Hell University (PUBLISHED)

By KnightInBlack

169M 5.5M 4.3M

A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal... More

Work of Fiction
Hell University
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 27
Suggestions (Edited)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Facebook ni Kuya KiB
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Epilogue
Sequel
FAQs

Chapter 59

2.4M 84.2K 90.2K
By KnightInBlack

A/N: Last chapter of Hell University! After this will be the epilogue!

THANK YOU SO MUCH!!!

Chapter 59: Forever

Matt's Point of View

We won. Nagapi namin lahat ng tauhan ni Madame Violet. Mas marami kami at may mga pulis pa. Lahat kami ngayon ay nakatingin na lang sa isang babaeng may hawak na baril.

"Mag-isa ka na lang... Wala ka ng laban sa amin." Wika ni Raze.

Alam kong nagpipigilan lang sya ng galit dahil ang babaeng ito ang puno't dulo ng lahat. Kinuha nila lahat ng mga mahalagang tao hindi lang kina Supremo at Raze kundi maging sa mga taong pinaslang din nila.

Maging ako ay galit sa kanya pero sa kalagayan nya ngayon, napalitan na 'yon ng awa. Nakakaawa sya.

"Nagkakamali ka... Kasama ko pa ang anak ko, darating sya!"

Napabuntong-hininga na lang ako habang inaalala ang bangkay ng anak nya. Wala na sya sa katinuan at hindi nya napansin na napaslang na nya ang nag-iisang kakampi nya sa laban na ito. Kinain sya ng kanyang ambisyon.

"You killed your son... He's gone... Liam was gone."

"What?!" Itinaasa nito ang kanyang braso na may baril at itinutok kay Nazzer. "You killed my son?!" Tanong nito.

Pumatak ang isang luha sa kanyang mata na hindi kalauna'y nagsunod-sunod na. I feel sorry for her... She killed her son unconciously.

Sa tingin ko ay hindi na sa kulungan ang bagsak nya... mental hospital na.

"Damn! No! You killed your own son! Anong klaseng magulang ka?!" Sigaw sa kanya ni Jerome na pinapakalma ni Vanessa.

Si Davies naman ay nakasandal na lang sa puno dahil sa puno. Kasama nya si Mia na hinihingal din. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Sa wakas, tapos na. Makakalaban na kami sa impyernong ito ng sama-sama. Shit! Salamat at walang nawala sa amin.

Narinig ko ang halakhak ni Madame Violet na sa tingin ko ay tuluyan ng nawala sa katinuan.

"Tama na, mahal... Itigil na natin ito." Wika ni Francisco na nakaposas at hawak ng mga pulis.

Napatingin sa kanya si Madame Violet. "Mahal? Bakit mo ako tinalikuran? Akala ko kakampi kita?" Malungkot na tanong nito.

"Mahal kita kaya kita tinalikuran... Sumuko ka na, tama na pakiusap."

"Mahal..."

"Marami ng nadamay sa ambisyon na ito. Handa akong pagbayaran ang lahat ng iyon kahit na malabong mabayaran ko. Mahal... Sa laban na ito, talo tayo. Wala tayong laban kahit na anong gawin natin... Kahit dayain natin sila... Talo tayo."

Natigilan si Madame Violet na napatingin sa taas kung saan pumatak ang ulan. Maya-maya ay bumuhos na ang malakas na ulan. Sumabay pa ang pag-ihip ng hangin kaya nangatog ang tuhod ko sa lamig.

"Kapag ba sumuko ako... Mapapatawad ako ng anak ko?"

"Hindi..." Sagot ni Raze. "Dahil kailanman ay hindi sya nagtanim ng sama ng loob sa'yo. Wala ka dapat ipagpatawad dahil mahal ka ng anak mo." Sagot ni Raze.

Natigilan si Madame Violet. Binalot ang paligid ng katahimikan. Nakakabinging katahimikan na binasag ng halakhak ni Madame Violet.

"Hindi pa tapos ang lahat..." Nakangising wika nito sa lahat. "Hindi ako ang tunay na kalaban." Dugtong pa nito.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung nananakot lang sya o nagsasabi talaga sya ng totoo pero bakit ganon? Kinakabahan ako ng husto. Shit! Tama na.. Sana wala ng kasunod.

"What do you mean?" Tanong ni Angel.

"Ginto... May napulot akong gintong maskara..." Humalakhak ito. "Posibleng may iba pang gang maliban sa inyo." Wika nito.

Nagsigawan ang lahat ng palibutan kami ng napakaraming naka kulay gold na maskara. Shit! What's this?!

Napatingin ako sa isang dako kung saan pumunta sila Zein.

Pumatak ang luha sa mata ko sa hindi malamang kadahilanan... Zein.

"Hanggang dyan na lang kayo..." Wika sa amin ng isa sa kanila ng aktong pupuntahan na namin sina Zein. "Hayaan nyong makuha ni Boss ang gusto nya." Wika pa nito.

"Aalis kayo sa daan o papasabugin ko ang bungo nyo..." Malamig na banta ni Raze. Gaya ko ay ramdam ko ang kaba at galit sa kanya. "Kailangan ako ng kapatid ko at ang sino mang magtangkang pumigil sa akin ay mamamatay." Ngumisi ito.

Naglakad ako papunta sa gilid ni Raze. "Kailangan ako ng kaibigan ko." Malamig ko ring wika.

Tumabi rin sa amin sina Jerome, Dave, Vanessa at Mia na nakangiti.

"Nangako kami sa kanya..." Nakakalokong wika ni Vanessa. "Mamamatay kami ng sama-sama." Dugtong pa nito.

Humigpit ang hawak ko sa baril dahil habang tumatagal ay mas nanganganib ang buhay nila. Hindi na kaya pang manlaban ni Supremo at kahit na naroon sina Sir Alvarez , Nicky at Roxane ay alam kong hindi nila kakayanin.

They need us.

"Hindi kayo maaring dum-" Isang putok mula sa baril ni Raze ang nagpatigil sa kanyang magsalita.

Isang putok na hindi kalauna'y nagsunod-sunod na... Zein, hintayin mo kami. Pakiusap.

---

Zein's Point of View

Patuloy pa rin kami sa paglalakad na parang walang katapusan. Nanghihina na ang tuhod ko at alam kong ganon din si Supremo.

Hindi nagsasalita sila nagsasalita na mas nagpapadagdag sa kabang nararamdaman ko. I hate it.

Tumigil sa paglalakad si Supremo ganon din si Nicky at Roxane.

"Hindi namin alam na may tryador pala." Wika ni Roxane kay Sir Alvarez na nanatiling nakatalikod sa amin.

"Sinong traydor?" Tanong ni Sir Alvarez na unti-unting humarap sa amin. Nakangisi ito na nagpatayo ng balahibo sa katawan ko.

Hindi ko na makita ang gurong itinuring kong ama sa kanya.

Naluluha ako hindi sa katunayang traydor sya kundi dahil hindi ko inakalang ang pinagkatiwalaan kong tao ay mali. Nagkamali ako ng pinagkatiwalaan.

"You are our real enemy... Hindi talaga lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa sa'yo." Nakakalokong wika ni Nicky na nasa harap na namin.

"Thank you for the trust..."

Nanghina ako nang palibutan kami ng mga nakakulay gintong maskara kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Kinilabutan ako dahil ang pakiramdam na ngayon ay nararamdaman ko ay maihahalintulad sa pakiramdam na naramdaman ko nong panahong naabutan kami ni Matt ng Bloody Night. Posibleng ang mga nakamaskarang ito ang nakamasid sa amin noon.

Mas nanghina ako nang mapagtanto na maaring sila rin ang nakamasid sa amin ni Celine nong nasa gubat kami.

"I am sorry for this, Miss Zein Shion."

"B-Bakit?" Tanong ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na traydor sya. Kailanman ay hindi ko matatanggap. Sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit ibinigay ko sa kanya ang aking tiwala.

"Isa talaga akong secret agent... Baka akala mo niloloko lang kita ah?" Natatawang wika nya sa akin. "Hiningi ko ang tulong mo para matunton ang Hidden Laboratory hindi para wasakin 'yon kundi para malaman ko ang secret formula na... Ikaw pala." Nakangising sabi pa nito.

Mas humigpit ang hawak sa akin nina Supremo at Roxane.

"Pero ipinatigil ko rin sa'yo dahil nalaman na namin..." Wika pa nito. "Salamat sa kaibigan mo, kaso nga lang kinailangan namin syang patahimikin dahil nalaman nya ang tungkol sa amin at mabulilyaso ang plano namin." Dugtong pa nito.

Napaiyak ako. "K-Kayo ang pumatay kay Celine?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Kinailangan dahil nakita nya ang kulay gintong maskara na naiwan ng isa sa amin... Kasalanan nya dahil pumasok pa syang muli sa gubat." Dugtong pa nito.

Mas lalo akong napaiyak nang mapagtanto na ang hawak no'n ni Celine ay isang maskara na kulay ginto. Kaya pala sinabi nyang may napakalaking mali dahil hindi nila alam na may gang pa pala maliban sa kanila.

"Damn you!" Sigaw ni Nicky at bago pa man nya napaputukan si Sir Alvarez ay naunahan na sya ng isa sa kanila.

Tinamaan si Nicky sa braso kaya nabitawan nya ang baril at hinwakan sya ng mga naka maskara. Walang nagawa si Nicky kahit na nagpumiglas ito.

"Alam kong hindi nyo sya ibibigay sa akin... kaya ikaw na lang ang lumapit sa akin." Wika sa akin ni Sir Alvarez. "Ipinapangako kong wala ng masasaktan pa." Dugtong pa nito.

Napangisi ako. "Marami ng nasaktan. Sorry, hindi na muli ako gagawa pa ng isang pagkakamali. Sapat na ang pagkakamaling pinagkatiwalaan kita." Sambit ko.

"You can't have her... Kailangan nyo muna akong mapatay." Wika ni Roxane.

Pinaputukan nya ang mga naka kalaban ngunit tinamaan sya ng dalawang bala sa magkabilang binti kaya hindi na nya nagawang tumayo pa.

"Why are you doing this?" Tanong ni Supremo.

Lumukot ang mukha ni Sir Alvarez at kinuha ang litrato sa kanyang bulsa. Ipinakita nya sa amin 'yon.

Siya ang nasa litrato kasama ang isang batang babaeng bata lang sa akin ng konti.

"Siya ang anak ko. Kailangan ko si Zein Shion para muli na kaming magsama ng anak ko."

Kaya pala... Kaya pala gusto nya akong makuha... Kaya pala parang nangungulila sya sa anak nya.

"Kahit mabuhay ang anak mo, sa tingin mo kaya ka nyang mapatawad sa ginagawa mo? Hindi... Kakasuklaman ka ny-"

Nanlaki ang mata ko nang paputukan nya si Supremo. Napahawak si Supremo sa kanyang brasong dumudugo.

"S-Supremo..." Nginitian nya ako.

Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak nya sa akin kaya ako naman ang humawak sa kanya.

"Supremo... Can you do me a favor?" Tanong ko kasabay ng muling pagpatak ng luha mula sa mata ko.

Shit!

Tumango ito.

"Kantahan mo ako sa labas ng impyernong ito... Gusto kong marinig kang muling kumanta... sa labas ng Hell University."

Hindi ito tumango at parang nanghihina na rin ako.

----

Third Person Point of View

Isang napakasakit na katotohanan na ang taong pinagkatiwalaan mo ay ang taong sasaksak sa'yo. Ito ang nararamdaman ngayon ni Zein.

"You can no longer fight, Supremo Ace Craige, better give her to me."

"Giving her to you is also killing myself in the most painful way." Kahit nanghihina ay pinipilit na palakasin ni Supremo ang kanyang loob kahit na sumusuko na ang katawan nya.

"Really?" Nakangising tanong ni Sir Alvarez sa kanya. "Then I'd rather kill Zein. We can still use her blood even she's dead." Wika nito na nagpalamig sa katawan ni Supremo.

Hinarangan nya ito at itinago sa kanyang likod. Walang nagawa si Zein kundi ang sumunod sa gusto ni Ace.

"Shoot her even just once, I'll make sure your entire generation will end here." Wika ng isang babaeng nakasandal sa puno.

Nakablack itong blazer at nakalugay ang mahabang buhay na natatakpan ang kanyang mukha. Sa isang kamay nito ay may hawak na baril... isang baril na pamilyar kay Zein Shion at Sir Alvarez.

"A-Ate Allison..."

Iniangat nito ang kanyang ulo at nginitian ang nakakabatang kapatid. Humigpit ang hawak nito sa kanyang baril ng makita ang kalagayan ni Zein.

"A-Allison Shion?"

"No other than, Mister Ronald Alvarez."

Halos manlabot ito ng makita ang ngisi sa labi ni Allison. Kilalang-kilala ni Sir Alvarez ang babaeng ito--- Ang babaeng pumatay sa kanyang anak.

"Bitch."

Mabilis na pinaputukan ni Allison ang baril ni Sir Alvarez nang tutukan sya nito ng baril. Tumalsik ang baril niya sa malayo na halos ikanginig nya.

Nakatingin lang silang lahat kay Allison na nanatiling nakasandal sa puno. Palihim na pinupuri ni Nicky si Allison sa galing nito sa pagcontrol sa bala ng baril na animo'y kontrolado nya kung kanino ito dapat ibaon.

Halos maiyak si Roxane nang makita si Allison dahil kamukhang-kamukha nito si Samantha pero tanggap na nilang patay na ito.

Napangisi si Supremo dahil sa pagkakahawig ni Allison at Zein. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng dalaga.

"Kapatid mo pala si Zein Shion?"

Hindi kumibo si Allison at nanatili ang kanyang mata kay Sir Alvarez.

"I am sorry." Wika ni Allison na ikinainis ni Sir Alvarez.

"Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ng anak ko?!" May halong pait na sigaw nito. "You killed my daughter." Halos maiyak ito habang bibanggit ang mga katagang 'yon.

Nakaramdam ng awa si Allison kay Sir Alvarez.

"Hindi ako ang pumatay sa kanya. Ang galit at inggit ang pumatay kay Shanne."

"It was because of you! Laging ikaw! Ikaw na lang ang magaling!"

Napailing na lang si Allison dahil alam nyang kahit na anong pagpapaliwanag nito kay Sir Alvarez ay hindi ito matatapos.

Si Sir Alvarez, Allison at Shanne ay myembro ng isang organisasyon ng mga Secret Agent. Si Sir Alvarez ay isa sa mga senior at sina Allison at Shanne naman ay ang mga pangunahing myembro na ipinapadala sa mga misyon pero nangingibabaw si Allison.

Si Allison ang laging nakakagawa ng maayos sa mga mission. Ang galing nito sa paghawak ng baril ang nagdala sa kanya sa tuktok at laging napapag-iwanan si Shanne.

Hanggang isang araw ay habang nasa mission sila ay trinaydor ni Shanne si Allison. Aktong babarilin na ni Shanne si Allison pero naunahan sya ng isang kalaban na hindi nya napansin at sya ang nabaril at 'yon ang ikinamatay nya.

"I'll kill your sister as your payment."

Umayos ng tayo si Allison na ikinaatras ng mga naka kulay gold na maskara. Halata ang takot sa mga armadong lalaking ito habang nakatingin sa nag-iisang babae dahil kilala nila ito. Kayang-kaya niyang ubusin lahat ng kalaban sa loob ng maikling minuto.

"One wrong move, Mister Alvarez. I don't care if you are one of the seniors. I'll give you the nightmare you won't ever forget."

Sinenyasan naman ni Sir Alvarez ang mga tauhan nya na sugurin si Allison.

---

Zein's Point of View

Hindi ako makapaniwala na narito si Ate Allison. Masaya akong makita sya at gustuhin ko man syang yakapin ay may mas mahalaga akong dapat gawin.

"Supremo, kailangan mong malunasan." Halos manlumo ako nang makita kong halos maligo na sya sa sariling dugo.

Napatingin naman sya sa akin. "Kailangan nating tulungan ang ate m-"

"No! She can handle herself... Hindi mo sya kilala."

Parang laro lang sa kanya ito alam ko. Kilala ko sya, mas marami, mas masaya sya.

Kahit na nag-aalanganin at tumango naman ito. Hindi pa man kami nakakalayo nang harangin kami ni Sir Alvarez na nakatutok sa amin ang baril.

"Saan kayo pupunta?"

Hinawakan ni Supremo ang kamay ko ng mahigpit.

"Nagbago na ang isip ko... Papatayin ko na lang kayong dalawa."

"You can't unless you kill me first."

Humalakhak ito at itinutok kay Supremo ang baril na hawak nito. Nanginig ang kamay ko na nakahawak kay Supremo.

Nanlaki ang mata ko nang biglang itinutok sa akin ni Sir Alvarez ang kanyang baril kasabay ng pagyakap sa akin ni Supremo at pagputok ng baril.

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at natulala na lang ako kay Supremo. Tumulo ang dugo sa bibig nya.

"You are the sun, you are my light, And you're the last thing on my mind, Before I go to sleep at night"

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mata ko nang marinig syang kumakanta.

Tangina! Gusto ko syang pigilan dahil hindi ito ang ipinangako nya! Shit! Nangako sya na kakantahan nya ako sa labas ng impyernong ito! Hindi dito!

"You're always 'round when, I'm in need, When trouble's on my mind, You put my soul at ease"

Narinig kong muli ang pagputok ng baril at pagpikit ni Supremo pero mabilis niya ring iminulat ang kanyang mata.

"There is no one in this world
Who can love me like you do
So many reasons that I want to spend forever with you"

Ngumiti sya sa akin kasabay ng pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Naramdaman ko rin ang pagluwag ng pagkakayakap nya sa akin at unti-unting pagkawala ng hininga nya.

Nakatitig lang ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay namamatay na ako.

"I'll be loving you forever, Deep inside my heart you'll leave me never, Even if you took my heart and tore it apart, I would love you still forever."

Niyakap ko sya nang bumitaw na sya sa pagkakayakap. Nanginig ako habang nakatingin sa kanyang lumuluha habang nakangiti.

Napapikit ako nang halikan nya ako sa noo.

"D-Darling, I love you... forever."

Hindi ko kinaya nang bumagsak na sya sa sahig. Wala akong maramdaman. Lupasay na rin sa sahig si Sir Alvarez na binaril ni Raze.

Bumagsak ang tingin ko kay Supremo na walang buhay na nakahiga sa sahig.

Anong gagawin ko?

Naglakad ako... Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Namatay na ako... sana nga. Sana namatay na rin ako.

Namalayan ko na lang na nasa harap na ako ni Mr. Razon.

"Use me... bring back Supremo's life."

Umiling ito sa akin. "Hindi na kakayanin ng katawan mo. Baka maging ikaw ay mapah-"

"Use me... bring back Supremo's life."

Parang wala na akong ibang alam sabihin kundi ang mga katagang 'yon.

"Zein. Maaari kang mamata-"

"I DON'T FUCKING CARE! KAHIT MAUBOS ANG DUGO KO BASTA MABUHAY LANG SYA O KAHIT NA SABAY KAMING MAMATAY!"

Wala na akong maintindihan basta ang alam ko ay nakahiga akong muli sa incubator. Napapikit ako nang maramdaman ang hapdi.

Sinulyapan ko si Supremo.

Muling pumatak ang luha mula sa mata ko hanggang sa naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko.

Ngumiti ako...

"Darling Ace... I love you too, forever."

Continue Reading

You'll Also Like

3K 285 49
COMPLETED Available at PSICOM APP Book published under CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Lahat naman siguro takot sa multo? Takot makakita ng kalulu...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
646 96 19
Si Penelope Mendoza ay isang ordinaryong babae. Isang araw, may di inaasahang pangyayari sa buhay ni Penelope. May nagpaparamdam sa kanya na isang la...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...