Disguise Inlove With You Pare...

By kyleellorin

170K 5K 612

NOTE: This story is written in filipino. Masipag akong magupdate kaya there's no reason para mabitin. If you... More

Author's note
Cast
Disguise inlove with you pare
I. Not my typical lame day
II. Cute love story
III. Letters and green tea latte
IV. Mr. Smith
VI. Shit just got real
VII. Fraternities and other necessities
VIII. Shoot
IX. Try-outs and Layouts
X. The story behind the snow globe
XI. A day in the carnival
XII. The feeling's mutual
XIII. Friends with a frog
XIV. Just my luck
XV. My first kiss
XVI. This is so not happening
XVII. Closer
XVIII. Clark
XIX. Stuck with this beautiful jerk
XX. Crazy for you
XXI. Puzzle
XXII. Feelings
XXIII. Greentea and strawberry syrup
XXIV. Playing spy
XXV. You snore like a pig in a barn
XXVI. Tattooed on my mind
XXVII. Confessions and Misconceptions
XXVIII. You give me the whole damn zoo
XXIX. A recipe for disaster
XXX. A recipe for disaster part 2
XXXI. Rainbow after the rain
XXXII. Don't you
FILIPINO CAST!!
XXXIII. You light up my whole world
XXXIV. Late night visit
XXXV. First date
XXXVI. Beach bum
XXXVII. Beach bum part 2
XXXVIII. Sparks Fly
XXXIX. Home
XL. Outdoor Project
XLI. Celebration
XLII. Birthday Dinner
XLIII. Letting go
♂ Epilogue ♀
SEQUEL!!
The Last Pure Soul

V. Blue Smith

3.8K 73 9
By kyleellorin

Umaga ng June 3 dumating si derek sa bahay. At halos di ko siya makilala. Papano suot ba naman niya yung prosthetic na binili niya. Sabayan pa ng pink fitted shirt na hapit sa muscles niya. Ansaveh? Di talaga siya mukhang bakla, kung tutuusin nakakapanghinayang. Kagwapo naman niya may katawan pa, hay ewan ko ba.

Sakto lang yung pagdating niya kasi paalis na din si mom, napagdesisyunan niya pumasok nalang ngayon tutal daw ihahatid naman ako ni Tommy. (Yun ang akala niya.)

"Bye tita. Ingat kayo." Nakangiting nagwawave si derek kay mom habang palabas si mom ng pinto.

"Oh, basta balitaan niyo ako agad pag andito na si Tommy ha? Pati pag nakarating na kayo sa University. Ingat ka anak. Goodluck!!" At saka muling nagtungo sakin para bigyan ako ng mahigpit na yakap. At halik sa pisngi. Hinimas niya din ang ulo ko. "Pakabait ka anak ah? No boys sa room ha?" Pagpapalala nito. Kung kaya't parang napaubo si derek. Tingnan ko naman siya ng masama. At muling binaling ang tingin ko kay mom at hinawakan ang kamay niya.
"Offcourse mom. No funny business. I swear." At nginitian ko siya.
Nag nod siya at muli akong hinalikan sa noo. "Loveyou nak!"

"Loveyou too mom!" Saka siya tuluyang umalis. Nang nasigurado na namin na nakaalis na nang tuluyan si mom. Dali dali kaming tumaas sa kwarto. Kailangan na namin magmadali. 6:30am na at kailangan naming makarating doon ng 10am.

"Hubad!" Utos ni derek. Nilakihan ko naman siya ng mata. Bakit niya ako pinaghuhubad? Akala ko ba bakla siya?

"Hay nako sis ah tigil tigilan mo yung iniisip mo kung ano man yan, EW lang ha. Di tayo talo. Yuck" sabi niya with matching pandidiri expression. "Maghubad ka na at mamakeupan natin yung katawan mo. Magpantalon ka nalang para yung upper body mo nalang ang mamakeupan natin. Isusuot mo pa ba yung bandage mo? Keri naman kahit wag na wala din naman." Tatawa tawang sabi nito kung kaya't binatukan ko siya.

"Hahaha aray ko sis ah. Just stating the truth. Hahaha. Oh sige na ilagay mo na yung bandage" Ginawa ko ang sinabi niya at pag tapos ay nilagay niya na yung prosthetic na cheekbones at yung sa ilong at minakeupan niya na ako mula sa mga daliri ko hanggang sa balikat, sa batok, leeg pati mukha ko pati sa likod ng tenga ko. Yung 2 shade darker yung ginamit niya kung kaya't nanibago talaga ako. Nilagyan niya din ako ng setting powder para daw magstay all day yung make up sa katawan ko. Sunod, pinusod niya ang itim kong buhok at saka nilagay ang cap.

"Hahahaha. Wtf sis mukha akong kalbong tan!" Natatawang sabi ko kay derek. Maging siya ay namumula na kakatawa sobrang puti kasi niya kaya pulang pula na siya ngayon.

"Wait lang kasi sis. Oh ano ba bet natin dyan? Messy or clean cut?" Tanong nito. Ngumiti naman ako.

"I'll go with the clean one." Nakangiting sabi ko.

Nilagay niya na yung clean cut na wig at isa lang ang masasabi ko ang gwapo ko ah. Kahit na ganito yung kulay ko ngayon. Kaya lang may nakalimutan pala kaming ilagay.

"Sis! Yung contacts nakalimutan natin" nagpapanic na sabi ko sakanya

"Take a chill pill sis. Ilalagay natin yan, iretouch nalang natin makeup mo for sure mababasa kasi ng solution yan." I nodded.

Nilagay na nga ni derek yung contacts at niretouch niya ako. Pinilian niya din ako ng damit na isusuot. Tinanong niya ako kung ano daw ba gusto kong maging impresyon sakin kung good or bad boy daw. Siyempre to keep a low profile sinabi ko good boy. Kaya pinilian niya lang ako ng long sleeves polo na kulay navy blue. At pants na itim. At sinuotan niya ako ng glasses. Kaya napatingin ako sakanya.

"San galing yan sis? Wala naman akong biniling ganyan." Tanong ko na may halong pagtataka

He patted my shoulders. "Ano ka ba, sakin yan. Keme lang yan walang grado yan pang porma lang. Bagay sayo."

This time di ko na napigilan sarili ko at niyakap ko siya. "Thankyou talaga sis ha?" Ngumiti naman siya.

"Ang gwapo mo sis, not so tall, dark and handsome. 5'8 ka lang kasi parang ang liit para sa lalaki diba?" Pagdescribe niya sakin
"Hay nako kung di ko lang alam na girlalu ka, papatusin kita" natawa naman ako sa sinabi niya.

Tumingin ako sa relo at 8:30 na dalawang oras din pala kaming nag ayos, buti nalang at nagimpake na ako kagabi palang kaya wala na akong aalalahanin pa. Niligpit ko nalang yung mga ginamit namin at nilagay din ang mga ito sa bagahe ko. Ang dami kong dala, may dala din kasi akong mga pangbabaeng damit dahil balak kong maghanap ng part time job malapit sa University.
Nakaalis kami ng bahay ng mga 8:45, sa buong biyahe walang dull moments kasi sobrang kwela talaga kasama nitong si derek. Dahil sa mabilis niyang pagmamaneho, nakarating kami sa University ng 9:50, napabuntong hininga nalang ako kasi alam kong malalate ako. Pinasok ni derek ang sasakyan niya sa loob upang mapabilis ang paghahanap namin sa building kung saan gaganapin ang orientation ng freshmens. Nang makarating kami dito, minabuti niyang magstay sa kotse niya at bantayan ang mga gamit ko, ibibigay palang kasi yung dorm number namin ngayon. At sabi ni derek tutulungan niya akong dalhin mga gamit ko hanggang sa room ko kasi nga naman sa sobrang dami ng gamit ko, impossibleng mabuhat ko ito lahat. Bago ako bumaba ng kotse. Hinawakan ni derek ang aking mga kamay. "Sis, this is it okay? Wag ka magpapahalata sa kahit sino ha? And lagi mong babantayan yung lalim ng boses mo okay?" Pagpapaala nito. Pinatong ko naman ang kamay ko sa kamay niyang nakapatong sa isa kong kamay.

"Copy sis. Thankyou so much!!" At saka ko siya niyakap.

"Sige na go na girl. Goodluck!" Ngumiti ako bago ko lisanin ang kotse.

----------------------------------------------

Pagpasok ko sa building bumungad sakin ang napakadaming tao. Grabe ang dami naming freshmens. Agad akong nagtungo sa information table na nakahanay bago ka makapasok dun sa mismong pinagoorientan.

I cleared my throat bago ako magsalita. Kailangan kong laliman ang boses ko. "Goodafternoon, um medyo nalate ako. Um, sa loob ba muna ako pupunta?" Sabi ko sabay turo dun sa pinagdadausan ng orientation.

Nginitian ako ng babaeng nasa information table. Siguro nasa late 20's na siya. "Hi there. Um, can i see your registration form?"

Nagnod naman ako at iprinisenta sakanya ang aking registration form.
May kinuha siya form at may isinulat doon. "Here" sabi niya sabay abot ng form saakin. "Nakalagay dyan yung dorm number mo, and yung magiging guide mo for this day para ma familiarize ka sa University, don't forget to tell your guide na dalhin ka sa mga booths ng Clubs and Fraternities, as joining one can help you with your performance since i saw here that you're a scholar" at muli siyang ngumiti.

"Thankyou miss." Papasok na sana ako sa loob ng tawagin niya ako muli.

"Sorry, uh I forgot to give you this" she handed me a card which is color green. "Go to the green tables after the orientation, andun yung guide mo. Kindly ask them nalang." At muli siyang ngumiti at ganun din ako. Pumasok na ako sa loob ng silid, parang isang malaking auditorium pala ito. May mga chairs na naka lign up sa gitna, tapos sa mga gilid may mga nakapwestong long tables na may kulay, at meron ding mga nakaupo doon siguro yun ang mga guides. Mukha silang mga student volunteers. Minabuti ko nang humanap ng bakanteng upuan. Sa medyo gitna ako humanap ng mauupuan para medyo malapit sa stage para makita ko padin ng maayos yung nagsasalita, sobrang dami kasing tao kaya di mo gugustuhing pumwesto sa likod. Nakinig na ako sa nagsasalitang lalaki sa harap, matipuno siya mukhang nasa late 30's. Medyo hawig pa niya si Bradley Cooper. Dahil late ako. Minabuti kong itanong sa katabi ko kung sino yung nagsasalita dahil nacucurious ako. Tumingin ako sa mga katabi ko isang babae at isang lalaki. Siyempre being a girl una kong tinry kausapin yung babaeng katabi ko. Blonde siya at sakto lang naman ang ganda. "Um hi?" Paunang sabi ko kaya't napatingin siya sakin. Saka niya ako inirapan. Hala ang sungit ni ate oh, kala mo naman ikinaganda niya. Kaya dun sa katabing lalaki nalang ang kinausap ko. "Um hi, uh I kinda came late so you mind if I ask you who's up stage?" Cool na tanong ko. Mukha naman mabait yung kinausap ko, naka glasses din siya tulad ko pero tingin ko yung sakanya may grado. "That is the University's Dean." Tipid na sagot niya.

Ngumiti naman ako at inabot ang kamay ko. "Ah-" natigilan ako oo nga pala lalaki ako kailangan ko din ibahin yung pangalan ko.

"Blue Smith" pagpapakilala ko.
Agad naman niyang inabot ang kamay ko at nakipagshake hands.

"Arch Rivera" nakangiting sabi niya. Rivera? Kamag anak kaya siya ni Mrs. Rivera yung may mag ari ng flower shop? Curious kitty ako kaya tinanong ko siya.

"Um, by any chance does your family owns a flower business?" Random na tanong ko.

"As far as I know, wala" sabi niya habang nakatingin dun sa dean na nagsasalita. Nag nod nalang ako at nakinig din.

Pagtapos nang halos isang oras natapos na din ang orientation. Saglit lang din naman nagsalita yung dean pagtapos madami nang nagpapalit palit para mag sabi ng mga rules and regulations ng University. Hinanap ko na yung green table kung saan ko matatagpuan yung guide ko, pagdating ko dito agad akong sinalubong ng african american na lalaki. "Hey how may I help you?" Tanong nito sakin.

"Um, Im looking for my guide."

Napa nod naman siya. "Oh I see, can I see your form please?" Agad ko din namang pinakita sakanya yung form ko.

"So, you're assigned with Regina Miller. Come on follow me bro, by the way Lyroi Jackson" sabi niya sabay abot ng kamay sakin kaya't inabot ko naman yun at nakipag shake hands.

"Blue" "Blue Smith" pagpapakilala ko.

Sinundan ko lang si Lyroi hanggang sa makarating kami sa ilang nagkukumpulang mga estudyante. Sumingit dito si Lyroi kung kaya't ganun din ang ginawa ko.

"Reggie, here's another freshie for you" sabi ni Lyroi sa babaeng may red hair. Teka, kilala ko siya. Siya yung babaeng may red days noong examination day.

"Hi. Regina Miller" sabi niya at inabot sakin ang kanyang kamay. Wow ha nakakpanibago ang nice naman niya today parang nung nakaraan napakasungit niya lang.
Nakipagshake hands ako at nagpakilala. Tinawag niya na din ang iba pang iguguide niya, madami din kami mga 10.

Nagsimula na kaming maglakad.
Una kaming dinala ni Reggie sa sports hall. Meron itong limang palapag. Ang unang palapag ay basketball court may mga upuan din na iilan sa gilid kaya sa palagay ko hindi lang ito ang basketball court dito dahil medyo maliit ang seating capacity neto. Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang voleyball court. Sa ikatlong palapag badmiton court sa right side at sa left side naman ay table tennis at darts. Sa ikaapat na palapag naman ay dance studio at studio para sa gymnastics. Sa pinaka taas naman ay gym, puno ito ng mga gamit na pang work out. Nakakmangha kung pano nila na maximize yung space dahil nilagay nila ang lahat ng ito sa loob ng isang building. Sa tabi ng sports hall na ito ay ang olympic size swimming pool ng University at sa kabilang side naman nito ay ang baseball field. Pagtapos namin pumunta dito nilibot naman kami ni Reggie sa mga buildings kung saan madalas pag ganapan ng mga classes. Pati mga offices naituro na din niya pati yung girls dormitory at boys dormitory. Medyo malayo din ang pagitan ng dorm ng babae sa mga lalaki. Nasa magkabilang dulo ito ng University. Naka shuttle kami kaya di naman kami napagod. Nang matapos kami sa pagiikot sa University, muli kaming inihatid ng shuttle sa tapat ng building na pinagdausan kanina ng orientation. Tumingin ako sa wrist watch ko, dalawang oras din pala kaming nagikot. Hay, kamusta kaya si derek siguradong inip na yun ilang oras ko na siyang pinagaantay.

"So that's it freshmens. Welcome uli sa Stander University. Meet me here again tomorrow ng 10 am, para mafamilliarize kayo sa mga Clubs and Fraternities or Sororities." Cool lang na sabi ni reggie. Nag squeak naman yung mga babaeng nasa guide group namin ng narinig yung SORORITIES. Kaya napairap naman yung mata ko. After that nagpaalam na si Reggie samin kaya naman dumeretso na ako dun sa kotse ni derek para sabihan siyang pwede na namin ilipat ang gamit ko sa dorm ko. Im so excited!!

TOK TOK TOK! Katok ko sa bintana ng kotse ni derek ng makitang nakanganga itong natutulog. Kung may camera lang yung phone ko siguro napicturan ko na to eh, swerte niya wala. Hehehe. Napabaligkwas naman siya ng bahagya and then he rubbed his eyes. At saka niya binuksan ang pintuan ng driver seat kung saan siya nakaupo.

"Grabe sis, nakatulog na pala ako." Sabi niya at saka humikab

"Sorry sis medyo natagalan kasi nilibot kami ng guide sa buong University. Okay ka lang? Gutom ka ba gusto mo ba muna kumain?"

"Um- actually oo! Tara kain tayo libre mo ah? Hahaha" napailing nalang ako at natawa kay derek. Sumukay kami sa kotse niya at dinala ko siya sa Wendy's, yep may Wendy's sa loob ng campus.
Sosyal no? Hahaha.

Pagtapos naming kumain tinuro ko sakanya ang way papunta sa boy's dormitory at nagdrive kami papunta doon. Maya maya pa ay narating na din namin ang dorm. Yung labas niya ay parang sinauna it's made out of rocks, yung tipong mga gusali sa italy and rome. Ibinaba na namin ni derek ang mga gamit ko at nagtungo sa loob ng dorm. And what can I say may lobby din ito na parang hotel/condominium may highlights din ng gold yung mga dingding and there's painting sa ceiling. May mga couches din sa lobby kulay white and may linings din ng gold. Kulang nalang magarang chandelier, pero simpleng chandelier lang ang nandito.

"Wow" sabi ko habang tinitignan ang paligid. Napatingin din ako kay derek na naka buka ang bibig.

Hinawakan naman niya ang braso ko at niyugyog niya ako.

"Sis- Ay! Bro grabe ang ganda dito!" Sabi niya sakin ng normal niyang boses nakakpanibago dahil di ako sanay ng hindi matinis ang boses niya. Kaya naman napahalkhak talaga ako.

Umakyat kami sa 5th floor dahil doon ang room ko sabi dito sa form. Pagdating namin sa ikalimang palapag agad naming hinanap ang room 522. Buti nalang talaga at may elevator dahil ang dami ko talagang dalang gamit imaginin nyo nalang kung stairs lang ang meron dito kamusta naman yun no. Nang nahanap na namin ang room ko. Binaba na muna namin ni derek ang gamit sa tapat ng pintuan. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Nalaglag ang panga ko sa nakita ko, bumungad sakin ang naghahalikang lalaki at babae. At hindi lang yun walang saplot yung lalaki sa upper body niya at naka bra lang yung babae pero parehas naman silang may saplot sa baba. Naka lean ang lalaki sa drawer na nakatapat sa pintuan habang natatakpan naman siya ng babaeng nakatalikod sa gawi namin. Narinig ata nila ang pagbagsak ng maliit na bag na hawak ko dahil sa pagkagulat sa masagwang nakita ko kung kaya't napatigil sila at napatingin silang parehas sakin. At pagka kita ko sa mukha nung lalaki---- "SHIT."

----------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 58.5K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
6.6K 361 4
It's been on your mind for a while, but you wonder if the moon always looked this bright back in the real world. Or whether it would still look this...
219K 1.1K 199
Mature content
56.7K 1.1K 95
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...