Koleksiyon Series 1: Victoria...

By XerunSalmirro

5K 107 3

"Ikaw ay aking obra, Yoseff. Hindi-hindi ko hahayaang maangkin ka ng iba..." Koleksiyon Series 1: Victoria Av... More

V
C
T
O
R
I
A

I

555 14 0
By XerunSalmirro

HINDI na muling pumasok pa si Yoseff sa kuwarto ng kanilang amo dahil sa panenermon ng kanyang ina. Subalit nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito kahit pa pinayagan naman siyang pumasok doon ni Victoria.
Ilang araw rin niyang hindi nakita si Victoria dahil sa pagkukulong nito sa kuwarto kaya nakaramdam siya ng pananabik na makita itong muli. Kaya napagpasyahan na lamang niyang iguhit ito base sa kanyang imahinasyon.
Halos isang araw lamang niya natapos ang kanyang iginuhit kung saan ipinapakita ang masayang pamamasyal ni Victoria sa gubat habang pinalilibutan siya ng iba't ibang mga hayop. Water color ang ginamit niyang medium kaya talagang tila nabuhay ang eksenang iyon mula sa kanyang imahinasyon.
"Sana magustuhan mo 'to, Victoria," bulong niya habang pinagmamasdan ang kanyang obra.
"Ang alin, Yoseff?" Agad niyang itiniklop ang hawak niyang papel nang bigla siyang lapitan ng kanyang ina.
Hindi siya sumagot dahil natatakot siyang malaman nito ang pagbibigay niya ng kakaibang atensyon kay Victoria. Alam niyang hindi pa matatawag na pag-ibig ang nararamdaman niya sa kabila nito ay unti-unti na niyang hinahangaan si Victoria.
"Alam ko kung ano ang itinatago mo, anak," seryosong sabi ng kanyang ina, "Kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, habang maaga pa ay pigilin mo. Dahil ikaw lang ang higit na masasaktan sa huli, Yoseff," giit pa nito.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" pagkakaila niya sa kabila ng kanyang pagtataka sa mga sinabi nito. Bakit niya pipigilan ang nararamdaman niyang paghanga kay Victoria? Ano'ng matinding dahilan ng kanyang ina upang sundin niya ito?
"Basta, makinig ka sa mga sinabi ko. Itigil mo na 'yan, Yoseff," malungkot pang sabi nito bago siya iwang nakatulala.
Ano ba ang inililihim ng kanyang ina? Bakit pakiramdam niya ayaw nito kay Victoria para sa kanya? Dahil ba magkaiba sila ng antas sa buhay kaya hindi sila nababagay?
Tama na ang pag-iisip, Yoseff, giit niya sa kanyang sarili.
Bahagya niyang inalog ang kanyang ulo upang maiwaksi ang mga katanungang iyon sa kanyang isipan. Sa ngayon ay babalewalain muna niya ang mga sinabi ng kanyang ina dahil kikilalanin niya nang lubusan si Victoria. Nang sa gayon ay maipaunawa niya sa kanyang ina na nagkamali ito ng paghugsa sa babaeng posible niyang maging kasintahan.

GAYA ng inaasahan ni Yoseff, nagustuhan ni Victoria ang kanyang obra kaya sa sobrang kasiyahan ay nayakap siya nito. Subalit agad din itong kumalas sa kanyang mga bisig nang pareho silang makaramdam ng hiya sa isa't isa.
"S-sorry," nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa kanyang iginuhit, "Maraming salamat sa regalo mo."
Kakaibang kaligayahan ang kanyang naramdaman dahil sa ikalawang pagkakataon ay siya ang dahilan ng pagngiti ni Victoria.
"Ang husay mo talaga, Yoseff," papuri nitong muli, "Gusto mo bang mag-aral sa college para ma-enhance pa ang talento mo?"
Nagulat siya sa naitanong ni Victoria dahil agad niyang naisip na baka pag-aaralin siya nito?
"Ano na, Yoseff? Gusto mo bang mag-aral?"
"O-opo," nahihiya niyang sagot dahil sa oportunidad na ibinibigay nito.
"Wala ng bawian 'yon a. Pumayag ka nang pag-aralin kita sa kahit anong university," paliwanag pa nito na nagpalaki sa kanyang mga mata, "Ipapaayos ko na agad kay Attorney Alarcon ang mga kailangan para makapag-aral ka na sa pasukan."
"Maraming-maraming salamat po, Señorita Victoria. Siguradong matutuwa po si Nanay kapag nalaman niya 'to," nakangiti niyang sagot.
Saglit siyang iniwan ni Victoria upang pumunta sa harap ng malaking painting nito. Sinundan niya ito roon kaya sabay nilang pinagmasdan iyon.
"Pero may mga pabor lang akong hihingin sa 'yo bilang kapalit..." seryosong sabi ni Victoria habang hinahaplos ang kanyang katawan sa nasabing painting, "Habang nag-aaral ka, dito ka pa rin uuwi sa mansyon."
"Sige po, Señorita. Isa pa, ayoko rin pong iwan kayo ni Nanay rito," paliwanag niya.
"Ang ang huli kong kahilingan sa 'yo, iguhit mo ako nang gaya nito, Yoseff..."
Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa kakaibang kahilingan nito. Kayanin kaya niyang iguhit si Victoria nang walang anumang saplot? Ano'ng iisipin ng kanyang ina kapag nalaman nito ang tungkol sa kondisyon hinihingi ng kanilang amo?
"Sa susunod na pagpunta mo rito, nakahanda ka nang gawin ang kahilingan ko," paalala pa nito.

ILANG araw na hindi nagpakita si Yoseff kay Victoria dahil sa pag-eensayo niya sa pagguhit. Gusto niyang maging perpekto ang kanyang gagawing obra kaya ilang beses niya itong iginuhit base sa kanyang imahinasyon. Sa bawat pagkakataong iyon, unti-unti na siyang nahuhulog sa buong pagkatao nito.
Alas tres ng hapon, araw ng Linggo, napagpasyahan niyang pumunta na sa kuwarto ni Victoria. Nang makarating doon ay agad silang naghanda sa kanilang gagawing obra.
Habang unti-unting hinuhubad ni Victoria ang mga kasuotan ay tila tinatambol ang dibdib ni Yoseff dahil sa lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Hanggang sa hindi na nga niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang kahubdan nito. Ilang beses pa siyang umiwas ng tingin dahil sa kaba at pamumula ng kanyang mga pisngi.
"Yoseff, isipin mo na ako ay iyong obra..." makahulugang sabi ni Victoria bago ito dahan-dahang humiga sa isang mahabang sofa. Muling nabuo ang kanyang lakas ng loob dahil sa sinabi nito kaya agad siyang nagsimula sa pagguhit.
Bawat maliit na detalye sa buong katawan ni Victoria ay matama niyang sinuri upang unti-unting maisalin sa papel na magsisilbi nitong himlayan. Ang mahaba nitong buhok ay malayang ipinatong mula sa kanan nitong balikat hanggang sa baywang, na nagsisilbing takip sa pagkababae nito. Ang malulusog nitong mga dibdib, na may mapupulang korona ay malayang nakahayag. Higit sa lahat, sa kabila ng maamo nitong mukha, tila nagkukubli ang isang misteryosang babae.
Ikaw ay aking obra, Victoria...
Makalipas ang halos isang oras ay tila naisalin niya ang kaluluwa ni Victoria sa kanyang natatanging obra. Muli silang binalot ng katahimikan nang sabay nila itong pinagmasdan. Subalit isang mariing halik sa kanyang mga labi ang bumasag noon.
"Señorita Victoria, ano'ng---" Nanlaki ang kanyang mga mata nang muli siyang hinalikan nito.
Ilang saglit lamang ay natangay na rin siya ng agos ng mainit na halik ni Victoria. Nakipagsabayan siya sa pakikipaglaro ng kanilang mga dila, na tila isang bihasa.
Mas lalong bumilis ang pagpintig ng kanyang puso nang bigla nitong kunin ang kanyang kanang kamay upang ipatong sa kaliwa nitong dibdib. Hindi na siya nag-atubili pa kaya marahan niya iyong hinaplos. Kasabay nang unti-unti paglalakbay ng kanyang dila sa leeg nito.
"Yoseff..." ani Victoria kaya mas lalo niyang pinagbuti ang kanyang ginagawa. Bahagya pa itong napaliyad dahil sa kakaibang sensasyon na kanyang ipinagkakaloob.
"Ako ay iyong obra, kaya puwede mong gawin, ano man ang iyong gusto," malamyos na bulong pa ni Victoria.
Alam niyang mali ang mga nangyayari subalit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Mabilis niyang binuhat si Victoria at muling ihiniga sa malaking sofa.
Hindi na niya kailangang magpaligoy-ligoy pa, alam na alam niya kung ano ang posibleng maganap sa kanilang dalawa. Agad niyang hinubad ang kanyang mga kasuotan at marahang lumapit sa katawan ni Victoria.
"Akin ka lamang, Victoria..."

ILANG beses na nagsalo sa kaluwalhatian sina Yoseff at Victoria. Sa tuwing kapuwa sila nilulukuban ng kakaibang init ay hindi na sila nagdadalawang-isip pa na muling magsanib. Lingid sa kanilang kaalaman, isang tao ang minsang nakasaksi sa kanilang kakaibang laro.
"Totoo ba, Yoseff?! Totoo bang ilang beses ka nang nakikipagsiping kay Señorita Victoria?!" Nagpupuyos sa galit si Amelia nang malaman niya ang sikreto ng kanyang anak. Sinugod niya si Yoseff na halos kabababa lamang sa hagdan makalipas ang pananatili sa kuwarto ni Victoria.
"Ano pong ibig n'yong sabihin, 'Nay?" pagkakaila pa nito.
"'Yon ba ang kabayaran ng pagpapaaral niya sa 'yo?" giit niya.
"Hindi po, 'Nay. Nagkakamali po kayo dahil mahal na mahal namin ang isa't isa kaya namin ginagawa 'yon," paliwanag pa ni Yoseff.
Hindi agad nakapagsalita si Amelia dahil sa isiniwalat ng kanyang anak. Mag-iisang buwan pa lamang ito sa mansyon pero nahulog na agad ang puso nito kay Victoria. Hindi siya makapaniwalang pagmamahal ang nararamdan nito.
Hindi kaya ginayuma siya ni Victoria?
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, anak. Hindi pagmamahal 'yang nararamdaman mo---"
"Ano po 'yon, libog lang?" sarkastikong sagot ni Yoseff na tila nagpipigil ng galit.
Matagal na siyang duda sa pagkatao ni Victoria dahil ibang-iba na ito sa batang nasubaybayan niya ang paglaki. Sa kabila ng pananahimik pala nito ay may inililihim na kalandian. Nakuha pang akitin ang kanyang anak na mas bata rito ng dalawang taon.
"Makinig ka sa 'kin, Yoseff. Itigil mo na ang pakikipagrelasyon sa kanya."
"Ano'ng sinabi mo, Manang Amelia?"
Pareho silang nagulat nang bigla na lamang lumitaw si Victoria sa unang baitang ng hagdan. Kanina pa kaya nito naririnig ang kanilang pagtatalo?
"Mahal na mahal ko si Yoseff kaya wala ka nang magagawa pa," giit nito habang umiiyak. Agad naman siyang nilapitan ni Yoseff at inalalayan pababa sa hagdan.
"'Nay, please po. Hayaan n'yo na ang relasyon namin ni Victoria," pagmamakaawa ni Yoseff.
Tinitigan lamang ni Amelia ang magkasintahan dahil isang bagay pa ang nag-uudyok sa kanya upang tutulan ang kanilang relasyon. Masama ang kanyang kutob na may ginagawang kakaiba si Victoria upang maging tila hibang sa pag-ibig ang kanyang anak.
"Please, Manang Amelia, papatunayan ko po sa inyong karapat-dapat ako kay Yoseff," pagsusumamo pa ni Victoria kaya wala na siyang nagawa kundi marahang tumango. Sa kabila nito, hindi pa rin magbabago ang tingin niya sa babaeng iniibig ng kanyang anak. Susubaybayan niya ang magkasintahan upang malaman niya ang itinatagong lihim ni Victoria.

Itutuloy...

©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
©Honorio 'Oreo' Santos | 13th_silvernitrate

Continue Reading

You'll Also Like

LEXTER By alien👽♡

Mystery / Thriller

14.4K 656 23
|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Mag...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
91.9K 3.4K 47
"Not every story is meant to be closed." Kasabay ng misteryong nilulutas ng grupo nila Vonjo ay may isa pang kababalaghan na nagaganap. Ngunit hindi...
317K 17.1K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...