Love, Daddy Long Legs

By erraticlyme

268 25 0

Haggang kailan mo kayang mag-hintay? Panahon, pagkakataon at mga pangyayaring tatahi sa landas ng dalawang ta... More

Author's Note:
Prologue
Chapter 1» Elaine Santiago
Chapter 2» Athazagoraphobia
Chapter 3» Decoding her Enigma
Chapter 4» Absent
Chapter 6⏩ Saved
chapter 7⏩ Push
8⏩Warzone
9⏩Alala

Chapter 5⏩ MIGO

12 3 0
By erraticlyme

MIGO's POV



I only care about 3 things:

My family

My Basketball career

At yung bestfriend ko, si Elaine.

Try and mess with any of this 3, at magkakagulo tayo. I'm not a bad guy, di' din naman ako mahilig sa away. But if I'm forced to? I'll do it without any second guessing. Alam ko my name is quite popular nowadays, dahil nga sa sports ko pero di' ko naman ipinagyayabang yoon. In fact kahit madaming tao ang kadalasang nakapaligid sa akin, konti lang talaga yung group of people na pinagkakatiwalaan ko'. At nasa number 1 spot si Elaine. Bata pa lang kami magkasama na kami, we've been through each others ups and downs. And I have no plans of changing that anytime soon.

I can easily be myself pag magkasama kami. Walang tensyon, walang pagaalinlangan, lahat smooth sailing lang ika nga nila. Kaya gagawin ko' lahat para lang ingatan at alagaan ang friendship namin.

Maybe I should text her. Itatanong ko' if gusto nyang sumabay sa'kin papasok.

Migo:
*els, sabay b tyu ngaun?

Elaine:
Negative. D aq papasok ngaun

Migo:
Ha? Bkit?

Ang tagal naman magreply nito. Tinignan ko yung orasan sa itaas ng headboard ko'. ''15 minutes na hindi pa sin sya nagrereply? Tawagan ko na nga lang'' I dialled her number in anticipation, ''ano ba ginagawa nito bakit ayaw sumagot?'' Tumayo ako sa kama at tinawagan sya ulit. Finally she answered at the 5th ring.

''Ano problema mo?'' Tanong ni Elaine

''Wala, ikaw ano problema mo? Bkit hindi ka papasok?'' Sabat ko naman. Tigas talaga ng ulo ng isang to'. Wala man lang syang sense of authority, wala syang pakialam kung nag aalala ka sa kanya basta lang gagawin nya kung ano gusto nya. Unbelievable.

Napabuntong hininga sya, and I could tell na minamasahe nya ngayon ang sentido nya. Lagi nyang ginagawa yoon kapag stressed out sya. ''Wala lang,tinatamad lang ako'' paliwanag nya pa. But she knows that I'm not buying that excuse.

''Are you sick? You want me to come over? Magdadala 'ko ng lugaw tsaka crispy tokwa't baboy.'' Hah! An offer I knew she couldn't resist.

She's breathing slowly, contemplating on her answer. ''Padamihan mo yung baboy ha, tapos palagyan mo ng spring onion yung lugaw ko'' utos nya sabay baba ng phone.

Nakakatawa talaga 'tong bestfriend ko. Ang takaw. I got up from my study table para maligo na. Buti na lang at 10:30 pa ang first class ko, kaya makakapag breakfast pa ako kela Elaine.

After a blissful trip to the shower agad na akong bumaba. Taking 2 steps at a time.

''Migo! Ilang beses ko bang sasabihin na delikado yang pagtalon talon mo sa hagdan, kangaroo ka ba? Ha?'' Mom. She's overprotective, as in.

''Ma, 20 na'ko. Kayang kaya ko na buto ko.'' Sabi ko kay mama sabay akbay at ngiti sa kanya. The brightest smile I can offer. She playfully nudge my side.

''San ka na naman pupunta? Maaga pa ha.'' She asked handing me a cup of freshly brewed coffee. ''Kumainka muna bago ka umalis ha''

''Di na ma. Dun ako kela Elaine magbebreakfast di daw kasi sya makakapasok.'' Sabi ko kay mama habang iniinom yung kape.

''Why? Is she sick again? Ipagluto ko kaya sya ng chicken noodle soup?'' Nag aalalang offer ni mama

''Nope, she's not sick. Tinatamad lang yun'' paliwanag ko kay mama. Ayoko naman na mag worry sya ng husto sa bestfriend kong tigasin.

Mom just nodded ''Migo, paki kamusta ang tita Cynthia mo ha pag dating mo doon'' pakiusap ni mama sabay abot sakin ng fruit basket. San naman kaya galing to? Prepared si mama? Astig.

''Ma san galing tong fruit basket? Magician ka ba?'' Natatawang sabi ko sa kanya. A small crease formed at her forehead, looking at me na para bang tinubuan ako ng kung ano sa muka ko.

''Don't be ridiculous Migo, bigay sa akin ito ng isa sa mga suppliers ko. Kesa masayang dalhin mo na lang kela Elaine'' sabi ni mama habang niririarrange yung fruits.

''Sige ma, I have to go na.'' I gently placed a peck on her forehead while hugging her slightly. Lumabas  na ko ng bahay dala yung fruit basket.

It's a good a thing walang traffic, bibili pa pala ako ng lugaw ni Els. Baka sapakin ako pag dumating ako dun na prutas at hindi crispy baboy ang dala ko.

After having my order composed of: 4 na lugaw, isang order ng crispy tokwa't baboy,isang separate order ng crispy baboy at isang hard boiled egg. Ayos, sakto nagugutom na din talaga ako. Nagdrive pa ako ng mga 20 minutes bago ako makarating kela Elaiane, nung nasa harap na ako ng gate nila I instantly pulled over at pagkatapos ay bumababa na ako sa kotse at agad na nag doorbell.

Tita Cynthia opened the gate for me. Instantly wrapping me with in her embrace. Naamoy ko agad yung signature scent nya, amoy cookies. Napangiti ako sa naisip ko, napansin nya siguro kaya agad syang nagtanong.

''Ano naman kaya ang nagpapangiti sa gwapong bata na ito?'' Nakangiting tanong ni tita sa akin habang medyo nakatingala at nakahawak sa bewang ko.

''Kayo po tita. Wala ng iba pa'' sagot ko sa kanya habang nakangiti ng husto. Lagi namang ganito ang usapan namin ni tita. She's just so sweet.

''Bolero! Manang-mana ka sa papa mo'' pang-aasar ni tita ''tara na, pumasok ka na at kanina ka pa hinihintay ni miss Su'' natawa ako sa sinabi ni tita, miss Su kasi ang tawag nya kay Els, short term for miss Sungit. Tumawa din si tita at sabay na kaming pumasok sa bahay nila.

''Bakit ang saya nyo? Anong meron?'' Tanong ni Elaine habang bumababa sya ng hagdan. Napatingin kami sa kanya ni tita Cynthia

''Wala, dapat ba may dahilan?'' Sagot ko'. Alam kong maaasar to' lalo pag sinabi ko yung pinag-uusapan namin ng tita nya eh.

''Leche'' naiirita nang sagot ni Elaine, sabay irap.

''Elaine!'' Saway naman ni tita ''napaka ano mo talaga''

''Okay lang tita. Sanay na'ko dyan.'' Tumingin ako kay Elaine, mukang badtrip talaga sya. ''Oo nga pala tita, may fruit basket na pinabibigay si mama'' bigla kong naalala, kung nagkataon, mabubulok nanaman sa compartment ko yoon.

''Galing sa mama mo?'' Tanong ni tita, tumango lang ako sa kanya ''paki sabi sa kanya salamat ha. Maiwan ko na kayo dyan. Hijo, dalin mo na lang sa kitchen yung fruit basket ha.'' Nakangiting pakiusap ni tita, tumango lang ako at sumunod.

''Els mauna ka nang kumain, kunin ko lang yung fruit basket''

''Wala naman akong balak hintayin ka eh'' sagot ni Elaine. Looking very irritated. Di' ko na pinansin at lumabas na ako.

---------

''So..'' I started ''anong nanayari?'' Mukang di' na'ko makakapasok nito, seeing as to how Elaine is acting up today. Tumingin sya sa'kin at nagbugtong hininga.

''Migy napanaginipan ko sya'' kumunot yung noo nya at saka yumuko. Sabi na eh, may mali talaga sa kanya ngayon. Pinaglaruan nya yung natitirang lugaw s mangkok nya habang medyo nakangiwi.

''Sya?'' Tanong ko, I know, I must've sounded very stupid. ''Els, wag ka nang umasa. Ilang taon mo na ba syang hinihintay? Nagpakita ba sya? Di'ba hindi? So quit it.'' I said, coming off sounding a little harsh. Napatingin sa'kin si Elaine at napabuntong hininga.

''Migy, di mo 'ko magets no? Ang hirap kasi. Sya yung nagpapa aral sa'kin at nagbibigay ng allowance pero di' sya nagpapakita? Ang unfair lang ng sobra'' Elaine whinned

''You are just ridiculously infatuated with a philanthropist'' I said plump forward, rolling my eyes in the process

''Gago! Hindi no! Reciprocal naman ha!'' She retorted, shouting at me.

''Elaine, over a hundred letters won't prove anything'' I shook my head in disbelief. Paano nya kaya nagagawang maniwala sa hindi nya nakikita.

''Miguel, kahit anong sabihin mo, sya pa rin yung daddy long legs 'ko'' She beamed. Bipolar talaga, kala nya ba sya si Judie Abott?

Whoever he is, I swear, hahanapin ko sya. Just wait Elaine, mahahanap ko din sya.

''Fine, pero bago yan itext mo muna yung partner mo sa project'' trying to distract her. Mukang gumana dahil bigla syang natigilan.

''Hala shit! Nawala sa isip ko!''

Natawa ako sa reaksyon nya. Thank goodness at okay na ulit sya.

----

Yey! Natapos ko din. Sorry late na, I have 2 more stories I'm working on kasi kaya naman medyo talagang dinudugo yung ulo ko sa kakaisip ng plot. Hahahaha hence,sana magustuhan nyo pa lalo yung gawa ko.

Thankyou modern bookworm 😘❤

Continue Reading

You'll Also Like

16.6M 721K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
86.3K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
920K 37.2K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...