Bad-ass Teacher

By iamkoreanangdisenyo

610K 19.7K 864

I'm not a Mafia Leader, I'm not an assassin , Not even a gangster But I know martial arts,boxing,taekwondo, a... More

Prologue
BT1 : You're Hired
BT2: Meet the D-class students
BT3: Bull's Eye
BT4: Fear
BT5: Kuya
BT6 : Uh-oh
BT7 : Sensei
Xxx
BT8 : Eatwell
BT9 : San ka pa?
BT10 : The Norosaki siblings
BT11 : Bakit?
BT12 : NICA KO!?
Xxx
BT13 : Nice to be back
BT 14 : Siya
BT 15 : Nico Shiro
BT 16 : Weh?
BT 17 : RUE
BT 19 : He's back
From #168 to #103 to #69
BT 20 : Kusanagi
BT 21 : Change
BT 22 : The New Boss
BT 23 : Green
BT24 : Traitor
Xxx
Chapter 25 : The Traitor
Chapter 26 : Beginning
#9
Chapter 27 : Ending
Epilogue
Hooray !
Xxx
Xxx
hey

BT 18 : Protect Sensei

14.5K 460 26
By iamkoreanangdisenyo

-Nica's Pov-

Tatlong linggo na ang nakakalipas at patuloy pa rin ang paggaling ng lima. Bukas ay maaari na silang idischarge sa hospital.
Tatlong linggo....

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap si George. Maging sila Nico ay sinubukang hanapin si George pero katulad ko ay hindi rin sila nagtagumpay,

Nandito ako ngayon sa gym ng mansyon.
Sa tatlong linggong nakalipas ay halos hindi ko na alam ang gagawin mahanap lang si George. Sa tatlong linggong yun ay halos sa gym na ito ako namalagi. At ang punching bag na ito ang tanging pinagbubuhusan ko ng sama ng loob.

Suntok,sipa. Suntok, sipa.
Kung maaari lamang sigurong magsalita ang punching bag na ito ay baka wala ng preno ang bibig nito kakareklamo.

Sa tatlong linggo na nakalipas ay halos puro pasa at gasgas ang makikita sa katawan ko.

Dahil sa pagod ay napahiga na lang ako sa sahig.
Itinaas ko ang aking kamay at itinapat sa ilaw na animo'y hinahawakan ko ito.

Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari.

*sigh*

Nagleave na rin muna ako sa trabaho para mas mabigyan ko ng oras ang paghahanap kay George. Hindi ako titigil hanggat hindi kita nababawi sa kanila George. Hintayin mo lang ako. Hintayin mo si Sensei

------------------------

Kinabukasan

-GLENN's POV-

Sa araw na ito ay maaari na kaming lumabas ng hospital. Tatlong linggo din kaming namalagi dito and I swear sobrang nakakabagot na. Puro puting dingding, puting kisame, puting unan.
Actually nagising kami mga 1week after the incident. The rest naman ng pamamalagi ay puro check ups, monitoring at kung ano-ano pang pinaggagawa sa amin. Ni kesyo kailangan pa daw naming maobserbahan dahil sa mga nafractured na parte ng katawan namin. Buti nga hindi ako nawalan ng ngipin di katulad ni Ivan na natanggalan ng dalwa. And take note, front teeth !
Napangiti ako dahil sa naiisip. Siguradong puros reklamo maririnig namin sa kanya kapag nagkita-kita kaming lahat---

Biglang nawala ang ngiting kanina ay nakapaskil sa mukha ko ng maalalang wala pa si George.
Kinuha nila si George at hindi ko alam kung bakit.
Wala man lang kaming nagawa para mailigtas siya.

Ahhh ! Stupid Glenn ! Ni hindi mo nga naipagtanggol ang sarili mo !

Napapikit na lang ako dahil sa mga naiisip ko.

Sa tatlong buwan na namalagi kami dito ay isang beses ko lang nakitang dumalaw rito si Sensei.

Naalala ko kung ano ang nangyari three weeks ago

-flashback-

*ring*

Oh? Sino kaya itong nagtext sa akin?

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang text mula kay...

Unknown number?

HO,6pm

Yun lang nakalagay sa text message kaya napakunot-noo ako.

Sino naman kaya sa lima ang nagtext nito? Si Misaki kaya?

Oh well, baka may importante silang sasabihin.
Tinignan ko ang wrist watch ko at 5;30 pm na pala. Tumayo ako at dumiretsong banyo para maligo at makapag-ayos na.

After 30 minutes ay nagawa ko na ang lahat. Kinuha ko ang susi ng motorbike ko at dumiretso ng parking lot ng condo. Agad-agad ko namang pinasibad ito ng makasakay.

Saktong 6:20 ng makarating ako sa HO. Medyo nalate ako ng dating dahil sa mild traffic. Tsaka kahit naman mga gangsters kami ay sumusunod pa rin kami sa mga patakaran sa kalsada.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang dilim. Teka akala ko ba late na ako? Mukhang mas late pa ata ang mga mokong na yun.
Swinitch- on ko ang ilaw at unti-unting nanlalaki ang mga mata ko.

A-anong nangyari?

" Misaki!" Tawag ko sa kanya pero wala pa rin siyang malay. Tinignan ko ang iba at ganun din ang kalagayan nila. Pare-parehong walang malay at nakagapos sa upuan habang may busal sa bibig.

" g-Glenn."

Napalingon ako at nilapitan si Lexter.

" anong nangyari sa inyo?" Tanong ko.

" tanga lang dude? Kita mong nakagapos tatanong ka pa." Nanghihinang sabi ni Ivan. Tong bwesit na to,kahit mahina na nagawa pang mangasar.

" umalis ka na dito." Lexter

" ano bang pinagsasabi mo? Sa tingin mo ba makakaya kong iwanan kayo sa kalagayan niyong yan?" Sabi ko na nakakunot-noo.

" sino ang may gawa nito sa inyo?" Tanong ko habang sinusubukang alisin ang pagkakatali kay Lexter.

" s-sa likod mo." Lexter

Ha?

Lilingon pa sana ako ng maramdaman ko ang pagpindot nila sa ugat malapit sa batok ko at unti-unti ng nandilim ang paningin ko.

Nagising ako dahil sa mahinang pagsipa sa akin.

" psst dude gising." Bulong ng sumisipa sa akin, si Misaki

" buhay pa kaya siya dude?" Dex na nakaani ng batok mula kay Ivan.

" tanga ka ba o tanga ka talaga? Alin sa dalawa?" Ivan

" alin ba maganda sa dalawang choices na yun? Di ba wala? Tanga mo din Ivan eh." Sagot naman ni Dex sa kanya

" ang ingay niyo." Ako at dahan-dahang bumangon. Kinapa ko naman ang batok ko at bahagyang minasahe. Urgh ! Kung sino man ang gumawa sa akin nun ay humanda na.

Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito ang mga lalaking nakaninja suit at ang iba ay naman ay nakapang tuxedo. Sosyal naman nitong mga to. Ilang sandali pa ay nahati sila sa gitna at mula sa pinto ay natanaw ko ang isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim sa may bandang pwesto niya.

Nang makapasok na siya ay kita kong may peklat sa kanyang kanang pisnge. Ang peklat na ito ay mula sa ibaba ng kanang mata niya pababa,vertically hanggang sa may tapat ng kanyang labi. Parang luhang umagos mula sa kanyang mata ang peklat na to. May matipunong pangangatawan at blonde ang buhok nito.
Base sa itsura nito ay mukhang nasa edad 47-49 na siya. Nakakakilabot kung titignan ang lalaking nasa harapan namin ngayon. Presensya at tindig pa lang niya ay alam mo ng may ibubuga siya.

" gising na pala kayo." Nakangiting sabi nito. Nakangiti nga siya pero nakakakilabot naman. Tsk

" hindi,tulog pa kami." Bulong ni Ivan kaya sinipa siya ni Lexter ngunit nagkibit balikat lang ang mukong.

" hindi na ako magpapaligoy pa." Panimula niya

" dalhin niyo si Nica Yashiro sa akin kapalit ng malaking halaga." Seryosong sabi niya

Dalhin sa kanya si Sensei?

" bakit naman namin siya dadalhin dito?" Ivan

" Magandang katanungan. Bakit nga ba?" Nakangising sabi niya

" isa lang naman ang gusto naming mangyari eh. Ang mamatay ang kaisa-isang tagapagmana ni Kusanagi, at makuha ang microchip sa kanya."

What? Papatayin nila si Sensei? Pero hindi ba't may kambal si Sensei at si Nico yun? How come na sinabi ng lalaking ito na siya ang kaisa-isang tagapagmana ? Sino si Kusanagi?
At lalo na, anong microchip ang pinagsasabi niya?

" anong kailangan niyo sa Microchip na yun?" Tanong ni misaki

" Ang microchip na yun ay naglalaman ng codes na pwede naming magamit sa paghack ng lahat ng bangko sa buong mundo. Hindi ba't masaya yun? Kahit magkano ang gusto niyo basta't dalhin niyo sa akin si Nica Yashiro." Gigil na sabi niya

" at sa tingin mo dahil sa pera ay ibibigay namin siya sayo?" Ako,napatingin naman siya sa akin at kumunot-noo
Ngumisi naman ako at ipinagpatuloy ang sasabihin ko

" hindi namin ipinagbibili si Sensei. Hindi siya isang bagay na pwedeng bilhin niyo lang ng basta basta. At kung pera lang naman ang usapan meron kami niyan. Hindi man kasing laki ng perang meron ka. Mahalaga sa amin si Sensei at Hindi mo siya makukuha. Ako at ng mga kaibigan ko. Hindi namin ipagkakanulo si Sensei. Kami muna ang makakalaban mo bago mo siya makita. Ganoon siya kaimportante sa amin na kaya naming makipaglaban maprotektahan lang siya." Mahaba at seryosong litanya ko. Nakita kong seryoso din sila Misaki at kita mo sa kanilang itsura na sumasang-ayon sila sa sinabi ko.

Napatawa naman siya at umiling iling

" matapang ka. I like that, pero payo ko lang sayo iho. Huwag kang papakasiguro na lahat nga kayo ng kaibigan mo ay hindi ipagkaknulo ang Sensei na pinoprotektahan mo." Nakangising sabi niya at tumalikod na. Pero bago pa siya umalis ay may sinabi pa siya sa amin

" huwag masyadong malaki ang tiwala mo sa kaibigan mo. Malay mo isa pala sa inyo,inialay na kayo sa demonyo."

" alam niyo na ang susunod na gagawin." Dagdag pa niya

A-anong ibig niyang sabihin?

Mayroon bang traydor sa amin? Sino?

Nang makalabas siya ay nakita kong nagsikuha ng mga tubo ang mga tauhan niya at inumpisahan kaming bugbugin. And the rest is history.

-end of flashback-

Hindi ko alam kung sino sa amin ang traydor.
Pero isa lang ang masasabi ko. Kahit anong mangyari,kahit anong rason ng traydor sa amin. Poprotektahan ko si Sensei...



Kahit buhay ko pa ang kapalit

I will protect you Sensei

--------------------------------

Comment and Vote :)

Just tell something you want to say about this chapter hahahaha

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
217K 6.6K 45
Cleio Mez a second year in nursing and a 17 year old. Her life changes when she met Claud Gonzal,a vampire. Claud Gonzal and his friends are look...
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
193K 3.8K 58
She is dauntless, don't dare mess with her because she wont think twice to kill you by her bare hands, she's a queen yet vanish in a thin air Where i...