Nothing's Better Than This (M...

By astrophilexx

1M 8.1K 1.3K

"If two past lovers can remain friends, it's either they're still in love, or... they never were." More

nothing's better than this (mika reyes-ara galang fanfic)
Chapter 1
Chapter 2 - what was i thinking?
Chapter 3 - Mika
Chapter 4 - how painful can it get?
Chapter 5 - bad things happen to good people
Chapter 6 - Part I
Chapter 6 - Part II, Iloilo <3
Chapter 7 - spill it out
Chapter 8 - Day 1
Chapter 9 - let's call it a day
Chapter 10 - reality
Chapter 11 - dinner
Chapter 12 - finally made peace with THE past
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 - Cienne's POV
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - irony
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 - The Ending
Epilogue

Chapter 31 - a Third Party's Perspective

18.4K 133 21
By astrophilexx

Mika's POV

"Tomsy... Gising."

"Inaantok pa ko, Daks.."

"Gising na please.."

Napahiga naman ako nang bigla niya kong niyakap.

"Gumising ka na kasi. Cancelled yung training namin ngayon. Ipinapa move bukas."

Isinubsob niya ang mukha niya sa sa leeg ko.

"Oh di matulog ka muna ulit. Inaantok pa talaga ako.."

"Nagplano kasi sila ate Kim na ngayon na lang daw tayo magfootball."

"Di ba pwedeng pass na lang muna tayo? Dito na lang tayo sa bahay.."

Aba at nanlalambing pa ang kumag na to. Dati naman basta sports ang pag uusapan hindi ito tumatanggi. Di bale. Hindi naman ako matatanggihan nito.

"Eh Tomsy, gusto ko talagang maglaro eh.."

"Tsk. Sige na nga.. Di naman kita matatanggihan eh."

Nag inat siya saka ako niyakap ulit at hinalikan sa cheeks. "Morning, Love.."

"Morning. Bangon na tayo. Kanina pa nakahanda ang breakfast."

Bumangon na kami ni Tomsy at lumabas para kumain. Si Cienne naman umagang umaga hyper na agad. Excited daw mag football eh."

Cienne: "Good morning, bullies!"

Ara: "Morning!"

Pinisil ni Ara ang pisngi niya. Ganda naman ng gising ni Tomsy. Napangiti na lang ako.

"Parang kagabi lang galit na galit ka ah.."

Cienne: "Ikaw din kaya kagabi! Inis na inis ka din naman kay Sophie dahil nilalandi niya si Kim eh! Hahaha!"

Hindi na sumagot si Tomsy at naupo na lang din sa tabi ni Mela. Si ate Kim naman tahimik lang.

Mela: "Wala naman kasing malandi kung walang nagpapalandi!"

Cams: "Nakapagtatakang hindi mo inaaway Mela! Hahaha!"

Mela: "Hahaha! Natatawa na lang ako kasi pagdating ko kanina, nagreport kaagad sakin. Mabuti na daw na sa kanya manggaling agad kesa maunahan niyo siya sa pagsusumbong."

Kim: "See? Mabait naman talaga ako. Kayo naman kasi binibigyan niyo ng malisya."

Mika: "Gayahin mo kasi tong si Tomsy ate Kim! Di humiwalay sakin buong gabi.."

Cienne: "May sariling mundo kasi kayo kagabi! Disco yung music nagssweet dance!"

Ara: "Ganun talaga.."

Kim: "Ganun talaga kapag?" nakataas ang kilay na tanong ni ate Kim.

Ara: "Kumain na nga lang tayo.."

Mika: "Saan daw pala tayo Cienney?"

Cienne: "Tumawag ako sa La Salle kanina. Wala namn daw gagamit ng field."

Mela: "Anong gagawin?"

Cams: "Hindi pa sinabi ni Kimtot? Football daw tayo."

Mela: "Ay bet ko yun. Tayo tayo lang?"

Mika: "Nandun si Sophie mamaya! Siya ang nagyaya eh.."

Cienne: "Mela! Wag mong warlahin mamaya ah? Hahaha. Bestfriend yun ni Gayle!"

Mela: "Hindi ko yan ma ipa-promise Ciennang! Hahaha!"

Nag apir naman silang dalawa at nagpatuloy lang sa pagbreakfast. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami ng konti at nagsi-ayos na para pumunta sa La Salle.

Sophie's POV

Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaction ni Ara kagabi. Siya? Nagseselos? Alam kong malabong mahalin niya ako kasi alam ko namang mahal na mahal niya si Mika.

Pero bakit naman siya magseselos? Kay Kim pa? Errr. Maybe she's just really territorial. Believe me, I don't take pleasure in hurting Mika's feelings because I know that at the end of the day, it's still her. Not me.

Pinipilit kong alisin sa isip ko ang nangyari samin ni Ara kagabi kasi ayaw kong mahalata ni Gayle na may pino-problema ako. Lakas maka radar nitong bestfriend ko eh. Masyado niya kasi akong kilala kaya wala akong matagong secret sa kanya. Nandito kami ngayon sa DLSU big field dahil maglalaro nga kami ng football ngayon. Half-court lang naman ang gagamitin namin kasi konti lang naman kami kaya pinanonuod namin ni Gayle yung paglipat ng mga tauhan ng DLSU sa isa pang goal post papunta sa center spot habang naghihintay sa kanila ngayon.

Di nagtagal ay dumating na nga sila. Una kong nakita na bumaba mula sa kotse sina Cienne at Cams. Siyempre tumakbo agad si Cienne papunta dito samin ni Gayle. Sunod namang dumating ang kotse ni Kim. May babaeng bumaba din mula sa passenger's side. Inakbayan ito ni Kim saka naglakad papunta dito. Ito siguro ang girlfriend niya. Sana naman wag akong awayin.

Cienne: "Hi Sophie. Sorry kung tinarayan kita kagabi ha?"

Hingal na saad ni Cienne na kasalukuyang pinupunasan ni Gayle ang pawis sa mukha.

Sophie: "Sorry din. Wala naman kasi talagang malisya yung kagabi. I was just having fun at nakikisakay naman siya. Nagalit ba ang girlfriend niya?"

Cienne: "Hindi naman. Pinagsabihan lang yata siya. Ay nga pala... Sophie, kambal ko! Si Camille. Twinny si Sophie."

Pagpapakilala niya sa kambal niya na kadarating lang.

Camille: "Hi." tipid niyang sagot.

Sophie: "Hello.."

Cienne is way way different from her twin. Mukhang aloof kasi itong si Cams. Or baka naiinis din ito sa akin. I can't tell dahil blank ang expression ng mukha niya. Tsk. Ano ba yan. Nakasama ko lang silang magkakaibigan at nagka affair kay Ara nagiging ineffective na ang pagiging CP ko.

Nakarating na rin dito sa amin sina Kim at ang girlfriend niya.

Kim: "Hi Gayle! Hi Sophie!"

Gayle: "Hello Kim. Hi Mela. Hang over?"

Cienne: "Yun mabuti at dalawa na sila ang binati mo! Hahaha!"

Kim: "Ayoko nang ma batukan ulit noh? Hahaha. Ay Sophie, girlfriend ko pala."

Sophie: "Hello, I'm sophie.."

Mela: "Mela. So you're the Sophie who kind of flirted with this panget?"

Ang conyo naman niya. Matatawa ba ako? Tinawag akong flirt at panget si Kim?

"Joooke. Hi!"

Sophie: "Sorry about last night.."

Mela: "Yaan mo na. Ayaw ko lang na maulit yun ha? At ikaw panget! Uhhhh! Bahala ka!"

Inalis niya ang pagkakaakbay sa kanya ni Kim at naupo sa bench kung saan nakalagay ang mga bag namin ni Gayle.

Gayle: "Nasaan na sina Ara?"

Cienne: "Ayun na babe oh.." turo sa kaka-park lang na Hummer ni Ara.

Bumaba si Ara mula sa driver's side then everything went into a slow-mo. She's nothing but a breathtaking view from afar. So perfect with her soccer shorts and plain white Ts. Kung sana akin siya at pwede ko siyang ipaglaban. Kung sana kaya niya rin akong mahalin. Kung sana totoo talagang nagseselos siya at hindi lang dala ng kalasingan niya kagabi ang pagsabi niya nun. Kung sana maipagsisigawan ko sa buong mundo na... oo... mahal ko na siya. Pero wala eh. Wala akong magawa kundi ang magnakaw lang ng tingin tuwing nasa harap kami ng mga kaibigan niya. Kitang kita ko kung gaano niya ka mahal si Mika. And she's probably acting the way she does when we're alone because of the plain fact that she's tempted. By me. And if worse comes to worst, ako na lang din ang lalayo. This - I swear.

Pinagbuksan niya ng pinto si Mika at hinawakan ang kamay nito. Sa kabilang kamay niya naman ay hawak niya ang duffel bag na dala nila. As the cliche goes, they really are perfect for each other. I saw their college photos on Ara's IG, they were happy and in love in all of it. Today, seeing them like this, all picture perfect... remaining happy and in love and inseparable... they're exactly the same as if their love, trust, and faith for each other were never tested. As much as I hate to say this, it will still boil down to 'I can't take this any longer.' Hindi ko kayang paghiwalayin ang dalawang to. Hindi ko kayang sirain kung ano ang meron sila. Not me nor anyone else would have the guts to ruin a relationship that has overcome probably the most challenging obstacle, time, but still ended up as strong as how it all started.

Nahuli ako ni Gayle na nakatitig lang sa papalapit na sina Ara at Mika. Siniko niya ako. "Haven't I told you that it's not right to stare?" bulong niya sakin. "Can't help it." sagot ko sa kanya. Dahil nakarating na sa amin ang dalawa ay nag ayos na ang iba ng mga gamit nila at nagsuot na ng mga cleats nila. "We'll talk about it later. Now, compose yourself! We've got a game here.." Pinisil niya ang pisngi ko at pinuntahan na si Cienne. Left me with no choice but to, like she said, compose myself, letting out a deep sigh and put on a fake smile. I'm good at this. Making everyone believe that everything's okay..

Sophie: "Hi Ara! Hi Mika!"

Tumabi ako sa kanila and like everyone else, sinuot ko na rin ang cleats ko.

Mika: "Hi! Excited na ko sa game natin!"

Ara: "Sobrang excited mo nakalimutan mong wala kang sapatos na pang football! Hahaha! Hi Sophie.."

Her voice. Saying my name. Heavenly. Natulala ako kay Ara.

Cienne: "Uy Sophie! Sino sinong magkateam?"

Kim: "Di niyo ba napapansin?! Naka color coding tayo oh. Lahat ng naka black magka team tas lahat ng naka white magka team din."

Nagkatinginan naman kaming lahat. So it's going to be me, Gayle, Mela, and Cams. Okay na din. At least may chemistry na kami ni Gayle sa football dati pa. Hindi naman sa seseryosohin ko tong laro, pero dito ko na lang siguro ilalabas lahat ng nararamdaman ko.

Ara: "Game!!!"

Mela: "Masaya ka kasi magkateam kayo ni Mika! Che!"

Cienne: "Babe! Di tayo magkateam!" nagkunwaring umiiyak.

Gayle: hinawakan ang chin ni Cienne. "Cheer up. Laro lang to!"

Cams: "Andami niyong arte! Game na!"

Nagsimula nang mag usap usap sina Cienne, Ara, Mika, at Kim. Kami ding apat na naka black ay nagpulong na rin.

Mela: "Sinong goaly natin?"

Cams: "Ikaw na lang Sophie, ikaw ang pinakamatangkad eh!"

Gayle: "Forward ang laro ni Sophie. Magaling mag-goal yan!"

Mela: "Eh di sige. So ikaw na lang Gayle!"

Cams: "Di yan siya pwede! Mamaya kung si kambal yung magscore hahayaan niya lang eh!"

Gayle: "Grabe ka naman Cams! Hahaha! Pero baka nga... Sige wag na lang ako."

Cams: "Ikaw kaya Mela?"

Mela: "Naku! Ayokong makantiyawan ni panget noh!"

Sophie: "Ikaw na lang Cams!"

Cams: "Tsk! May choice pa ba ako?"

Magsisimula na nga kaming maglaro. Si Mika pala ang goaly sa kabila. Nag bato bato pick kami ni Kim sa gitna. Ako ang nanalo kaya sa amin ang 1st ball.

Sinipa ko na ang bola at ipinasa kay Gayle. Ipapasa na niya sana kay Mela pero naagaw yun ni Ara at sinipa papunta kay Cienne. Binantayan naman ito ni Gayle pero hindi niya inaagaw ang bola. Hinahayaan lang si Cienne. Sumigaw naman si Cams, "Hoy Gayle! Kakaltukan kita mamaya! Ayusin mo!". Natawa naman kaming lahat. Napailing naman si Gayle, nagcross over kay Cienne sabay sipa ng bola papunta kay Mela. Malapit na kami sa goaly ng kabila at si Ara naman ngayon ang sumusubok na agawin sa akin ang bola. Bina-block ko siya gamit ng kaliwa kong kamay. Naabot naman ng paa niya ang bola kaya lumayo ang bola sakin pero si Gayle pa din ang nakakuha. Binack-hug ito bigla ni Cienne kaya naagaw ito ni Kim. Sinalubong naman ito ni Mela at niyakap din kaya nawala ang bola sa kanya at napunta sakin. Malapit na malapit na talaga ako at nakaabang naman si Mika. Hinabol ako ni Ara pero hindi na niya ako naabutan at nasipa ko na ang bola.

Yes! Pumasok! Si Mika naman napakamot na lang. Nilapitan siya ni Ara at ni kiss sa cheeks. "Okay lang yan Love. Bantayan ko pa ng mas maigi next time. Basta maghanda ka lang diyan." Masakit pero okay lang. Wala naman akong karapatan eh.

Tumakbo naman sina Mela at Gayle sa akin at nakipag apir!

Mela: "Ang galing mo pala Sophie!"

Gayle: "Sabi ko sa inyo eh. May edge tayo dito.."

Sumigaw naman mula sa goal post namin si Camille. "Galingan mo pa Sophie! Hayaan mo ang mga lovers diyan! Ikaw na lang ang magdala ng bola!" Natawa na lang kami sa sigaw ni Cams.

Pumwesto na ngayon si Ara para mag inbound ng bola. Kahit mali ang position ng mga kamay niya pag inbound ay hinayaan na lang namin. Laro laro lang naman to. Nakuha naman ni Kim ang bola at sinipa yun ng malakas at nakaabang na pala si Cienne doon malapit sa post namin. Sinipa niya agad ang bola papasok sa post pero naabot naman yun ni Camille. Binelatan siya ni Camille. "Better luck next time kambal!". Tinap na lang siya ni Ara sa likod at binatukan naman ni Kim. "Hindi ka naman pala marunong maglaro Ciennang! Ikaw pa tong sobrang excited kanina! Hahaha!"

Sinipa na ni Cams ang bola ng napakalakas kaya muntik ng mag field goal. Pero dahil matangkad si Mika ay naabot niya ito. "Yes! Buti na lang matangkad ang Love ko..", saad ni Ara. Ouch lang diba? Tsk. Ipinasa naman ni Mika ang bola kay Ara. Sinipa niya yun papunta kay Cienne. Si Mela naman ang nakabantay sa kanya. Muntik na niya itong maagaw pero nasipa yun ni Cienne ng malakas at si Kim naman ngayon ang nakaabang malapit sa post namin. Midway sa ere ay tumalon si Kim. Parang slow-mo lang yung move na yun kasi ang tagal ng hangtime niya. Tinamaan niya gamit ng ulo niya ang bola. Malakas yun kaya hindi nahuli ni Cams.

Tumalon talon naman silang apat sa saya! "Literal na matigas ang ulo mo pare! Hahaha!" saad ni Ara. "Unggoy ka forever!!!" Naiinis naman na sabi ni Mela. "YESSSS!" sigaw ni Kim. "Ang yabang!" ganting sigaw naman ni Cams.

Nagpatuloy pa rin kami sa paglalaro pero wala na ulit nakascore. Inabot na yata kami ng half time at pagod na pagod na kaming lahat. Hingal na hingal na rin ako. Matagal na kasi akong di nakakapaglaro. Nagpahinga muna kami at napagusapan na magkick off na lang kasi 1-1 ang score at wala namang pumayag samin na gawing tie na lang ang game. Nang makabawi na kami sa pagiging hingal ay nagsimula na kaming magkick off.

Sila yung unang sisipa kaya nakahanda na si Cams sa goal post na mas malapit lang sa bench na kinauupuan namin. Si Cienne ang 1st na sumipa. Naka-angle papunta sa right yung pagkasipa niya kaya tumalsik ang bola sa upper left corner ng post at hindi yun naabot ni Cams. "Bleh!". Umalis na si Cams sa post at pumalit na si Mika. 2-1

Mela: "Sinong mauuna sa atin?"

Sophie: "Ikaw na lang Gayle.."

Pumwesto na si Gayle. Napalakas naman ang sipa niya, mabilis ang approach ng bola kaya hindi rin na abot ni Mika. 2-2.

Mika: "Sorry."

Ara: "Okay lang yun, Love. Akong babawi para sayo."

Bumalik na ulit si Cams at si Kim na ang susunod sa amin. Medyo off yung pagkasipa niya kaya hindi man lang umabot sa post yung bola.

Mela: "Hahahahahahahahahahha! Epic fail!"

Natawa naman kaming lahat.

Kim: "Che! Humanda ka sakin mamaya!"

Si Mela na ang susunod na sisipa. Pag sipa naman niya sa bola ay hindi man lang gumalaw si Mika mula sa pwesto niya dahil sa kanyang mga kamay na nakaabang mismo dumiretso ang bola.

Kim: "Hahahah! Quits na tayo!"

2-2 pa rin ang score. Last na sisipa sa kanila ay si Ara. Game face on talaga? Seseryosohin siguro nito ang pagbawi sa kanila ni Mika. Malakas at naka angle din ang pagsipa niya kaya naka score din siya. 3-2. Tumakbo si Mika papunta sa kanya at sinalubong naman niya ito ng yakap. Hindi ko namalayang nasa tabi ko pala si Gayle kung hindi pa niya ako inakbayan. "Wag mong saktan ang sarili mo. Wag mo ng tingnan. Isipin mo na lang na dapat kang maka-score para ma tie natin at mag kick off ulit. Go na!"

Naghanda na nga ako. Hinintay ko muna na bumalik si Mika sa post. Kumuha ako ng bwelo at sinipa ang bola. Sa baba ang kuha ng sipa ko at napalakas yun.

Hala! Hindi ko sinasadya! Natamaan si Mika ng bola sa mukha kaya na out balance siya at napahiga. Hindi pumasok sa post ang bola kasi tumalsik yun pa kanan. Hala! I swear hindi ko talaga sinasadya. Nagsitakbuhan naman silang lahat papunta kay Mika. Lumingon pa si Gayle at umiling sakin. Tumakbo na rin ako papunta sa kanila.

Sophie: "Mika, sorry! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya!"

Nakaupo na siya ngayon at hinahawakan ang namumula niyang noo.

Mika: "Hahaha! Sapul yun ah! Pero okay lang dahil hindi pumasok at kami ang nanalo! Hahaha!"

Ara: "Daks, okay ka lang?! Yung noo mo oh, namumula!"

Mika: "Ice pack lang katapat nito mamaya!"

Cienne: "Lakas naman kasi ng sipa mo Sophie! hahaha!"

Sophie: "Sorry talaga Mika.. Hindi ko sinasadya.."

Mika: "Okay nga lang kasi.."

Ara: "Tayo ka na Love. Halika.."

Tinulungan naman ito ni Ara patayo at niyakap muna saka hinipo ang noo nito.

"Uwi na tayo baka pumasa yan at malaglag sa black eye."

Mika: "Ayaw pa. MOA tayo guys!"

Mela: "Okay ka lang ba talaga Mika?"

Mika: "Oo nga! Tara na! Manlilibre pa ng lunch ang mga talunan! Hahaha"

Nagsiayaos na kaming lahat at nagshower muna sa dating dressing room ng athletes. Magkasabay na naligo sina Ara at Mika sa katabi kong cubicle. Wala silang ginawa kundi ang magkulitan at magtawanan. Of course, I felt envious. Hindi ako manhid. If only Ara could offer me a partnership with a love like theirs. Another reason why a part of me keeps on telling me not to ruin something so great.

Natapos na kaming lahat magshower at nakapagbihis na. Nauna nang lumabas ang iba at tatlo na lang kami ang natitira dito sa loob. Nag eye to eye contact kami ni Ara sa mirror.

Please, Ara. Don't give me that look. I don't have plans in changing my mind. Ayoko na. Please cooperate.

Nakabawi lang siya sa pagkatitig sakin ng bigla itong ni backhug ni Mika na kalalabas lang sa cubicle. Lumabas na ako. Sobrang naaawkward na ko at nasasaktan.

Paglabas ko ay nasalubong ko naman si Gayle at nahalata niya siguro na naiiyak na ako. Niyakap niya ko.

Gayle: "Sabi ko naman sayo hanggat kaya mong pigilan, pigilan mo diba? Easy to fall ka kasi eh.."

Sasagot na sana ako pero bigla ring lumabas sina Ara at Mika at nahuli kaming magkayakap.

Mika: "Is everything okay, Sophie?"

I'm not okay Mika! Nasasaktan akong makita kayo na ganyan. Na mahal na mahal ang isa't isa! Gusto kong sabihin yon sa kanya.

Sophie: "Everything's okay Mika."

Nakakunot naman ang noo ni Ara na nakatingin lang sakin.

Gayle: "Tara na guys.."

Inakbayan ako ni Gayle palabas hanggang makarating kami sa parking area kung saan naghihintay na ang iba.

Mika: "Samin ka na sumabay Sophie.. Hindi pa tayo masyadong nagkukwentuhan eh."

Tiningnan naman ako ni Gayle. Ngumiti lang ako.

Sophie: "Sige!"

Naupo ako sa back seat at nagsimula nang magdrive si Ara.

Mika: "Sophie.. Okay ka lang diyan?"

Sophie: "Ha? Oo naman.."

Mika: "Ang galing mo talagang maglaro ng football."

Sophie: "Matagal na nga akong di nakakapaglaro eh. Ngayon lang ulit.."

Mika: "Student athlete ka din nung college?"

Sophie: "Oo. Pero di naman ako magaling. Marunong lang. Pangkumpleto ng line up. Hehe"

Mika: "Wag namang ganun. Mas magaling lang talaga siguro ang mga kasama mo.."

Sophie: "Siguro nga."

Mika: "In a relationship ka ba ngayon? Girlfriend? Boyfriend?"

Oo! Kabit ako ni Ara!

Sophie: "Ahh. Wala. Dating? Ewan.."

Mika: "Ahhhh. Imposible! Ang ganda ganda mo wala kang boyfriend?"

Tiningnan ako ni Ara sa rearview mirror.

Sophie: "Walang nagkamali.."

Mika: "Ang sad naman niyan.."

Hindi na ako sumagot. Si Ara din tahimik lang buong biyahe. Maya maya pa ay nakarating na kami sa MOA. Magkakatabi lang ang sasakyan nilang apat. Sumabay na ako kina Gayle at Cienne papasok. Nandito pa lang kami east entrance ay may fan na agad na nagpapicture sa kanila.

FanGirl: "Ate, ate, pwede pong magpapicture sa inyo?"

"Sure sure."

Si Gayle naman ay bumili ng bottled water para kay Cienne, susunod sana ako sa kanya pero hinawakan ng babae ang kamay ko.

Fangirl: "Ate pwedeng ikaw na lang po ang kumuha? Wala po akong kasama eh.."

Sophie: "Eh sakin hindi ka magpapa picture? Naging Lady Spiker din kaya ako!"

Nagtaka naman ang babae at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Fangirl: "Hahaha! Joker ka ate! Kalokalike ka ni ate Mika eh!"

Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya ko nakita kasi kinukuha niya mula sa bag niya ang kanyang iPad.

Naman diba? Mixed emotions na nga ako dito pero wala naman akong choice at hindi ko naman siya matanggihan. Inabot na niya sa akin ang kanyang iPad at tumabi sa kanila. Yung unang kuha ay formal lang pero humirit pa ang babae at nagdemand na magwacky naman daw. Pinagbigyan naman siya ng mga ito at nagwacky. Napatitig ako sa iPad. Yung pose kasi ni Mika ay nagkikiss sa cheeks ni Ara. Tapos si Ara, gawa ng pagtingin sa lens ay parang sakin na rin nakatingin. It's heartbreaking at naiiyak na naman ako. Parang anytime magbbreak down na ko dito.

Fangirl: "ate okay na ba?"

Sophie: "Ay wait.. Sorry. Again, guys."

Nagapasalamat naman ang babae sa kanila at sa akin saka na ito masayang umalis. Mabuti ka pa, simpleng bagay lang nagpapasaya na sayo.

Dumating na si Gayle dala ang bottled water na binili niya para kay Cienne kaya pumasok na kaming lahat sa loob ng mall. Dumiretso kami sa Lamesa Grill sa seafront. Sina Kim at Cams na lang ang nag order para saming lahat. My situation couldn't get any worse. Yes, masaya, tawanan lang ng tawanan. Pero heto ako, tahimik lang sa gilid at hindi maiwasang maiinggit sa dalawa. Sobrang sweet at sobrang clingy. Dumating na ang pagkain namin at nagsimula na kaming kumain ng lunch.

Pagkatapos namin ay pumunta muna ako sa powder room. Bakit? Kasi hindi ko na talaga kaya eh. Kailangan kong mag reboot. Ang self-confidence ko naaapakan na ng pagmamahalan nina Ara at Mika. Isinandal ko agad ang dalawa kong kamay sa sink at tinitigan ang sarili ko sa salamin. No make up. No fancy dress. And ang self-esteem ko below normal than the usual na.

Why? Bakit sayo pa Ara? Bakit ikaw pa?

Nagulat naman ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod. Nanghihina naman ang tuhod ko.

Ara...

Sophie: "Baka may makakita satin.."

Nginitian niya lang ako at mahinang tumawa. Isinara niya na ang pinto. Sumandal ako sa wall at sinapo ang noo ko.

"Ayoko na Ara..."

Ara: "What's wrong?"

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Sophie: "What's wrong? Lahat Ara! Ikaw, ako, tayo.. Lahat! At hindi ko na kaya! Kahapon ko lang sinabing susubukan ko ang lahat para pigilan tong nararamdaman ko pero, wala eh! Head over heels, Ara! At alam kong hindi mo ko kayang saluhin! Tigilan na natin to. Please. Habang maaga pa. Habang si Gayle pa lang ang nakakahalata nitong nararamdaman ko."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

Ara: "You told Gayle?! Nasisiraan ka na ba ng bait?!"

Sophie: "God, NO! I didn't, okay?! Pero kilala niya ko! Kilalang kilala!"

Ara: "Tsk. You asked for this! Tapos magkakaganyan ka? In the first place, alam mong si Mika lang at siya lang ang kaya kong mahalin.."

Sophie: "Precisely! Siya lang! Which means wala akong room para sa inyong dalawa! Ayoko na Ara!"

Niyakap niya ko. Wala akong magawa kasi mahigpit ang pagkakayakap niya. Pinipilit kong kumalas. Ayoko na talaga. Ayokong mapahamak siya at lalong ayokong masira sila.

Ara: "I'm sorry. Hindi ko kayang makita na nagkakaganyan ka.." mahina niyang sabi.

Sophie: "Bitawan mo na ko please. I need to get out of here!"

Binitawan niya nga ako pero hinawakan niya ang kamay ko kaya hindi pa rin ako makalabas.

Ara: "Tomorrow, Sophie. Magkita tayo. Pag usapan natin to.."

Kumalas ako sa pagkakahawak sa ng kamay ko. Nagulat naman ako nung paglabas ko at nakitang nakasandal lang sa wall si Gayle. I'm sure narinig niya ang lahat. And I know, na sumunod siya dito para hindi makahalata ang iba. Not to tolerate us, but to protect me.

Niyakap ko siya agad at umiyak. Lumabas naman si Ara at pagkakita niya kay Gayle ay napaatras ito.

Gayle: "It's okay, Ara.. Bumalik ka na dun sa kanila. I'll take it from here.."

Ara: "I'm sorry..."

Nauna nang umalis si Ara para bumalik sa table namin.

Sophie: "Gayle, please... Get me out of here.. Ayoko na. Nasasaktan na ko.."

Gayle: "Ssshh.. Tahan na. Ayusin mo muna ang sarili mo.. Let's talk later."

Pumasok ulit ako sa CR at naghilamos. Namumula pa ang mga mata ko pero hindi naman nila siguro mahahalata na umiyak ako. Huminga ako ng malalim saka lumabas na. Sabay kaming bumalik sa table at nagpaalam sa kanila. Nagpaalam na rin si Gayle kay Cienne na mauuna na lang kaming umalis kasi masama ang pakiramdam ko. Lahat naman sila sumang-ayon na umuwi na lang ako maliban kay Ara na nakayuko lang.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya.

Gayle: "Iuuwi na ba kita?"

Sophie: "I don't know. Iiyak lang naman ako ng iiyak pagdating dun. Ihatid mo na lang ako kina Kish sa Ayala."

Gayle: "Sigurado ka? Baka mamaya maglasing ka na naman dun? Naku Sophie! Hindi ka na talaga natuto!"

Hindi ako nakasagot.

"You've been in this situation before! Akala ko na fa-fall ka lang kay Ara. Hindi ko alam na nagkaka-affair na pala kayo!"

Sophie: "Hindi ko napigilan.. She's... everything!"

Gayle: "She's everything, yes. But for Christ's sake, Sophie! She's taken!! At bestfriends sila ni Cienne! Alam mo ba tong dinala mong gulo?!"

Sophie: "Alam ko. Narinig mo naman siguro ang pinag-usapan namin kanina diba? Ako na nga ang nag-ayaw. Masakit, Gayle.. Masakit.."

Gayle: "You're losing your mind! And I can't believe na uulit ka pa! Hindi ka ba nagsasawa? Does it make you happy? Yung makasira ng relasyon ng iba? You already wasted 5 years of your life being another butch's other woman... At nung magkabukingan na pinili pa rin niya ang girlfriend niya.

What made you think na ikaw ang pipiliin ni Ara this time? Pinag-awayan na natin to dati!"

Hindi ulit ako nakasagaot. She's right. Pinag-awayan na namin to dati. And I don't want to lose my bestfriend again. Not now. Not ever. I have to do what's right.

Gayle: "I'm your bestfriend, Sophie. Pero bestfriend din ng girlfriend ko ang taong kinasasangkutan mo ngayon. Oras na mag-away away silang lahat dahil sayo. Alam mo na ang mangyayari.."

Continue Reading

You'll Also Like

221K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
2.4K 199 32
MOON SERIES #1| COMPLETED (NOT EDITED) Arely Vittales has no experience in this thing called Love, her friends tease her and here she is proves herse...
71.5K 754 126
Juan left Penny and their 3-year steady relationship to pursue his career in the EuroLeague. What happens if they unexpectedly reunite after 5 years...
656 55 23
Being already successful at 27, naisip ni Henri na masyado nang malayo ang naabot niya para pa maghanap ng katuwang sa buhay. She didn't need it eith...