He's my "SEATMATE" and also m...

By lemycastillo

39.6K 816 106

Im Myla Jasmine Reyes, im a Personal Assistant of our CEO in Santos Company. And my Boss... was my seatmate a... More

Prologe
Seatmate C.1
Seatmate C.2
Seatmate C.3
Seatmate C.4
Seatmate C.5
Seatmate C.6
Seatmate C.7
Seatmate C.8
Seatmate C.9
Seatmate C.10
Seatmate C.11
Seatmate C.12
Seatmate C.13
Seatmate C.14
Seatmate C.15
Seatmate C.16
Seatmate C.17
Seatmate C.19
Seatmate C.20
Seatmate C.21
Seatmate C.22
Seatmate C.23
Seatmate C.24
Seatmate C.25
Seatmate C.26
Seatmate C.27
Seatmate C.28

Seatmate C.18

675 20 1
By lemycastillo

*****
Mark's POV

Wala akong paki-alam kong pinagtitinginan na kami sa hitsura naming dalawa. Si Jasmine parang tanga na nakatulala lang at halatang umiiyak. Ako ito, busangot na busangot ang mukha ko habang hinihila siya. Oh diba!? Hindi naman kapansin-pansin! (Sarcasm!). Pero pasensya sila wala akong oras para pagaksayahan sila ng panahon para lang sagutin ang mga tanong nila. Gagawa din lang naman sila ng version nila napakahirap pa akong magpaliwanag. Ang mahalaga maialis ko siya sa lugar na to. Walang kibo si Jasmine sa likuran ko habang parang strller lang siyang hinihila ko. Mukhang hindi parin siya makapaniwala sa mga sinabi nung walang utak niyang pekeng kaibigan. Mabuti na din un, nang hindi na ako mahirapan kalikarin siya paalis ng lugar na to.

Nang malapit na kami sa gate agad kong hinubad ang school coat ko at isinaklob sa kanya. Sisitahin kasi kami ng Guard kung sakaling makita siyang umiyak. Mas maraming paliwanagan pagnagkataon. Tama na ung itatanong niya lang ay kung saan kami pupunta. Ah nga pala hindi na kami papasok ni Jasmine. Gusto kong makahinga sa napakasakit sa ulong pangyayaring un, lalo na tong babaeng to! Gusto kong pahingahin siya sa nakakapagod niyang pamumuhay! Nakakawalang gana lang ding mag-aral kung ganito ang mood niya na daig pa ang lutang na ulap. At lalo naman ako kumukulo na ang dugo ko at gustong-gusto ng sumabog! Wala na din ako sa mood para pakinggan ang kahit anong maging klase namin. Nang malapit na kami sa gate agad akong hinarang ni Guard.

"Pasan kayo iho? " takang tanong ni Guard na lumabas pa sa Outpost nito.

"Ah Manong Guard ihahatid ko na po sana pauwi to." pagtukoy ko kay Jasmine na tinapunan lang ng mabilis na tingin habang nakaakbay kong yakap dito.

"Oh? Napaano ba yan iho?" sabi ni Guard na nag-aalalang nakatingin kay Jasmine.

"Guard nagka-allergies po. Ee iuuwi ko na lang sana muna po. Pwede po ba un?" sabi ko at agad mas hinigpitan ang yakap ko na nagresulta ng pagsubsub ni Jasmine sa dibdib ko.

"Ah ganun ba. Nadala mo na ba siya sa clinic?" tanong naman ni Guard na mukhang naniwala.

"Hindi na po guard nasa bahay daw po ung gamot niya e nahihiya din naman po siyang pumunta sa clinic dahil sa hitsura niya. Hindi din daw naman po siya mabibigyan ng gamot basta basta kasi resitado po un ng gamot niya ng Doctor. Okey lang po ba na iuwi ko na lang siya kayo na lang po ang magsabi sa teacher namin ." pakiusap ko kay Guard. Nanatili namang nakatingin lang samin si Guard na mukhag nag-iisip. Hindi ko akalain na nasa dugo ko din pala ang pagiging artista. Artista na ako. Promise! Sinungaling na artista!

"Ah ganun ba nakuh mga babae talaga ngayon. Ang seselan na ng mga katawan. Sige iho. Iwan niyo na lang muna sa akin ang mga I.D niyo at bukas daanan niyo na lang dito kung sinong nakaassign na Guard. Ako ng bahalang magsabi sa teacher niyo." sagot naman ni Guard na agad hiningi ang I.D namin. Agad ko namang tinagtag ang nakaclip kong I. D at marahang pinaagwat si Jasmine para kunin din ang kanya.

"Salamat po Guard. Ito po. Pasensya na po sa abala ah." sabi ko ng maiabot ang aming I.D, agad naman nitong kinuha. Mabilis naman kaming lumagpas para di na magtanong pa si Guard at para wala na ring magkita pang ibang studyante sa hitsura naming dalawa.

Nang makarating sa parking lot agad kong itinigil si Jasmine sa tapat ng kotse ko at pinagbukasan ng pinto.

"Get in." utos ko ng mabuksan ang pintuan ng kotse. Nanatili lang siyang nakatayo at di umiimik. Ilang segundo pa ay muli kong unulit.
"Jasmine I said get in!" sabi ko na may diin na. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa hindi pa naalis na talukbong nitong coat sa ulo.

"Ayoko." mahina ngunit dinig kong sabi nya.

"Wala akong paki-alam kung ayaw mo. Ang sabi ko sumakay ka. Hindi ko kailangan ng sagot mo." suplado kong sagot sa paraang inuutusan na siya. Bigla naman siyang lumingon sakin na na nagresulta ng paglihis ng talukbong nito sa mukha.

"Un naman pala e! Wala kang paki-alam! Kaya pagsinabi kong ayoko! Ayoko! Bakit ba ang kulet mo! At pwede ba!? Tantanan mo nga ako! Tama na ang pangingi-alam mo sa buhay ko!" malakas na sigaw niya na nagpatigil sakin. Ngayon ay magkatinginan na kami, bahagyang naalis ang pagkakatakip na coat nito sa ulo kaya nakita ko na galit ito at patuloy parin sa pag-iyak niya. Bwesit! Nakakainis lang lalo kung pati ako, magagalit siya. Napalunok na lang ako at muli siyang tinitigan. Nakayuko na ito habang umiiyak. Kahit talaga saan, napakafeeling bayani ng babaeng to. Tsk! Kasura!

"Basta sumakay ka! Tatantanan lang kita pagginawa mo un." sabi ko at agad naglakad papuntang drivers seat at pumasok. Ayokong makita siyang ganun, baka sa halip na matulungan ko siya. Konsentehin ko pa ang katangahan niya. Hindi man ako sigurado kung susunod siya, pero hinayaan ko siya at inintay parin ang pagpasok siya. Napabuntong hininga ako at mariing humawak sa manobela ng sasakyan. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ng pumasok si Jasmine. Nang maisara ang pinto, hindi ko na nagawang sulyalan ang pagupo niya at agad pinaandar ang makina, kahit alam kong hindi pa nagseseatbelt si Jasmine. Mag-iingat narin ako.

Nakaalis at nakalayo kami sa school ay wala parin kaming imikan ni Jasmine sa loob ng kotse, nanatili siyang tahimik at nakatanaw lang sa bintana. Samantalang ako, ito! Sasabog na ang utak kakaisip kung ano bang problem niya. Bakit ba kasi lagi na lang niyang pinapatapakan ang sarili niya sa napakaimature na babaeng un. At un! Un ang hinding-hindi ko maintindihan! Ano bang meron!? Matalino si Jasmine, pero bakit sa lintik na babaeng un, simpleng problema lang di niya kayang mag-isip ng ayos! Gagawa na nga lang siya ng solusyon, puro katangahan lang naman.

Nang makarating kami sa isang pupuntahan. Itinigil ko ang kotse sa harapan mismo ng isang malaking bahay. Nandito kami ngayon sa resthouse namin, na dati din naming bahay noong bata pa ako. Lumipat lang kami sa subdivission dahil sa mga personal na dahilan. Actually akin na ang bahay na ito, sa akin na nakapangalan ang properting ito. Malayo nga lang sa kabihasnan kaya mas pinili ko munang tumira kasama sina Mama, dahil na rin sa napakabata ko pa para magsarili. Isama narin ang mga social reason, ang pagpasok ko, malayo na ito sa school na kasalukuyan kong pinapasukan.

Ito ang napili kong lugar na pagdalahan sakanya dahil bukod sa walang mga taong mangiistress sakanya. Maganda din tong lugar para hingahan niya at paglabasan ng sama ng loob. Makakatulong ang lugar na ito sa kanya katulad nang kung paano ako natulungan ng lugar na ito noon.

Bumaba ako at agad siyang pinagbuksan ng pintuan kahit naman alam kong walang kasiguraduhan ang pagbaba niya.

"Baba." pautos kong sabi sakanya ng mabuksan ang pinto ng kotse. Ou pautos! Ayoko na kasing sabihan o paki-usapan siya dahil alam ko nasa extreme level ang emotion niya at di un kayang madadala sa pakiusap.

"Ayoko." plain lang niyang sagot sakin. Kitam! Hindi na kagulat-gulat ang sagot niya

"Ayaw mong bumama?" tanong ko naman na agad tumungo upang silipin siya sa magandang pagkakaupo niya.

"Nasan tayo? Bakit mo ako dinala dito?" magkasunod na tanong niya na tiningnan lang ako pero di parin gumagalaw sa kinakaupuan.

"Basta bumaba ka." malamig kong utos na nanatiling nakatigtig sakanya ngunit di parin siya natinag.

"Ayoko. Hindi ako aalis dito. Hangga't di mo sinasabi kung nasan tayo at bakit mo ako dinala sa lugar na ito." may diin niyang sabi.

"Dinala kita sa mapanong lugar na may nakatayong bahay. Obvious naman diba? Dinala kita dito para kausapin. Wag kang mag-alala di kita planong gawan ng masama. Oh? Nasagot ko na. Baba." sabi ko naman at nanatiling nakakatitig lang sakanya.

"Huli kong naalala sinabi mo kung sasakay ako sa kotse mo, tatantanan mo na ako. Nakasakay na ako sa kotse mo. Tatantanan mo na ba ako?" matapang na sabi nya na di man lang ako tinitingnan.

"Huwag kang mag-alala tatantanan kita. Sumakay ka na sa kotse ko e. Bakit plano mo na bang magstay-in jan sa loob ng kotse ko habang buhay?" at muli ko siyang tinunguhan sa loob ng kotse.

"Ano namang ibig mong sabihin?" taas kilay siyang napatingin sakin.

"Sabi ko tatantanan kita kong sasakay ka. Pero wala akong sinabing gagawin ko parin un pag nakababa kana. Kaya kung plano mong tumira jan sa kotse ko. Okey lang naman sakin. Paki ingatan nalang ang upuan ah. Baka kasi mapudpud sa pag-upo mo." seryoso kong sabi na nagpasingkit ng tingin ko sakanya. Kalah mo ha. Matalinong hokage to! Napangiwi nalang siya sakin at agad nanlisik ang mata.

"Wag kang mag-alala. Wala naman akong planong magtagal dito e. Kung ganun, kung ganun simulan mo na ang usapan natin. Sabihin mo na ang sasabihin mo at pagkatapos pwede ba tantanan mo na ako ng tuluyan. Nakasakay o nakababa man ako sa kotse mo. At ihatid mo na din ako sa bahay ko." pairap niyang tingin sakin. Tibay talaga ng babaeng to bwesit. Napatayo ako ng tuwid at napabuntong hininga. Kagat labi akong nag-isip kasama na dun ang inis.

"Ayoko. Hindi ako magsisimula makipag-usap sayo kung ganito ang ayos nating dalawa. Nakatayo ako dito sa labas at nakaupo ka jan sa loob. Gusto ko nasa maayos tayong tayo." pilosopo ko namang sagot. Ito ang simula ng pagpapalamig namin nitong bruhildang babaeng to. Kailangan namin nito. Chill conversation. Kailangan kong pikunin siya ng mabawasan ung sama ng sitwasyon.

"Ee kung ganun, pwede ka namang pumasok dito sa loob ng kotse at dito ka maupo." suggestion niya sakin na di parin nawawala ang masamang tuno ng pananalita nya.

"Magandang 'tayo' nga diba? Hindi ko naman sinabing magadang upo. Tsaka kalalabas ko lang jan, papasukin mo na ulit ako? Ikaw ang lumabas." sagot ko naman na itinuro pa ang unupuan ko sa loob.

"Pasensya ka, mabilis akong mangalay pagnakatayo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo nakaupo akong makikipag-usap sayo. At tsaka din! Sino bang may sabing lumabas ka? Ikaw ang nagpakalabas-labas dito sa loob. Ikaw ang pumasok. Basta ka labas ng labas di mo man lang ako tinanong kung saan ko ba gustong makipagusap sayo e ikaw itong may gustong pag-usapan." sagot naman niya na nagpaigting ng bagang ko. Aba'y matindi din. Talagang babae ka! See ang talino pagpilosopohan. Tapos di magamit dun sa kaibigan.

"Ayoko nga. Ayoko. Lumabas ka jan at sa maayos na lugar ko gustong mag-usap. Kung saan mas komportable akong kausapin ka." sabi ko naman sa kanya. Chossy na kung chossy pero letche di ko planong magkasagutan kami sa kotse ko. Ano un car scene!? Pwe!

"Ayoko, kung gusto mo pumunta ka sa lugar kong saan komportable ka. Basta ako, dito lang ako at okey na ako dito. Dito ako comportable." sagot naman nya sakin at nagcrossarms pa. Siguro nga lumalamig na ang ulo niya, nagiging abnormal na ulit siya. Mabuti un ng mas mapadali akong maipaliwang sakanya ang pinagkaiba ng babaeng may maitim na budhi, sa babaeng may sungay.

"Sige, kung ayaw mong lumabas. Bahala ka. Basta siguraduhin mo lang na maiintidihan mo ko ng maayos mula dito haggang sa likod ng bahay na to pagkinausap kita." suplado kong sagot at akmang maglakad na paalis ng bigla siyang sumagot na nagpalingon sakin.

" Sige, problema ba un gamitin natin ang cellphone. Usapang maayos lang din naman pala e. Magkakaintindihan tayo." sabi nya at agad ipinakita ang cellphone sakin. Napangisi na lang ako sa sinabi nya. Abnormal na nga ulit siya. Tss. Matalinong idea un, pero mas matalino ako.

"Sige. Walang problema. Sabi mo e. Siguraduhin mo lang na magkakaintindihan talaga tayo sa klase ng pakikipag-usap na gusto mo. At siguraduhin mo lang na may sariling prinuproduce na signal yang cellphone mo para makacontact mo ako. Dahil sigurado ako, bali na ang kamay mo. Wala ka pang nahahaligap na signal dito." sabi ko at muling ipinagpatuloy ang pagalis. Rinig ko ang pagtingin nito sa cellphone niya.
"Iintayin ko na lang ang tawag mo ah." sabi ko at ipinagpatuloy ag paglayo. Rinig ko ang pag 'Aisssh' niya habang papalayo ako. Akala mo ha. Badtrip tayo parehas Jasmina. Kaya wag mo kong daanin sa kaabnormalan mo.

Gaya ng sinabi ko, iniwan ko nga siya doon sa loob ng kotse. Pumasok ako sa loob ng bahay, buti nalang kasama ng susi ng kotse ang susi ng bahay na ito. Nagikot-ikot muna ako para muling pagmasdan ang loob, pero agad din akong dumiretso sa likod ng bahay. Kung saan para siyang katulad ng isa sa lugar ng Baguio na puro puno. Kaya lang walang kahit anong bench bukod sa isang gawa sa kahoy. Dito ang pinakapaborito kong parte ng bahay. Kaya nga kahit anong pilit ni Papa na ipagbili na rin ang resthouse naming ito, hindi ako pumayag. Ito nalang kasi ang labasan ng sama ng loob ko, hingahan sa bawat hinanakit ko at lugar kung saan nakatago lahat ng secreto ko. Dito ako nagstay nung iniwan ako ni Athena. Kahit na marami kaming happy memories together, hindi ako gumawa ng memories dito. Dahil alam ko mahihirapan lang akong magmove-on kung sakaling dinala ko siya dito.

Ang resthouse kong ito ay para sa mga malungkot at masasakit at nakakapagod na karanasan ko, hindi gawaan ng masaya at magagandang-alala. Kaya dito ko dinala si Jasmine, kagaya ko gusto kong matulungan siyang ilabas lahat ng galit at sama ng loob niya sakin gamit ang lugar na ito. As usual alam ko naman sakin un galit, himala na lang kung magalit un dun sa kaibigan pinaglihi sa kasamaan ng ugali.

Ilang minuto pa ang inintay ko, hindi pa dumadating si Jasmina. Plano niya atang maghintay ng himala doon sa cellphone niya para magkasignal. Psh! Tatag talaga ng babaeng un! Habang naghihintay nagmuni-muni muna ako sa view ng lugar. Ito ang ginagawa ko para mapagaan ang loob ko sa nangyaring nakakabwesit kay Jasmine at sa stressed na ibinigay sakin nung kaibigan niyang sarap ipasok sa mental kong mag-isip. Hindi ko na alam kong ilang napakasamang salita na ba ang nagamit ko sa pagtawag sa kaibigan niyang un. Nakakairita kasi! Nakakulo ng dugo!

Ilang minuto pa, ay di ko akalaing dadating pa si Jasmine. Inaasahan ko man un, pero nagulat padin ako. Good luck na lang sa kanya kong makahanap siya ng signal dito. Bukod sa nasa toktok ng bundok ang tayo namin, malayo pa sa sibilisasyon. Landline nga ang gamit ko dito, kaya nakakatawag kami sa ibang lugar. Pero ang cellphone? Pshh! Props lang yan dito. Pagkadating ni abnormal kita na agad ang namumuong lungkot na naghahalong galit sa mukha ng tingnan ko ito.

"Oh? Akala ko ba komportable ka sa tayo mo dun? Kanina ko pa namang iniintay ang tawag mo." Panginsulto ko na ginaya ang ginawa niyang pagpapakita ng cellphone kanina.

"Wag mo nga akong pagtripan. Alam kong alam mo kung bakit hindi ako tumatawag." sagot niya sakin na may halong pagkainis. Kasalukuyang nakatayo siya ngayon sa harap ko at nakaupo naman ako sa bukana ng bahay habang nakatingin sa view.

"Well that's good, akala ko magpapakamarter ka pa rin katulad ng ginawa mo kanina sa harap ng walang kwenta mong kaibigan." sabi ko naman at ngumite ng nakakainsulto.

"Pwede ba? Wag mo ngang isali dito ang nanahimik kong kaibigan. Labas siya dito. At ano bang paki-alam mo kung nagpapakamatyer ako. Sa paningin mo lang un! Wag kang maki-alam sa pagkakaibigan namin." sigaw niya sakin at muli kong nakita ang pamumuo ng luha niya na nagresulta ng muling kong pagkainis. Tsk! Sayang ung pagmemeditate ko. Tsk Agad naman akong tumayo at hinarap siya.

"Wag mong sasabihin na wag isali ung nananahimik mong baliw na kaibigan dahil una sa lahat sa pagkakaalam ko siya ang nagsimula ng kabaliwang ito. Ako ang idinamay niya! At anong pakialam ko sa pagiging matryer mo? May pakialam ako, kasi isa ako sa dahilab ng pagiging martyer mo. At wag mong sasabihin sa pangin ko lang. Jasmine, baka hindi mo alam lahat ng tao, un ang tingin sayo. Martyer na kaibigan. Sinabi ko na mukhang hindi ka aware." tila may inis kong sabi sakanya. Napalunok naman siya at nanlisik na tumingin sakin.

"Kahit pa anong sabihin mo o ng ibang tao. Wala na akong paki alam basta wag mong pagsalitaan ng ganun ang kaibigan ko! Hindi niyo alam kung ano ang pagkakaibigan namin!" sigaw niya sakin habag nakakuyom na ang kamao niya.

"Ang loyal mo naman ata sa kaibigan mo. Ede sige, kayo na ang may pinaka-kakaibang pagkakaibigan. Graveh nakakatakot. Parang ayaw kong maexperience." sagot ko sakanya at tila mapaklang ngumite.

"Wag mong gawing katawa-tawa ang pagkakaibigan naming dalawa." sabi nya na masamang nakatingin sakin.

"Pasensya na ah. Hindi ko mapigilan e. Kaibigan ba? Kaibigan pala Jasmine ang tawag mo dun? Ano bang klaseng pagkakaibigan un? Huh? Sabihin mo nga sakin, ano bang definition mo sa salitang kaibigan? Interesado akong malaman. Kasi ako hindi ko matukoy kung anong klase ng pagkakaibigan meron kayo niyo ni Samantha. Masyadong malalim." sabi ko na may tunong sarkastiko at bahagyang humakbang palapit dito. At may ilang butil na pumatak sa mata nito. Masakit mang makita un. Kailangan kong tiisin, kailangan kong ipamukha sakanya nakinaibigan niya ang isang may sungay.

"Kaibigan! Isang matalik at malapit na kaibigan! Na kahit ipaliwang ko sayo, hinding hindi mo yun maiintindihan! Dahil hindi ikaw ang nagkaroon ng klase ng pagkakaibigang katulad noon!" sigaw nya sakin kasabay ng pagbagsak ng mga butil ng luha nito.

"Malapit na kaibigan? Ou, Siguro nga tama ka. Pero matalik!? Hindi ako sigurado. At hindi ko din talaga maiintindihan ang klase ng pagkakaibigan meron kayong dalawa. Dahil kahit kelan hindi tatapusin ng matalik kong kaibigan ang samahan namin dahil lang sa napakawalang kwentang dahilan!" at tila may diin ang bawat salita kong binitawan. Matapang na titig lamang ang naging sagot ni Jasmine sa sinabi ko kahit patuloy lang ang pagpatak ng luha nito sa mga mata.
"Hindi ka niya kaibigan! Isa ka lang malapit sa kanya na kailangan niyang utus utusan para sa ng mga katangahan niya!" muling sabi habang humahakbang palapit at hindi tinatagtag ang malalim na tingin dito.

"Hindi. Nagkakamali ka. Kaibigan ako ni Samantha. Isa akong matalik na kaibigan. Isa akong kapatid sakanya." sabi nya na sa mahinang tuno ng pananalita kasabay ng sunod-sunod na pag-iling.

"Jasmine pwede ba? Gumising ka nga, Isipin mo kung itinuturing ka nyang kaibigan. Hindi kayo magaaway ng dahil lang sa napakababaw na dahilan. Inisipin mo nga un. Alam mo pa ba ang sinasabi mo? Huh?" sabi ko naman agad na itinuro ang sarili niya.

"Wag mong sabihing mababaw un. Dahil may kanya kanya tayong pananaw at tingin sa pagpapahalaga ng mga bagay-bagay."sagot niya sakin na pilit nagpapakatapang kahit kita na sa mga mata nito ang sakit sa mga sinasabi ko.

"Oh di lumabas din! Bagay lang ang tingin sayo ni Samantha at sa kung anong meron kayo! Bagay lang! Hindi pinapahalagahan. Isang bagay lang! At hindi samahan!" sigaw ko kay Jasmine habang hindi inaalis ang tingin dito. Nang bigla kong naramdaman ang pagtama ng kamay niya sa pisngi ko. Isang malakas na sampal ang iginawad niya sakin. Naghalong gulat at pagkabigla ang naging reaksyon ko sa ginawa niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at agad..

"Kahit kelan wag na wag mong mamaliitin ang kung anong samahan meron samin. Wala kang alam. Wala kang alam sa nararamdaman niya. Wala kang alam sa pinagdadaanan niya. Wala kang alam kay Samantha, kaya't wala kang karapatan para husgahan ang kung anong meron kami lalong-lalo na siya! Wala ka sa lugar para pagsalitaan ako ng ganyan. Know your place Mark. Isa ka lang sa kaibigan kong kaya hinding-hindi ko paghihinayangang mawala. Pero si Samantaha!? Ang taong hinuhusgahan at minamaliit mo? Mawala na kayong lahat sakin. Wag lang siya!" may diin na sigaw niya sakin habang dinuduro nito ako. Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Jasmine, ayokong saktan ka ng sobra pero un lang ang nakikita ko para magising ka sa kahibangan mo.

"Kung ganun Jasmine, Ipagpatawad mo. Kung ano man ang klase ng pagkakaibigan meron ka at kung ako man ang nagkaroon nun. Hinding-hindi ko un kayang ipagmalaki. Mas pipiliin kong ikahiya at itago un kesa sa malaman ng iba!" at muli niya akong sinampal pero hindi ako napatinag.
"Sige! Sampalin mo lang ako. Parang inamin mo na rin natama ako at mali ka! Kung un din lang naman ang ipagpapalit mo samin. Nakamalas namin namin! Na kaibigan mo! Ipinagpalit mo kami sa taong hindi ka namaN kayang bigyan ng halaga ang pagkatao mo! Sana yang kaibigan mong sinasabi. Matulungan ka pagdumating ung panahong ikaw ang na sa baba. Sana maibigay niya din sayo lahat ng hih ingen mo. At magawa niya rin lahat ng bagay na nagagawa mo. Nang walang kahit isang reklamo na maririnig sa bibig niya.. " at muli nya akong sinampal.

"Maliitin mo na ang pagkatao ko. Buong sarili ko. At klase ng ugali meron ako. Tatanggapin ko! Makakaya kong lunukin at tanggapin lahat ng un. Pero ipamukha sakin kung gaano kawalang kwenta ang pagkakaibigan namen. Un ang hinding-hindi ko matatanggap. Hindi ikaw ang nawalan. Kaya't hindi mo alam ang pakiramdam ng may kulang sa pagkatao! Hindi mo un alam at wala kag alam!." sabi niya sakin kasabay ng pagbasak ng mga mabibigat niya luha sa mata. Alam kong nasasaktan ko na siya sa mga sinasabi ko pero wala akong magawa ibang paraan kundi ito lamang. Nahihirapan man akong makitang nasasaktan siya. Mas hindi ko kayang makitang sinasaktan at pinapahirapn siya ng iba.

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. Isang paring napakawalang kwenta ang pagkakaibigan meron kayo" sagot ko sa kanya at naging matapang. Pero tila lalo pa siyang nasaktan sa sinabi ko. At parang isang bomba na sumabog at agad akong pinaghahampas.

"Bawiin mo! Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo! Kaibigan niya ako. Matalik na kaibigan. Hindi walang kwenta ang pagkakaibigan namin. Hindi! Mahal niya ako. Sinagip niya ang buhay ko. Kaya alam kong mahal niya ako. Bawiin mo un. Mahalaga sa kanya ang lahat ng meron kami! Mahalaga." pagmamakaawa nito habang patuloy lang ang malalakas na hagulgul nito at dahandahang itong humina at tuluyang tumigil sa paghampas sa dibdib ko. Pabagsak siyang napalupagi sa harap ko at napatuloy ang pagiyak.

"Kaibigan? Kaibigan pa ba ang tawag mo sa taong handang itapon ang pagiging magkaibigan nyo dahil lang sa isang katulad ko?" sagot ko naman habang naawang nakatingin sakanya. Hindi ko aakalaing aabot kamo sa ganitong sitwasyon.

"Gusto ka niya. Gusto ka ni Samantha. Lahat ng gusto niya, nakakapagpasaya sa kanya. Kinuha ko ang isa sa pinaka-nagpapasaya sa kanya. Tama na sigurong dahilan un, para ibigay ko lahat ng gustuhin niya. At un lang ang importante. Ang maibigay kong lahat un." sagot naman niya sakin na at tumingin ito ng malalim sakin at nanatiling umiiiyak sa pagkakalupagi. Nakita ko sa kanya ang bigat ng sitwasyon na ito. Nang masabi ay agad na siyang napatungo.

"Kahit na! Pero hindi parin sapat na dahilan un para alisan ka ng karapatang sa sarili mo! Ee siya ba? Jasmine? Importante ka din ba sa kanya? Sabi mo wala akong alam sa nararamdaman niya. Siguro nga ou! Tama ka! E siya ba? May alam ba siya sa kung anong nararamdaman mo? E sa mga pinagdadaanan mo na lang? Para maibigay lang lahat ng gusto niya? Alam ba niya un? Kasi ako Jasmine, oo! Alam kong lahat un!" tila natigil siya sa sinabi ko at dahang-dahang tumingala muli sa akin.
"May alam ba siya sa kung anong pinagdadaanan mo? Jasmine maliliit na bagay na gusto niya, kulang na lang isugal mo ang buhay mo. E siya kaya? Mahalaga din kaya sa kanya ung gusto mo? Ibibigay din kaya niyang lahat sayo?" at tila parang isang palabas na itinigil ang pagluha ni Jasmine. Nakatitig lamang siya sakin habang bakas sa mukha ang pagkagulat. Bumaba naman ako sa tayong parang nakaluhod upang magpantay kami ng ayos.
"Gagawin din kaya niyang lahat kung sakaling ikaw naman ang humingi ng pabor? Jasmine, mageefort din kaya siya gaya ng ginawa mo kung sakaling siya naman ung pahirapan ng taong gusto mo?" sabi ko at hinawakan siya sa balikat.
"Kahit minsan ba? Nagkapanahon siya na ikaw naman ang pinakinggan niya? Dumating na ba ung pagkakataong tanungin ka niya kung ayos ka lang? O kung kamusta ka kaya? O kung anong gusto mo at kung anong hinaing mo sa buhay? O problema? Dumating na un? Ung siya ung unang magpaparamdam sayo na nasa likod mo siya at dilang ikaw ung susupporta sa inyong dalawa? Nalalaman ba nya na lahat ng ginagawa mo ay para sa kanya? Sa kanya lang. Hindi sa pagkakaibigan niyo. At mas lalong hindi para sa sarili mo?" at tila isang gripong nabuksan ang mata niya at tuluyan ng bumuhos ang kanina pang pinipigil na luha.
" Jasmine, ituring mong tao ang sarili mo na may karapatan din pahalagahan. May karapatang makaramdam ng pagod, galit, at pagtanggi. Hindi ka isang tagasunod lang sa mga gusto at kailangan ng ibang tao. Tao ka Jasmine may karapatang maging masaya at hingin ang naisin hindi utusan. Ituring mong tao ang sarili mong may halagan. Nang malaman mo ang pinagkaiba ng gawang saya sa natural na ligaya."

Nang masabi ko lahat ng iyon ay tila isang malakas na pag-iyak ang naging sagot ni Jasmine. Humagulhul na itong yumakap sakin. Ramdam na ramdam ang biga't at hirap na nararamdaman nito. Sa bawat hampas nito sa likod ko ay senyas ng pagsasabi na tama ako. Mahirap man sakin ang mga binitawan kong salita, marapat narin un para tapusin na ang paghihirap nya. Kahit papaano alam kong nakatulong akong ibsan ang napakatagal na hirap at bigat sa loob niya na noon pa ay nakatanim na.

------------
Edited na po!!!

Thank you for reading guiz! Vote and leave your comment/s!
Sana nagustuhan niyo ang chapter na to. Subay bayan po natin ang mangyayari sa #MaIne♥♥♥

For more info: (char! Pero guis tunay to)

Please do follow me here:

In wattpad: @lemycastillo

In twitter: @castillomyel

In snapchat: @lemycastillo

In instagram: @lemycastillo2206

Also like my Facebook Page ☞ Lemy Castillo- MissA

Wait for the next update...

Love. missA

Continue Reading

You'll Also Like

88.2K 10.5K 25
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
15.3K 560 26
روايه اماراتيه تتكلم عن مثايل وحيده امها وابوها الي عانت من الم الانفصال الام : نوره الاب : محمد تاريخ الكتابه : 19/3/2023 تاريخ التنزيل : ..
57.1K 1.1K 95
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...