The Wife And The Mistress

By iamsograce

190K 2.4K 181

Love is one of the best thing that can happen to your life. But what if one day, it will only destroys your l... More

Chapter 1 -- The Rose
Chapter 2 -- Moving Closer
Chapter 3 -- Falling from Cloud Nine
Chapter 4 -- Escaping The Past
Chapter 5 -- Dissemble
Chapter 6 -- Photographs
Chapter 7 -- Dangerously In Love
Chapter 8 -- Secret Valentine
Chapter 9 -- The Great Escape
Chapter 10 -- Instinct
Chapter 11 -- Hurt Me With A Lie
Chapter 12 -- Hide And Seek
Chapter 13 -- Saving A Broken Heart
Chapter 15 -- End Of The Road
Chapter 16 -- Wife's Distress
Chapter 17 -- The Hostile
Chapter 18 -- Perks of being a Martyr
Chapter 19 -- Heavily Broken
Chapter 20 -- Suicide Love
Chapter 21 -- Lost Star
Chapter 22 -- Crossing The Finish Line
Chapter 23 -- The Fall of the Quean
Chapter 24 -- Close to the End
Epilogue

Chapter 14 -- Unveiling The Truth

4.7K 72 0
By iamsograce

Alam ni Martee na hindi siya tatanggihan ni Natalie. Bago pa kasi ang Party ay kinausap na siya ni Mr.Ortega at sinabing ito na ang tamang oras para mag propose ito sa anak.



Hindi naman alam ni Natalie ang kanyang isasagot. Tinignan niya si Ervic at nararamdaman niyang tumututol ito. Tinignan naman niya ang lahat ng mga tao at halos ay parang nakangiti, masaya at kinikilig na tila sinasabing tanggapin niya ang alok ng boyfriend. Tinignan niya si Ayen at tumango ito, then ang Dad niya, kita niyang masayang nakangiti ito.



Ito ang gusto ng Dad niya, ang magpakasal siya sa taong inaakala nilang mahal pa rin niya hanggang ngayon. Ayaw niyang biguin ang Dad niya, sa kabilang banda naman tumututol ang puso niya. Napapikit na lang siya sa mga naiisip tsaka tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Minulat niya ang kanyang mga mata tsaka tinignan si Martee. Ramdam nito ang kagustuhan ng boyfriend na pakasalan niya ito.



"Y--Yes, yes I'll marry you." Sambit ni Natalie tsaka pinasuot ni Martee ang singsing sa kanya at niyakap ng mahigpit. Nagsipalakpakan naman ang mga tao sa paligid nila. Hindi ko alam kung tama nga ba ang naging desisyon ko basta ang alam ko ito ang dapat kong gawin.



Masayang pumapalakpak sina Carlyn, si Ervic naman walang ekspresyon ang mukha. 'Ni hindi siya pumapalakpak sa magandang balita na ito dahil para sa kanya, masamang balita ito.



Ilang sandali pa at pumunta si Ervic sa maraming alak at do'n uminom habang abala si Carlyn sa pakikipag-usap kay Ayen, kalaro naman ni Barbie si Nicko.



"Hindi kana dapat pumunta dito." Biglang sabi ni Natalie, nang lapitan niya ang nag iisang si Ervic.



Nilingon ni Ervic si Natalie. "Bakit? Para hindi ko masaksihan ang pag po-propose sayo ni Martee at ang pag payag mo sa alok niya?"


Hindi sumagot si Natalie.



"Huwag kang magpapakasal. Hindi mo siya mahal kaya hindi ka magiging masaya sa kanya."



"Gagawin ko kung ano ang gusto ko. At hindi ikaw ang magpapasya nun. Minsan ko ng minahal si Martee kaya madali para sa'
kin ang mahalin siya ulit."


"Pano na tayo?" Tanong ni Ervic.



"Walang tayo. At kahit kailan hindi na magiging tayo. Mali ang mahalin ka, kaya gagawin ko kung ano ang tama at 'yon ay ang kalimutan ka at mahalin ulit ang taong mahal ako ng sobra."



"Wala naba talaga tayong pag-asa?"


"I don't want to be a mistress forever." Ang totoo gustong gusto niyang balikan si Ervic pero ayaw niyang masaktan ang Pamilya niya lalo na ang kanyang Dad. Lalo pa't may sakit ito.



Umiwas na lang si Natalie sa tanong ni Ervic at iniba ang usapan. "By the way, maghanap kana pala ng iba mong trabaho. This is way better for the both of us. Ayokong magkaroon pa kami ng problema ni Martee."



Bago pa makapagsalita si Ervic ay dumating na si Martee.


Pagkakita ni Martee na nag-uusap ang fiancei at si Ervic ay bigla na naman niyang naramdamang umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo. Gusto na niyang sugurin si Ervic at basagin ang pagmumukha pero pinipigilan lang niya ang sarili.



Paglapit sa dalawa ay agad na inakbayan ni Martee si Natalie. Sabay tingin kay Ervic. "Kuya, sina Ate Carlyn?"



"Uhm.. ah .. kausap pa ang kapatid ni Natalie."



"Hindi mo ba kami ico-congratulate ni Natalie? Finally malapit na din kaming ikasal." Tila iniinsulto pa niya si Ervic sa mga sinasabi niya.



"Uhm .. Co-congrats sa inyong dalawa. Sana maging-maging masaya kayo." Labas sa ilong ang mga sinabi niya.



"Huwag kang mag-alala, Kuya, kahit hindi mo sabihin, siguradong magiging masaya kami ni Natalie. At alam kong magtatagal kami. Hindi ba, sweetie?"



"Ah .. O-oo naman." Pilit na sagot ni Natalie. Nag-iiwas pa siya ng tingin kay Ervic.



Pinalupot ni Martee ang kanyang kamay sa beywang ni Natalie dahilan para mapaharap silang dalawa sa isa't-isa. "Bukas na bukas din pag-usapan na natin ang details ng wedding natin. Excited na'ko."



Hindi masyadong ma absorb ni Natalie ang mga sinasabi ni Martee dahil alam niya nasa paligid lang si Ervic.



Ayaw naming tignan ni Ervic ang ka sweetan ng dalawa. Parang pakiramdam niya sinasadya yun ni Martee. Ayaw niyang magtagal sa lugar na 'yon na nakikita ang dalawa kaya umalis na lang siya at niyaya ng umuwi ang asawa't anak.



NAGING abala ang dalawang ikakasal sa pagpa-plano ng kanilang wedding. It'll be 6 months from now. Gusto kasi ni Martee na madaliin na ang kanilang kasal, natatakot siyang baka magbago pa ang isip ni Natalie. Kung pwede nga lang pinakasalan na niya ito kahit sa judge lang. Pero syempre gusto niyang magkaroon si Natalie ng hindi nito makakalimutang wedding sa tanang buhay niya.



Wala siyang binanggit sa mag-asawa tungkol sa nalaman niya. Pinakitunguhan niya pa rin ng maayos ang bayaw kahit na sa loob-loob niya ay gusto na niya itong bugbugin. Naniniwala siyang wala na ang mga namagitan sa bayaw at sa kanyang fiancei.



Pilit na inabala ni Natalie ang sarili para hindi niya laging iniisip si Ervic. Pilit na niya itong kinakalimutan kahit na mahirap ito para sa kanya.



NASA may pool side ng bahay nila si Natalie, nilalaro ang tubig sa paa niya at malalim ang iniisip. Pagkatapos siyang ihatid kanina ni Martee ay dito na siya dumiretso para makapag muni-muni. Nawala lang ang malalim na iniisip niya nang lapitan at kausapin siya ng kanyang Ate.



"Ano na naman ba'ng emote yan?" Pabirong tanong ni Ayen sa kapatid. "Don't tell me, si Ervic pa rin 'yang iniisip mo?" Tinabihan niya sa pag-upo si Natalie.



"Naisip ko lang, siguro tama na rin 'tong mga nangyayari. I mean, it's a good thing na hindi kami natuloy ni Ervic sa pag-alis noon, dahil kapag natuloy 'yon, baka kung ano pa mas masama ang nangyari kay Dad. And I could only blame my self for that." Mahabang litanya ni Natalie.



"Everything happens for a reason. Hindi kayo natuloy ni Ervic noon dahil mali, mali ang mahalin mo siya at mali ang iwanan niya ang kanyang Pamilya para lang sa pansarili niyang kaligayahan."


Napayuko tuloy si Natalie. Tama ang kanyang Ate sa mga tinuran nito. Tamang tama nga siya.



"So, hindi mo na siya mahal?" Usisa ni Ayen.


Napabuntong hininga tuloy si Natalie. "Hindi naman madaling kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya. Pa unti-unti, alam ko makakaya ko. At si Martee, mamahalin ko ulit siya tulad ng dati."



"Hay buti naman na realize mo na kung ano talaga ang dapat ang tamang gawin. Sana lang walang malaman si Martee at Carlyn tungkol sa nakaraan niyo ni Ervic. Tutal tapos na rin naman kayo."



"Yun din ang dasal ko, Ate."



"So, how's the wedding preparation?"



"We already hired a wedding organizer. Nakapagpa sukat na rin ako ng wedding gown ko. "



"Its gonna be months from now. Ano'ng nararamdaman mo? Siguraduhin mo lang na hindi na magbabago ang isip mo."



Magbabago ang isip? Uhm ... ah ... teka lang.. Sigurado na ba ko sa desisyon ko? Hindi, ah oo, ah ewan ko. Hindi ko na alam pa.



Sa mga araw na nagdadaan lalo lang napapatunayan ni Natalie na mahal niya pa rin si Ervic. Lalo lang niya itong nami-miss at gustong makita. Ganon din naman si Ervic kay Natalie, pakiramdam niya hindi buo ang araw niya kapag hindi nakikita si Natalie.



Wala sa sariling tumitingin si Natalie sa mga design ng wedding cake sa isang magazine. Nasa garden sila ng kanilang bahay kasama si Martee at ang isang pastry chef. Itong si Martee lang halos ang nakikipag-usap sa pastry chef, tahimik lang si Natalie na tila malalim ang iniisip.



"Gusto mo naba 'tong design na'to?" Tanong ni Martee kay Natalie. Pero tila walang naririnig ang kausap. "Natalie?" Hinawakan niya ang kamay nito saka lamang ito parang natauhan.



"Huh?" Ang tanging nasambit ni Natalie. Tsaka lang niya naalala na namimili pala sila ng design sa kanilang wedding cake ni Martee. "Uhm.. i-ikaw na ang bahala. Kung-kung anong gusto mo, 'yun na lang din."



Binitiwan ni Martee ang magazine sa mesa. "This wedding involves the two of us, hindi lang ako."



"May tiwala naman ako sa'yo. Alam ko naman na hindi mo hahayaang lumitaw na pangit ang wedding natin."



"Then cooperate with me. Natalie, ayokong mapahiya sa lahat ng tao kaya siguro naman sigurado ka ng magpapakasal sa'kin."



"Uhm... ah.. O-oo naman. Sigurado na'ko." She fake a smile. Tinuloy na nila ang pagpili ng design ng kanilang wedding cake.



Madaling lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Lahat ay naka prepara na para sa kasal ng taon. Kinakabahan na si Natalie, hindi pa rin siya sigurado kung itutuloy niya ang naging desisyon niya. Aminado siyang hindi pa rin niya makalimutan ang nararamdaman para kay Ervic. Matagal na rin niya itong hindi nakikita. Yun naman ang gusto niya, ang hindi na ito makita, kahit na nasasaktan siya sa mga nangyayari.



Para mawala ang stress ni Natalie, nagpasya siyang mag shopping. Niyaya niya ang kanyang Ate kaso abala daw ito sa paghahanda para sa magiging trabaho niya sa kumpanya nila. Naiinip na daw kasi ito sa bahay at gusto niyang mag trabaho. Kukuha na lang sila ng baby sitter ni Barbie kapag nag ta-trabaho na siya.



Palabas na ng mall si Natalie ng mag ring ang kanyng cell phone. "Martee?.... Uhm wala ako sa shop eh, nandito ako sa mall. Nag shopping lang sandali..... No, actually hindi pa'ko kumain.... Sige, dito na lang tayo kumain..... I'll wait for you here, dito na lang sa parking lot....."



Pagdating sa kinapaparkingan ng kanyang kotse ay ka agad na niyang pinasok ang mga pinamili niya dito.



Ilang minuto pa lang niyang hinihintay si Martee ay nakakaramdam na siya ng pagka inip. Tingin siya ng tingin sa kanyang wrist watch. Nakasandal lang naman siya sa hood ng kanyang kotse.


Nakahanap naman ng part time job niya si Ervic sa parehong mall kung nasaan si Natalie bilang isang promodizer ng isang sikat na produktong pambahay. Pina-park naman sa kanya yung kotse ng kanyang boss na malapit lang sa kotse ni Natalie. Nang bumaba siya ng kotse ka agad niyang nakita si Natalie sa kabilang daan ng parking lot.



Agad din namang nakita ni Natalie si Ervic. Ngayon lang sila ulit nagkita matapos ang ilang buwan. Waring nag-uusap ang kanilang mga mata sa muli nilang pagkikita. Gustong gustong yakapin ni Natalie si Ervic pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili, baka kasi magbago ang kanyang isip tungkol sa kasal kapag muli silang nag-usap o nagkasama.




Ervic, bakit ba lagi mo na lang pinapasakit ang puso at isip ko? Please, lumayo kana dahil baka biglang hindi na ulit kita pakawalan pa.



Natalie, kahit ngayon lang, gustong gusto kitang kausapin. Pagbigyan mo naman sana ako. Sabi naman ni Ervic sa kanyang utak. Humakbang na siya para puntahan sana si Natalie.



Please, huwag mo'ng gawin sakin 'to. Bago pa siya tuluyang lapitan ni Ervic ay nagpasya na siyang umalis na sa parking lot pero hindi pa man siya nakakahakbang ng malayo ay narinig niya na may paparating na sasakyan, paglingon niya napahiga sa daan si Ervic. Muntik na pala itong mabangga nung dumaan na sasakyan.



"Ervic?" Dali-dali niya itong nilapitan. "Okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Natalie.


Gasgas lang naman ang natamo ni Ervic, walang malalim na sugat.



"Ano? Okay ka lang? Do I need to bring you at the hospital?"



Hinawakan ni Ervic ang kamay ni Natalie. "Relax! Okay lang ako." Tsaka siya tumayo. Nang bigla siyang yakapin ni Natalie. Nung una nabigla siya pero kalaunan ay niyakap na din niya si Natalie.



Parang ngayon lang sila muling nagkayakap na dalawa. Sa sobrang higpit ng kanilang yakap parang ayaw na nilang bitawan ang isa't isa. "Natalie, na miss kita."



Kumawala sa pagkakayakap si Natalie at tinignan sa mata si Ervic. "I missed you, too, ---- so much!" Niyakap niya ulit si Ervic.



Nasa parking lot na din ng mall si Martee, pinark niya ang kanyang kotse at hinanap si Natalie. By the time na nakita niya ito ay nakayakap pa rin sa kanya si Ervic. Napakuyom agad siya sa kanyang mga palad.



"Sabihin mo, mahal mo pa rin naman ako, diba?" Tanong ni Ervic at hinawakan niya ang mukha ni Natalie.


Hindi sumasagot si Natalie. Tears form behind her eyes.



"Mahal pa rin kita, Natalie."



Tsaka na tuluyang tumulo ang mga luha ni Natalie. I still love you, Ervic. Pero hindi na pwede.



Hindi na mapigilan ni Ervic ang kanyang sarili kaya hinalikan na niya si Natalie. Ramdam na ramdam ng dalawa ang pananabik sa isa't isa.



Sa nakita ni Martee agad na nag-usok ang tainga niya. Animoy isa siyang tigre na kailangang patayin ang isang hayop na pumasok sa teritoryo niya.



"Ervic, ikakasal na'ko."



"Hindi pa naman huli ang lahat, diba?" Diba?"



Hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila ang galit na galit na si Martee. Para siyang isang leon na handing patayin ang sinumang hayop. "Bitawan mo ang fiancee ko." Sigaw niya kay Ervic, ilang sandali pa at sinuntok niya agad ito. Dahilan 'yon ng pagkatumba ni Ervic sa sahig.


"Martee." Kaagad na inawat ni Natalie si Martee.


"Ano'ng ginawa kong kasalanan sa'yo? Bakit si Natalie? Bakit siya?" Sigaw ng galit na galit na si Martee kay Ervic.



Tumayo naman si Ervic hawak hawak ang nguso niyang pumutok at dumugo dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Martee.


"Martee...." Magpapaliwanag sana si Ervic dito kaso alam niyang hindi siya pakikinggan nito.



"Ang masakit nito hindi lang ako ang niloko mo, niloko mo din si Ate at si Nicko."



"Martee, hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadyang mahalin si Natlie. Bigla na lang-------"



Hindi pa man siya tapos sa kanyang sasabihin ay sinuntok ulit siya ni Martee.


"Martee, tama na." Awat ni Natalie sa boyfriend. Niyakap na niya ito para tumigil ito sa pagsugod kay Ervic.


"Tinuring kitang parang tunay na kapatid, wala akong pinakitang masama sa'yo, tapos ganito lang ang igaganti mo? Himutok ni Martee kay Ervic. "Pinagkatiwalaan kita, pero inahas mo lang pala ako."



"Martee, umalis na lang tayo dito." Yaya ni Natalie.



"Walang malalaman dito si Ate Carlyn, pero sa oras na nilapitan mo pa si Natalie, hindi ako magdadalawang isip na paduguin muli yang pagmumukha mo." Sabay duro kay Ervic. "Tandaan mo yan." Hinawakan niya ang kamay ni Natalie at pagalit na isinama sa kotse nito.



Walang ibang maririnig sa loob ng kotse ni Martee kundi ang mga hikbi nitong umiiyak na si Natalie. Si Martee, nakasalubong lang ang kilay. Noon pa niya dapat sinuntok si Ervic pero pinigil lang niya ang sarili dahil naniniwala siyang titigil din ang dalawa sa kalokohan nila oras na malapit na lang silang ikasal ni Natalie.



"Gaano niyo na'ko katagal niloloko na dalawa? Huh?" Galit na tanong ni Martee.



"Martee, hindi naman namin inten----"



Bigla na lang sumigaw si Martee. "Gaano niyo na'ko katagal niloloko!?" Gusto niyang marinig mismo kay Natalie ang sagot kahit alam na niyang nung nasa NYC pa ang dalawa nagsimula ang relasyon nila.



Hindi alam ni Natalie ang sagot, humihikbi lang siya.




"Ano? Nung parehong nasa New York pa kayo? Huh?"



Nabigla si Natalie sa narinig. Napatigil siya sa paghikbi at napatitig kay Martee.



"Nagtataka kaba kung pano ko nalaman ang tungkol dun? Noon pa ramdam ko na may kakaiba sa inyong dalawa at napatunayan ko lang 'yon nang makita ko ang mga letrato niyo sa New York, pero binalewala ko lahat ng 'yon at inalok pa rin kita ng kasal."



"Martee, I'm sorry. I'm so sorry." Yun lang ang tanging nasasambit ni Natalie sa mga oras na 'yon. Dahil sa totoo lang walang siyang alam na sabihin sa boyfriend. Hiyang hiya siya dito.



"Sabihin mo nga sa'kin, bakit ka pumayag magpakasal sa'kin? Huh?" Galit pa rin na tanong ni Martee.



"Dahil--dahil... gusto kong itama lahat ng mali. Gusto kong bumalik sa dati ang lahat, nung wala pa si Ervic sa buhay ko."



"For once and for all, mahal mo ba siya?"



Ayaw sumagot ni Natalie, dahil kapag sumagot siya siguradong lalong masasaktan lang si Martee. Ayaw na niyang magsinungaling pa muli dito.



"Mahal mo ba siya?!" Pasigaw na tanong ulit ni Martee.



Umiyak lang ng umiyak si Natalie. "I'm-I'm sorry, Martee."



Sa pagsabi na 'yon ni Natalie, alam na ni Martee ang sagot nito. Kaya napasuntok siya sa manibela at itinigil ang kotse sa tabi ng daan.



Parang naiiyak na rin si Martee sa mga nangyayari. "Ginawa niyo kaming tanga. Na habang nakayakap ka sa'kin, nakahawak naman ang kamay mo sa kanya."



"Ma-maiintindihan ko kung.. kung ica-cancel mo ang wedding."



"Kapag iniurong ko 'yon, edi lalo ko lang kayong binigyan ng pagkakataong magsama na dalawa. Hindi ako papayag. No way! Tuloy ang kasal, no matter what happen. Hindi ako papayag na mawala ka sakin, Natalie. Hindi. Tandaan mo yan." Napatiim bagang siya at binilisan niya ang takbo ng kotse. Habang masama ang tingin niya sa kanilang dinadaanan.




Pagka hatid ni Martee kay Natalie sa bahay ng mga ito ay agad itong nagkulong sa kwarto niya. Impit ang pag-iyak niya, ayaw niyang malaman ng Pamilya niya ang mga nangyari. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya at ayaw din naman niyang ipahiya ang mga ito.



Sa gym naglabas ng sama ng loob si Martee. At malakas na pinag susuntok ang sandbag na nakasabit. Si Ervic ang nakikita niya sa sandbag kaya kulang na lang ay durugin niya ito sa mga malalakas na suntok niya.



Gabi na ng umuwi sa kanila si Ervic. Papasay-pasay, amoy alak, at hindi mawari ang itsura. May mga pasa pa siya. Sinalubong agad siya ni Carlyn pagbukas ng pintuan ng kanilang bahay at nakita agad ng asawa ang mga pasa niya.



"Ano ba 'yan Ervic? Amoy alak ka. Ano bang pumasok sa isip mo at uminom ka ng ganyan?" Inalalayan niya ang asawa sa paglalakad. "Teka, anong nangyari sa mukha mo? Bakit puro pasa ka?" Alalang tanong ni Carlyn.



"Wala 'to."



"Anong wala? Tignan mo nga, pati labi mo pumutok na. Sa'n ka nakipag away? Sinong ka away mo?"



"Wala nga." Naiinis na tuloy si Ervic sa mga sunod-sunod na tanong ng asawa.



"Sabihin mo nga sa'kin kung sino."



"Carlyn, pwede ba? Huwag kang makulit, diba sabi ko wala lang 'to? Kaya tumigil ka diyan." Galit na sabi ni Ervic.



Tila nagulat naman si Carlyn sa inasal ng asawa. Hindi kasi siya sanay na sinisigawan siya nito. Ngayon lang niya nakitang ganito ang asawa sa tanang buhay niya.



Tinapos ni Ervic ang mga kamay ni Carlyn atsaka na siya nagtuloy-tuloy sa kanilang kwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

768K 9K 40
(Romance Duology # --) Some said that a secret to a happy life is to keep fights clean and the sex dirty. Married life isn't that easy. Sedric and Ay...
3.4M 94.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
300K 3.5K 55
It contains scene and language not suitable for young readers.
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...