UNDONE (Time Traveler)

By MazyMei

53.8K 2.5K 488

The girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat... More

The Wedding Day
The Wedding Singer
The Message
Picture 1.1: Battle of the Band
Picture 1.2: Battle of the Band
Picture 2.1: Intramurals
Picture 2.2: Intramurals
Picture 3.1: Chocolate
Picture 3.2: Chocolate
Picture 4.1: College Life
Picture 4.2: College Life
Picture 5.1: The Band
Picture 5.2: The Band
Picture 6.2: Wedding Proposal
Picture 7: Wedding Preparation
2nd sa Last: STAY
FINAL: The Message
Bonus: ReiNer ♥

Picture 6.1: Wedding Proposal

2K 100 12
By MazyMei

Picture 6.1: Wedding Proposal

"Hey, Riley! Say hi!" Napalingon ako ng 'di oras sa tumawag sa 'kin. Si Ryner lang pala. May hawak na DSLR, nagvi-video 'yata. Remember, siya ang camera man dito sa kasal.

Sa halip na sabihin ang 'hi' ay tinakpan ko ang lense ng camera. Ang panget kaya nga hitsura ko para video-han.

"'Wag mong takpan!" Sabi niya habang pinipilit na alisin ang pagkakahawak ko.

"Hindi. Magtigil ka Ryner. Patingin na lang ng mga picture d'yan." Sabi ko naman at inagaw na lang sa kaniya ang SLR. Kaagad kong binura ang video na kinuhanan niya at saka pinindot ang previous button para makita ang ibang picture dito sa gallery.

Medyo nalibang ako sa pagpindot hanggang sa umabot na ako sa gabi mismo na kung saan ay nag-propose si Zacharias kay Janica. Nakaluhod si Zacharias habang isinusuot sa daliri ni Janica ang wedding ring. Ang sweet nilang tignan sa picture. Sana ako na lang si Janica.

"Ready ka na ba ulit bumalik sa nakaraan?" Sabi ni Pixie na nasa tabi ni Zacharias ngayon. Wala namang pake si Zacharias kasi hindi sila gumagalaw ngayon.

"Sa tingin mo ba Pixie mapipigilan ko ang engagement nila? Ilang beses ko ng sinubukang bumalik sa nakaraan pero wala pa rin naman akong nabago." Sabi ko at muling tinitigan ang picture.

"Oo naman! Naniniwala ako sa kakayahan mo." Pinapalakas niya ang loob ko.

Ngayon ko lang napansin na wala pala ako sa picture. Si Zacharias at Janica lang ang nakuhanan. Imposible tuloy na makakabalik ako ulit sa nakaraan.

"Pixie. Wala na naman ako dito sa picture."

"Nandyan ka. Titigan mo lang ng mabuti 'yong babae na makikita sa pagitan nila Zach at Janica. 'Yong maliit na maliit lang. At ikaw 'yan, Riley."

Sinunod ko ang sinabi niya at tinignan ito. "Anong ginagawa ko dito? 'Diba dapat kasama ako nila Risha at hindi extra lang dito sa picture? I should be there in Zacharias's proposal."

"Ask yourself about that Riley. Ikaw lang ang nakakaalam d'yan sa tanong mo."

Oo naman, ako lang ang nakakaalam. Ang kaso 'di ko talaga matandaan. Siguro mas mabuti na bumalik na lang ako sa nakaraan.

"Here. Drink this now." Sabi ni Pixie na nasa tabi ko na pala at iniabot sa 'kin ang elixir. Kahit wala akong kasiguraduhan kung may mababago man ako ay susubukan ko pa rin. Kahit pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa ay ipagpapatuloy ko pa rin ito. Ganito ko siya kamahal, handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Stupid love!

Ininom ko na ang berdeng likidong ito at pumikit. Muli akong dumilat ng may marinig akong mga ingay. At ngayon ay alam ko na kung saan ito nanggagaling. Sa mga estudyante kong nagkakagulo dahil uwian na. Daig pa nila ang elementary kung mag-ingay kahit na Grade 9 naman na sila.

"Goodbye class!" Pasigaw kong sabi dahilan para makuha ang atensyon nilang lahat.

"Goodbye Ma'am Rome, see you tomorrow. God bless you." Sabay-sabay na sagot ng mga estudyante kong atat ng umuwi pagkatapos ay isa-isa na silang nagsilabasan. Nang makalabas na sila ay sinigurado ko munang malinis ang classroom bago lumabas.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway papuntang faculty room. Napag-isip-isip ko na ang tagal na pala simula ng makapasa ako sa board exam. After kong makapasa ay dito na ako nag-apply sa school na pinag-aralan ko noong high school ako. Natuwa ang mga dati kong teacher ng makitang dito ako magtuturo. At dahil dito pinasaya nila ako.

Nakalimot akong bigla sa pag-ibig problem ko. Nag-focused lang ako sa pagtuturo hanggang sa dumating 'yong time na nawalan na rin ako ng oras sa mga kaibigan ko. Sinubukan nila akong yakagin sa mga lakad nila pero ang oras na mismo ang ayaw makisama. Wala na akong oras sa mga bonding moments na 'yan dahil sobrang busy ako sa pagtuturo. At nakakalungkot mang isipin pero wala na akong komunikasyon sa kanila.

Inilapag ko ang mga dala kong libro, white board marker at eraser sa lamesa ko ng marating ko na ang faculty room. Napatingin ako sa kalendaryo sa ibabaw ng lamesa ko. Tama, ang petsa ngayong araw ay October 25, 2014. Ngayon din magpo-propose si Zacharias kay Janica.

Dinampot ko ang cellphone ko ng mag-ring ito. Si Reign, tumatawag. Sinagot ko ito at itinapat sa tainga ko.

"Hello?"

"Riley! I missed you so much!" Bahagya kong inilayo ang phone ko ng marinig ang matinis na boses ni Reign. "Ba't ba hindi ka nagpaparamdam sa 'min? Nagpapa-miss ka ba? Ha?"

"Hindi naman sa gano'n. Sobrang busy lang kasi ako talaga dito sa school."

"Sige, mapapatawad na kita basta huwag kang tatanggi sa sasabihin ko sa 'yo ngayon."

Nahihimigan ko na ang sasabihin sa 'kin ni Reign. At naaalala ko na kung bakit wala ako sa wedding proposal ni Zacharias dahil tumanggi ako ng tinanong ako ni Reign kung pupunta ba ako sa proposal ni Zacharias.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Is it about Zacharias's proposal?" Tanong ko.

"Yup! Paano mo nalaman ang tungkol d'yan? Sinabi na ba sa 'yo ni Zacharias?"

"Hindi. Naisip ko lang 'yan."

"So, asahan ka namin mamaya ha? Alam kong masakit ito para sa 'yo pero sana pumunta ka bilang kaibigan ni Zacharias. O kaya pumunta ka kahit para sa 'ming tatlo na lang nila Risha. Asahan ka namin Riley."

"Let me see. Bye." Sabi ko at hinihintay na lang na i-end call ni Reign ang tawag.

"Bye." At pinatay na nga niya ito.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kung gusto ko silang pigilan siguro dapat lang pumunta ako mamaya. Kaya ko 'to! Fight oh lang!

"Riley, may naghahanap sa 'yo sa may tapat ng gate." Sabi ni ma'am na kakaupo lang sa upuang katabi ng lamesa ko. Siya pa rin ang losyang version ni ma'am Car. I really don't have an idea kung kailan ba siya natutong mag-ayos.

"Sino po?" Tanong ko habang kinukuha ang mga answer sheets. Magche-check ako ngayon ng quizzes ng mga estudyante ko.

"Mahabang taon ko na siyang hindi nakita pero sigurado akong si Agustin iyon." Sabi ni ma'am ng hindi tumitingin sa 'kin.

Napahinto ako sa ginagawa ko. Ano naman kayang kailangan niya sa 'kin?

"Ah. Hayaan niyo lang po siyang mag-hintay. May ginagawa pa po ako." Sabi ko at muling ipinagpatuloy ang pagche-check.

"Ano ka ba? Puntahan mo na siya do'n. Ako ng bahala d'yan sa pag-checheck ng mga 'yan."

"'Wag na po. Nakakahiya sa inyo."

"Basta. Puntahan mo na siya. Mahiya ka do'n sa tao at pinag-intay mo siya. Hala, sige, lumakad ka na."

"Pero—"

"Wala ng pero pero pa. Puntahan mo na siya."

Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Ibinigay ko sa kaniya ang key to correction at dinampot ko ang bag ko at umalis na. Paglabas ko ng gate ay nakita ko siyang nakasandal sa may pader. Umarte ako na hindi ko siya napansin at nilagpasan lang siya.

"Riley, sandali!" Habol niya sa 'kin at hinawakan ako sa braso dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman na siya sa 'kin habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Wala lang. Bawal ba ma-miss ang best friend ko?" Sagot niya at inakbayan ako.

Sa halip na kiligin ako ay na-bad trip pa akong lalo. Sinabi na naman niya kasi ang term na 'best friend'.

"'Wag ako Zacharias, please." Sabi ko naman at inalis ang pagkakaakbay niya sa'kin. Hindi naman na niya ibinalik ang pagkakaakbay at naglakad na lang.

Dinala niya ako sa isang jewelry shop na ang mahal ng tinda. Ayoko namang magmukhang tanga kaya tinanong ko na siya. "Anong ginagawa natin dito?" I asked coldly. Kung alam lang niya, wala ako sa mood bumili ng mga alahas.

Nginitian at hinawakan niya lang ang kamay ko at dinala ako sa isang salamin na puno ng mga mamahaling singsing.

"Choose one." Sabi niya habang nakatingin sa mga ito.

Agad akong nakaramdam ng kaba, kaso pinipigilan ko ang sarili kong gumawa ng konklusyon na kung saan ako lang ang masasaktan. "For what? Peace offering? I don't even need that."

Saglit na namula ang tainga niya at umiwas ng tingin sa'kin. Tama ba ang hinala ko?

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Hindi. Magpo-propose na ako kay Janica mamaya."

"Okay." Nag-iwas ako ng tingin. Wala na akong ibang masabi. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga kumikinang na singsing. Talaga naman! Ako pa naisipan niyang isama para pumili ng engagement ring niya. Bwisit siya!

Sa daming magaganda at may mga naglalakihang diamond sa singsing ay isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ang nag-iisang singsing na may pinakasimpleng disenyo. Isa lamang itong singsing na kahit isang dyamante ay wala manlang nakalagay. At walang dudang isa 'tong gold. Badtrip man ay itinuro ko pa rin ang singsing na 'yon sa kaniya.

"Miss, that ring please." Sabi ni Zacharias sa saleslady. Kinuha naman ng saleslady ang singsing at iniabot kay Zacharias.

Nakita ko ang pagngiti niya. "Tama lang na ikaw ang isinama ko dito. Your taste was still the best." Sabi niya at binayaran na ang singsing.

"Yeah, I know." Bored na sagot ko naman. Matagal ko ng alam 'yan!

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay naglakad na kami pauwi. Nagprisinta siyang ihatid ako para pangbawi sa pang-aabala niya sa 'kin kaya labag man sa loob ko ay pumayag na rin ako.

Katahimikan. Iyan ang namamagitan sa 'min ngayon simula pa kanina. Wala kahit isa ang nagtatangkang magsalita sa 'ming dalawa. Lalo na ako. Wala na akong masabi sa katangahan ko.

Bago namin marating ang bahay namin ay may bench kaming nadaanan sa pagitan ng mga punong kulay pula na ang mga dahon habang isa-isa itong nagkakalaglagan sa lupa. Pakiramdam ko tuloy nasa ibang bansa kami. 

Hindi man kami nag-uusap ay kusa na kaming dinala ng mga paa namin dito at naupo.

"Anong nangyari sa 'tin?" Seryoso niyang tanong sa 'kin na bumasag sa katahimikan naming dalawa.

"H-ha?" Nagulat ako sa itinanong niya. Di ko inakala na itatanong niya 'to sa 'kin. Wala namang nangyari sa 'kin pero sa kanya, mayroon.

"Bakit bigla ka na lang lumayo sa'kin? Bakit bigla na lang nagkaroon ng gap sa pagkakaibigan nating dalawa? I thought we're best friend..." Siguro kung ako pa ang dating Riley baka umiiyak na ako ngayon.

"Hindi ako lumayo Zacharias, alam mo 'yan. At alam mo ring mahal kita bilang 'kaibigan' ko. Kinailangan ko lang dumistansya para—"

"Is it about Janica?" Hindi ako kumibo at umiwas ng tingin sa kaniya. "Naiintindihan naman kita kung gusto mo kaming bigyan ng privacy pero sana inisip mo rin na kaibigan pa rin kita. Kasangga at katulong sa lahat ng problema pero ang ginawa mo ay iniwasan mo ako. Bakit, Riley?"

Huminga muna ako ng malalim bago muli siyang tinignan. "It's been four years Zacharias... Pero bakit ngayon mo lang ako pinuntahan? After graduation, you didn't try calling me. Ni ha ni ho wala akong narinig mula sa'yo. That's why I thought I am nothing for you. Hindi sapat na every christmas eve lang tayo nagkikita dahil hindi rin naman tayo nakakapag-usap dahil may sarili ka ng mundo. Siguro nga naobliga ka lang na tulungan ako dati kasi nangako ka sa mga magulang ko na gagabayan at aalagaan mo ako." Hindi ko gustong lumabas na nanunumbat ako pero wala, ito na ang lumabas sa bibig ko.

Tinitigan niya muna ako bago siya nagsalita. "You're wrong, Riley. I said that to your parents because, I mean it.   Kaya nga pinuntahan kita ngayon kasi gusto kong muling ipagpatuloy ang ipinangako ko sa kanila."

"Because of your conscience?"

Bigla siyang napatayo na ikinagulat ko. "Of course not! It's because I love you!"

Pakiramdam ko ay huminto ang lahat. Mula sa mga taong naglalakad, sa mga dahong nagkakalaglagan, sa pagdampi ng hangin, at sa pagpintig ng puso ko. Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako?

Kahit siya ay nagulat sa lumabas sa bibig niya kaya napaupo ulit siya ng 'di oras. "I mean... I once loved you. Pero wala na 'yon ngayon. Promise! Maniwala ka sa'kin!"

Damn it! Ang sarap naman magmura. Hindi ba niya alam na 'yong sinabi niyang mahal niya ako ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Kaso, kanina lang 'yon. Hayop 'tong si Zacharias! Ba't 'di niya sinabi na mahal niya ako dati? Buti na lang hindi ako nagtatatalon sa tuwa kanina.

"Kailan pa Zacharias? Kailan mo pa ako minahal?"

"I think the day when we first met? Bata pa tayo no'n pero dahil lagi kitang kasama kaya ayon, I fell in loved with you. Buti na lang dumating si Janica. Ibinaling ko sa kaniya ang nararamdaman ko para sa 'yo. Kasi ayaw ko namang mailang ka sa 'kin dahil magkaibigan tayo."

Sa inis ko ay tumayo na ako. Plano ko ng umalis dahil sa katangahan ni Zacharias. Kung sinabi niya sa 'kin 'yon edi sana matagal ng naging kami. Dahil sa ginawa niya, nawalan na ako ng planong um-attend sa proposal niya. Peste siya! Buti na lang hindi pa ako umiiyak ngayon.

"Sandali, saan ka pupunta?" Tanong niya at hinawakan ako sa kanang kamay.

"Uuwi na." Sagot ko ng hindi siya nililingon.

"Teka! Punta ka mamaya sa park malapit sa M.U. around 6pm. I'll wait for you."

Nanatili akong nakatalikod sa kanya. "Susubukan ko." Sabi ko at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin. Paalis na sana ako ng bigla akong may maalala. "Anyway, why did you decide to marry her?" Diretsahan kong tanong.

Halata sa mukha niya ang pagkabigla ng hinarap ko siya. "What do you mean?"

"Do you really love her? O gusto mo lang maging secure ang future mo kasama siya?" Hindi ko ginustong maging offensive kaso parang ganoon ang lumabas.

Hindi siya nakakibo. It's either he really loved her or he doesn't have his choice.

"I didn't mean to question your love for her. Sorry, kung anu-ano kasing naiisip ko." Bawi ko at nagsimula ng maglakad.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa may likuran ko kaya napahinto ako. "No, you're right. Ang tanga ko ba?" Tanong niya na gusto kong sagutin ng oo pero hindi ko sinabi.

Ako naman ang napabuntong-hininga. "Alam mo namang sagrado ang isang kasal. Hindi ito isang laro na kung saan pwede kayong magtagu-taguan ng magiging asawa mo. Once you get married, your entire life changes."

"I know. But this is for my own sake."

"Ang kasal ay hindi lang basta basta. Kumabaga hindi mo ito pwedeng atrasan at hindi mo ito matatakasan. Iyang singsing na 'yan, dapat ibigay mo 'yan sa taong sa tingin mo ay nakatadhana talaga para sa 'yo. 'Yong taong mahal mo at mamahalin ka rin habang buhay."

"Kahit paano ay mahal ko pa rin naman siya. Kaya sa tingin ko naman ay tama pa rin ang naging desisyon ko. I'll marry her no matter what."

"Fine." Eh 'di kung desidido ka, go for it.

Naglakad na ako pauwi mag-isa. Nakapag desisyon na ako. Hindi ko na papakielamanan pa ang relasyon nilang dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

21.2K 1.1K 50
As a writer, I have a lot of thoughts popping out of my mind in between unlikely situations or conversations. In my twenty-two years of existence, I...
Gapang By vhfc_13

Short Story

19.7K 42 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
229K 5.7K 47
[Taglish] [SaRoGranDi Series Book 1] Published under Pink & Purple | This story revolves around a lot of secrecy. The main girls' past is a mystery...
72.2K 1.7K 56
Ever since Sofia settled in a dorm owned by her mom she didn't expect that it'll be an all-boys dorm. Hindi lang basta mga lalaki, they are the so-ca...