SILVER's POV
I was really sleeping. Until I felt something is wrong. Hindi ko alam basta ko na lang naramdaman. Nagising akong wala na si Zylie sa tabi ko. I went to the other room only to find her watching... watching those things. Si Orange.
Hindi ko magawang itapon ang mga video na yun. Mom was the one who placed those things on my sister's room. To help me. Because I can't decide if I wanted to keep it, or throw it. Cleo's things.
Si Cleo Reese. Dahilan kung bakit ako ganito ngayon. And with this happening, it's like rubbing salt in the wound. I've just seen her younger sister a while ago, Clarice. Naguguluhan ko. Is this some part of a bigger plan? Is there some powerful figure pulling the strings?
So I became crazy mad. And I didn't realize my words were already distasteful. I was so confused
Kaya ko ba nakilala si Zylie para maalala ko siya? Is this how it is? Then I was so mixed-up and diconnected inside that I before I knew it, nakakasakit na pala ako. I realized how rude I became when I saw her.
Nakita kong sumakay si Zylie sa kotse nung matandang iyon. And if anything, I didn't know I can be more mad. Kasi bakit ganun? Gumaganti ba siya? How can someone do that kind of thing? If she's so hurt, then that means she likes me to. But if she really likes me, how can she do that? Hitch into somebody. Sa ex niya pa?
~
The night I wasn't able to sleep. Napadalas ang pagbisita ko sa CR at tumaaas na naman kasi ang lagnat ako. Ang sabi ni mommy baka dahil ito sa spaghetti na inubos ko. Nagkaroon ako ng indigestion na nadagdagan pa ng fever dahil sa pagkababad namin sa ilalim ng buhos ng ulan. Mabuti na lang maayos na ako bago pa man sumikat ang araw. Hindi nga lang ako nakatulog.
Nung umagang iyon di niya napansin na nakaparada din yung sasakyan ko sa kabilang gilid.
Masyado lang siyang nakatingin sa Terrence na yun.
Na ultimong kotse ko hindi niya na yata talaga pinansin.
Kahit nang makarating siya sa eskuwelahan. Ni hindi niya man lang itinanggi ang mga tanong sa kanya nung mga kaibigan niya.
Galit na talaga ako.
Galit ako pero di ko maiwanan na lang basta si Zylie.
Kasi kaya nga ako nagagalit kasi ayaw ko ng ginagawa niya.
Wala akong magawa kasi nag-promise nga ako na hindi ko sasabihin sa harap ng iba ang ‘relasyon’ namin.
Kung ano man ang yun, hindi ba dapat alam niya na?
Hihilahin ko n asana siya papalapit sa akin ng tumakbo siya papuntang banyo.
Banyo man ng mga babae, pinasok ko na. Dahil din a makakapaghintay yung sasabihin ko.
Alam kong unang klase niya agad ang pedo na yun.
Ayoko nang maulit ang nangyari dati.
Kaya ng lumabas siya, pinatay ko ang ilaw dahil baka mas lalo siyang tumakbo pag nakita niya ako sa CR ng mga babae. Para na rin hindi pumasok ang iba at makita ako na nandirito.
“Ginagalit mo ako…”
Hindi siya sumagot. Di siya umalma. Bakit ba ganito ka Zylie?
Nakatayo lang din siya. Alam niyang ako na ito. Alam niyang ako ang may yakap sa kanya.
Ganito ba siya lagi pag nasasaktan siya?
“Zylie…”
“Magsisimula na ang klase… Ano bang ginagawa mo dito?” tinulak niya ako palayo pero di ako papaya. Naiinis ako sa mga ginagawa niya ngayon. Di ka makakawala hangga’t hindi natin to nililinaw.
Wala akong maisip na sabihin. Darn!
“Akin ka na diba?” di ko alam. Yun na lang biglang lumabas sa bibig ko eh.
Alam kong nagulat siya. Bahagyang gumalaw ang dibdib niya ng sinabi ko iyon. Nararamdaman ko. Kinakabahan siya.
“A-ano?”
“Akin ka na…” ulit ko “Tayo na Zylie… Tayo na diba?”
Matagal bago siya nagsalita.
“Sayo na ako? pero ikaw hindi ka naman sa akin…” halos pumiyok na siya habang sinasabi niya yun. Umiiyak na ba siya?
Nasaktan nga yata siya kay Cleo. Di ko lang naman kasi napaghandaan ang mga pangyayari nung araw na yun. Una si Clarice, pagkatapos makikita ko ulit yung mga kuhang iyon na itinatago pala ni Orange sa kwarto nila.
Pero hindi ko alam kung bakit natuwa pa ako sa huli niyang sinabi. May ibig sabihin yun eh.
“Wala na si Cleo…”
“Pero bakit ganun reaksyon mo? Pinabayaan mo lang din ako umalis! Nung sinabi kong uuwi na ako… payag ka agad! Wala man lang pigil-pigil tska habol habol…”
Pumatak sa braso kong nakayakap sa kanya, yung luha niya. Sumakit yung dibdib ko. Umiiyak talaga siya. Seryoso na ito.
“Nakakahiya kaya yun! Bahay niyo yun tapos bisita lang ako, yung nagpapunta pa sa akin doon hindi ako kinakausap! Tinanong pa ako ng tatay mo ng kung anu-ano na hindi ko naman kaya!”
“Hndi ka naman pinapahiya nun, mahilig lang yun magtanong tska---”
“Pahiyang pahiya na ako wala ka lang diyan sa tabi. Iniisip mo lang yung sarili mo, yung sakit mo tska yung Cleo mo! Ang sweet sweet niyo pa!!”
“Luma na yun Zylie!”
“Kahit na…” lumalakas na yung iyak niya.
Nakita kong may papasok na dalawang babaeng estudyante kaya tinakpan ko ang bibig niya. Dinala ko siya sa isang cubicle.
“Ay ano ba toh!! Bakit patay ang ilaw??”
“Oo nga kakatakot pa naman ang CR na walang ilaw nasaan na ba ang switch ihing ihi na ako.”
“Baka nagtitipid ang school. Patayin din natin paglalabas na.”
Tamang-tama lang ang pag-sara ko ng cubicle sa pagbukas ng ilaw.
“Shhhh!” sabi ko kay Zylie. Magkaharap na kami ngayon.
Mas lalo kong nakita yung mukha niya.
Oo mukha kaming tanga. Lalo na ako. Nandito sa loob ng cubicle ng Cr ng babae.
Umiiyak pa rin sya… Umaalpas na sa pagkakatakip ng kamay ko yung iyak niya. Maririnig na kami nung dalawang babae. Sabhin may umiiyak na babae eh kanina madilim dito.
Yari na..
“Shhhhh.. Zy…” bulong ko.
Pero bakit ganun? Ang bigat-bigat ba ng loob niya para ganun yung iyak niya? Hindi mapigilan?
….
……….
……………………
O_____________O
I kissed her.
Alam ko tatahimik siya doon eh…
Tska gusto ko ding gawin.
Para maramdaman niya kung anong nararamdaman ko.
Namatay yung ilaw. Umalis na yata yung dalawang babae.
Nararamdaman ko yung panginginig ng kamay ni Zy.
Parehas kami ng nararamdaman.
Alam ko.
“Mahal kita Zylie…”
*later*
Wahahah peacemenyow! Sorry for the veeeeeerrrrrrrryyyyyyyy laaate and veeeeeeeerrrrrryy short update. Lablab ko pa rin ang naghihintay. Salamat po.
VOTE!! kung naapektuhan wahah joke. Basta vote pag gusto. Like na rin hahahah!
COMMENT kung naiinggit LOL jokeeee lang.
Saleymats