My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 31

157K 3.5K 99
By Aljane_Rose

Salamat sa mga nagcomment. Ngayon alam kong may nagbabasa pa rin nito. Pinapaulit ulit kong binabasa ang comments niyo at ang iba ay natawa ako. Ipagpatuloy niyo lang po ang magandang gawain niyong magcomment. :)

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Unti-unti kong minulat ang mata ko dahil nasisilaw ang mga mata. Paniguradong umaga na sa labas kaya kailangan ko ng bumangon. Nagtry akong bumangon kaso ang bigat ng katawan ko at nanghihina ako.

Inabot ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na. Alas nuebe na. Hindi ako nagising ng maaga. Nag-alarm naman ako kaso hindi ko narinig na tumunog ito.

Napansin kong may mga misscalls ng mga kaibigan ko. Wala man akong nasagot ni isa sa kanila at paniguradong nag-aalala na sila.

10 misscalls from Kim

3 misscalls from Laurel

Kailangan ko silang matext para mapanatag na sila. Tumunog na naman ang cellphone ko at tumatawag na naman si Kim.

"Hello...Cassandra?"

"H-Hello..."Namamaos ang boses ko.

"Mabuti na lang at sinagot mo. Kanina ka pa namin tinatawagan at hindi mo naman sinasagot." Sabi niya.

"S-Sorry...ngayon lang ako nagising."

"Bakit ganyan ang boses mo? Natuloy na ba sa trangkaso ang sinat mo?" Alam kong nag-aalala na siya. Sinalat ko naman ang noo ko. Nakalimutan kong hindi ko malalaman kung may lagnat ako kung hindi ko kukunin ang thermometer.

"S-Siguro nga. P-Pwede bang pasabi na lang kung bakit hindi ako nakapasok."

"Sige ipagpapaalam na lang kita. Kumain ka na para makainom ka ng gamot. Huwag mong papagurin ang sarili mo, Cassandra." She ended her call.

Bumangon na ako. Pumunta ako sa kusina kung meron akong pwedeng kainin. Gusto ko ng mainit na sabaw. Hindi ko lang alam kung may aabutan pa akong nagtitinda ng sopas sa labas.

Hahanap na lang ako para magkalaman lang tiyan ko. Wala pala akong gamot sa lagnat. Isasabay ko na sa pagbili ng pagkain sa labas.

Nakalabas na ako sa apartment ko at kinakailangan ko pang humawak sa gate para alalayan ang sarili ko. Nahihilo ako.

Sa kabilang kanto pa ang nagtitinda ng mga pagkain at mahabang paglalakad pa ito. May nakita akong nagtitinda kaya nilapitan ko ito.

"Meron pa po ba kayong tindang sopas?"

"Mabuti at nakaabot ka pa, iha. Isang order ba?" Tumango ako. Pagkabigay niya ay nagtungo na ako sa drug store. Kailangan ko pang tumawid dahil nasa kabilang kalsada pa ito.

Bumili ako ng limang tableta para sa lagnat. Mas magandang may extra para hindi na ako mahirapan. Pagkabigay ng pharmacist ay lumabas na ako.

Nilabas ko ulit ang gamot para makita kung anong gamot ang binigay niya.

"MISS TUMABI KA!" Nakarinig akong may sumigaw at napatingin ako sa gilid ko ng may paparating na kotse sakin.

Nabitawan ko ang mga hawak ko. Hindi ko magawang gumalaw at hinihintay na lang na mabangga ng kotse. Huminto ang sasakyan na isang metro na lang ang layo sa kinatatayuan ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari ng tuluyan ng magdilim ang paningin ko.

**********

Pagmulat ko ay puro puti ang nakikita ko. Nasaan ako? Hindi ko pa masyadong maaninag ang paligid at nang luminaw na ang paningin ko. Nasa ospital ako. Hindi ko matandaan kung anong nangyari pagkatapos huminto ng sasakyan.

Napalingon ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ito. Bakit siya nandito? Siya kaya ang nagdala sa akin dito?

"Okay na ba ang pakiramdam mo, Cassandra?" Tumango ako. Nalilito pa rin ako kung bakit siya nandito.

"A-Ano ba ang nangyari sakin?"umupo ito sa upuan malapit sa kama ko.

"Nawalan ka ng malay ng muntikan ka ng masagasaan." Naalala ko na.

"Ikaw ba ang nagdala sakin dito?" Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry... Ako ang muntik ng makasagasa sayo, Cassandra. Bigla ka na lang tumawid sa kalsada at mabuti na lang ay napahinto ko agad ang kotse ko. Nahimatay ka kaya dinala kita rito."

"Salamat sayo, Ren." Bumangon ako pero pinigilan niya ako.

"Magpahinga ka muna at may sinat ka pa. Ang init mo kanina ng buhatin kita kaya nag-alala ako sayo." Hinawakan niya ang kamay ko.

"I don't know what to do. I was scared that you would be hit if I didn't stop it. Don't do this again, Cassandra. I told you that you are important to me." I can tell that he was really scared, it was written in his eyes.

"I'm sorry if scared you...and thank you for bringing me here." Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi ko. Natamaan niya ang sugat ko sa labi kaya napapikit ako at napansin niya ito.

"Bakit ang dami mong sugat, Cassandra? Kanina ko pa ito napansin ng buhatin kita. Saan mo nakuha ang mga yan?" Nakatingin lang siya na parang galit sa mga nakita niya. Siguro ay pwede ko naman sabihin sa kanya. Kaibigan ko naman siya.

"Napaaway lang sa ibang empleyado sa floor namin kaya hindi maiiwasan na masugatan ako."

Napansin ko ang pagtahimik niya at naging seryoso na rin siya, "Sinabi mo na ba sa management ang nangyari sayo? Violence is a major offence, Cassandra. They should be fired! Alam na ba to ni Clyde? Hindi niya mapapalampas ito."

Ngayon lang siya nagtaas ng boses sa harap ko. Kinabahan ako sa naging reaksyon niya. Galit siya sa nangyari at hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

"Alam na ba niya ito?" Hindi ako sumagot at alam kong alam na niya ang sagot sa tanong niya, "Kailangan mong sabihin sa kanya para matanggal na ang mga taong iyon! Kapag pinalagpas mo ang ginawa nila, hindi na sila matatakot na gawin ulit itong pananakit nila sayo!"

"Please...Ren, huwag mo ng sabihin."

Kinuha nito ang cellphone nito at tumingin sakin, "Hindi kita mapagbibigyan sa hiling mo at hindi rin ako ang taong dapat magsabi sa kanya kundi ikaw, Cassandra. Papupuntahin ko na lang ang boss mo para siya mismo ang makakita kung ano ang sitwasyon mo ngayon."

Iniwan niya akong mag-isa at alam kong gaaawin niya ang sinabi niya. Wala na akong magagawa para hindi makita ni Clyde ang mga sugat ko.

************

Hindi ko magalaw ang kamay ko. Parang may pumipigil upang maigalaw ko ito. Napatingin ako sa gilid ko ng mapansin kong may taong nakahawak sa kamay ko at natutulog ito. Hindi ko pa alam kung sino. Iginalaw ko muli ang kamay ko at mukhang nagising ko siya.

"Mabuti ay gising ka na, baby...Gusto mo bang kumain? Sasabihan ko ang nurse na dalhan ka ng pagkain."

"Kanina ka pa ba dito, Clyde?" Nakacorporate attire siya at gusot na rin ito. Magulo rin ang buhok niya at halatang pagod siya.

"Kagabi pa ako dito, baby. Natutulog ka ng dumating ako kaya hindi na ako umuwi para may magbantay sayo. Ayoko na rin umalis at baka mawala ka ulit." Hinalikan niya ang kamay ko.

"Umuwi ka muna. Okay na rin naman ang pakiramdam ko. Magpahinga ka muna at mukhang pagod na pagod ka." Umiling siya at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Ayokong umalis...Baka mahirapan akong mahanap ka ulit. I was so worried. I can't find you. I went in your apartment but you were not there. Tinanong ko na rin ang mga kaibigan mo pero hindi mo naman sinasagot ang tawag nila. Kung hindi pa ako tinawagan ni Ren, hindi ko pa malalaman na nasa ospital ka at may sakit. Sa tingin mo ba kaya kong umalis kung alam kong may sakit ang girlfriend ko? Dito lang ako. Babantayan kita hanggang sa makalabas ka." Natahimik ako sa sinabi niya. Sa tingin ko ay hindi na magbabago ang isip niya at mananatili siya sa tabi ko. Bumalik ulit siya sa pagtulog. Hindi siya komportable na matulog na nakaupo kaya umusog ako sa kama para bigyan siya ng space sa tabi ko. Malaki naman ang kama ko at magkakasya naman kami.

"Dito ka na lang sa tabi ko matulog, Clyde para makapagpahinga ka." Sumunod ito. Pagkahiga niya ay inalalayan niya ako para makalapit sa kanya. Pinaunan niya ako sa braso niya at ang isa naman ay nakahawak sa bewang ko.

Nakatulog agad siya kaya hinayaan ko na lang munang maging komportable sa posisyon namin. Ayokong magising siya. Kailangan niya magpahinga dahil nangingitim na ang ilalim ng kanyang mga mata.

Hindi ko naman naisip na ganito pala ang mangyayari. Nangyari nga na hindi ako nakita ni Clyde sa opisina pero nakita naman niya ako sa ospital. Kahit anong gawin kong itago ito para sa kapakanan ng iba, hindi ko na mapipigilan ang gagawin ni Clyde sa kanila.

Biglang pumasok sa isip ko si Ren, sinabi niya kaya kay Clyde? Pero sabi naman niya ay ako ang magsasabi. Bakit wala pang sinasabi si Clyde kaninang nag-uusap kami? Alam na ba niya o hindi pa rin sinasabi ni Ren? Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko at masasagot lang ito kapag nagising si Clyde.

Pumasok ang isang nurse at tumingin sa amin. Nagulat ito sa sitwasyon namin ni Clyde, "Payagan mo na siyang matulog sa tabi ko,please... Kailangan niya lang ng pahinga ngayon." Mahina lang ang boses ko at baka magising ito.

Napabuntong-hininga ito at tiningnan ang dextrose ko. Pagkatapos niyang icheck ito at umalis na rin. Salamat naman at pumayag siya.

Nakaramdam ako ng antok kaya mas nilapit ko pa ang sarili ko kay Clyde at niyakap na rin siya. Sasabihin ko na sa kanya kapag nagising siya. Tama nga si Ren, hindi ko maitatago kay Clyde ang nangyari at mas lalo pa itong magagalit kapag pinatagal ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong natutulog pero may naririnig akong boses sa tabi ko.

"Thank you pare sa pagsabi sakin kung nasaan si Cassandra. Nandito pa rin kami sa ospital at pwede ko na rin siya mailabas kapag nagising na siya." Boses ni Clyde at may kausap siya.

"Sorry pala sa pagsuntok ko sayo kahapon. Akala ko kasi ikaw ang may gawa ng mga sugat niya kaya nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na nahintay ang paliwanag mo, pasensya ka na pare. Kapag si Cassandra na ang pinag-uusapan, hindi ko na naiisip ang ibang bagay at nasa kanya lang ang atensyon ko."

"Yeah I know. I will make sure that they will pay for what they done to my girlfriend!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nananaginip pa rin ba ako o totoo ang mga naririnig ko?

"Sarah, tell everyone that I have an announcement to make tomorrow. Ready the files that I asked you and put it in my table. Tell the security team to produce a copy of CCTV near at the restroom in floor 20."

May nararamdaman akong may humahaplos ng buhok ko, "Magpahinga ka lang, baby. Ako na ang bahala sa mga taong nanakit sayo. Hindi ko palalagpasin ang ginawa nila. I will punished them for hurting you, mia amore."

Continue Reading

You'll Also Like

37.2K 3.1K 45
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
809K 38.4K 27
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...