UNDONE (Time Traveler)

By MazyMei

53.8K 2.5K 488

The girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat... More

The Wedding Day
The Wedding Singer
The Message
Picture 1.1: Battle of the Band
Picture 1.2: Battle of the Band
Picture 2.1: Intramurals
Picture 2.2: Intramurals
Picture 3.1: Chocolate
Picture 3.2: Chocolate
Picture 4.1: College Life
Picture 4.2: College Life
Picture 5.1: The Band
Picture 5.2: The Band
Picture 6.1: Wedding Proposal
Picture 7: Wedding Preparation
2nd sa Last: STAY
FINAL: The Message
Bonus: ReiNer ♥

Picture 6.2: Wedding Proposal

1.8K 100 14
By MazyMei

Picture 6.2: Wedding Proposal

"Pixie, ayoko na. Gusto ko ng bumalik sa kasalukuyan. Hindi ko na kaya pa ang lahat ng sakit na dinaranas ko dito." Sabi ko kay Pixie habang umiiyak.

"Ano ka ba Riley? Susuko ka na lang agad-agad? Sa dami mo ng ginawa ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob?"

"Hindi mo kasi ako naiintindihan. Oo, ginawa ko ang lahat pero may nabago ba? Wala! Nasayang lang ang lahat ng effort ko."

"Naiintindihan kita Riley. Simula pa lang alam ko na 'yang pinagdadaanan mo kaya nga nandito ako 'di ba? Para tulungan ka."

"Ang totoo niyan, nahihiya na ako sayo Pixie. Sa dami mo ng itinulong sa'kin, wala manlang akong naibigay na magandang kapalit sa 'yo."

"Kahit ang pagpigil mo na lang sa wedding proposal ang gawin mo para sa 'kin.—" At hindi ko na naintindihan pa ang mga sunod niyang sinabi. Binulabog na ako ng tunog ng aking cellphone.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Panaginip lang pala ang lahat. Pero alam ko na ang dapat kong gawin ngayon. Ang pigilan ang magaganap mamaya. Oo, ayoko ng makielam pa sa kanila pero bilang pagtanaw ng utang na loob kay Pixie ay gagawin ko pa rin ito. At huli na 'tong gagawin ko. Pero sasagutin ko muna ang tumatawag sa 'kin.

"Hello?" Tanong ko. Si Reign ang nasa kabilang linya.

"Riley nasaan ka na ba? Tumulong ka naman sa preparation!" Sigaw nito. Hindi niya 'yata kayang magsalita ng mahinahon.

"Ha?" 'Yan lang ang tangi kong naisagot. Pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro na. Sa pagkakatanda ko 6 ang oras na sinabi sa 'kin ni Zacharias.

"Kailangan ko pang ulitin ang sinabi ko? Ang sabi ko—"

"No need, Reign." Bumangon na ako sa kama at nagsimulang mamili ng damit na isusuot. "Nasaan ba kayo? Pupuntahan ko na lang kayo."

"Nandito kami sa flowershop malapit sa M.U. Bilisan mo, ha?"

"Sige. Bye."

I have a plan now. Hihingi ako ng tulong kay Reign upang hindi matuloy ang wedding proposal ni Zacharias. Kaibigan ko siya kaya alam kong tutulungan niya ako. Kahit nawalan kami ng komunikasyon sa isa't isa ay alam ko pa ring mahal na mahal ako niyan ni Reign.

Pagdating ko sa flowershop ay ang masayang Reign ang sumalubong sa 'kin. Agad niya akong niyakap ng mahigpit at ganoon din naman ako sa kaniya. How I missed her! Si Ryner naman ay parang ewan lang na nakatingin sa aming dalawa.

"I'm glad you came, Riley! Salamat naman dahil matutulungan mo kami para—" Sabi niya at inalis ang pagkakayakap sakin.

"Actually, hindi kasi 'yan ang pinunta ko dito." Pagsingit ko sa kung ano mang sinasabi niya.

Naguguluhan siyang tumingin sa 'kin. "Eh, ano?"

"Sa labas na lang tayo mag-usap." At hinila ko siya sa labas ng flowershop. "Didiretsuhin na kita Reign. I need your help. I know it's weird pero gusto kong pigilan ang proposal ni Zacharias mamaya."

Hindi siya agad nakaimik sa sinabi ko. Kahit sino naman magugulat sa sinabi ko lalo na't best friend ko 'yong taong isasabutahe ko.

"Nababaliw ka na ba or what? Bakit gusto mong pigilan ang proposal ni Zach?"

"Dahil ayokong pagsisihan sa huli ang hindi ko pag-amin sa kanya. Ayokong masayang ang pagbalik ko dito sa nakaraan kung hindi ko rin siya mapipigilan!" Nadulas ako.

"Ano? Youre saying weird things Riley. Are you still okay? Anong pagbalik sa nakaraan ang pinagsasasabi mo?" Tanong niya ng hindi makapaniwala.

Nasabi ko na sa kanya, itatanggi ko pa ba?

"Tama 'yong narinig mo kanina. I came from the present. May tumulong lang sakin kaya nakabalik ako dito sa panahon niyo. Ang araw sa panahon na pinanggalingan ko ay December 22, 2016. Ang araw ng kasal nina Zacharias at Janica."

"I won't believe you. Give me some proof that you really came back from the present time."

"Teka, anong araw ngayon?" Tanong ko, nalimutan ko kasi, eh.

"October 24, 2014."

October 24, 2014? Ano nga bang nangyari noong time na 'to? Tama! Ngayong araw bumili si Ryner ng bago niyang kotse para supresahin si Reign. Ito na lang ang sasabihin ko sa kaniya.

"Ngayong araw bibilhin ni Ryner ang kotseng gustong-gusto mo."

"'Wag ka ngang nagbibiro d'yan. Ang mahal kaya no'n." Nagdududa pa rin siya sa 'kin.

"Why don't you ask him about that?"

"Fine." Sagot niya at lumapit kay Ryner. Pagkatapos ng saglit nilang pag-uusap ay nakita kong niyakap bigla ni Reign si Ryner. Tama ako 'di ba. At muli siyang bumalik dito sa kinaroroonan ko.

"Anong sabi niya?" Tanong ko agad sa kaniya.

"I'm so happy Riley! Tama nga ang sinabi mo! Pero teka, paano ka ba nakabalik dito sa nakaraan?"

"Someone helped me. At isa itong mahabang kwento. Well, now I need your help."

Lumungkot bigla ang mukha niya. Sana mali ang hinala ko. "Gusto sana kitang tulungan ang kaso... Ayokong sirain ang pagkakaibigan namin ni Zach. Pero wala rin akong planong sirain ang pagkakaibigan nating dalawa kasi hindi kita natulungan. Naisip ko kasi ng dahil sa muli mong pagbalik dito sa panahon namin ay sinisira mo kung ano na ang nakatakdang mangyari. At gusto ko ring maging masaya ang kaibigan natin."

"Ako? Ayaw mo ba akong maging masaya?" Hindi ko na napigilang maging emotional. Napaluha na lang ako bigla.

"Of course not! I wanted you to become happy too, but not in that way!"

"I know. Naiintindihan kita. Aalis muna ako." Sabi ko at nagpunas muna ng luha bago nagsimulang maglakad.

"Oh Riley! Ikaw pala 'yan! Kamusta na?"

Hindi ko pinansin si Risha at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Okay lang kahit magalit siya sa 'kin tutal hindi ko naman sila makuhang lapitan ngayong kailangan ko na sila. Pero mali ba talaga ang ginagawa ko? Ang planong pigilan ang lahat para sa ikasasaya ko? Tingin ko naman hindi. 

Ang mali ay ang pagiging makasarili ko. Hindi ko na nakuha pang mag-isip ng malalim at basta na lang sumusugod sa gyera. Hindi ko rin naman masisisi ang mga kaibigan ko. They were just choosing the right choice na kung saan ako ang talo. But this is life. Tama lang na huwag ko ng guluhin pa ang nakaraan at pagtuunan na lang ng pansin ang kasalukuyan.

Naglalakad na ako pabalik ng mapadaan ako sa bench na inupuan namin ni Zacharias kanina. Lumapit ako dito at tinignang mabuti ang lalaking nakaupo dito.

"Hommer?" Tanong ko ng malapitan ko na siya. Nakayuko kasi siya kaya hindi ko sigurado kung siya nga ba talaga ito.

Pagtingala niya sa 'kin ay nakita ko ang malungkot na mukha ni Hommer. Ang tagal na rin naming hindi nagkita nitong si Hommer. Pagkatapos ng battle of the band ang huli na naming pagkikita.

"Okay ka lang ba?" Concern kong tanong at umupo sa tabi niya.

"Of course, I am." At nginitian niya ako na halata namang peke.

Mapakla akong tumawa. "'Wag ka ng magkunwari sa harap ko. Just tell me what's your problem, don't be shy."

Sumandal siya at saka tumingala sa papadilim ng kalangitan. "Ngayon na magpo-propose si Zach kay Janica."

"I know. So what's the matter?"

"Wala. May iniisip lang ako."

Tumingin din ako sa kalangitan. Too calm... "Do you love her?" Ramdam ko ang biglaan niyang pagtingin sa 'kin kahit hindi ako nakatingin sa kaniya.

"Ha? What are you saying?"

"Yes or no lang ang sagot Hommer. Madali lang naman 'yung sagutin 'di ba?"

Tumahimik siya sandali na wari ba'y nag-iisip ng isasagot sa tanong ko. "Oo. Mahal ko siya kaso wala na akong magagawa pa. May iba siyang mahal!"

Unti-unting pumatak ang mga luha ko habang nakatingala sa kalangitan. "Napakadaya mo. Ako ginagawa ko ang lahat para pigilan sila samantalang ikaw sitting pretty lang dito. Pilay ka ba para hindi kumilos?"

"You mean...?"

"Oo. Matagal ko ng mahal si Zacharias ang kaso si Janica ang gusto niya." Nilingon ko na siya ngayon. "Kaya nga ginagawa ko ang lahat Hommer dahil mahal ko siya!"

"Non sense. Wala ka ng magagawa pa."

"Mali ka! Sinasabi mo lang 'yan kasi isa kang duwag!"

Umiiyak na rin siya ngayon. "Hindi ako duwag... Sinubukan ko namang gawin ang lahat."

"Hindi mo pa ginagawa ang lahat!" At pinaghahampas ko ng braso ko ang dibdib niya habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. "Napaka-unfair mo! Ako ginawa ko ang lahat dahil mahal ko siya pero ikaw... Wala man lang! Kahit ngayon lang sana... Kahit ngayon..."

Pinigilan niya ang braso ko saka ako niyakap. "I'm sorry Riley. Sorry... Sorry kung hindi ako nagpakalalaki para kay Janica... I'm sorry ng dahil sa 'kin silang dalawa ang nagkatuluyan... Sorry..."

Ilang minuto rin kaming nag-iyakan na dalawa bago inayos ang sarili. Madilim na rin at mayroon na ring mga bituin sa kalangitan.

"Siguro naman hindi pa huli ang lahat. Puntahan na natin sila ngayon." Sabi ni Hommer at hinila ako patayo. Tinignan ko ang relo ko. 6pm pa lang. Ibigsabihin ay magsisimula pa lang ang proposal.

"Tara!" At magkahawak-kamay kaming tumakbo papunta sa venue ng wedding proposal ni Zacharias. I hope we're not late.

Habang tumatakbo ay para bang ang bilis ng takbo ng oras. Kasing bilis ng takbo naming dalawa. Siguro nga hindi tamang pigilan naming dalawa ni Hommer ang pagmamahalan ng dalawa dahil kahit panahon ay ayaw umayon sa 'min. Bigla na lang umulan kahit may mga bituin sa kalangitan.

Nagpatila muna kami sa may shed. Ang sabi ko nga kay Hommer ay tumuloy pa rin kami kahit umuulan dahil baka wala na kaming maabutan do'n. Kaso sabi niya baka raw magkasakit kami. Pagtilang pagtila ng ulan ay kumaripas na ako ng takbo patungo sa venue.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang maliwanag na parke dahil sa mga spot light na nakalagay at mga ilaw na may iba't ibang kulay. Maganda ang lugar. Perfect place para sa proposal ni Zacharias. May mga lobo sa paligid at may nagkalat na petals ng rosas sa sahig. Ang bawat puno ay may nakakabit na ilaw na may kasamang bulaklak at lobo. Sa gitna ay simple lang ang disenyo. May isang malaking tarpaulin na hawak-hawak nina Risha at Reign. Samantalang si Ryner ay may hawak na DSLR habang nakatutok sa dalawa.

Perfect place for the perfect couple. Janica was holding a bouqet of flowers and Zacharias was putting the wedding ring we bought on her finger. We're late. Damn. Is this the end of everything?

"I'm sorry Riley. We didn't make it." Sabi ni Hommer sa tabi ko. Nandito kami sa may puno, 'yong lugar na hindi pansinin.

I smiled at him, the weak one. At sakto namang nag-flash ang camera ni Ryner. Kahit malayo ay apektado pa rin ako. Pumikit ako. 

Pagkatapos ng insidenteng ito ay napagdesisyunan kong lumipat ng school na pagtuturuan. 'Yong alam kong wala ng koneksyon sa nakaraan ko. Dumilat akong muli ng alam ko ng nasa venue na ako ng kasal.

"Kahit ilang beses akong magpabalik-balik sa nakaraan, wala pa ring nangyayari. Parang timang lang. Walang sense lang itong ginagawa ko." Sabi ko kay Pixie na kasalukuyang nasa likuran ko.

"Bakit ba kasi puro negative thoughts iyang nasa utak mo? Bakit hindi mo palitan ng mga positibong bagay?"

"Para saan pa? Wala na rin namang pag-asa." Sabi ko at pinatay ang camera pagkatapos ay inilagay ko ito sa palad ni Ryner. Nakakairita lang tignan ang larawan kung gaano kasaya dito sina Zacharias at Janica.

"Mayoron pang pag-asa. Just believe in yourself." Sabi niya habang unti-unting nawawala.

"Hey, Riley! Say hi!" Napalingon ako kay Ryner habang nakatutok sa 'kin ang hawak niyang camera. Hindi ko na ito tinakpan at hinayaan na lang siyang kuhaan ako ng video. Masyado na akong maraming iniisip para makipagtalo pa sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

80.9K 1.7K 42
Latifah Pacura was deprived of the truth about her life. What if one day it will come to the point that she will know everything? Will she still acce...
6.1K 606 65
One day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took...
19.4K 1.2K 23
Who would've thought na magtatagpo tayong dalawa? Sa tamang panahon at sa tamang oras, and now all I feel is EUPHORIA
Gapang By vhfc_13

Short Story

17.3K 38 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)