CHAPTER 27 - HER...
Nandito ako ngayon sa Gate, Tulala ako habang naglalakad
..
Sino si Danny?
Bakit nung oras na babarilin na ko ng lalaking tumutok sakin ay tinawag sya ni papa sa pangalang danny?
Di kaya... Danny ang pangalan nya?
Aishh!!! nakakainis! Dapat kasi hindi muna ako pumasok ng araw na yun eh! Edi sana natulungan ko sya! Edi sana buhay pa sya! Edi sana magkasama pa kami!
Sabay sipa ko sa isang bato.
Tanga ko kasi eh!
"Zap!"
Tsk! at sino naman ang tumatawag na yun
Agad ko syang hinarap..
Pero natigilan ako ng makita ko kung sino sya...
Mabilis nag flash ang mga alaala ko kasama sya...
Halos nanlambot ako at hindi makagalaw sa nangyari..
Para ring nanikip ang dibdib ko ng magtama ang mata namin.
Nagslow mo ang paligid at wala akong marinig na ingay.
Basta ang alam ko lang ay nakafocus ako sakanya.
"Z-zap"
Bumalik na lang ako sa ulirat ng marinig ko ulit syang nagsalita
"K-kent? B-bakit ka nandito? "
Tanong ko.
"Long time no see zap... I'm just here to see you and i just want to know if you're okay" kent
"I'm o-okay" sagot ko.
Bigla naman sumingit ang babaeng hindi familiar sakin
" hi ^_^ I'm jennifer Lapiz and...
I'm his girlfriend" atsaka nya in-offer ang palad nya para makipagshake hands sakin.
Pero napako lang ang tingin ko sakanya.
His... G-girlfriend?
Mabilis akong tumakbo para makaiwas sakanila...
Feeling ko kasi... Malapit ng tumulo ang mga luha ko...
Bakit kent? bakit ka pa nagpakita?
Tumingala ako para hindi tuluyang tumulo ang luha ko.
Kent Lanz Devouqe, my BOYFRIEND!
oo! tama ang nabasa nyo! Boyfriend ko nga sya!
3 years ang tinagal namin ni kent...at mahal namin ang isa't isa.
At..at nung malaman nya na isang akong gangster ay nakipag break na sya sa akin.
Gago talaga yung lalaking yun eh! ano bang meron kung isa akong gangster?
*sniff* *sniff*
Bakit ba masyadong big deal sakanya yun? *sniff*
Kapag ba isang gangster ang tao, hindi na karapat dapat na mahalin? *sniff*
Pwede namang gamitin ang pagiging gangster para iligtas sya ah *sniff*
Atsaka pwede namang itigil yun kung sasabihin nya ah *sniff*
Pero sa huli, na realize ko rin na, siguro ay hindi nya talaga ako mahal, kasi kung mahal mo ang isang tao, ano man ang pag iitsura nya, ano man ang pinanggalingan nya, ano man ang estado nya sa buhay, at kahit ano man sya... tatanggapin mo sya,.... kasi nga mahal mo sya.
Pero kung inaakala nyo na di pa ko nakamove on sakanya
F... Y... I...
Tama kayo huhuhuhuhuhu
oh sya.. stop with that nonsense topic! (punas sa luha)
Eto na ko ngayon sa Building namin.
Pagpasok na pagpasok ko ay sinalubong agad ako nila kat at jhay.
Nagtaka ako dahil sa magkakatumpok tumpok ang mga kaklase ko na tila may sarisariling grupo na nagkukuwentuhan.
Pagkaupong pagkaupo ko ay agad ko silang tinanong.
Magkakadikit din kasi kami eh
Si jhay nakaupo sa upuan ko, si kat hinila nya yung upuan nya at itinapat iyon sa upuan ko at ako naman, nakaupo sa desk ng arm chair ko.
"Uhmm aNong meron?" Tanong ko sakanilang dalawa.
"Di ka updated? Ipinalabas na yun sa news ah" kat
"Oo nga.. " jhay
"Ah kase...ano... Umalis kami eh.. Kaya di ko.. Di ko napanood yung news"
Haisst!! Kailangan ko pa tuloy magsinungaling!!
Pero parang totoo naman.Umalis naman talaga ako.
"Ah sige.. Ikukuwento ko na lang" jhay.
"Ako din ^__^ " kat
"G-geh" kinakabahan kong sagot.
"ganito kasi yan.. sabi sa news.. meron daw babae na nag maneho ng superbilis at umabot iyon ng 273 mph (439 km/h), unbelievable talaga zap" jhay
Babaeng nagmaneho ng..273 mph (439 km/h)?
hehehehe mukhang ako yata yun eh..pero malabo.
"oo tapos zap.. isa pa lang SSC Ultimate Aero ang gamit nya"
Confirm! ako nga yung sinasabi nya.
pero..
Pano nya nalaman na isa yung SSC?
"SSC? ah... hehe uhmm.. galing.. oo hehe. "
Ano ba yan.. ang hirap pa lang umacting na believe na believe ka kung alam mo naman na ikaw pala ang usap usapan sa loob ng classroom. oops.. sa news nga pala ibinalita.
Malamang usap usapan ako ng buong mundo
"waaaaaaaaaaaaah" (blink blink)
Ay gagi!
" bakit ka nasigaw?" kat
"nakakagulat ka naman" jhay
"anong sinisigaw sigaw mo dyan talunan ha?" kumag
Problema na naman ng kumag na toh?
Naku! manahimik ka dyan kumag ha! Nag iisip pa ko ng paraan kung bakit ako nasigaw eh
"Magsalita ka nga !"
"hello" walang gana kong sabi
"Ginagago mo ba ko? ang tanong ko kung ano ang sinisigaw sigaw mo dyan! tanga! ang sagot hello? hello! nasan yung utak mo?" kumag
Ang aga aga pina painit na naman ang ulo ko ng kumag na to eh!
"Alam mo? bago ka magsabi ng tanga sa kapwa mo? alamin mo muna kung isa ka rin bang tanga! kasi .. sabi mo magsalita ako kaya... sabi ko hello... diba nagsalita ako?"
"tss! whatever talunan ka pa rin" saad naman nya
"Wag ka na nga munang umepal! Nagkukuwentuhan pa kasi kami tungkol sa nagt-trending ngayon!" sagot ko naman
"Nagt-trending? what do you mean? yung girl na may SSC?"
"oo...."
"Well if you DON'T KNOW ako ang kasama nya sa sasakyang yan"
'whoa!!!'
'talaga? ang swerte naman '
'Anong swerte dun? nakakatakot kaya!'
Dinig kong sabi ng mga kaklase ko
at..proud ka pa na ako ang kasama mo ha...
(smirk)
"Talaga? So anong ginawa mo buong byahe?"
sige... anong isasagot mo ha?
"N- Nagkwentuhan kami,.. bakit?"
"Nagkukwentuhan? ahahahahahahahahahahahahaha wahahahahaha wahahahhahaha patawa ka din noh?? ahahahaha"
Nagkwentuhan lang daw kami ahahahahaha .. eh humiyaw nga lang sya ng humiyaw buong byahe eh
"hahahahahahahaha"
Alam nyo? nagtataka na ko ngayon pero tuloy lang ako sa kakatawa.
Lahat ng kaklase ko ay nagsibalikan na sa kanya kanyang upuan , maging si kumag pero ako? eto tawa ng tawa ahahahahahha ikaw ba naman, maalala mo yung mga epic na mukha ni zhen? tatawa ka rin ng tatawa!
*blaag!!*
"MS. KURSHWELL! YOU MAY NOW LEAVE!!!"
(Blink Blink)
B-bakit? anong ginawa ko?
--------
Wag po kalilimutang mag vote :)
Free pong mag comment
At follow nyo rin po ako hehehe plzz