A Whisper of the Heart - COMP...

By kristiannevivien

1M 14K 2K

He was wide awake but right at that moment he knew he was standing in front of his worst and biggest nightmar... More

A Whisper of the Heart- A/N
A Whisper of the Heart - Synopsis
Chapter 1: The Best First
Chapter 2: Something called Destiny
Chapter 3: Last Shot
Chapter 4: Hezekiah
Chapter 5: A Moment to Remember
Chapter 6: Perfectly Unperfect
Chapter 8: The Grant of Time
Chapter 9: Only for her
Chapter 10: A Glimpse of Heaven
Chapter 11: How it's said.
Chapter 12: The art of breaking him (part 1)
LOVE LETTER FROM ME TO YOU. =)
Chapter 13: The art of breaking him (part 2)
Chapter 14: Keeping a promise
Chapter 15: Something Old, Something New
Chapter 16: Within a divided heart
Chapter 17: Laws of cause and effect
Chapter 19: Three of a Perfect Pair (PART 2)
Chapter 20: Day and Night
Chapter 21: Your hand in mine
Chapter 22: A moment in a day, A lifetime in my heart
Chapter 23: A Gap in Time
Chapter 24: Wings
Chapter 25: A Eulogy for Venice
Chapter 26: Watch and Wait
Chapter 27: Sadder than Sadness
Chapter 28: Venice's Whisper
Chapter 29: Miracles and Happy Endings
Chapter 30: A Whisper of the Heart - END
AWOTH SPECIAL 1: A Whisper to His Heart
AWOTH SPECIAL 2: A Whisper to His Heart
AWOTH SPECIAL 3: A Whisper to his Heart
AWOTH SPECIAL 4: A WHISPER TO HIS HEART ENDING
A Whisper Of the Heart: UNTIL YOU

Chapter 18: Three of a Perfect Pair (PART 1)

19.7K 312 29
By kristiannevivien

 

    “Ano ‘to?”

      “Kadena.”

     Nagtatakang itinaas ni Venice ang kamay niya sa ere. Ang mga mata niyang nagtatanong tutok sa “kadenang” maganda sa palasingsingan niya. Pasimpleng nilagay noon ni Heath ang hugis rosas na singsing kanina ng sinundo nila si Hezekiah. Nagulat na lang si Venice ng hilain ni Heath ang kamay niya at kung may anong bagay na isinuksok doon. Noon lang siya nakakita ng ganoong klaseng singsing sa tanang buhay niya.

      “Kadena?” Mahinang ulit niya habang nabibighaning tinignan niya ang kadenang tinutukoy ni Heath. “Eto yung hinahanap mo kanina sa drawer?”

      “Oo. Para hindi ka na makawala.”

     Venice blinked hard to process the logic.

      “Asa ka naman.” Heath immediately brushed his joke away. “Props yan sa teleserye. Naiuwi ko kahapon. Huwag mong iwawala. MAHAL 'YAN. Wala akong perang pambili ng kapalit niyan.”

     Nanlaki ang mata ni Venice ng binulong ni Heath ang presyo ng singsing.

      “Sira! Tapos ipapasuot mo!” akmang hihilain na ni Venice ang singsing ng pigilan ni Heath ang mga kamay niya.

     Inikot ng marahan ng mga daliri ni Heath ang singsing na nawala sa pagkakaayos nito.

      “Sakto naman ang sukat kaya siguradong hindi mo naman mawawala yan.”

     Napatingin si Venice kay Heath sa ilalim ng muhka nito. Hindi niya alam pero parang laan sa kanya talaga ang singsing na iyon. Ayaw naman niyang pahintulutan ang sariling isipin na baka binili talaga iyon ni Heath para sa kanya. Kung binili nga iyon ni Heath—

     Napailing si Venice sa tinatakbo ng isipan niya. Bago pa siya mag-isip ng kung ano, muli, sinubukan niyang tanggalin ang singsing. Lumilipad ang utak niya sa literal na bigat ng singsing at sa mas higit pang bigat na dulot ng palaisipan kung sa kanya nga laan ang singsing na iyon.

      “Tsk.” Sita ni Heath. “Mag-iisip pa! Isuot mo na. Para naman hindi masabi nina Mama na wala akong paninindigan. Isipin mo na lang na pananggalang natin ito sa mga tanong nila para sa hinaharap natin. Alangan namang sabihin natin na maghihiwalay tayo ng landas?”

     Napatango si Venice. Tama nga si Heath. Hindi din niya alam ang sagot kung sakali mang may magtanong. Kapag nakita nila ang singsing kusang gagana ang utak ng mga kamag-anak ni Heath at sila na mismo ang pipinta ng hinaharap.

     Human logic simply tells that a ring means a promise of forever.

     Something they can’t afford.

      “Anting-anting ang peg?”

     Tumango si Heath ng nakakaloko at inulit nito ang sinabi niya. “Anting-anting.”

      “Wow. Props to? Oy! Baka pwet lang to ng baso ha? Niloloko mo naman ako. Tunay to? Ang swerte naman ng partner mo sa teleserye. Ganda ng singsing mo para sa kanya.”

     Heath smiled at her briefly and pivoted towards Hezekiah who just came out of the other room.

     Binuhat ni Heath si Hezekiah na muhkang mabangong tignan pagkatapos nitong mabihisan ng lola nito. Napasulyap ito sa baba ng hagdan kung saan sila nakapwesto ng mga oras na iyon at tahimik na napayakap sa leeg ni Heath. Tulad ng ibang bata takot ito sa dami ng taong hindi niya kilala sa ibaba ng bahay ni Heath.

      “Hezekiah.” Sinilip ni Venice ang anak. “saludar a la abuela, tia, tio, y primo cortesmente. Si?”

 

      “Si.”

 

      “Ah! Alam ko sinabi mo.” Tuwang-tuwa si Heath habang pababa sila ng hagdan pagkatapos marinig ang sinabi ni Venice. Natatawang binalingan ni Venice si Heath kahit kinakabahan siya habang palapit sa mga tao sa ibaba.

 

      “Ano naman?”

 

      “Abuela. Lola yun. Tiyo. Tiya. Chu chu chu. Si. Oo yun diba?! Aminin mo isa akong henyo.”

 

      “Galennng!” pang-aasar niya kay Heath na mababaw ang kasiyahan. Bumulong pa siya kahit rinig nito. “Para dun lang henyo na? Agad-agad?.”

 

     Tinignan siya ni Heath na bilib na bilib sa sarili. Naalala tuloy niya na nahuli niya ito minsan na nag-aaral sa cellphone nito ng salitang espanyol. He was really making an effort to learn Spanish. Maya-maya may ipapasikat pa sana ito pero tumigil bigla. Walang anuman na lumipad ang libre nitong kamay sa bewang ni Venice.

 

     Venice felt her feet leave the floor as Heath lifted her towards him. Her hands flew towards Heaths broad chest for support.

 

     Nanghihina ang tuhod niya habang pasimpleng bumulong ito sa ibabaw ng tenga niya.

 

 

      “Si Mama.”

 

 

     Venice’s eyes didn’t need to wander since she saw Heath’s mother on her peripheral. Nakatayo ito sa ibaba ng hagdan. Pasimpleng itinungkod ni Heath ang noo sa noo ni Venice bago siya nito iginiya patungo sa mga huling baitang ng hagdan. Pakiramdam ni Venice nasa huling hantungan na siya.

 

     Heath passed Hezekiah strategically to Venice and embraced his mother tightly.

 

     Pinalo naman ng mama ni Heath ang braso ng anak nito.

 

 

      “Ma!” hinaplos ni Heath ang braso nitong namula agad.

 

    

      “Sa TFC ko pa malalaman na may apo na ako!”

 

 

     Lumipad ang mata ni Heath sa anak niya na hindi mahilig sa mga bayolenteng tao. Busy ito sa panunuos sa ibang batang nagtatakbuhan sa loob ng bahay.

 

      “Ma, ingat ka. Bawal ang mga bayolenteng tao dito sa bahay. Ayaw ng anak ko na nakakakita ng nag-aaway.” Sita ni Heath sa mama nito.

 

     Doon lang dumapo ang mapanuring mata ng mama ni Heath sa dalawa pang tao na nakatayo doon, si Venice at Hezekiah.

 

     Binulungan ni Venice si Hezekiah saglit. Bumaba naman si Hezekiah at maingat na inangat ng maliliit nitong daliri ang kulubot ng kamay ng lola nito para magmano.

 

 

      “Me IIamo Hezekiah.”

 

 

     Napatikhim naman ang mama ni Heath at nag-iwas ng tingin sa bata.

 

 

      “Mahilig bas a chocolate ang batang ito?”

 

 

     Alam ni Venice na sa kanya patungkol ang tanong na iyon. Somehow it was her way of trying to get rid of the awkwardness and to start a conversation with the one who bore her grandchild.

 

 

      “Opo!” mabilis na sagot niya. Hindi niya napigilan ang pamamasa ng mga mata niya. Heath’s mother no doubt fell in love with her grandchild in an instant. She didn’t ask for the paternity just like Heath. And most importantly she didn’t throw a single look of disdain nor did she hear a hint of disgust in her voice towards Hezekiah or her.

 

      “Hezekiah, abuela comprar chocolate para usted.” Masayang balita niya sa anak na hindi pa rin biibitawan ang kamay ng bagong lola nito. Kinusot niya ang ulo ng anak na agad nakitaan niya ng interes ng mabanggit niya ang salitang chocolate.

 

      “O. Baka mamaya sa TFC ko na naman malalaman na ikakasal na kayo?” makahulugang sabi nito ng masipat ng mapanuri nitong mata ang singsing na suot ni Venice. “Let me just say this once and for all.”

 

 

      “I will skip the lecture part since it’s already done. By done I suppose you know already what it means. Pasalamat ka Heath at hawak ni Hezekiah ang kamay ko kung hindi baka kung anong magawa ko sayo. Ganito na ba ang mga kabataan ngayon? Kapag may anak na saka lang magpapakasal?” Sabi nito ng mahinahon sa harap ng apo nito. Nakayukong pinakinggan nina Heath at Venice ang pangaral ng nakakatanda. “Madaming tao kaya pasalamat ka talaga Heath.”

 

 

      “Venice. It’s good to have you back. I’ll be honest. I don’t hate you but I don’t like you also. Understand this kind of thinking without feeling hurt. Unang tingin ko pa lang noon sayo alam ko ng kukunin mo ang anak ko sa akin. At dahil may Hezekiah ka na, pagdating ng panahon maiintindihan mo din ako. Fine… I am thankful for giving me an opportunity to be the grandmother of this beautiful boy. ‘Di bale, tatanda ka namang kasama ng angkan naming kaya madami ka pang oras para patunayan ang sarili mo sa akin. We’ll have an endless game of tug wars”

 

 

     Hindi alam ni Venice kung sasagot siya sa mama ni Heath dahil wala siyang karapatang makatanggap ng isang pangmatagalang hamon mula dito. At the back of her mind Venice was so thankful since her words were coated with warmth that it made her chest hurt.

 

 

      “Ma. Are you trying to scare her out of this family? Parang nagbabanta ka.” Heath teased his mom but was just ignored by the latter who baby talked to Hezekiah about chocolates. Tumango-tango lang si maliit, halatang nabili na ito ng chocolate ng lola nito.

 

 

      “Ma. Espanyol ang anak ko.” Proud na sabi ni Heath.

 

 

      “Alam ko mag-espanyol. Panahon namin e hindi English ang tinuturo. Espanyol.” Umirap ito. “E kung sinimulan mo na kayang pakilala si Venice sa mga kamag-anak natin?”

 

 

     Nalulula si Venice sa mga sumunod na pangyayari.

 

     Heath twisted and turned her to and fro corners as they met each of his family who warmly greeted her. Everyone was modest enough to even ask about what transpired when she left Heath. All of them abundantly blessed her with their own welcoming strategies: a smile, a hug, a kiss, a handshake… Each connection brought a gnawing feeling of giving up everything just to have this kind of family. The idea of having gatherings like this every year felt whimsical.

 

     If only…

 

 

     Naramdaman ni Venice ang bahagyang hapit ni Heath sa bewang niya.

 

 

      “Wag kang mag-alala, si mama lang ang nagtratransform at nagiging dinosaur pag nagagalit. Lahat kami mababait. O? Ano? Gusto mo nang mapasama sa pamilya ko?”

 

 

     He smiled broadly as he searched her face for an answer. His brows lifted playfully as he teased her.

 

      “O-“

 

     Sasagot na sana siya ng pabirong oo ng biglang may humablot sa kamay ni Heath.

 

     Akala ni Venice namamalikmata lang siya noong una, para kasing anghel na bumaba sa lupa ang tumabi sa kanila.

 

     She wore a fashionable floral orange dress paired with accessories fit for princesses, her lustrous hair braided softly to the side, and her bright smile almost blinding Venice.

 

     Pakiramdam ni Venice nakita na niya ang kamag-anak na ito ni Heath dati, siguro sa mga magazine, o sa poster, o sa billboard, o baka sa telebisyon. Nanliit na napaatras siya dahil sumikip ang malaking bahay ni Heath ng mga oras na iyon. Next to that woman she looked dead and lifeless. Kung anong kinang nito ay siya namang kupas niya. Her hand unconsciously tried to fix the clothes she wore unfashionably while the other one ran slightly to her coarse short hair.

 

     Heath for a moment failed to recognize her but when he did his hands which teased and lovingly held her all that time immediately left that small place at her back in a snap.

 

     Parang slow motion na nakita at naramdaman ni Venice na nawala ang pagkakahawak ng kamay ni Heath sa kanya habang binalingan nito ang bagong dating na bisita. It must be her imagination but she saw how the lady’s hand claimed both of his hands and slightly pulled them away from her.

 

     For a fleeting second the woman’s eyes flickered and locked with Venice’s gaze. Venice felt a gut feeling that somehow she took something that belonged to someone else.

 

     Venice forgot how to exhale as she recognized who the woman was.

 

 

      Bakit ba hindi niya ito nakilala agad?

 

 

     Venice’s hand flew to her back in an attempt to hide both of it.

 

     Her left hand sheltered her right hand and hid the make believe ring that fitted perfectly on her. She squeezed tighter in a desperate attempt to prolong its stay on her finger for a little longer. Something she did not own. Something she can never own. Something that was really meant for someone else…

 

And that woman was standing in front of her.

 

Her name was Lizbeth Soberano.

 

The woman who took what she left behind.

 

And from where Venice was standing she saw something else.

 

This was also woman who will eventually and inevitably take everything that she’ll leave behind.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

__________

 

September 20, 2013

A/N:

Guys, SALAMAT NG MADAMI! =) KAYO NA ANG MASYADONG SUPPORTIVE.

I’ve seen how you’ve empathized with A Whisper of the Heart’s OTP. I do too. Whoooo otor(jeering to myself) sumusobra ka na!

Naalala ko yung sabi ni ate moulan(ang ate ko dito sa wattpad) na hindi para sa mga weak heart ang A whisper of the Heart. Pero ba’t sa bawat update feeling ko ako yung may mahinang puso? kayo ba?

See you sa part 2 ng chapter na ito.=) THANK YOU!=)

BLESSED WEEKEND GUYS! 

CIAO!

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 187 14
Will Eris love Eros forever or she'll choose to give up? Will Eros love her back or she will stay as his Unwanted Girlfriend Eros and Eris Story.
65.6K 1.5K 38
Cyan, Maxine, and Lorraine were three young students who decided to transfer to a new school, where they will encounter five individuals who profound...
1.6K 93 29
PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE ~•~•~ Wicked Writers Series ~•~•~ Athanasia, a thriller writer, is known under the pen name "Infinite Ink,"...
6.7K 1.4K 39
COMPLETED|UNEDITED because of voice they meet, it's called destiny or just an accident? do they have happy ending? or just an end? Start: December 6...