being princess ianthe // kn

Від engrfx

150K 3.2K 1.1K

Naglalaro, tumatakbo, nadudungisan, naliligo ng ulan, nadadapa, nasusugatan, pero babangon ulit at babalik sa... Більше

Being Princess Ianthe
NOTICE!
Chapter 1: Beginning of being me
Chapter 2: Despite of the hatred
Chapter 3: Pampanga here I come!
Chapter 4: Undeniable pain
Chapter 5: Meeting new friends
Chapter 6: Sleep together
Chapter 7: Love or Infatuation?
Chapter 8: I'm falling...
Chapter 9: Worst nightmare
Chapter 10: We got your back ;)
Chapter 11: Not again...
Chapter 12: I'd rather
Chapter 13: Memory to treasure: Gen. Cleaning
Chapter 14: Memory to treasure: Sandbox!
Chapter 15: Memory to treasure: Snakes and Ladders
Chapter 16: Memory to treasure: Ihaw sa tapat bahay
Chapter 17: Memory to treasure: Parade ground!!
Chapter 18: Memory to treasure: Parade ground 2
Chapter 19: Memory to treasure: Just the two of us
Chapter 20: Memory to treasure: Pakakasalan kita!
Chapter 21: Back in Manila?!
Chapter 22: Memory to treasure: First date!
Chapter 23: Sasagutin ko na siya..
Chapter 24: Meet the parents.
Chapter 25: Mahal ko na nga siya.
Chapter 26: Natatakot ako..
Chapter 27: Sabay na tayo?
Chapter 28: Ginugulaman siya..
Chapter 29: Harder and deeper
Chapter 31: Ang hirap magpigil!
Chapter 32: For your eyes only~
Chapter 33: Fall in love w/ someone
Chapter 34: Nasaan si Alec?
Chapter 35: Oo? Oo.
Chapter 36: Passionate kiss
Chapter 37: Nagsisimula pa lang kami
Chapter 38: Uuwi sa UK.
Chapter 39: Cuddling
Chapter 40: Sana ako na lang..
Chapter 41: Couldn't ask for more
Chapter 42: Ang katotohanan
Chapter 43: Break up with Alec
Chapter 44: You like Kian?
Chapter 45: Ghost of the past..
Chapter 46: Babalikan ako ni Ianthe.
Chapter 47: Sleep beside you.
Chapter 48: IanLec's dinner date
Chapter 49: Pizza sauce, lips, tongue.
Chapter 50: I'm sorry, love..
Chapter 51: Isa lamang pagsubok.
Chapter 52: Tough and brave
Chapter 53: Sleep under the stars..
Chapter 54: Life's still great
Chapter 55: Hotel explosion.
Chapter 56: One year to decide.
Chapter 57: Alec with other girl
Chapter 58: Pagod na ako..
Chapter 59: Bakit ganito kahirap?
Chapter 60: Missing you always..
Chapter 61: Back again..
Chapter 62: I promise you...
Chapter 63: Eternal love
Chapter 64: First day...
Chapter 65: Met 17 years ago
Chapter 66: But then again..
Chapter 67: Barcelona get away!
Chapter 68: Barcelone get away pt 2
Chapter 69: Barcelona
Chapter 70: If it was that easy..
Chapter 71: Two weeks to go
Chapter 72: Anniversary prep
Chapter 73: Love works
Chapter 74: Galit na si Misis
Chapter 75: Ianthe's
Chapter 76: Alec's
Chapter 77: Family..
Chapter 78: three days left..
Chapter 79: about happy endings
Chapter 80: ruin & trauma
Chapter 81: Falling into right places
Chapter 82: emotionless
Chapter 83: is it over?
Chapter 83.5: Alec's side
Chapter 84: a gift and misery
Chapter 85: decisions, pain and the past
Epilogue
Being Princess Ianthe
bestfriend (published)
AYJEI 🌸

Chapter 30: Batang Alec at batang Ianthe

1.5K 35 7
Від engrfx

M A Y      3 1      2 0 1 6
-------------------- 👑 --------------------

Ianthe's Point Of View

Maaga akong nagising dahil may kakaiba akong nararamdaman. Naghilamos kaagad ako at nagsuklay. Hindi na ako nagabala pa magbihis dahil kaagad akong bumaba.

Nagtungo ako sa kitchen namin dahil may naaamoy akong mabango na nanggagaling doon.

"Nanay Celine?" Nilingon niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling lumapit sa kanya.

"Kyaaaaaaah! Nanay Celine! I missed you so much!" Tili ako ng tili habang yakap ko siya. Natatawa naman siya habang yakap din ako.

"Kamusta ka na, anak?" Tanong niya saakin.

"Okay naman po ako, Nay. Kayo po, kumusta? Nasaan si Tatay Ruben?" Excited kong tanong sa kanya.

"Hinahanap yata ako ng pinakamagandang prinsesa?" Nilingon ko si Tatay Ruben sa likuran ko.

"Tatay Rubeeen! Omggg!" Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Natatawa niya rin akong niyakap pabalik.

"Ianthe, ano ba yang tinitili mo ha?" Pupungaspungas si Maegan habang pababa siya ng hagdan. Nagkukusot naman ng mata si Chastity.

Nang makita nila sina Nanay Celine at Tatay Ruben ay nanlaki rin ang mga mata nila. Tumili at yumakap sila kina Nanay.

"Namiss namin kayo, Nanay Celine at Tatay Ruben." Kumalas na sila sa pagkakayakap.

"Naku, namiss din namin ang kakulitan niyong tatlo." Kinurot ni Nanay ang mga ilong namin kaya natawa kaming lahat.

"Good morning people on Earth! Anong kaganapan ang meron dyan?" Gising na pala silang lahat. Malamang ay nagising sila sa mga tili at sigaw naming tatlo. Si Maegan ba naman ang patiliin mo.

"Guys, meet our Nanay Celine and Tatay Ruben. Sila ang nagpalaki saaming tatlo." Pakilala ko sa kanila. Nagmano silang lahat. At nagpakilala na rin.

"Ako nga po pala ang mapapangasawa ni Maegan. Hades po." Nagmano si Hades sa kanila. Kinurot naman siya ni Meg sa tagiliran.

"Sino naman yang gwapong nasa likuran?" Tanong ni Nanay habang nakanguso kay Alec.

"Nako Nay, gwapo kaming lahat na nandito sa likod. Sino ho ba saamin?" Binatukan ni Alec si JB.

"Ako yun, bruv. Saakin nakatingin kaya wag kang feeling." Pinagtaasan pa siya ng kilay ni Alec.

"Nay, siya si Alec. Asawa ni Ianthe." Kumagat pa si Maegan sa ibabang parte ng labi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Tumaas naman ang altapresyon ni Nanay Celine dahil sa sinabi ni Maegan. "Biro lang, Nay." Pagbawi niya. Kaagad namang binigyan ni Tatay Ruben ng tubig si Nanay.

"Alec po. Gwapong manliligaw ni Ianthe." Kinindatan ako ni Alec kaya inagaw ko kay Nanay Celine yung baso na may tubig at ininom. Natuyuan kasi ako ng lalamunan dahil sa sobrang gwapong kindat ni Alec.

"Nako naman... Ang mga babies ko, may mga manliligaw na." Niyakap kaming tatlo ni Nanay Celine.

Napuno ng kwentuhan at tawanan dito sa dining area habang kumakain kami. Mabuti na lang at walang pasok ngayon kaya okay lang kahit magkwentuhan lang kami buong araw.

Kinwento niya yung mga pinanggagawa namin nung mga bata pa kami. Actually, dala niya ang iilan sa mga baby pictures ko.

Tawa naman ng tawa sina Alec sa mga pictures ko. "Mula talaga pagkabata ay mataba na ang pisngi ng Ianthe ko." Marahan niyang pinipisil ang isang pisngi ko habang humahalakhak.

Napakarami ko kasing pictures mula baby ako hanggang ngayon. Dahil siguro ako ang bunso at sobrang pinangigigilan ako.

But, everything stop when that accident happened. Ngayon, wala na. Ako na lang ang kumukuha ng litrato sa sarili ko.

May nakita akong picture kasama si Mommy. Baby pa ako noon at nakahiga ako sa mga bisig niya. Hawak niya ako sa mga bisig niya at pareho kaming nakangiti.

"Oh my gosh, Ianthe, siya ang Mommy mo?" Gulat na tanong saakin ni Ela. Ipinakita ko naman sa kanilang lahat.

"Yep. She's my Mom." Sagot ko na may ngiti.

"Napakaganda. Hindi halatang may anak na dahil perpekto pa ang hubog ng katawan. Ilan nga ba kayong magkakapatid, Ian?" Tanong ni Maui saakin.

"Five. Three girls and two boys. Kaso ngayon four na lang kami." May lungkot akong naramdaman nang maalala ko nanaman si Ate Arianna.

"Ahhh..ganun ba? Hehe.." Itinuloy na lang nila ang pagtingin ng mga pictures ko. Bawat picture ko ay may kwento si Nanay Celine at Tatay Ruben.

Katabi ko si Alec sa couch at hawak niya ang isang picture ko. Kanina pa niya tinititigan yan habang nakangiti siya.

"Excited na akong makakita ng mini me mo na tumatakbo kung saan-saan. Tapos may mga mini me din ako syempre." Ipinakita niya ang baby picture niya na kinuha pa niya sa wallet niya.

"Siguro kung noon pa tayo nagkita, magkakacrush din si batang Alec kay batang Ianthe. Edi sana noon pa lang nakilala ko na ang babaeng makakasama ko habangbuhay." Nakangiti siya habang nakatingin pa rin sa pictures namin nung bata pa kami.

Nakatitig lang ako sa kanya.

You don't know how deep I fall every time you talk about our future, Alec. Nararamdaman ko yung excitement at ang naguumapaw kong pagmamahal sa kanya. Pakiramdam ko nga ay nalulunod na ako dahil sobra ko na siyang mahal. Isali mo pa ang pagmamahal na ipinaparamdam niya saakin.

Hindi ko na alam kung may maximum pa ba sa nararamdaman ko ngayon. May mas lalala pa ba sa nararamdaman ko? Ito na ba ang pinaka? Or pupwede pang mas lalong mahulog ng pagkalalim-lalim?

Now, I don't know what will my life be without him in it. Hindi ko alam kung ano ngayon ang buhay ko kung hindi ko naisipan tumambay sa Starbucks at mag-edit ng mga pictures nung araw na nakilala ko siya. Ganito kaya ako kasaya? Ganito kaya ako kakumpleto?

"Anong iniisip mo?" Tanong niya saakin at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko. Nginitian ko siya at niyakap.

"Thank you... Thank you for coming into my life." Dinig na dinig ko nanaman ang lakas ng tibok ng puso niya. Ito ang favorite music ko. His heart beats. His heart's rhythm.

"You don't have to thank me, Ianthe. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, ipagpipilitan ko ang sarili ko para lang makapasok sa buhay mo." Nakangisi niyang sabi. Tumingala ako sa kanya at sakto naman siya yumuko saakin.

Nagkatitigan nanaman kami. Nilalangoy nanaman ng mga mata niya ang kaluluwa ko. Natitigan ko nanaman ang mga mata niyang nagaalab. Ang mga mapupungay niyang mata. Ang mga mata niyang nagsasabi ng nararamdaman niya kahit hindi ito lumabas sa bibig niya.

"Ehem, alis muna kami dito.." Hindi ko pinansin ang barkada dahil nalulunod nanaman ako sa mga mata ni Alec. Sinisisid niya ang mga mata ko habang ganun din ang ginagawa ko sa mga mata niya.

"Sige, tuloy niyo lang yang staring game niyo." Nakayakap pa rin ako sa kanya habang nakatingala. Hinawi naman niya ang iilang hibla ng buhok ko na nahaharangan na ang isang mata ko. He tuck them behind my eyes.

"You're so beautiful.." Bulong niya saakin na nagpatindig nanaman ng balahibo ko. May kakaibang dulot talaga saakin ang mga salita niya.

"Ang matalo, hahalikan ng nanalo ha?" Tuluyan na silang umalis at iniwan kami. Ngumiti ako kay Alec at nag-iwas ng tingin.

Hindi ko na kaya. Nakakalunod. Baka hindi na ako makaahon. Kailangan ko pang pakasalan si Alec.

"Paano ba yan, talo ka. Hahalikan na ba kita?" Kinagat pa niya ang ibabang parte ng labi niya habang nakangisi.

Hinampas ko ang braso niya. "Tigilan mo ako, Alec." Tumayo na ako para matulungan sina Nanay Celine sa gawaing kusina. Malapit na rin kasing magtanghalian.

Hinapit niya ang bewang ko at idiniin pa lalo ang katawan ko sa katawan niya. Ramdam ko nanaman ang init niya.

"Alec.." Pinipilit ko kumawala at mabuti na lang ay binitawan din niya ang bewang ko. Pabulong siyang napapamura ng malulutong.

Iniwan ko na siya doon at pinuntahan sina Maegan at Chastity. Silang dalawa lang pala ang nandito. Si Nanay Celine na ang nag-ayos ng hapag kainan sa may gazebo.

"Oh ano, sinong natalo?" Nakangising tanong saakin ni Maegan. Bumuntong hininga ako at ako na ang naghiwa sa mga kamatis.

"Ako. Parati naman akong talo sa lalaking yun." Bulong ko. Yung saktong kami lang ang makakarinig.

"Okay lang yan, girl. Parati ka naman daw panalo sa puso niya eh." Binunggo pa ni Maegan ang bewang ko gamit ang bewang niya. Nakapagitna ako sa kanilang dalawa kaya nabunggo ko rin si Chastity. Ayun, inasar na nila ako pareho.

"Kailan mo ba sasagutin yang si Alec? Excited na ako sa new chapter ng kwento niyo." Kinikilig na sabi ni Maegan.

"Ikaw ba, kailan mo sasagutin yang si Hades?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Bigla namang tumaas ang isang kilay niya chaka kinain yung strawberry na hinati niya.

"Kailangan pa ba niya ng sagot ko? Eh gusto na nga akong ikama nun." Natatawa kong binunggo ang bewang niya tulad ng ginawa niya saakin.

"Bunganga mo, Meg." Natatawang sabi rin ni Chastity.

"What! Gusto ko munang mapatunayan na hindi lang s-ex ang habol niya saakin noh. Kaya maghirap muna siya at maglaway sa katawan ko." Ngumisi siya at para bang may naiisip na hindi magandang plano.

"I know you're thinking what I'm thinking, girls. Sisters tayo by heart ang by brain kaya connected ang mga iniisip natin." Tinuro pa niya kaming dalawa.

"Beach outing." Nanliliit na matang sabi namin ni Chastity. Ayun, nagdiwang dahil natumbok namin ang iniisip niya.

"Meg, summer is over. Ngayon mo pa lang talaga naisip yan ah?" Napaisip siya bigla sa sinabi ni Chastity.

"I don't care. May tubig pa rin naman ang dagat kahit hindi na summer. Kaya keri lang." Nagtawanan lang kaming tatlo dahil sa sinabi niyang rason.

Tama naman siya.

You know, this past few days ay madalas na ring magpakita ng motibo saakin si Alec. Ramdam na ramdam ko yun.

Tignan lang natin kung hanggang saan yang pagpipigil mo, Aleczander. Tignan natin kung gaano katatag yang respeto mo saakin.

Kapag nakasurvive ka pa dito, pakakasalan na kita.

"Game ako dyan.." Nakangisi ko ring sabi.

"Hala hala hala! Aarte pa, oo naman pala." Nagapir kaming dalawa ni Maegan. Tinignan namin si Chastity.

"Ano yang iniisip mo girl? Operation: Seduce Flynt Laxamana ba yan?" Natatawang tanong ni Maegan sa kanya.

"Sisters talaga tayong tatlo." Humalakhak kaming tatlo dahil sa sinagot ni Chastity. Kaya pala hindi siya nililigawan ni Flynt ay dahil siya ang may balak manligaw?

Wth?

--------------------- 👑 --------------------
Ang tanong ni Ayjei!
If you had to choose one music artist,
actor, author to become your mentor,
who would it be?
---------------------- 👑 -----------------------
Don't forget to be awesome!

Продовжити читання

Вам також сподобається

205K 6.4K 101
What if kung ipakasal ka sa isang playboy? Read the story i hope you like it❤️✨
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...