EPILOGUE

124K 2.3K 205
                                    

EPILOGUE

CHAPTER 25

EIKA'S POV

"Ocean! Madadapa ka na naman niyan sa ginagawa mo."

Inakbayan lang ako ni Yale na katabi ko at kinurot ako. Spoiled sa kaniya yang anak namin. Well actually...saming pareho. Mahirap kasing pigilan. Lalo na kapag iisang anak mo.

Ilang taon na ang lumipas. Labing-isang taon na si Ocean. Bakit Ocean? It was supposed to be Oceanus. Alam niyo naman ang mga taga BHO CAMP. Mahihilig sa mga unique at ma-ala greek gods and goddesses na pangalan.

Bago pa kasi matapos ni Yale ang pagsulat ng pangalan ng anak namin ng ipinanganak ko ito, hinimatay na siya. Buti nagmagandang loob si Tita Sage na lagyan ng apelido si Ocean ang kung ano-ano pang kailangan.

Ayun nga...nawala ang 'nus' sa pangalan ni Ocean.

Kasalukuyan niyang kalaro ang mga bulilits ng BHO CAMP na ngayon ay malalaki na. Define malaki? Well sabihin na lang natin na ang pasay na quads ni Hurricane ay 16 years old na ngayon.

Speaking of quads. Sky left the country. Mag iistay siya sa pinasan ni Hurricane na anak ni Tito Draco Miguel Night. Hindi pumayag si Hurricane pero desidido na talaga ang anak niya. At kahit sila...hindi nila nagawang pigilan si Sky. Halatang nahihirapan sila. Baby girl nila yon eh. Pero ang nakakapagtaka...Storm looks okay with it. Ayaw niyang sabihin ang totoong dahilan ni Sky. Basta ang sabi niya, hindi daw niya alam kung anong eksakto but she trust her sister. Na kapag nahanap na ni Sky ang sarili niya...siguradong babalik siya.

The Elites?

Tuluyan na silang nag retire at ngayon ay nanggugulo sa isla na pag-aari nila Tito Poseidon. Malakas parin sila. Masyado na daw silang naiistress sa sibilisasyon kaya magrerelax muna daw sila doon. Kahit ang parents ni Paige ay nagtungo narin doon.

Good luck sa islang yon. Paniguradong sabog sabog iyon pagdating sa mga forever young na mga Elites.

Anyways...may isang malupit pa na balita na hindi paniniwalaan ng lahat kung sa iba lang nila narinig. Dahil kasi sa pag-alis ng mga elites, obviously ala narin si Tita Sage at Tita Bree. We can get another docors kaya lang hassle dahil malamang sa hindi magtaka iyon kung bakit karamihan sa mga tao dito ay laging tama ng bala ang injury.

But then...something came up.

...

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 6)Where stories live. Discover now