HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 174

3.8M 73.4K 159K
By maxinejiji

CARGOSIN REWIS' POV

"NANDITO NA ang Chairman," ani Christian na ang tinutukoy ay ang aking ama. Inaasahan ko na ang pagdating nito.

Nang mag-angat ako ng tingin ay papasok na sa opisina ko ang aking ama. "Ano nang balita kay Taylor, Cargosin?"

Hindi ko napaghandaan ang tanong niya. Napabuntong-hininga ako. "Hindi pa namin siya natatagpuan, Chairman."

Nangunot ang kaniyang noo. "Anong klaseng pagtratrabaho iyan?" Pareho kaming nag-iwas ng tingin ni Christian. "Bueno, ano ang bago bukod sa mabahong balitang iyan?"

"Nagsimula na ang klase sa BIS at SIS, Chairman," panimula ko. "Nakatakdang dumalaw si Chairman Enrile sa BIS ngayong linggo upang batiin ang mga bagong estudyante. Sa SIS ako nag-enroll. Pumasok na rin ako kanina."

"Ano ang maganda sa balitang iyan, Sin? Hindi ko maintindihan."

"Dad, please, calm down." Nanlumo ako. "Mahahalata ako masyado kung sa BIS ako mag-aaral. At isa pa, nasa SIS ang pakay ko. Ang mga Echavez."

Maikli ang pasensya ng aking ama. "Then?"

"Nasa ikaapat na taon siya sa kursong medisina, magkaklase kami. Ang nakababatang kapatid niya ay nasa primary level."

"Mabuti at nakapasok ka nang walang hirap?"

Tumango ako. "Nagawan ng paraan ni Taylor ang lahat bago tayo dumayo rito."

"Magaling." Nakontento sa nalaman ang Chairman. "Alamin ninyo ni Christian kung anong araw dadalaw ang Chairman Enrile na iyan sa BIS. At paunlakan siya nang maingay at maligayang pagdating."

"Dad," nagugulat kong sambit. "Maraming estudyante sa BIS, at hindi sila kasali sa usapan."

"Walang may pakialam, Sin."

Lalo akong nagulat. "Dad?"

Bumuntong-hininga siya ngunit nanatiling masama ang tingin. "Bueno, sa harap na lamang ng BIS habang papauwi ang Chairman. Gusto kong mabalitaan ang napakagandang eskandalo sa mismong teritoryo ng mga Enrile. Siguraduhin ninyong kahindik-hindik sa Chairman Enrile ang bagay na iyan."

Matagal bago ako nakasagot. "Masusunod."

"Ikalawang babala pa lamang iyan, Cargosin. Pag-iisipan ko kung gusto ko na siyang patamaan sa susunod," madilim ang mga matang aniya. Bahagya akong natigilan ngunit nakabawi rin. "Inaasahan kong makikita ko na si Taylor sa susunod na pagkikita natin. Ang walang-buhay na katawan ni Taylor ang makapagpapahinahon sa 'kin." Nanlaki ang mga mata namin ni Christian. "At huwag mong pababayaan ang pamilya niya, lalo na ang mga anak niya."

Napalunok ako. "Yes, Dad."

"Mukhang alanganin ang tugon mo, Sin?"

"No, Dad."

"Alam kong importante sa inyo si Taylor. Dahil isa siyang mabuti, magaling at malapit na kaibigan. Ngunit hindi magandang ideya ang kinalalagyan niya ngayon. Maaaring may mga naibahagi na siyang hindi dapat malaman ng kabilang partido. Hindi ko gusto ang isiping iyon. Kinausap ko na ang maybahay niya. Ipinagtataka niya ang hindi pag-uwi ni Taylor. Pinadalhan ko siya ng ilang mga mamahaling muebles dahil batid kong iyon ang hilig niya." Panunuhol ang ginawa niya.

"Ihahatid ko na kayo sa labas," presinta ni Christian. "Sin," nagtanguan kami bago sila umalis.

Napapabuntong-hininga akong bumaling sa balkonahe. Kunot-noo kong tiningala ang kulay kahel na langit. Ngunit sa halip na kumalma ay pinagbabaga niyon ang galit sa dibdib ko.

Nagkamali ka ng binangga, Chairman Enrile. Ang kinuha mo sa amin ay katumbas ng buong pamilya mo. At kaya namin kayong ubusin.

Hindi namin alam kung saan matutunton si Taylor. Magmula nang mapahamak siya sa Palawan ay wala na kaming nasagap na balita tungkol sa kaniya. Hindi ko makakalimutan kung paano siyang inasinta ng hindi pa namin nakikilalang babae. Hindi ko malilimutan ang kaniyang mukha. Kung paanong nagkaroon ng ganoong kakilala ang mga Enrile ay hindi ko alam. Ngunit isa iyong patunay na hindi kami maaring magpadalos-dalos sa pagkilos. Kailangan naming maging maingat. Gayong nasaksihan namin kung gaano karami ang kumilos nang magpaunlak kami ng bala at pagsabog.

DEIB'S POV

Naging masaya ang klase ko buong araw. Meron akong apat na major subjects at apat na minor subjects. Hindi mapawi ang ngiti ko hanggang mag-uwian. Wala pa akong nagiging kaibigan. Pero sa tingin ko ay hindi naman ako mahihirapan. Kakikitaan ng interes sa kursong ito ang halos lahat ng kaklase ko, at iilan lang naman kami. Masarap sa pakiramdam na ang lahat ng kasama mo ay tulad mong masaya sa ginagawa nila.

Tch. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nakaupo sa department of nursing at nagbibilang ng taong dumaraan sa hallway.

Nakangiti akong lumabas ng classroom at doon ko lang naalala ang iba ko pang dapat na gawin. Agad kong tinawagan si Taguro.

Mahal ko. Mahal ko. Mahal ko. Mahal ko. Mahal ko. Mahal ko. Mahal ko. 'Ayun!

"Oh?" hindi na talaga nagbago ang paraan ng pagsagot ni Taguro ng telepono.

"Hi, babe! I love you, babe!"

"Tss."

"Nasaan ka na?"

"Katatapos lang ng klase. Puro pagpapakilala, wala akong interes."

"Nakainom ka ba ng gamot mo?"

"Oo."

"Good. Pasensya na hindi kita napuntahan."

"Ayos lang. Kumusta ang klase mo?"

"Masaya." Hindi ko naiwasang mapangiti. "Nag-enjoy ako, babe. At dahil d'yan, lalo akong nai-in love sa 'yo, bwahahaha!"

"Mabuti kung gano'n." Batid kong hindi man lang siya kinilig sa sinabi ko. "Saan na ang plano mo niyan?"

"Ihahatid kita, syempre. Hindi ka pa magaling."

"Sige, magkita na lang tayo sa parking lot."

"Maaga pa, babe, baka gusto mo akong i-date?" nakangising tanong ko.

Sandali siyang nag-isip. Tch! "Wala ka bang klase bukas?"

"Meron. Pero tanghali pa. Gigising ako nang maaga para ihatid ka."

"Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Kaya ko nang pumasok mag-isa."

"Kaya ko rin namang ihatid ka," nakangusong tugon ko. Bumuntong-hininga siya. Senyales na hindi magandang ideya para sa kaniya ang sinabi ko. Tch! "O, sige, bukas ay sasabayan na lang kitang kumain, ayos lang ba iyon?"

"Kung hindi makakaabala sa schedule mo, sa tingin ko ay wala namang problema."

"Napakapormal mo namang magsalita?" natatawang tugon ko. "Hindi ako ang mommy mo, babe."

"Pero ikaw ang boyfriend ko." Isa 'yon sa mga pinakakorning biro niya. "Tss, sige na, magkita na lang tayo sa parking lot."

"Pwede rin kitang sunduin d'yan, babe."

"'Wag na, paalis na rin naman kami, lalayo ka pa."

"I love you."

"'Ge," tugon niya saka ibinaba ang linya.

Naglapat ang mga labi ko. Napakabastos niya talaga! Tch! Bakit ba hindi pa 'ko masanay?

"Enrile!" Babaling na sana ako palabas nang mangibabaw ang pamilyar na tinig ni Tobi.

Lumawak ang pagngiti ko. "Yanai!" Halos takbuhin ko ang paglapit.

Halos hindi kami nagkita-kita nina Lee noong bakasyon. May kani-kaniya kaming pinagkakaabalahan. Nakakalungkot. Pero malaking tulong ang kani-kaniya naming inspirasyon.

Mas malawak pa rin talagang ngumiti si Tob. "Namputsa, o!" sinipat niya ang kabuuan ko. "Hindi ka pa man graduate, mukha ka nang engineer, 'dre! I missed you!" Nagyakap kami.

Hindi ko naiwasang matawa nang pagmasdan ko ang kabuuan niya. "Natatawa ako sa hitsura mo, 'dre, mukha kang prep!"

"Ulol!"

"What are you doing here, anyway? This our building."

"Dream on, 'dre! Baka may share din dito ang lolo ko?"

"Loko," natawa na naman ako. Slow na rin siya. Haha! Sama kasi nang sama kay Michiko. Tch! "Ibig kong sabihin ay dito sa college of engineering."

"May minor subject ako sa room na 'yon." Itinuro niya ang dulong room sa hallway. "Nakita ko si Lee kanina, 'dre! Pormal na pormal ang suot ni loko, hahaha! Akala mo a-attend sa party!"

"You know, businessman."

"Nakakatawa lang dahil first day of class, haggard siya." Humalakhak si Tob na pumuno sa buong hallway. "'Lakas makatanda no'n, 'dre!"

"Yeah, right! Kaya nga ganiyan ang histura mo," buyo ko.

Binatukan niya 'ko. "Baka pinag-aagawan ako ng mga prof ko ngayon? Hindi nila kinakaya ang utak ko, 'dre! Haggard nga lang talaga, hahaha!"

"Tch. 'Buti pa 'ko, fresh na fresh," hinaplos ko ang sariling panga.

"Sanay na sanay ka talaga sa bading na usapan, Enrile." Nginiwian niya 'ko saka muling lumawak ang ngiti. "When do you plan to show me your new car, anyway?"

Ngumisi ako saka isinenyas ang gawi ng parking. "It's outside, wanna check it out?"

"We should get together and catch up real soon, 'dre." Tinapik niya ang balikat ko. "Nami-miss ko kayo ni Lee, seryoso." Seryoso nga ang loko, natawa ako.

"We'll do that," paniniguro ko. "I've been very busy."

"Kanino na naman? Kay Taguro!?"

"Kanino pa nga ba?" napangiti ako. "Ang dami-dami ko nang puso sa katawan, 'dre. Dahil sa sobrang pagmamahal ni Taguro." Nakangisi akong tumingin sa langit. "Pati 'yong mga atay-atay at balun-balunan ko, hugis puso! Bawat liko ng bituka ko ay"

"Shut the fuck up, 'dre! Nakakadiri ka, ikaw pa ang patay na patay kay Taguro!"

"Tch! Kung alam mo lang, 'dre!"

"Am I not right?"

"It's exactly the opposite, 'dre," nagkibit-balikat ako. "Siya ang patay na patay sa akin."

Ngumiwi siya, hindi kumbinsido. "Imbitahan mo 'ko sa kasal mo, ah?"

"Malamang! You and Lee should be there! You will be my best man and he's my Superman." Sabay kaming humalakhak, halos saktan ng tiyan.

"Loko! Wala kang ipinagbago! Aasahan ko 'yan!" Tinapik niya ang balikat ko. "Anyway, I need to go now, 'dre. May isa pa akong major subject. Call me when you need me. I really missed you," nagpa-cute pa ang loko.

"I missed you, too, 'dre," natatawang sagot ko. "'Yang madaldal mong bibig. We'll go out next week."

"Alright, mwah!" nag-flying kiss siya saka nagtuloy papalayo.

Nakangiti ko siyang sinundan ng tingin. Doon lang ako nakaramdam ng bahagyang lungkot. Ngayon lang sila nalayo ni Lee sa 'kin. At hindi ko alam kung paano kong natagalan ng isang araw 'yon. Dati rati ay ayos lang sa 'kin kahit na hindi kami magkita ng bakasyon. Alam ko namang makakasama ko sila buong taon kapag nagsimula ang klase. Pero hindi na iyon gano'n ngayon.

Noon ko lang naramdaman na may nagkulang sa pagkatao ko. Parang hangin na dumapo sa isip ko kung paano nilang mas pinili noon na huminto sa pag-aaral, at sumama sa 'kin sa Amerika para magpaopera. Walang katulad ang saya ko no'n. Dahil sa murang edad ay hindi ko alam kung paano ilalabas ang takot nang hindi mag-aalala ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung paanong maiaalis ang awa sa mga nakakakita sa akin. Sina Lee at Tob lang ang nakapagpahupa ng takot at sakit na nararamdman ko nang higit pa sa inaakala ko.

Hindi rin pala panghabang-buhay ang biruan kasama ang mga tunay na kaibigan.

Nakaka-miss silang makasama. Sila lang ang tunay na nakakapagparamdam sa 'kin ng tuwa at saya sa pagkakaibigan.

Kailangan talaga nating gumala, 'dre, hindi ko rin kayang mabuhay nang wala kayo ni Lee sa 'kin.

Nakaka-miss ang maya't mayang pang-aasar ni Tob, at ang walang kamatayang kabayanihan ni Lee.

'Buti na lang, nandiyan si Taguro. 'Sabagay, hindi naman ako iniwan ng mga kaibigan ko. Magkakaiba lang kami ng kurso. Tch. Natawa na lang ako sa sariling kadramahan.

Pilit kong inalis ang malungkot na isipin. Muli akong napangiti nang makitang pumasok si Tob sa classroom. Kamot ko ang ulo nang bumaling ako papalabas ng campus.

Ngunit bago pa man makarating sa sasakyan ay muli akong natigilan. What the hell? Hindi ako makapaniwalang nakikita ko ngayon si Eerah Anitha. Nakasandal siya sa vintage car na nakaparke sa tabi ng kotse ko.

"What the hell are you doing here?" Sinikap kong maging kalmado, kung hindi ako nakapagpigil ay baka naisinghal ko.

Halatang nagulat din siya nang makita ako. "What are you doing here?" turo niya pa sa akin.

"Are you following me?"

"Ugh, excuse me?" maarteng tugon niya.

I tried to stay calm. Nandito ba siya para sa 'kin o isa na naman 'tong aksidente kuno niya? "What are doing here, then?"

Mataman niyang sinuyod ang kabuuan ko. "Oh, so you study here?"

"I'm asking you what are you doing here?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "Why do you ask?"

"Because I don't want to see you around."

Humalakhak siya. "Hey, hey! Please don't act as if I came here to see you because I did not." Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Hmm..." Kinagat niya ang labi. "Is it a coincidence or is it fate? What do you think?"

"Bad luck, I guess," mapaklang tugon ko saka pinindot ang remote ng kotse ko.

"So, this is yours?" namamanghang aniya saka hinaplos ang side mirror ko. "Nice catch!"

"Don't touch my car." Tinapik ko ang kamay niya gamit ang mismong susi.

"Ouch!" maarteng singhal niya saka ako sinamaan ng tingin.

"Tch." Nasusuya ko siyang tiningnan. "Go away, or I'll call the police and have them take you in."

Muling umawang ang labi niya, hindi makapaniwala sa naririnig mula sa 'kin. "And why the hell will you do that? What did I do to you?"

"Gusto mo bang ipaalala ko sa 'yo 'yong ginawa mo sa 'kin no'ng huli?" hindi ako nag-alinlangang magpakita ng galit.

Bigla ay sumeryoso siya, masama rin ang tingin. Pero wala siyang nagawa kundi ang sumakay at magmaneho papalayo. Inis ko siyang sinundan ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwalang hanggang dito ay makikita ko siya.

Sumakay ako sa kotse ko at nagbukas ng makina. Hindi ko nagugustohan ang pagkakataon. Ito na ang ikatlong beses na makita ko siya mula nang manggaling kami sa Palawan.

Sa sobrang pag-aalala ay tinawagan kong muli si Taguro. "Oh?"

"Nasa kotse na 'ko, babe."

"I'm on my way there. May dinaan lang ako sa social hall."

"I'll wait for you here, I love you." Hinintay ko siyang maibaba ang linya. 'Buti na lang at hindi niya naabutan ang babaeng 'yon.

Malamya kong binuksan ang player at nakapikit na pinakinggan ang kanta. Awtomatiko akong napangiti.

I wanna believe in everything that you say, 'cause it sounds so good. But if you really want me, move slow, 'cause there's things about me you just have to know.

Nakangiti kong sinabayan ang kanta. Talagang naaalala ko si Taguro sa kantang iyon, hindi ko malaman hanggang sa ngayon kung bakit.

Pero ang ngiting iyon ay unti-unting napawi nang matanawan ko ang babaeng mahal ko, na may kasabay na lalaking hindi ko malaman kung bakit tila pamilyar sa akin. What the... Kunot-noo ko silang pinagmasdan bagaman si Parrot ang kausap niyong hindi-ko-kilala-wala-akong-pakialam na lalaki. Who the hell is this guy? And who told him that he's allowed to walk together with my girlfriend? Inis kong nakamot ang batok.

Tinuktok ni Parrot ang compartment ko. "Wow! Ang lupit ng kotse mo, Sensui! 'Lakas humatak ng chicks nito!"

"Wala akong chicks!" asik ko. Saka bumaling kay Taguro. "Sino 'yong lalaking 'yon?" tanong ko na nakaturo sa kung saan.

"Sinong lalaki?" inosente niyang tugon. Iyong sobrang inosente na para bang naglakad siya papalabas ng parking lot nang walang kasama.

"'Yong payatot na kasama mo."

"Nasa'n?" inosente niya ring inilinga ang paningin. Iyong sobrang inosente na pwede niya nang isipin na nakakakita ako ng multo.

Nagtiim ang bagang ko. "'Yong kasabay mong lumabas, Taguro. I saw you. Payat at medyo matangkad, maputi at walang kadating-dating." Inis kong iginala ang paningin. "Where the hell did he go?"

"Baka si Lovemir?" sabat ni Parrot.

"Lovemir?" sinambit ko 'yon nang may pandidiri. "Pangalan pa lang ay wala nang panama sa 'kin." Muli kong sinamaan ng tingin si Taguro. "What? Does he like you?"

Napaiwas si Taguro, hindi inaasahan ang tanong ko. "Ano? Wala. Tss."

"Bakit sa dinamirami nang pwede niyang sabayan ay 'yong sa akin pa?"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Pwede naman siyang sumabay sa mga kaibigan mo, bakit sa 'yo pa?"

"Ay, nagseselos?" pang-aasar ni BJ.

"Hoy, Mister Enrile! Hindi si Ara Mina ang girlfriend mo, kumalma ka," nanunuyang ani Migz. "Kung makapagselos naman 'to, akala mo mala-Rossana Roces ang kutis nitong jowa mo!"

Inis kong dinurog ang bato sa paanan ko saka nagkamot ng ulo. "'Wag ka nang sasabay ro'n, ah? Mukhang hindi siya magandang impluwensya, Taguro," seryoso kong sinabi.

"Tss," umiling siya. "Nakakabilib ka rin namang magselos, 'no? Ngayon mo lang nakita 'yong tao, alam mo na ang impluwensya niya?" Nagtawanan ang mga kaibigan niya.

Inis kong binuksan ang pinto sa passenger's seat at inginuso sa kaniya. "Sumakay kang mag-isa. Tch!" angil ko saka lumulan sa kotse. Badtrip! What the hell? Lovemir? Nuknukan ng bantot na pangalan! Ang baduy! Yak!

Gusto kong magalit sa selos. Pero ayaw kong pagalitan si Taguro sa harap ng mga kaibigan niya. Isa pa ay ako naman ang nagmumukhang katawa-tawa. Gusto kong tusuk-tusukin ang mata ni Taguro para hindi na siya makakita ng iba bukod sa 'kin.

Tch! Madali naman para sa 'king dumayo sa secondary para lang mam-bully. Kaya Lovemir, 'wag ka talagang didikit sa girlfriend ko. Kundi ay lagot ka sa 'kin.

Inis kong dinungaw si Taguro nang hindi ito sumakay. "Are you going to date me or what?" Muli akong pinagtawanan ng mga kaibigan niya.

"Grabe!" pumalakpak si Parrot. "May mas gaganda pa ba naman sa mukhang 'yan, Maxpein?"

Iiling-iling na sumakay si Taguro. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano na namang tingin 'yan?"

"Kasasabi ko lang, Taguro, 'wag kang magpapaligaw."

"Bakit nasa ligawan ka na agad?" asik niya. "Bagong kaklase namin 'yon at nagkataong nakasabay nina Migz papalabas. Dito rin siya naka-park, kasalanan ko 'yon?"

Napanguso ako. "Basta!" Nag-iwas ako ng tingin. "Iba 'yong paraan niya ng pagtitig sa 'yo, e! May something!"

"Maka-something naman 'to. Tss," bulong niya. "Ni hindi nga ako nililingon no'ng tao."

"Bakit parang nanghinayang ka pa?"

"Asa." Inilingan niya ako. "Walang kibo 'yon at mukhang walang pakialam sa mundo. Napilitan lang siyang sumabay sa 'min dahil hindi na siya pinakawalan ni Migz. Ano, masaya ka na?"

"Hindi pa rin."

"Tss."

"Sasaya ako kung hindi siya sasama sa inyo."

"Hindi ako type no'n, okay?"

"At paano ka nakasisiguro?"

"Nararamdaman ko."

"'Sus! Basta! Ayaw kong makitang kasama mo iyon."

"Oo na!" singhal niya

Napangiti ako. Gagawin niya talaga 'yon para sa 'kin! Bwahahaha! Grabe! Mahal na mahal niya talaga ako! "Bumaba ka na ulit, babe," utos ko. Lalong nagsalubong ang kilay niya. Napanguso ako. "Aalalayan na kitang sumakay."

Napangiwi siya. "Kakaiba ka talaga," iiling-iling niyang bulong. "Hindi na. Kung kailan ayos na ayos na ang pagkakaupo ko." Pinagkrus niya ang mga braso at tumingin sa labas.

"Babe, ayaw ko lang naman na may kasama kang iba. Lalo na iyong hindi ko kilala,"pagpapaintindi ko. "Hindi mo na kailangan ng bagong kaibigan dahil marami ka nang kaibigan. Alam kong bagong estudyante lang ang Lovemir na iyon. Dahil ang baduy na ng pangalan niya, ang baduy pa niyang manamit. Tch! All black? Nasa'n ang fashion taste niya, babe?" Napabuntong-hininga ako saka muling bumaling kay Taguro. "Look at me, babe," nilingon niya ako. "Hindi imposibleng magkagusto sa 'yo 'yon kaya naniniguro ako. Ayaw ko ng kaagaw."

"Paano mo siya magiging kaagaw, e, girlfriend mo na ako?"

"Hindi mo masasabi, Taguro."

"'Yon ay kung magpapaagaw ako," maangas niyang sinabi. Hindi ko napigilang ngumiti. "Tss."

"Basta, 'wag mong kaibiganin 'yon, ha? Ayokong makita kang kasama 'yong bwisit na 'yon."

"Okay." Nawlaan na siya ng ganang makipag-usap.

"I love you," malambing kong sinabi. Bumuntong-hininga lang siya. "I love you," mas malakas nang sabi ko. Tiningnan niya lang ako. "I love you!" isinigaw ko na.

"Too."

"Anong too? Anong tooTaguroanong too!" inis na namang singhal ko.

"Diyos ko naman 'tong taong 'to, oo," nauubusan ng pasensyang asik niya. "I love you, too!" idiniin niya ang huli.

"Kahit kailan ay hindi ka sweet."

"Tss. Hindi pa ba sweet 'to, magde-date tayo?"

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"'Ayun! Sa wakas! Nagtanong din!" nagpaparinig na aniya.

Gulat kong kinapa ang leeg niya. "Babe, bakit parang mas tumaas ang lagnat mo?"

"Oo, at sinisigawan mo ako kanina pa, Sensui." Nasa labas ang paningin niya.

"Dadalhin kita sa ospital."

"Hindi na."

"Ipapa-dextrose kita, babe. Hindi ko kayang mawala ka."

"'Wag kang OA."

"Ikaw ang future ko at ayaw kong masira ang future ko," bulalas ko. Naglapat nang todo ang mga labi niya, alam kong naiinis na siya. "Hehe. Alam mo namang mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang puso ko, laman ng isip ko at nagpapalapot sa dugo ko, babe. Ayaw kong may mali sa buong pagkatao mo dahil apektado rin ako"

"Ang dami mong sinasabi. Naririndi ako."

"At least, alam mo ang saloobin ko. Dadalhin kita sa ospital."

"Hindi na, ayos lang ako. Mas gusto kitang makasama."

"Sigurado ka?" Tumango lang siya. "Kakain na lang tayo sa labas, tapos iuuwi na kita. Next time na lang tayo mag-date."

"Hindi pa ba date 'yong kumain sa labas? Tss."

"Tch. Palibhasa'y hindi ka romantic!" Napabuntong-hininga ako. "Kailangan mong magpahinga. Sasamahan na lang kita sa bahay ninyo hanggang sa makatulog ka. Okay lang ba 'yon?"

"Sige."

"I love you."

"Tss, makakailang sabi ka ba niyan?"

"Bakit ba hindi ka na lang sumagot? Tch!" Ngumuso ako. Badtrip. Hindi na lang kasi sumagot, nagyayabang pa.

Nakangiti akong nagmaneho. Wala kaming kibuan habang nasa byahe. Pero nang makarating sa mall ay panay na ang kaniyang pag-ubo.

"Are you alright, babe?" hindi ko naitago ang pag-aalala. Tumango siya. "Hindi ka kasi nagpaalam sa akin, nagkasakit ka tuloy."

"Tss. Do'n na ba nakukuha ang sakit ngayon?" umismid siya. Pero napamaang ako nang isabit niya ang parehong braso sa braso ko.

Napangiti ako. Kakaiba talaga ang topak niya, naglalambing bigla. "Ibig kong sabihin, kung nagpaalam ka ay hindi ka na naulanan, I'll drive you wherever you wanted to go. I can also pick you up after and send you home."

"Biglaan iyon. Nagtatampo na ang high school friends ko dahil hindi na raw ako nakikipagkita sa kanila. Sa TB lang naman kami tumambay."

"Hindi kasama si Parrot?"

"Hindi, nag-date sila ni Lee kahapon."

Tumango ako. "Nilalamig ka?" Kinapa ko ang kaniyang leeg. "Dumaan tayo mamaya sa drugstore, bibilhan kita nang maraming gamot. Inumin mo sa tamang oras, ah?" Tumango lang siya. "Where do you want to eat?"

Itinuro niya ang isang simpleng restaurant. Siya rin ang hinayaan kong pumili ng dinner. Nagkwento siya habang naghihintay hanggang sa makakain kami.

"She's one of the best lecturers," tatango-tangong sabi ko. Nabanggit niyang si Miss Agaser ang class adviser nila.

"Alam ko, pumasa ka, e."

"Tch! Ang yabang mo, ah."

"Dahil para sa 'kin, magaling ka, babe," diniinan niya ang huling sinabi.

"'Sus! D'yan ka magaling, Taguro. Ang saktan ako at saka lalambingin." Ngumisi lang siya. "Paniguradong babanggitin ako sa iyo no'n. Sisiraan niya ako at hindi ka dapat maniwala, babe."

"Yari siya sa 'kin kapag ginawa niya 'yon."

"Hahaha, bakit naman?"

"Sisisiwin ko ang subject niya."

"Tch! Hambog ka!"

"Mas madali para sa 'kin ang Biology kaysa Chemistry, Sensui."

"Oo, at dahil ikaw si Taguro, walang mahirap sa 'yo. Hambog ka nga, e."

"Mas madaling magyabang kung may ipagyayabang, Sensui."

"Mas mahirap ang Math ngayong fourth year. I can teach you if you're having problems with that subject," nakangiting prisinta ko.

"That's a good idea. Mukhang kakailanganin ko nga ng tutor sa subject na 'yan."

"Deal na 'yan, ah? Tuturuan kita sa Math, at alam mo na ang kapalit."

"Sige, tuturuan din kita sa ibang subject mo."

Nanlumo ako. "That's not my point, Taguro."

"Alam ko. Sumakay ka na lang dahil hindi ko kayang kiligin sa lagay ko."

"So, nakakaramdam ka pala ng kilig?" sarkastikong tanong ko.

"Oo naman, kapag kinikilig ka, 'di ba?"

"Bakit hindi mo iparamdam sa 'kin?"

"Ipinaparamdam ko, Sensui, manhid ka lang talaga."

Namilog ang bibig ko sa pagkamangha. Tch. Kailan naman niya ipinaramdam sa 'king kinikilig siya? Napailing na lang ako. "Dumaan tayo sa bookstore, babe. I need to buy a book about drafting. You will need drafting and drawing materials for some subjects, anyway," pag-iiba ko sa usapan. "Importante 'yon."

"Wala namang binanggit na gano'n sa 'kin."

"That's why I'm telling you now. Kapag nasa Biology lab kayo, ang karamihan ng seatworks ay drawing."

"Okay," lang ang isinagot niya.

"Mukhang nag-e-enjoy ka nga sa course mo, Sensui."

Napangiti ako. "I am. Unang araw pa lang ay masaya na ako. Dati ay best friends ko ang nagbibigay sa 'kin ng excitement pumasok. Ngayon ay 'yong subjects na mismo. It's like I'm starving to learn about engineering. Hindi ko namalayang natapos ko ang apat na major books no'ng bakasyon. Hindi ko natandaan lahat, pero marami akong nalamang interesante."

"Masaya ako para sa 'yo."

"Masaya ako sa'yo," nakangiting tugon ko, hindi niya inaasahan.

Napangiti siya. "Masaya rin ako sa 'yo."

"Ganiyan ka kiligin, babe?" nakangiting tanong ko. Natatawa siyang tumango. "Tch. Kailan magsisimula ang practice ninyo sa dance troupe?"

"Bukas na. Para sa acquaintance party."

Hmm... Napangisi ako. "Who's your partner?"

Nag-isip siya. Nakangiti naman akong sumandal at humalukipkip, matamang pinagmasdan ang maganda niyang mukha. "Kahit wala na."

"What if someone asked you to be his date?"

"Let them do whatever they want."

"I won't allow that, Taguro."

"'Wag kang mag-alala dahil tatanggi ako."

"Syempre, kailangan mo talagang tumanggi. Pero 'yong yayain ka palang nila ay hindi na pwede sa 'kin, Taguro. Kailangan mong mapigilan ang bagay na 'yon."

"Tss, how is that possible?" naubos agad ang pasensya niya. "Wala naman sigurong magyayaya sa 'kin."

"Meron."

"Sino?"

"Ako."

"I'm not available."

"What?" asik ko.

"Ang sabi mo ay tumanggi ako?" humalakhak siya. "Tss, pwede ka ba namang sumali ro'n?"

"Bakit hindi? Apo ako ng may-ari."

"Ikaw ang bahala," nakangiting tugon niya, mas napatitig ako. Sa tingin ko ay kinikilig siya. "Wala akong balak mag-dress, uunahan na kita."

"Paano kung sabihin kong gusto ko na makita kang naka-dress?"

"I'll think about it," bumutong-hininga siya. "Hindi ako komportable sa dress."

"Ako lang naman ang makakasama mo."

"Nahihiya pa rin ako."

"Nakakahiya ba ang mukhang ito, Taguro? Tch!"

"Hindi naman. Ang totoo ay tinitilian ang mukhang 'yan."

"I'll be your partner, okay?" paniniguro ko. "Hindi ka pwedeng magkaroon ng ibang partner. Sisirain ko ang party na 'yon."

"'Wag ka nang magbanta dahil wala rin namang magyayaya sa'kin kahit pa gustuhin ko."

"Oo, dahil alam nang buong mundo na ang sa akin ay para sa akin lang," puno ng kumpiyansang tugon ko. "Maraming mas magagandang bagay ang pwede nilang angkinin, 'wag 'yong akin."

"Tss."

"I will be your partner. You have no right to say no. I'll pick you up at home."

"Maagang pumupunta ang dance troupe sa party."

"I'll come early. No problemo, basta para sa 'yo." Nginitian niya ako.

Masaya naming tinapos ang dinner. Dumeretso kami sa drugstore at bookstore matapos.

"Marunong kang mag-piano, babe?" tanong niya mayamaya, hindi ko alam kung saan nagmula.

Nang lingunin ko siya ay nasa ginoong tumutugtog ng naka-display na grand piano ang kaniyang paningin. "Hindi." Umiling ako. "Gusto mo bang mag-aral ako?"

"Wala kang alam na instrumento?"

"Wala, basketball lang talaga ako. Pinagbabawalan akong mag-basketball noon pero 'yon talaga ang gusto ko."

Ako ang pumili ng mga kakailanganin niyang drafting at drawing materials. Panay ang reklamo niya, syempre. Magastos daw ang subjects na 'yon. But she can't do anything about it, unless she doesn't dream of passing.

"I'll lend you my notes," mayamaya ay sabi ko.

"Hindi ko kailangan 'yon, Sensui. Mas gusto kong matuto nang kusa. Interesado ako sa lahat ng bagay."

Ngumisi ako. "That's good. Maging interesado ka sa bagay at 'wag sa tao, babe. Okay?"

"Oo na."

Magkahiwalay kaming naghanap ng libro sa educational section. Palibhasa'y malapit sa school, may ilang nakakilala sa akin. Bulungan man ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sariling pangalan nang banggitin 'yon ng tinig ng babae.

Tch! Imposible namang may kapareho ako ng pangalan? Pang-gwapo lang 'yon.

"Ang gwapo niya lalo sa malapitan!" dinig na dinig ko ang bulungan ng mga babae. "Grabe, ang gwapo-gwapo niya! Ang kinis pa! Sobra!"

Sang-ayon ako d'yan, bwahaha! At higit sa lahat, taken na ako.

Napangisi ako nang masulyapan ko ang umaasim nang mukha ni Taguro. "Tsk tsk tsk." Umiling siya.

"Hindi ko akalaing masusundan nila ako hanggang dito, babe."

"Kahit saan naman yata ay may nagkakagusto sa 'yo."

"E, ang kaso nasa iyo na ang puso ko."

"Tss. Bilisan mo na d'yan."

"Nagseselos ka ba?"

"Hindi naman."

"Magselos ka."

"Bakit?"

"Para may pakinabang sila. Hahaha."

"Tss, ang sama ng ugali mo."

"Naglalambing lang," bulong ko. Yumakap ako mula sa likuran niya at doon binasa ang librong hawak ko. "Hindi ito ang hinahanap ko pero sa tingin ko ay kailangan ko rin 'to."

"Ah, he's so sweet! She's so lucky," hindi kami tinigilang sundan ng mga estudyante.

"Hindi nila alam na ako ang maswerte sa 'yo, babe." Hinalikan ko siya sa pisngi matapos bulungan. "Mas mainit ka na, babe. Anong oras ka huling uminom ng gamot?"

Inihilig niya ang ulo sa leeg ko at sinulyapan ang aking relos. Kapag bumaling ako paharap sa kaniya ay mahahalikan ko na siya. Masiyado siyang malapit, nakakakilig kung manlambing.

"I love you, babe," napapangiti kong bulong. Sana ay lumingon siya, hehe!

"Sa tingin ko ay kailangan ko nang uminom ng gamot pagkalabas natin dito,"napapabuntong-hiningang aniya saka lumayo. Agad na gumuho ang pangarap ko. "Nahanap mo na ba 'yong librong gusto mo?"

"Hindi pa, sandali na lang."

Hindi na rin kami nagtagal sa mall. Matapos kong bayaran ang pinamili namin ay nagyaya na akong umuwi. Kahit hindi imbitado ay tumuloy ako sa apartment nila. Kailangan kong masiguro na umiinom siya ng gamot.

"Wow, first day, first date!" bungad ni Beka.

"Good evening," nakangiting bati ko. Nagpaalam si Taguro na magpapalit ng damit. Ibinigay ko ang pasalubong namin sa mga kaibigan niya.

"I want to be with Maxwell everyday," ungot ni Yaz mayamaya. "Gusto kong mag-enroll sa BIS!" maktol niya pa.

"Stop me!" pareho kaming nagulat sa reaksyon ni Parrot. "Nakakadiri ka talaga, ate! Mahiya ka nga? Please? I beg you. Psh."

"Bakit hindi ka mag-aral uli?" natatawang tanong ko.

"Psh! It's just a waste of effort, time and money. Si Maxwell ang gusto kong makasama. And for sure hindi mangyayari 'yon dahil super busy siya." Lalo siyang ngumuso. "Kung may kinalaman lang sana sa hospital ang natapos ko, pwede akong mag-work sa BISH."

"Hindi ba dumadalaw dito?"

Nakanguso siyang umiling. "He doesn't make an effort to see me. Si Maxpein ang pumupunta sa mansyon nila. Recently ay napapadalas ang pagbisita niya ro'n. How I wish na si Maxwell naman ang dumalaw dito."

"Talaga? Anong ginagawa niya ro'n?" tanong ko, pilit na itinago ang interes ko. Interesado akong malaman kung bakit madalas pumupunta si Taguro sa mansyon nila. Sa pagkakaalam ko ay madalang niyang gawin 'yon, kahit pa maayos na sila. Hindi gaya noong dati na talagang umiiwas siyang pumunta.

Ang paalam niya sa 'kin ay may aasikasuhin siya. Pero wala siyang nababanggit kung tungkol saan ang mga iyon at kung saan ang punta niya. Gusto kong malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

"May inaasikaso siya kasama ang pamilya niya. Hindi rin namin alam ni Zarnaih kung tungkol saan."

"Wala ba siyang nabanggit sa 'yo, Parrot?" baling ko dito.

"Wala naman," iling niya. "But honestly, I don't want to ask her na rin since family naman ang kasama niya."

"Babe," nangibabaw bigla ang tinig ni Taguro. "Tara."

"Tutulungan ko na muna si Taguro mag-ayos ng gamit," paalam ko.

"Yes, please," maarteng ani Yaz. "Para gumaling na siya nang tuluyan. Miss na miss ka yata niyan, nilagnat." Tinawanan ko na lang siya.

"Let me help you, babe," presinta ko nang makapasok kami sa kwarto.

"No need," ngiti niya. "Maupo ka at magkwento."

"About what, babe?"

"About your first day of class." Ngumiti siya sa 'kin. "Natutuwa ako sa reaksyon mo. Masaya ka talaga. Dahil do'n ay masaya rin ako," ramdam ko ang sinseridad niya, ang sarap sa pakiramdam.

Nag-isip at inalala ang unang araw ng klase ko. Totoong masaya 'yon pero hindi iyon ang gusto kong sabihin sa 'yo, Taguro. "Babe?"

"Mm?" Nilingon niya ako saka muling isinalansan sa table ang mga bagong gamit niya.

"Nakita ko na naman 'yong babae," pag-amin ko.

Nakita ko siyang matigilan. Marahan niyang ibinaba ang mga pintura, nananatiling nakatalikod sa gawi ko. Gayunman, hindi nakaligtas sa paningin ko ang blangko niyang ekspresyon. At kapag gano'n, iba na ang kaba ko dahil hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya.

'Wag sana siyang magalit. I love you, babe!

Nilingon niya ako. "'Yong babae sa Palawan?"

"Yes, babe."

"Nasaan?"

"Nasa parking lot siya kanina," tugon ko. Napabuntong-hininga siya. "Napahiya pa nga ako kasi akala ko ay sinusundan niya ako. Pero mukhang nagulat din siya nang makita ako."

"So, hindi niya inaasahang nandoon ka rin?"

"Gano'n na nga, babe. I love you, babe."

Bumuntong-hininga siya at marahang kinamot ang noo. Nakanguso akong lumapit. "Babe?" Ipinatong ko ang aking mukha sa kaniyang balikat. Naramdaman ko ang init niya pero mas nangingibabaw ang pangamba ko ngayon. Pakiramdam ko ay magagalit siya sa 'kin at ayaw kong mangyari iyon.

"Kilala mo ba ang babaeng 'yon?"

"Hindi ako interesado, babe."

"Ang pangalan niya, alam mo?"

"Eerah Anitha raw, e."

"Nagpakilala," tatangu-tangong aniya saka humarap sa 'kin. Sumandal siya sa table, pinagkrus ang mga braso at kunot-noong tumingin sa 'kin.

"I love you, babe."

"Tss. Anong nangyayari sa 'yo?" Dumilim ang mukha niya. "Kinakabahan ka."

Lalo akong ngumuso. "Natatakot ako sa 'yo."

"Inaano ba kita?"

"Baka magselos ka kasi sa kaniya," nakangusong tugon ko. "Ayokong maulit 'yong naramdaman mo no'ng nasa Palawan tayo. Ayaw kitang makitang gano'n, Taguro. Nasasaktan din ako."

Ngumiwi siya. "Mukhang hindi maiiwasan."

"What do you mean, babe?"

Hindi agad siya sumagot. Nasa akin ang kaniyang paningin ngunit tila tumatagos iyon sa akin. "Hindi ako selosa pero meron akong limitasyon," pabulong niyang dagdag. Napamaang ako. "Kung gano'n ay siya ang kusang lumalapit sa 'yo. At kung totoong hindi ikaw ang sadya niya sa school kanina, mukhang pati pagkakataon ay nananadya. Hindi mo na kasalanan 'yon." Ngumisi siya. "Hayaan mo na lang siya."

"Hindi ka galit sa 'kin?"

"Bakit ako magagalit? Nagpapakatotoo ka lang, Deib."

Kunot-noo akong ngumuso. "Bakit Deib, babe? Bakit Deib?" Napapikit siya, batid kong nakakaasar ang tono ko.

Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya. Ngunit masiyadong imposible iyon dahil wala pa ring mabasa sa mga reaksyon niya. Kinakabahan ako na baka hindi lang siya nagsasabi. At magulat na lang ako, galit pala siya.

"Babe..." Yumakap ako sa likuran niya. "I know you're jealous." Nakamot ko ang noo.

Naramdaman ko siyang bumuntong-hininga. "And that's natural," malambing niyang sagot. "Don't worry about me."

Hindi ako kumbinsido. "Hindi ako lalapit sa kaniya. I promise."

"'Wag kang mangako, Sensui."

"Babe? Parang pinaghihinalaan mo naman ako niyan, e."

"Babe," ginaya niya ang tono ko, seryoso. "Sa Palawan mo siya unang nakita, at ngayon ay nandito siya," kunot-noong aniya. "Hindi ko malaman kung anong gusto niya. Sa tingin ko ay talagang tagarito ang isang iyon at sinundan ka lang talaga sa Palawan."

Huh? Sandali akong natigilan at napatitig sa kaniya. Pakiramdam ko ay lalo akong natakot sa babaeng 'yon.

"Pero ayaw ko na siyang pag-usapan. May tiwala ako sa 'yo," sinsero niyang sinabi. Saka ngumisi. "Lalo na sa nararamdaman mo." Kinagat niya ang sariling labi.

Nakahinga ako nang maluwag. Hinawakan ko siya sa pisngi at pinagdikit ang mga noo namin. "I love you so much, Maxpein," nakapikit kong sinabi. "Mahal na mahal kita."

"Mahal din kita."

Napamulat ako at bahagyang lumayo. Napatitig siya sa akin. "Mahal lang?" nagmamaktol kong tanong.

"Mahal na mahal."

"Nasaan na 'yong kita?" nakanguso ko na namang tanong.

"Tss."

"Buuin mo kasi, babe. Kasama sa effort 'yon. Mag-effort ka para sa 'kin."

"Nawawala ang angas ko kapag ikaw ang kaharap ko, Sensui," maangas niya 'yong sinabi, naiinis pero sadyang malakas ang dating. "Ultimong ang sabihin 'yan ay hindi ko magawa dahil nauubos ang lakas ko kapag nandito ka sa harap ko. Ang lapit-lapit mo pa naman. Tsk."

"Ganon ang epekto ko sa 'yo?"

"Oo." Sumagot siya nang nakatingin sa mga mata ko. "Naiilang ako sa 'yo."

Napahalakhak ako. "Hahaha! Ang tagal tagal na kitang girlfriend."

Kumunot ang noo niya saka nag-iwas ng tingin. "Wala kang pakialam."

"I love you, babe."

"Mm."

"Sagutin mo!"

"I love you."

"I love you more, hehe." Hinalikan ko siya sa noo. Hinawi niya ako sa nguso. "Hindi ka pa ba tapos d'yan? Kailangan mo nang magpahinga. Ako na ang mag-aayos niyang mga gamit mo," prisinta ko. Iginiya ko siya paupo sa kama niya. "Ituro mo sa 'kin kung saan ko ilalagay ang mga ito."

Gano'n nga ang ginawa namin. Itinuro niya kung saan ilalagay ang mga gamit na pinamili niya. Bagaman tahimik, ako lang ang gumagawa ng ingay, nakakatuwa dahil tutok sa 'kin ang kaniyang paningin. Para bang walang sandali na gusto niyang alisin sa 'kin ang kaniyang mga mata. Ang bawat kilos ko ay pinapanood niya. At sa t'wing lilingunin ko siya ay napapangiti ako sa lalim nang pagkakatitig niya sa akin.

Naupo ako sa tabi niya nang matapos. "Matulog ka na," ngiti ko. "Uminom ka ng gamot pagkagising mo bukas, ha? 'Wag mong kalilimutan."

"Oo, promise."

"Inaantok ka na ba?"

"Oo. Kailangan ko nang magpahinga para bukas ay ayos na ang pakiramdam ko."

"Gusto na kitang halikan, Taguro."

"Gusto ko na rin." Sa halip na ngumisi ay natigilan ako sa isinagot niya.

"Talaga?" namamanghang tugon ko, hindi makapaniwala. Tumango siya, mas napangiti ako. "Ang sweet mo sa 'kin ngayon, ah? May kailangan ka, 'no?"

"Sa 'yo? Asa."

"Sana hindi lang 'yan dahil sa sakit mo. Sana parati kang ganiyan."

Nakangiwi siyang umiling saka napangisi. "Depende sa mood ko."

Hindi na ako nag-aksaya pa ng segundo. Marahan ko nang inilapat ang labi ko sa kaniya at kakaiba ang isang ito ngayon. Napakatamis ng dating dahil hindi ko na maramdaman ang kaba niya.

Gusto niya rin akong halikan, bwahahaha! Naglilitawan na naman ang mga puso, oh, ang mga puso ko!

Hinawakan kong maigi ang mukha niya at tanging ulo ko lamang ang gumagalaw sa pagitan ng halikan naming dalawa.

Matagal na matagal iyon ngunit pakiramdam ko ay kulang na kulang.

Siya ang kusang humiwalay sa 'kin. Hindi naman ako nabigo dahil nakontento ako sa sarap ng pakiramdam.

"Umuwi ka na. May pasok pa tayong pareho bukas," nakangiting sambit niya, nakatitig sa aking mga mata.

"Sasabayan kitang maglunch bukas."

"Oo, sige, hihintayin kita."

"'Wag kang didikit do'n sa lalaki, Taguro, ah? Malinaw na usapan 'yan," babala ko. Nakangiti siyang tumango. "Tsk," mayamaya ay asik ko.

"What?" angil niya.

Ngumiwi ako. "Hindi kita maiwan. Ang hirap-hirap mo laging iwan."

"Magkikita naman tayo bukas."

"Alam ko. Tch. Magwawala ang mga puso ko kapag hindi kita nakita bukas. Hehehe," biro ko saka siya hinalikan sa noo. "Mauuna na muna ako, babe. Hanggang bukas."

"Mm, bukas." Tumango siya. "Goodnight."

"Sana mapanaginipan mo ako."

"Pipilitin ko, babe. Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na, kapag hindi ko nasagot ay mag-text ka."

"I love you." Gusto ko na namang maglambing. Ang hirap umalis sa tabi niya.

"Ingat ka."

"I love you"

"I love you." Pinangunahan niya ako.

Dinampian ko ng halik ang bawat parte ng kaniyang mukha. Ang nakakatuwa ay wala siya maski katiting na pagprotesta.

Napakaganda sa pakiramdam. Hindi napalis ang mga ngiti sa labi ko hanggang sa makauwi ako. Napakarami ko pang ginawa pero hindi na ako nakaramdam pa ng pagod.

Sinunod ko ang sinabi ni Taguro. Tinawagan ko siya nang mahiga ako sa kama. Pero gaya ng sinabi niya ay hindi niya na nga nasagot pa 'yon kaya nag-text na lang ako.

Compose Message

To: ♥T♥A♥G♥U♥R♥O♥

Hi, babe! Matuutlog na rin ako. Sana ikaw ang katabi ko bukod dito kina Tagsen at Taguro, na ayaw mong iuwi. Masama pa rin ang loob ko. Pero kapag naiisip kong ayaw mong kunin 'to dahil gusto mong may mayakap ako, nagbabago ang damdamin ko. I love you so much, babe. I am crazy and deeply in love with you and it's all your fault. Sana ako ang laman ng panaginip mo. I'll see you tomorrow. Good night.

Message Sent!

Nakangiti kong binasa nang paulit-ulit ang mga nakaraang text conversations namin hanggang sa makatulugan ko na iyon.

KINABUKASAN ay nagising ako sa magkakasunod na katok. Kasunod niyon ay tinig ni manang. Agad akong kumilos at pumasok. Nagawa ko lang tingnan ang cellphone ko nang makaparada.

Wala man lang siyang text. Tch! Kailan ba siya magiging masipag sa pagte-text? Nakanguso kong tinawag si Taguro. "Oh?" 'ayun na naman 'yong walang lambing na bungad niya.

"Tch." Gusto kong magalit pero napapangiti talaga ako. "Hindi ka man lang nag-text."

"Baka tulog ka pa, e. Nasaan ka na?"

"Kararating ko lang, nasa parking lot pa ako."

"Tama nga ang sinabi mo, babe. Nandito kami ngayon sa Bio lab at bugnot na bugnot na ako. Wala akong talento sa pagdo-drawing nang mabilisan," nawawalan ng pag-asa, nauubusan ng pasensyang aniya.

"Talaga? May bagay pala, bukod sa paghalik, ang hindi kayang gawin ng isang Taguro?"nang-aasar kong sabi. "Hindi ko alam 'yan, ah?"

"Woi, wala akong sinabing hindi ako marunong mag-drawing. Hindi ko lang kaya nang mabilisan. Baka nakakalimutan mong nai-drawing ko ang BIS? Tss." Natural talaga ang angas at yabang niya. Nagagawa niya 'yon nang walang effort. "At saka...ano 'ka mo, hindi marunong humalik?" pinagkadiinan niya ang mga huling salita.

"Yes, babe, yes. Hindi ka marunong humalik," nanunuksong tugon ko.

Sandali siyang natahimik. "Matututo rin ako, maghintay ka lang"

"Shut up," bigla akong nainis. "Sa akin ka lang pwedeng matuto, Taguro," naniniguro, nagbabanta ang tinig ko.

"At kanino ka naman natuto?"

Natigilan ako. "Wala!"

"Tss."

Napanguso ako nang wala siyang ibang sinabi. "Alam ko ang iniisip mo, Taguro. Walang ganiyan. Magaling lang talaga ako."

"Hindi ka gagaling kung wala kang pinagsanayan, Sensui."

Tsk! "Nasa loob ka ng klase, bakit ba nakikipagtelebabad ka? "

"Sa tingin mo ba ay isang Miss Agaser ang papalag sa isang del Valle?"

"Manahimik ka na. Mag-aral ka d'yan. Magkita na lang tayo sa lunch time."

"Oo, at magpapaliwanag ka sa 'kin tungkol d'yan sa paghalik-halik mo. Bakit nga ba hindi ko napansing napakabihasa mo? Tsk tsk." Nakakatakot ang pagiging sarkastika niya.

"Babe? Inaaway mo naman ako."

"Am I?" Sa tinig niya ay nasisiguro kong nakangisi siya. Pero iyon 'yong ngisi na kailangan kong ikatakot. "Pero aminin mo, maganda ang rason ko at nanggaling mismo sa bibig mo. Sige na, marami pa akong gagawin."

"Babe" Hindi ko na siya nagawa pang habulin nang babaan niya ako ng linya. Lagot ka, Deib Lohr! Kunot-noo akong ngumuso. "Tsk. I haven't tried kissing Kimeniah the way I kissed Maxpein. Kahit ako ay hindi alam na marunong akong humalik. Tch."

Kamot ko ang ulo habang naglalakad papasok. Syempre pa, kasunod no'n ay ang bulungan at impit na tili ng mga babaeng nakatanghod sa 'kin. Hindi na ako nagulat.

Panibagong taon, panibagong admirers. Tsk. Nakakasawa.

"Lovemir!" malakas na sigaw ng mga kababaihan.

Lovemir? Nangunot ang noo ko. Inis akong lumingon at mas nainis pa nang mamataan ko ang lalaking 'yon. Tch. Ikaw pala 'yong lampa na umaakit sa aking nobya? Yari ka sa 'kin ngayon!

Pasimple akong huminto at nagpanggap na abala, saka pinagmasdan ito. He was wearing all black from his head to toe, that's too plain, too goth and just too "dark".

Meron ba siyang kulto? Tch. 'Baduy!

I'm not against all black. It's just the absence of color anyway. And I don't care if he's a diehard all black dresser, he can wear whatever he wants, as long as he's not coming near my girl.

"Grabe! Siya 'yong bagong senior! He's so handsome, sobra!" Hindi napigilan ng isang estudyante ang purihin ito nang harapan.

Tch! E, ni wala man lang nga sa kalahati ko 'yan!

Hindi ko makita nang lubusan ang mukha niya dahil sa suot na itim na itim na shades. Gusto kong itanong kung may nakikita pa ba siya sa nilalakaran.

Pero tatandaan ko ang bawat anggulo ng kabuuan mo. Hindi ka pwedeng dumikit sa girlfriend ko.

Gaya ng mga babaeng nakasunod at nagkakandarapa dito ay nilampasan niya ako nang hindi lumilingon. Para bang wala siyang naririnig. Para bang wala siyang pakialam.

Hindi na ako magtataka kung bakit gano'n ang reaksyon ng mga babae. Bukod kasi sa malandi sila ay hindi maitatanggi ang hitsura ng baguhang iyon.

Tch! Sa sobrang ganda ng mata ko, pati gwapo ay nasusuri ko. Pero hindi siya pasado, ibig sabihin ay hindi siya gwapo! Bwahahaha!

Nakangisi akong nagtuloy papasok. Naisip kong asarin si Taguro.

Compose Message

To: ♥T♥A♥G♥U♥R♥O♥

Nakita ko 'yong lalaki mo. Baduy. Wirdo. May itim na aura. He's late! Hindi dapat tularan, babe. Mahal kita, babe. 'Wag mo 'kong sasaktan. Bibigyan kita ng mga puso para makapag-aral ka nang mabuti. <3 <3

Message Sent!

Grabe. Sumosobra na yata ang sweetness ko. Napakaswerte ni Taguro. Hehe!

Palibhasa'y maaga pa, nagbasa ako na muna ako. Pero sa halip na matuto ay naalala ko ang halik ni Taguro.

Kailangan ko na rin sigurong bumili ng libro tungkol sa kiss. Hehehe! Napangiti ako kasunod niyon ay ubo. "May ubo na rin yata ako." Nang suminghot ay may sipon na rin ako.

Magkakasunod na nagdatingan ang mga estudyante, nahuli ang propesor. 'Ayun na naman 'yong kakaibang excitement ko na magsimula ang klase. Ang karamihan sa mga propesor ko ay palabiro. Madalas ding magbigay ng motivational words ang mga ito dahilan para ganahan kaming mga estudyante.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaibigan sa mga kaklase ko. Hindi naman sa hindi ako interesado, alam ko lang kasing meron akong matatakbuhan at karapat-dapat na puntahan.

Nang matapos ang klase ko ay tinawagan ko si Taguro. "Oh?" Syempre, hindi na ako umaasang magbabago pa ang paraan niya nang pagsagot.

"Babe, lunch break ko na."

"Papunta na rin kami sa canteen."

"Papunta pa lang?" nakangiting tanong ko at saka ako nagsimulang maglakad.

Ngunit natigilan ako nang may mahagip ang mata ko. Binigyan ko iyon ng pangalawang tingin pero wala na ito ro'n.

Namamalik- mata lang ba ako? Pakiramdam ko ay nakita ko si Eerah Anitha. At ang masama, naka-uniporme pa. Sana ay nagkakamali lang ako. Nagkakamali lang ako. Mali ang makita siya dito.

"Woi!"

"Oh?" gulat na tugon ko. Wala na ako sa sarili. Nawala sa isip kong nasa kabilang linya si Taguro.

"Nakikinig ka ba?"

"Ano uli 'yon, babe?"

"Anong nangyari sa 'yo?"

"Wala, babe, ano uli 'yong sinabi mo?"

"Ang sabi ko ay pumunta ka na dito para sabay tayong mag-lunch."

"Sige, babe, mahal na mahal kita."

Hindi agad siya sumagot at nadinig kong bumuntong-hininga siya. "Mm, sige, magkita na lang tayo sa canteen." 'Ayon na naman iyong malamig na paraan niya ng pananalita. Paniguradong nakahalata siya.

Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Deib? Tsk!

Hindi mawala ang kaba ko. Pilit kong sinasabi sa isip na guni-guni ko lang 'yon pero iba ang kutob ko. Tuluyan akong nawala sa sarili kaiisip. Inaaalala ko ang nakita ko, at higit na ang mararamdaman ni Taguro. Sa sobrang lakas kasi ng pakiramdam niya ay naaapektuhan ako. Pakiramdam ko ay parati niyang alam ang laman ng puso't isip ko kaya hindi ako pwedeng magtago. O maaaring masiyado lang talaga akong halata kaya nagkakaroon siya ng ideya. Gayunpama'y ayaw kong maglihim sa kaniya.

Pero ang tungkol sa puso ko, hindi ko pa kayang sabihin sa 'yo, babe, sana maintindihan mo.

Bumalik lang yata ako sa ulirat nang mangibabaw ang tilian ng mga estudyante pagtungtong ko sa canteen ng secondary. Ano pa nga ba ang bago? Ginawaran ko sila ng pamatay kong ngiti sabay kaway. Lalong naging maingay.

Agad kong namataan si Taguro. "Hi, babe," hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Nagkalampagan ang ingay sa mga katabing mesa. "Do you hear that, babe?" tanong ko, nagyayabang.

Magkalapat ang mga labi ni Taguro. "Wala akong ibang gustong pakinggan kundi ang paliwanag mo, Deib," idiniin niya ang pangalan ko.

Namapaang ako at aligagang naupo sa tabi niya. "Ano na naman 'yon, babe?" nakanguso kong tanong, halos ingudngod ang sarili sa kaniya.

"'Dre!" bigla ay nangibabaw ang tinig ni Tob. "'Naaay! Hindi nagyayaya 'to, e." 'Ayun na naman 'yong mapang-asar niyang tinig.

Napangiti ako nang makita ko silang dalawa ni Lee. "Tsh, sino-solo mo si Max, ah?"

"Tch! Bakit ba 'yong akin nang akin ang sinisita mo, e, may Parrot ka naman?" asik ko. "Hahaha! Na-miss ko kayo!"

"Alam ko, tsh. Hi, sweetheart," baling ni Lee sa kinikilig nang si Parrot.

"Hi, baby!" bati naman ni Tob sa mas kinikilig na si Michiko.

Matinding ingay at kalampagan ang nangibabaw sa buong canteen. Inilingan nalang kami ng masungit na cashier.

Muli akong bumaling kay Taguro. "Uminom ka na ba ng gamot mo?" Pakikiramdaman ko sana ang leeg niya ngunit nag-iwas siya. "Ano ba? Titingnan ko kung mainit ka pa."

"Okay na ako, um-order ka na."

"Uminom ka na ng gamot mo?"

"Oo. Nagugutom na ako."

"Tara, 'dre, hindi tayo pwedeng ma-late," anyaya ni Tob na kinindatan pa si Michiko bago nanguna papunta sa line. "Grabe, sweetness overload, hahaha!"

"It's been a long time, 'dre," tugon ko.

"Bading na bading ka nga, e. Bakit gano'n, 'dre? Parang ikaw lang ang patay na patay kay Max?" hindi nawawala ang nakakaasar na tono ni Tob.

"Mukha mo! Patay na patay rin sa 'kin 'yan. Hindi lang talaga showy." Sabay-sabay kaming natawa. "Alam mo na, si Taguro 'yon kaya hindi pwedeng mabawasan ang angas." Bumaling ako kay Lee. "Ano? Kumusta ang college life, 'dre? Mukhang stressed ka."

"Psh! Look, even his forehead got stretchmarks, 'dre! Haggard!" pang-aasar ni Tob, nagtawanan kami.

"Shut up, Tob. I'm really busy. Naggtatampo na nga si Zarnaih." Seryoso si Lee, hindi makuhang maasar. "I don't like my schedule. Masiyadong hectic."

"Kaya mo 'yan, hehe. Pa-business-business ka pa kasi." Walang ipinagbago sa kalokohan si Tob. Mula sa linya hanggang sa makabalik sa mesa ay puro kalokohan ang lumalabas sa bibig niya. Lalo na nang sabayan siya ni Parrot. Hindi sa kabusugan nanakit ang tiyan namin kundi sa tawanan.

"'Buti hindi mo kasama 'yong asungot ninyong kaklase?" bulong ko kay Taguro. Nagtataka niya akong nilingon. "'Wag kang didikit do'n, ah?" Tumango na lang siya para manahimik ako. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos na nga ako," nakasimangot niyang sagot. "Pwede na nga akong manapak ngayon, e."

"Sino namang sasapakin mo? Tch, napaka-warfreak mo, babe. Tigilan mo na 'yan dahil graduating ka na."

"Sinong kaaway mo, Max?" sabad ni Tob. "'Wag mo sabihing may mga nambu-bully pa rin sa 'yo rito? Sshhk! Sabihin mo kay Deib Lohr! Sino ang umaaway sa 'yo?"

"Wala naman," nakangiting tugon ni Taguro. "Magkakaro'n pa lang."

"Anong ibig mong sabihin?" inis na tanong ko. "Hoy, Taguro, 'wag kang magsimula ng gulo, ah? Ayaw kong malaman na sumasali ka sa gulo, lagot ka sa 'kin. Mag-aral ka na lang."

"Yiee! Ang sweet ni Deib!" tudyo ni Michiko. Nakitukso naman ang mga bakla sa kanila.

"Tch! Ayaw kong nakikisali ka sa mga gulo, babe. Hindi magandang gawain 'yan, tama na 'yong mga nangyari no'ng nakaraan."

Tsk! Kahit kailan! Akala ko pa naman ay nagbago na siya at babaeng-babae na. Nagkamali ako.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang mangibabaw na naman ang tilian ng kababaihan. Sabay-sabay kaming napalingon sa entrance upang tingnan ang dahilan niyon.

"Sino 'yan?" tanong ni Tob.

"Waaa! Ang gwapo mo, Lovemir! Kinikilig ako sa paraan ng paglalakad niya!" Samu't saring papuri ang umalingawngaw nang maglakad si Lovemir sa gitna ng mga estudyante.

"'Uy, Lovemir!" pagtawag ni Migz.

"Hey, Migz," tumango si Lovemir.

Peste!

Inis kong nilingon si Taguro. Abala siya sa katititig sa pagkain, na para bang bubuka nang kusa ang pakpak ng kinakaing manok.

Hehehe, wala siyang pakialam sa presensya niya.

"Bakit hindi ka sumabay sa 'ming kumain, Lovemir?" tanong naman ni BJ. "Kumain ka na ba?"

"Yeah, tapos na. Salamat." Ngumiti si Lovemir.

"Dito ka na muna."

"Hindi na, may gagawin pa ako. Salamat." Tumango si Lovemir kay BJ, pasimpleng sinulyapan si Taguro, saka bumaling papalayo.

Anak ng...titingin pa? Titingin pa? Inis kong nilingon si Taguro. Hindi talaga siya maabala sa pinapapak na manok.

"Sino 'yon?" tanong ni Lee.

"Taguro, male version," natatawang tugon ni Parrot. Tch! Nilingon ko si Taguro. Wala man lang nagbago sa hitsura niya.

"Hindi rin 'yon palakibo, matalino rin at may angas," dagdag ni Michiko. Kunot-noo ko siyang pinakinggan. "Pareho silang tahimik ni Max. You know what? Silang dalawa lang ang nakakasagot sa klase kanina. Pinagbigyan na lang sila ni Naih dahil mukhang enjoy na enjoy si miss na tanongin sila." Natigilan siya nang makitang masama na ang tingin ko.

Muling nangibabaw ang tilian ng kababaihan nang maglakad papalabas si Lovemir. Wala man lang pakialam ito. Hindi man lang maapektuhan sa pagkakaroon nang biglaang taga-hanga. Masiyadong tutok sa binubuksang bote ng mineral water.

"Laos." Gulat kong nilingon si Taguro matapos sabihin iyon.

"Ano 'ka mo?" asik ko.

"Tss." Nakuha pa niyang tumawa. "Biro lang."

"Tch! Ulitin mo nga 'yong sinabi mo?"

"Biro lang, babe. Ikaw pa rin ang campus crush ng buong BIS."

"Si Lee 'yon!"

"Si Lee ang campus hearthrob, ikaw pa rin ang campus"

"Bully!" pananaw ni Tob saka sila sabay-sabay na tumawa.

Lalo akong nainis. "Tsk, Taguro?" angil ko. Itinikom niya ang bibig at nagpanggap na hindi natatawa. "Sinabi nang 'wag kang dumikit do'n."

"Nakita mo ba 'kong dumikit?" natatawang tugon niya saka umiling. "Hindi nga ako umalis sa tabi mo."

"Naku, Deib, mahirap 'yan," ani Michiko. Inis ko siyang nilingon. "They're seatmates!"

"What?" napapatayong angil ko. Napapamaang kong nilingon si Taguro, inosente niya akong tiningnan. "Taguro naman?"

" Seloso!" pang-aasar ni Lee.

"Wala nang ibang available na upuan."

"No. Makipagpalit ka, 'wag kang tumabi ro'n."

"Katabi ko naman si Naih sa kabila."

"Then switch seats with Parrot."

"Hey!" singhal ni Lee na dinuro pa ako.

"Tsk!" asik ko at saka inis na naupo at nagkamot ng ulo. "Babe?"

"Ano bang nangyayari sa 'yo? 'Wag ka ngang OA? Tss. Magkatabi lang kami, we're not close."

"Siguraduhin mo."

"Sigurado na. 'Wag kang makulit. Hindi ka na makakasabay sa 'kin kung ganiyan ka."

Natahimik ako. Hindi ko gusto ang lalaking 'yon! Bakit kailangang magkatabi pa sila?

Matapos kumain ay inihatid namin sila sa classroom. Syempre, hindi na nawala sa isip kong katabi ni Taguro sa klase ang lalaking 'yon. Hanggang sa sandaling iyon ay kung ano-ano ang naiisip ko. Pero hindi ko na maisatinig pa ang mga 'yon dahil nagagalit na si Taguro.

"O, ingatan niyo 'tong babae ko," habilin ko. "Bawal dikitan 'to nang kahit na sino, maliwanag?" nagbabanta kong sabi saka nilingon si Taguro. "May mga mata ako sa campus na 'to, Taguro, 'wag kang magkakamali."

"Hindi ako ang dapat mong pagsabihan niyan, Sensui."

"Tch! Kaya pala unang araw pa lang ay may iba ka nang kasama at ang masama, katabi mo pa?"

"Hindi ko siya kasama, 'wag kang mapilit."

"O, sige, 'wag ka nang magalit, hehe," ako na rin ang naglambing. "Kiss mo na ako."

"Tss, sira ba ulo mo?"

"Wala namang papalag d'yan. Dali na."

Namula agad siya. "Tumigil ka nga."

"Hehehe. Mamaya na lang," bulong ko. Namula agad siya at nag-iwas ng tingin. Bahagya ko siyang inilayo sa mga nanunukso nang kaibigan niya. "Ang ganda-ganda mo lalo ngayon, babe."

"Tss."

"Kaya gusto lalo kitang halikan, hehe," bulong ko.

"Tigilan mo ko, Deib. Tsk."

"Nahihiya ka ba sa 'kin?" Inayos ko ang sabog niyang buhok. "Itali mo nga 'yang buhok mo," utos ko. Napapabuntong-hininga siyang bumaling papasok sa restroom. "Tingnan mo 'to, papasok lang, sa panlalaki pa."

"Ito ang mas malapit." Napangiti ako nang itali nga niya ang buhok.

Sumusunod siya sa 'kin. Hehehe! Ang sarap sa pakiramdam.

Lumapit ako at hinawakan siya sa mga balikat. Ngumiti ako nang magtama ang paningin namin mula sa salamin. "'Ayan, mukha ka nang estudyante."

"Mukha ba akong titser kanina? Tss."

"You don't get it, don't you? Tch. Mas maganda ka kapag nakaladlad ang buhok, kailangan mong iwasan 'yon, Taguro. You're mine." Pinagkibitan ko siya ng balikat, nagyayabang.

"Oo na. Pumasok ka na, male-late na 'yong dalawa."

"Mag-aral kang mabuti, ha?"

"Oo, ikaw rin."

"'Wag kang sasali sa gulo, ah? Kapag narinig ko na pumasok ka sa gulo," inilingan ko siya, nagbabanta. "Kababae mong tao, babe."

"Gumawa ka ng paraan para hindi mag-init ang ulo ko, Sensui." Sinabi niya iyon nang nakataas ang kilay. Binigyan ko siya ng nang-aasar na tingin pero masiyado siyang seryoso.

Ngumuso naman ako at sinulyapan ang mga kasama naming abala sa pag-uusap sa labas. "Anong paraan naman, babe?"

"'Yong paraan na hindi kukulo ang dugo ko, Deib. Dahil para akong takure na nakasalang sa kalan, 'wag mo 'kong sisindihan dahil kapag pumito ako sisiguraduhin ko sa 'yong hindi mo 'ko mahahawakan."

Natigilan ako at biglang kinabahan. "Babe naman?" ungot ko. "Ano na naman ang ginawa ko?"

"Wala," nakangiting tugon niya. "Wala kang ginawa kaya hindi mo kailangang kabahan."

"Natatakot ako sa mga sinasabi mo, e."

"Wala ka namang dapat ikatakot."

"Meron, tch." Ngumuso ako.

Bumaling siya papaharap. 'Ayun na naman 'yong tumatagilid niyang paraan ng panunuri, na animong pinag-aaralan ang kabuuan ko. "Dalawa ang pinanggagalingan ng takot, Sensui, katotohanan at kasinungalingan. Pag-isipan mong maigi kung alin sa dalawang 'yan ang tunay mong nararamdaman. Minsan kasi ay nakakalito 'yan," nakangisi at makahulugang aniya.

Nangunot ang noo ko. "Hinuhuli mo ba ako?"

"May kaso ka ba?"

"Seryoso ako, Taguro."

"Seryoso rin naman ako," nakangiting tugon niya. "Mukhang may nakapasok na sawa sa manukan ko." Bigla siyang sumeryoso saka bumuntong-hininga. Pinakatitigan niya ako sa mga mata. "Ikaw ang pinakamagandang pag-aari na ibinigay sa 'kin, Deib Lohr, karapat-dapat kang ingatan." Nagbigay siya nang makahulugang ngiti.

Gano'n kabilis niyang binura ang aking kaba. "Kaya nga habang dumarami ang nakikilala kong babae, mas nalalaman ko kung gaano ako kaswerte." Hinaplos ko siya sa noo hanggang sa buhok. "'Wag kang masiyadong mag-isip, okay?"

"Pumasok ka na." Isinenyas niya ang mga kaibigan ko. Hindi niya inaasahan nang magnakaw ako ng halik sa kaniyang pisngi.

"Mister Enrile!" Nagulat ako nang mangibabaw ang pamilyar na tinig ni Ms. Agaser. Nakakabilib na wala man lang nagbago sa hitsura ni Taguro. Para bang inaasahan na niyang susulpot ito.

"What's up, miss?" abot tainga ang ngiti ko.

"What are you two doing here?" pinasadahan ng tingin ni miss ang kabuuan naming pareho ni Taguro.

"Pareho kaming nakatayo kung umihi, miss. How have you been, miss? Are you done with your class? You can have your lunch already."

"Hindi ka na nagbago, Mister Enrile. And what are you doing here, Miss del Valle?"

"I enjoyed learning, miss, you're one of the best," nakangising tugon ni Taguro, malayo sa tanong ng lecturer, tsaka tinapik ang balikat ko. "See you later."

"Puro kayo kalokohan, ha!" Wala ring ipinagbago si Miss Agaser. Malakas pa rin ang boses niya at mahusay maghinala.

Tatawa-tawang lumapit sa 'kin sina Lee at Tob. "Loko, nahuli ka tuloy!" ani Tob.

"Ulul, wala kaming ginagawang masama, sinamahan ko lang magtali ng buhok si Taguro. Hehe!" nakangisi kong tugon saka kami sabay-sabay na bumaling pabalik sa tertiary. Pero hindi ako pwedeng magsinungaling sa dalawang 'to. Nasisiguro kong alam nilang nakahalik ako kay Taguro.

"Deib Lohr, Deib Lohr, Deib Lohr." Pare-pareho kaming natigilan nang maglakad papalapit sa 'min si Eerah Anitha. Mabilis kong sinuyod ng tingin ang kabuuan niya. At hindi ako makapaniwalang nakikita ko siyang naka-uniform ngayon at may ipit na notebooks at books braso.

Nagtataka akong nilingon ng mga kaibigan ko. Hindi ko sila mabigyan ng sagot. Ang paningin ko ay natuon kay Eerah Anitha, at sa namumuong galit sa aking dibdib. Ito lang ang nakapagpapainit ng ulo ko nang ganoon kabilis.

"I hate to see you but, what are you doing here?" Sinikap kong maging sarkastiko pero nabigo akong itago ang inis.

"I study here," malanding tugon niya. Kagat ang dulo ng ballpen, pinasahan niya ng tingin ang kabuuan ko.

"Talagang dito pa?"

"Of course! Because you're here."

"What do you want from me?" seryoso nang tanong ko.

"All of you, Deib Lohr Enrile" Hindi niya na nagawang tapusin ang sasabihin nang bigla ko siyang hilahin sa kwelyo. "You're hurting me!"

"Deib," agad akong inawat ni Lee.

Pero hindi niya nagawang pigilan nang itulak ko si Eerah Anitha sa poste. "You think it's funny? You're doing this intentionally, aren't you?"

"Let go of me!"

"You're following me, aren't you?"

"So what?"

"What do you want from me?" tiim-bagang kong singhal.

"You know my reasons, Deib Lohr."

"Stop being too desperate for my attention, miss, I am taken," pinakadiinan ko. "Hindi ako interesado sa 'yo. Please, stop."

"The hell I care? I like you," angil niya saka ngumisi. Nabitiwan ko siya. Hindi ako makapaniwalang nasasabi niya ito nang ganoon kadali. Ngunit sa halip na makumbinsi ako ay lalo lang akong natakot sa kaniya.

"You're a creep," asik ko. "Aren't you a little embarrassed for behaving like this?"

"Bakit ako mahihiya, kung alam ko namang pwede kitang makuha?"

"Act like a lady. Respect yourself. Back off!" Hindi ko napigilan ang sarili kong itulak siya sa mas malakas nang paraan.

"Deib!" Pumagitna si Lee.. Pilit niya akong inilayo kay Eerah.

"This is really disrespectful, and I would appreciate it if you stop. I am warning you, back off," mas diniinan ko pa iyon. "Higit pa diyan ang magagawa ko sa 'yo."

"Oh, I can't wait," malanding tugon niya, kagat ang labi.

Crazy bitch! Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin. Nangingibabaw ang galit ko at nag-aalala akong baka mapagbuhatan ko na ito ng kamay.

"Hey," hinarap siya ni Lee. "Who are you and why are you doing this?"

"Hey. It's nice to see you again."

"Huh? I don't know you." Pinagkunutan siya ng noo ni Lee. "This is the first time I saw you."

"No, this isn't."

"Sa Palawan niya tayo unang nakita," sabad ko, ang masamang tingin ay na kay Eerah Anitha. Nagtataka akong nilingon nina Lee at Tob. "Sa Palawan ay pinalampas kita dahil akala ko ay hindi ko na makikita ang pagmumukha mo. May coincidence ka pang nalalaman, sinusundan mo naman pala ako."

"Because I like you"

"Hey!" awat naman ni Tob. "'Wag mong guluhin ang kaibigan namin. Please."

"Hi, cutie!" Akmang hahaplusin ni Eerah Anitha ang pisngi ni Tob ngunit mabilis nakaiwas ang kaibigan ko. Nakangisi siyang bumaling ulit sa 'kin at iginuhit ang hintuturo sa pisngi ko.

Mabilis kong tinampal ang kaniyang braso. "Don't touch me, I'm warning you!"

"Syempre, hindi sa Palawan ang una nating pagkikita, Deib Lohr," malanding tugon niya. Saka niya kami tiningnang isa-isa mula ulo hanggang paa. "We have seen each other before that." Pare-pareho kaming napamaang sa gulat. Hindi ko nagawang kumilos nang maglakad papalapit si Eerah Anitha sa akin at bumulong, "I want to taste your lips on mine again. See you around, baby." Hinawakan niya ako sa braso bago naglakad papalayo.

Ang namuo na kakaibang kaba sa dibdib ko ay ginawa akong estatwa. Hindi ako nakakilos. Maging ang paningin ko ay natuon sa kung saan habang nag-iisip. Paulit-ulit kong binalikan ang nakaraan, inaalala kung saan ko ito unang nakita. Ngunit nabigo ako.

"What the hell?" kunot-noong baling ni Tob sa 'kin. "You kissed her?"

"What? Wait, let me explain. She kissed me," diin ko. "It was an unwanted kiss."

"Who is she?"

"I don't know her!" singhal ko.

Tinanaw naming pare-pareho ang papalayo nang si Eerah Anitha. Hindi ko maipaliwanag ang takot. Malayo iyon sa takot na naramdaman ko na noon. Paulit-ulit kong sinabi sa isip na noon lang ako nakaramdam ng takot sa isang malanding babae. Hindi lang siya ang humahanga nang may kabaliwan sa 'kin. Pero siya lang ang nakalapit nang ganoon. Napakalakas ng loob niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.1M 32.1K 32
(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most...
8.1K 97 12
Frozen is a 2013 American 3D computer-animated musical fantasy-comedy film produced by Walt Disney Animation Studios and released by Walt Disney Pict...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.4M 291K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...