The Camp: He's My Secret Agen...

By MsButterfly

2.5M 42.5K 2.5K

Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookst... More

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 7)
CHAPTER 1 ~ Maybe ~
CHAPTER 3 ~ Mission ~
CHAPTER 4 ~ Pretend ~
CHAPTER 5 ~ Banat ~
CHAPTER 6 ~ Handcuff ~
CHAPTER 7 ~ Ironic ~
CHAPTER 8 ~ Sign ~
CHAPTER 9 ~ Choice ~
CHAPTER 10 ~ Bubble ~
CHAPTER 11 ~ Code ~
CHAPTER 12 ~ I'm Sorry ~
CHAPTER 13 ~ Escape ~
CHAPTER 14 ~ The Woman He Loves ~
CHAPTER 15 ~ Revelations ~
CHAPTER 16 ~ Too Late ~
CHAPTER 17 ~ Snobbish, Grouchy and Sarcastic ~
CHAPTER 18 ~ My Game ~
CHAPTER 19 ~ Tears ~
CHAPTER 20 ~ Complication ~
CHAPTER 21 ~ Nang Dahil sa Tekken ~
CHAPTER 22 ~ Butterfly ~
CHAPTER 23 ~ Wedding ~
CHAPTER 24 ~ Mission: Baby ~
EPILOGUE

CHAPTER 2 ~ I Love You ~

123K 1.8K 126
By MsButterfly

CHAPTER 2

EIKA'S POV

They said that it's better to be hurt than to never love at all. Pero kadalasan sinasabi iyon ng mga taong hindi pa nararanasan na magmahal ng totoo o ang mga taong masaya na sa buhay pag-ibig nila. No one in their right mind will choose to be hurt. We choose to love but pain and heartache always come with it. It's inevitable. Life will show us what the real meaning of pain, for us to learn what love really means.

I tried not to roll my eyes habang sinisimulan na naman ni Yale ang version niya ng terorrising dito sa kusina ng 'Craige'. Well...parang ako lang ang nakukulta ang utak sa mga pinaggagagawa niya dahil aliw na aliw sa kaniya ang iba pa naming mga kasamahan dito.

Hindi kasi mga agents ang kasamahan namin ni Yale sa kitchen. Though pumirma sila ng kontrata para mapanatili ang confidentiality ng mga agents dito.

"Please go to your respective stations. Ang special menu natin for today ay Mixed Tempura so please Mise En Place the ingredients and you must finished before ten oclock. We will also be making Pesto Linguini, Honey Mint Glazed Grilled Chicken, Grilled Scallops, and Grilled Beef Tenderloin and Shiitake. Don't forget to make a Beaurre Blanc Sauce for the Scallops. And Ralph please go easy on your Consomme, napagkamalan tuloy broth kahapon."

Tahimik na nakikinig lang ako sa kanila habang naghihiwala ako ng basil leaves. Katabi ko ang isang bagong kitchen staff na si Kellan na kulang na lang ay sundan ako hanggang sa CR dahil imbis na si Yale ang idolohin niya ay ako ang sinusundan niya. Kasulukuyan din siyang nagcu-cut ng basil leaves.

Anyways...Consomme is a clear beef soup. It's far different from broth dahil kapag inilagay mo sa soup bowl ang Consomme makikita mo na ang bowl sa sobrang linaw non. Wala ding foam or other solid lumps. Kung tutuusin parang imposible na hindi maging masebo ng beef broth hindi ba? But it is possible. If you cleared the broth into perfection then that is Consomme. 

Sa totoo lang para sakin pinakamahirap gawin ang mga sauces and soups. Masyado kasing mabusisi.

-_________-

Kung bakit naman kasi dito ako inilagay ni Craige. Pwede namang waitress na lang ako. Wala tuloy akong choice kundi pakinggan ang lalaking to.

"Okay? Let's start now. Gawin na nating kasing perfect ko ang mga lulutuin natin."

See that?

I need to endure that every freaking day.

"Hey, new guy! You're chopping the leaves wrong. And if you keep on staring at her mawawalan ka ng daliri."-yale

Nilingon ko si Kellan na kasalukuyang namumula. He's younger than me...three to four years siguro ang tanda ng bente-anim kong edad sa kaniya.

"You need to roll the leaves before you cut it. Hindi parsley iyan. Gayahin mo ang ginagawa ng Eika love ko na kalevel ng kaperfect-an ng makisig kong pagkatao. "-yale

Binigyan ko ng matalim na tingin si Yale. "Shoo! Magluto ka na lang at wag mo kaming istorbuhin. Kailangan ka pa ng mga sandok mo."

"Mas kailangan kita love!"

Binato ko siya ng basil at natatawang lumayo na siya. Good..dahil baka siya ang irolyo ko na parang basil leaves para hiwain.

"S-Sorry po, Miss Eika."-kellan

"Hayaan mo na ang bagyong iyon. Anyway, katulad ng sabi niya kailangan mong irolyo ang mga basil leaves bago mo i-cut. That technique is called Chiffonade. Pwede mo ding gamitin iyan sa mint leaves."

Tumango siya at sinunod ang ginagawa ko.

"My gosh! Ang init! Matutunaw ang kakisigan ko dito. Dapat benteng aircon ang ipinalalagay natin dito."

Naniningkit ang mga mata na tinignan ko si yale. Sanay na ang lahat sa kaniya. Cue niya yan para maghubad ng Chef's jacket niya. Nag chef pa kung ayaw naman niya sa maiinit na lugar. Saan ka makakakita ng kusina na sobrang lamig?

-_______-

Binaba ko ang kutsilyo bago ko pa maisipan na itarak iyon sa kaniya. Hinayaan ko muna si kellan sa paghihiwa ng basil leaves at lumapit ako sa may sink para kunin ang mga nahugasan na na gulay na kailangang balatan. 

And of course mas napalapit ako kay Yale na kasalukuyang gumagawa ng version niya ng paghuhubad ng isang macho dancer.

"Hindi ka ba natatakot na matalsikan ng mantika?"-me

"Hindi. Dahil sinasamba ako ng lahat ng bagay sa mundo at alam kong hindi ako sasaktan ng pobreng mantika! HOHOHOHO!"

"Itigil mo ang panggagaya kay Santa Clause bago ka pa niya kasuhan ng plagiarism." Kinuha ko ang isang collander na puno ng patatas. "Martha, ibuhos mo kay Yale yang mantika kapag mainit na. Subukan lang natin kung masasaktan siya."

Napapailing na ngumiti lang ang Poissonier Chef namin na si Martha. Hindi 'poisoner' kundi 'pwa-so-nyay' or also known as Fish Chef. Sila ang nagluluto sa mga fish, shellfish at kung ano-ano pang seafoods.

"Kakaiba talaga ang pagmamahal mo sa akin Eika love. Sinabi ko naman sa iyo na hindi mo na kailangang itago sa kanila."

Kinunutan ko siya ng noo.

"Itago ang alin?"

...

...

"Ang pagnanasa mo sa akin. Alam ko namang gusto mong ikaw lang ang makakita ng kakisigan ko pero my love, kailangan nating i-share ang blessings."

Akmang susugudin ko na siya para siya ang iihaw ko with matching grill marks ng may humaklit sa bewang ko. Nilingon ko kung sino ang istorbo ng maisama ko kay Yale ng makita kong si Craige iyon.

Napatikhim ako at pilit na binalik ko ang composure ko.

Binigyan ko ng nagbabagang tingin si Yale na nakangiting nakataas lang ang mga kamay na animo hinuhuli ng pulis. Sa kaliwang kamay niya ay may hawak pa siya na spatula.

"Ano na naman ang ginawa mo, yale?"-craige

"Ako? Wala ah. Naglalambingan lang kami ni Eika-"

"Of course not."-me

"At nagkatampuhan kasi kami kaya ayan, idenideny niya ang pagsinta niya sa kakisigan ko. You know? Badump badump!"

"No. And what the hell is 'Badump badump', Is that a new word?"-craige

Napangiwi ako. Si Thea nga lang pala ang nakakapagpatawa at nakakapagpaconvert kay Craige na maging taga Planet Earth.

"Pare kong bagong salta sa planetang Earth, that is the sound of love. Wag kang mag-alala makakasabay ka din sa daloy ng buhay."

Tinignan lang siya ni Craige na animo tinubuan si Yale ng pakpak, buntot at sungay na nagpamukha dito bilang taong pegasus.

"Whatever. Just dont bother Eika too much."

Nagdududang tinignan ni Yale si Craige. "May lihim na pagtingin ka ba sa Eika ko? Aba hindi pwede iyan!"

"No. Ayoko lang dumanak ang dugo dito kapag napatay ka niya."

Nagbago ang ekspresyon ni Yale. Nag beautiful eyes siya at pinagsalikop niya ang mga kamay niya na animo kinikilig. 

"Ikaw naman Pareng Craige, masyado kang concern para sakin-"

"I just want to save Eika from the trouble of killing you. Besides...sayang sa energy."

Napanganga si yale habang inihit naman ako ng tawa. Sumaludo ako kay Craige na umangat ang sulok ng labi bago tuluyang lumabas. Mukhang hindi naman pala off ang sense of humor ng among tunay ni Thea.

Nilingon ko si Yale na sapo-sapo ang dibdib niya sa tapat ng kaniyang puso na para bang may gumulat sa kaniyang multo. Nagpalingon-lingon pa siya at ng matuon ang pansin niya sa ding-ding ay kaagad siyang lumapit doon at sumandal...then...

-________-

Nag walling.

Kung hindi niyo alam ang 'Walling', ito lang naman ay ang mga ginagawa ng artista kapag nagdadrama sila. Yung sasandig sa ding-ding at magpapadausdos pababa. Iyon ang ginagawa niya ngayon.

"Tumayo ka nga diyan. Mapagkamalan ka pang basahan diyan."-me

"No one cares for me anymooooooreeee!"

"Oo na, oo na. Kawawa ka na."

"Really?"

Nagpapaawang tinignan niya ako na animo inapi na siya ng buong universe. Kung hindi ko pa siya kilala baka maawa pa ako sa kaniya lalo na at mukha siyang tutang naligaw na hindi maintindihan.

but I know Yale too well...

Too well.

"Oo. So magluto ka na at ng may matuwa naman sa iyo."

"Sino?"-yale

"Sila."

Ngumiti siya ng matamis at tumayo. Tinaasan ko siya ng kilay ng bigla siyang umakbay sa akin at sumiksik. Pumiksi ako dahil nakadikit na sa akin ang hubad-baro niyang itaas pero lalo lang siyang kumapit sa akin sa pamamagitan ng pagyakap sa akin na animo isa siyang koala bear.

"Ikaw na lang ang mag care sa akin Eika love."

"Ayoko."

"Bakit?"

"Trip ko."

"Trip ko ding ikaw ang piliin para alagaan ako. So...I now entitled you to care for me! Whoopie whoopie! O diba?"

"Dapat ko bang ikatuwa iyon?"-me

"Aba, Oo. Ang dami kayang naghahangad na maalagaan ang sobrang gwapo, sobrang hot, sobrang masex appeal-"

"Sige dagdagan mo pa. Mukhang kulang pa eh."

Mukhang matigas talaga ang balat ng isang to dahil hindi siya tinatamaan sa mga sarcastic remarks ko. Mas lalo pa nga siyang lumalapit sa akin dahil doon.

Ang lakas talaga ng trip.

"Chef pumalpak po ang Consomme!"

Nakapout na lumayo sa akin si Yale at tinutukan ng spatula ang napataas ang kamay na kitchen staff. "Ikaw na naman. Naku, kung hindi lang malalagasan ng one pinch ang kagwapuhan ko baka isinahog na kita sa Consomme. Buti na lang nandito ang magiting na si ako. May emergency procedures diyan."

Nakahinga ako ng maluwag. Saved by the bell-...or to be exact, Saved by the Consomme.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa paghihiwa ng patatas. Mas mabuti pang makipag wrestling sa mga gulay kesa kausapin si Yale. Nakakawala siya ng energy. Besides...I cant let him get into my defenses again. It's highly possible because he manage to crept into my heart before. He can do it again.

Lake is a good guy. I dont want to hurt him kahit na siya ang nagtutulak sa akin dito. He have his reason.

Masaya akong kasma si Lake. He cares for me. Alam ko din na hindi niya ako pababayaan. Lake deserves a wife who will stay with him...he even deserves someone better than me. Ngunit kailangan kong manatiling asawa niya..sa ikatatahimik naming pareho. Hindi siya titigilan ng mga magulang ko. He need to set some deals straight bago namin pwedeng ipaannul ang kasal. He's trying to build an empire without my his parents and mine knowing.

Hindi naman ako nagmamadali. Besides...I never been free like I am now. Hindi niya ako pinilit na gawin ang kahit na ano.

He never lie to me.

"Miss Eika?!"

Nilingon ko si Kellan ng bigla siyang napasigaw. Tinignan ko ang tinititigan niya. Napasinghap ako ng makita kong nagdudugo na ang mga kamay ko.

Damn it.

My divided attention striked again.

Mahirap mawala sa konsentrasyon kapag nasa loob ka ng kusina. Hindi ka pwedeng mag day dream. Isa ang kusina sa pinakadelikadong trabaho. Ni hindi nga aakalain ng kahit na sino na delikado sa kitchen.

If you're a chef or a kitchen staff you need to spend almost half of your day inside the kitchen cooking. Hindi pwedeng papatay-patay at kailangan mabilis ang kilos mo. Maraming naglalakad na may mga hawak na kutsilyo, maiinit na pan at kung ano-ano pa. And of course kasama na din doon ang possible na maging problema sa isang stove. You can never know what might happened.

"Eika!"

Humahangos na lumapit sa akin si Yale. May kinuha siya sa cupboard sa itaas ng ulo ko at inilabas doon ang first aid kit. Hinila niya ako papunta sa sink pagkatapos ay sinimulan ng linisin ang sugat ko.

"Kaya ko na to."-me

"Let me help you."

"Yale, kaya ko na sabi-"

"No."

Napatigil ako sa diin ng pagkakabigkas niya ng katagang iyon. Yale was always gentle with me. Minsan lang iyan magseryoso at iyon ay kapag nag-aalala siya sa akin.

Napabuntong-hininga ako at hinayaan ko na lang siya sa paglinis ng sugat ko. Hindi naman ganon kalaki ang sugat ang kaso may kalaliman iyon kaya hindi maampat ang pagdurugo.

"Focus on what you are doing, Eika."-yale

"I know."

"Whoever that is...he's a lucky man."

Napakurap ako. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko dahil mahina ang pagkakabigkas niya ng mga iyon.

"Ha?"-me

Ngumiti sa akin si Yale. "Ang sabi ko wag mo kasing iniisip ang kagwapuhan ko. Mapapahamak ka niyan kapag inokupa ko na ang buong isipan pati na ang puso mo."

I rolled my eyes.

Pero hindi ko maiwasang hindi isipin ang sinabi niya...dahil sigurado ako na hindi iyon ang narinig ko kanina.

Minasan naiisip ko...bakit kaya hindi ko na alng sabihin kay Yale ang totoo? Na kasal na ako...para tigilan na niya ang kakasunod sa akin. It's just that...I cant make myself say it. Hindi ko din alam kung bakit...ayokong alamin.

Lake and I just need some time...soon marerealize niya na kaya ko siyang alagaan. Na mahalaga siya apra sa akin at hindi lang dahil sa utang na loob kaya ako mananatili sa tabi niya. 

Lake is important to me...I love him...

...

...

But it's not the same love I felt for Yale before. Hindi ko alam ang pinagkaiba...it's just different. I want to take care of Lake pero sa tingin ko...hindi ko pa kayang mahalin siya katulad ng pagmamahal ko noon kay Yale.

Maybe I wont ever love that way again...maybe I'm tired of giving all of my heart to just get it broken in the end.

"Do you want to take a break?"-yale

"Kasisimula pa lang natin mag be-break na kaagad?"

Napangisi si Yale. "Sabi na nga ba at ayaw mo pang putulin ang pag-iibigan natin. Tama ka...kasisimula pa lang ng love story natin kaya hindi tayo pwedeng mag break."

Siya na lang kaya ang balatan ko ng wala na akong problema?

Wala naman sigurong malulungkot kapag bigla nalang nawala sa mundong ibabaw ang gigolong kusinero na to.

Well...actually baka maraming malungkot dahil babaero ang taong to. Siya ang epitome ng isang malanding lalaki. Siya ang nagpapatunay na ang 'malandi' na salita ay hindi lang para sa mga babae. May equality talaga sa mundo.

"Bakit ang tiim ng pagkakatitig mo sa akin? Iyan ba ang tinatawag na malalagkit na titig? We can have a lot of time for that later, Eika love. Ipauubaya ko sayo ang katawan ko with open arms."

Idinipa pa nito ang mga braso na animo sinusuko ang sarili nito. Kinuha ko sa kaniya ang spatula at walang babalang ipinalo ko iyon sa braso niya dahilan para mapahiyaw siya.

"Love naman!"

"Wag mo akong kausapin! Hindi kita kilala. At ang tingin na ibinibigay ko sayo ay malayo sa sinasabi mong 'malalagkit na tingin'. Chinachannel ko lang ang inner power ko para bigla ka na lang bumalagta sa sahig ng walang buhay."

"Wag mo ng itanggi mahal ko! Alam ko ang totoo! Mahalin mo lang ako sintay walang humpay na ligayaaaaaa! At asahang iibigin ka! SA TANGHALI, SA GABI AT UMAGA!"

"Hoy! Malayo pa ang pasko!"

"Parang nabingi ata ako."

Napatingin ako sa pinto ng biglang sumulpot don si Andreige na may dala-dalang tray. Mukhang may duty siya ngayon. Kasunod niya si Cloak na siyang nagsabi na baka nabingi ito. May kabuntot itong dalawang tsikiting na si Hermes at si Adonis na may hawak ding tray.

Mukhang magpapapractice na sila sa pagiging agent slash waiter ng The CAMP.

"Duh, alam kong malayo pa ang pasko dahil pasko ang birthday ko. At Cloak mabuti ng mabingi ka. Ayaw mo yon? Complete package ka na. Pipe na binge pa."

Tinignan lang siya ng masama ni Cloak na kumuha ng dalawang plato na may dish. Nilagay niya ang isa sa tray ni Hermes at ang isa naman ay kay Adonis.

"Kapag malaki na kayo at dito kayo nagtrabaho wag niyong tutularan ang isang iyan."-cloak

"Opo."-adonis

"Ang cool niya nga po eh."-hermes

"Itatakwil kita kapag naging katulad ka niya."-cloak

"Ay hindi po pala siya cool."

Tuluyan na silang lumabas at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Hindi ko alam kung bakit pero minsan nakakaaliw yang si Cloak kahit na ang sabi niya ay puro katotohanan lang daw ang sinasabi niya at hindi naman siya nagpapatawa.

Wala lang talagang sumeseryoso sa kaniya...sa pangunguna na syempre ng asawa niya.

Nilingon ko si Yale ng umakbay siya sa akin.

"Sige! Apihin niyo na akong lahat...at least love ako ni Eika ko."-yale

"Sinong may sabi?"

"Ikaw."

"Wala akong sinasabi."-me

"Meron. Trust me."

Pakiramdam ko lukot na lukot na ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Wala naman akong sinabi sa kaniya na kahit ano tungkol sa love love na iyan ah.

"Wala akong sinabi na I Love You!"-me

"Ha?"

"Ang sabi ko wala akong sinabi na I Love You sayo."

"What?"

Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin. "Wala akong sinabi kahit kailan na I Love You! Wala, wala, wala!"

Itinaktak ni Yale patagilid ang ulo niya na parang may tinatanggal na bara don. Kulang na lang ay kalmutin ko siya kung hindi ko lang inaalala ang itsura ko kapag naghimas ako ng rehas.

"Ano kamo?"

"Hindi ko sinabi na I love You!"

"What? I can't hear you. Anong hindi mo sinabi?"

"I Love You!"

Nanglaki ang mga mata ko. Shit! Shit! Shit! Napatili ako ng lumawak ang ngiti ni Yale na parang nanalo siya sa lotto. Itinaas niya ang phone niya.

"Na record ko yon. Ayan ha? May pruweba na ako. Sinabi mo talagang mahal mo ako."

Ugh!

Why did I even fell for that trap?

-_________-

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 313K 54
It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today.
1.9M 55.2K 34
It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story...
26.7K 558 24
WARNING: Extreme sexual content, language, themes Single since birth sina Angela, Patricia at Dondie. Angela is a passionate activist. Patricia is a...
906K 29K 56
From his stepfather's abusive acts to his eviction from their rented apartment, Jay Valdez had no choice but to live with his friend and his friend's...