The Wife And The Mistress

By iamsograce

190K 2.4K 181

Love is one of the best thing that can happen to your life. But what if one day, it will only destroys your l... More

Chapter 1 -- The Rose
Chapter 2 -- Moving Closer
Chapter 3 -- Falling from Cloud Nine
Chapter 4 -- Escaping The Past
Chapter 5 -- Dissemble
Chapter 6 -- Photographs
Chapter 7 -- Dangerously In Love
Chapter 8 -- Secret Valentine
Chapter 9 -- The Great Escape
Chapter 10 -- Instinct
Chapter 11 -- Hurt Me With A Lie
Chapter 12 -- Hide And Seek
Chapter 13 -- Saving A Broken Heart
Chapter 14 -- Unveiling The Truth
Chapter 15 -- End Of The Road
Chapter 16 -- Wife's Distress
Chapter 17 -- The Hostile
Chapter 18 -- Perks of being a Martyr
Chapter 19 -- Heavily Broken
Chapter 20 -- Suicide Love
Chapter 21 -- Lost Star
Chapter 22 -- Crossing The Finish Line
Chapter 24 -- Close to the End
Epilogue

Chapter 23 -- The Fall of the Quean

6.6K 106 19
By iamsograce

Nasa Ospital na din si Ayen. Agad siyang pumunta nang matanggap ang tawag ni Ervic. Pilit nilang pinapa kalma si Natalie. Buhat kasi ng magising ito at nalamang nalaglag ang kanyang dinadalang baby ay nagwala na ito. Ayaw niyang maniwala na nawala na nga ang kanyang munting anghel. Kaya pati tuloy si Ayen napapaiyak sa kalagayan ng kapatid.



Ni hindi na nga nagawang puntahan ni Ervic ang kanyang anak na nasa kabilang kwarto. Pero sinabi naman sa kanya na okay na ang anak. Pero higit na mas kailangan siya ngayon ni Natalie.


"You're all lying. Hindi ako naniniwala sa inyo. Hindi pa patay ang baby ko. Hindi siya patay, hindi, hindi, hindi." Pilit na sabi niya kina Ayen at Ervic.


Pilit na niyayakap ni Ervic si Natalie habang hawak nito ang kanyang mga kamay. Pero pilit siyang itinatapos ni Natalie. Hindi pa niya kasi matanggap ang mga nangyari.


"Natalie, your little angel won't be happy seeing you behaving like this." Iyak na sabi ni Ayen sa kapatid.


"Mga sinungaling kayo, sinungaling kayo. Hindi nalaglag ang baby ko. Hindi. Hindi." Tumingin siya kay Ervic. "Ervic, sabihin mo buhay pa siya diba? Hindi naman siya nalaglag diba? Diba?"


Hinaplos ni Ervic ang likod ni Natalie. "Natalie, kailangan mo ng tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanang wala na ang anak natin. Masakit, pero kailangan tanggapin." Sabi ni Ervic kay Natalie.



Pilit pa ring umiiling si Natalie. Nang dumating ang isang Nurse dala ang injection. Laman no'n ay pampa sedate na gamot, para kumalma si Natalie. Agad namang 'yong itinurok ng Nurse at umalis na rin agad.


"Sinungaling ka, sinungaling ka. Galit ako sa'yo, galit ako sa'yo."


Pilit pa ring niyayakap ni Ervic si Natalie. Kahit na itinatapos siya nito. "Natalie, hindi lang naman ikaw ang nawalan. Masakit din sa'kin ang mga nangyari. Kaya sana tanggapin mo na ang katotohanan."


Dahan-dahang pumasok sa loob ng kwarto si Carlyn. Umiiyak din ito. "Na-Natalie." Napatingin ang tatlo sa kanya.


"Ano'ng ginagaw mo dito?" Inis na tanong ni Natalie. "Umalis ka dito, umalis ka. Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari 'to. Ikaw."


Papalapit ng papalapit si Carlyn sa kama ni Natalie. "Patawarin mo'ko. Patawarin mo'ko. Hindi ko sinasadya, hi-hindi ko alam ang kalagayan mo."


"Wala na ang baby ko, wala na." Patuloy na hagulgol ni Natalie.


Patuloy naman ang paghingi ng tawad ni Carlyn kay Natalie. Batid niyang kasalanan talaga niya ang nangyari. Kung bakit nawala ang anak ni Natalie. Aminado siyang lalo siyang nasaktan nang malamang nagdadalang tao si Natalie, gusto man niyang magalit ay hindi na niya magawa. Dahil mas nangingibabaw ang guilt at awa niya para kay Natalie. Mas masakit ang nangyari kay Natalie. Nawalan ito ng anak. Lalo siyang naawa nang makitang nagwawala si Natalie at hindi matanggap na wala na ang baby nito.


Hanggang sa tumalab na nga ang gamot kay Natalie. Unti-unti siyang kumalma at nakatulog na. Nakatulog siyang nangingilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.


Naging mahaba ang gabing 'yon para sa kanila. Ni hindi na nga nakatulog si Ervic dahil sa kakaisip at pag aalala kay Natalie pati na rin sa kanyang anak na si Nicko.


Nagising si Natalie na tanging si Ervic na lang ang nando'n sa loob ng kwartk at wala na ang kanyang Ate. Namumugto ang kanyang mga mata at hindi pa rin mag sink-in sa kanya ang mga nangyari.


Hinawakan niya ang kanyang tiyan at muli na namang napaiyak. Gano'n ba talaga ako kasama, para mangyari sa'kin ang lahat ng ito? Ito ba ang kapalit sa pang aagaw ko kay Ervic? Kung gayon ayoko na. Ayoko ng may mawala na namang isang buhay dahil sa mga kasalanan ko. Humagulgol na naman ulit siya.


Lumabas na rin ng Ospital si Natalie nang araw ding 'yon. Sumama si Ervic sa paghatid kay Natalie pero hindi na siya sumama sa loob ng bahay. Hindi naman siya pinilit ni Natalie. Hanggang ngayon kasi wala pa sa mood si Natalie at matamlay pa.


Saka lang nalaman ni Natalie na muntik na rin palang ma Ospital ang Dad niya kagabi nang malaman ang nangyari sa kanya. Buti na lang at nakainom agad ito ng gamot pero sumisikip parin ang dibdib ni Mr. Ortega, nag aalala kasi siya sa kanyang anak. Kaya pala hindi na sa Ospital natulog si Ayen ay dahil binantayan niya ang kanyang Dad.


Eventually nagka ayos-ayos na din sina Natalie at ang kanyang Ate at ng kanyang Dad. Humingi siya ng tawad sa mga kasalanan at mga nagawa niyang mali. At may ipinangako siya sa kanyang Pamilya na gagawin talaga niya.


Simula ng mangyari ang lahat ng gabing 'yon, pinalayas na pala ni Carlyn si Ervic sa kanilang bahay pati na rin sa kanilang buhay. Wala na din itong pakialam kung magsama nang tuluyan sina Natalie at Ervic. Tanging si Nicko na lang ngayon ang importante sa kanya.


Nangungupahan na lang ngayon si Ervic sa isang maliit na kwarto. Halos isang linggo na rin silang walang komunikasyon ni Natalie buhat nang mangyari ang insidenteng 'yon. Hinayaan na lang muna ni Ervic si Natalie na magpalamig. Batid nitong hanggang ngayon ay unti-unti pa ring tinatanggap ni Natalie ang mga nangyari. Masakit din naman sa kanya ang nangyari, siya ang Ama ng bata kaya nasaktan din naman siya.


Nang sa wakas ay tinawagan din ni Natalie si Ervic at niyayang magusap sila. Pinili ni Natalie na sa park na lang sila magusap na dalawa para mas tahimik. Kapag kasi sa restaurant, madaming tao, maingay pa. Buti pa sa park huni ng ibon ang maririnig mo pati na din ang tawanan ng mga batang naglalaro.


"Ervic, alam mong ikaw ang kasalanang hindi ko kayang itama, pero kapag pinilit at gusto mo, pwede pala."


Napakunot noo si Ervic sa sinasabi ng kausap. "A-ano'ng ibig mong sabihin?"


"Matagal kong pinag isipan 'to,  I came up with a decision." She took a deep breath then tears form behind her eyes. "Ayoko na, tama na. Tapusin na natin ang lahat." Tsaka na tumulo ang kanyang mga luha. "Nang mawala sakin ang baby ko tsaka ko na realized ang lahat. Hindi mangyayari sakin ang lahat ng ito, kundi ako nagmahal sa maling tao."She look straight to Ervic's eyes. "Ayoko ng may magsakripisyo pang buhay para lang ma realize natin na mali ang ginagawa natin. Tama ng nawala si Martee at ang baby natin, ayoko ng may sumunod pa. Dahil baka hindi ko na makayanan kapag may nangyari ulit na masama." Mahabang litanya ni Natalie.



Naiinitindihan naman ni Ervic si Natalie. Alam niyang masakit dito ang mga nangyari. Hindi basta-basta susuko ng ganito si Natalie kung hindi siya nahihirapan at napapagod. "Na-nagsisisi kaba na ako ang minahal mo?"



"No." Mabilis na sagot ni Natalie then bigla siyang napayuko. "Hindi ko kailanman na pagsisihan na minahal kita. Mali lang ang panahon, mali lang ang pagkaka taon. Pero kung nakilala kita nang mas maaga kesa kay Carlyn, alam ko, magiging tama na ang lahat."


"Sorry ha? Sorry sa lahat. Patawarin mo'ko. Kung hindi dahil sa'kin hindi magugulo ang buhay mo. Hindi ka masasaktan at mahihirapan ng ganito."


Umiling si Natalie. "Pareho naman nating ka gustuhan ang mga nangyari. Kaya wala kang dapat ihingi ng tawad. Kay Carl-kay ATE CARLYN tayo dapat humingi ng kapatawaran. Siya ang higit na nahirapan at nasaktan sa nagawa natin."


"Tama ka, tama ka." Sang ayon ni Ervic.


Bumalik sa alaala ni Natalie ang mga oras na magkasama sila ni Ervic sa New York, lalo na nung una silang magkita. "Alam mo bang ang pagbagsak sa'kin ng mga roses nung una tayong nagkita ang pinaka mahalagang araw sa buhay ko? That was the most memorable and romantic moment of my life." Ngumiti siya at inalala ulit ang mga nangyari sa kanila sa New York. "But I have to come up with the reality that you can't never will be mine and I can't never be yours. Tama na ang minsang naging masaya tayo."



"Siguro nga lesson na sa'tin ng Diyos ang nangyari kay baby para ma realized natin ang mga mali natin. Masakit man ang pagkuha niya sa baby natin. Pero hindi ako nagsisisi na minahal kita. Mananatili ka dito," Sabay turo sa kanyang puso. "habang buhay."



Dahil sa mga narinig lalong napaluha si Natalie at niyakap niya ng mahigpit si Ervic. Mahirap at masakit sa kanya ang magpaalam sa isang taong sobra niyang mahal. Pero kailangan niyang gawin para sa ikabubuti ng lahat. Too bad, kailangan munang mawala ang isang anghel bago nila ma realized ang kanilang mga kamalian at ang mga dapat at tama nilang gagawin.


Kumalas sa pagkakayakap si Natalie. "Gusto kong maging maayos ang buhay mo, gusto kong maging masaya ka kahit wala na'ko sa tabi mo."


"Pano ko gagawin 'yon? 'Ni hindi ko nga alam kung paano mag uumpisa."


Hinawakan ni Natalie ang kamay ni Ervic. "Simulan mo sa pinaka importante, mahalin mo ulit si Ate Carlyn. Kapag nagawa mo 'yon, makakalimutan ng puso mo ang nararamdaman niya para sa'kin. Para bumalik sa dati ang masayang samahan niyong Pamilya. Nung wala pa'ko sa buhay niyo." Masakit para kay Natalie na sabihin 'yon kay Ervic pero kailangan niyang gawin. Muntik ng maatake na naman ang kanyang Dad dahil sa kanya at ayaw na niyang mangyari ulit 'yon. Kaya gagawin na niya lahat ng tama.



"Susubukan kong gawin." Sabi naman ni Ervic.



"Kailangan mong gawin. Para sa sarili mo, sa Pamilya mo, kay Nicko."



"Hindi ko nga alam kung tatanggapin pa ba ako ulit ni Carlyn matapos ng mga nangyari."


"Mabait si Ate Carlyn, alam kong mahal ka pa din niya. Sa una mahirap, pero kapag unti-unti mo siyang sinuyo alam kong mapapalambot mo ulit ang puso niya tulad ng dati."


"Pano ka?" Alalang tanong ni Ervic.


"Tulad mo, magsisimula ulit ako."



"Gusto ko ding maging masaya ka. Ayokong nakikita kang malungkot."


Napayuko si Natalie. "Magiging masaya din naman ako, hindi nga lang ngayon. Kung kailan? Ewan ko, hindi ko alam."



Tinitigan muna ng mabuti ni Ervic si Natalie bago yakapin ulit ng mahigpit. Napaiyak ng napa iyak si Natalie. Alam niyang ito na marahil ang huling yakap nila sa isa't-isa. Masakit para sa kanya ang mamaalam dito kahit na si Ervic pa rin ang patuloy na tinitibok ng kanyang puso.



Now Playing: He's out of my life by Nina

He's out of my life
He's out of my life..
I don't know wether to laugh or cry
I don't know wether to live or die
And it cuts like a knife
He's out of my life


------

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 51.3K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
6.9K 228 33
Flamboyant Series #1: Vivid (COMPLETE) It doesn't mean that you're older than me, my feelings aren't valid anymore. Do you want me to show you, how c...
82.6K 389 22
These are collection of short stories where they will experience how love bites them. But like any bite, whether deep or shallow, it heals in time an...
3.4M 94.3K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...