagay na hindi pa nyan nasusubukan at itong pag bo-boyfriend ang kahit kelan, hindi pa nya naranasan.

Pero kung ako ang tatanungin, medyo lamang na sya sa’min ni Ate Kath.

Madali nyang mapapatagal ang isang relasyon. Hindi na kasi sya yung isang bata na kapag nagselos ay makikipagbreak na agad. Seryoso na sya sa mga ganitong bagay at alam kong madali nya lang ding matututunan kung pano nya hahawakan ang pag-iisip ng boyfriend nya.

“Haaay! Sa ganda kong toh, madali na kong makaka bingwit..”

Napatingin naman ako kay Ate Kath. Tama sya. Madali lang syang makaka huli ng isang malaking isda dahil maganda at sexy sya. Maganda din naman ako, pero hindi ako pala ayos. Hindi din ako nagsusuot ng mga sexy dress. Eh sya? Yun ang forte nya.

San naman kaya ako makakakita ng boyfriend?

“Ikaw Sydney, naihanda mo ba ang sarili mo dito?” tanong ni ate Lorraine.

“Hindi nga ee.”

Napatungo na lang ako. Para kasing sayang lang lahat ng pinag gagawa kong pag aaral, ganito lang din naman pala ang mangyayari.

Pero in other way, maganda din naman toh. At least, matututo akong maghawak ng isang relasyon habang nag-aaral. Sabi nung iba, mahirap daw. Pero pano kayang mahirap?

Umalis na sina ate at ako na lang ang naiwan sa labas ng kwarto.

Sumilip ako sa kwarto dahil mukhang may pinag-uusapan pa sina mama at papa.

“Hon, ano naman yung pinapagawa mo sa kanila? Hindi naman ata nila kakayanin yun..”

“If they can’t, pano pa ang paghahawak ng kompanya? Kailangan nilang matutunan na ibalanse ang mga bagay bagay sa buhay, hindi sapat ang puro pag-aaral.”

“Pano pag nasaktan sila? Hindi ka ba naaawa?”

“They need to grow up Hon, dadating naman lahat ng tao sa puntong magmamahal sila at masasaktan.”

“Sabagay, tama ka.”

Inalis ko na ang mga mata ko dahil wala naman akong mapapala. Pano ko kaya gagawin tong pagsubok sa’min ni papa?

Kailangan ko ng maghanap ng boyfriend.

Pero Kailan?

Saan?

At Sino?

Napag-usapan na din namin na dapat ay may maipakilala na kami sa kanila sa loob ng isang linggo. Ang tindi noh? Pag wala kasi, ba-bye na kami na sa’min maipangalan ang company.

Hindi ganun kadali ang pinapagawa sa’min dahil mula pa sa kanunuan namin ang kompanyang nakatayo ngayon at kailangan namin itong mas payamanin.

Pumunta ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Bukas ko na lang toh iisipin, masyado ng maraming nag sink in sa’kin ngayon. Baka kung magisip pa ko, hindi na kayanin ng utak ko.

***

TOK. TOK. TOK.

Napa-inat ako sa kama ko dahil sa kumakatok. Masyadong malakas, para ngang gigibain na ata tong pinto ng kwarto ko. Walang patience, hindi marunong maghintay. Hindi ba nya alam na, paitence is a virtue?

Tumayo ako sa kama ko at lumapit sa pinto.

Alam kong gulo gulo tong mukha ko pero I dont care. Katulong lang naman tong pag bubuksan ko. Hindi sila ganun kaimportante para pag make-up an ko pa.

Hinawakan ko ang doorknob at saka ito pinihit. Unti unti kong binuksan ang pinto at tumingin sa kumakatok.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

NAKATAYO LANG NAMAN SA HARAP KO SI IAN. Ang lalaking pinagpapantasyahan ko gabi gabi. Sya yung tinutukoy ko habang nakikipag usap ako kay Zia.

“A-anong g-ginagawa m-mo d-ditoooo?”

“Ahh, sorry. Pero pinapatawag ka kasi sa baba ng parents mo. Ako lang yung nautusan, kasama ko kasi yung pinsan mong si Zia”

“G-ganun ba?” sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. alam kong mukha akong tanga dahil sobrang pangit ko ngayon. Bakit ba kasi di nagsabi yung lukaret kong pinsan na dadalaw sya?

“Hehe, oo eh.”

“S-sige, sabihin mo bababa na ko.”

Hindi ko na hinintay na magsalita pa uli si Ian. Dali dali akong nagpunta sa banyo at naligo. Mabilis akong nagsabon at nag shampoo. Hindi dapat ako magtagal dahil baka umalis yung mga yun. Kailangan ko pa ng inspiration ngayong araw na toh at si Ian lang ang makakapagbigay nun. Sya ang energy ko at sya lang ang nakakapag bigay ng shakra sakin.

Lumabas ako ng banyo ng kwarto ko at humarap agad sa salamin.

Kinuha ko ang suklay tsaka ako nagsuklay ng nagsuklay. Naglagay din ako ng konting make up. Baka naman kasi sabihin nyang pangit ako. Hindi kaya.

Lumabas ako ng kwarto ko tsaka dumiretso sa kusina.

Nakita kong nandun na silang lahat maliban sa’kin. Nandun na din ang dalawa kong kapatid na babae na bakas ang puyat dahil sa eyebags nila.

Iww. Ang pangit.

“Andyan ka na pala Sydney, halika’t umupo ka na rito para sabay sabay na tayo.”

Lumapit naman ako tsaka umupo sa pinakadulong silya sa kaliwa, katabi ko si Ate Kath.

“Bakit ka my eyebags ate kath? Natatakot ka na noh?”

“Duh. Asa ka pa! Hindi lang ako makapamili sa mga boylets ko.”

“Tsk, Ate Kath, wala naman kasing kapili pili dyan sa mga syota mo! Ang papangit kaya nila..”

“Hindi sila panget, hindi mo lang talaga trip ang mga medyo gangster slash kpop look”

Hindi na ko sumagot. Hahaba pa kasi ang walang kwenta naming usapan ee. Pero buti pa sya, hindi nya na kailangan maghanap, mamimili na lang sya. Kung tutuusin, sobrang dali na lang nun kapag nag screening sya.

“So pano mga anak, mabuti pang magsimula na kayo ngayon ng paghahanap. Tandaan, time management”

Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami ng pinsan ko sa garden namin. Ito talaga ang secret place namin dito. Joke lang, kami lang talaga madalas pumunta dito.

“Anong time management ang sinasabi ni Tito? Kakaloka hah, 3rd year pa natin yun pinag aralan pero tanda nya pa din..”

“Tsk!” napasimangot na lang ako. Eh kasi naman ee!

“Anong mukha yan?”

“Wala!”

“Wala ka dyan! Sapakin kita ee, chika na dali!”

Sabihin ko na nga lang,wala namang mawawala ee.

Kinwento ko sa kanya yung sinabi samin ni papa kahapon. Sya naman, hindi na naalis ang mata sa pagiging malaki. Puro reations nga lagi ee.

“OH. MY. Anak nya ba talaga kayo?”

“Ano sa tingin mo? Kaya nga sa’min ipapamana ee.”

“Oo nga noh? Pero, bakit naman ganun? Talagang pinipilit pa nyang magkaron kayo ng boypren! Kasura aah”

“Pero ayos lang!”

Taas noo ko pang sinabi ang mga salitang yun. May naisip kasi ako. Isang maliwanag na bright idea J

“Anong meron hah?”

“Kakapalan ko na ang mukha ko~”

“HAH? Makapal na kaya yan! Ano ba talagang ibig mong sabihin?”

Huminga muna ko ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko.

Kailangan ko ng napakadaming energy para masabi toh.

“Yayayain ko si Ian na maging bf ko!!!” sabi ko with matching talon talon pa!

“WHAT?”

“Sabi ko yayayain ko syang maging bf. Oh di ba? Bongga! Hindi ako tatanggihan nun, tignan mo pa!”

Tumakbo ako papasok ng bahay dahil andun si Ian. Pinigilan ako ni Zia pero malakas ako at hindi nya ko mapipigilan! Ganun talaga pag inspired.

Hinanap ko sya sa buong bahay at sa likod ko pa sya nakita. Wala syang kasama at nag-iisa lang sya. May kausap sya sa cellphone pero dahil ayoko ng palampasin ang pagkakataon, makiki-epal ako.

“Hi Ian!!!”

Tama kayo, tinanggal ko na lahat ng kahihiyan ko sa katawan ko.

Maganda na din naman toh eh. I will hit two birds with one stone. Bukod sa magiging bf ko na sya, magiging milyonarya pa ko. Oh di ba? Bongga!

Hanggang ngayon hindi pa din sya sumasagot sa pagbati ko sa kanya.

Pasweet lang ang kailangan dito ee. Inilagay ko ang konting buhok ko sa gilid ng tenga ko at tsaka humarap uli sa kanya.

“Hi Ian~” with my sweetest voice

Napatingin naman sya sa’kin at agad ibinaba ang telepono.

“Ah, may kailangan ka ba sa’kin Sydney?”

“Can you be...”

“What?”

“Can you be my boyfriend?” taas noo kong sabi dahil alam kong magiging KAMI.

“H-hah?”

“Sabi ko, ikaw na ang boyfriend ko..”

“Pero Sydney, may girlfriend ako”

“Duh. Just ditch her!”

“I Love her! Ano ba yang mga sinasabi mo?” medyo tumataas na ang boses nya.

Nasaktan ako dun ah. Sinigawan nya ko?

“Haaay! I need you!”

“WHAT?”

“I need a boyfriend! And you suit very well to be my 1st bf”

“Hahaha! You’re funny! May sikreto kami nung pinsan mo eh, gusto mong malaman?”

Bigla namang nanlaki ang mata ko. Hindi kaya, si Zia ang gf nya?

“Meron kaming alam na tindahan ng boyfriend. Dun, makikita mo lahat ng uri ng lalaki na gusto mo, gusto mo bang puntahan natin tong tindahang toh?”

“Pero ikaw ang gusto ko!”

“Listen, alam kong kaya mo ko gusto eh dahil ideal man mo ako, pero di mo naman ako mahal ee. Gagamitin mo lang ako para sa business nyo at dahil ayaw ko nun, dadalhin kita sa sikretong lugar na yun para makapili ng lalaking gusto mo!”

“Sige na nga, san ba yang tindahang yan? Nakakacurious hah! Baka naman hindi totoo yan..”

“Totoo toh, tara! Sale pa naman ngayon sa kanila, aabot ka pa!”

---

A/N : Actually, hindi ko alam na aabot agad ng 5 votes ang 1st chapter kaya hindi ko agad napost tong 2nd. So, 7 votes + 3 comments = update.

I-share nyo sya sa mga friends nyo para mas madami tayo dito!!!

Continue Reading

You'll Also Like

224K 16.9K 26
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
20.4M 755K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.5M 61.2K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
229K 1.6K 16
Perfect book for those who are finding best authors,.! Hope you enjoy!!!?