5th Sale

7.4K 202 14
                                    

5th Sale

[Sydney's POV]

"SINO KA?" Napatingin ako sa sumigaw. O_O Si PAPA!!!

"Pwede ba, wag po kayong sumigaw?"

Napatingin ako kay Dave. Ang tanga lang. Baka hindi magustuha ni papa ang ugali nya! Edi, minus points na agad ako? Kainis!

"EH BAKIT NAMAN AKO HINDI SISIGAW? BAKA NIRE-RAPE MO NG ANAK KO?"

"Unang una po sa lahat, hindi ko sya gagahasain, parang ito pa ngang si girlfriend ang balak manggahasa sa'kin. Hehe, so kayo po ang papa nya?"

"Ako nga."

Lumapit sya kay papa at nagmano.

"Ako nga po pala si Dave, boyfriend ng anak nyo. Nice to meet you po!"

Medyo lumaki ang mga mata ko. Akala ko ba eh untrained toh? Para namang alam nya na ang mga dapat nyang gawin.

"A-ah, ganun ba ijo? Ikaw naman Sydney, bakit naman hindi mo pinapasok ang boyfriend mo sa loob? Hala, tara na at malamig dyan sa labas!"

Nang makapasok na si papa sa loob, siniko ko naman si Dave sa braso nya.

"Ayusin mo nga yang pagiging boyfriend mo. Sasapakin kita!"

"Inaayos ko naman ah! Napakasadista mo!"

"Aba't! Ako pa ang sadista ngayon? HAH?"

Hinampas ko sya sa dibidib nya. Hinampas ko ng hinampas, ganito ang sadista! Napaka engot nitong nabili ko.

"ARAY! ARAY! TAMA NA!"

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko para pigilan ako sa paghampas sa kanya.

"Ikaw girlfriend hah, kunyari ka pa! Gusto mo lang mahawakan ang katawan ko eh. Dinahilan mo pa talaga na hindi ako magaling na boyfriend. Hahaha! Ikaw talaga!"

"ABA'T!"

Akmang hahampasin ko na sya ulit dahil sa kayabangan nya pero umiwas ang loko. Napaka abnormal talaga.

"Tara na lang girlfriend sa loob ng bahay nyo. Wag mo na kong saktan, ok?"

"Ikaw naman kasi ang may kasalanan ee! Ang yabang yabang mo."

"Sus. Kilig ka naman dyan! Tara na lang girlfriend sa loob, bilis! Baka pakainin ako ng tatay mo."

"PG."

"Ano yun?"

"Ikaw yun! PG!"

Nagkamot naman sya ng batok. Hihi. Ancute! Kahinaan ko yun ee.

"Ano nga yun? CS mo ba yun sa'kin? Huh? Girlfriend?"

"Oo nga no! Yun na lang ang CS ko sa'yo. PG."

"Ano nga yun?"

Medyo naiinis na sya kaya lumakad na ko. Papasok na lang ako sa loob, mamaya nyan eh sapakin pa ko. Hahaha! PG!

"Girlfriend! Ano nga kasi yun? Sabihin mo na!"

Sige na nga, sasabihin ko sa kanya. Humarap ako sa kanya na hanggang ngayon ay nasa tapat pa rin ng gate.

"PG as in, PATAY GUTOM! Hahaha!"

"ANONG?! Hindi naman ako patay gutom ah?"

"Whatever!"

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. Habang papalapit na ko sa kusina, nakarinig ako ng boses ng lalaki. Hindi yung boses ni papa, iba. Ngayon ko lang narinig.

BOYFRIEND: For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon