Disguise Inlove With You Pare...

By kyleellorin

170K 5K 612

NOTE: This story is written in filipino. Masipag akong magupdate kaya there's no reason para mabitin. If you... More

Author's note
Cast
Disguise inlove with you pare
I. Not my typical lame day
II. Cute love story
III. Letters and green tea latte
IV. Mr. Smith
V. Blue Smith
VI. Shit just got real
VII. Fraternities and other necessities
VIII. Shoot
X. The story behind the snow globe
XI. A day in the carnival
XII. The feeling's mutual
XIII. Friends with a frog
XIV. Just my luck
XV. My first kiss
XVI. This is so not happening
XVII. Closer
XVIII. Clark
XIX. Stuck with this beautiful jerk
XX. Crazy for you
XXI. Puzzle
XXII. Feelings
XXIII. Greentea and strawberry syrup
XXIV. Playing spy
XXV. You snore like a pig in a barn
XXVI. Tattooed on my mind
XXVII. Confessions and Misconceptions
XXVIII. You give me the whole damn zoo
XXIX. A recipe for disaster
XXX. A recipe for disaster part 2
XXXI. Rainbow after the rain
XXXII. Don't you
FILIPINO CAST!!
XXXIII. You light up my whole world
XXXIV. Late night visit
XXXV. First date
XXXVI. Beach bum
XXXVII. Beach bum part 2
XXXVIII. Sparks Fly
XXXIX. Home
XL. Outdoor Project
XLI. Celebration
XLII. Birthday Dinner
XLIII. Letting go
โ™‚ Epilogue โ™€
SEQUEL!!
The Last Pure Soul

IX. Try-outs and Layouts

3.1K 89 14
By kyleellorin

Excited na akong bumangon dahil ngayon ang official start ng classes! Oo nga pala. Isang araw na din ang lumipas ng mangyari yung tanungan namin ni Alex. So far, wala pa naman siya uling ginagawang nakakainis dahil magpahanggang ngayon wala padin siya sa higaan niya. Kinabukasan kasi after ng encounter namin di siya dito natulog ni di ko nga siya nakita maghapon kahapon eh. Ayyyyyy saya!! Kung alam nyo lang, stress free ang buhay. Nag gayak na ako para masimulan ang araw ko, 8am kasi ang una kong class so may isang oras pa ako para kumain dahil 7 am palang. Naisipan ko din palang bumili ng bagong sim kahapon you know para may contacts ako sa mga new friends ko dito sa school, buti nalang at dual sim yung flippy phone ko. Kailangan kasing iba ang ibigay ko na number sa kanila dahil alam niyo na baka makadating kay Thomas, magkanda loko loko pa diba. Better be safe.
Agad akong nagtext kay Lyroi.

To: Lyroi Jackson

Hey man! What's up? Im heading at the cafe. Where are you?

Then i pressed send. Lumabas na ako para pumunta ng cafe. Nang nasa shuttle na ako nag vibrate ang phone ko.
New text message

From: Lyroi Jackson

Kinda just woke up man. Thank God you texted me, nagising ako. Baka di na ako makadaan ng cafe Im running late 7:30 class ko. Hehehe. Seeyou man!

Hay si Lyroi talaga. San nanaman kaya yun galing kagabi, ang alam ko kasi madalas silang lumabas ng mga ka team niya. I sighed. Wala pala akong makakasabay kumain ngayon, okay lang sanay naman ako. Yuck! Ang drama lang?
Pagdating ko ng cafe, sa isang maliit na table lang ako pumwesto yung pang 2 seaters tutal magisa lang naman ako. Umorder na din ako sa waitress na ngiti ng ngiti sakin. Pagdating ng order kong strawberry waffles, agad ko itong kinain. PG lang ganern. Bakit ba? Gutom ako eh. Habang kumakain ako nagulat ako ng may umupo sa harapan ko. Pasubo na sana ako kaya nakanganga ako at naka angat ang kamay ko para sana isubo ang waffle sa bibig ko kung kaya't nanlaki lang ang mata ko at nag stay yung katawan ko sa ganung position dahil nagulat ako sa pagupo ni Tommy sa harapan ko. Grabe bakit ba ang hilig niyang mang gulat ng ganto? Tss.

I shrugged.
"Para ka namang nakakita ng chicks niyan pare." Pagbibiro nito sakin

"H-ha? Magugulatin lang talaga ako, nagulat ako sayo eh." Palusot ko

He chuckled. Hay namimiss ko na si Tommy, sobrang kwela kaya niya kasama di nga kami nauubusan ng pinaguusapan nyan eh. "So kelan ka gagawa ng move bro?" Tanong nito sakin na tataas taas ang kilay.

Move? Pinagsasabi neto?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Move?"

Nag chuckle uli siya. "Come on man, we all know about your thing for Regina Miller." Medyo pabulong na sabi niya sa part ng pangalan ni Reggie. Parang gusto nang matunaw ng sinabi niya yan.
Humanda ka talaga Alex Craid!!

Flashback

"It's simply because I HATE NATE RIVERA." Walang emosyong pagkakasabi ni Alex.

Hala bakit naman? Mukha namang mabait si pogi ay este si Nate ah? Tss lahat nalang ayaw nitong lalaking to.

"B-bakit?" Tanong ko naman dito.

"Isang tanong bawat isang tanong." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya, fine! Di ko na tatanungin kung bakit, mamaya kung ano pa tanungin neto sakin eh.

Lalabas na sana ako ng banyo ng bigla nanaman siyang lumiyad sa may pinto upang pigilan ako, nagka tinginan uli kami mata sa mata.

"Now, tell me bakit ka nag cocontact lens? Are you gay?" Agad agad akong umiling. Hay grabe nakaka tense naman yung position namin, di ako makapagisip ng maayos.

"Then bakit? SPEAK." At dahil nakakatakot na ang aura niya nagsalita na ako.

"Because I like this girl." Nakataas naman ang kilay niya

"And who's this girl?" Dagdag pa niya

Huminga ako ng malalim.

"Isang tanong bawat isang tanong" sabi ko sakanya with a smirk on my lips. Hahahaha. Kala niya ha!

"Shoot." WHAT?! Pumayag siya. My gosh, this guy is full of surprises. Napalunok naman ako ng bahagya, katapusan ko na ata wala pa naman akong kilalang babae dito sa University. Huhuhu. Pero- teka meron palang isa.

"Si Reggie Miller." Buong confidence ko pa na pagkakasabi

Parang gusto naman niyang matawa sa sinabi ko.

"Your turn, why do you hate Nate?" Tanong ko dito

Lumakad siya papuntang kama niya.

"Because I hate him." Sagot nito sakin

Aba! Ang duga!

End of flasback

"Blue?" "Hoy, Blue!" Natigil ako sa pagiisip ng tapikin ako ni Nate.

Napatingin ako sakanya.

"Sabi ko alam na namin na gusto mo si Reggie." Nakangiting sabi ni Tommy sakin

"Ha? Tss. Nagpapaniwala kayo sa chismis." Umiiling na sabi ko dito

Tumawa naman siya.
"Wag ka nang mahiya, ano ka ba. Okay lang, narinig namin sa record ni Cap."

Nanlaki naman ang mga mata ko. Re-record? Hay! I sweaaaar makakatikim na sakin si Alex!

"Hehe" yan lang ang naisagot ko kay Tommy. Grabe nakakahiya. Tss.

"Sooo, gusto mo tulungan ka namin sakanya?" Malokong sabi nito sakin.

Di ko na alam ang sasabihin ko kaya isinubo na lahat ng natitirang waffle sa bibig ko kaya punong puno ang bibig ko. Mabilis akong tumayo at tinuro ang wrist watch ko at saka sumenyas kay Tommy na aalis na ako. Nakakunot naman ang noo nya habang nag nod. Hay siguro naweirduhan yun sakin.

Tinignan ko ang relo ko 7:30, hay napaaga tuloy ang alis ko. Nginuya ko ng maigi ang pagkain sa bibig ko bago ako sumakay ng shuttle, siyempre pano ko sasabihin kay kuyang shuttle driver kung san ako bababa kung may laman bibig ko diba.

Yung building ay katulad ng sa dorm, rock yubg labas yung parang mga gusali sa rome. Pagpasok ko naman dito parang regular University facility lang, agad akong nagtungo sa isang malaking TV sa may gilid ng lobby para isearch kung saan banda matatagpuan ang silid namin. May mga ganito kasi dito, alam niyo yung sa mga mall? Yung location finder? Yun, merong mga ganun dito. Agad akong nagtungo sa ikatatlong palapag dahil nandoon ang aming silid. Tumingin ako sa relo ko, 7:45. Hay wow ang aga ko. Binuksan ko ang pinto ng silid at pumasok. Napa letter O naman ang bibig ko, dahil sa pagkamangha ko sa loob ng silid. Grabe ang laki parang isang maliit na auditorium, kagaya ng sa ibang College nasa baba ang whiteboard at ang desk ng professor habang ang mga upuan ng mga estudyante ay pataas. Ganito ba lahat ng silid dito? Grabe ang gara. Humanap ako ng upuan sa 5th row mula sa pinakababa para medyo malapit ako sa board. Ilang minuto pa at nag si datingan na din ang ilan kong mga kaklase na mas piniling maupo sa may pinaka taas. Tss, makikita pa kaya nila ang itinuturo doon? Maya maya pa at dumating na ang professor namin. Nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya. Ako palang kasi ang estudyanteng pinakamalapit. Ilang saglit pa at onti onti nang napuno ang silid nagulat ako ng makita si Arch sa tabi ko. Pero mukhang di naman niya ako napansin dahil binuksan niya agad ang laptop niya sa harapan niya.

"Pstttt!" Pasimpleng tawag ko kay Arch. Hindi naman siya lumingon. Kaya ginawa ko, kumuha ako ng kapirasong papel at nagsulat.

HI! :)

At saka ko ito nilagay sa may keyboard ng laptop niya. Kaya napatingin siya sakin. Nang nakita niya ako, he shrugged.

"Architecture ka din pala." Masayang murmur ko sakanya

Napailing naman siya. "Hindi halata, kaya nga ako nandito sa klaseng to diba?"

Napa pout naman ako. Sungit naman this guy.

"Anong club sasalihan mo?" Paguumpisa ko uli ng panibagong paguusapan

"Dance Club A" tipid na sagot neto. Ohhhh sa hiphop pala siya. Parehas sa kuya niya. Napangiti naman ako.

"Baka magtry outs din ako." Sabi ko sakanya

Magsasalita na sana siya ng biglang tawaging ng professor namin ang atensyon namin dalawa.

"Excuse me? Kayong dalawa sa 5th row. Mind to share sa buong class kung anong pinaguusapan niyo?" Paninita nito samin

Nakatingin samin ang buong klase, tss nakakahiya.

"So dahil mukhang alam niyo na kung ano ang mga ituturo ko, Im expecting a house layout from the two of you next meeting. You can work together, at ipapaliwanag niyo yung ginawa nyong lay out sa iba nyong mga kaklase nextweek para magkaron sila ng ideas. Since i'll be giving them the same assignment next meeting." Sabi nito samin.

Hala lagot, di pa nga siya naguumpisang magturo eh, pano nalang kami neto? Napatingin ako kay Arch na kakabuntong hininga lang. Tumingin siya sakin.

"Tsk. Daldal mo kasi." Sabi nito sakin

Nakinig na ako sa buong oras ng klase. Nagkaroon na din ako ng idea, para sa gagawin naming layout.
Nang matapos ang klase dali daling nagsilabasan ang mga kaklase ko pati na din si Arch. Kung kaya't hinabol ko to.

"Arch!" Sigaw ko. Tumigil naman siya habang tumatakbo ako patungo sakanya.

"Ano nanaman yun?"

"May idea na ako sa gagawin nating lay out." Sabi ko dito

"Ako nalang ang gagawa." Sabi niya sakin

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ha? Bakit? Hindi pwede eh di, wala akong masasabi pag pinagpresent na tayo." Worried na sabi ko

He sighed. At inabot sakin ang Iphone 7 niya. "Lagay mo number mo. Te text nalang kita."

Agad ko namang nilagay ang number ko.

Ngumiti siya ng tipid saka nagpaalam.

----------------------------------------------

Nagbibihis ako sa dorm ng may biglang kumatok sa pinto. I wonder who that is? Mabilis kong isinuot ang jersey shirt na pinahiram sakin ni Lyroi, ngayon na kasi ang try-outs sa Basketball Varsity. Dali dali ko namang kinuha yung backpack ko at ang flip phone ko dahil pupunta na din ako sa gym para sa try-outs. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang isang magandang preppy na babae na may blonde na buhok.

"Um, can I help you?" Nagtatakang tanong ko sa babaeng kaharap ko.

Ngumiti siya at tumingin sa loob ng dorm na para bang may hinahanap. Oh, now I get it, mukhang alam ko na kung ano ang pakay nya dito. Tss. Ano kaya nakita neto kay Alex? Maganda naman siya.

"He's in the gym" saad ko sakanya

Muli naman siyang tumingin sakin. She smiled, pero kita sa mukha nya ang lungkot. Tss. Ano nanaman kaya ginawa ni Alex sa babaeng to? She sighed before handing me a small paperbag.

"Well, can you please give this to him?--" she closed her eyes and sighed heavily. "--A-and tell him Im sorry. Thankyou" sabi nya habang naluluha ang kanyang mga mata.

Medyo napa nga nga ako sa sinabi nya, sorry? Pero bakit? Alam ko ang may capability na manakit between the both of them was Alex. Hindi na ako nakapagtanong sakanya dahil tumalikod na siya pagtapos nyang ibigay sakin ang paperbag. At siyempre being my typical curious self, tiningnan ko ang laman ng paper bag.

Napanganga ako sa pagkamangha, dahil sa ganda ng snow globe na hawak ko. Hindi kasi siya typical snow globe, sobrang elegante kasi. It has gold linings tapos may mga diamonds na nakapalibot sa edge nito. Sa loob naman ng snowglobe makikita ang isang lalaki at babae na tila ba ay magkasayaw, napabuntong ang tingin ko sa gilid nito ng may makapa ako na parang pihitan. Pinihit ko ito, at bigla umikot ang babae sa loob ng snowglobe. Tama nga ang naisip ko, sinasayaw nga siya ng lalaki sa loob ng snowglobe. Napangiti naman ako, at saka muli itong isinilid sa paper bag. Nagpasya na din akong dalhin ito sa gym, upang iabot ito ng personal kay Alex.

---------------------------------------------------------

PRRT! Rinig kong pito ni coach.

Nako po, that means its my turn para sa tryouts. At dahil swerte ako ngayon ang makakalaban namin ni Tyler ay si Alex. Oh diba? Napakaswerte ko lang talaga ngayon. Ang tryouts kasi dito ay 2 versus 2. Tapos bubunot ka ng magiging kakampi mo at kalaban. Hay bahala na si iron man, dahil alam kong gagawin ni Alex lahat wag lang akong makapasok sa team.

Maayos ang naging simula ng laro, naka 3 agad si Tyler. Bilib nga ako eh, di ko inasahang 3 pointer pala itong friend ko na to. Kaya buhay na buhay ang pag asa ko na makapasa sa tryouts.

"Blue, over here!" Sigaw ni Tyler habang initsa sakin ang bola, nasalo ko naman ito at tumakbo upang ishoot ito nang biglang

"Aray!" Napasigaw ako ng maramdaman ang pagtapak ng paa ni Alex sa paa ko. Tiningnan ko siya at nginitian nya ako na tila ba pinapaalam sakin na sinadya nya yung ginawa nya. Hay, kung umuusok lang ang ilong umapoy na siguro yung akin sa sobrang inis sa asungot na yun.

Natapos ang laro ng 4 na puntos ang lamang nila Alex samin, pano walang foul foul. Nakailang tapak siya sakin at ilang beses pa akong natumba dahil sa kagagawan nya. Saka di din namin inasahan na magaling pala yung kakampi ni Alex. Hay, buti pa siya siguradong pasok na.

Umupo ako sa may bleachers upang magpahinga. Nagulat ako ng may biglang nagabot sakin ng tubig, napatingala ako sa nagbigay. Si Thomas. Napangiti naman ako, napaka bait talaga na tao nitong bestfriend ko na to. Kahit, di naman kami close ngayong ako si Blue pinapakitaan padin nya ko ng kabutihan di katulad ng iba dyan.

"Um, salamat." at saka ko kinuha ang inaabot nyang tubig.

"Youre welcome bro. Pasensya ka na kay Alex, I saw what he did earlier. Pagpasensyahan mo nalang he's going through something." sabi sakin ni Tommy

Nginitian ko naman siya. "Ano ka ba, ilang araw ko nang kasama sa iisang kwarto yun no, sanay na ko sa ugali nun. You dont have to worry." And then I patted his shoulders.

Nagkwentuhan lang kami saglit ni Thomas, pagtapos ay tinawag na ni coach ang lahat ng mga nagtryouts sa gitna ng court.

"Hintaying nyo nalang ang announcement sa bulletin board, within this week nyo malalaman ang resulta. For now, you can use the varsity's shower room kung gusto nyong maligo. Take it as a priviledge dahil you showed interest in joining the team. Thats all. Seeyou around kids." And with that umalis na si coach. Hay salamat at makapagpapahinga na din. Pabalik na sana ako sa bleachers upang kunin ang gamit ko nang biglang inakbayan ako ni Tyler.

"Oh san ka pupunta? Tara na sumabay ka na samin." Pagaaya nito habang nakaakbay padin

Nakatingin lang ako sa braso ni Tyler na nakapalupot sakin, ganito ba talaga kabigat braso ng taong to?

"San nanaman tayo pupunta ha?" Tanong ko dito habang naglalakad kami

"Maliligo." Nakangiting sabi nito sakin kung kaya't nanlaki ang aking mga mata. Oh no this cant be!

"Ha?! Ah--ano teka may nakalimutan ako kunin ko lang" palusot ko habang sinusubukan makawala sa higpit ng pagkapulupot ng braso ni Tyler sakin.

"Hahaha. Come on man, nahihiya ka ba? Youre going to be in the team any time soon, every practice ganito kaya dapat masanay ka na." Sabi nya habang lalong hinigpitan ang pagkakakbay sakin.

"Ha? Sa dorm nalang ako maliligo may kailangan pa kasi akong ayusin" muling pagpapalusot ko ngunit binuksan na ni Tyler ang pinto ng shower room at sinama ako papaloob. Dali dali ko namang ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagbitaw ng braso ni Tyler sakin.

"Hahahahaha. Bakit ka nakapikit? Parang wala ka naman ng kung anong meron kami. Tara na." Tawangtawang sabi ni Tyler.

Gusto ko siyang sagutin ng OO pero di ko magawa kaya himbis na sumagot, kinuha ko na yung opportunity upang tumalikod at tumakbo palabas ng pinto ng biglang-- "AHHH!" Sigaw ko ng mabangga ko ang taong papasok ng pinto, kung kaya't nahulog kaming magkapatong sa sahig.

Continue Reading

You'll Also Like

539 53 29
[ONGOING] Badass #2 Thanalia Alvino also known as "Nally '' is part of an organization. She joined an organization to help other peopleใ…กmore like wea...
333K 19.3K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
253K 12.9K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
185K 6.8K 13
2 tom dylogii ,,Agony"