The Woman He Broke (Published...

By AnjSmykynyze

17M 270K 18.6K

"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then yo... More

Story Premise
The Breaking 1 - Breathing the Air He Breathes
Breaking 2 - The ManWhore Moves
Breaking 3 - Fever Pitch
Breaking 4 - Crying Over the Spilled Milk
Breaking 5 - In Love With You
Breaking 6 - Holding the Breath
Breaking 7 - Cry Just a Little
Breaking 8 - Hearts On the Ground
Breaking 9 - Cool With You
Breaking 10 - Somebody's Me
Breaking 11 - Linger
Breaking 12 - Taming the Wild Beast
Breaking 13 - Too Close
Breaking 14 - Bad Weather, Great Opportunity
Breaking 15 - Miss the Boat
Breaking 16 - Rock the Boat
Breaking 17 - Information Feed
Journal 1 - Down in the Dumps
Journal 2 - The Budding Romance
Journal 3 - the Last of the Bucket List
Breaking 19 - The Valderama Brothers
Breaking 20 - The Newly Wed
Broken 1 - Ain't Over
Broken 2 - Beautiful Destruction
Broken 3 - Anatomy of a Broken Man
Broken 4 - Close to the Edge
Broken 5 - Between Fear and Blame
Broken 6 - The Alluring Temptress
Broken 7 - The Beast Inside
Broken 8 - Lights Fade Out
Broken 9 - As it Goes
Broken 10 - Seven Deadly Sins
Broken 11 - Only Exception
Broken 12 - Winning a Battle, Losing A War
Broken 13 - This is How We Do It
Broken 14 - The Self-Destruct Button
Broken 15 - That Wild Thing
Broken 16 - From Whisper to Scream
Broken 17 - Grasping for Air
Broken 18 - Bring the Pain
Broken 19 - Five Minutes
Broken 20 - Fired Up
Broken 21 - Run Baby Run
Bliss 1 - The Dilemma
Bliss 2 - Draining All Resources
Bliss 3 - Tear Me Apart
Bliss 4 - A Little Too Late
Bliss 5 - Mago Moves
Bliss 6 - Bedroom Pleasures
Bliss 7 - Break Down the Walls
Bliss 8 - Devoured Tears
Bliss 9 - H.O.P.E (Hold On Pain Ends)
Bliss 10 - The Signs
Bliss 11 - Draining All Possibilities
Bliss 12 - The Way It Goes
Bliss 13 - Almost Is Never Enough
Bliss 14 - There It Goes
Bliss 15 - Nothing Can Stop Us Now
Epilogue - The Bucket List
Bucket List 1: Food Trip

Bliss 16 - R.I.P. Casanova

243K 3.4K 164
By AnjSmykynyze


*Arlene's POV*

Nakangiti akong nakatingin sa salamin habang suot ang wedding gown ko. Hindi man ito ang unang kasal namin, excited pa rin ako dahil napag-usapan namin ni Mago ang gagawin naming wedding vow. Para sa akin, ang gagawin naming wedding vow ang pinakaromantic. Akma kasi ito sa totoong nangyari sa amin.

"Huwag mo silang sundan!" napalingun ako kay Semira na ngayon ay parang hindi mapakali, "sh1t!" napakunot naman ang noo ko nang marinig kong nagmura ito.

Hindi naman bago sa akin na nagmumura si Semira pero nabahala ako dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang nag-alala, "Sem?" tawag ko sa kanya, "Anong problema?"

"Arlene," bakas sa kanyang mukha ang sobrang pag-alala, "can I borrow your car?"

"Tungkol ba 'to kay Mago?" kinabahan akong nagtanong.

"Mago will be fine," saad niya, "just please let me borrow your car."

May kakaiba sa sinabi ni Semira kaya wala akong imik na binigay ko ang susi ng sasakyan ko. Mabilis niya itong tinanggap at agad na pumihit para lumabas ng inarkila naming suite room sa hotel nina Marco.

Ngayon ko napatunayan ang hinala ko. Imposibleng isang walang pinag-aralang babae si Semira dahil sa pananalita niya kanina, masasabi kong sanay siya sa lingwaheng ingles.

"Nasaan si Semira?" napatingin ako sa pinto kung saan nakita ko si Dee-vyn.

"Nagmamadaling umalis," agad kong sagot.

"Ano?" Hindi inis kundi pag-alala ang nakita ko sa mga mata ni Dee-vyn, "paano siya nakaalis? Saan siya nagpunt"

"She borrowed my car," agad kong sagot, "hindi ko alam na marunong pala siyang mag-drive."

Hindi kumibo si Dee-vyn pero nakita kong dinukot niya ang kanyang cellphone saka tinignan ang cellphone, "kanina pa pala nagmimiscall ai Mago."

"Narinig kong may kausap si Semira tingin ko si Mago yun. Parang may sinabi siyang huwag sundan," saad ko.

Nakita kong nagdial ng number si Dee-vyn saka nagsalita, "Sahig! I-on mo yung tracking device sa phone ni Semira. Tingin ko papunta siya sa kuta ng Yamano-Kai."

"Yamano-Kai?" hindi ko maiwasang mapatanong.

"Arlene, magtiwala ka. Kahit anong mangyari, hintayin mo si Mago. Sisiguraduhin kong makarating siya sa kasal niyo,"pangako ni Dee-vyn saka nagmadaling lumabas ng silid.

Nagugulohan at natatakot ako dahil sa mga kilos ng mga tao sa paligid. Gusto kong maniwala na magiging okay ang lahat pero nagingibabaw pa rin ang kaba na nararamdaman ko.


*Mago's POV*

BANG!

Kahit nadaganan ko si Semira, nakuha pa rin niyang magpaputok ng baril. Mabilis naman niyang pinagpalit ang aming posisyon saka sinigawan sina Dessa at Quinn, "magtago kayo!"

BANG! BANG! BANG!

Hindi ko na alam kung saan nanggaling ang ibang putok ng baril pero nagulat ako nang may isang hindi ko kilalang lalaki ang lumapit sa amin, "Semira! Umalis na kayo."

"Hindi mo sila kakayanin," narinig kong tumutol si Semira habang sabay kaming tumakbo upang magtago sa likod ng sasakyan ko.

"Kuya!" napalingon kami nang marinig namin si Dessa.

"Mago," saad ni Dee-vyn habang kumilos na ang mga pulis upang pasukin ang gusali, "umalis ka na. Hinihintay ka na ng bride mo. Kami na ang bahala dito."

"Isasama ko sina Dessa," saad ko.

"Hulihin niyo siya," hindi pinansin ni Dee-vyn ang sinabi ko at agad na nag-utos na hulihin ang lalaking tumulong sa amin.

"Sarhento!" humarang si Semira sa lalaki, "biktima din siya tulad ko. Iligtas mo siya at makikipagtulongan kami sa inyo."

Nakita ko ang pagtiim baga ni Dee-vyn. Halatang hindi galit kindi selos ang lumalabas sa nangungusap niyang mga mata kaya nagpasya akong magsalita, "siya ang bumaril sa taong papatay sana kay Semira. Hindi siya kalaban, Dee-vyn, makinig ka kay Semira."

"Dalhin siya sa safe house," saad ni Dee-vyn saka hinila si Semira, "may kasal tayong dadaluhan."

Napangiti ako sa nakita ko. Sa kilos at pananalita ni Dee-vyn, halatang mahal na niya si Semira. Ayaw pa man niyang aminin ito, alam kong natatakot na siyang mawala sa kanya si Semira.

-----------------------------------------------------------

Agad na nagkagulo ang mga tao sa paligid ng sasakyan ko nang marating ko ang simbahan.

"Mago! You are 20 minutes late," inis na sinalubong ako ni Janine.

"Si Arlene?" agad kong tanong.

"Nasa bridal car. Nasaan na si Semira?" Sabat ng wedding coordinator.

"Nandito na kami," saad naman ni Dee-vyn.

"Okay," tumango ang coordinator, "pumwesto na kayo. Matutuloy na ang kasal."

Tulad ng traditional wedding, sinimulan ang seremonya sa isang entourage kung saan una akong pumasok saka sumunod ang ibang nasa listahan. Hindi ko akalaing mramdaman ko ang ganitong klaseng saya dahil kahit kailan, hindi ko inisip na magkakaroon ako ng ganitong klaseng okasyon sa buhay. Tumayo ako sa gilid ng altar kasama si Marco, na siyang best man ko.

Napatayo naman ako ng tuwid nang isinarado nila ang pinto ng simbahan habang hinintay na makarating sa kanyang uupuan ang huling tao sa entourage.

"Ladies and gentlemen," anunsyo ni Aislin na siyang kinuha naming commentator sa kasal, "the bride."

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kasiyahan nang masilayan ko ang asawa ko sa pagbukas ng pinto ng simbahan. Pareho naming hinintay ang araw na ito kaya hindi surpresa kundi pananabik na maipakita namin sa lahat ng taong mahal namin na mag-iisang dibdib na kami ngayon.

Sinalubong siya ng kanyang ama nang marating niya ang gitna ng simbahan. Halos parang bumagal naman ang oras nang maglakad na sila patungo sa kinaroroonan kaya nakailang beses akong napaayos sa suot ko.

"Relax, pare," tinap ni Marco ang balikat ko, "makakarating din siya dito. Hindi ka tatakbohan ng asawa mo, renewal na 'to kaya huwag ka nang kabahan."

"Support ka na lang, Pare," saad ko saka huminga ng malalim dahil ilang hakbang na lang ay magkakalapit na kami ni Arlene.

"Huwag mo nang saktan ang anak ko," natawa ako sa sinabi ng ama ni Arlene nang iabot niya sa akin ang kamay ni Arlene, pabiro niya kasi itong sinabi pero alam kong may halong katotohanang pagbanta yun.

Maayos na idinaos ang kasal namin ni Arlene hanggang sa oras na para sa aming mga wedding vows. Napag-usapan namin ni Arlene na idaan sa kanta ang aming wedding vow, pero dahil sa nangyari sa akin kanina, naisipan kong magsalita muna bago pinasimulan ang pagtugtog ng guitara.

"Arlene, nang masangkot ako sa gulo kanina, walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi ikaw at si Kezia," panimula ko na alam ko namang ikinagulat niya, "hayaan mo muna akong magsalita bago natin kantahin ang napagkasunduan nating wedding vow."

Nakita kong tumango si Arlene pero hindi nakawala sa paningin ko ang pagtulo ng kanyang luha kaya nilapitan ko siya upang punasan ang luhang iyon, "ilang beses kitang pinaiyak dahil isa akong gago noon. Wala akong inisip kung hindi ang sarili ko. Pero hindi ka sumuko. Pinakita mo sa akin ang kagandahan ng pag-ibig," humarap ako sa aming mga panauhin, "ngayong araw na ito namatay si Mago Concepcion. Ang Mago na walang ibang inisip kung hindi ang sarili. Ang Mago na kilala ng marami na isang Casanova o manwhore, hindi ko pala pwedeng patayin ang pagiging monster in bed niya kasi sigurado akong bubuhayin yun ng asawa ko," narinig ko ang tawanan mga tao pero hinarap ko si Arlene, "ngayong araw ipinanganak si Mago Concepcion. Ang Mago na asawa ng isang Arlene Mejorada. Mula ngayong araw na ito, Arlene Mejorada-Concepcion, you define Mago Concepcion. I will be ready to take in everything, to take on life, to risk on love, to be the man who will take and keep you for the rest of my lifetime, kasama anak natin na si Kezia Rannee Joy, the sweet-scented spice na nagbibigay sa atin ng bagong buhay, at siya ring nagbibigay ng saya sa atin kaya natin dinagdagan ng 'Joy' ang pangalan niya."

Tumango ako kay Stuart saka inihanda ang pagkanta sa napagkasunduan naming kanta para sa wedding vow namin, "I Will Take You Forever" by Christopher Cross and Frances Rufelle.

"I was a man who always played around in love. So quick to take but so afraid to give enough," nakangiti akong lumapit sa kanya habang kumakanta, "but now I've found the one and heaven will only know what only my eyes can say and time can't take away."

"I was a girl who trusted no one with my heart and the dreams that young girls dream were just vanishing in the dark," sinagot niya ako habang pinag-isa namin ang aming mga kamay, "but now I've found the one and heaven will only know what only my eyes can say, they say."

And the song goes on...

_______________________________-

AN: Marami pong salamat sa pagpansin niyo sa pabebeng request ko sa previous chapter. Kahit hindi niyo ito naabot, nais kong iparating sa inyo na sobra akong natuwa dahil pinakita ninyong gagawa kayo ng paraan upang maipost ko ang chapter na ito.

Dito na po magtatapos ang masalimuot na love story nina Mago at Arlene dahil sisimulan na nila ang masayang pagmamahalan kasama ang mga anak nila. Gagawa po ako ng Epilogue kaya sana abangan niyo ito.

Not edited.

Not reviewed.

May contain grammatical errors.

Continue Reading

You'll Also Like

22.5M 329K 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanya...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.6M 50.5K 54
Mga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si T...