The Wife And The Mistress

By iamsograce

190K 2.4K 181

Love is one of the best thing that can happen to your life. But what if one day, it will only destroys your l... More

Chapter 1 -- The Rose
Chapter 2 -- Moving Closer
Chapter 3 -- Falling from Cloud Nine
Chapter 4 -- Escaping The Past
Chapter 5 -- Dissemble
Chapter 6 -- Photographs
Chapter 7 -- Dangerously In Love
Chapter 8 -- Secret Valentine
Chapter 9 -- The Great Escape
Chapter 10 -- Instinct
Chapter 11 -- Hurt Me With A Lie
Chapter 12 -- Hide And Seek
Chapter 13 -- Saving A Broken Heart
Chapter 14 -- Unveiling The Truth
Chapter 15 -- End Of The Road
Chapter 16 -- Wife's Distress
Chapter 17 -- The Hostile
Chapter 18 -- Perks of being a Martyr
Chapter 19 -- Heavily Broken
Chapter 20 -- Suicide Love
Chapter 22 -- Crossing The Finish Line
Chapter 23 -- The Fall of the Quean
Chapter 24 -- Close to the End
Epilogue

Chapter 21 -- Lost Star

5.7K 84 2
By iamsograce


Pagmulat ng mga mata ni Carlyn, minasdan niya ang kanyang paligid, hindi siya pamilyar kung nasaang kwarto siya. Pilit din niyang inalala ang mga sandali bago siya nawalan ng malay dahil sa paglagok niya ng sunod-sunod na gamot. Nakita niyang nakasukob sa kama at natutulog sa tabi si Ervic. Hawak nito ang kamay niya.


Nagising rin si Ervic nang maramdaman niyang gumalaw ang kamay ni Carlyn na hawak niya. "Carlyn? Buti na lang at nagising kana."


"Bakit mo pa'ko dinala dito? Hinayaan mo na lang sana akong mamatay."


"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Hindi mo ba naiisip ang pwedeng mangyari sa ginawa mo? Pa'no si Nicko? Alam mo bang iyak siya ng iyak kaninang nakita ka niyang walang malay?"


Nag iwas ng tingin si Carlyn, tumingin siya sa kabilang side ng kama para hindi makita ni Ervic na nangilid na ang mga luha sa mga mata niya.


"Please lang, huwag mo na ulit gagawin 'yon."

"Ayaw mo ba no'n? Malaya na kayo ni Natalie kapag namatay na'ko? Kaso nga lang ang konsensya mo naman ang papatay sa'yo."


"Nababaliw kana ba talaga? Kahit huwag na para sa sarili mo, para na lang kay Nicko."


Tinignan na ulit ni Carlyn ang asawa. "Tama ka, nababaliw na nga siguro ako. Desperada na'ko Ervic, hindi ko na alam pa ang mga gagawin ko para lang huwag ka ng makipagkita sa babaeng 'yon. Masisisi mo ba ako? Ha?" Tuluyan ng dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.


Napayuko si Ervic. Alam niyang kasalanan niya lahat ang mga nangyayari. Na gi-guilty siya at nakokonsensya. Hindi naman magkaka ganito ang asawa kundi dahil sa kanya. Hindi magugulo ang buhay nila kundi dahil sa kanya. Siya ang puno't dulo ng lahat ng mga gulong nangyayari. Ngayon, pa'no niya pa itatama at aayusin ang lahat sa buhay niya?


Isa lang naman talaga ang solusyon sa lahat, 'yun ay ang makipag hiwalay siya kay Natalie. Pero alam naman niyang hindi gano'n kadali 'yon. Hindi basta-basta makikipag hiwalay sa kanya si Natalie. Dahil nangako itong ipaglalaban siya hanggang sa kamatayan. Gulong-gulo na ang utak at puso ni Ervic.


"Ginagawa ko naman lahat para sa'yo. Pero hindi mo makita 'yon. Ano bang kailangan kong gawin para mapantayan ko si Natalie? Ano?" Patuloy lang sa pag iyak si Carlyn. "Tao lang din ako, Ervic, napapagod din."


Hinawakan ni Ervic ang kamay ng asawa at niyakap na lang bigla. "Patawarin mo'ko, Carlyn. Patawarin mo'ko."


Gustong itaboy ni Carlyn ang asawa sa pagkakayakap sa kanya, pero hindi niya magawa. Dahil ang yakap na "yon ang tila nagbibigay lalo sa kanya ng lakas, kahit na ang yakap ding 'yon ang sumira sa lahat.



Sa mga oras na 'yon, ramdam ni Carlyn na secure siya sa mga bisig ng asawa. Tila ayaw na niyang isipin pa na may Natalie sa buhay nila para huwag na siyang masaktan pa lalo.


Naisipan na mag overdose ni Carlyn para huwag matuloy ang pakikipagkita ng asawa kay Natalie. At para makonsensya ito sa mga nangyari. Mag-isa lang siyang umiiyak sa kwarto nun hanggang sa sunod-sunod na niyang inumin ang mga gamot sa bote. Ni hindi niya namlayang nakapasok na pala sa loob ng kwarto ang anak, by that time nawalan na siya ng malay at hindi na niya alam na iyak na iyak na pala ang anak dahil akala nito kung ano na ang nangyari sa kanyang Mama.


Kanina pa naghihintay sa restaurant si Natalie. Kanina niya pa tinatawagan si Ervic pero hindi nito sinasagot. Kaya galit na galit na siya. I'm sure, may kinalaman ang bruhang Carlyn na 'yon kaya hanggang ngayon ay wala pa rin si Ervic. Napapahigpit na ang hawak niya sa kanyang cellphone. Kung malambot lang ang phone niya ay malamang kanina pa ito nasira.


Sinubukan niya ulit tawagan si Ervic. Ring lang ito ng ring, walang sumasagot. "Answer the goddamn phone." Inis na sabi niya. Kaya ang ibang katabi niya sa table ay napatingin sa kanya but she couldn't careless at all.


Then she found herself parking her car in front of Ervic's house. Pupuntahan niya ito at wala siyang pakialam kung nando'n man si Carlyn. Wala din siyang pakialam kung mag eskandalo man siya sa disoras ng gabing 'yon.


Kumatok siya sa pintuan. "Ervic, Ervic." Inis na sabi niya. She kept on knocking pero walang nagbubukas ng pintuan. Napasipa tuloy siya sa pintuan. "Damn it!" Mura nito. Tsaka biglang bumukas ang pintuan.


Pumasok siya sa loob at pilit pa ring tinatawag si Ervic. Sinuyod na niya ang buong kabahayan pero wala siyang nakitang tao ni isa. Napa isip tuloy siya kung nasa'n ang mga ito. Kung ano-anong mga negative thoughts na ang naiisip niya. "Ervic can't do this to me. He can't leave me just like this." She shooked her head lightly.


Bubuksan na sana niya ang pintuan ng kanyang kotse nang biglang sumulpot sa gilid si Cherry. Nagulat tuloy siya.


"You scared me." Inis na sabi niya kay Cherry.


"Kung hinahanap mo sina Ervic, eh sorry kana lang dahil hindi mo na sila makikita. Umalis na silang Pamilya diyan." Pagsisinungaling ni Cherry.


"You're lying. Hindi magagawa sa'kin 'yon ni Ervic."


"Edi huwag kang maniwala. Nakita mo naman, walang ka tao-tao sa bahay nila. Isa lang naman ang dahilan, yun ay dahil masaya na ulit sila at kinalimutan kana ni Ervic."


"I don't believe you."


"Echapwera kana sa buhay nila, kaya kung ako sayo huwag ka ng umeksena."


"Why would I believe a crazy woman like you? Wala kang kwenta, wala kang naitutulong kaya umalis kana diyan kung ayaw mong sagasaan ko yang pagmumukha mong nabalot sa makapal na makeup." Insulto niya sa kaharap. She's about to open the door of her car nang bigla nalang hinablot ni Cherry ang kanyang buhok. "Ouch!" Sigaw niya sa sakit.


"Walang hiya ka. Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin 'yon." Sinabunutan na niya ng sinabunutan si Natalie.


Walang magawa si Natalie dahil mahaba ang buhok niya. Maraming nasasabunot sa kanya si Cherry. Kaya hinihila na lang niya ang kamay ni Cherry para hindi na siya masabunutan nito.


"You freaking retarded, get your hands off me!" Sinabunutan niya din si Cherry.


Panay lang ang sabunutan nilang dalawa. Tsaka lang naalala ni Natalie na buntis siya, hindi siya pwedeng makipag away ng ganito baka kung mapano pa ang baby niya. Kaya inipon niya ang kanyang pwersa at pabiglang itinulak si Cherry, dahilan 'yon ng pagbagsak nito sa lupa. Kapwa sila hingal na hingal.


"You low class retarded woman, do it again and I'll sue you. Ang ibig kong sabihin, idedemanda kita kapag inulit mo pa yun. Baka kasi hindi mo maintindihan yung English kaya tinagalog ko na." Insulto niya ulit kay Cherry.


Tumayo mula sa pagkaka tumba si Cherry. Susugurin niya sana ulit ito pero natakot siya sa mga sinabi ng kaharap. Kapag nagkataon wala siyang laban, dahil mahirap lang siya at wala siyang pambayad sa Lawyer.


"Hoy, ikaw, umalis kanang bruha ka."


"Freaking witch!" Ganting sabi pa ni Natalie tsaka na siya sumakay sa kanyang kotse. Kung hindi pa tumabi si Cherry ay malamang sinagasaan na niya ito. Pinausukan niya pa ito bago siya umalis.


Galit na galit si Natalie sa mga nangyari. Badtrip na nga siya dahil hindi sumipot si Ervic, dagdagan mo pa ng iniisip niya kung nasaan ang mga ito plus hindi siya makapaniwala na nakipag sabunutan siya sa isang babaeng katulad ni Cherry.


Kahit na ayaw niyang ma stress ay na i-stress pa din siya sa mga nangyayari. Napapahaplos na lang tuloy siya sa kanyang tiyan. Nag aalala siya sa magiging baby niya.



KINABUKASAN din ay umuwi na galing Ospital si Carlyn. Alalay na alalay sa kanya si Ervic. Tuwang tuwa din si Nicko ng muling makita ang kanyang Mama. Nando'n din si Cherry sa bahay ng mga ito nang umuwi si Carlyn.


Nasa sala ang mga ito at kausap ni Cherry si Carlyn.


"Para namang malala ang sakit ko kung mag alala kayo. Okay na'ko no."


"Mas mabuti ng ganito, mare. Tsaka pwede ba, sa susunod huwag mo na ulit gagawin yon?"


"Na alala ko lang kasi yung sinabi mo sa'kin dati na magpapakamatay ka sa harap ng asawa mo kapag nalaman mong may ibang babae siya."


"Gaga! Pantakot ko lang 'yon sa kanya. Pero siyempre hindi ko naman gagawin. Pa'no naman ang mga anak ko? Hello? Tsaka kasalanan yun sa Diyos. Hay naku, Carlyn, mag isip ka nga." Uminom siya ng juice na nakalapag sa mesa. Naglalaro naman sa labas sina Nicko at ang anak nito, habang si Ervic ay nasa kusina lang.


Napayuko si Carlyn. "Desperada na kasi talaga ako eh. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko para huwag kaming iwan ni Ervic at maibalik ang dati niyang pagmamahal sa'kin."


"Kapag namatay ka, bibigyan mo lang sila ng pagkakataon ng babae niya na magsama ng legal. Nag iisip kaba?" Naiinis na tuloy si Cherry.


Hindi sumagot si Carlyn, nanatili lang siyang nakayuko.


"Siya nga pala, mare, may ikukwento ako sa'yo." Uminom ulit siya ng juice bago mag kwento. "Galing sa inyo kagabi yung babae, si Natalie. Eksakto nagtapon ako ng basura sa labas kaya nakita ko siyang palabas dito." Tahimik lang na nakikinig si Carlyn. "Alam mo ba ang sinabi ko sa kanya? Sabi ko umalis na kayong Pamilya diyan at iniwan na siya ni Ervic dahil masaya na kayong nagsasama. Pakiramdam ko nga naniwala naman siya kahit konti."


"Bakit mo naman sinabi 'yon?'


"Para maloka ang bruha sa kaka isip." Natawa siya sa sinabi niyang 'yon.


"Sigurado ako pupunta ulit 'yun dito o kaya naman pupuntahan na naman ulit ang asawa ko sa trabaho para makausap ito tungkol sa mga nangyari." Kinuha niya ang cellphone ni Ervic sa bulsa niya at pinakita kay Cherry. Ang daming miscalls at mensahe galing kay Natalie. "Magkikita dapat sila kagabi."


"Malandi talaga yang asawa mo eh, at mas malandi din talaga yang bruhang babaeng 'yan. Hindi pa ba sapat ang ginawa mo para tuluyang hiwalayan ng asawa mo ang babaeng 'yon? Nagpakamatay kana nga't lahat-lahat, wala pa rin? Wala ba talagang konsenysa ang asawa mo?" Napapalakas na ang boses niya. Wala siyang pakialam kung marinig man yon ni Ervic. Actually gusto nga ni Cherry marinig nga ni Ervic ang mga sinabi niya.


"Ewan ko, Cherry, hindi ko alam. Kagabi patuloy lang ang paghingi niya ng tawad sa'kin. Wala siyang binanggit kung tatapusin na ba talaga niya ang relasyon niya sa babaeng 'yon. Basta ang alam ko hindi siya umalis sa tabi ko, naramdaman kong kahit konti may natira pa siyang pagmamahal para sa'kin."


Naaawa na tuloy si Cherry kay Carlyn. Napapa buntong hininga na lang siya.


Nasa kusina si Ervic at narinig nga niya ang pag uusap nina Carlyn at Cherry. Sa totoo lang na kokonsenysa talaga siya at napapa isip na kung dapat na nga ba niyang tapusin ang samahan nila ni Natalie, para sa ikabubuti ng lahat kahit pa mahal niya ito.


"Alam mo, hindi pa sapat ang ginawa kong 'yon sa bruha na babaeng yon. Dapat talaga sinuntok at tinadyakan ko pa siya. Kung hindi lang talaga niya ako naitulak, naku talagang manghihiram siya ng mukha sa aso." Nang gigigil na sabi ni Cherry nang ma kwento din niya dito ang sabunutan nila ni Natalie.


"Sigurado ako, nang gagalaiti na sa galit 'yun sa'yo. Mag ingat ka' baka gumanti siya sa'yo."


"Wala akong pakialam no. Isipin mo na lang naiganti kita sa babaeng 'yon kahit konti."


Pilit na inasikaso ni Ervic ang asawa. Pinag silbihan niya ito. Siya ang nagluto ng pagkain nila sa araw na 'yon. Nagtataka tulyo si Carlyn sa mga ikinikilos ng asawa. Pero kahit papano ay masaya siya. Umaasa siyang ito na ang simula ng pagbabalik ng dati nilang samahan. Ni hindi nga hinanap ni Ervic ang kanyang cellphone. Nilagay lang 'yon ni Carlyn sa kwarto. Binura na din niya ang mga mensahe at mga miss calls ni Natalie para walang makita si Ervic.


Para ulit silang isang masayang Pamilya. Kinakausap na din ni Ervic si Carlyn na medyo may lambing na sa boses nito. Na siyang ikinatutuwa ni Carlyn. Ayaw rin niyang banggitin sa asawa ang tungkol kay Natalie, kung ano na ang balak niya dito. Baka kasi masaktan ulit siya kapag sinabi ng asawa na hindi pa niya pa rin iiwan si Natalie. Kaya hangga't maaari, off limits ang pangalang Natalie sa bahay nila. Ayaw na rin niyang mag tanong kung ano ng balak ni Ervic sa Pamilya nila.


KINAGABIHAN masayang naglalaro ang Pamily ni Ervic sa sala. Nahanap na din niya ang kanyang cellphone nagtataka tuloy siya kung bakit walang call o text man lang sa kanya si Natalie. Tinatawagan naman niya ito pero out of coverage ang cellphone ni Natalie kaya hinayaan na lang niya. Tsaka na lang siya makikipag usap dito.


Naglalaro ng eroplano ang mag ama, habang masayang nakatingin lang si Carlyn na nakikitawa sa dalawa. They really look like a happy family again.


Biglang nag ring ang phone ni Ervic. Si Natalie itong tumatawag, tinignan niya muna si Carlyn bagi ito sagutin.


Si Natalie ang unang nagsalita. "What a happy family." Inis na sabi niya kay Ervic. Naka park kasi sa labas ng bahay nina Ervic ang kotse niya, kaya kitang kita niya sa sala ang Pamilya ni Ervic na masayang nagsasama.


Hindi makasagot si Ervic dahil nasa tabi lang niya si Carlyn, ayaw niyang masaktan ulit ito kapag nalaman niyang si Natalie itong kausap niya. Hangga't maaari iniiwasan na niyang lalong masaktan ang asawa. Baka kasi ulitin pa nito ang ginawa niyang pagkitil sa sariling buhay nito.


"Bakit hindi ka makapag salita diyan? Dahil ba katabi mo ang asawa mo?" Inis na sabi ulit ni Natalie. "Kung ayaw mong guluhin ko kayo diyan at mag eskandalo ako, lumabas ka ng bahay ngayon." Utos nito.



"Si-sige." Yun lang ang tanging nasagot ni Ervic at binaba na niya ang phone.


"May problema ba? Usisa ni Carlyn.


"Ah hindi wala. Teka lalabas lang ako sandali." Paalam niya sa asawa tsaka na siya umalis.


Hindi mapigilang tumingin ni Carlyn sa labas. Hindi na niya nakita ang asawa pagtingin niya, ang tanging nakita lang niya ang kotseng papalayo. Hindi siya pwedeng magkamali, malakas ang kutob niyang si Natalie yung tumawag at kasama ngayon ng asawa niya.



Napayuko si Carlyn. Nakaramdam na naman siya ng sakit sa mga nakita.


Nagtungo sa park sina Natalie at Ervic. Sa park kung saan malapit lang sa bahay nina Ervic. Siya na ang nag prisinta, ayaw niya kasing lumayo pa sila baka hanapin daw siya ng anak, dahil saglit lang ang ipinaalam niya dito.


Kapwa sila nakaupo sa swing. Nakakunot ang noo ni Natalie, salubong ang mga kilay. Halatang naiinis. "So, ano yun? Masaya na pala ulit kayo, tapos ako mukhang tanga dito?"



"Natalie--"



"Ni hindi ka man nagpaliwanag kung bakit hindi ka sumipot kagabi. Pumunta pa'ko sa bahay niyo at walang ka tao-tao dun. Tell me, nagka balikan naba ulit kayo ng asawa mo? Ha?"


"Natalie, making ka muna sa'kin--"


"No!" Sigaw na sabi niya. "Ilang oras kitang hinintay kagabi pero hindi ka dumating." Nangingilid na ang mga luha sa mga mata niya. "Ni hindi ko alam ang iisipin ko sa mga oras na yun, lalo nang malaman kong wala kayo sa bahay niyo. Ayokong isipin na iniwanan mo nga ako." Tumulo na ang kanyang mga luha.


"Hindi ko gustong paghintayin ka ng ganon katagal, maniwala ka sa'kin. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong puntahan ka kagabi, pero hindi pwede."


Napatayo na si Natalie at nilapitan si Ervic. "Bakit hindi? Dahil kay Carlyn? Pinigilan ka niya? Tinakot ka niya na ilalayo niya sa'yo ang anak mo kaya ba hindi ka dumating? O tuluyan na kayong nagkabalikan without even telling me. Dahil ano? Dahil gusto ni Carlyn na lalo akong masaktan, lalo akong umaasa na magsasama tayo pero ang katotohanan ay hindi mo sila kayang iwanan kahit kailan? Gano'n ba?"


Tumayo na din tuloy itong si Ervic. "Isinugod sa Ospital kagabi si Carlyn. Nagtangka siyang magpakamatay."


Nabigla si Natalie sa nalaman. Napamaang siya. "A-ano?"


"Nag overdose siya, ang masakit pa nito nakita 'yon ng anak namin. Ayokong ma trauma ang bata. Guilty-ng guilty ako sa mga nangyari. Nakokonsenysa ako. Ako ang dahilan kung bakit nagawa 'yon ni Carlyn. Kung hindi siya naagapan, baka tuluyan na nga siyang namatay. Kaya sana naman, Natalie, intindihin mo'ko."


Hindi alam ni Natalie na magagawa 'yon ni Carlyn sa sariling buhay. Gusto niyang magsama sila ni Ervic pero walang namamatay na kahit na sino. Tama ng nawala si Martee at ayaw na niyang madagdgan pa. Hindi naman siya gano'n kasama para hangarin ang pagkamatay ni Carlyn.


"Hindi ko na alam pa ang gagawin ko Natalie, gulong gulo na'ko."


"Pano kung-kung isa lang sa'min ni Carlyn ang pwedeng mabuhay.... Sinong-tutulungan mo? Sino ang bibigyan mo ng chance na mabuhay at sino ang hahayaan mong mamatay? Ako o si Carlyn?"


Napatitig si Ervic kay Natalie. Hindi alam ang isasagot. "Natalie--"


"Ako o si Carlyn?" Ulit na tanong ni Natalie habang patuloy lang ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi.


Walang maisagot si Ervic. Habang si Natalie ay makikita mo sa mga mata nito na naghihintay siya ng sagot mula sa kausap.


"Wala. Hahayaan kong ako na lang ang mamatay kesa isa sa inyo ang mapahamak."


Napaatras si Natalie at lalong napaiyak. Ilang minuto ding hindi nagsasalita ang sinuman sa kanila. Patuloy lang ang hagulgol ni Natalie.


"Alam mo bang hindi ako dapat umiiyak ng ganito? Hindi dapat ako nagpapaka puyat ng ganito, hindi ko dapat ini-stress ang sarili ko. Dahil baka kung anong masama ang mangyari sa kanya, baka mapahamak siya."


Napakunot noo si Ervic. "Sinong siya?" Takang tanong niya.


"Alam mo bang inaway ako ni Cherry kagabi? Sinabunutan, sinampal at kung ano-ano pa. Ayokong lumaban. Gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niya, dahil ayokong may mangyaring masama sa kanya." Sabay hawak sa kanyang tiyan. "I don't want to get into trouble that will cause injury to my baby."


"A-anong sabi mo? B-baby?"


Tumango si Natalie. "Oo Ervic. Buntis ako. I'm 4 weeks pregnant."

Nabigla si Ervic sa nalaman. Hindi alam ang isasagot. Ni hindi niya alam ang magiging reaksyon niya. Kung matutuwa ba siya o maiinis sa nalaman. Matutuwa, dahil may isang anghel na naman sa kanyang buhay, at nagbunga ang pagmamahalan nila ni Natalie. Maiinis, dahil lalong masasaktan si Carlyn kapag nalaman niya ito, at kung kailan handa na niyang ayusin ang lahat sa buhay niya. Babawi na sana siya sa mga pagkakamali sa asawa. Tatapusin na sana niya ang relasyon nila ni Natalie. Pero hindi na niya magawa. At ngayon lalo pang naging komplikado ang sitwasyon.


"Hin-di kaba masaya na magkaka baby na tayo?"


"Sye-siyempre masaya ako." Niyakap niya si Natalie ng mahigpit. "Patawarin mo'ko, Natalie. Pangako hindi na ulit mangyayari ito." Niyakap din siya ng mahigpit ni Natalie.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 2.2K 15
Hot & Nasty Nights Series 1: Isang madre na ang paniniwala ay tinatawag siya ng Diyos. Pero wrong call pala dahil isang gabi, isang lalaki ang makaka...
87.1K 2.6K 61
π‘πŸπŸ– π™Žπ™‹π™‚ π˜Όπ™‡π™€π™π™ She's his girl stalker. She watched Tristan Romulo from afar. She dreams of him every night. And a dream isn't real. It will...
1.1M 6.6K 55
Hindi ito purong Spg.. Spg na may nakapaloob na kwento.. For openminded only 18 up... Date started: June 2017 Date ending: Nov 2019
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...