One Hand, One Heart [Escaner...

Af eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... Mere

Panimula
Page 1
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 2

501 15 0
Af eye_you

Page 2

Violin

*****

NAPAPITLAG ako sa kinatatayuan ng kalabitin ako sa balikat ni Wena. Nilingon ko siya at nakita ang kanyang pagtataka sa mukha.

"Okay ka lang?" Tumingin siya sa direksyong tinitignan ko kanina. Lumingon din ako roon at nakitang wala na sila. "Anong meron?" Tanong niya pa.

Napalunok ako at mahinang umiling. "Wa-wala. Tara na?" Saka ako nagpatiuna sa paghakbang. Napabuntung hininga ako ng malalim.

Baka namamalikmata lang ako. Baka nga.

Hindi nawala sa isip ko yun. Natutulala tuloy ako ng wala sa lugar at napapabuntung hininga ng malalim. Haist. Kinakabahan ako ah. Baka masalubong ko siya ng wala sa oras. Hindi pa ako handang makita siya. Kahit saglit lang.... Hindi pa talaga. Pero bakit nandito na siya? Ang sabi ni Wena sa bukas pa ang dating nila?

Hayy naku! Napaparanoid na yata ako?!

Mariin akong napapikit at napalunok.

It's alright. Everything's just fine.

Eh, ano naman kung makita niya ako? Kung makita ko siya? Hindi naman kami naging close. Baka nga hindi na niya ako nakikilala.

Pero.... Malalim ulit akong bumuntung hininga.

Everything's alright.

Naalimpungatan ako ng gising nang marinig ang pamilyar na tunog ng cellphone ko. Half eyes, kinapa ko iyon sa gilid ng ulunan ng higaan ko at tinignan.

Calling.....

Bigla akong napabalikwas ng upo sa ibabaw ng kama ng mabasa yung pangalan na nasa phone ko. Suminghap ako at agad iyong tinanggap.

"Madame?!" Yung kaninang half eyes ko ay napamulat na ng husto. Nagising na rin ng tuluyan ang diwa ko.

"Are you sleeping Milca?"

Napangiwi ako. "Yes..... po."

"I hope you'd come to pick me up sa pier ng Isla Catalina coz I'm already on the way."

Nanlake ang mga mata ko. "Papunta na kayo Madame?!"

"Yeah. Uulitin ko pa ba?"

"Ahm.. Sorry. Papunta na po kami sa pier."

"Good. Bye." Sabay end ng call.

Aww!

Mabilis akong bumaba ng kama. Sinipat ko ang oras sa aking phone. Sht. Five a.m. ?!

Haist! Napaka alanganin talaga nitong si Madame eh! Kaloka!

Mabilis kong nilapitan ang kabilang kama kung nasaan si Wena. Ginising ko siya. Nahirapan pa nga akong gisingin siya eh, nairita pa ako. Nagmamadali na akong nagpalit ng damit after. Casual lamang ang naisuot ko. Paddle short na maong at puting printed blouse. Nagdala din ako ng jacket. Minadali ko na rin sa pagkilos si Wena.

"Grabe naman talaga si Madame o. Alanganin kung dumating." Kakamot kamot ng batok na wika ni Wena.

Mabuti na lang at naabutan namin yung van na naghahatid sundo ng mga guests mula sa pier papunta ng resort, at vice versa. Nakasabay kami roon.

Maliwanag na nang makarating kami sa pier pero hindi pa sikat ang araw. Yakap ko ang aking sarili habang nakatanaw kami ni Wena sa may dagat. Kita na namin ang paparating pampasaherong bangka kahit medyo malayo pa.

"Yan na ba?" Saka napahikab ng ng mahaba si Wena.

Nahawa ata ako sa kanya kaya humikab din ako ng pasimple. "Yan na yan."

"Napaaga ang dating ni Madame ah. Excited din?" Ani Wena.

"Baka nga." Tinignan ko siya. "Mamaya ang sched ng photoshoot di ba?"

"Oo. "

"Dumating na ba yung groom?" Nagtataka kong tanong.

"Ayy, hindi ko pa alam eh. Sabi darating daw ngayon... Sabi lang."

Napabuga ako ng hangin. "Sana naman di ba? Mangangarag tayo kung hindi."

Napatingin kami sa mismong binababaan ng mga pasahero nang makitang dumaong na yung bangka. Inilibot ko kaagad ang tingin ko sa mga naroon at hindi nagtagal at natagpuan ko din ang hinahanap ko.

Lumapit kami kay Madame nang tuluyan na itong nakababa mula sa bangka.

Madame Evita Loresca. Siya ang may-ari nang maliit naming business. Well, hindi naman siya maliit since malaking tao naman ang nagiging kliyente namin. May edad na si Madame, around 45, pero maganda pa rin ang tindig at maganda. Wala sa mukha niya ang edad, maputi siyang sadya, mestizahin, mabilog ang mga mata, makapal na kilay at may mahahabang pilikmata. Sa pananamit, hindi siya biro, lagi yang naka-label na dress at accessories. Pero mga simpleng bagay lang naman. Tipong lalakad lang ng kabilang kwarto kailangan nakapostura siya at nakamake up. Kaya nga Madame ang tawag namin sa kanya.

Though hindi naman siya yung mula sa marangyang pamilya. Nagsikap siya upang marating ang kinalalagyan niyang estado sa ngayon. Matagal na proseso bago niya napatatag ang pundasyon ng kanyang business at masaya kami ni Wena na kasama niya kami mula't umpisa. Hanga din ako kay Madame. We look high to her. At marami siyang alam na nakakatuwang bagay tungkol sa buhay.

At.... Single pa siya.

Siguro naging sobrang busy na rin niya sa trabaho kaya ganun....

Anyways. Mabait siya sa mabait at medyo mataray ang dating. Syempre... Madame eh.

Agad na kinuha ni Wena ang nag iisang dala nitong gucci na shoulder bag. I wonder bakit siya nag bangka?

"Welcome Madame!" Masayang bungad na bati ni Wena.

Ngumiti ako. "Welcome po Madame. Kamusta po ang biyahe?"

"Mabuti. Mainam." Hinubad niya ang suot na wayfarers. Hindi pa naman tirik ang araw. "No one told me na.... Sa bangka ang sakayan papunta dito? Wala ba silang yate? O cruise? Tsk." Napaismid siya.

Alanganin akong ngumiti. Wala akong maisagot.

Parepareho kaming natigilan nang makarinig nang tunog nang paparating na helicopter. Napatingala ako sa langit. Medyo malakas ang tunog dahil mababa na ang lipad. Mukhang, pababa na ito.

Chopper ng resort? Private chopper? At sino naman ang sakay niyan?

Sinikop kong mainam at inilagay sa kanang balikat ang nililipad kong buhok. Hindi mahaba ang buhok ko, lampas balikat lang naman, may highligths itong chestnut brown na kulay pero pawala na rin dahil matagal na nang huli akong nagpakulay at nagpa-trim ng buhok.

"Tara na?" Boses ni Wena.

Nawala na sa paningin ko yung chopper. Tumango na lang ako at tumulak na kaming pabalik sa resort.

Kumain kami sa restaurant ng breakfast. Hindi na ako nakatulog kanina pagbalik namin mula sa pagsundo kay Madame. Si Wena naman, nakaidlip pa siya. Siguro talent niya yun. Buti pa siya.

Habang kumakain kami ay napag usapan namin ang detalye ng kasal na magaganap. Pupunta kami sa simbahan mamaya. Iti check namin ang sound system ng simbahan at may rehearsal ang entourage nang bandang hapon.

Hawak ko ngayon ang invitation card nang kasal. Actually, hindi ko iyon masyadong binigyan ng pansin nung umpisa, ngayon ko lang binasa ang nilalaman. Pinasadahan ko ng basa ang mga pangalang naroon at hindi nakaligtas sa aking tingin ang kanyang pangalan.

Napabuntung hininga ako ng malalim.

So... Most probably ay makikita ko siya ngayong hapon sa rehearsal ng entourage.

Tsk. Hindi ako ready pero wala na akong choice.

After lunch ay tumulak na kami papunta sa may simbahan. Maganda iyon at makaluma. Nakarating na ako sa maraming simbahan at palage pa rin akong naamaze sa mga bago kong napupuntahan. I have this dream na mameet one day ang prince charming ko sa simbahan. And i always pray for that... Noon. Pero ngayon...

I guess when you get older, your dreams change. Sometimes it become more practical dreams. Mare realize mo na ang fantasy na natutunan mo noong bata pa ay malayong malayo sa katotohanan ng mundo. And fantasies are only for children. Leave it all to them for inspiration.

"Kompleto bang darating ang entourage? Ayoko ng kulang.. Mahirap mag adjust." Wika ni Madame nang nasa simbahan na kami.

Tipid lang akong ngumiti. Nakita ko sa may bungad ng simbahan na may mga kausap na si Wena. Mga kasama yata sa rehearsal. Nanliit ang mga mata ko sa pagsipat kung sino iyong mga dumating.

Ahh... Wala siya.

Mayamaya pa'y lumapit kami ni Madame kay Wena.

"Magandang hapon." Bati ni Madame sa kausap ni Wena.

Napunta sa amin ang kanilang pansin.

Yung kausap ni Wena, napakaganda. I mean.... Mestisang parang may lahing kastila. Classic ang kanyang ganda pero mukhang istrikta.

Ngumiti ito sa amin.

"Ma'm, ito po pala ang aming head coordinator. Madame Evita." Pakilala ni Wena sa dalawa. "Madame, si Ma'm Sophia Escaner po. Ang mother ng groom."

Agad na naglahad ng kamay si Madame upang makipagkilala.

"Evita Loresca. I'm the head coordinator."

"Nice to meet you." Malugod naman na tinanggap ni Mrs Escaner ang kamay ni Madame. "Salamat sa pagtanggap sa event na ito. Alam ko na medyo mabilisan."

Napangiti ako. Well atleast hindi siya yung tipo nang mayayaman na mahirap pakisamahan. I mean... Hindi siya matapobre.

"Okay lang po Ma'm. Hindi naman po kami nahirapan." Wika ni Madame. "Priviledge namin ang gawin ang event na ito, Ma'm. Salamat po at kami ang napili ninyo."

Natawa nang mahina si Mrs Escaner. "Isa sa pamangkin ko ang nagsuggest sa inyo at hindi naman siya nagkamali. Buti na lang. This is a very important event to us. You know. And i hope to see your team sa mga susunod pa."

"Maraming salamat po." Nakangiting tango ni Madame. "We look forward to it, Ma'm."

"Well..." Tumingin si Mrs Escaner sa may bukana ng simbahan. "Ang alam ko ay parating na sila ngayon. We can start the rehearsal. My son is also attending kaya makakausap ninyo siya."

Finally! Sa isip isip ko. Akala ko kasi hindi na yun magpapakita.

"Here they are."

Napatingin kami halos sabay sabay sa may pinto ng simbahan. I don't know them by names and faces pero malalaman ko din naman. And then he came in of the door, natigilan ako at napasinghap ng lihim.

He was grinning while walking beside a girl na mukhang kaedaran niya rin. I think he matured in looks since i last saw him.

Kelan nga ba ang last na nakita ko siya?

I remember it was summer at graduation day. Glipse ko lang siya na nakita nun.

Baby face kasi siya at laging naka smile. His laugh was contagious. Naaalala ko pa kung paanong nakukuha niya ang atensyon ng marami sa tuwing may mga activities. At gustong gusto niya iyon, ang laging maging sentro ng atensyon.

Bumuntung hininga ako ng malalim at umiwas ng tingin.

Why am I so worried anyway?

"Andito na sila. Start na tayo." Nakangiting wika ni Wena sa akin. Nauna na siyang humakbang upang salubungin iyong mga dumating. Wala naman na akong naging choice kundi ang sumunod.

Eto na nga.

"Hi." Masiglang bati ni Wena sa mga naroon.

Tumayo ako sa gilid niya, just a step away. Pinasadahan ko agad ng tingin iyong mga nasa harap namin.

Kompleto naman ata sila..... Tinignan ko yung list ng entourage.

"Ako nga pala si Wena." Narinig kong wika ni Wena. Abala akong nakatingin sa list na hawak ko. "At ito ang partner ko si Milca."

Bigla akong nag angat ng tingin. Hindi ko naman in expect na ipapakilala rin ako ni Wena pero... Okay lang din.

"Kung may gusto kayong malaman tungkol sa magiging flow ng kasal bukas, feel free to ask us." Bumaling ng tingin si Wena sa akin at tumango. "Start na tayo."

Nakaalalay naman ako sa ginagawa ni Wena. Iniwasan ko lamang na mapalapit sa kanya.

"Hi." Lumapit ako sa pinsan nilang nakaupo ngayon sa harap nang keyboard. Siya kasi ang tutugtog nang para sa entourage ng kasal. May kausap siya noon na isa pang girl na pinsan din yata nila but hindi kasama sa nagre rehearse.

"Hello." Ganting bati sa akin nang husto na akong makalapit sa kanila. Yung girl na may mahabang buhok at may highlight color ang bumati sa akin.

She looks refreshing. Actually. Maamo ang mukha niya.

"Heto nga pala yung line up song na gagamitin sa mass bukas." Inabot ko sa kanya ang isang papel na naglalaman ng nasabi ko. I think magaling siya rito. "Matagal ka na bang tumutugtog para sa mass?"

Tipid siyang ngumiti at umiling. "Hindi. Ngayon lang."

"Oh?" Bahadya akong nagulat.

"Pero may alam naman ako. Ahm... Kung may available na piesa, kaya ko yung tugtugin." Casual niyang wika.

"Ang galing mo naman." Nakangiting wika nang kausap niya na girl. Maganda ito at may mala-anghel na ngiti.

Napangiti rin ako. "Okay lang. May kasama ka naman na iba pang instrumentalist bukas."

"Milca Miranda."

Gulat akong napalingon nang marinig na may nagsalita sa likod ko. Muntik na akong takasan ng kulay ng mapagsino iyon mabuti na lang at napigil ko ang sariling tumili.

My heart suddenly beat faster. Nag init din ang aking magkabilang pisngi. Nang magtama ang aming mga mata... I felt a tingling sensation in my throat.

Suminghap ako ng lihim. Tsk. He knows my name.

"Why am I not suprise to see you here?" Nakangiting aniya habang nakahalukipkip at nakatitig sa akin.

I gulped hard. Naalala niya ako.

"Magkakilala kayo, Henry?" Tanong nung girl na mukhang anghel.

Umiwas ako ng tingin at lihim na napa iling.

"Lahat naman kilala niyan." Sarcastic na wika nung girl na may color ang hair.

"At ano naman ang ibig mong sabihin niyan Corin Thea?" Sarcastic na wika naman ni Henry.

Napatingin ako sa kanya and saw him wink at me.

Tsk!

Gusto ko sanang mapafrown pero pinigilan ko lang.

"I'm just saying na kilala mo lahat. Famous ka eh." Hindi ko alam. Pero parang natural na sa kanila ang ganyang pag uusap.

Mahinang napahagikgik naman yung isa pang girl.

"Ewan ko sa'yo Corin." Muling bumaling ng tingin sa akin si Henry. "Magkakilala kami dahil nagkakasama na kami noon sa mga concourse."

"Isang beses lang po yun." Malamig kong wika.

Nagkatinginan kami.

Of course he didn't know it. Parang gusto kong matawa.

"Isang beses lang akong nakasama sa concourse. Hindi na iyon naulit."

"Baka ibang girl ang tinutukoy mo, Henry." Pang aasar na wika nung Corin.

Napapilig ng ulo si Henry at napasapo sa batok. "Amf. Baka nga."

Lihim akong napakagat labi. I can't believe it.

"Babalik na ako roon." Sabi ko para makaalis na sa awkward na situation.

"Agad agad?" Parang nagulat pa siya sa akin. Mataman niya akong tinignan pero hindi ko na iyon pinansin.

Nagkibit balikat na lamang ako at nagpaalam na ng tingin sa dalawang babaeng naroon.

Why am i not suprise na hindi niya ako naalala? Mariin kong itinikom ang labi ko at mahigpit na hinawakan iyong hawak ko na clipboard. Halos mapakuyom kamao na ako.

Of course he wouldn't recognize me! Sino ba naman ako?

Tss. Calm down. Mainam nga iyon. Ayoko nang magkaroon ng anumang koneksyon sa kanya maliban sa isang ito. And this will be over after tomorrow. Tapos, hindi ko na uli siya makikita. Hindi na uli magku-krus ang mga landas namin.

The day ended smooth. Gayun din ang rehearsal. Maaga kaming nakapag pahinga ni Wena para sa kinabukasan.

Kinabukasan. I tried to act as natural as i can. Like nothing ever happened. Like... May nangyari ba?

Nakatayo ako sa bandang likod ng simbahan. Nanunuod lang ako nang nagaganap na kasal.

Parang wala naman akong madamang kilig sa nagaganap na kasal. Kakaiba ito sa lahat ng wedding na in organize namin at naattend-an.

"Milca...." Kinalabit ako ni Wena mula sa likod. Agad naman akong napalingon.

"Wena?" Nagtataka ko siyang tinignan.

"May problem. Yung isang soloist sa kanta mamaya wala. Hindi na makakaabot dito."

"Anong gagawin natin?" Tinignan ko siya sa sulok ng aking mga mata.

"Kailangan natin ng kapalit. As in now na."

Bumuntung hininga ako ng malalim.

"Ikaw na lang. Alam mo naman yung kanta eh. Isa lang naman habang nako-communion."

Nabigla pa ako. "Ako? Ako talaga?"

"Oo. Ikaw. Trabaho mo din naman yan eh. Dali na." Saka niya ako hinawakan sa wrist at hinila papunta sa gilid kung nasaan ang choir.

Nagulat pa akong makita na naroon si Henry. Nagkatinginan kami at agad siyang ngumiti.

Feeling close talaga siya sa lahat eh. Pero bakit nandito siya? Kasama siya sa entourage di ba?

"Hindi ko alam na magaling pa lang tumugtog ng violin si Henry." Humilig at bumulong sa akin si Wena. Nakangiti siyang hindi ko alam kung bakit.

Yes. He is. Magaling siya na mag violin. Sa STA, sikat siya bilang isang music prodigy. Nagkasama kami sa music club kaya kilala ko siya. Hindi lang kami naging close kasi sumali siya sa club sa kanyang last year sa school. Alam ko.... May iba siyang dahilan kaya siya sumali noon sa club at kaya dahil doon..... Hindi ko talaga siya gusto.

Kahit hanggang ngayon.

*****

Updated: August 1, 2016

**Please vote / comment / share. Salamat. Godbless.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

5M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.1M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...