A Wife's Cry

By barbsgalicia

48.7M 494K 123K

Twenty-four-year-old hotel heiress, Vanessa Rio Perez was never loved by her husband, Allen Travis Fajardo, c... More

Author's Note: Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 31
Chapter 32 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 46 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 14

1.1M 12.4K 1.8K
By barbsgalicia

Hello, readers! 
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

PINUSOD KO ANG basa kong buhok, tapos ay humiga na rito sa hammock na nakasabit malapit sa tabing-dagat.

Katatapos ko lang mag-swimming ngayong umaga. Tumitindig nga ang mga balahibo ko dahil sa lamig ng tubig dagat, sabayan pa ng sunod-sunod na paghampas ng hangin.

Sabi ko na nga ba't dapat binitbit ko ang shawl ko. Ngayon tuloy nangangatog ako sa lamig. Ang lakas pa kasi ng loob ko na lumabas ng rest house na ang tanging suot lang ay itong skimpy, bloody red swimsuit na niregalo sa akin ni Ellie.

Mabuti na lang at private itong lugar. Walang ibang makakakita sa akin. Lagot na naman kasi ako kay Allen kapag nalaman niyang lumabas ako nang ganito lang ang suot. Ni hindi niya nga alam na nag-swimming ako ngayon.

Kasi naman, ang asawa ko, daig pa ang lasing sa himbing ng tulog.

Sa wakas at tinamaan na rin siya ng pagod. Sa tatlong araw kasi naming pamamalagi rito sa rest house, wala yata kaming ibang ginawa kung 'di ang magsiping. Mabuti nga't naisipan na niyang tumigil. Akala ko tuluyan na niyang nakalimutan ang mga salitang 'pagod' at 'pahinga'. Ibang klase ang stamina ni Allen—hindi ko masabayan.

Kanina, sinubuksan ko siyang gisingin para sana may kasama akong mag-swimming at maglakad-lakad sa tabing-dagat. Pero wala, bagsak talaga siya. Ilang beses kong sinuklay ang buhok niya at pinisil-pisil ang ilong niya, kaso hindi pa rin talaga nagising. Nagkukunot lang ng noo. O kaya mag-iiba ng posisyon ng pagkakahiga tapos matutulog ulit.

Hinayaan ko na lang. Tutal, kailangan din talaga nito ng matinong pahinga kasi magda-drive pa ito mamaya.

Huling araw na kasi ng bakasyon namin ngayon.

Nakakalungkot nga. Parang ang bilis lang natapos. Kung ako nga ang papipiliin, ayaw ko na sanang umuwi. Gusto kong dito na lang kami para mas magkaroon kami ng oras at atensiyon sa isa't isa. Pero syempre hindi naman pwede 'yon.

Okay na rin kasi hindi naman nauwi sa wala ang pinlano niyang bakasyon. Ang daming masasayang nangyari sa 'min dito. Ayaw ko na munang alalahanin ulit dahil baka maiyak na naman ako sa tuwa. Ang importante, uuwi akong may matamis na ngiti sa mga labi ko.


MATAGAL PA AKONG tumambay dito bago ko naramdaman na may tao nang palapit sa 'kin.

Si Allen. Tumayo ito sa tabi nitong hammock at tiningnan ako nang pagalit. "Gusto mo bang magkasakit, ha?"

Binalewala ko ang sermon niya at nginitian lang siya.

Hindi na rin naman siya lumaban. Bigla na kasing nalipat ang atensyon niya sa katawan ko. He stared at me from head to foot. Oo nga pala, naka-two piece swimsuit nga lang pala kasi ako.

"Uhm, regalo ni Ellie." Inunahan ko na siya kasi alam kong magtatanong siya.

"Yeah, I know," sabi niya lang naman.

Tapos napansin kong nakatitig na siya sa bandang dibdib ko at napalunok pa. Pasimple ko tuloy na tinakpan ang hinaharap ko.

Tube style kasi ang design nitong bikini top kaya kahit na anong higit pataas ang gawin ko, lumilitaw pa rin talaga ang cleavage ko. Di-tali nga lang din ito sa likuran. 'Yong tipong kaunting hila lang ay tiyak na litaw na kaagad ang katawan ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ni Ellie at ito ang pinili niya.

"It looks good on you," biglang dagdag naman ng asawa ko.

Para akong nanigas.

Inangat ko agad ang tingin ko sa kanya at nakitang nakatuon pa rin ang mga mata niya sa dibdib ko. This swimsuit looked good on me? Hindi ko na lang pinahalata, pero napangiti ako.

Mukhang unti-unti na talagang bumabait ang asawa ko. Pinupuri niya na kasi ako ngayon—isang bagay na hindi niya ginagawa dati.

"Tumayo ka diyan," utos niya pagkatapos.

Siguro dahil babalik na kami sa bahay. Baka mag-aalmusal na kami.

Binuhat ko na ang katawan ko at tumayo mula sa pagkakahiga. Ang akala ko naman papasok na kami sa bahay, pero nagulat na lang ako nang biglang siya naman ang humilata sa duyan!

Napabagsak ako ng mga balikat. Pinaalis niya lang pala ako para siya naman ang humiga? My husband was really unpredicatable.

Hinayaan ko na nga lang. Tinanggal ko mula sa pagkakapusod ang buhok ko. Para kasing nagsisimula nang sumakit ang ulo ko. At dahil halos natuyo na ang buhok ko dahil sa pagkakatali ay kumulot ito na parang natural big curls.

Ginugulo-gulo ko ang itaas at napansin ko na lang na pinanonood pala ako ni Allen. Napabuka pa ang mga labi niya dahil sa ginawa ko. Para siyang namangha.

Hinayaan ko na lang ulit. "Maghahanda na ako ng agahan," sabi ko at mauuna na sanang bumalik sa bahay.

Kaso bigla niya naman akong hinila sa kamay ko. Ang mas kinagulat ko pa, binuhat niya ako para pumatong sa kanya habang nakahiga siya rito sa duyan!

Babangon na sana agad ako, pero ang bilis niya akong naikulong sa loob ng mga braso niya. Halos isiksik niya ang mukha ko sa dibdib niya, tapos bigla niya pang kinurot ang puwet ko na parang nanggigigil. Tumayo tuloy ang mga balahibo sa likod ko!

"Allen, t-teka, baka may biglang dumating. Makita tayo." Pasimple kong tinatanggal ang kamay niya na naka-kapit sa puwet ko.

"Tsk, Vanessa, isa," pagbabanta niya naman.

Napapirmi agad ako na parang batang napagalitan.

Ayan na naman siya sa pagbibilang niya. Ganyan talaga siya kapag tinatanggihan ko ang mga gusto niyang gawin. Bibilangan niya ako. Kapag umabot na siya ng tatlo, lagot na ako no'n.

Nagpakawala na lang ako ng buntong-hininga at pinabayaan ulit siya.

Inilapat ko ang mga kamay ko sa hubad niyang dibdib at hiniga patagilid ang ulo ko rito. Mula sa posisyon ko ay kitang-kita ko ang mga hampas ng alon sa dalampasigan. Okay na rin pala na ganito ang posisyon namin. Nare-relax ako.

Maya-maya lang ay inangat ko ang ulo ko para silipin siya. His eyes are shut tight. Nakatulog na naman ba siya? Ang bilis naman.

Binalik ko na ulit ang pagkakahiga ng ulo ko sa dibdib niya at pumikit na rin ako.

Ang init ng katawan niya. Kaya tuloy kahit na naka-two piece lang ako ay hindi ako masyadong nakakaramdam ng lamig. Lalo pa at nakayakap siya sa 'kin na para bang ayaw niya akong pakawalan.

Tinatamaan na ako ng antok nang bigla namang hawiin ni Allen ang buhok na nakaharang sa leeg ko. Gising pala siya.

I looked at him and saw him staring down at my neck.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Where's the necklace?"

Napakapa naman agad ako sa leeg ko. Tsaka ko lang naalala na hinubad ko nga pala iyon kanina.

"Nasa bag ko. Hinubad ko kasi—

"What!" bulalas niya. "Bakit mo hinuhubad 'yon? Hindi ko 'yon binigay sa 'yo para ilagay mo lang sa bag mo."

"S-sorry. Hinubad ko lang naman muna kasi nag-swimming ako. Baka mapigtal e."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Sinubsob niya na lang ulit ako sa dibdib niya sabay yakap sa leeg ko. "Gusto ko palagi mong suot-suot 'yon. Wag mo nang huhubarin."

"Okay. Sorry." Iginilid ko na ang mukha ko kasi hindi ako makahinga sa pagkakasubsob sa kanya. "Allen, anong oras pala tayo uuwi mamaya?"

Napaisip muna siya. "Around 3PM maybe. Ayokong ma-traffic. Bakit, anong oras mo ba gusto?"

"Hmm, pwede bang bukas na lang tayo umuwi? Gusto ko pa rito."

"That's not possible. I have to work."

Napanguso ako. Oo nga pala. Nawala sa isip kong may naiwan siyang trabaho. Hindi siya pwedeng mawala ng matagal do'n lalo na't hindi naman business-related ang pinuntahan niya.

Pero kasi, ayoko pa talagang umuwi. Baka kasi pagbalik namin ng Manila, hindi na kami ganito. Mawawalan na naman siya ng oras sa 'kin. At hindi ko rin sigurado kung pag-alis ba namin dito e ganito pa rin siyang makitungo sa 'kin.

Sinilip ko siya. "Pwede bang mga 7 PM na lang tayo umuwi mamaya? After dinner? I want to watch the sunset, too."

Napabuntong-hininga siya. "Fine."

My lips curved into a smile.

Tatlong araw lang kami rito, pero ramdam na ramdam ko na ang pagbabago sa ugali niya. Pinakikinggan niya na ang gusto ko ngayon, at pinagbibigyan pa ako.

Iba talaga ang epekto kapag nawala na ang galit sa puso. Nagagawa na niya ang mga bagay na hindi niya kayang gawin noon. Hindi ko talaga sasayangin ang pangalawang pagkakataon na binigay niya sa 'kin.

Bumalik na ulit ako sa pagkakahiga sa dibdib niya.

Maya-maya lang naman ay naramdaman ko ang daliri niya na parang naglalaro sa likod ko. He's tracing the curve of my back. Parang meron din siyang sinusulat sa balat ko, pero hindi ko naman mahulaan.

Nakikiliti tuloy ako. Especially when his forefinger begins to travel down the side of my hips.

Napahawak ako nang mahigpit sa braso niya. Bakit parang nagsisimula na yatang mag-iba ang pakiramdam ko. Pinaglalaruan na rin niya ang buhok ko—sinusuklay niya, ipinapaikot-ikot sa daliri niya, at hinahawi ang ilang hibla na nakaharang sa likod ko. Para siyang may hinahanap.

At tsaka ko lang na-realize kung ano 'yon no'ng pumatong na ang kamay niya sa naka-buhol na tali sa likuran ng suot kong bikini top. Bago pa ako makapag-react ay mabilis na niyang nahila ang tali!

Nataranta ako at napabangon, sabay takip ng magkabilang kamay ko sa hubad kong dibdib. "A-ano ka ba. Why did you do that!"

Ngumisi lang naman siya. At alam ko kung anong ibig sabihin ng ngising iyon. Kaya naman bago pa niya matuloy ang binabalak niya e agad-agad na akong bumaba sa duyan. Kamuntik pa nga akong mawalan ng balanse kasi nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa dibdib ko.

"Where do you think you're going?" may awtoridad na tanong niya tapos bigla na lang akong hinila at binuhat papatong sa kanya!

Nataranta ako at nagpumiglas kaya pati siya ay nawalan din ng balanse. Bumaliktad 'tong duyan at sabay kaming nahulog sa buhanganin!

Napamura siya nang malutong kasi nadaganan ko siya.

"S-sorry," sabi ko na lang. "Ikaw kasi, ang kulit mo."

Tumapang ang itsura niya. "What did you say?"

"Nothing."

"Ikaw 'tong makulit kaya tayo nahulog!"

Nanlaki ang mga mata ko. Ako pa pala ang may kasalanan, e siya nga 'tong nanghila sa 'kin para pumatong sa kanya. I just shook my head in disbelief.

Tatayo na nga sana dapat ako, kaso bigla niya namang pinag-palit ang pwesto namin at siya naman ang pumaibabaw sa 'kin!

I felt my cheeks heat up. "A-Allen."

He just stared at me. I saw desire in his eyes. 'Yon ang mga titig na hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa.

Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Tapos pilit na lang niyang tinatanggal ang isang braso ko na nakatakip.

Pero hindi ko siya pinagbigyan. "Ayoko, Allen."

Binalik niya ang tingin niya sa 'kin at pinanlisikan pa ako ng mga mata na para niyang sinasabing, 'tatanggalin mo ba o makakatikim ka sa 'kin?'

Hindi pa rin naman ako nagpatinag. Bumwelo ako at tinulak na siya palayo. Tapos kumaripas na agad ako ng takbo pabalik sa bahay habang takip-takip 'tong dibdib ko!

Narinig ko pa nga siyang nagmura at tinawag ako, pero kunwari na lang wala akong narinig. Ayaw ko kasing mag-end up kami sa buhanginan. Baka biglang bumalik 'yong mga caretakers at makita pa kami. Nakakahiya.


Pagkabalik sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto at dumiretso sa shower room. Ni-lock ko ang pintuan para masigurong hindi ulit ako mapapasok ng asawa ko.

I then leaned my back on the tiled wall. Sinapo ko ang dibdib ko. Nakahinga rin ako nang maluwag sa wakas. Katiting lang naman 'yong tinakbo ko pero parang pagod na pagod yata ako.

Dinikit ko ang tainga ko sa nakasarang pinto pagkatapos. Pinakinggan ko lang kung nasa loob na rin ba ng kwarto si Allen. Pero mukhang wala pa naman. Kung sabagay, hindi naman 'yon makikipaghabulan sa 'kin. Malamang tinamad 'yon.

Binuksan ko na lang ang shower para magbanlaw saglit. Pagkatapos, lumabas na rin agad ako ng banyo suot ang roba na nakasampay sa likod ng pinto.

Himala, wala pa rin dito sa kwarto si Allen. Sisilipin ko pa lang sana siya sa balcony, pero saktong napansin kong umilaw ang cellphone ko na nakapatong lang sa bedside table.

Kinuha ko. At sinalakay na lang agad ako ng kaba nang makita kung sino ang nag-text.

It's Zian again!

• • •
AUTHOR'S NOTE:
Creating/distributing soft copies of this story is strictly prohibited. Please respect me and my work. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
349K 17.5K 73
Camilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbus...
1.9M 24.2K 19
O N G O I N G WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Following her first crush that turned into...