My 3 Identity Boyfriend

By sherlockholmes16

19.1K 488 143

What if ang inaakala mong tatlong lalaki sa buhay mo ay nasa iisang katauhan lang pala? More

My 3 Identity Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note

Chapter 36

247 10 1
By sherlockholmes16

Kleifford's P.O.V

"Fuck!"

Napapamura na ako. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

I badly wanted to see her. I need to explain everything.

I want her to understand.

Alam kong hindi pa huli ang lahat.

Hindi ko ata kayang mawala siya sa 'kin.

I'll definitely die if that happens.

"O Lei, bakit parang down na down ka ata? Tsaka, ano iyang suot mo?"

"Kararating mo lang?" tanong ko.

"Oo. Parang wala ka ata sa sarili mo ah. Usually, hindi mo ako tinatanong ng ganyan,"

Tumawa nang bahagya si Phil.

"Nandiyan na ba sila Franc at Matt?" dagdag ko pa.

"Ah, sabi nila, susunod na lang daw sila. Parating na ang mga iyon. Teka nga. Ano ba 'ng nangyayari sa 'yo? Parang ibang-iba ka ata ngayon? May nangyari bang kung ano?"

"Wala. Kapag dumating na sila, sabihin mo sa 'kin. May importante akong sasabihin,"

"Importante?" pagtataka ni Phil.

Tinitigan ko siya, "Oo. Importante,"

Hindi ko na 'to kayang palampasin pa.

Ayoko nang may masaktan ulit.

Si Josh. Si Kate...

...ayoko nang mangyari pa ulit ang mga iyon.

Sasabihin ko na at hindi ko na papatagalin pa.

Lalong-lalo na sa kanilang mga matatalik na kaibigan ko.

Hindi na ako magdadalawang-isip.

"Uy! Matt! Franc! Na'ndito na rin kayo sa wakas!"

Pagkasabi no'n ni Phil, napatayo ako.

"Sabi raw ni Lei, may importante siyang sasabihin sa 'tin,"

Nagsilapit ang dalawa.

"Ano 'yon Lei?" tanong ni Franc.

"Tungkol ba 'to sa Gang Wars?" dagdag ni Matt.

Umiling ako, "Hindi. Dahil tungkol 'to sa 'kin."

Napatingin sila sa isa't isa.

"Umupo muna kayo,"

Ginawa nila ang sinabi ko at tumayo ako sa harap nila habang naka-cross arms.

Ngumiti si Franc, "Ano ba 'ng importanteng bagay na yun Lei?"

"Bakla ka Lei?"

Hinagisan ko ng remote si Phil.

"Aray! Grabe naman! Nagpe-predict lang!"

"Seryoso ako, Phil."

Napalunok siya.

Napabuntung-hininga ako.

Tiningnan ko silang tatlo.

Hindi ko man alam ang magiging reaksiyon nila matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon...

Hindi ko man alam kung iiwan ba nila ako o hindi matapos 'to...

Wala akong pakialam.

Ayoko nang patagalin pa ang sikreto ko.

If it's already exposed, then let it be.

Kahit ako ang masasaktan sa huli.

Tama. Since it's all my fault.

Yumuko ako, "Sorry..."

"Huh? Sorry?" pagtataka ni Matt.

Kinuha ko sa bulsa ko ang picture ni Kleifford, Sean at Lei na nakita ni Kate sa drawer ko kanina.

Inihagis ko ito sa lamesa upang makita nila.

"Ano 'to Lei?" - Phil

"Haha. Anlakas din ng trip mo, 'no? Hindi mo naman sinabi sa 'min na mahilig ka magsuot ng mga ganito?" - Matt

"Para saan ang mga 'to Lei? Bakit may tatlong picture ka rito?" - Franc

So, hindi nila napansin ang differences ng tatlo.

"Ako ang tatlong taong nasa picture na nakikita niyo,"

"Tatlong tao?"

Tumango ako, "Oo. Iyang isa, normal siyang estudyante sa araw. Kilala siya bilang Kleifford. Iyang pangalawa naman, isang model. Sikat na model. Si Sean Zeret. At yung isa, si Lei na kilala niyo. Bale tatlong tao sila na pinagpapanggap ko. Sorry kung hindi ko 'to sinabi sa inyo agad. My real name is Kleifford Seane Zuther and not Lei Sandoval which is one of my identities. Sorry..."

As I expected, nagulat sila sa sinabi ko.

Pero imbis na magalit, natawa sila na siyang ipinagtaka ko.

"So sinasabi mong nagpapanggap ka bilang tatlong tao? At isa si Lei do'n? Hahaha! Lakas ng trip mo pre!" natatawang sabi ni Phil.

Napangiwi naman si Franc, "Ito ba ang importanteng sasabihin mo?"

Isinarado ko ang mga kamao ko, "Totoo ang sinasabi ko. Hindi 'to joke. May tatlo akong katauhan. Nagpapanggap ako bilang tatlong tao sa iba't ibang pangalan! Pero iisang tao lang ako! Hindi niyo ba iyon maintindihan?"

"Naiintindihan ka namin," sagot ni Matt.

"Pero bakit ganiyan ang reaksiyon ninyo? Hindi ba kayo nagagalit sa 'kin?" bulyaw ko.

Nagkatinginan sila at tumawa ulit.

Tsk. Ginagalit ako ng mga mokong na 'to, ah.

Naging seryoso ang mukha ni Matt at lumapit siya sa 'kin.

"Wala namang kaso sa 'min kung gusto mong magpanggap sa tatlong katauhan eh. Ni ako rin, may aaminin,"

Huh?

Humarap si Matt sa kanila, "Sa totoo lang, nagtatrabaho ako bilang bartender. Side job ko yun. Tutal, umamin na rin si Lei, aamin na rin ako. Pasensya na. Hindi ko sinabi agad,"

Tumawa ulit ang tatlo.

Hinila ko si Matt sa kwelyo niya, "Hindi ako nakikipaglokohan sa inyo okey?! Seryoso ako sa sinasabi ko!"

Naramdaman kong tinapik ako ni Phil sa balikat ko, "Easy kang Lei. Ano ba 'ng ikinagagalit mo?"

Hinarap ko siya, "Iyon na nga eh! Kaya sinasabi ko 'to sa inyo, dahil ayoko nang maghintay pa na malaman niyo! Ako si Kleiifford, Sean at Lei. Nagpapanggap sa tatlong personalidad dahil sa maraming dahilan! Dahil sa trabaho, sa scholarship at sa pagsama sa inyo kaya ko 'to ginagawa. Ayoko nang may masaktan pang muli. Ayoko nang maulit yung nangyari kay Kate. Hindi ko kakayanin kapag pati kayo, mawala rin sa 'kin kaya hindi ko na 'to pinapatagal pa..."

Nanahimik sila.

Matapos ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita si Franc, "Ano ba 'ng nangyari kay Kate?"

Hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko. Naalala ko bigla yung pangyayari kanina, "Yung isang personality ko ay naging girlfriend siya. The Kleifford one. At si Sean naman, naging matalik niyang kaibigan. At si Lei, oo. Ang kilala niyang Lei ay isang gangster na walang ginawa kundi inisin siya. Kanina, nalaman niya ang lahat. Hindi niya sinasadyang makapasok sa kwarto ko at doon niya nakita ang lahat ng pruweba na ang tatlong taong kakilala niya ay iisa lang..."

Takte. Naaalala ko na naman yung nangyari.

Parang may kumurot sa puso ko.

Nagulat sila sa sinabi ko.

"So sinasabi mong naging girlfriend si Kate ng isa sa mga katauhan mo?"

Tumango ako sa tanong ni Franc.

Sandali ulit silang nanahimik.

Hanggang sa tinapik ako ni Phil sa balikat, "Naiintindihan na kita ngayon. Kaya pala ganyan ang inaasta mo. Ganyan naman talaga ang mga babae. Namamali ng akala. Alam mo---"

"Hindi mo 'ko naiintindihan Phil! Hindi siya gaya ng mga babae mo. Iba si Kate. Mahal ko siya!"

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.

"M-mahal mo siya Lei?" hindi makapaniwalang tanong ni Franc.

"Oo nga!" naiiritang sagot ko.

Nagtinginan sila at nag-thumbs up sa 'kin, "Dalaga ka na!"

Pinagbabatok ko nga ang mga mokong.

"Pero seryoso Lei, hindi kami makapaniwalang pupunta ka sa extent na magpapakatanga ka rin sa pagmamahal,"

Napayuko ako dahil sa sinabi ni Franc.

Nagpatuloy si Matt, "Alam mo Lei, wala naman sa 'min kung nagpapanggap ka sa ilan mang katauhan iyan kasi hindi pa namin nakikilala yung dalawang taong pinagpapanggap mo. Hindi tulad kay Kate na nakilala niya ang mga yun at napunta sa point na naging ka-close niya ang lahat. Hindi kami nagalit sa sinabi mo kasi alam mo yun, sinabi mo kaagad sa 'min ang lahat beforehand,"

"Tama si Matt, Lei. Wala naman sa 'min kung magpanggap ka sa iba't ibang pangalan. Mapa-model man iyan o mapa-estudyante. Tanggap ka namin, pre. Kahit nagtataka pa rin ako kung bakit model ang pinili mong trabaho. Gwapo mo kasi," dagdag naman ni Phil.

"Kung siguro, naging in-touch din kami dun sa dalawa pa, sobra rin kaming masasaktan tulad ni Kate. Kasi, hindi mo sinabi kaagad. Hinintay mo pang malaman namin. Kaya mabuti na lang at pinagkatiwalaan mo kami. Salamat..."

I see.

I get it.

I now get it.

Napangiti ako at tinipon ko sila sa mga bisig ko, "Kayo talaga! Mga mokong kayo!"

Natawa naman sila.

Humiwalay si Matt, "Pero may part lang na galit ako. Hindi mo ipinakilala ang sarili mo sa tunay na ikaw. Nagpakilala ka bilang Lei Sandoval."

Sumang-ayon din si Phil, "Oo nga Lei! Ano nga ulit yung sinabi mong tunay mong pangalan? Afford?"

Ngumisi ako at ginulo ang buhok nilang dalawa, "Sinabi niyong hindi na mahalaga yun, 'di ba? Na at least ay sinabi ko kaagad? Tsaka, Kleifford ang tunay kong pangalan. Pero mas maganda na ring tawagin niyo pa rin ako sa pangalang nakasanayan niyo."

Napabuntung-hininga na lang sila.

I'm thankful.

They accepted me.

I didn't expect it.

"Pero ang astig ah. Paturo naman ako kung paano gawin yun. Magpapanggap ka na tatlong tao at manloloko ng tao? Ang galing! Kaya pala sobra mong nasaktan si Kate,"

Sinapak ko si Phil, "Akala mo ba madali lang iyon?"

"Huwag ka ngang ganyan, Phil. Mahal na mahal ni Lei si Kate kaya sobrang sakit ng nangyari. Huwag mong maliitin yun," suway ni Franc.

"Salamat, Franc."

Nag-apir kaming dalawa.

"So, ano nang gagawin mo ngayon kay Kate?" tanong ni Matt.

"Naisip ko, ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. Kung ano ang dahilan ng pagpapanggap ko. Alam kong maiintindihan niya ako. Sasabihin ko sa kanya, mahal ko pa rin siya at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Alam kong maiintindihan niya ako,"

Nagkunwari silang umiiyak, "Hindi kami makapaniwala Lei. Humuhugot ka na!"

Pinagsasapak ko nga.

Kate's P.O.V

Nandito ako ngayon sa bench sa isang park. Linggo ngayon. Naisip kong lumabas muna.

Ayoko munang isipin yung mga nangyari. Sa tuwing iniisip ko kasi, nasasaktan lang ako.

Gusto ko munang lumaya. Makaamoy ng sariwang hangin.

"Kate?"

Napatingin ako sa tumawag sa 'kin, "Josh?"

Umupo siya sa tabi ko, "Woah. Anong ginagawa mo rito? At bakit ganyan ang mukha mo?"

Hindi ko siya pinansin at napayuko na lamang ako.

"Uy, Kate. May nangyari ba?"

"Wala. Nag-break lang kami ng boyfriend ko,"

Ayan. Nasabi ko na. Sa sobrang pagse-senti ko at pag-alala sa problema ko, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Nag-break?" gulat niyang tanong.

Napalingon ako sa kanya, "Uh-huh, sorry kung nabigla kita."

"Nalaman mo na?"

Nagtaka ako sa sinabi niya, "Nalaman? Ang alin?"

"A-ah, wala..."

Huwag niyang sabihin na may alam siya rito?

Oo nga pala, model din siya katulad ni Sean na isa sa mga katuhan ni Kleifford at Lei.

"Josh, alam mong nagpapanggap siya sa iba't-ibang katauhan?"

Tinitigan niya ako.

"Josh, alam mo 'to?"

Napayuko siya.

"Josh, 'wag mong sabihin..."

"So, nalaman mo na pala..."

Nagulat ako sa sinabi niya, "Nalaman mo na pala?"

Tiningnan niya ako, "Na si Sean at Kleifford ay iisang tao lang,"

"Teka nga Josh. Alam mo 'to?"

"Kahapon ko nalaman. Inimbestigahan ko siya at doon ko napag-alaman ang lahat. Pareho tayong biktima, Kate. Gusto ko rin sana sabihin 'to agad sa 'yo. Ayoko nang may maloko pa siyang iba pero mukhang naunahan mo na ako,"

Natahimik ako.

"Akala ko no'n na iisang tao lang ang dalawa kaya tinanong ko si Sean kung iyon ba ang kaso, pero sinabi niya sa 'king imahinasyon ko lang ang lahat. Ang sakit nga eh. Alam mo yung itinuring ko siyang kaibigan pero balewala lang ako sa kanya? Isa lang ako sa mga taong pinagmukha niyang tanga."

So ibig sabihin...

"Masakit din ba para sa 'yo Kate? Siyempre, mas masakit sa parte mo kasi kaibigan mo yung isa tapos yung isa ay ang taong mahal mo,"

Pilit akong ngumiti.

"Kinakalimutan ko na nga lang ang lahat eh. Haha. Ano nga lang ba ako para sa kanya? 'Di ba Kate?"

Hinawakan ko ang dibdib ko.

Ang sakit.

"Alam mo Kate, gusto ko siyang sapakin kapag nagkita kami ulit.Kasi marami nang nasasaktan dahil sa kagagawan niya. Pero alam mo yun, hindi ko siya magawang saktan. Pinipigilan ako ng mga alaala ko. Yung times ng pagkakaibigan namin."

Ang sakit. Sobrang sakit.

Bumabalik na naman siya.

"Sana ibang tao na lang. Aish. Bakit ko ba sinasabi ang lahat ng 'to sa 'yo Kate? Geez. I'm sorry. Nadadala na naman ako,"

"Josh, tama na please..."

Naisarado ko ang mga kamao ko at tuluyang napayuko. Namalayan ko na lang na tumutulo na ang luha ko.

"Kate?"

"Hindi mo alam ang pakiramdam ko, Josh. Kung ikaw...kung ikaw, hindi mo siya magawang sapakin, ako, kayang-kaya ko. Tama ka. Mas masakit ang ginawa niya sa 'kin kaysa sa 'yo. Mas masakit pa sa mas masakit. Kasi...kasi...ikaw, hindi mo naman naging boyfriend si Kleifford. Naging kaibigan mo lang si Sean. Tsaka...sila lang namang dalawa ang nanloko sa 'yo. Alam mo bang may isa pa siyang katauhan na nakilala ko? Si Lei. Oo...si Lei. Ang kinaiinisan kong tao. Silang tatlo...ipinagmukha akong tanga...At ako naman, nagpakatanga,"

"May...isa pa siyang katauhan...?"

"Oo. And I believed in all of them three! I trusted them and this is what I get,"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol na ako sa iyak.

Napahawak ako ng noo ko, "I'm sorry Jo---"

Naramdaman kong niyakap niya ako.

"It's okay. I understand. Just let me be your crying pillow for a while,"

Kleifford / Sean / Lei's P.O.V

"O. Kay. Saan natin siya hahanapin ngayon leader?"

"Tumahimik ka, Phil. Maghanap ka na lang," suway ko.

"Opo. Boss Lei,"

"Sigurado ka bang mahahanap natin siya rito Lei? Ang laki laki ng plaza."

Nilingon ko si Matt, "Shut up. Handa akong hanapin siya sa buong plaza o sa buong mundo man iyan."

"Hehe. Iba talaga ang epekto niya sa 'yo. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?" sudden question ni Franc.

Hindi na ako nagpatumpik pa sa pagsasalita, "Everything,"

Nagsitinginan sila sa isa't isa.

Seryoso ako. Handa akong ikutin ang buong plaza mahanap lang siya.

Oo. Sumubok na kaming pumunta sa bahay niya. Tinulungan ako ng tatlo. Nagpanggap si Phil na classmate ni Kate at kunwaring pumunta d'on para kausapin si Kate tungkol sa kunwaring group project pero sabi ng Kuya niya, maaga raw siyang umalis. Pati Kuya niya, nag-aalala na sa kanya. Nasaan ba siya?

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Because this is all my fault. I know that.

"Uy! Si Kate ata yun! Siya nga ba yun?"

Napatingin ako sa tinuturo ni Phil.

"Baka hindi siya yun. May kayakap siyang lalaki eh."

I frozed.

Phil's right.

In front of us, we are seeing who I've been looking for until now.

Kate.

But the thing is, she's hugging someone.

And if I'm not mistaken, that's Josh.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
871K 39.7K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
125K 9.1K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...