CHAPTER 12 ~ I'm Sorry ~

84.3K 1.4K 55
                                    

CHAPTER 12

EIKA'S POV

"Ganon na ba talaga kaimportante ang lalaking yon para pati taga-ibang planeta ay pag interesan na siya?"

Binato ko ng almonds si Yale na kasalukuyang nagluluto. Lumipat kami ng hotel room dahil hindi na daw siya makakatagal na hindi nagluluto. Di hamak daw na mas magaling siyang magluto sa chef dito sa hotel at sa mga restaurant sa paligid.

"Oo nga, baka next time mga taga Pluto naman ang magtangkang kidnapin siya."

And that's Autumn. Kasalukuyan kasing nasa tabi ko ang phone ko at gamit ang version ng mga agents ng Skype. Mas mabilis siya at walang kahit na anong hassle.

"Baliw."-me

Nag thumbs up si Autumn na para bang compliment pa ang sinabi ko. Busy sa likod niya ang mga agents na hinahanap si Shaila Mars. Sa harapan ko naman ay nandoon ang copy ng lahat ng tungkol kay Lake na pinadala dito nila Rain.

Pati past girlfriends ni Lake inalam namin....pero wala namang Shaila ang pangalan. Pati lahat ng mga nakilala niya at ang mga kamag anak non...maging ang mga tauhan sa kalaban niyang kompanya.

Pero wala parin.

"It's like we have a clue but we're searching for the last one at the wrong place."

Napatingin ako sa phone ng marinig kong nagsalita si Rain. Napalingon din sa kaniya ang mga agents na kasama niya...maging si Yale na may hawak pang sandok.

"May sarili ka na namang mundo pareng Rain."-ice

"Oo nga. Share mo naman samin yan."-wynd

Hindi sumagot si Rain at nagpatuloy lang nagtype. Binelatan ni Wynter ang mga kapatid niya at sumiksik na lang kay Rain na busy parin.

"Ano daw?"-yale

"Magluto ka na lang."-me

"Yes Chef!"

"Sira, ikaw ang Chef dito."

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 6)Where stories live. Discover now