Right Love At The Wrong Time

By _aleksandra105

34.6K 1.3K 338

The Finale. More

Prolouge ☺️
Chapter 1: Continuation
Chapter 2
Chapter 3: Amnesia
Chapter 4
Chapter 5: Secrets
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 10
Important Note *Please read
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15.1
Chapter 15.2
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Hello
Epilogue

Chapter 26

732 44 10
By _aleksandra105

"Tita... Naaksidente po si Alex!"

"ANO?! N-nasaan na sya?! Jusko!"

Ramdam na ramdam nya ang pagtibok ng puso nya, pabilis ng pabilis.

"N-nasa ospital na po sya. Dinala po sya ni tita Nik."

"E-eh. Sige, papunta na 'ko."

In-end nya na yung call, ginising nya si Ayisha para samahan sya. Kinuha na nya yung susi, tapos pag upo nya sa driver's seat. May narealize sya.

"Susme! Hindi ko nga pala ako marunong mag maneho! Ano ba yan?! Natataranta na 'ko."

Tinawag nya yung driver nila. Tapos umupo na sya sa backseat kasama si Ayisha.

"Saan ho tayo Ma'am?"

"Sa hospital."

"Saan pong ospital Ma'am?"

"Ay, shit! Nakalimutan kong itanong. Basta po, pupunta po tayong Batangas."

"Okay po Ma'am."

Tinawagan nya si Rave.

"Tita?"

"Rave, saan nga palang ospital yan?"

"Sto. Rosario General Hospital po."

"Sige. Salamat, papunta na 'ko dyan."

"Ingat po tita."

---

Sinusubukan nyang tawagan si Richard.

Calling Babe...

"Richard... Sagutin mo yung telepono mo!! Tsk."

Naiinis na sya kasi ring ng ring pero hindi naman sya sinasagot. Nakailang dial pa sya, tapos unattended na.

"Kung kailan kailangan saka pa hindi sumasagot!"

After hours, nakarating na din sila sa ospital, sinalubong sila ni Rave.

"Rave, ano bang nangyari?"

"Kasi po tita, naglalaro po kami ng frisbee. Katabi po kasi ng highway yung bahay ni tita Nik. Hinabol nya po yung frisbee kaso di nya nakita na may motor."

"Jusko! Kamusta na sya?"

"Okay na po sya tita. Kailangan lang po gawan ng minor surgery yung forearms nya then may galos po yung noo nya. Kailangan pong tahiin. "

Kinabahan sya.

"Nasaan na ba sya?"

"Nilipat na po sya sa private room. Actually katatapos lang din po ng surgery nya."

She was quite relieved.

"Uhm, tita... Pasensya na po. Alam ko pong pinangako ko na babantayan ko sya."

"Okay lang yun, Rave. Ang mahalaga, ligtas na sya ngayon."

Pumasok na sila kung saan nakaconfine si Alex. Tulog pa ito dahil kailangan ng katawan nya ng pahinga. May bandage ito sa braso at pati sa ulo nya.

Naabutan nila si Monique na nagbabantay kay Alex. Nilapag nya yung bag nya sa table.

"Goodafternoon Monique."

"Ate Dawn. *beso-beso sila* Long time no see."

"Oo nga. Sobrang busy na kasi. Nako, pasensya ka na ha, nadamay ka pa dito sa pinag gagawa ni Alex."

"Wala yun. *smiles* (omg. Monique!!) Pano, mauna na muna ako. Kailangan ko pang bumalik ng Makati ngayon eh. May meeting sa city hall."

"Maraming salamat ulit! Ingat ka! Bye."

"Bye tita." -Ayisha

Pagkalabas ni Monique, lumapit sila ni Ayisha kay Alex.

"Mommy, what happened to ate?"

"Naaksidente sya anak."

"Is she going to be fine?"

"Of course anak."

Hinalikan ni Ayisha sa pisngi si Alex.

"Pagaling ka po ate!"

Napangiti naman si Dawn.

"Tita, labas lang po kami ni Ayisha. Bili lang po kami ng meryenda."

"Sige. Ako na ang bahala magbantay dito."

...

"Hay anak, napakatigas talaga ng ulo mo, noh? *smiled* Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa'yo."

Di nya na napigilan at napaiyak na sya.

"Sana naman, pag galing mo hindi na matigas yang ulo mo. Tsaka anak, gustong gusto ko ng magkaayos tayo."

Hinawakan nya yung kamay nito.

"Nakakatawa isipin na, nahahawakan lang kita kapag tulog ka. Yung tipong hindi mo alam lahat ng nangyayari sa paligid mo. Katulad ng ganto. Namimiss na ni mama yung mga yakap mo. Yung paglalambing mo. *sobs* Sana dumating yung araw na tawagin mo ulit akong mommy. Yung hindi ka na napipilitan. Tapos sabay na tayo kakain ulit ng madami."

Tumawa sya tapos pinunasan nya yung luha nya.

"Ang drama ko na naman. Hays, ano ba itong nanay mo anak. Pagaling ka, kailangan ka na namin ng daddy mo."

Hinalikan nya sa pisngi si Alex. Tapos umupo na sya sa couch at chineck ang phone nya. Wala pa ring Richard na tumatawag o nagtetext man lang.

She sighed then rolled her eyes. Isa na namang bagay na pag aawayan nila ni Richard. Panigurado.

Maya maya pumasok si Ayisha at Rave. May dala dalang doll si Ayisha, nakabox pa. Tapos si Rave naman may dalang meryenda.

"Ayisha, bakit naman nagpapabili ka ng ganyan sa kuya Rave mo? Ang mahal mahal nyan eh."

"Mommy. Pasalubong po ito ni daddy. Look, it's sooooo cute po!"

"Nandyan na ang daddy mo?"

"Opo."

"Ah, tita. Nasa labas po si tito. Nagpapark lang po. Nakita nya po kasi kami doon sa convenience store."

Finally. She sighed. Tapos bumukas ang pinto. Si Richard.

"Buti naman at naisipan mong pumunta dito. Ha!?"

Masungit na tanong ni Dawn.

"Uhm. Tita, tito. Labas po muna kami ni Ayisha, baka po may pag uusapan kayo."

Tapos lumabas na sila ni Ayisha, pumasok naman si Richard at sinarado ang pintuan.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may nangyari kay Alex?! Kailangan ko pa malaman kay Manang Emy na pumunta kayo dito."

Magsisimula na naman sila. Sighs.

"Hindi sinasabi!? Tignan mo kaya yang cellphone mo!"

Pagkabukas nya ng phone nya, nakita nya. 27 missed calls.

"Shit."

"Ano!? Ilang ulit ako tumatawag! Di mo sinasagot! Tapos nung huli, cannot be reached na!"

"Teka nga, magpapaliwanag ako. Okay?! After ng shoot namin, may pinuntahan kami ni direk na event. At bawal sa venue ang cellphones so they have to confiscate it. Saka ko lang nakuha ang phone ko, paglabas namin. At lowbat pa. Pagdating ko ng bahay, sabi ni Manang, pumunta nga daw kayo dito. So sumunod ako. Nagdala na nga lang ako ng power bank eh."

"Alam mo, Richard. Hindi talaga kita maintindihan eh. Ano ba talagang gusto mo sa buhay?! Gumawa lang ng gumawa ng anak. Tapos ano?! Di mo naman kayang panindigan yung mga responsibilidad mo sa kanila!"

"Ano bang pinalabas mo ngayon, Dawn? Ha?!"

They were both shouting  at each other.

"Kapag landian, ang bilis bilis mong magreply! Ha! Tapos ngayon, kung kailan kailangan ka, ano!? Hindi ka macontact!"

"Uulitin ko sayo, Dawn! Kaya ko nga lang hindi nasagot, eh hindi ko hawak hawak ang cellphone ko! Okay!? Nagtatrabaho ako!"

"Ah. Yun naman pala! Trabaho! Inuuna mo na naman yun! Kagaya ng dati. Ganyan din ang naging problema natin noon eh! Hirap kasi sayo, basta trabaho, gagawin mo agad! Sasabihin mo hindi ka makatanggi kasi nakakahiya! Sabagay, yun naman kasi ang priority mo, hindi ba!? Yung trabaho mo!"

"Alam mo kung bakit hindi mo ko naiintindihan!? Kasi sarado yang utak mo, Dawn! Gusto mo lang marinig yug mga gusto mo. Gusto mo, ikaw lang lagi yung tama! Nakakairita nga kung iisipin eh! Napakaliit na bagay lagi na lang natin pinag aawayan!"

"Yun din ang problema mo! Lahat ng bagay para sayo, hindi importante. Maliit lang ba itong bagay na 'to?! Richard, anak natin nakasalalay dito."

He sighed then ran his finger through his hair.

"Wala namang mangyayari kung papagpatuloy pa natin 'tong usapan na ito. Sana naman, Dawn. Isipin mo din ako minsan... Isipin mo yung mga bagay na ginagawa ko para sa pamilya natin."

He said then he left her. Then she started crying.

Paglabas nya, nakita nya si Ayisha na umiiyak, naka kandong sya kay Rave. Nakaupo sila sa upuan katabi ng pintuan sa labas.

His face softened. Tapos kinarga nya si Ayisha.

"Bakit ka umiiyak, princess?"

"Daddy, k-kasi nag aaway kayo ni mommy sa loob eh."

He sighed then wiped her tears.

"M-mag hihiwalay na din po ba kayo just like papa and mommy?"

Mas lalong umiyak si Ayisha.

"Princess, di kami maghihiwalay ng mommy mo. Wag kang mag alala."

"Promise?"

Pinunasan nya yung sarili nyang luha.

"Yes. Promise. Wag ka ng umiyak. Bumili muna tayo ng ice cream. Gusto mo?"

She smiled. Napangiti din si Richard. Kuhanh kuha nya yung ngiti ni Dawn. Sabi nito sa isip.

"Opo, daddy."

Sa loob ng kwarto.

Nakatulala lang si Dawn habang tuloy tuloy lang ang luha nya. Nagulat sya nang may nagsalita.

"Mommy..." - Alex.

Continue Reading

You'll Also Like

259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
1.1K 26 23
Mikha Lim lost her memories from a car accident. Desperate to regain her memories, she finds herself attracted to her lover's older sister, Aiah Arce...
9.5K 395 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...