Soulbound

By Missmaple

2.2M 109K 12.1K

Avery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire... More

Prologue
Soul 1: Soul Bound To You
Soul 2: Training Ground
Soul 3: Real World
Soul 4: Endless Pit of Magic
Soul 5: Lies in Disguise
Soul 6: Red Rose
Soul 7: Inner Beast
Soul 8: Black Crescent Moon
Soul 9: Map
Soul 10: Evil Spirit
Soul 11: Better Or Worst
Soul 12: Gold
Soul 13: Letter
Soul 14: Faster
Soul 15: Consolation
Soul 16: Chains
Soul 17: Best Decision
Soul 18: Secret Room
Soul 19: Good Sign
Soul 20: Selfish
Soul 21: Red and Black
Soul 22: Death Punishment
Soul 23: Jump Or Die
Soul 24: Run
Soul 25: Tresha Kingdom
Soul 26: You Are Trouble
Soul 27: Hysteria
Soul 28: Aivee
Soul 29: Avery Devon
Soul 30: Save Or Ruin
Soul 31: First Seal
Soul 32: Mates
Soul 33: Damon Elswit
Soul 35: Verone Shams
Soul 36: Death's True Form
Soul 37: Prelude of Chaos
Soul 38: Scars
Soul 39: Distraction
Soul 40: Bargain
Soul 41: Fallen
Soul 42: Full-blood
Soul 43: Captured
Soul 44: Devour
Soul 45: Bloodline
Soul 46: Safe Side
Soul 47: Regrets
Soul 48: Sacred Temple
Soul 49: Eye of the Storm
Soul 50: Hell
Soul 51: Nostalgic Scent
Soul 52: Pendant
Soul 53: Dark Emperor
Soul 54: War
Soul 55: Death Match
Soul 56: Sacrifice
Soul 57: Magic Circle
Soul 58: Fifth Seal
Soul 59: Decay
Soul 60: Beginning

Soul 34: Zara Montfort

36.1K 1.9K 646
By Missmaple

"Why does fate lead us here?"


AVERY


Tahimik na sumunod kami kay Priestess Silvia at hindi na nakipagtalo pa. Wala rin naman akong balak tumayo lang sa labas lalo na at maghahapon na.


Malawak ang templo nang pumasok kami at walang masyadong gamit na makikita doon. Napansin ko ang makintab na sahig na gawa sa pulang kahoy. Sa unahan ay makikita ang isang malinis na altar at mga gintong palayok na may nakalagay na mga insenso. Naiilawan ang buong silid ng lampara na nakadikit sa bawat gilid ng pader. Sa gilid na bahagi ay may isang nakasarang pinto. May mga mamahalin at naglalakihang vase sa bawat sulok ng silid.


Sa isang maliit na mesa sa gitna ng silid kami dinala ni Priestess Silvia. Napansin ko ang isang lalagyan ng tsaa at mga maliliit na tasa roon. Iminuwestra niya sa 'min na maupo kami sa carpet sa harap ng mesa at sinunod namin siya. Si Damon lang ang nanatiling nakatayo at piniling sumandal sa isang pader habang pinagmamasdan ako. Pinag-aaralan niya ako. Humalukipkip siya at bahagyang sumimangot nang mapatitig ako sa kanya.


Wala akong nararamdamang kakaiba kaya hindi ko alam kung pinapasok na ba niya ang utak ko.


"He's too arrogant," inis na wika ni Zirrius sa isip ko.


"Pareho lang kayo," natatawang wika ko sa isip ko.


Nagsimula namang maglagay ng tsaa si Priestess Silvia sa mga tasa at ibinigay sa 'min ni Aivee. Ni isa sa 'min ay hindi gumalaw upang inumin 'yon. Hindi naman ako nauuhaw pero nag-iingat din ako. Hindi ko pa siya lubos na kilala.


"Avery Devon?" panimula ni Priestess Silvia. Bumaling ang paningin ko sa kanya. Mapapansin ang pagkunot ng noo niya kaya nadagdagan ang guhit sa mga noo niya. Pero kahit nakikita na ang marka ng katandaan sa kanya ay maganda pa rin siya. Kumikintab ang mga gintong alahas niya sa katawan dahil nasisinagan ito ng apoy na mula sa lampara. She was wearing a long silky white gown with silver linings. "Paano ka napunta sa katawan niya? I never thought that having two souls inside one body is even possible," seryosong pahayag niya. "Ikaw pa lang ang kauna-unahang sumubok. Ikaw pa lang ang nangahas. Paano kung may nangyari sa 'yong masama?"


Halata sa kanya ang pagiging interesado sa hindi normal na sitwasyong pinasukan ko. Hindi ko rin alam kung paano naging posible ang ganitong set up. Mabuti na lang talaga, nakakayanan ng katawan ni Zirrius ang dalawang kaluluwa sa loob niya. Maybe, he's really strong after all.


Saglit akong nanahimik. Iniisip ko kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang lahat pero wala naman akong pagpipilian. Kung kaya nga ni Damon na pasukin ang utak ko, wala na akong maitatago.


"Hindi mo nabanggit sa 'kin na isa siyang Asterian," mariing saad naman ni Aivee. I could feel her bitterness. She felt betrayed. Halatang pinagsisisihan na niya ang pagdadala niya sa 'kin rito. Halata sa mga mata niya ang pagpipigil na atakihin ako. Mariin niyang pinagsalikop ang mga kamay niya.


"Naguguluhan ako. Ano ba ang sinasabi nila? Ipaliwanag mo nga! Bakit sinasabi nila na isa akong Asterian?" naiinis na wika naman ni Zirrius sa isip ko. Naguguluhan na ako kung sino sa kanila ang una kong pagpapaliwanagan.


"Bakit sa dinami-dami ng katawang pwedeng puntahan ay isa pang Asterian ang napili mo?" mapait na tanong ni Damon sa 'kin. Ramdam ko ang inis at galit sa boses niya. Napalingon ako sa kanya nang wala sa oras. Naalala ko ang sinabi ni Aivee na galit na galit si Damon sa mga Asterian dahil ang mga ito ang pumatay sa mga magulang niya. Maging sa magulang ko. Hindi ko naman siya masisisi dahil doon. May karapatan siyang magalit pero hindi niya pwedeng idamay ang lahat sa galit niya.


"Bakit kailangang madamay ako sa galit niya kung isa nga akong Asterian? Hindi ko kasalanan kung pinatay ng mga Asterian ang mga magulang niya!" naiinis na singit ni Zirrius dahil narinig niya ang mga iniisip ko. Malalim akong bumuntong-hininga. Sumasakit ang ulo ko dahil sa kabi-kabilang tanong at reklamo nila. Parang gusto kong sigawan at patahimikin ang lahat.


"Damon... I want to discuss this matter privately but you know, I can't," naiinis na sagot ko sa kanya. Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ni Damon. Alam niyang naiinis na ako at naaaliw siya dahil sa katotohanang 'yon. Pakiramdam ko, unti-unting nawawala ang pagkainis niya sa 'kin.


"You are welcome to visit my dreams, Avery," he suggested with a knowing smile. And I hate that. Paano naman ako makakadalaw sa panaginip niya? Hindi ako maaaring gumamit ng mahika dahil alam kong hindi papayag si Zirrius.


"Buti alam mong hindi ako papayag," mariing saad ni Zirrius. "And why do you have to talk to him privately? Bakit kailangan mo pang itago? Ilang beses ka bang magtatago ng sikreto mula sa 'kin? Gusto kong malaman ang lahat-lahat! Hindi lang ito tungkol sa 'yo at sa kanila! Tungkol din 'to sa 'kin!" mariing saad ni Zirrius. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin noon na isa akong Asterian? Naiinis ako kapag pinaglilihiman mo ko! Wala ba talaga akong karapatan sa katotohanan?" galit na tanong pa niya.


Mariin akong napapikit. "Zirrius... Please..." mahinang wika ko sa isip ko. Pakiramdam ko sumasakit ang puso ko dahil sa mga salitang binibitawan niya. "Gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat pero hindi ka pa handa. Hindi ko alam kung paano mo tatanggapin ang lahat ng ito. Hindi ito problema ng isang mortal. Hindi ka na tao at hindi ka pa sanay sa mundo namin," nanghihinang sambit ko sa isip ko.


"At sa tingin mo, kailan ako magiging handa? Isang taon? Dalawang taon? Sampung taon? Gaano katagal ka maglilihim, Avery?" naiinis na tanong niya sa 'kin. Pakiramdam ko, may bikig sa lalamunan ko. Umiinit ang lalamunan ko. Hindi ko magawang huminga nang maayos.


"Hindi ko alam. Hangga't kailan, itatago ko sa 'yo ang lahat," tapat na sagot ko sa kanya. "Pero ngayong alam mo na ang totoo, hindi ko na kailangang gawin 'yon." Zirrius hissed. Naghintay ako sa sasabihin niya pero hindi na siya nagsalita pa. Gusto kong marinig lahat ng iniisip niya ngayon pero hindi ko magawa. Napansin ko naman na pinapanood pala ako nina Aivee at Priestess Silvia nang magmulat ako ng mga mata.


Narinig ko na ang papalayong yabag ni Damon kaya nagtatakang tumingin ako sa kanya. "Aalis ka na?" kunot-noong tanong ko sa kanya.


"Marami akong gustong malaman mula sa 'yo. Gusto kitang makausap nang tayong dalawa lang. I'll see you tonight. In a dream... Because I can't take to look at you on that form," he said coldly. Napaawang ang labi ko. Zirrius was right. He's really arrogant. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Lumabas na siya sa templo at hindi na tumingin pa muli sa 'kin.


Malalim akong bumuntong-hininga. Kahit paaano ay nabawasan ang tensiyon na nararamdaman ko dahil sa pag-alis niya. Hindi ko alam kung paano kami magkikita sa panaginip. Bahala siya. Tiningnan ko sina Priestess Silvia at Aivee dahil halata na naghihintay pa rin sila ng sagot ko.


"I was led to him. Zara Montfort saw this coming and she saved me. Dinala niya ako patungo sa katawan ni Zirrius dahil kung hindi niya gagawin 'yon, baka sa ibang katawan na ako napunta. O baka may masama ng nangyari sa 'kin kung sakaling wala akong katawang mahanap," paliwanag ko na lang kina Aivee at Priestess Silvia. "Hindi ko sinabing Asterian siya dahil alam kong hindi maganda ang sinapit ng bawat kaharian natin sa mga Asterian. Baka ibunton ninyo ang galit niyo sa kanya, sa maling tao."


"Hindi alam ni Zirrius na isa siyang Asterian. Hindi ko sinabi sa kanya. At wala siyang alam sa nangyayari sa Elfania at Asteria o sa ibang kaharian. Ni hindi nga niya alam na isa pala siyang elf. Ako lang ang nagpumilit na dalhin siya rito dahil kailangan kong makabalik sa katawan ko. And I also need allies. Kailangan ko ng army na lalaban sa Asteria. Hindi lang mga taga-Elfania kundi pati mga elves na nagmula sa iba't ibang kaharian ang kailangan kong ipunin. I need to destroy Asteria's defenses while I'm getting my body back. Walang kasalanan si Zirrius sa mga nangyayari," paliwanag ko sa kanila.


Natahimik naman si Aivee dahil sa sinabi ko. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Aivee. Hindi ko alam kung sapat na ba ang sinabi ko upang magbago ang tingin niya kay Zirrius. Sana hindi niya idamay si Zirrius sa galit niya. Dahil kung papatayin niya si Zirrius, ako ang makakalaban niya. Hindi nagkokomento si Zirrius at nanatili siyang tahimik. Priestess Silvia gaped like she remembered something important.


"Zara Montfort? She's a Royal-blooded Asterian and she was supposedly the heiress of Asteria's throne," pahayag ni Priestess Silvia. Napaawang ang labi namin ni Aivee dahil sa sinabi niya. Nanatiling tahimik si Zirrius. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon dahil sa nalaman niya.


"K-Kung ganu'n, bakit hindi siya ang nagmana ng trono? Bakit si Severus Montfort?" gulat na tanong ko kay Priestess Silvia.


Nagkibit-balikat si Priestess Silvia. "Walang nakakaalam kung bakit biglang umalis si Zara. Pero kasabay ng pag-alis niya, namatay naman ang kapatid niya dahil sa hindi malamang dahilan. Si Severus ay panganay na anak ng kapatid ni Zara kaya siya ang natitirang tagapagmana," paliwanag niya. "Pero may bunsong kapatid si Severus at walang nakakaalam kung nasaan ang kapatid niya." Hindi pa rin nagkokomento si Zirrius kaya nag-aalala na ako para sa nararamdaman niya.


Napakunot ang noo ko. Hindi malinaw sa 'kin kung bakit umalis si Zara. Hindi naman siguro dahil sa ama ni Zirrius? Imposibleng dahil lang sa pag-ibig. Sumasakit ang ulo dahil sa pilit na pag-iisip.


"Kapag namatay si Severus, maaaring si Zirrius ang pumalit sa pwesto niya?" kunot-noong tanong ni Aivee.


"Hindi ko kailangang pumalit sa pwesto niya!" mariing komento ni Zirrius sa isip ko. Napangiti ako dahil narinig ko na ang boses niya. I know. He already have Alveria. Hindi na niya kailangan ng isa pang kaharian.


"Maaari... kung hindi magpapakita ang bunsong kapatid ni Severus. Wala siyang magiging kaagaw sa trono," sagot ni Priestess Silvia. "Pero saka na natin problemahin 'yan. Masyadong malakas si Severus upang talunin," saad niya. Matiim na tumitig sa 'kin si Priestess Silvia. "Ano na ang binabalak mo ngayon, Avery?"


Determinadong tumingin ako sa mga abong mata niya. "Balak kong hanapin lahat ng pinuno ng mga Elven Kingdoms. Gagawa kami ng plano upang sumugod sa Elfania kung nasaan ang katawan ko. Natitiyak ko ring nandun si Severus dahil ang Elfania ang pinakapundasyon ng lahat ng Elven Kingdoms. Tiyak na hinihintay rin niya ang pagbabalik ko," sagot ko kay Priestess Silvia.


"Mukhang hindi mo matitipon ang lahat ng pinuno ng mga Elven Kingdoms. Ang Reyna ng Ynaris ay nakipagkasundo na kay Severus upang matigil ang pagkasira ng kaharian niya. Hindi ko alam kung pakikinggan kayo ni Queen Verone," seryosong paliwanag ni Priestess Silvia. Bumaling ang paningin ko kay Aivee. Matigas ang ekspresyon ng mukha niya at halatang hindi na siya nagulat sa nalaman. Kung ganu'n, hindi pala talaga magiging madali ang lahat. Kilala ko si Verone. Hindi siya madaling kausap.


"Ano ang tingin mo kay Zara Montfort?" interesadong baling ko kay Priestess Silvia. "Masama ba siya katulad ni Severus?" tanong ko pa. Gusto kong malaman kahit ikagalit man ni Zirrius.


"Hindi siya masama!" mariing tutol ni Zirrius sa utak ko. Hindi ko siya pinakinggan.


"If you want the truth, learn to embrace it without fear," naiinis na sagot ko sa kanya. "Sabay nating alamin kung sino ba talaga ang ina mo, Zirrius. Alam kong wala kang masyadong alam sa kanya pero hindi ko sinasabing masama nga siya. Inaalam ko pa lang."


"Matalino siya. She's neutral. She's in between good and evil. Hindi niya madalas sinasabi ang laman ng isip niya pero alam kong tahimik na siyang bumubuo ng mga plano. She's a good leader. Noon, magkakasundo ang lahat ng Elven Kingdoms. Magaling mamuno ang mga magulang niya. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kakayahan niyang makita ang hinaharap paminsan-minsan. Hindi lang talaga namin malaman kung bakit siya biglang umalis. Kaibigan siya ng mga magulang mo, Avery," seryosong sagot niya. "Matalik siyang kaibigan ng Emperatris ng Elfania. Katulad ni Zara, kaya ring makita ni Empress Demelza ang hinaharap."


Natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi nabanggit ni Ina ang sikretong 'yan," kunot-noong saad ko.


"Dahil hindi niya ginagamit ang kapangyarihan niya. Mas malakas ang kontrol niya sa kapangyarihang 'yon kaysa kay Zara. Si Zara, kahit hindi niya gustong gamitin ang kapangyarihan niya, kusa itong lumalabas," paliwanag ni Priestess Silvia.


"Can you tell me more?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Marahang umiling si Priestess Silvia. Damn! Nakakainis! Marami ng katanungan ang nabubuo sa isip ko pero mukhang mga magulang lang namin ang makakasagot. Ang problema, wala na sila.


"May iniwang sulat ang aking ina," paalala sa 'kin ni Zirrius. Siguro iniisip niya na masasagot ng sulat na 'yon ang lahat ng katanungan niya. Sana nga.


"Kaya mo na bang buksan 'yon?" tanong ko sa kanya.


"Hindi ko alam kung kaya ko pero susubukan ko," seryosong sagot ni Zirrius. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Muling bumaling ang paningin ko kay Priestess Silvia dahil nagsalita siyang muli.


"Pero may kailangan ka pang malaman bago kayo magpatuloy sa inyong paglalakbay," seryosong saad ni Priestess Silvia. Napatitig naman ako sa mukha niya nang may pagtataka. "Your mother gave you the medallion, right?" she asked me. Tahimik lang si Aivee. Napakunot-noo siya dahil hindi na niya maintindihan ang tinutukoy ni Priestess Silvia.


Ako man ay nagtaka rin. Napaisip ako sa medallion na tinutukoy niya. Isang kwintas lang naman ang ibinigay ni Ina sa 'kin noon at sinabi niyang ingatan ko. "You mean, the necklace with the gold pendant?" takang tanong ko sa kanya. Naaalala ko pa ang pendant na iyon. Hindi ito buo. Kalahati lang ito. Tinanong ko noon ang ina ko kung nasaan ang kalahati. Sinabi niya na nasa mabuting kamay at ligtas na lugar. The medallion was the shape of an angel's wing stretch upward to form a circle. Sa pinakagitna nito ay makikita ang kalhati ng isang korona. May iba't ibang kulay ng mamahaling bato na nakadikit sa korona nito. My mother said that they represent all the essential elements of magic. "Are you talking about the half part of the pendant? Is that the medallion?"


Tumango si Priestess Silvia. "Nasa kamay na ito ngayon ni Severus," diretsong saad niya.


Natigilan ako nang may maalala na mahalaga. Magta-tatlong taon pa lang ako, sinabi ni Ina na makapangyarihan ang medalyon kung mabubuo ito. Kaya nitong makontrol lahat ng kapangyarihan sa mundo at dahil sa katotohanang 'yon ay napasinghap ako. Napaawang ang labi ko nang maintindihan ang mga nangyayari. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Nagsisisi ako na hindi ko siya pinaniwalaan noon. "Nahanap na ba niya ang kalahati ng medalyon?"


Umiling si Priestess Silvia. "Ito ang hinahanap ni Damon ngayon. Hindi siya papayag na makuha ni Severus ang isa pang bahagi ng medalyon," seryosong sabi niya. Napansin ko naman ang pananahimik ni Aivee at ang mariing pagkuyom ng kamao. Siguro sinisisi niya ako dahil sa kapabayaan ko. Umiigting ang dibdib ko. Kung iningatan ko lang sana ang medalyon, hindi sana mangyayari 'to.


"Huli na para magsisi," seryosong wika naman ni Zirrius sa isip ko. "Itama mo na lang ang pagkakamali mo." Tama siya.


"Kung ganu'n, hindi pa niya magagamit ang kapangyarihan ng medalyon," mahinang saad ko.


"Kahit mabuo niya ang medalyon, hindi pa rin niya magagamit ang kapangyarihan nito," seryosong saad ni Priestess Silvia.


Natigilan ako at nagtatakang tumitig sa kanya. "May isa pa siyang kailangan ayon sa matandang paniniwala. Ang problema, walang nakakaalam kung ano ang bagay na 'yon. May mga libro noon na nagtuturo kung paano gamitin ang medalyon pero matagal na itong ipinasunog ni Empress Demelza. Hindi ko alam kung may alam ba si Severus tungkol dito o kung may nakuha ba siyang libro," paliwanag ni Priestess Silvia.


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa nalaman. Nakakakita pa ako ng pag-asa. Kung hinahanap ni Damon ang kalahati ng medalyon, ibig sabihin, wala pang nakakaalam kung nasaan ito.


"Saan naghahanap si Damon?" tanong kong muli.


Nagkibit-balikat si Priestess Silvia. "Hindi ko alam pero marami siyang inutusan upang maghanap. May ibang pinuno ng ibang kaharian din ang tumutulong sa kanya."


Ibubuka ko pa sana ang bibig upang magtanong pero pinutol na ni Priestess Silvia ang sasabihin ko. 


"Wala na akong maisasagot pa sa mga katanungan mo. Kung gusto mo talaga ng sagot, si Damon ang lapitan mo. Nandito lang ako upang ipagdasal ang kaligtasan ninyo," saad niya. Napabuntong-hininga na lang ako.


May dalawang babae ang pumasok sa silid at bahagyang yumukod sa harap namin. "Samahan na ninyo sila sa kanilang silid upang makapagpahinga na sila," utos ni Priestess Silvia. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. "Ipapatawag ko na lang kayo kung handa na ang hapunan," mahinang saad niya sa 'min. Hindi na kami nagreklamo pa ni Aivee. Ibinalik ko na rin ang katawan ni Zirrius sa kanya. Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa marating namin ang silid niya. Halatang pagod na rin siya nang ibagsak niya ang katawan sa kama.


"Huwag ka ng maglihim sa 'kin," mahinang saad ni Zirrius sa utak ko. "If you want me to trust you, don't lie to me anymore." Parang gustong madurog ng puso ko dahil sa mahinang tinig niya. Halatang ayaw na niyang makipagtalo pa sa 'kin.


"Hindi ko alam kung kaya kong gawin 'yan," mahinang sagot ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata.


"Ano pa ang sikretong alam mo tungkol sa 'kin?" he asked.


"Sa ngayon, wala na. Lahat alam mo na," saad ko.


"Magiging kalaban ko ang kadugo ko kung ganu'n?" sambit niya. Hindi na ako nagsalita pa. It's already obvious. Pero pwede naman siyang pumanig sa kadugo niya kung gugustuhin niya. Blood is thicker than water, anyway.


~~~~


Nakatulog na si Zirrius dahil sa pagod matapos kumain ng hapunan. Sinubukan ni Zirrius na buksan ang sulat kanina pero hindi niya magawa. He even released his Devil Fire and burned the letter. Halos murahin ko siya dahil sa ginawa niya. Mabuti na lang bumalik ito sa dating anyo na tila hindi nasunog. Mukhang napaghandaan talaga ito ni Zara.


Tama si Priestess Silvia. Matalino si Zara. Tiyak na may dahilan siya kung bakit niya ibinalik si Zirrius sa Elven Kingdoms. Hindi ko man maintindihan ang totoong plano niya, sana ay pabor ito sa lahat. Sana hindi ikapapahamak ng mga Elven Kingdoms ang planong pinaghandaan niya. I admired her. She can still set her plans into motion even when she's already dead. Kung matalik na magkaibigan ang mga ina namin, may alam kaya ang ina ko sa plano ni Zara?


Bakit sa 'kin niya ibinigay ang medalyon? Hindi ba nakita ni Zara o ng aking ina na makukuha ito ng kaaway mula sa 'kin? Sabagay, sinabi ni Zara noon na hindi niya alam ang lahat ng mangyayari sa hinaharap.


She just acted according to what she thought was right. At sa palagay ko, hindi sinubukang alamin ni Ina. Parang gusto ko tuloy makausap at makita muli si ina. Pero hindi ko pa nasubukang tumawag ng kaluluwa mula sa kabilang buhay. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang ganu'ng klase ng mahika.


Kung balak ni Severus na kontrolin ang lahat gamit ang medalyon, mahihirapan kaming kalabanin siya kung sakaling magtagumpay siya. Ang ikinakatakot ko ngayon, paano kung alam niya ang paraan kung paano gamitin ang medalyon?


Natigilan ako sa pag-iisip. Nasa madilim na bahagi ako ng pagkatao ni Zirrius pero may natanaw akong liwanag sa 'di kalayuan, sa kaliwang bahagi ng kinaroroonan ko.


Ngayon lang ako nakatanaw ng liwanag sa bahaging iyon. Bumaling naman ang paningin ko sa kanang bahagi kung saan may daan patungo sa panaginip ni Zirrius. Nagtataka ako kung bakit parang may kakaibang nangyayari ngayon.


Nagkibit-balikat ako at piniling pumunta sa kaliwang bahagi kung saan nanggagaling ang liwanag. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. I was curious and the light intrigued me. Nang malampasan ko ang liwanag na nagsisilbing lagusan, natigilan ako nang makita ko si Damon na nakaupo sa dulo ng kama niya. Kung ganu'n, siya pala ang may pakana nito.


Napailing ako at humalukipkip. "So, this is your dream?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa 'kin nang nakakaloko. Napansin ko na wala siyang damit at tanging itim na pantalon lang ang suot niya habang prenteng nakaupo sa kama.


Hindi siya sumagot. He gestured me to sit on his lap and I frowned. "You have a very dull dream," nakasimangot na saad ko sa kanya. Mahina lang siyang tumawa dahil sa komento ko. Parang alam na niyang hindi ko susundin agad ang utos niya.


"I never had a better dream than this. Almost all my dreams in the past are nightmares," mahinang saad niya. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Siguro nga puro bangungot na lang ang mapapanaginipan niya lalo na kung puro digmaan ang nagaganap sa kaharian niya. Hangga't hindi nawawala si Severus, mananatiling bangungot ang buhay niya.


"How did you do this?" interesadong tanong ko sa kanya.


"Come here and I'll explain," nakangiting saad niya sa 'kin. "Kung hindi mo man ako gustong sundin, I can force you to do what I want you to do," makahulugang dagdag niya pa. Kitang-kita ang pagiging seryoso ng mga mata ni Damon. His jaws were tightly clenched. Pakiramdam ko, kinakabahan din siya sa sinabi niya. Kilala ko siya. He would never force me. He never tried to force me when we were young. Lagi lang niyang sinusunod at sinasakyan ang gusto ko noon. Maybe because I was still young that time.


"Jerk," mahinang saad ko. I wonder what game he was playing now. Napailing na lang ako at naglakad patungo sa kanya. Tumigil ako sa harapan niya at tumingala naman siya sa 'kin. Hinawakan niya ang dulo ng mahaba kong buhok. It was white in color. Pero kapag nasisinagan ng araw, nagiging ginto ang kulay nito. Hindi ko alam kung niloloko ba ako ng mga mata ko. I could see longing on his eyes and he was mesmerized.


"Ang laki na ng ipinagbago mo," mahinang komento ko sa kanya. His muscles were well-defined and firm now. Pakiramdam ko, madudurog ang katawan ko kung yayakapin niya ako. O baka, manghina ako sa bawat haplos ng kamay niya sa balat ko.


Noon, hindi ko masyadong napapansin ang itsura niya, pero ngayon, parang ibang tao na siya. Parang ngayon ko lang siya nakita at nakilala. His face was more matured and beautiful. Mas malakas na ang dating at presensiya niya. I'm sure, he's well-trained on fighting now.


"And you never changed, You're still the same, the way I imagined you to be. The way I imagined you in the past," mahinang saad niya. Parang gustong kumabog ng puso ko dahil sa malalim na boses niya. His voice was husky and seductive. Pero naalala ko na kaluluwa nga lang pala ako at wala akong puso.


I silently sit on his lap. Hindi ko na pinatagal pa ang paghihintay niya. Halata sa mukha niya na hindi siya magpapaliwanag kung hindi ko gagawin ang gusto niya. He smiled with satisfaction when our eyes met. And my knees buckled a bit. Mabuti na lang, nakaupo na ako. Nakakainis! Sobrang lakas ng dating niya na sapat na upang manginig ang tuhod ko.


Medyo magulo ang kulay pilak na buhok niya. Malalalim din ang mga abong mata niya pero halatang naaaliw habang nakatitig sa 'kin.


"Gusto kong tusukin ang mata mo dahil sa tingin mo," naiinis na saad ko sa kanya. Dahil sa sinabi ko, hindi na niya napigilan ang mahinang pagtawa. Mukhang pinagti-trip-an ako ng unggoy na 'to!


Napansin ko ang ilang mahahabang buhok sa balikat niya. Wala sa sariling hinawakan ko 'yon. Masyadong malambot ang buhok niya kaya dumudulas ito sa kamay ko. I was amazed.


Matiim na pinagmamasdan lang ni Damon ang ginagawa ko. Lumipat ang paningin ko sa Silver lines na nasa dibdib niya at umaabot hanggang sa magkabilang balikat.


I traced the silver lines on his shoulder down to his chest. "I never know that you have this," kunot-noong saad ko.


He coughed a laugh. "That's the mark of an Exetherian heir. The mark of a King," sagot niya sa 'kin. "May ganitong marka rin si Aivee, pero makikita ang asul na linya sa mga tainga niya pababa sa leeg niya."


Marahan akong tumango. Bakit ba kasi hindi ako nakikinig sa mga itinuturo ng ina ko noon.


"You have this kind of mark too," mahinang sambit ni Damon. Pinakikinggan ko lang ang sinasabi niya. Dumako ang paningin ko sa tiyan niya. I even touched one of his six-packed abs. Mahina siyang napaungol dahil sa ginawa ko kaya natigilan ako.


Nagtataka ako kung bakit pakiramdam ko, totoo ang nangyayaring ito at hindi lang niya ito panaginip.


"I have the mark? Where?" takang tanong ko sa kanya nang tumingin ako sa mukha niya. He was biting his lower lip. As if he was suppressing another moan. I smiled but he frowned afterwards.


"Hindi mo pa nakikita?" takang tanong niya sa 'kin. "Once you inherited the throne, you'll get that mark."


"Namatay rin ako matapos kong makuha ang trono," natatawang sagot ko sa kanya,


Sumeryoso siya. "Hindi ka pa patay," mariing sambit niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa tono ng boses niya.


"Alam mo ba kung saan o hindi?" naiinip na tanong ko. He frowned even more. Dumako ang kamay niya sa kanang bahagi ng laylayan ng mahaba kong bestida. Walang pag-aalinlangan na itinaas niya ito hanggang sa mga binti ko. He was even grazing his fingers on my right leg and there I saw the mark. I was biting my lower lip to not give in to his teasing.


Mula sa talampakan ng kanang paa ko hanggang sa binti ko, nakikita ko ang mga gintong linya.


"Mukhang hanggang leeg mo ang marka," nakangising saad niya. "Do you want me to take off your clothes to check?" Kung ganun, mula sa kanang paa ko hanggang sa katawan at leeg ko ang marka.


Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito napansin noon. "No, thanks," nakasimangot na saad ko sa kanya. Binitawan na niya ang laylayan ng puting bestida ko.


His fingers grazed my face until he reached my thin, pinkish lips.


"It seems you missed me so much," pang-aasar ko sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin.


"I do missed you... so much," mahinang pag-amin niya. Natigilan ako. Mukhang inililihis na niya ang usapan. Marami pa akong gustong malaman mula sa kanya at kung paano niya hinahanap ang medalyon.


"Ipaliwanag mo na sa 'kin kung paano mo 'to ginawa," nakasimangot na saad ko.


"A kiss for every question," he playfully said. His manly smile made me want to pinch his lips. Tatayo na sana ako pero mabilis niyang ipinulupot ang kamay niya sa baywang ko. He wouldn't let me off easily. Hindi pa rin maalis ang nakakalokong ngiti niya sa labi.


"Ipapaliwanag ko na," natatawang sambit niya. Hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nakikipaglaro lang.


"Bakit parang totoo ang panaginip na 'to? Paano ka nakapunta dito? This is still Zirrius' mind," nakasimangot na saad ko.


"I can enter someone's mind whenever I wanted to. But there are still exceptions. The rulers of the Elven Kingdoms are the exceptions. Unless I manage to break their mind barriers, I can control them. And this is not that man's mind, This is the insides of my mind. I just linked my thoughts to him so you can reach me here. Kaya pakiramdam mo, totoo ang nangyayari dahil gusto kong maramdaman mo na totoo ito," sagot niya. Parang gustong magwala ng puso ko dahil sa sinabi niya pero gusto ko ring matawa dahil hindi niya binabanggit ang pangalan ni Zirrius. This man! Really!


"KUng ganu'n, maaaring makapunta rito si Zirrius kung hindi ka maingat?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.


"Pwede. But he is too occupied by his own dream right now," kibit-balikat na sagot niya.


"You're still raping his mind," reklamo ko sa kanya. Hindi ko akalain na ganito kalakas si Damon. Kung gugustuhin niya, pwede niyang sirain ang pag-iisip ng isang nilalang.


"I have to. Naiinis ako dahil sa isang Asterian ka pa napunta. Kung wala ka lang sa loob ng katawan niya, pinatay ko na siya," seryosong saad niya. "Ikaw lang ang dahilan kung bakit pinipigilan ko pa ang sarili ko."


"Paano ka nakatagal sa loob ng katawan niya? At sa isang lalaki pa," nakasimangot na reklamo ni Damon. Parang gusto kong matawa dahil sa pagsasalubong ng mga kilay niya. Halatang-halata ang pagkainis niya.


"I have no choice. Hindi ako makakaalis sa katawan niya," natatawang sagot ko. "At saka, ano naman kung lalaki siya?"


"Don't tell me, marami ka ng nakita?" nagdududang tanong niya sa 'kin. Malakas akong tumawa dahil sa tanong niya. Mas lalong sumeryoso ang mukha niya dahil alam na niya ang sagot.


"Wala na siyang maitatago sa 'kin," nakangising sagot ko kay Damon. Lalo kong nahalata ang pagkainis ni Damon dahil sa sagot ko. Hindi na siya nagsalita kaya nawala ang ngiti ko sa labi.


Bumuntong-hininga ako nang malalim. "Kahit Asterian si Zirrius, wala siyang alam sa nangyayari. Ako ang may kasalanan kung bakit siya napadpad dito. Pakiramdam ko nga, inaagaw ko mula sa kanya ang buhay niya. Hindi dapat siya pupunta rito kung hindi ako napunta sa loob ng katawan niya. Naging mas magulo lang ang buhay niya dahil sa 'kin. Hindi mo dapat siya idamay sa galit mo sa mga Asterian," mahinang wika ko sa kanya.


"He's a royal blood," mariing wika ni Damon. "Maaari niyang makuha ang trono mula kay Severus. Paano kung mas sakim pala siya sa kapangyarihan kaysa kay Severus?" galit na wika niya.


Umiling ako. "Hindi niya kukunin ang trono. May iba siyang kaharian at mahal niya ang Alveria," sagot ko sa kanya.


"Sa lugar ng mga tao?" takang tanong ni Damon. Tumango ako. Natahimik siya at saglit na napaisip. Hindi ko na siya binigyan na pag-isipan pa at pag-aralan ang pagkatao ni Zirrius.


"Alam mo na ba kung nasaan ang kalhati medalyon?" diretsong tanong ko upang malihis na ang pinag-uusapan namin. Gusto ko ng malaman ang mga nangyayari sa mga Elven Kingdoms.


"Sinabi sa 'yo ni Priestess Silvia?" kunot-noong tanong niya. Marahan niyang minasahe ang baywang ko. Parang gusto kong mapaungol dahil sa ginagawa niya. But I didn't stop him.


"Sabihin mo sa 'kin ang lahat ng alam mo," seryosong saad ko pa,


"Hindi ko pa alam kung nasaan ang medalyon. Pero patuloy si Severus sa pagsakop sa mga Elven Kingdoms. Gumagamit siya ng itim na mahika at hinahanap din niya ang kalhati ng medalyon," seryosong sagot niya. "May mga ipinapatayo siyang tore sa bawat kaharian. Nasa gitna ng ibang kaharian ang Elfania kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang binabalak niya," he said. Nakinig lang ako sa sinasabi niya.


"May isang paraan akong naiisip kung paano ko malalaman ang plano niya. Gusto kong makuha ang loob ni Verone para malaman ko ang plano ni Severus. Kung papayag siyang makipagtulungan sa 'tin, baka mapigilan pa natin si Severus," paliwanag ni Damon.


"Si Verone?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Naalala ko siya. The high and mighty princess of Ynaris. Siya ang pinaka-eleganteng manamit sa tuwing may pagtitipon sa Elfania. Siya rin ang madalas pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan dahil sa magandang hubog ng katawan niya at kaakit-akit na mukha niya. And sometimes I hate her guts. She's arrogant and full of pride for herself. Madalas hindi kami magkasundo. Tumango si Damon bilang sagot. Alam niyang naiinis ako kay Verone.


"Kailan ka pupunta sa Ynaris?" tanong ko sa kanya. Even when I don't like Verone, I have to see her too.


"Bukas," seryosong sagot ni Damon.


"Sasama kami nina Zirrius at Aivee," determinadong sagot ko. Kumunot ang noo niya at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Pero alam niyang hindi na niya ako mapipigilan.


"May alam ka ba sa nangyari sa katawan ko?" nagbabaka sakaling tanong ko sa kanya. Natigilan si Damon sa tanong ko at malungkot na tumingin sa 'kin.


"Wala. Pero si Verone, maaaring alam niya," sagot niya. Marahan akong tumango. Mukhang kailangan ko talagang makipagkasundo kay Verone para makuha ko mula sa kanya ang mga impormasyon na kailangan ko. Tumayo na ako at hindi na ako pinigilan pa ni Damon.


"Magpahinga ka na, Damon," mahinang sabi ko sa kanya. "I hope your dreams will get better this time," saad ko at matipid na ngumiti ako sa kanya. I leaned closer and kissed his cheeks. Tila, bahagyang namula pa ang mukha niya pero hindi ko na 'yon pinansin. Naglakad na ako palayo at lumabas sa panaginip niya.


-----

TO BE CONTINUED...


Ito na ang pinakamahaba kong update wahaha. Let me know your thoughts. Inangat na ni Damon ang laylayan. Lul. Ipatapon sa pampang!

Continue Reading

You'll Also Like

227K 17.2K 26
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
213K 5.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
4.9K 445 39
(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin...
1.1M 56.5K 44
[BOOK 2 OF SOULBOUND] Bumalik sina Avery at Zirrius sa Alveria, upang hanapin ang medalyong kinuha ni Seth at upang harapin na rin ang puno't dulo ng...