Chapter 24

669 34 7
                                    

"Wag mo sabihing maglalayas ka." -Rave

"Kailangan ko. Ayaw ko ng manatili dito kasi nasasaktan lang ako tuwing nakikita kong masaya sya."

"Nanay mo sya Alex, pati ba naman yung kasiyahan nya ipagdadamot mo pa sa kanya. Pagpapatawad nga hindi mo maibigay."

"Ano ba?! Sumbatan na naman ba? Nakakasawa na! Alam mo, kung ayaw mo lang din ako samahan, fine! Magpapasama na lang ako kay Austin!"

"H-hindi na *sigh* Sige na. Saan naman tayo pupunta? Ha?"

"Sa Batangas."

"Batangas?! Alex, nahihibang ka na ba? Ang layo nun."

"Ayaw mo ba talagang sumama?"

"Sasamahan na nga kita. Kaso napakalayo ng Batangas... Tsaka kailan ba?"

"Parang napipilitan ka lang eh..."

"Sabihin mo na lang, Alex. Gusto ko ng matapos 'to."

Nagbuntong hininga si Alex.

"Ngayong gabi."

"Ano?! Seryoso ka ba talaga?"

"Ano ba?! Kanina ka pa eh, si Austin na lang talaga yayayain ko."

"Hindi na. Ito na."

"Sige daanan mo ako dito ngayon na, nagaayos na ako ng gamit ko. At, wag na wag kang mag kakamali na sabihin kila dad itong plano ko."

"Yes. Okay."

Napailing na lang si Rave, kahit di sya sang ayon sa gagawin ni Alex, iniisip nya na lang na mas okay na mag kasama sila. Atleast sigurado syang ligtas ito.

Umalis na sa event si Rave, mayroong konting kasiyahan pero mahahalata mong hindi ganun kasaya sila Dawn. Ayaw lang nilang madisappoint ang mga bisita kaya nanatili sila. Dumaan muna si Rave sa bahay nila at kumuha ng mga damit nya. 

Pagpunta nya kila Alex, nakita nyang nasa labas ito at may dalang bag. Nang mapansin sya ni Alex, tumakbo ito papalapit sa kanya at saka niyakap.

"Rave *sobs* Halika na. Ayaw ko na dito. Please..."

"Wag kang mag alala. Sasamahan na kita."

May narinig silang boses mula sa likod nila.

"Alex??"

"Oh, A-austin."

"Anong ginagawa nyo dito sa labas? Gabi na. Tsaka, bakit may gamit ka pang nakalabas dyan?"

"M-maglalayas na ako."

"Ano?!"

"Wag mong sabihin kila dad. Please Austin."

"T-teka, hindi ako papayag na kayong d-dalawa lang. Kailangan kasama ako."

Jusme. Gusto pang sumama nito oh. 

Wala na silang nagawa kaya ngayon, tatlo na sila. Sumabay sila sa paglabas ng isang kotse kaya hindi sila napansin ng guard. Ngayon, nasa bus na sila. Papuntang Batangas. Hays Susme! Mga batang 'to! Magkatabi si Rave at Alex tapos si Austin sa tapat nila. 

"Babe, bakit nga pala sa Batangas pa ang punta natin?"

"Doon kasi yung rest house nila tita Monique... Ay, speaking. Di ko pa pala nasasabihan na pupunta tayo." 

Habang nagtetext si Alex, niyakap sya ni Rave tapos hinalikan sa noo. After 2 hours, nakarating na din sila.

"Hi tita Monique! I missed you!"

Right Love At The Wrong Timeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें