Class 2 - 3 | Tagalog Story

By hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... More

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Tired
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Smart One
Top 1
Lost Memory
Dancer
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Angelic Voice
Cracked Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Lies
Truth Hurts
Funny One
Happy Day
Lonely
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Sporty

51 1 0
By hwangeunbb

{Naglaho na din si Mika. Yung kaluluwa naman niya ang nakulong sa loob ng salamin na pagmamay-ari ni Mr. Norman. Sino naman kaya ang susunod na biktima ni Mr. Norman?}

Jahz' POV.

Sabay kaming napapikit ni Izza dahil sa biglaang pagliwanag ni Mika. Napakasilaw baka pagdumilat kaming dalawa mabulag pa kami. Nung napansin naming nawala na yung liwanag. Dahan-dahan na kaming dumilat pero nanlaki yung mga mata ko nung hindi ko na nakita si Mika.

"Izza. A-asaan na si Mika?", Patingin ko kay Izza. May pinulot siyang isang candy tapos humarap siya sa akin.

"Siguro... k-kay Mika 'to. Wala na Jahz. Naunahan nanaman tayo... wala na si Mika.", Ano?! Hindi. Hindi pwede 'to.

"Hindi. B-baka nasa paligid lang siya. Baka pagpikit natin tumakbo siya. H-hindi lang natin siya namalayan.", Lumapit sa akin si Izza. Hinawakan niya yung balikat ko.

"P-pag nawala na sila diba may naiiwan silang mga bagay. Eto na yun... yung kay Mika candy edi ibig sabihin wala na nga si Mika.", Agad akong lumuhod.

"Hindi ko nanaman nagawang iligtas ang isa sa mga kaklase nating babae.", Nilapitan ulit ako ni Izza.

"Tama na. Siguro... eto na yung huli. Halikana magpahinga na lang muna tayo.", Tumingin ako kay Izza.

Tinulungan niya akong makatayo. Pagkatapos sabay na kaming naglakad. Ewan ko kung may susunod pang biktima si Mr. Norman pero... tingin ko hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Pumunta kami ni Izza sa may volleyball court. Sakto pagpunta namin doon may laban.

Yung team ni Ella at yung team ni Sheena. Sila talaga yung dalawang team na magkalaban dito sa school pero ang sinusuportahan naming dalawa ni Izza palagi ay ang kaklase naming si Ella. Alam kong magagawa niyang talunin yung team ni Sheena.

Nagsimula na yung game. Seryoso lang kaming nanonood ni Izza. Pinagmamasdan ko yung mga kilos ni Ella. Teka nga p-parang may mali. Pilit na sinasalo ni Ella yung bola nang mag-isa. Uy Ella may mga kateammates ka. Maglaro ka ng kasama sila.

"Tsk tingin ko matatalo nanaman sila Ella ngayon.", Napatingin sa akin si Izza.

"Huh? Bakit naman?", Tumingin din ako sa kanya.

Tingnan mo nang mabuti yung kilos ni Ella. Hindi niya hinahayaang makatira yung mga kateammates niya. Siya lang yung mag-isang nakikipaglaban sa team nila Sheena. Kaya tingin ko matatalo sila dahil sa ginagawa ni Ella.", Sabay kaming nanood ulit nang seryoso.

"Uy tama ka nga.", Sabi ko sayo eh.

Lahat ng tao sa volleyball court pati kami ay sabay sabay na nagulat nung biglang bumagsak si Ella. Ella! Hala ok lang ba siya?

Ella's POV.

Aray! Ano ba yan?! Hindi kami pwedeng matalo ulit ngayon. Parati na lang yung team nila Sheena ang nananalo. Kailangan ngayon kami naman ang manalo kaya gagawin ko ang lahat para hindi kami matalo. Nilapitan ako ng mga kateamates ko para tulungan akong tumayo.

"Wag kayong lumapit. Kaya ko. Kaya kong tumayo!", Dahan-dahan akong tumayo. Aray! y-yung braso ko!

Hindi. Hindi dapat ako nakakaramdam ng pagsakit ng katawan ngayon. M-may laban pa kami. Kailangan ko tong tapusin ng kami ang nanalo.

"Ok na ako! Teammates puwesto na kayo!", Woo... kaya mo 'to Ella. Alam kong kaya mong talunin sila Sheena.

Sa pagkakataong 'to, si Sheena ang titira. Tsk wala yang kwenta. Nung tumira na siya. Sinundan ko ng tingin yung bola. P-papunta sa akin yung bola. H-hindi ko dapat 'to mamissed. K-kailangan kong matira 'to. One... Two...

Jahz' POV.

Papunta kay Ella yung bola. B-bat parang wala siya sa sarili? Tinititigan lang niya nang mabuti yung bolang papunta sa kanya. Ano ba?!

"Ella! Mag-ingat ka!", Sigaw ko.

Lahat ulit ng mga taong nanonood sa volleyball court pati na din kami ni Izza ay sabay sabay na napatayo at nagulat nung tumama sa ulo ni Ella yung bola at napansin naming lahat na nawalan siya ng malay. Bigla na lang siyang napatumba.

Tsk ano bang nangyayari sa kanya?

Ella's POV.

Aray ko! A-ang sakit ng ulo ko! A-ano bang nangyari sa akin?! Dahan-dahan kong dinilat yung mga mata ko. A-asaan ako? Pagtingin ko sa gilid ko. Nakita ko agad yung mga kateammates ko.

"Ella. Buti naman nagising ka na. Kamusta na yung pakiramdam mo ngayon?", Dahan-dahan akong bumangon.

"A-ano bang nangyari? B-bat wala na tayo sa court? Kailangan nating bumalik doon m-may laban pa tayo.", Kailangan nating matalo sina Sheena.

"Nandito ka ngayon sa clinic. Natamaan ka ng bola sa ulo kanina kaya nawalan ka ng malay tapos biglang pinatigil ni Sheena yung laban. Sabi niya hindi niya itutuloy yung laban dahil wala ka.", Nakaramdam ako ng galit.

"Grr nakakainis talaga yung babaeng yun! T-talagang gusto niya tayong matalo parati. Pero hindi! Hindi ko hahayaang parati na lang niya tayong tatalunin. Kailangan nating makipaglaban ulit sa kanya. Kailangan natin silang talunin!", Tumayo na ako pero parang walang narinig yung mga kateammates ko.

"Ano pang hinahantay niyo jan? Hali na kayo kalabanin ulit natin sila!", Mga bingi ba kayo?!

"Ella. Tingin ko wag muna ngayon. K-kailangan mo munang magpahinga. Sa laro natin kanina... halos ikaw na lang yung umaangkin ng bola. Sa maikling salita, parang ikaw lang yung nakikipaglaban sa kanila.", Nakasimangot akong tumingin sa mga kateammates ko.

"Hindi 'to panahon para magpahinga. Kailangan na natin silang labanan.", Bilis na!

"Hindi. Kailangan mong magpahinga. Hindi namin hahayaang masaktan ulit yung team leader namin kaya magpahinga ka muna ngayon. Tapos bukas kung gusto mo talagang makipaglaban ulit sa kanila Sheena. Sige, lalaban tayo. Pero ngayon, hindi pwede. Magpahinga ka muna.", Aaahhh! Iniinis niyo ako!

"Bahala kayo sa mga buhay niyo! Kung ayaw niyo akong samahan. Edi wag! Ako na lang mag-isa ang lalaban.", Grr naiinis na ako! Makalabas na nga dito.

Jahz' POV.

Pagkatapos ng laro. Nagpasya kami ni Izza na bumalik na muna sa classroom. Doon na lang namin itutuloy yung pagpapahinga naming dalawa. Habang seryoso kaming naglalakad bigla kaming napadaan sa gym. Sabay kaming napahinto sa paglalakad nung makita namin si Ella sa loob.

Kakagaling pa lang niya sa clinic nagprapractice agad siya. Tsk hindi talaga marunong tumanggap ng pagkatalo si Ella. Mapuntahan nga muna siya.

Pagpasok namin bigla niyang nabitawan yung bola. Uy nagulat siguro.

"Ella. Bat nagprapractice ka? Dapat nagpapahinga ka muna ngayon diba? Kakagaling mo palang sa clinic.", Kinuha niya ulit yung bola.

"Hindi ako pwedeng magpahinga. Kailangan kong magpractice pa para sa susunod na laban namin ni Sheena kami na ang manalo.", Si Sheena nanaman.

"Edi maglaban tayong dalawa. Kung gusto mo talagang magpractice. Maglaban tayo.", Sabi ni Izza kay Ella.

"Seryoso ka ba, Izza?", Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Oo nman. Ano Ella, payag ka?", Biglang binato ni Ella yung bola kay Izza.

"Hmm. Sige ikaw ang unang magserve", Tumingin sa akin ulit si Izza.

"Ikaw Jahz. Gusto mo bang sumali?", Wala akong alam sa sports my goodness.

"Hindi. Ok na ako na tagapanood lang. Galingan mo!", Hmm. Tagapanood lang talaga ako.

Puwesto na sila Izza at Ella kaya umupo lang ako sa gilid nila. Tagapanood nga lang ako diba? Basta sa laban ngayon, kay Izza ako.

"Sige na. Magstart na kayo.", Muhkang magiging maganda yung laban na 'to.

Nakangiting sinerve ni Izza yung bola. Hanggang sa nag-umpisa na yung laro. Wow! Halos walang palya-palya yung laban nila. Tuloy-tuloy yung pagpapasahan nila ng bola. W-walang pumapalya. Tumingin ako kay Izza. Mukha namang masaya siyang naglalaro.

Pagtingin ko naman kay Ella napansin ko na parang napapagod na siya. Kakahabol kung saan mapunta yung bola. Talaga bang ok lang siya? Hindi kasi 'to marunong magpahinga eh kaya yan napapagod na.

Napatayo ako nung hindi nasalo ni Ella yung bola. Woo! Panalo si Izza!

"Yes! Oh ano Jahz ang galing ko diba?", Nginitian ko na lang si Izza.

Pagkatapos agad akong lumapit kay Ella. Tutulungan ko lang siya. Bigla siyang napaluhod eh. Nakaramdam na siguro ng pagod. Lumapit ako sa kanya.

"Ella. Halika tutulungan kita. Napansin ko na sobrang pagod ka na habang naglalaban kayong dalawa ni Izza. Tingin ko kailangan mo talagang magpahinga ngayon.", Nung tutulungan ko na siya. Bigla naman siyang tumayo nang mag-isa.

Hala anong nangyari dito? Beastmode? Natalo ka lang ni Izza galit ka nanaman?

"Tsk nakatyamba lang yang bestfriend mo.", Pagkatapos niyang magsalita. Nagdadabog siyang naglakad palabas ng gym.

Anong nangyari doon? Lumapit sa akin si Izza.

"Anong nangyari doon kay Ella? Kanina lang maganda yung mood nun ah. Natalo ko lang naging ganun na.", Tumingin ako kay Izza.

"Hindi lang talaga siya tumatanggap ng pagkatalo.", Yan si Ella.

Ella's POV.

Tsk nakatyamba lang talaga kanina si Izza pero yung totoo kayang-kaya ko siyang talunin. Grr ano bang nangyayari sa mga kamay ko?! M-mukhang nanghihina na. Hindi. Hindi ako pwedeng magpahinga. Kailangan ko pang talunin si Sheena.

Nung maglalakad na sana ulit ako biglang may humawak sa balikat ko. My goodness, sino yun?! Agad akong napalingon sa likod ko. S-si Mr. Norman.

"Ella. Pwede bang sumama ka muna sa akin? Gusto kitang kausapin sa loob ng counseling room. Come on, follow me.", K-kakausapin niya ako?

Sabay kaming naglakad ni Mr. Norman papunta sa counseling room. Bat kailangan pang sa counseling room kami mag-usap? Pwede naman dito na lang sa labas. Tsk pagdating namin sa counseling room. Ako ang unang pinapasok ni Mr. Norman.

G-ganito pala yung itsura ng counseling room. A-ang linis sa loob. Siguro parating nililinis ni Mr. Norman yung mga bagay dito. Ang sipag naman niya.

"Ok. You may take your seat.", O-ok.

{Ano nanaman kaya ang sasabihin ni Mr. Norman sa bago niyang biktima na si Ella? ABANGAN.}

-End of Chapter 31-

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
15.7K 387 33
My relationship begins with a crush An Epistolary story Start: 5/6/22 End: 5/26/22
128K 2.3K 48
Summer Song, isang boring at pag-aaral-lang-ang-buhay na babae. Isang babaeng naranasang masaktan sa kauna-unahang lalaking minahal. Isang babaeng hi...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)