Ang High School Life

Galing kay Itsmekrizel

445 6 13

Nagbabalik ang bida nating si Christel Sandoval. Siya ay kasalukuyang nasa 2nd year High School. Siyempre, cr... Higit pa

Panimula
Mga Tauhan
Kabanata 1
Kabanata 3

Kabanata 2

76 1 3
Galing kay Itsmekrizel

"Hi Christel. Long time no see." Bati sa akin ni Sir Jonathan sabay tabi sa akin. Kakilig, para kaming nagde-DATE. Chos! Malandi lang? Andito kasi ako ngayon sa canteen. Nag-iisa lang ako. Paano ba naman, yung mga MABABAIT kong mga kaibigan, iniwan ako. Biglang nawalang parang bula.

"Hey! Sir. Opo nga eh. Ang tagal na nga nating hindi nagkita." Sagot ko sabay subo sa binili kong french fries.

"Bakit hindi mo ako pinupuntahan sa guidance office? Akala ko pa naman galit ka sa akin." Sabi niya sa akin. Seriously? Hinihintay niyang puntahan ko siya sa guidance office para lang magpakita sa akin? Ayos din ng diskarte mo Sir Jonathan. Pasalamat ka CUTE ka kung hindi, kanina ko pa ibinuhos sayo 'tong softdrinks na hawak ko.

"Kasi mukha po kayong busy kaya hindi ako pumunta sa guidance office." Sabi ko sa kanya. 

"Hindi ako busy Christel basta ikaw." Seryosong sagot ni Sir Jonathan.

"Weh di nga?" Tanong ko.

"Oo promise. Gumaganda kasi ang mood ko pag ikaw ang kasama ko. Para lang kitang kapatid." Sabi niya. Ouch! Kapatid lang pala ang tingin niya sa akin? Kung sabagay, imposibleng magkagusto yun sa akin kasi malamang. Kung mamimili lang din siya ng babaeng magugustuhan niya, sa kapwa na lang niya Guidance Counselor at hindi yun magtitiyaga sa estudyanteng katulad ko. Hmp. (Bitter ako, pake niyo?)

"Wala po pala kayong kapatid?" Masusisa kong tanong.

"Wala. Ako kasi ang youngest sa tatlong magkakapatid eh." Kaya pala ganito pala akong itrato ni Sir Jonathan. Parang kapatid, dahil wala pala siyang bunsong kapatid. Siya ang pinakabunso sa kanila. Spoiled kaya siya sa kanila? Kasi kapag bunso 'di ba, spoiled yan sa magulang. Parang katulad ko. Ako ang favorite ni Mama at Papa at laging binibigay ang mga gusto ko kahit sinasabi ko sa kanila na 'wag muna kasi hindi ko pa naman kailangan.

"Parehas pala tayo Sir, youngest din ako sa family." Sabi ko na may halong pagkatuwa. 

"Appear tayo diyan." Sabay appear sa akin ni Sir Jonathan. Ang lambot talaga ng mga kamay niya. Ang sarap hawakan.

 "CHHHRRRIIISSSSSSSTEEEELLLLLLLLLLLL... AKYAT NA TAYO! PARATING NA SI MA'AM." Sigaw ng isang grupo ng magkakabarkada. 

"Tinatawag ka na ng mga kabarkada mo Christel. Nasa classroom na daw ang teacher ninyo. Akyat ka na 'lil sis baka pagalitan ka pa." Paalam ni Sir Jonathan sa akin. Umakyat na ako sa taas kasama yung mga mokong kong mga kaibigan, iniwan ko na si Sir Jonathan dun sa canteen. Buti naman at naisipan pa nilang tawagin ako. 

"Hoy! Tim at Leigh. Bakit ninyo ako iniwan sa canteen kanina?" Sabi ko kina Tim at Leigh na kunwari nag-gagalit-galitan ako.

"Hindi ka kaya namin iniwan. Ikaw kasi, ang bilis-bilis mong lumakad, ayan tuloy, naiwan ka." Pangangatwiran ni Tim.

"Oo nga Christel. Parang 'di ka rin natuwa na naiwan ka namin. Ang sweet ninyo nga ni Sir Jonathan kanina. Para kayong nagde-DATE." Depensa ni Leigh. Hindi ko pala napansin na pinagmamasdan pala kami ni Sir Jonathan nina Tim, Leigh, Cha at Steph habang nagkukwetuhan kami sa canteen. Panira talaga ng moment.

"Wag na kayong mangatwiran diyan mga babae. Ang sabihin ninyo, sinadya ninyong akong iwan!." Sabi ko sa kanila.

"Why are you not listening, Tim, Christel and Leighton?" Saway sa amin ni Ma'am Jeanne. Patay! Paano na 'to. Baka mapa-guidance pa kaming tatlo nito dahil sa kagagahan namin. 

"S-sorry ma'am, hindi na po mauulit." Dispensa ko kay Ma'am Jeanne.

"Okay. Don't do that again, kung hindi, sa guidance office na ang bagsak ninyong tatlo." Madali rin pala 'tong kausap si Ma'am. Kung sabagay, mabait naman siya. Hindi nga niya magawang sigawan ang mga estudyante. Pero infairness, isang sabi lang nakikinig na agad, parang kagaya lang namin. 

"Anong gusto ninyo? Treat ko." Tanong ni Tim. Himala! Manglilibre ulit 'to. Yes! Hindi masyadong mababawasan ang pera ko (abuso lang?!). Lunch time kasi ngayon kaya as usual, sabay-sabay kaming pumunta dito sa canteen. Para na kaming kambal tuko nito haha. Kung nasaan ang isa, nandun din kaming lahat,

"Anything, basta walang lason." Sabi ni Leigh

"Kailan ba ako nanglibre ng pagkain na may lason? Gusto mo yata eh! Sige bibili ako ng fried chicken with muriatic acid para sayo." Sagot ni Tim sabay kaming tumawa.

"Wala namang ganyanan. Joke lang yun. Eto, hindi makatanggap ng joke." Sabi ni Leigh.

"Ayyiiieeeee." Kantyaw namin kina Tim at Leigh.

"Tim! Paano na si Christel?" Sigaw ni Cha habang si Tim tatawa-tawa lang. Baliw lang? Kung si Tim natatawa, sa akin, wala lang yun.

"Heh! Tumahimik nga kayo." Saway ko sa kanila.

"Sus! Kunwari ka pa." Sabi ni Steph.

Pagkatapos naming maglunch, agad kaming dumiretso sa library. Bumukod lang kami ni Tim sa isang table habang sina Cha, Steph at Leigh ay nasa kabilang table lang. Sanay na kami ni Tim nang ganito, yung kaming dalawa lang. 

"Christel, may itatanong ako sayo?" Tanong ni Tim sa akin habang nakaakbay siya sa balikat ko. Oh? Ang mag-react sasapakin ko mamaya after class. Haha.

"Ano naman yun Tim?" 

"Paano kung may isang lalaking nagkakagusto sayo, anong magiging reaksyon mo?" Seryosong tanong niya. Bakit kaya niya naitanong ang ganitong mga bagay? Dati naman hindi siya ganito.

"Maiilang ako at first lalo na kung close ko ang isang lalaki." Sagot ko sa kanya.

"Ganun?" Sabi niya sabay simangot.

"Bakit ka naman nakasimangot diyan Tim? Anong masama sa sinabi ko? Tanong ko sa kanya.

"Ah eh wala. May naaalala lang ako." Sagot niya sa akin sabay ngiti na halatang pilit lang. "Bakit hindi mo subukang magka-boyfriend kahit minsan? Maganda ka naman. Mabait at matalino pa." Dagdag niya. Teka, bakit ganito ang itinatanong nitong baklang 'to ay este lalaki pala? Ano kaya ang nakain nito at ganito siya? 

"Simple lang ang sagot. May pangako akong binitawan sa mga magulang ko na magtatapos ako ng pag-aaral bago ako pumasok sa isang relasyon at tsaka, para sa akin, ang PAG-IBIG ay hindi nasusukat sa PANLABAS na ANYO ng isang tao, kundi nasusukat ito kung paano ninyo MAUUNAWAAN at MAKIKILALA ang isa't-isa at hindi rin ito isang COMPUTER GAME na pwede mong paglaruan. Isa itong seryosong bagay na dapat pinag-iisipang mabuti bago mo ito pasukin." 'Yan ang sinabi ko sa kanya para maintindihan niya na ang PAKIKIPAGRELASYON ay hindi basta-basta kagaya ng inaakala natin. Ano? Pwede na ba akong maging Guidance Counselor? Ang magsabi ng HINDI, aabangan ko mamaya sa labas ng school. 'De joke lang.

"Wooo! Ang talino mo talaga Christel. Ikaw na!" Puri sa akin ni Tim na mukhang na-realize na niya ang mga sinabi ko.

"Hindi ako matalino Tim. Sadyang nakaka-relate lang ako sa mga bagay bagay sa mundo."

"Ganun? Kung sabagay tama ka nga." Sagot ni Tim.

Krrrriiiiiiiinnnnggggggggggggggggggg.... Krrrrriiiiiiiinnnnnnnggggggggg.... Tunog yun ng bell ah. Tapos na pala ang lunch break. Ang bilis ng oras.

"Ooopss! Time is up! Tama na ang pagde-date. Pasok na tayo sa classroom." Yaya ni Leigh. Sus! Selos ka lang. Kwentuhan na nga lang namin yun ng mag-bestfriend, ipinagkakait mo pa. Haha. 

"Selos ka lang wahahaha!" Sabi ko sabay tawa ng malakas. 

"Hindi noh." Sagot ni Leigh na namumula ang mukha na. Ikaw na 'te ang may blush on.

Pagpasok namin sa classroom, naglecture na kami sa Math. Sus! Eto na naman tayo sa Simplifying Rational Expressions na 'to. Ang hirap nito. Hindi ko na alam kung paano iintindihin 'to. Christel wake up! 'Di ba magaling ka sa Math nung 1st year ka? What's happening on you?

"Pssttt.. Christel." Tawag sa akin ni Tim.

"Why?"

"Naiintindihan mo ba yung lesson ni Ma'am?" Tanong niya.

"Hindi eh." Sagot ko sabay simangot.

"Ganun ba. Gusto mong turuan na lang kita mamaya?" Alok sa akin ni Tim.

"Ikaw? Ayos lang ba sayo?"

"Oo naman basta ikaw."

Yes! Tuturuan ako ni Tim sa Math. Thank you talaga. YOU'RE MY SAVIOUR. Buti nga nag-offer si Tim na turuan ako kung hindi, patay na ako nito sa exam! Paano kung bumagsak ako? Baka mahila ang grade ko sa Math into line of 8. Hindi dapat ako makakuha ng line of 8 sa grades ko in all subjects this school year. Kasama yan sa Goal's List ko. Remember?

Dismissal Time na ngayon. May group project daw si ate ngayon kaya hindi siya makakasabay sa akin sa pag-uwi. Paano na kaya 'to? Hindi ko kayang umuwi mag-isa baka mamaya gahasain pa ko nung driver sa sinasakyan namin School Service. (PARANOID lang?) Sabagay, hindi naman masamang mag-ingat.

"Christel, ikaw lang ang mag-isang uuwi ngayon? Tanong ni Tim.

"Oo. Ako lang eh." Sagot ko habang nakasimangot ako.

"Sabay na lang ako sayo sa pag-uwi para may kasama ka at tsaka sa bahay ninyo na lang kita tuturuan sa Math kung ayos lang sayo." Alok niya. Naku! Nahihiya na ako sa kanya. Tuturuan na niya ako sa Math, sasamahan pa niya ako sa pag-uwi ko sa bahay. Pero 'di bale, kaysa naman sa ma-RAPE ako ng driver. Sayang ang Virginity ko. Dapat si Sir Jonathan ang makauna. 'De Joke lang. Pagpasensyahan ninyo na ang kalandian ko. Inatake na naman ako nito eh. Ang mag-comment ng negative, sapak ang aabutin ninyo.

Ano ba 'to? Nilalamig na ako dito sa van. Kung kailan malamig ang panahon, tsaka pinapalakasan ang aircon. Baligtad din ang utak nitong drayber na 'to eh. Sarap suntukin sa mukha. Kaya hinimas-himas ni Tim ang mga kamay ko at tinanong niya "Ayos ka lang Christel? Ang lamig kasi ng mga kamay mo."

"Ah eh oo Tim ayos lang ako. 'Wag mo na akong alalahanin." Sabi ko sa kanya para wag na siyang mag-alala sa akin.

"Heto ang jacket ko. Sayo muna." Sabay suot sa akin ni Tim ng jacket niya. 

"Salamat Tim ah. Ang dami mo nang nagawa para sa akin. Hindi ko alam paano ako makakabawi sa'yo."

"Hindi mo kailangang bumawi. Handa akong gawin ang lahat para sayo."

After ten million years, andito na kami ni Tim sa bahay. Heto! Naghihintay siya sa sala dahil sabi ko sa kanya magpapalit lang ako ng damit. Pagkatapos kong magbihis, nagkita kong nag-uusap sila ni mama. Mukhang okay naman sila.

"Hey Tim. I'm here. Shall we start?" Sabi ko kay Tim na mukhang nag-enjoy sa pakikipagkwentuhan kay mama.

"Oh? Christel andito ka na pala. Yes. We can start." Sagot niya.

"Paano yan anak? Maiwan ko na muna kayo ni Tim ha. Magluluto lang ako ng hapunan natin." Sabi ni mama.

"Sure mama." Sagot ko.

Nandito kami ni Tim sa study room ko. Tinuturuan na niya ako sa Math. Hanep! Ang galing niyang magturo. Mas naiintindihan ko pa ang turo niya kaysa sa teacher namin. Pwede na siyang maging tutor ko. 

"Ganito ang pagsisimplify sa Rational expressions. First, you are going to factor everything that can be factored then cancel all the common factors and after that, that is the answer. Understand?" Bilib na ko sa bestfriend ko. Ang galing talagang magturo. 

"Ah. Ganun pala yun. Madali lang pala. Bakit di ko yun nakuha kanina?" Sagot ko habang nakangiti sa sobrang tuwa.

"Sabi ko sayo eh. Madali lang yan. Ikaw lang ang ayaw maniwala at ayaw intindihin ang itinuturo ni Ma'am." Sabi ni Tim.

 "Oo nga eh. Thanks Tim ah. Kung wala ka, paano na lang ako. Hihi. Hayaan mo, babawi ako sa susunod."

"Hay naku! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo kailangang bumawi. Ayos lang yun basta ikaw. Handang akong tulungan ka." Seryosong sagot niya.

"Christel, Tim. Kakain na." Tawag ni mama.

"Halika na Tim. Kain na tayo." Sabi ko sabay labas naming dalawa sa study room at pumunta na kami sa kusina para kumain.

"Tim, kamusta naman ang friendship ninyo ni Christel. I heard na mabait ka raw kay Christel at lagi mo siyang tinutulungan kapag may problema siya. Salamat ah? Ikaw ang true friend ni Christel."

"Ah. Wala po yun basta para kay Christel, willing po akong intindihin siya at walang sawa akong magbibigay ng advice sa kanya kung may mga bagay siya na ginagawa na sa tingin ko ay hindi tama." Sagot ni Tim.

"Weh? Di nga Tim. Seryoso ka? Para di naman eh." Biro ko sa kanya.

"Oo. Seryoso ako."

"Ayyiieee. Sobrang cheesy." Singit ni ate Jayce. Kararating lang nito galing sa galaan. De joke lang. May group project sila kaya gabi na siya nakauwi.

"Shut up ate." Sabi ko sa kanya nang pasungit.

"Ses! Kunwari nagsusungit para ibigin. Haha" Sarap sapakin nitong ate ko bestfriend lang kami ni Tim, naiintindihan mo ba yun?

"Tumigil na nga kayo mga girls. Jaycelle, magbihis ka na dun sa kwarto mo tapos mag-uusap tayo." Sabi ni mama kay ate.

"Blehh. Papagalitan ni mama." Pang-aasar ko kay ate.

"Heh! Masaya ka na niyan?" Masungit na sagot niya. Yes! Nakaganti na rin ako sa kanya. Yan kasi eh. Kami na lang ni Tim ang naiwan dito sa kusina. Pinuntahan na ni mama si ate sa kwarto niya. Paniguradong papagalitan na naman niya 'to.

"Ako na ang magliligpit niyan Christel at tutulungan na rin kitang maghugas niyan." Alok ni Tim.

"Naku 'wag na. Nakakahiya naman sayo. Maupo ka na lang kaya dun sa sasala. Ako na ang bahala dito. Kaya ko na 'to." Sabi ko.

"Ayos lang talaga Christel. Sige na please?" Pagmamakaawa niya.

Pagbibigyan ko na nga lang 'to. Ang kulit eh. Baka abutin pa kami ng alas dose ng gabi dito kung hindi ko 'to pagbibigyan: "Sige na nga Tim." 

Pagkatapos naming hugasan 'tong mga plato, nagpunta kami ni Tim sa sala at nagkwentuhan lang kami.  Habang nagkukwentuhan kami, biglang nag-ring ang phone niya. "Excuse me Christel, sasagutin ko muna 'tong phone. Natawag si Mama eh." Tumango na lang ako sabay sagot sa phone at pumunta sa isang tabi.

"I have to go na Christel. Hinahanap na kasi ako ni mama. Next time ulit. Sana sa next time na bumalik ako dito, manliligaw mo na ako." Sabi niya sa akin. Ano yung sinabi niya? Paki-replay.

"Ha? Pakiulit nga nang sinabi mo?" Nagtatakang sagot ko.

"Ah-eh wala sabi ko, bye. Kita ulit tayo bukas." Sabay ngiti nang nakakaloko.

"Bye. Good night." Sabi ko. 

"Good night." Sagot niya. 

Natulog na ako pagkatapos nun dahil may pasok na naman bukas. Paniguradong tatambakan na naman kami ng mga assignments ng mga teachers. Walang katapusang assignment. Kaming mga estudyante nahihirapan tuwing gabi para lang makapasa ng assignments tapos pag makikita ko, online ang mga teachers sa Facebook. Kung sabagay, wala rin naman akong magagawa. Ganito talaga ang buhay estudyante.

"Hi bestie." Bati ni Leigh sabay yakap sa akin. 

"Hi din bestie. Himala yata! Ang aga mong pumasok." Sabi ko sa kanya. Nagtataka lang kasi ako. Ang alam ko, lagi 'tong late pumasok at araw-araw napapatawag sa Guidance dahil minsan, late na nga, wala pang ID o di kaya hindi nakasuot ang necktie. Pero FYI lang, hindi 'to bad influence sa akin. Sadyang tinatamad lang talaga 'tong babaeng 'to. Ano kayang nakain nito?

"Wala lang. By the way, pumasok na si Tim." Sagot ni Leigh.

"Hmmm. I smell something fishy. Wala pa si Tim babae." 

"Shhh. Wag kang maingay. Nakakahiya." Sus! Nahiya ka pa. Kailan pa? Haha. 

"O sige na tatahimik na." Sagot ko sabay may tumakip sa mata ko. Sino kaya 'tong impaktong 'to.

"Sino ka? Si Cha? Si Steph?."

"Hindi. Hulaan mo." Boses lalaki 'to ah. Pamilyar 'tong boses na 'to sa akin.

"Ah alam ko na. Si Timothy." Hula ko.

Inalis na ng lalaking 'to ang kamay niya sa mata. Guess who? Sino pa nga ba, eh di si Tim. Sabi niya: "Tama" sabay ngiti na nakakaloko.

"Anong trip mo ngayon dre?" Tanong ko with matching taas kilay.

"Wala lang." Sabay upo sa arm chair niya. Ilang sandali lang, nagklase na kami sa Araling Panlipunan. History na naman. Isa rin 'to sa pinaka-hate ko na subject. Kapag kasi may tanong, kailangang deeper ang sagot. Kung ako lang ang naging presidente ng Pilipinas, ipapaalis ko 'tong subject na 'to.

Dismissal time. Umupo muna ako sandali sa mga upuan dito sa may tapat ng Cashier. Maya-maya lang may tumawag sa pangalan ko. Ate ko pala yun. Mukhang sasabay na 'to sa akin. Himala yata.

"Tara, Christel. Uwi na tayo." Yaya ni ate.

"Sige ate." Sagot ko.

Habang andito kami sa Van, biglang tumunog ang phone ko. Sino kaya ang magtetext sa akin sa ganitong oras? Si Sir Jonathan? Nagtext? Himala yata. 

FROM: Sir Jonathan (My Dream Guy)

Hi Christel! May try-out ang Badminton team tomorrow. You want to join? 

What? May try-out ang Badminton team bukas? Sige join na lang ako para lagi kong kasama ang loves ko. 

TO: Sir Jonathan (My Dream Guy)

Sige Sir join ako.

Message sent. Pagkatapos nun, di na siya nagreply. Busy yata si Cute ngayong araw. Di bale. Ayos lang yun! Nagtatrabaho siguro siya nang maayos para sa future naming dalawa (Ang kapal lang ng face?!) Sige. Check ko muna ang TO DO'S lists ko.

TO DO'S LISTS

1. NAGAWA NA ANG MGA ASSIGNMENTS: CHECK

2. NAKAPAGREVIEW NA NG MGA LESSONS: CHECK

3. NAAYOS NA ANG MGA GAMIT SA SCHOOL: CHECK

4. NAKITA SI SIR JONATHAN: CROSS

5. NAKITA SII SIR PAOLO: CROSS kasi walang siyang schedule sa section namin ngayon araw.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa