BOYFRIEND: For Sale

By SecretGuardian

313K 1.7K 114

Isang hamon ang ibinigay ng ama ni Sydney sa kanilang magkakapatid. Ang laro? Makipagpatagalan ng relasyon s... More

BOYFRIEND: For Sale
Prologue
2nd Sale
3rd Sale
4th Sale
5th Sale
Notice

1st Sale

11.4K 319 16
By SecretGuardian

A/N: Sorry kung natagalan. BTW, Vote,Comment, Share.

1st Sale

THIS. LIFE. IS. BORING.

Sawang na sawa ko dito sa buhay kong toh. I’m always studying at hanggang sa mamatay ata ako, ito ang gagawin ko. Wala akong teen life. Isa kong campus geek na palaging kaharap ang mga libro. Sila yung bestfriend ko sa buong buhay ko. Ayaw nila kong tantanan.

“So what I’m saying Ms. Sydney, is you need to find to need the least common multiple in this problem. In order to got the correct answer, you must show me the correct solution.”

Tiningnan kong maigi ang matandang babae na nasa harapan ko ngayon. Sa totoo lang, tino-torture ko sya sa utak ko. Ikaw ba naman ang mga tanungin ng ganyan? Hindi ka kaya mairita?

Actually, hindi naman talaga ko isang campus geek. Joke lang yung sinabi ko kanina. Isa akong FEELING GEEK. Oo. Feeling lang, bakit? Dahil kailangan kong maimpress ang parents ko para sa’kin nila ibigay yung company namin.

Syempre, pag napasakin yun, kahit hindi na ko magtrabaho habang buhay. Pero sa kasamaang palad, hindi ako madadaliang makuha ang kompanyang yun.

May dalawa pa kasi akong kapatid na babae na mas matanda sa’kin.

Si Ate Kath, 4th year college na sya at running for magna cum laude. Sosyal ang peg nya, hayaan nyo na! Yung isa naman ay si Ate Lorraine, 2nd year college na sya at palaging kasama sa dean’s lister every sem.

SILA NA TALAGA! SILA NA ANG BONGGA!

Eh ako? Eto, nagpipilit na makasama sa DL. 1st year college pa lang ako at nagte-take KAMING tatlo ng BSBM. Bachelor of Science in Business Management.

“Ms. Sydney, double time! If you’re now taking a real exam, do you think that you can finish it within an hour? Faster! Wala ka pa ngang nasusulat dyan sa sheet mo!”

“Eh ano naman ngayon sa’yo?” pabulong kong sabi.

Tss. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari.

Wala talaga kong natirang kabarkada ko dahil sa tutor na toh. TAMA. College na ko, at may TUTOR pa din ako. Take note, pamula kindergarten pa yan. Hindi na nila ko nilubayan.

Tuwing yayayain ako ng klase para mamasyal man lang sa mall, hindi ako makasama kasi may tutor ako pag hapon. Ganun lagi ang routine ng buhay ko. patapon di ba? Ni wala man lang akong naging kaclose.

Pagkatapos kong sagutan yung problem na binigay nya, chineck nya ito at mukhang satisfied naman sya sa sagot ko dahil hindi na uli sya nagbunganga pa. Tsk.

“Good job Ms. Sydney Javier. College Algebra pa lang ang tatahakin mo this first sem kaya wag ka masyadong pakampante at magpasarap sa buhay. Bago matulog magbasa ng notes, palaging makinig sa tea—“

“Palaging makinig sa teacher, wag makipaghuntahan pag may klase, dapat sa tinuturo lang ng prof ang buong attention para walang makaligtaan at huwag paliparin ang isipan. Saulo ko na po yang sinasabi nyo sa’king yan.”

“Ah uhm, that’s good! Ok, see you on our next tutorial. Ok?”

“Sana wala ng next time.”

Lumabas ng kwarto ko yung tutor ko kaya naman nakahinga na ko ng maluwag. Sa wakas, I’M FREE! I can do now what I want to do..

Tumayo ako sa upuan ko at humiga sa water bed kong kama. Ang sarap talagang humiga pag mamahalin yung hinihigaan mo.

Maya maya pa, bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Ate Kath.

“How’s your tutorial sis? I bet it’s ok”

“Tss!”

“Oh! Don’t be stupid like that, pwede naman kasing wag ka ng makipag kumpitensya sa’min ni Ate Lorraine mo. Ayaw ko kasi ng mahinang kalaban. Wala ka din naman kasing magiging laban sa’min ee.”

“So, Is it a FACT or a BLUFF?”

“Whatever! Dyan ka na nga.”

Hindi kami katulad ng magkakapatid na sobrang close sa isa’t isa. Alam nyo na, ang MANA, pinaglalabanan namin yun. Eh pag sa’yo ba naman napunta yun, daang libo lagi ang kinikita every month. San ka pa?

Lumabas ako ng kwarto ko at dinial ang no ng pinsan ko.

Wala man akong barkada, meron naman akong mga pinsan. Sila yung mga kasangga ko sa angkan namin. Alam nyo na, kailangan may kakampi ka pag nasa gitna ka ng gera.

“What’s up Sydney? Tapos na ang tutorial?”

“Ow! Yeah.. hindi naman ako makakatawag kung nandito pa yung tutor ko”

“Hahaha! Ikaw naman kasi eh, lumalaban ka pa dyan sa mga kapatid mong halimaw ang utak”

“Duh! Mas masarap maglaban laban kung madami kayo. Tsaka di ba, no pain no gain”

“Ikaw na! So, ba’t ka napatawag?”

“Uhm...”

“Umamin ka nga. You called me because of your freaking crush?” sigaw ng pinsan ko

Napakagat naman ako sa mga daliri ko. yeah. Hindi naman ako ganun katutok sa pag aaral, nagpipilit nga lang. At ang puso, pag tumibok, hindi na kayang pigilan.

“Yeah. Pumunta ba sya dyan sa inyo?”

“Gosh! Tigilan mo nga yan, baka ma-obsessed ka sa kanya..”

“Kung sa kanya lang din ako mao-obsessed, ok lang. Hindi nakakapanawa...”

“HOY SYDNEY! UMAYOS KA HAH!”

“Bakit ba? Maayos naman ako ah!”

“Awww! Kung naririnig mo lang ang sinasabi mo. Yuck! As in, YUCK!”

Kung maka yuck naman tong pinsan kong si Zia. Hindi nya lang talaga type ang mga good looking guys. Pangit kasi ang hanap nya.

“Inggit ka lang insan ee, may lovelife na kasi ako..”

“LOVELIFE? Feeling mo naman kayo? Tigilan mo nga yang pagde-daydream mo!”

“I’m not daydreaming.. I’m just, inlove?”

“Ayy! Ewan ko sa’yo. Kakakita mo lang sa kanya kahapon tapos inlove agad? PBB TEENS? PBB TEENS?”

“Gaga! Bakit ba! Ang gwapo kaya nya, tapos nginitian pa nya ko kahapon.. Yieeee!”

Tumalon talon pa ko para naman feel na feel ko yung kilig vibes.

“SYDNEY!”

Napatingin ako sa tumawag sa’kin. Nakangiti siya ngayon kasama si mama. What’s the thing?

“Oh sige Zia, baba ko na to hah? Tinatawag na ko ni papa..”

“Ok.. bye!”

Ibinaba ko ang phone ko at muling tumingin sa parents ko.

“Bakit pa?”

“Sumunod ka sa family room.” Tsaka sila sabay na umalis ni mama. Ano kayang meron?

Pumasok muna ako sa kwarto tsaka nag ayos muna ng sarili. OH MY! Baka ngayon na sasabihin kung sino sa amin ang heredera.

Dali dali kong inayos ang buhok ko at naglagay pa ng konting make up.

Lumabas ako ng kwarto ko at tumungo sa Family room. Sarado pa ito dahil naghihintay pa din sa labas sina Ate Kath at Ate Lorraine. Halatang inip na inip na.

“Ikaw din?” –Ate Kath

“Pupunta ba ko kung hindi..”

“Tsk. Tumigil na nga kayong dalawa dyan. Wala namang pinatutunguhan yang pinag aawayan nyo..” –Ate Lorraine.

Yep. Si ate Lorraine ay sobrang matured na. Sobrang seryoso nyan sa buhay. Hindi ako nyan inaaway dahil hindi na sya ganun kainteresado sa mga kalaban nya.

Naka focus sya sa sarili nya mismo. Kung ano yung mga pagkukulang nya, yung mga bagay na dapat pa nyang gawin. Yung mga ganung bagay ba?

Eh si Ate Kath?

Sus. MALDITA. ISIP BATA. IMMATURED.

Unlike me, COOL, BEAUTIFUL at WONDERFUL. Oh di ba? Ihampas ko yang si Ate Kath sa kubetang punong puno ng tae nya ee! Kaasar!

Napaayos kaming lahat ng tayo ng biglang bumukas ang pinto ng Family Room. Hindi sya automatic, bumukas sya dahil binuksan ng butler namin.

“Pumasok na daw po kayong tatlo”

Pagkatapos nyang sabihin yun, pumasok na kaming tatlo. Sabay sabay pa para bongga, tapos ako yung gumitna. Kase di ba? Yung gitna lagi ang bida?

“Maupo kayong tatlo.”

“So Pa, ba’t nyo kami pinatawag?” –Ate Lorraine

“Is it about our mana?” –Ate Kath

“Ahh Pa, wag nyo na pong pansinin si Ate Kath, ganyan po sya kaexcited para makuha ang gusto nya..”

“So, napagdesisyunan ko na idaan kayo sa isang challenge. Since nakikita ko naman na lahat kayo ay tutok sa pag aaral at hindi nyo to pinapabayaan, kailangan lagyan natin yan ng konting twists”

“TWISTS?” sabay sabay pa kaming tatlo

“Yeah. Kung anong talino ang meron ko ngayon, dapat mahandle nyo yun ng meron kayong boyfriend.”

“BOYFRIEND?” sabay sabay ulit para bongga.

“Tsk. Para kayong mga bingi ee. Gusto kong ipakita nyo sa’kin kung pano ang tamang time management. So, I think, you already need to find your boyfriend!”

Ang tino naman ng ama namin. Ibang klase ang trip. Ano toh? Reality show sa isang TV?

“At ang laro, magpapatagalan kayo ng relasyon sa mga mapipili nyong partner.”

---

4 votes para ipost ko ang 2nd Sale. Hindi ko toh ginagawa para dumami ang votes ko. Ito ay para matagalan ako bago ipost ang sunod na chapter. Meron pa kasi akong ongoing :)

Continue Reading

You'll Also Like

229K 1.6K 16
Perfect book for those who are finding best authors,.! Hope you enjoy!!!?
295K 9.1K 57
Accidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]
4.2K 190 25
Isang matapang na babae, walang inuurungan kahit mas malaki pa sa kanya. Sinasanay siya para maprotektahan niya ang kanilang lugar sa mga taong nagba...
1.4M 95K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.